Saturday, August 28, 11 AM
Makulimlim ang kalangitan, nagbabadya ng malakas na ulan, nang marating ni Detective Gunther Oliviera ng Homicide Department sa lalawigan ng Anselmo ang crime scene. Mahaba at lubak-lubak ang kalsadang kailangang baybayin patungo sa pupuntahan kaya natagalan siyang marating ito.
Doble ingat siya sa pagmamaneho dahil ramdam na ramdam na niya ang pagod dala ng ilang araw na kakulangan sa tulog at pahinga. Sunod-sunod ang mga kaso ng mga bayolenteng krimen ang idinulog sa presinto nila nitong mga nakaraang araw at hindi na sila magkandaugaga kung ano ang uunahin nilang lutasin sa mga ito. Lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho ay nasa parehong kalagayan niya kaya hindi niya magawang magreklamo.
Katatapos lang ng huling kaso niya, isang suspected murder ng isang mayamang negosyanteng ginang na nakumpirma nilang isa palang suicide, pero wala pang beinte-kwatro oras ang nakalilipas at heto na naman at meron na naman siyang bago. Handang-handa na sana siyang mag-day off muna ng ilang araw para makapagpahinga, hindi pa niya nagagamit ang vacation leave niya noong nakaraang taon, pero nagkataong sa kanya in-assign ng kanilang chief ang itinawag na kaso sa kanila. Isang walang buhay na katawan ng isang dalagita ang natagpuan sa isa sa malalayong barangay sa kanilang probinsya.
Halos liblib na ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay kaya natagalan siyang puntuhin ang eksaktong lokasyon nito. Tahimik kasi ang nasabing lugar at wala masyadong nagaganap na krimen na malala pa sa simpleng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga magkakapitbahay kaya isang malaking pambubulabog sa kanila ang pangyayaring ito. Ang mismong Barangay Captain pa ang tumawag upang ipagbigay-alam ito sa kanila.
Akala ni Gunther ay naliligaw na siya ngunit nakahinga siya nang maluwag nang pagliko niya sa sumunod na kalye ay natanaw niya ang dalawang police patrol car na nakaparada sa gilid ng daan. Sa tabi ng mga ito ay isang tricycle, isang Barangay Patrol Van at ilang local news van.
"Shit," napamura siya nang makita ang mga iyon. Marami siyang hindi magandang karanasan sa ilang miyembro ng media kaya medyo hindi maganda ang opinyon niya sa mga ito. Unang kita pa lang niya na may reporter na agad sa site ay sumasakit na ang ula niya.
Ipinarada niya ang kotse sa gilid ng kalsada at saka bumaba. Unang tapak pa lang niya sa lugar ay tila may lamig na gumapang sa kanyang likod na kanyang ipinagtaka sapagkat walang hanging umiihip nang mga sandaling iyon. Nagkibit-balikat siya at ipinagsawalang bahala ang pakiramdam na iyon.
Gumala ang kanyang paningin sa paligid, ina-assess ang senaryo, nagmamasid kung mayroong kahina-hinala.Nahagip ng kanyang paningin ang kumpol ng mga tao-- mga usisero at usisera na hindi magkandamayaw sa kahindik-hindik na balitang panigurado ay matagal na magiging laman ng kanilang mga usapan, bagamat kaakibat din nito ay ang pag-aalala sa kaligtasan sa kanilang lugar.
Maya't-maya ang pag-flash ng mga camera ng mga reporters dahilan para kumunot ang noo ni Gunther.
May ilang napatingin sa pagdating niya. Naramdaman ni Gunther ang kanilang lihim na mapanuring tingin at kuryosidad sa papel na kanyang gagampanan. Nabakas din niya ang natural na pagka-ilag ng mga tao dala ng suot niyang uniporme. Galing siya sa isang official meeting kaya hindi siya nakapag-plain clothes lang. Aminado naman siya na negatibo ang reputasyon nilang mga tagapagtupad ng batas dahil na rin sa kagagawan ng ilan sa kanilang lupon at hindi respeto kundi takot ang pangunahing nahahakot ng kanilang uniporme sa madla. Hindi madaling baguhin ang ganitong persepsyon sa kanila at ang tanging magagawa na lang nila ay manilbihan nang tapat sa tungkulin.
Matangkad na lalaki si Gunther, batak ang pangangatawan na produkto hindi lamang ng masinsinang pag-eehersisyo sa gym kundi pati na rin ng trabahong meron siya. Clean cut at gwapo ang kanyang itsura na siyang nakadaragdag sa kanyang matipunong tindig at taglay na kakisigan sa suot niyang unipormeng pampulis.
Ilang beses na siyang nasabihang pang-matinee idol ang dating at kung gugustuhin niya ay kaya niyang karismahin ang sino mang babaeng gugustuhin niya, iyon ay kung hindi niya suot ang nakasanayan niyang malamig na ekspresyon na kaya magpaiyak kahit na sanggol. Sa unang tingin ay mapagkakamalan mo siyang leading man o isang action star sa pelikula at hindi isang police detective, ngunit ang kanyang mga matang matalas kung magmasid na tila alam kaagad niya ang iyong iniisip, pati na rin ang ma-awtoridad niyang awra ay siyang nagpapatunay na siya’y nababagay rin sa kanyang napiling propesyon. Hindi lang basta nababagay. Isa siya sa pinakamagaling.
Dumiretso si Gunther sa direksyon kung nasaan ang matingkad na dilaw ng police cordon. Sinalubong siya ni Detective Manuel Cantada, ang kanyang bagong promote na bagitong ka-partner, na kanina pa naghihintay sa kanya.
“Detective Oliviera,” medyo naiilang na bati ni Cantada sa kanya. Ito ang pinakabagong miyembro ng kanilang homicide team. Kapo-promote pa lamang nito mula sa pagiging patrol officer.
“Hindi natin kailangang masyadong maging pormal. You can call me Oliviera. Or just Gunther.” Isang maamong tuta na naghahanap ng papuri mula sa amo nito ang naaalala ni Gunther ayon sa personality ng baguhang ka-partner. Sa kanya ito in-assign bilang ka-partner dahil simula nang mag-transfer sa ibang lugar ang isa pa nilang katrabaho, siya na lang tanging mag-isa kapag nilalakad ang mga hawak na kaso. And nobody really wanted to waste their time to go through the trouble of showing the ropes to the new recruit. They’re already swamped with work as it is, tapos madadagdagan pa? No way. Kaya automatic na sa walang ka-partner napunta ang bagong dating. Wala nang nagawa si Gunther kundi tanggapin ang arrangement na ito.
“Yes, Sir… Gunther.” sagot ni Cantada na animo’y isang elementary student.
Hinayaan na lang muna ito ni Gunther. Masasanay rin ito. Give it time. Ang mahalaga ay hindi ito ay hindi ito magkalat kapag nakakita na ito ng patay, lalo na ‘yong ilang araw nang nabubulok. “Nakita mo na ang bangkay?”
“H-hindi pa, Sir.”
Ah. Tumango lang si Gunther.
Dalawang taon lamang ang tanda niya dito pero pakiramdam niya’y tila isang batang walang muwang pa lamang si Cantada kung ikukumpara sa kanila ng iba pa nilang mga kasamahan sa team. Ang pagkakaalam niya’y galing ito sa isang maykayang pamilya. May mga kapatid itong doktor at abogado na parehong nasa Maynila, habang ang mga magulang naman nito ay sa Amerika naninirahan. Si Cantada lamang ang nag-iisa sa pamilya nito na naiwan sa Anselmo. Ang narinig pa niya’y tutol talaga ang pamilya nito na pasukin ang trabahong meron sila ngunit ito lang ang nagpumilit kung kaya’t wala ring nagawa ang mga ito.
Hindi lubos maisip ni Gunther kung bakit ginusto nito ang magpulis. Hindi naman kalakihan ang sahod nila. Hindi rin kagandahan ang reputasyon nila sa publiko. Hindi ito tulad ni Gunther na nagmula sa pamilyang ilang henerasyon na sa propesyong iyon. Pangatlo na si Gunther. Dalawa dapat sila ng kuya niya kung hindi lang sana ito umiba ng landas, bagay na siyang naging sanhi ng unang hindi pagkakasundo nito at ng kanilang ama.
His dad... his dad was the best. And he expected his sons to be the same. Ilang taon nitong hinawakan ang posisyon bilang hepe ng buong kapulisan sa kanilang lalawigan, ang resident guardian ng kanilang lugar na ginawa ang lahat, maging ang isakripisyo ang oras para sa pamilya, maprotektahan lamang nito ang mga mamamayan sa kanilang lugar. Kahit sa huling hininga nito isang taon na ang nakararaan, ang tungkulin pa rin nito ang laman ng isip. His dad was a great man, a great cop, but not the best dad.
Bahagyang iniangat ni Cantada ang yellow tape para makadaan si Gunther sa ilalim nito.
"What's the status?" tanong ni Gunther. Napasulyap siya sa makulimlim na kalangitan at sa mga nagtitipong madilim at makakapal na ulap. Nag-aalala siyang abutan sila ng ulan at masira ang mga ebidensyang naiwan ng pumatay, kung meron man. Mas lalong magiging mahirap lutasin ang kaso kung iyon ang mangyayari.
"The Medical Examiner's team is already onsite. They arrived half an hour ago." Sinulyapan ng tingin ni Cantada ang direksyon kung nasaan ang mga ito.
Nahagip ng mga mata ni Gunther ang tinutukoy nito. Ang nag-iisang forensic team na meron ang kanilang probinsya ay abala sa kani-kanilang mga trabaho. Nasulyapan niya si Christian Guevarra, ang pinakamagaling nilang forensic pathologist, na kausap ang sketch artist at ilang crime scene technicians.
Nakahinga siya nang maluwag. May maisasalba pa silang mga bakas ng naganap na krimen.
Binalingan niyang muli si Cantada at kinuha ang iniabot nitong pares ng latex gloves at isinuot 'yon. Tumigil siya ilang hakbang malapit sa katawan at mataman itong inobserbahan. Walang pinalampas ang kanyang mga mata na kahit na ano pa man sa kanyang pagmamasid dito.
Dalawang crime scene photographers ang abala sa pagkuha ng mga litrato ng bangkay at sa paligid nito, pini-preserba hanggang sa abot ng kanilang makakaya ang anyo at imahe ng crime scene na maaaring makatulong sa kanila na mahanap ang siyang maysala. Hindi nila alintana ang pagdating niya, bagamat ang isa ay tumango sa kanya bilang pagbati.
Sunod ay itinuon niya ang atensyon sa katawang nakahimlay sa isang mababaw na hukay sa lupa kung saan kasya lamang ang katawan nito.
‘Bata pa.’ Ito ang unang impresyon ni Gunther sa bangkay. Sobrang bata pa sa paningin niya. Edad trese hanggang kinse anyos sa kanyang palagay. Nasa mukha pa rin nito ang natitirang kamusmusan. Pinigilan ni Gunther na lumabas ang isang buntong-hininga na puno ng panghihinayang. Mahaba pa sana ang kinabukasan nito kung hindi lang ito marahas na tinuldukan.
Ang ikalawang bagay na agad pumasok sa isipan niya ay ang sakit ng ulo na aabutin nila sa mga reporter na naroon na sa tingin niya ay mga gutom na lobong sabik na sabik sa isang kapiraso ng sa tingin nila ay katakam-takam na karne.
Ilang matatalim na pangil kaya ang mag-uunahan para makuha ang balitang ito?
Hangga’t kakayanin ay pipilitin niyang hindi muna mahawakan ng mga ito ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa krimen. Hindi niya nais na maalerto nito ang killer at baka magkaroon pa ito ng pagkakataong mangibang-bayan kapag nalaman nitong nakatuon na sa kanya ang mata ng batas.
Hindi na tulad ng dati ang lalawigan ng Anselmo. Dala ng pag-abante ng taon at paglipas ng panahon, ang mga pagbabago sa iba't-ibang aspeto ng pamumuhay ng mga naninirahan doon. Hindi na ito ang dating tahimik at mapayapang probinsya na siyang naririnig-rinig niyang kinalakihan ng mga kahenerasyon ng kanyang mga magulang.
Hindi na kayang tustusan ng payak na ekonomiyang meron sa kanila ang pamumuhay ng ilan sa mga naroon dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na hindi kayang tumbasan ng kakarampot nilang mga suweldo.
Ito marahil ang dahilan sa naunang bukas-palad na ginawang pagtanggap sa mga dayuhan, kapwa Pilipino man o hindi, na nais na manirahan at magtayo ng mga negosyo sa kanilang lugar. Malaking tulong ang karagdagang trabaho at kita sa buwis na maidudulot ng mga ito.
Wala nga lang sa mga inaasahan ang labis na pagtaas ng mga krimen na naging kaakibat nito. Huli na nang mapagtanto ng mga mamamayan na hindi lahat ng nais magnegosyo sa kanila ay mabuti ang hangad. Ang iba ay sinamantala lamang ang lokasyong meron sila, malayo sa Maynila at sa mainit na mata ng batas at sa istriktong pangangasiwa nito.
Ilang mga halang ang kaluluwa na pampalipas lang ng oras ang paglaruan ang buhay ng ibang tao, lalo na ng mga higit na mahihina at walang kalaban-laban, ang tila napili ring manirahan sa kanilang lugar. Marahil isa sa mga biktima ng mga ito ang nasa harapan nila.
Lumapit pang maigi si Gunther upang higit na matitigan ang bangkay. Maingat ang kanyang hakbang upang hindi ma-contaminate ang crime scene. Wala siyang balak na mas pahirapin pa ang kanilang trabaho.
Sa unang tingin ay parang natutulog lamang ang dalagita. Ang higit pang kapansin-pansin sa lahat ay ang maingat nitong ayos. May manipis na make up pa ito, baby blue eyeshadow sa talukap ng mga mata, malamlam na rosas na kulay sa magkabilang pisngi, gayundin sa mga labi, na bahagyang nagtago sa kaputlaan ng balat nito na dala ng kamatayan.
Ito ang kanyang unang palatandaan na hindi ito isang simpleng pagpatay lamang... ang mabusising paraan kung paano ito iniwan upang matagpuan.
Nakadamit ito ng isang puting bestida na lampas-talampakan ang haba, at ang mahabang manggas na bell sleeves at halos dulo na lamang ng mga daliri ang nakalabas. Ang mga kamay nito ay magkapatong na nakahimlay sa ibabaw ng tiyan, kalakip ang bunbon ng mga tuyong puting rosas.
Ang itim nitong buhok ay nakatirintas sa magkabilang gilid ng mukha nito at parehong nakatali gamit ang mga kulay puti ring mga laso. Silk, hula niya base sa kintab nito.
Puting bestida, puting laso, puting mga rosas... Lahat ng mga iyon ay iisa ang kulay: puti. Tiyak ni Gunther na may ibig sabihin ito para sa killer.
‘Puti ang kulay na sumisimbolo sa kalinisan, kadalisayan, kainosentahan, at kabanalan. Ang kulay ding ito ang sumisimbolo sa liwanag, na siyang kabaliktaran ng dilim.’ naisip ni Gunther.
Ang kasuotan nito at ang posisyon kung paano iniwan ang katawan ay nagpapaalala kay Gunther ng mga eksena sa ilang mga horror movies na pinapanood siya ng nakababata niyang kapatid na lalaki na mahilig sa mga horror. Hindi niya maiwasang mapansin ang pagkakahawig nito sa isang birheng isasakripisyo sa isang hindi kilalang panginoon. 'Ritwalistiko. Kulang na lang ay isang altar.' naisip pa niya.
“Parang gawa ito ng isang kulto.” biglang nawika ni Cantada. Mukhang pareho sila ng iniisip.
“Maaari.” simpleng pagsang-ayon ni Gunther.
“Pero kailan pa nagkaro’n ng kulto dito sa atin?”
“Hindi natin alam. Malawak ang sakop ng lalawigan ng Anselmo. May ilang malalayong barangay at maliliit na baryo ang nasa mga liblib na lugar at hindi basta-basta nakikisalamuha sa mga taga-lungsod. Maaaring meron sa kanila ang may tradisyong pagsamba sa kulto at hindi lang natin nalalaman dahil sa isolated na paraan nila ng pamumuhay.” paliwanag ni Gunther.
Kung sino man ang halang ang kaluluwang gumawa nito ay may malalim na kahulugan para dito ang maseremonyang paraan nito ng pagtrato sa katawan ng biktima.
Nakaramdam si Gunther ng kakaibang kilabot, kasabay ang hagibis ng ilang madidilim na alaala sa kanyang isipan. May mga aninong nagkukumahog na makatakas mula sa likod ng kanyang kamalayan, nagnanais ipahiwatig ang kanilang presensya.
Kaagad niya itong pilit na iwinaglit sa kanyang isipan. Hindi iyon ang tamang oras o lugar para sa mga iyon. Ibinalik niya ang atensyon sa walang buhay na katawan ng biktima.
‘Isang alay… ngunit para kanino?’ wala sa sariling naitanong niya sa isip.
Siniyasat muli ni Gunther ang paligid. Sa pagkakataong ito ay tiningnan niya ang kabuuan ng paligid habang isinasaalang-alang ang koneksyon nito sa iniisip ng killer nang iwan nito ang bangkay sa lugar na iyon.
Bakit ito ang napili nitong lugar upang iwanan ang bangkay? Ano’ng mga pamantayan ang naabot nito na akma sa layunin ng killer?
Ang bakanteng lote na iyon ay malapit sa highway. Mapuno ang lugar at maraming halaman. Ang mga kabahayan na pinakamalapit sa lugar ay hindi matatanaw ang lugar na kung nasaan sila. Ang lubak-lubak na kalsada ay nagpapahiwatig na may mga sasakyang madalas na magdaan doon.
Pinunto ng kanyang mga mata ang hukay kung nasaan ang katawan. Nasa tabi nito ang isang maliit na tambak ng lupa na siyang pinaghukayan nito.
Biglang humangin nang malakas, kasabay ang isang mahinang kulog sa itaas. Narinig ni Gunther ang lagaslas ng ilang mga dahon sa puno. Napatingin si Gunther sa tingin niyang pinanggalingan nito.
Isang mataas na puno ang naroon. Kakatuwa nga lang na halos wala nang natitirang dahon sa napakarami nitong maliliit na sanga. Ang mga natitirang dahon ay iba rin ang kulay kumpara sa mga berdeng namamayani sa mga katabi nitong puno.
Sandaling pinagmasdan ni Gunther ang napakaraming maninipis na mga sangang halos wala nang natitirang mga dahon. Tila ito mga mahahabang daliri ng mga kamay ng isang higanteng kalansay na bahagyang nakayuko at naghahandang dambahin ang isang walang kaalam-alam na napili nitong biktima.
Isang itim at maliit na ibon na hindi niya napansing nakadapo sa isa sa mga sanga nito ang biglang lumipad. Hinabol ito ng tingin ni Gunther at pinagmasdan itong lumipad at muling dumapo sa isa pang puno na halos katapat lamang ng nauna nitong dinapuan.
Bahagyang ikinagulat ni Gunther nang matitigang maigi ang bagong punong dinapuan ng itim na ibon. Kahawig ito ng nauna. Ang halos lahat ng mga dahon nito ay nalagas na ring lahat. Higit nga lang ang katandaan nito kaysa sa isa. Kakatwa rin sapagkat matingkad na kahel ang kulay ng ilan sa mga natitira nitong dahon. Siguradong nanggaling pa ito sa ibang lugar.
Napapagitnaan ng dalawang magkahawig na punong mga ito ang lokasyon ng katawan. Kakatwa.
Nilapitan ni Gunther ang pangalawang puno habang ang tingin ay nakatuon pa rin sa itim na ibon.
“Sir Gunther?” Si Cantada na nagtataka sa kanya. Sa huli ay sumunod rin ito.
Tumigil si Gunther dalawang hakbang mula sa puno. Mula sa itim na ibon ay bumaba ang kanyang tingin sa katawan ng puno. May mga bitak ito na maaaring dala ng paglipas ng panahon at pagbabago ng klima. Ngayong nasa malapitan siya at saka niya lang napansin ang mga butas sa gitna ng katawan nito na kawangis ng mukha ng isang tao na nakabuka nang malapad ang bibig sa isang tahimik na sigaw.
Napansin din ni Cantada ang tinitingnan ni Gunther. “Okay. Ang creepy.”
Hindi sumagot si Gunther at patuloy lamang sa pagmamasid na ginagawa. Bahagya niyang inikutan ang puno, tila may hinahanap.
“Bingo.” Nakita na niya ito.
*******
Saturday, August 28, 12:37 PMIsang sigil ang nakaukit sa likod ng dalawang puno. Ang itsura nito ay dalawang concentric circles na sa gitna ng nasa pinakaloob na bilog ay kakaibang mga simbolo at mga letrang hindi siya pamilyar kung saang lengguwahe nagmula. Ngayon lamang niya nakita ang mga iyon.‘Gawa nga kaya ito ng isang kulto?’ tanong ni Gunther sa sarili. Maraming mga palatandaan ang tila pinapaboran ang teoryang iyon, ngunit hindi pa siya sumasang-ayon doon nang lubusan.“Kulto nga kaya ang may gawa nito?” pasimpleng tanong ni Guevarra sa kanya. Ilang kaso na ang pinagsamahan nila kung kaya’t kabisado na nila kung paano mag-isip an
Saturday, August 28, 1 PM Nakalimutan na ni Damien kung gaano kalayo sa sibilisasyon, o sa pinakamalapit na kabahayan ng mga ordinaryong residente, ang buong pasilidad ng North Star Safe Haven. Maluwag ang kalsada dahil tanging ang kotse lang nila ang bumabyahe roon nang mga oras na iyon. Maraming mga malalago at berdeng mga puno at mga halaman sa magkabilang gilid ng daan. May mga nadaanan din silang malawak na kapatagan na puno ng mga matataas na damuhan. Pagkalipas ng ilang taon, maaaring maging okupado na ito ng mga bagong-tayong subdivision, pero sa ngayon ay pag-aari pa ito ng kalikasan. Ang isa pang nakalimutan ni Damien ay kung gaano katagal ang inaabot ng biyahe at kung gaano kalubak-lubak ang kalsada na hindi masyadong napapanatiling maayos dahil sa bihira lamang ang mga nagdaraan d
Saturday, August 28, 2:05 PM Daig pa ni Damien ang binuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig. Wala sa sarili niyang binuksan ang pinto ng kotse sa tabi niya at saka bumaba. “Sir Damien?” nagtataka si Lucio nang makita si Damien na lumabas ng kotse at tila ba wala sa sarili. Hindi siya narinig ni Damien. Makulimlim nang mga oras na iyon sapagkat puno ng makakapal na ulap ang kalangitan. Umihip ang hangin, isang matinis na sipol na nagpapahiwatig na malapit na nagbabadyang masamang panahon. Maalinsangan ang paligid. Sandali na lang at siguradong papatak na ang ulan. Isang marahang simoy ng hangin dala ang samyo ng mga puting rosas ang dumaan kay Damien. Lumi
Saturday, August 28, 2:25 PM Tinanaw ni Gunther ang paglalagay sa katawan sa loob ng body bag, at ang mga miyembro ng forensics team na nagkukumahog na makakuha ng clues sa lugar kung nasaan kanina'y nakahiga ang bangkay. Maaaring may isang hibla ng buhok, o may fingerprint mula sa isang bagay na naiwan ng killer. Bawat detalye ay mahalaga. Sa ilang oras na nakalipas ay marami pa ang dumagdag sa kanilang imbestigasyon subalit hindi lahat ng kanilang katanungan ay nagkaro’n agad ng kasagutan. ‘Sana ay may makuha pang kapaki-pakinabang ang mga ito.’ tahimik niyang hiling. Isang kidlat ang tila'y bumitak sa parte ng langit na nasa itaas nila, na nasundan muli ng mas malakas na kulog.
Saturday, August 28, 2:42 PM Tumalim pang lalo ang tingin ni Gunther sa binatilyong tinatawag niyang “Beautiful Eyes” sa isip. Bakas niya ang pag-aalinlangan nitong magpakita ng pagkakakilanlan. Tumunog ang mental warning bells niya dahil doon. Ang mga taong ayaw magpakilala ay madalam na may mga itinatago. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang pagdududa niya rito. Mula sa pagiging detective mode ay nag-instant switch siya sa interrogator mode. Ang mga emosyong nasa mukha nino ay napalitan ng malamig na ekspresyon. Nakita niyang naramdaman ni Beautiful Eyes ang kanyang panlalamig dahil wala sa sariling napalunok ito, isang maliit na tanda ng nerbiyos, kahit na ang mapanghamong kislap sa mga mata nito ay hindi naglaho bagkus ay mas lalong sumidhi.
Saturday, August 28, 4:33 PM Hindi pa rin tumitila ang ulan nang marating ni Gunther ang opisina ng kanilang himpilan ngunit humina na ito. Bahagya siyang nabasa nang suungin niya ang manaka-naka na lang na tagaktak nito para makapasok sa lobby ng kanilang building mula sa parking lot na nasa likod nito. Pagkapasok niya ng double glass doors patungo sa main lobby ay naabutan niya ang janitor nila na nag-mo-mop ng basang sahig na gawa ng mga basang sapatos na dumaan dito. Tinanguan niya ito nang batiin siya nito at saka siya dumiretso sa main office sa first floor kung saan bumungad sa kanya ang kinasanayan niyang tanawin at mga ingay na normal tagpo sa kanilang pang-araw-araw. Background noise na ang ingay ng mga nag-tatayp ng statements at transcripts, pati na rin ang paglilipat ng mga pahina ng m
Saturday, August 28, 4:48 PMNatapos ang usapan ng tatlo nang dumating si Police Captain Nelson Gaspar, ang may hawak sa Homicide Department kung saan sila kabilang. Mukhang kadarating lamang nito galing sa isang meeting.“Tamang-tama at nandito pala kayo,” bati nito sa kanila, na magalang ding tinugunan ng tatlo.Si Police Captain Nelson Gaspar ay ang isa sa mga pinkanirerespetong officer ni Gunther. Isa ito sa mga naging protege ng kanyang ama ngunit hindi naman ito kasing istrikto nito magpalakad. Sa katunayan, ito pa nga ang nagpabilis ng pagkakapasa ng promotion niya bilang isang police detective. Ito rin ang nag-assign sa kanya sa Homicide Team. Magaling itong pulis at isang mabuting mentor sa kanya at sa iba pa niyang mga kasamahan, lalo na sa mga baguhan pa lamang sa serbisyo.
Saturday, August 28, 7:12 PM Napailing si Gunther. Hindi niya ugaling hatulan agad ang isang tao nang walang lang makapagpapatunay na ito nga ang may sala. Innocent until proven guilty. May nalalaman ito. Ito ang tanging nasisiguro niya nang mga oras na iyon. Ang kailangan niyang gawin ay ang mapaamin ito sa mga nalalaman nito. Ngunit sa paanong paraan? Pinasadahan pa ng mga mata niya ang iba pang news article na available online ngunit bigla siyang natigilan nang mabasa ang isang detalyeng ngayon lamang niya nalaman. It was his father who pronounced and vouched for Damien Argento’s innocence. Matibay ang alibi at napatunayang nasa ibang lugar si Dam
Saturday, August 28, 7:30. PM Nakabibingi ang katahimikang namamayani sa kanyang bagong loft apartment. At nakakabaliw. Tulad ng pakilala ni Lucio sa kanya, moderno ang apartment. Minimalist industrial at low-key luxury ang motif ng interior design. May floor-to-ceiling window sa living room area at nang mga oras na iyon ay tanaw niya ang cityscape ng Anselmo City, ang makikinang at iba’t ibang kulay na ilaw sa mga kabahayan at mga gusali ang pumalit sa mga bituing nagtatago sa likod ng makakapal na ulap ulan. Tanging ang living room area lamang ang buong-buong naliliwanagan ng shaded pendant ceiling lights sa bahaging iyon. Nakaupo siya sa mahabang itim na leather couch sa gitna ng living room. Sa coffee table ay nakalapag ang isang manila envelope na