Share

Chapter 3

Author: Airi Snow
last update Last Updated: 2021-10-22 17:30:34

Saturday, August 28, 7:55 AM

   Narinig ni Damien ang langitngit ng de-gulong na cart sa labas ng kanyang kwarto. Bumukas ang pinto at pumasok ang orderly na nag-aasikaso sa kanya. Nakalimutan niya kung ano’ng pangalan nito dahil pang-ilan na itong pumalit sa mga nauna kaya hindi na siya nag-aaksaya ng panahon na alamin o tandaan pa ang  pangalan nito. Pumasok ito sa loob ngunit bahagyang natigilan nang maramdaman nito ang kakaibang lamig sa silid na iyon.

    Lumunok ito. “Good morning, Mr. Argento. Masyado yatang mataas ang setting ng aircon dito sa kwarto.”

Napatingin ito sa nag-iisang kama sa silid. Sa uluhan nito ay tila may hamog na bumabalot kung kaya’t malabo ang tingin niya rito. Kinusot-kusot niya ang mga mata sa pag-aakalang may kung ano’ng puwing na dahilan nito.

“M-Mr. Argento?” Nag-aalinlangang tawag nito sa pasyenteng nakahiga sa kama. Ramdam niya ang lamat na nilikha ng kanyang boses sa mabigat na katahimikan. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang ihakbang ang mga paa palapit sa kama. Pinilit pa niya ang sarili para lang tawagin ang pangalang iyon.

Bumangon si Damien at naupo. Ang kanyang mga mata ay sandaling napagawi sa kanyang kaliwa, nagtagal doon ng ilang segundo, bago dumako sa orderly. 

Nawala bigla ang mapaglarong presensya. Walang anu-ano ay naglaho na lang ito at walang bakas na iniwan. Nawala ang tila madilim na hamog sa silid at bumalik sa normal ang temperatura. Tila numipis ang hangin lumuwag ang kanilang paghinga

Iwinaksi ng orderly ang naramdamang kilabot sa pamamagitan ng pagkibit ng balikat, at tulad ng dati ay inisip na pagod lamang ito sa ilang araw na night shift kaya kung anu-ano ang mga pumapasok sa utak nito. Lumapit ito kay Damien at tinulungan siyang ayusin ang kanyang higaan.

“Makakalabas ka na ngayong araw,” patuloy ng orderly sa pilit na masaya nitong boses. “Dumating na si Mr. Bernabe. Inaasikaso lamang nito ang mga discharge procedures at pagkatapos ay p’wede ka nang umuwi.”

Hindi sumagot si Damien. Sa ekspresyon nito ay hindi sigurado ng orderly kung nakikinig ba ito o naglalakbay ang isipan. Hindi si Damien ang tipo ng pasyente na nagbigay sa kanila ng sakit ng ulo, subalit hindi rin ito ang tipo na hindi sila binigyan ng problema. Makikiayon ito batay sa kung ano’ng mood nito at kung hindi naging maganda  ang gising nito ay walang makapipilit dito na gawin ang ayaw nitong gawin, kahit pa ang kaharap na nito ay ang attending psychiatrist nito o dean ng facility mismo. Kung pagbabasehan lang ang mga ang ugaling ipinakita nito doon, tila isang ordinaryong teenager lamang ito na maagang nag-matured ang isipan at naging withdrawn dahil sa trauma na dinanas.

 Hindi ito bayolente o mapanira. Hindi rin ito nag-se-self-mutilate. Bukod sa unang kalahating taon nito doon, wala na rin silang nakitang signs ng mga hallucinations nito na siyang naging pangunahing dahilan kung bakit ito na-confine. Pinapayagan na itong makaalis doon upang bumalik sa dati nitong buhay at makapag-adjust ng naaayon sa edad nito.

Dahil sa nahalata ng orderly na wala sa mood makipag-usap si Damien, tulad ng pangkaraniwan, ginawa lang nito ang mga kailangang gawin at saka muli ring umalis upang gawin ang iba pa nitong trabaho.

Hindi nagtagal at ang kaharap na ni Damien ay si Lucio Bernabe. May dala itong bag na wari ni Damien ay may lamang pamalit niya ng damit. Binati siya nito nang magalang at saka inabot ang dala kay Damien. 

“Makakahinga na ng maayos ang Chairman ngayong maayos na ang iyong kalagayan.” komento nito nang matitigan siyang mabuti.

 Isa si Lucio Bernabe sa mga naging beneficiary ng scholarship program ng kanilang kumpanya. Itinuturing nitong malaking utang ng loob ang ilang taong pag-sponsor ng Argento business empire sa pag-aaral nito. Maswerte rin itong naipadala sa ibang bansa at nakapag-aral sa prestihiyosong Yale University para sa postgraduate degree nito.

Bilang kapalit ng lahat ng tulong na ito ay ang buong katapatang panunungkulan sa kasalukuyang head ng pamilya Argento-- walang iba kundi si Artucrus Argento. Isang dekada lang ang tanda ni Lucio Bernabe kay Damien, ngunit ito na ang isa sa pinakabatang nasa isa sa pinakamataas na posisyon sa kanilang kumpanya. Isang Executive Assistant at Head ng Secretarial Team, isa sa mga nakaalalay sa likod ng Argento head upang maayos na mapatakbo ang kanilang mga negosyo. Malaki ang paghanga nito sa ama ni Damien, habang si Damien naman ay itinuturing ito na isa lamang sa mga tutang sunud-sunuran sa kanyang ama.

May sinasabi pa ito pero wala lang pakialam si Damien at tuloy-tuloy na pumasok sa adjacent na banyo sa kanyang silid at saka mabilisang naligo at nagpalit ng damit. Dalawang taon na puro hospital gown ang kanyang suot, umaga man o gabi, mula Lunes hanggang Linggo kaya halos hindi niya nakilala ang repleksyon niya sa salamin nang mapalitan na ang kanyang suot.

Kumisap ang ilaw ng bombilya sa itaas niya at sa isang iglap nasa salamin na rin ay pamilyar niyang bisita. Bahagyang bumuka ang mga labi nito, tila may nais sabihin sa kanya, ngunit wala pa rin siyang narinig na tinig mula rito.

Naramdaman ni Damien ang galit nito sa kanya. Hindi nito gusto ang nalalapit niyang pag-alis. Ang manipis na itim na aura na bumabalot dito ay bahagyang kumapal. Ilang taon lang ang bibilangin at sa tingin niya ay tuluyan na itong magiging isang masamang espirito. 

Bago tuluyang mangyari iyon ay kailangang may gawin siya.

Pero hindi ngayon. Hindi ngayon habang nasa labas lang ng pinto at naghihintay ang isang pinagkakatiwalaan ng kanyang ama na maaaring mag-sumbong dito at sabihing hanggang ngayon ay baliw pa rin siya.

Isang malaking kasalanan ang maging pinakamalaking kapintasan ng kapita-pitagang pamilyang Argento. Siya ang mama niya ang itinuturing na dungis sa malinis na reputasyon ng kanilang pamilya.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa gilid ng labi ni Damien, na sa huli ay napalitan ng pagka-walang pakialam.

Pagkabihis ay lumabas na siya at dinaanan lang ang sekretarya at dumiretso sa opisina ng attending psychiatrist niya. Tahimik na nakasunod sa kanya si Lucio ngunit hindi ito tumuloy nang pumasok na si Damien sa loob.

Tila may-ari ng lugar si Damien. Direkta niyang tinungo ang recliner kung saan siya laging pumupwesto sa mga naging sessions niya roon.

Nag-angat ng tingin mula sa binabasa nitong file si Dr. Matthew Vaughn, ang kanyang attending psychiatrist, sa pagdating niya. Nakaupo ito sa swivel chair sa likod ng desk nito.

Bukod sa kanyang kwarto, ang opisinang iyon ang pinakapamilyar sa kanyang pisikal na katawan sa buong facility. Isa ito kung saan siya maraming oras na inilagi, labag man ito sa kanyang kalooban. Ang matangkad na bookshelf na puno ng mga psychology books at case studies, ang mga framed award certificates na nakasabit sa isang pader, at ang buong interior design na sa tingin niya ay sadya talaga upang gawing mas open at maging komportableng magsabi ng kanilang mga saloobin ang mga pasyenteng tulad niya. Inaamin niyang naging epektibo ang estilong iyon sa kanya.

Hindi gusto ni Damien ang psychiatrist niya pero ito ang pinaka-nakakaalam ng marami sa kanyang mga sikreto, at isa pa, sa kalahating taon na halos araw-araw ay mahigit isang oras niya itong nakakausap, medyo komportable na siya rito kahit papaano. 

Hindi nga lang ito ang tipo na iimbitahan niya sa kanyang birthday party o aayain para makainuman. Masyadong marami ang nalalaman nito tungkol sa kanya at hindi niya gusto iyon. Ang mga bagay na sinabi niya rito sa mga panahon na sa tingin niya ay siyang kanyang pinakamahina, sa mga oras na pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya sa mundo, na halos mawala na siya sa kanyang katinuan, si Dr. Vaughn ang tanging naroroon, kahit na trabaho lang talaga ang ginagawa nito at wala nang iba.

May dugo itong banyaga base sa ash brown nitong buhok at berdeng mga mata. Nanggaling pa ito ng Amerika at inimbitahan ng pamunuan ng facility dahil sa professional achievements at recognition nito. Popular ito hindi lang sa mga interns at nurses doon kundi pati na rin sa mga pasyenteng hawak nito. 

Malaki ang naitulong nito kay Damien upang makabalik siya sa tamang katinuan at matutuhang kontrolin ang kanyang mga pangitain upang hindi siya mahirapang tukuyin ang tunay na realidad.

Hindi tulad ng mga naunang psychiatrist na tumingin sa kanya, pinuntirya nito ang pinag-ugatan ng kanyang problema. Hindi agad ito nagbigay ng diagnosis at nagreseta ng sandamakmak na gamot na wala namang naitulong sa kanya. Hindi sigurado ni Damien kung naniniwala ba ito sa sinabi niya ritong kakayahang makakita ng mga multo pero tiyak niyang interesado ito sa kanyang astral projection. Gayunpaman ay maingat ang pakikitungo niya rito, may kasamang pangingilag. 

Isa si Dr. Matthew Vaughn sa mga taong hindi gano’n kadaling basahin ngunit sa mga mata pa lamang nito ay nababakas na niya ang kakaibang interes nito sa kanya, na tila ba isa siyang specimen na nasa ilalim ng microscope at gusto nitong kalikutin upang obserbahan.

“How’re you feeling today, Damien?” tanong nito, tulad ng karaniwan. Ang buong atensyon nito ay nakatuon kay Damien. 

“Tulad pa rin ng dati.” bagot na sagot ni Damien. “Kailangan mo pa bang paulit-ulit na itanong ‘yan, Dr. Vaughn? Kahapon lang tayo huling nagkita at sa lugar na ito na wala naman masyadong ganap, kaya wala ring masyadong nagbago.”

Tumawa ito nang mahina. “That may be true, pero today has something different. How do you feel now that today is your last day here?”

“Great, actually. Medyo nakakasawa na kasi na lagi na lang tayo nagkikita. Mas maraming beses pa kitang nakita sa isang taon, kaysa sa ilang beses kong nakita ang ama ko sa halos 20 years kong nabubuhay sa mundo.”

“Your father is one of the richest men in the country. It’s not easy trying to run a business empire.”

Umikot ang mga mata ni Damien. “Kaya pala may oras pa siya sa pambabae.”

“Hindi madali ang mag-manage ng real estate company. People deal with stress in different ways.”

“Well, whatever.” Nangangahulugan ‘yon na tapos na para sa kanya ang usapan nila.

Kabisado na ni Dr. Vaughn si  Damien kaya ngumiti lang ito. “Don’t forget your scheduled visits.”

“Oo na, oo na.” Mababakas na ang nagsisimulang pagkayamot sa mukha ni Damien.

“Sana ay hindi ka na babalik dito.”

“Don’t worry, Doc. Wala na talaga akong balak na bumalik pa.”

“Kahit na wala ka nang balak bumalik, magkikita pa rin naman tayo. Don’t forget to attend our weekly meetings.”

Umikot ang mga mata ni Damien. “Isa ka talaga sa hindi ko ma-mi-miss sa lugar na ito.”

Umismid siya pagkasabi no’n. Ubos na ang pasensya niya. Tumindig siya at hindi na hinintay pa ang huling mga sasabihin ni Dr. Vaughn. Sigurado siyang kung importante ‘yon ay si Lucio na ang bahala doon. 

Lumabas siya ng opisinang iyon. Naghinintay sa kanya si Lucio.

“Ready to leave?” tanong nito.

Hindi sumagot si Damien at naglakad na ito sa palabas ng lobby at tumunga sa parking lot kung saan niya naalalang naroroon ang kotse. Parang inatake siya ng deja vu nang makita ang kabuuan ng paligid. Dalawang taon nang huli siyang makatapak doon. Marami na ang nagbago. Mas malalago na ang mga dahon ng mga puno at mga halaman sa paligid. Pamilyar iyon sa kanya dahil nakita na niya iyon sa kanyang astral travel. Isa na namang patunay na totoo ang kanyang kakayahan. Hindi siya nababaliw.

Lumingon siya sa direksyon ng mga puno kung saan niya nakita ang kaluluwa ng dalagita noong sa astral realm siya. Wala siyang nakita doon.

Kumunot ang noo ni Damien. Bakit wala?

Inaasahan niyang naroroon iyon. Totoo ba na nakita niya ito sa astral realm o parte lamang iyon isang pangitain?

“Sir Damien?” tawag ng driver nang ilang minuto na ay hindi pa rin pumapasok si Damien sa loob ng kotse.

“May nakalimutan ka ba sa loob, Sir Damien?” tanong din ni Lucio.

“Wala.” tipid niyang sagot.

Binawi ni Damien ang tingin at pumasok sa back seat ng kotse. Si Lucio ay sa passenger’s side. 

Sa bintana ng kotse ay tanaw ni Damien ang bughaw at malawak na langit. Ang parehong langit na tanaw niya mula sa bintana ng kanyang silid sa North Star Safe Haven ay tila naiiba ngayong nasa labas na siya. 

Iba pa rin ang taglay na aliwalas ng malayang kalangitan kanya ngayong nasisilayan. Kahit pa may mga itim na ulap na papalapit mula sa malayo.

*******

Related chapters

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 4

    Saturday, August 28, 11 AM Makulimlim ang kalangitan, nagbabadya ng malakas na ulan, nang marating ni Detective Gunther Oliviera ng Homicide Department sa lalawigan ng Anselmo ang crime scene. Mahaba at lubak-lubak ang kalsadang kailangang baybayin patungo sa pupuntahan kaya natagalan siyang marating ito. Doble ingat siya sa pagmamaneho dahil ramdam na ramdam na niya ang pagod dala ng ilang araw na kakulangan sa tulog at pahinga. Sunod-sunod ang mga kaso ng mga bayolenteng krimen ang idinulog sa presinto nila nitong mga nakaraang araw at hindi na sila magkandaugaga kung ano ang uunahin nilang lutasin sa mga ito. Lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho ay nasa parehong kalagayan niya kaya hindi niya magawang magreklamo. Katatapos lang ng huling kaso niya, isang suspected murder ng isang mayamang negosyante

    Last Updated : 2021-10-24
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 5

    Saturday, August 28, 12:37 PMIsang sigil ang nakaukit sa likod ng dalawang puno. Ang itsura nito ay dalawang concentric circles na sa gitna ng nasa pinakaloob na bilog ay kakaibang mga simbolo at mga letrang hindi siya pamilyar kung saang lengguwahe nagmula. Ngayon lamang niya nakita ang mga iyon.‘Gawa nga kaya ito ng isang kulto?’ tanong ni Gunther sa sarili. Maraming mga palatandaan ang tila pinapaboran ang teoryang iyon, ngunit hindi pa siya sumasang-ayon doon nang lubusan.“Kulto nga kaya ang may gawa nito?” pasimpleng tanong ni Guevarra sa kanya. Ilang kaso na ang pinagsamahan nila kung kaya’t kabisado na nila kung paano mag-isip an

    Last Updated : 2021-10-31
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 6

    Saturday, August 28, 1 PM Nakalimutan na ni Damien kung gaano kalayo sa sibilisasyon, o sa pinakamalapit na kabahayan ng mga ordinaryong residente, ang buong pasilidad ng North Star Safe Haven. Maluwag ang kalsada dahil tanging ang kotse lang nila ang bumabyahe roon nang mga oras na iyon. Maraming mga malalago at berdeng mga puno at mga halaman sa magkabilang gilid ng daan. May mga nadaanan din silang malawak na kapatagan na puno ng mga matataas na damuhan. Pagkalipas ng ilang taon, maaaring maging okupado na ito ng mga bagong-tayong subdivision, pero sa ngayon ay pag-aari pa ito ng kalikasan. Ang isa pang nakalimutan ni Damien ay kung gaano katagal ang inaabot ng biyahe at kung gaano kalubak-lubak ang kalsada na hindi masyadong napapanatiling maayos dahil sa bihira lamang ang mga nagdaraan d

    Last Updated : 2021-11-02
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 7

    Saturday, August 28, 2:05 PM Daig pa ni Damien ang binuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig. Wala sa sarili niyang binuksan ang pinto ng kotse sa tabi niya at saka bumaba. “Sir Damien?” nagtataka si Lucio nang makita si Damien na lumabas ng kotse at tila ba wala sa sarili. Hindi siya narinig ni Damien. Makulimlim nang mga oras na iyon sapagkat puno ng makakapal na ulap ang kalangitan. Umihip ang hangin, isang matinis na sipol na nagpapahiwatig na malapit na nagbabadyang masamang panahon. Maalinsangan ang paligid. Sandali na lang at siguradong papatak na ang ulan. Isang marahang simoy ng hangin dala ang samyo ng mga puting rosas ang dumaan kay Damien. Lumi

    Last Updated : 2021-11-03
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 8

    Saturday, August 28, 2:25 PM Tinanaw ni Gunther ang paglalagay sa katawan sa loob ng body bag, at ang mga miyembro ng forensics team na nagkukumahog na makakuha ng clues sa lugar kung nasaan kanina'y nakahiga ang bangkay. Maaaring may isang hibla ng buhok, o may fingerprint mula sa isang bagay na naiwan ng killer. Bawat detalye ay mahalaga. Sa ilang oras na nakalipas ay marami pa ang dumagdag sa kanilang imbestigasyon subalit hindi lahat ng kanilang katanungan ay nagkaro’n agad ng kasagutan. ‘Sana ay may makuha pang kapaki-pakinabang ang mga ito.’ tahimik niyang hiling. Isang kidlat ang tila'y bumitak sa parte ng langit na nasa itaas nila, na nasundan muli ng mas malakas na kulog.

    Last Updated : 2021-11-04
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 9

    Saturday, August 28, 2:42 PM Tumalim pang lalo ang tingin ni Gunther sa binatilyong tinatawag niyang “Beautiful Eyes” sa isip. Bakas niya ang pag-aalinlangan nitong magpakita ng pagkakakilanlan. Tumunog ang mental warning bells niya dahil doon. Ang mga taong ayaw magpakilala ay madalam na may mga itinatago. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang pagdududa niya rito. Mula sa pagiging detective mode ay nag-instant switch siya sa interrogator mode. Ang mga emosyong nasa mukha nino ay napalitan ng malamig na ekspresyon. Nakita niyang naramdaman ni Beautiful Eyes ang kanyang panlalamig dahil wala sa sariling napalunok ito, isang maliit na tanda ng nerbiyos, kahit na ang mapanghamong kislap sa mga mata nito ay hindi naglaho bagkus ay mas lalong sumidhi.

    Last Updated : 2021-11-05
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 10

    Saturday, August 28, 4:33 PM Hindi pa rin tumitila ang ulan nang marating ni Gunther ang opisina ng kanilang himpilan ngunit humina na ito. Bahagya siyang nabasa nang suungin niya ang manaka-naka na lang na tagaktak nito para makapasok sa lobby ng kanilang building mula sa parking lot na nasa likod nito. Pagkapasok niya ng double glass doors patungo sa main lobby ay naabutan niya ang janitor nila na nag-mo-mop ng basang sahig na gawa ng mga basang sapatos na dumaan dito. Tinanguan niya ito nang batiin siya nito at saka siya dumiretso sa main office sa first floor kung saan bumungad sa kanya ang kinasanayan niyang tanawin at mga ingay na normal tagpo sa kanilang pang-araw-araw. Background noise na ang ingay ng mga nag-tatayp ng statements at transcripts, pati na rin ang paglilipat ng mga pahina ng m

    Last Updated : 2021-11-06
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 11

    Saturday, August 28, 4:48 PMNatapos ang usapan ng tatlo nang dumating si Police Captain Nelson Gaspar, ang may hawak sa Homicide Department kung saan sila kabilang. Mukhang kadarating lamang nito galing sa isang meeting.“Tamang-tama at nandito pala kayo,” bati nito sa kanila, na magalang ding tinugunan ng tatlo.Si Police Captain Nelson Gaspar ay ang isa sa mga pinkanirerespetong officer ni Gunther. Isa ito sa mga naging protege ng kanyang ama ngunit hindi naman ito kasing istrikto nito magpalakad. Sa katunayan, ito pa nga ang nagpabilis ng pagkakapasa ng promotion niya bilang isang police detective. Ito rin ang nag-assign sa kanya sa Homicide Team. Magaling itong pulis at isang mabuting mentor sa kanya at sa iba pa niyang mga kasamahan, lalo na sa mga baguhan pa lamang sa serbisyo.

    Last Updated : 2021-11-11

Latest chapter

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 13

    Saturday, August 28, 7:30. PM Nakabibingi ang katahimikang namamayani sa kanyang bagong loft apartment. At nakakabaliw. Tulad ng pakilala ni Lucio sa kanya, moderno ang apartment. Minimalist industrial at low-key luxury ang motif ng interior design. May floor-to-ceiling window sa living room area at nang mga oras na iyon ay tanaw niya ang cityscape ng Anselmo City, ang makikinang at iba’t ibang kulay na ilaw sa mga kabahayan at mga gusali ang pumalit sa mga bituing nagtatago sa likod ng makakapal na ulap ulan. Tanging ang living room area lamang ang buong-buong naliliwanagan ng shaded pendant ceiling lights sa bahaging iyon. Nakaupo siya sa mahabang itim na leather couch sa gitna ng living room. Sa coffee table ay nakalapag ang isang manila envelope na

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 12

    Saturday, August 28, 7:12 PM Napailing si Gunther. Hindi niya ugaling hatulan agad ang isang tao nang walang lang makapagpapatunay na ito nga ang may sala. Innocent until proven guilty. May nalalaman ito. Ito ang tanging nasisiguro niya nang mga oras na iyon. Ang kailangan niyang gawin ay ang mapaamin ito sa mga nalalaman nito. Ngunit sa paanong paraan? Pinasadahan pa ng mga mata niya ang iba pang news article na available online ngunit bigla siyang natigilan nang mabasa ang isang detalyeng ngayon lamang niya nalaman. It was his father who pronounced and vouched for Damien Argento’s innocence. Matibay ang alibi at napatunayang nasa ibang lugar si Dam

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 11

    Saturday, August 28, 4:48 PMNatapos ang usapan ng tatlo nang dumating si Police Captain Nelson Gaspar, ang may hawak sa Homicide Department kung saan sila kabilang. Mukhang kadarating lamang nito galing sa isang meeting.“Tamang-tama at nandito pala kayo,” bati nito sa kanila, na magalang ding tinugunan ng tatlo.Si Police Captain Nelson Gaspar ay ang isa sa mga pinkanirerespetong officer ni Gunther. Isa ito sa mga naging protege ng kanyang ama ngunit hindi naman ito kasing istrikto nito magpalakad. Sa katunayan, ito pa nga ang nagpabilis ng pagkakapasa ng promotion niya bilang isang police detective. Ito rin ang nag-assign sa kanya sa Homicide Team. Magaling itong pulis at isang mabuting mentor sa kanya at sa iba pa niyang mga kasamahan, lalo na sa mga baguhan pa lamang sa serbisyo.

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 10

    Saturday, August 28, 4:33 PM Hindi pa rin tumitila ang ulan nang marating ni Gunther ang opisina ng kanilang himpilan ngunit humina na ito. Bahagya siyang nabasa nang suungin niya ang manaka-naka na lang na tagaktak nito para makapasok sa lobby ng kanilang building mula sa parking lot na nasa likod nito. Pagkapasok niya ng double glass doors patungo sa main lobby ay naabutan niya ang janitor nila na nag-mo-mop ng basang sahig na gawa ng mga basang sapatos na dumaan dito. Tinanguan niya ito nang batiin siya nito at saka siya dumiretso sa main office sa first floor kung saan bumungad sa kanya ang kinasanayan niyang tanawin at mga ingay na normal tagpo sa kanilang pang-araw-araw. Background noise na ang ingay ng mga nag-tatayp ng statements at transcripts, pati na rin ang paglilipat ng mga pahina ng m

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 9

    Saturday, August 28, 2:42 PM Tumalim pang lalo ang tingin ni Gunther sa binatilyong tinatawag niyang “Beautiful Eyes” sa isip. Bakas niya ang pag-aalinlangan nitong magpakita ng pagkakakilanlan. Tumunog ang mental warning bells niya dahil doon. Ang mga taong ayaw magpakilala ay madalam na may mga itinatago. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang pagdududa niya rito. Mula sa pagiging detective mode ay nag-instant switch siya sa interrogator mode. Ang mga emosyong nasa mukha nino ay napalitan ng malamig na ekspresyon. Nakita niyang naramdaman ni Beautiful Eyes ang kanyang panlalamig dahil wala sa sariling napalunok ito, isang maliit na tanda ng nerbiyos, kahit na ang mapanghamong kislap sa mga mata nito ay hindi naglaho bagkus ay mas lalong sumidhi.

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 8

    Saturday, August 28, 2:25 PM Tinanaw ni Gunther ang paglalagay sa katawan sa loob ng body bag, at ang mga miyembro ng forensics team na nagkukumahog na makakuha ng clues sa lugar kung nasaan kanina'y nakahiga ang bangkay. Maaaring may isang hibla ng buhok, o may fingerprint mula sa isang bagay na naiwan ng killer. Bawat detalye ay mahalaga. Sa ilang oras na nakalipas ay marami pa ang dumagdag sa kanilang imbestigasyon subalit hindi lahat ng kanilang katanungan ay nagkaro’n agad ng kasagutan. ‘Sana ay may makuha pang kapaki-pakinabang ang mga ito.’ tahimik niyang hiling. Isang kidlat ang tila'y bumitak sa parte ng langit na nasa itaas nila, na nasundan muli ng mas malakas na kulog.

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 7

    Saturday, August 28, 2:05 PM Daig pa ni Damien ang binuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig. Wala sa sarili niyang binuksan ang pinto ng kotse sa tabi niya at saka bumaba. “Sir Damien?” nagtataka si Lucio nang makita si Damien na lumabas ng kotse at tila ba wala sa sarili. Hindi siya narinig ni Damien. Makulimlim nang mga oras na iyon sapagkat puno ng makakapal na ulap ang kalangitan. Umihip ang hangin, isang matinis na sipol na nagpapahiwatig na malapit na nagbabadyang masamang panahon. Maalinsangan ang paligid. Sandali na lang at siguradong papatak na ang ulan. Isang marahang simoy ng hangin dala ang samyo ng mga puting rosas ang dumaan kay Damien. Lumi

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 6

    Saturday, August 28, 1 PM Nakalimutan na ni Damien kung gaano kalayo sa sibilisasyon, o sa pinakamalapit na kabahayan ng mga ordinaryong residente, ang buong pasilidad ng North Star Safe Haven. Maluwag ang kalsada dahil tanging ang kotse lang nila ang bumabyahe roon nang mga oras na iyon. Maraming mga malalago at berdeng mga puno at mga halaman sa magkabilang gilid ng daan. May mga nadaanan din silang malawak na kapatagan na puno ng mga matataas na damuhan. Pagkalipas ng ilang taon, maaaring maging okupado na ito ng mga bagong-tayong subdivision, pero sa ngayon ay pag-aari pa ito ng kalikasan. Ang isa pang nakalimutan ni Damien ay kung gaano katagal ang inaabot ng biyahe at kung gaano kalubak-lubak ang kalsada na hindi masyadong napapanatiling maayos dahil sa bihira lamang ang mga nagdaraan d

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 5

    Saturday, August 28, 12:37 PMIsang sigil ang nakaukit sa likod ng dalawang puno. Ang itsura nito ay dalawang concentric circles na sa gitna ng nasa pinakaloob na bilog ay kakaibang mga simbolo at mga letrang hindi siya pamilyar kung saang lengguwahe nagmula. Ngayon lamang niya nakita ang mga iyon.‘Gawa nga kaya ito ng isang kulto?’ tanong ni Gunther sa sarili. Maraming mga palatandaan ang tila pinapaboran ang teoryang iyon, ngunit hindi pa siya sumasang-ayon doon nang lubusan.“Kulto nga kaya ang may gawa nito?” pasimpleng tanong ni Guevarra sa kanya. Ilang kaso na ang pinagsamahan nila kung kaya’t kabisado na nila kung paano mag-isip an

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status