Share

Chapter 1

Author: Airi Snow
last update Last Updated: 2021-10-20 16:42:35

Saturday, August 28, 5 AM

May nakatayo sa tabi ng kanyang kama, pinagmamasdan siya habang natutulog. Hindi pa man lubusang nagigising ang diwa ni Damien ay alam na niya ito.

Pigura ito ng isang babae, nakayuko sa tapat ng kanyang mukha kung kaya’t ang mga dulo ng mahaba nitong buhok ay halos lumapat na sa kanyang pisngi. 

Tanging mga puti lamang ang kanyang nakikita sa mga mata nitong hindi kumukurap. 

‘Nandito ka na naman.’ nawika niya sa isipan.

Gabi-gabi halos nitong ginagawa ang gayon, ang panoorin siya habang natutulog. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito sa kanya. Bukod sa walang sawa nitong panonood sa kanya habang siya ay natutulog o nagtutulog-tulugan ay wala naman na itong iba pang ginagawa.

Sa tatlong taon na halos araw-araw siyang nakakakita ng mga tulad nito, laking-pasasalamat na lang ni Damien dahil buo at kumpleto pa ang mga parte ng katawan nito. At least madali lang itong ignorahin dahil walang mga bumubulwak na dugo at mga lamang-loob na lasog-lasog na bitbit ito. 

Hinala ni Damien ay nagpakamatay ito base sa napansin niyang nangingitim na pamamasa at marka ng lubid sa leeg nito. Malinaw din sa kanya na dati itong pasyente sa facility na iyon dahil sa suot nitong hospital gown na tila isang lumang version laman ng suot niya.

Isa lamang ito sa mga kaluluwang hindi matahimik na pagala-gala at lihim na nakikisalamuha sa mga buhay na residente sa North Star Safe Haven, ang psychiatric facility kung saan siya naka-confine. Dalawang taon na rin.

Ang babaeng multo na kasama niya ngayon ay isa sa mga nakapansin ng kakaibang abilidad ni Damien nang hindi sinasadyang magtama ang kanilang mga mata. Hindi na siya nito tinantanan nang mapagtanto nitong nakikita niya ito. Sa tuwing may lakas itong magparamdam at, tulad ng kasalukuyan nitong sitwasyon, magpakita ay lagi itong nakasunod sa kanya kung nasaan man siya sa facility.

Kahit na nasanay na siya ay hindi pa rin naaalis ang depensa ni Damien dito. May ilang mga hinala siya tungkol sa tunay na pakay nito sa kanya at sa iba pang naroroon sa pasilidad kung nasaan siya. 

Ramdam niya ang malisyoso nitong kasiyahan na pilit nitong itinatago. May manipis na itim na mga usok, miasma, na minsan ay nakikita niyang nagmumula rito. Base sa kanyang karanasan sa mga ito, mga masasamang espirito lamang ang may ganoong katangian.

Sa ngayon ay hindi pa nito kayang makapanakit ng direkta. Pagpaparamdam, at minsan ay pagpapakita, lamang ang kaya nitong gawin habang hindi pa ito masyadong malakas.

Ang mga kakayahan ni Damien, isa na ang makakita ng mga hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tao, ay tatlong taon pa lang nasa kanya. Bunga ito ng isang trahedya na naging dahilan kung bakit namatay ang kanyang ina.

Marami pa siyang hindi alam tungkol sa paano magagamit ng tama ang mga ito. At kahit ang mga kakayahan na alam na niya ay hindi pa rin niya masyadong gamay.

Ilang beses pa niyang sinubukan at pinag-aralan ng sarilinan kung ano ang limitasyon ng kaya niyang gawin at kung ano ang hindi niya kayang gawin gamit ang kanyang mga espesyal na kakayahang ito.

Ang totoo ay hindi niya nais na gawin iyon. Ang totoo ay ayaw niyang patuloy na gamitin ang mga kakayahang hindi naman niya hiningi kaninuman, ngunit sadyang kailangan. 

Kundi niya gagawin iyon ay manganganib ang kanyang buhay.

Hindi lang isang beses na may naka-engkwentro siyang ligaw na kaluluwang na nagnais na masaniban at masakop ang kanyang katawan. 

Ang pakiramdam na may kahati at  pilit siyang pinapaalis sa loob ng sarili niyang katawan habang sinisiil nito ang kanyang kamalayan... ang matinding takot na sumugod sa kanyang buong pagkatao habang unti-unti siyang nawawalan ng kontrol sa kanyang sariling isipan at sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan… hindi na niya gusto pang maranasan iyong muli. 

Hindi niya maalala kung paano niya napaalis ang mga kaluluwang iyon ngunit sa tuwing mararanasan niya iyon, pagkatapos noon ay dalawang linggo siyang nakaratay sa higaan at inaapoy ng lagnat. Kahit gumaling na siya ay may kakaibang panghihina pa rin siyang mararamdaman. Mahigit isang buwan din siyang pinagpapahinga at naka-quarantine upang malaman kung ano’ng sakit ang dumapo sa kanya ngunit walang nakitang kahit ano ang mga doktor na tumingin sa kanya.

Simula noon  ay mas naging alerto at mapagmatyag na siya. Natutunan na niyang obserbahan ang paligid mula sa kanyang peripheral vision. Hindi na siya basta-basta tumitingin nang diretso sa mata ng mga taong nakakasalumuha hangga’t hindi niya nasisiguro na buhay ang mga ito. Sinisigurado rin niyang May anino at nakatapak sa lupa ang kanyang kausap. Naging mas sensitibo rin ang kanyang pakiramdam at napapansin niya agad kung May mga matang nakamasid sa kanya. Ang side effects nga lang ng hyperalertness na ito sa kanya ay ang pagiging isang insomniac na siya ring sanhi ng ilang mga anxiety attacks at depressive episodes.

Matagal-tagal na nang huli siyang nakatulog ng diretsong walong oras nang hindi siya nagigising sa kalagitnaan ng malalim na gabi. Kusang nagigising ang kanyang ulirat sa tuwing mararamdaman niyang may mga matang nakatuon sa kanya mula sa kadiliman ng mga aninong likha ng gabi. Dahil sa hindi niya nasisiguro kung ano ang dahilan ng kanilang biglaang pagbisita, mas minamabuti na lamang niya na huwag bumalik sa pagtulog upang hindi siya mawalan ng depensa kung may tatangkain mang hindi mabuti ang mga ito sa kanya.

Minsan ay lumilipas ang gabi na nakaupo lang siya sa kanyang madilim na kwarto, sa dulo ng kanyang kama at nakatanaw sa labas ng bintana, iyon ay kung hindi siya nakakaramdam ng matinding panganib mula sa kanyang bisitang kaluluwa, dahil kung gayon ay hindi niya ito lulubayan ng tingin.

Depende kung ilang gabi na siyang hindi masyadong nakakatulog, pero kung nasobrahan na siya sa pagpupuyat ay nireresetahan na siya ng sleeping pills.

Kung ikukumpara sa babaeng multo na kapareho ng stalker tendencies ni Edward sa Twilight, ang iba pang mga ligaw na kaluluwang tila permanenteng residente na sa North Star Safe Haven ay malumanay. 

Sa tatlong taon niyang pag-oobserba sa mga ito, napagtanto niyang  hindi lahat ng mga kaluluwang namamalagi pa sa mundong ibabaw ay kaya ang palagiang pagpapakita at pagpaparamdam. Hindi rin lahat sa kanila ay natatagalan ang sikat ng araw. Hindi rin lahat ay kaya ang bumuo ng bahagyang solidong porma at hindi manatili lamang na isang transparent na bola ng malamlam na liwanag.

    Hindi biro ang takot niya nang una niyang nadiskubre na bigla siyang nagkaroon ng ganoong kakayahan. Hindi rin siya agad nakapaniwala. Inisip niyang nasisiraan na siya ng bait dala ng matinding lungkot dala ng pagkamatay ng mama niya sa sarili niyang mga kamay. 

Marami pa ang nangyari bago niya napatunayang nakakakita nga siya ng multo.

"I see dead people." Isang classic line sa pelikulang The Sixth Sense

Gusto niyang matawa sa tuwing dumadating sa kanya ang urge na sabihin iyon sa psychiatrist niya o sa kahit na sinong magtitiyagang makinig sa kanya. Kaya lang ay sigurado siyang malalagay agad ang tungkol doon sa diagnosis file niya, "experiencing vivid visual and auditory hallucinations, possibly due to a combination of stress and lack of sleep”.

Baka resetahan pa siya ng sleeping pills at anti hallucinatory drugs na ayaw na ayaw niyang iniinom dahil pakiramdam niya ay pinapahina nito ang koneksyon ng kanyang kamalayan sa kanyang katawan. Natatakot siya na baka maging sanhi ito ng tuluyang pagkakasanib sa kanya ng isang masamang espirito kapag nagkataon. 

Mas mabuti pang magpanggap na walang nakikita at naririnig, at magtulug-tulugan na lang para mapigilan ang senaryong iyon. 

Tama na ang tatlong beses niyang sinabi iyon noon. Tama na rin ang tatlong beses na walang naniwala sa kanya. 

Ang makita ang mga kaluluwa ng mga taong hindi naman niya kilala pero ang ipagkait na muling makita ang taong pinakagusto niyang makita-- itinuturing niya itong isang sumpa… isang parusa... at siyang patunay ng kasalanang kanyang nagawa sa dalawang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay.

Sa huli ay naka-adapt din siya. It's either that or perish. Ang adaptation ay isa ring mechanism of survival. Kailangan niyang patuloy na mabuhay upang habambuhay niyang mapagbayaran ang kanyang mga kasalanan.

At isa pa, sa ilang time periods during the day lang naman madalas nagpapakita ang mga kaluluwa, tuwing dapit-hapon o kaya naman sa tinatawag na devil's hours. S’yempre may mga exceptions. Namely, ang babaeng multo sa kwarto niya.

Idinilat ni Damien ang mga mata. Ngumiti ang babae sa kanya. Yumuko pa ito ng bahagya kung kaya’t nakukurtinahan na ng mahaba at itim nitong buhok ang kanyang mukha.

"Hindi ka ba nagsasawa sa kakapanood mo sa akin na magtulug-tulugan?" tanong ni Damien dito.

Bumuka ang labi ng babaeng multo, tila may sinasabi, ngunit walang boses na lumalabas.  

Hindi pamilyar kay Damien ang lip reading kaya wala siyang ideya kung ano ang sinasabi nito. At isa pa, magkaiba ang wika ng mga buhay sa mga patay. Iba rin ang paraan nila ng pakikipag-komunikasyon. Ayon iyon sa matagal niyang obserbasyon.

Kapag namamatay ang tao ay unti-unting nawawala ang kanyang mga pandama. Ang pandinig ang pinakahuling natitira. Marahil ito ang dahilan kung kaya’t hindi lahat ng tao ay naiintindihan ang mga nais nilang iparating. Kahit si Damien na nakikita na sila ay hindi pa rin sila lubusang naiintindihan.

Bilang mga kaluluwa na ang katawang lupa ay tuluyan na nilang nilisan, tila nalimutan na rin nila ang mga normal nilang nagagawa at abilidad noong sila’y nabubuhay pa. Maging ang kanilang mga alaala ay lumalabo rin. Ang tangi na lamang meron sa kanila ay ang matinding emosyong umaangkla sa kanila sa mundo ng mga buhay. Maaaring ito ay obsesyon, galit o sama ng loob, panghihinayang, hindi natupad na mithiin, o kaya naman ay paghihinagpis at pagkapoot dala ng biglaan nilang pagkamatay.

“Hindi kita naiintindihan.” wika ni Damien. Sandali pa niyang tinitigan ito bago muling pumikit.

Ito ang may pinakamalinaw na anyo sa lahat ng nakita niyang katulad nito. Higit rin itong malakas, makapangyarihan. Kaya rin magparamdam nang panandalian kung masusunod ang lahat ng mga kondisyong naaayon dito. Ngunit nakikita rin niyang hindi pa sapat ang lakas nito para makapanakit ng mga taong buhay. Sa ngayon.

Sigurado siya na sa oras na magkaroon ito ng pagkakataon ay manganganib ang buhay niya dito, pero sa ngayon ay ligtas pa siya.

Inilaan niya ang isang parte ng kanyang isipan upang bantayan ang kilos nito, pagkatapos ay pinayapa ni Damien ang kanyang isipan. Inalis niya ang lahat ng mga alalahaning madalas na gumagambala sa kanya. 

Nangibabaw muli ang katahimikan. Muling nabuksan ang kanyang kamalayan. Hinayaan niyang maglibot ito, habang paunti-unting nadadagdagan ang distansya nito sa kanyang katawan.

Isa pa ito sa mga espesyal niyang kakayahan-- astral projection.

Ayon sa mga nabasa niyang libro sa library ng North Star Safe Haven na bukas sa mga pasyenteng katulad niya, ang astral projection ay isang out-of-body experience kung saan ang diwa, o ang tinatawag na astral body, ay humihiwalay sa katawan at nakapaglalakbay sa malalayong lugar. Posible rin daw na marating ng astral body maging ang outside universe at tawirin ang barrier ng time at space at makapunta sa iba-ibang dimensyon, maging sa nakaraan o hinaharap.

Hindi niya alam kung kaya nga ng diwa ng tao na marating ang universe pero siya ay ilang metro lang ang layo sa katawan niya ang kayang marating. Mas malayo pa doon at nararamdaman niyang tila may elastikong lubid na humahatak sa kanya pabalik. Ibig sabihin ay hanggang doon lang ang kaya niyang abutin.

Sa astral realm, ang dimensyon kung saan nag-eexist ang isang astral body, ay wala pa siyang nakikitang buhay, maliban sa kanya. Mga malamlam na bola ng liwanag na siyang karaniwang anyo ng mga mahihinang kaluluwa ang siyang nagkalat at walang direksyong nagpapalutang-lutang sa kung saan-saan.

Hindi siya pansin ng babaeng multo, maging ng iba pang mga kaluluwa. Dinadaan-daanan lang siya ng mga ito. Marahil dahil ito sa ang diwa lamang niya ang nasa astral form at hindi ang kanyang “soul state”, kung kaya’t invisible rin siya sa mga ito. Dahil doon, hindi pa rin mapapasok ng mga ito ang kanyang katawan.

Iginala ni Damien ang kanyang kamalayan sa kabuuan ng pamilyar na kwarto kung saan siya nanatili ng dalawang taon. 

Alam niyang nagsisimula na ang umaga subalit kahit na nakasindi pa ang ilaw ay hindi nito tuluyang naalis ang dilim sa silid na iyon. Sa hangganan ng liwanag ay may mga mapaniil na mga anino na naghahatid sa kanya ng bagabag sa tuwing mapapagawi ang “tingin” niya doon. 

Ramdam niya ang epekto ng pananatili ng presensya . Tila lumalabo at binabaluktot nito ang realidad, sa hindi niya mawaring paraan, ngunit ang tanging apektado lamang ay ang silid na iyon. 

Nakita niya ang kanyang sarili na nakahiga sa kama at tila himbing na natutulog. Malamig sa kwarto na ang pagbuga ng hangin sa kanyang bawat paghinga ay nakikita na niya.

Ipinagsawalang-bahala niya ito at hinayaan pang maglakbay ang kanyang kamalayan. Humahawi ang mga anino at unti-unti niyang nasilayan ang daan palabas ng kwartong iyon, sa mahabang pasilyo patungo sa lobby at reception area, at palabas ng gusaling kinalalagyan niya. 

Iilan pa lang sa mga amenities ng facility ang nabibisita niya. Maliban sa kanyang assigned room, ang opisina ng attending psychiatrist niya, ang cafeteria, ang library, at ang malawak na bakuran pa lamang nito ang kanyang nabisita dahil hindi na siya interesante pa sa iba. 

Isang pangmayamang facility ang North Star Safe Haven kung kaya’t maluho din ang lugar. Karaniwang dito ikino-confine ng ilang mayayaman at kilalang pamilya ang kanilang mga kamag-anak na may problema sa pag-iisip. Mahigpit ang privacy dito pati na rin ang seguridad. Hindi makakaya ng sinoman ang consequences kung may mangyayaring hindi maganda 

Hindi pa man niya nalilibot ang buong lugar, napuntahan naman na niya ang halos kabuuan nito, hindi gamit ang kanyang pisikal na katawan, kundi ang ispiritwal. Hindi man malinaw sa kanya ang anyo ng bawat silid sa astral realm version ng facility ay nakabisado pa rin niya ang layout nito dahil sa ilang beses niyang paglilibot dito.

Mas maraming mga mumunting bola ng mapanglaw na liwanag na nagpapalutang-lutang sa paligid-- mga kaluluwang mahina at maaaring maglaho na lang bigla. Sandali niyang pinagmasdan ang mga ito at pinanood ang walang direksyon nilang pagpapatianod. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkalungkot sa walang kasiguraduhan nilang direksyon ngayong wala na sila sa mundo ng mga buhay. 

Hindi niya maiwasang isipin kung siya ba ay gano’n din ang kahahantungan sa oras na siya ay mamatay. 

Kumurap ang paligid, katulad ng isang bombilyang malapit nang mapundi na biglang nagpatay-sindi, at ang tunay na mundo ay mas luminaw sa paningin ng kanyang kamalayan, dahilan upang siya’y bahagyang matauhan at masulyapan ng mas malinaw ang tunay na mundo.

Nasa parking lot siya. Sa labas ng North Star Safe Haven. Ito ang pinakamalayong narating ng kanyang astral body at ito rin ang unang pagkakataon na nagawa niya iyon.

Tumingala si Damien sa langit. Unti-unting kumakalat ang liwanag. 

Itinuon niyang mabuti ang isipan sa paligid. Kapag nag-concentrate siya ay parang may mga sensasyon na siyang nararamdamdaman: ang init ng sikat ng araw sa kanyang balat, ang mahihinang lagaslas ng mga dahon sa mga malalagong punong nakakalat sa palibot, at ang banayad na ihip ng hangin na bahagyang tumama sa kanyang pisngi.

Hindi niya alam kung gaano katagal siya sa gano’ng ayos nang sa isang iglap ay tilang may pagbabago malapit sa kinalalagyan niya. Isang puwersa ang dumating, dala ang isang napakatinding emosyon na hindi matukoy ni Damien.

Bahagya siyang lumingon sa direksyong kung saan niya nararamdamang naroon iyon. Isang kaluluwa ang ikinukubli ang kabuuan sa ilalim ng anino ng mga puno na nasa dulo ng parking lot at nagmamasid sa kanya.

Higit pang itinuon ni Damien ang buong atensyon sa pigurang iyon. Tila bumagal ang paglipas ng oras at ang distansyang nasa pagitan nila ay unti-unting umiikli hanggang makita na niya  ito ng mas malinaw.

Isang batang babae. Tantiya niya ay teenager. Early teens. Nakasuot ito ng puting bestida na hanggang talampakan at may mahabang mga manggas. Nakayuko ito kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. Kaiba sa mga pigura na halos lampasan na ng kanyang tingin, ang babaeng ito ay higit na malinaw ang rehistro sa kanya. Maputla ang balat nito na hindi natatakpan ng mahaba nitong damit. Narinig niya ang tunog ng mga patak ng likido at nakita niyang nagkaro’n ng pulang marka sa magkabilang manggas kung nasaan ang pulsohan nito. Unti-unting kumakalat sa parteng iyon ang matingkad na kulay pula.

‘Kamamatay lang nito.’ 

Kumunot ang noo ni Damien. Hindi niya alam kung paano niya nalaman iyon pero sigurado siya. Ngunit paano siya nakasisiguro? 

Lalo siyang napaisip. 

Madalas na nakatali ang mga ligaw na kaluluwang katulad nito sa lugar kung saan sila namatay, o kung sila naman ay biktima ng bayolente at hindi makatarungang pagkamatay, kung saan iniwan ng pumatay ang kanilang katawan. Ang matinding emosyon sa kanilang mga huling sandali ang siyang nagsisilbing angkla nila sa mundo ng mga buhay. 

Hindi maramdaman ni Damien kung nasaan ang dulo ng angkla. 

Ang mas lalo pa niyang hindi maintindihan ay kung bakit nagpakita ito sa kanya--

‘Nakikita niya ako?’ biglang naitanong ni Damien sa sarili.

Isang kaluluwang kamamatay pa lamang na sinadyang magpakita sa lugar kung nasaan ang kanyang astral body...

‘May kakaiba sa isang ito.’ naisip niya, na mas lalong pinagtibay nang kanyang marinig ang isang mahinang boses. 

‘Alay…’ 

Isang ingay ng makina ng kotseng paparating ang gumambala sa dimensyong kinalalagyan nila.

Nahigit ni Damien ang hininga. 

Walang anu-ano’y bumalik ang kanyang diwa sa kanyang katawan na tila isang bulalakaw na lumusong sa atmospera ng mundo.

Related chapters

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 2

    Saturday, August 28, 7:30 AM Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Damien sa biglaang pagbabalik ng koneksyon ng kanyang kamalayan sa kanyang katawan. Ang pakiramdam ay katulad ng sa biglaang pagkahulog mula sa isang napakataas na bangin at bumulusok sa lupa ngunit ika’y nagising bago tuluyang maramdaman ang kabuuang impact ng pagbagsak ng iyong katawan. Isang segundo… dalawang segundo… unti-unting bumalik ang mga pandama ng kanyang katawan. ‘Alay…’ Bumalik sa kanya ang nag-iisang salitang binanggit ng batang kaluluwa sa parking lot. Dumilat ang mga mata ni Damien. Wala na ang babaeng multo sa kanyang kwarto ngunit may kakaunting lamig pa rin na natitira na hindi dahil sa nakabukas na aircon. Bumangon siya a

    Last Updated : 2021-10-21
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 3

    Saturday, August 28, 7:55 AM Narinig ni Damien ang langitngit ng de-gulong na cart sa labas ng kanyang kwarto. Bumukas ang pinto at pumasok ang orderly na nag-aasikaso sa kanya. Nakalimutan niya kung ano’ng pangalan nito dahil pang-ilan na itong pumalit sa mga nauna kaya hindi na siya nag-aaksaya ng panahon na alamin o tandaan pa ang pangalan nito. Pumasok ito sa loob ngunit bahagyang natigilan nang maramdaman nito ang kakaibang lamig sa silid na iyon. Lumunok ito. “Good morning, Mr. Argento. Masyado yatang mataas ang setting ng aircon dito sa kwarto.” Napatingin ito sa nag-iisang kama sa silid. Sa uluhan nito ay tila may hamog na bumabalot kung kaya’t malabo ang tingin niya rito. Kinusot-kusot niya ang mga mata sa pag-aakalang

    Last Updated : 2021-10-22
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 4

    Saturday, August 28, 11 AM Makulimlim ang kalangitan, nagbabadya ng malakas na ulan, nang marating ni Detective Gunther Oliviera ng Homicide Department sa lalawigan ng Anselmo ang crime scene. Mahaba at lubak-lubak ang kalsadang kailangang baybayin patungo sa pupuntahan kaya natagalan siyang marating ito. Doble ingat siya sa pagmamaneho dahil ramdam na ramdam na niya ang pagod dala ng ilang araw na kakulangan sa tulog at pahinga. Sunod-sunod ang mga kaso ng mga bayolenteng krimen ang idinulog sa presinto nila nitong mga nakaraang araw at hindi na sila magkandaugaga kung ano ang uunahin nilang lutasin sa mga ito. Lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho ay nasa parehong kalagayan niya kaya hindi niya magawang magreklamo. Katatapos lang ng huling kaso niya, isang suspected murder ng isang mayamang negosyante

    Last Updated : 2021-10-24
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 5

    Saturday, August 28, 12:37 PMIsang sigil ang nakaukit sa likod ng dalawang puno. Ang itsura nito ay dalawang concentric circles na sa gitna ng nasa pinakaloob na bilog ay kakaibang mga simbolo at mga letrang hindi siya pamilyar kung saang lengguwahe nagmula. Ngayon lamang niya nakita ang mga iyon.‘Gawa nga kaya ito ng isang kulto?’ tanong ni Gunther sa sarili. Maraming mga palatandaan ang tila pinapaboran ang teoryang iyon, ngunit hindi pa siya sumasang-ayon doon nang lubusan.“Kulto nga kaya ang may gawa nito?” pasimpleng tanong ni Guevarra sa kanya. Ilang kaso na ang pinagsamahan nila kung kaya’t kabisado na nila kung paano mag-isip an

    Last Updated : 2021-10-31
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 6

    Saturday, August 28, 1 PM Nakalimutan na ni Damien kung gaano kalayo sa sibilisasyon, o sa pinakamalapit na kabahayan ng mga ordinaryong residente, ang buong pasilidad ng North Star Safe Haven. Maluwag ang kalsada dahil tanging ang kotse lang nila ang bumabyahe roon nang mga oras na iyon. Maraming mga malalago at berdeng mga puno at mga halaman sa magkabilang gilid ng daan. May mga nadaanan din silang malawak na kapatagan na puno ng mga matataas na damuhan. Pagkalipas ng ilang taon, maaaring maging okupado na ito ng mga bagong-tayong subdivision, pero sa ngayon ay pag-aari pa ito ng kalikasan. Ang isa pang nakalimutan ni Damien ay kung gaano katagal ang inaabot ng biyahe at kung gaano kalubak-lubak ang kalsada na hindi masyadong napapanatiling maayos dahil sa bihira lamang ang mga nagdaraan d

    Last Updated : 2021-11-02
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 7

    Saturday, August 28, 2:05 PM Daig pa ni Damien ang binuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig. Wala sa sarili niyang binuksan ang pinto ng kotse sa tabi niya at saka bumaba. “Sir Damien?” nagtataka si Lucio nang makita si Damien na lumabas ng kotse at tila ba wala sa sarili. Hindi siya narinig ni Damien. Makulimlim nang mga oras na iyon sapagkat puno ng makakapal na ulap ang kalangitan. Umihip ang hangin, isang matinis na sipol na nagpapahiwatig na malapit na nagbabadyang masamang panahon. Maalinsangan ang paligid. Sandali na lang at siguradong papatak na ang ulan. Isang marahang simoy ng hangin dala ang samyo ng mga puting rosas ang dumaan kay Damien. Lumi

    Last Updated : 2021-11-03
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 8

    Saturday, August 28, 2:25 PM Tinanaw ni Gunther ang paglalagay sa katawan sa loob ng body bag, at ang mga miyembro ng forensics team na nagkukumahog na makakuha ng clues sa lugar kung nasaan kanina'y nakahiga ang bangkay. Maaaring may isang hibla ng buhok, o may fingerprint mula sa isang bagay na naiwan ng killer. Bawat detalye ay mahalaga. Sa ilang oras na nakalipas ay marami pa ang dumagdag sa kanilang imbestigasyon subalit hindi lahat ng kanilang katanungan ay nagkaro’n agad ng kasagutan. ‘Sana ay may makuha pang kapaki-pakinabang ang mga ito.’ tahimik niyang hiling. Isang kidlat ang tila'y bumitak sa parte ng langit na nasa itaas nila, na nasundan muli ng mas malakas na kulog.

    Last Updated : 2021-11-04
  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 9

    Saturday, August 28, 2:42 PM Tumalim pang lalo ang tingin ni Gunther sa binatilyong tinatawag niyang “Beautiful Eyes” sa isip. Bakas niya ang pag-aalinlangan nitong magpakita ng pagkakakilanlan. Tumunog ang mental warning bells niya dahil doon. Ang mga taong ayaw magpakilala ay madalam na may mga itinatago. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang pagdududa niya rito. Mula sa pagiging detective mode ay nag-instant switch siya sa interrogator mode. Ang mga emosyong nasa mukha nino ay napalitan ng malamig na ekspresyon. Nakita niyang naramdaman ni Beautiful Eyes ang kanyang panlalamig dahil wala sa sariling napalunok ito, isang maliit na tanda ng nerbiyos, kahit na ang mapanghamong kislap sa mga mata nito ay hindi naglaho bagkus ay mas lalong sumidhi.

    Last Updated : 2021-11-05

Latest chapter

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 13

    Saturday, August 28, 7:30. PM Nakabibingi ang katahimikang namamayani sa kanyang bagong loft apartment. At nakakabaliw. Tulad ng pakilala ni Lucio sa kanya, moderno ang apartment. Minimalist industrial at low-key luxury ang motif ng interior design. May floor-to-ceiling window sa living room area at nang mga oras na iyon ay tanaw niya ang cityscape ng Anselmo City, ang makikinang at iba’t ibang kulay na ilaw sa mga kabahayan at mga gusali ang pumalit sa mga bituing nagtatago sa likod ng makakapal na ulap ulan. Tanging ang living room area lamang ang buong-buong naliliwanagan ng shaded pendant ceiling lights sa bahaging iyon. Nakaupo siya sa mahabang itim na leather couch sa gitna ng living room. Sa coffee table ay nakalapag ang isang manila envelope na

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 12

    Saturday, August 28, 7:12 PM Napailing si Gunther. Hindi niya ugaling hatulan agad ang isang tao nang walang lang makapagpapatunay na ito nga ang may sala. Innocent until proven guilty. May nalalaman ito. Ito ang tanging nasisiguro niya nang mga oras na iyon. Ang kailangan niyang gawin ay ang mapaamin ito sa mga nalalaman nito. Ngunit sa paanong paraan? Pinasadahan pa ng mga mata niya ang iba pang news article na available online ngunit bigla siyang natigilan nang mabasa ang isang detalyeng ngayon lamang niya nalaman. It was his father who pronounced and vouched for Damien Argento’s innocence. Matibay ang alibi at napatunayang nasa ibang lugar si Dam

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 11

    Saturday, August 28, 4:48 PMNatapos ang usapan ng tatlo nang dumating si Police Captain Nelson Gaspar, ang may hawak sa Homicide Department kung saan sila kabilang. Mukhang kadarating lamang nito galing sa isang meeting.“Tamang-tama at nandito pala kayo,” bati nito sa kanila, na magalang ding tinugunan ng tatlo.Si Police Captain Nelson Gaspar ay ang isa sa mga pinkanirerespetong officer ni Gunther. Isa ito sa mga naging protege ng kanyang ama ngunit hindi naman ito kasing istrikto nito magpalakad. Sa katunayan, ito pa nga ang nagpabilis ng pagkakapasa ng promotion niya bilang isang police detective. Ito rin ang nag-assign sa kanya sa Homicide Team. Magaling itong pulis at isang mabuting mentor sa kanya at sa iba pa niyang mga kasamahan, lalo na sa mga baguhan pa lamang sa serbisyo.

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 10

    Saturday, August 28, 4:33 PM Hindi pa rin tumitila ang ulan nang marating ni Gunther ang opisina ng kanilang himpilan ngunit humina na ito. Bahagya siyang nabasa nang suungin niya ang manaka-naka na lang na tagaktak nito para makapasok sa lobby ng kanilang building mula sa parking lot na nasa likod nito. Pagkapasok niya ng double glass doors patungo sa main lobby ay naabutan niya ang janitor nila na nag-mo-mop ng basang sahig na gawa ng mga basang sapatos na dumaan dito. Tinanguan niya ito nang batiin siya nito at saka siya dumiretso sa main office sa first floor kung saan bumungad sa kanya ang kinasanayan niyang tanawin at mga ingay na normal tagpo sa kanilang pang-araw-araw. Background noise na ang ingay ng mga nag-tatayp ng statements at transcripts, pati na rin ang paglilipat ng mga pahina ng m

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 9

    Saturday, August 28, 2:42 PM Tumalim pang lalo ang tingin ni Gunther sa binatilyong tinatawag niyang “Beautiful Eyes” sa isip. Bakas niya ang pag-aalinlangan nitong magpakita ng pagkakakilanlan. Tumunog ang mental warning bells niya dahil doon. Ang mga taong ayaw magpakilala ay madalam na may mga itinatago. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang pagdududa niya rito. Mula sa pagiging detective mode ay nag-instant switch siya sa interrogator mode. Ang mga emosyong nasa mukha nino ay napalitan ng malamig na ekspresyon. Nakita niyang naramdaman ni Beautiful Eyes ang kanyang panlalamig dahil wala sa sariling napalunok ito, isang maliit na tanda ng nerbiyos, kahit na ang mapanghamong kislap sa mga mata nito ay hindi naglaho bagkus ay mas lalong sumidhi.

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 8

    Saturday, August 28, 2:25 PM Tinanaw ni Gunther ang paglalagay sa katawan sa loob ng body bag, at ang mga miyembro ng forensics team na nagkukumahog na makakuha ng clues sa lugar kung nasaan kanina'y nakahiga ang bangkay. Maaaring may isang hibla ng buhok, o may fingerprint mula sa isang bagay na naiwan ng killer. Bawat detalye ay mahalaga. Sa ilang oras na nakalipas ay marami pa ang dumagdag sa kanilang imbestigasyon subalit hindi lahat ng kanilang katanungan ay nagkaro’n agad ng kasagutan. ‘Sana ay may makuha pang kapaki-pakinabang ang mga ito.’ tahimik niyang hiling. Isang kidlat ang tila'y bumitak sa parte ng langit na nasa itaas nila, na nasundan muli ng mas malakas na kulog.

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 7

    Saturday, August 28, 2:05 PM Daig pa ni Damien ang binuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig. Wala sa sarili niyang binuksan ang pinto ng kotse sa tabi niya at saka bumaba. “Sir Damien?” nagtataka si Lucio nang makita si Damien na lumabas ng kotse at tila ba wala sa sarili. Hindi siya narinig ni Damien. Makulimlim nang mga oras na iyon sapagkat puno ng makakapal na ulap ang kalangitan. Umihip ang hangin, isang matinis na sipol na nagpapahiwatig na malapit na nagbabadyang masamang panahon. Maalinsangan ang paligid. Sandali na lang at siguradong papatak na ang ulan. Isang marahang simoy ng hangin dala ang samyo ng mga puting rosas ang dumaan kay Damien. Lumi

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 6

    Saturday, August 28, 1 PM Nakalimutan na ni Damien kung gaano kalayo sa sibilisasyon, o sa pinakamalapit na kabahayan ng mga ordinaryong residente, ang buong pasilidad ng North Star Safe Haven. Maluwag ang kalsada dahil tanging ang kotse lang nila ang bumabyahe roon nang mga oras na iyon. Maraming mga malalago at berdeng mga puno at mga halaman sa magkabilang gilid ng daan. May mga nadaanan din silang malawak na kapatagan na puno ng mga matataas na damuhan. Pagkalipas ng ilang taon, maaaring maging okupado na ito ng mga bagong-tayong subdivision, pero sa ngayon ay pag-aari pa ito ng kalikasan. Ang isa pang nakalimutan ni Damien ay kung gaano katagal ang inaabot ng biyahe at kung gaano kalubak-lubak ang kalsada na hindi masyadong napapanatiling maayos dahil sa bihira lamang ang mga nagdaraan d

  • Shadowed Visions (Visionary, #1)   Chapter 5

    Saturday, August 28, 12:37 PMIsang sigil ang nakaukit sa likod ng dalawang puno. Ang itsura nito ay dalawang concentric circles na sa gitna ng nasa pinakaloob na bilog ay kakaibang mga simbolo at mga letrang hindi siya pamilyar kung saang lengguwahe nagmula. Ngayon lamang niya nakita ang mga iyon.‘Gawa nga kaya ito ng isang kulto?’ tanong ni Gunther sa sarili. Maraming mga palatandaan ang tila pinapaboran ang teoryang iyon, ngunit hindi pa siya sumasang-ayon doon nang lubusan.“Kulto nga kaya ang may gawa nito?” pasimpleng tanong ni Guevarra sa kanya. Ilang kaso na ang pinagsamahan nila kung kaya’t kabisado na nila kung paano mag-isip an

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status