May next update pa po. Wait lang natin at ipapahinga ko muna likod ko. hahahaha. Sa mga hindi pa po pala nakapag rate, pa rate po ng 5 stars. PS. Kung hindi niyo naitatanong, may sarili pong story si Grant.
“Itutuloy ba natin ang project Genesis?” Binitawan ko ang bola sa kamay at shoot, 3 points. Lumapit ako kay Grant at kinuha ang juice sa lamesa. “Kailangan natin ng malaking pera, Grant. This is a good start for us.” “Malaking responsibilidad ang project genesis. We can start with the money we earned, Tei.” “Kulang pa ‘yon. Hindi pwedeng we’ll settle for less. Malawak ang target market natin. We need more funds as possible. Besides, hindi ka ba naniniwala sa kakayahan natin?” Natahimik siya at sinamaan ako nang tingin. “Kung hindi ko lang alam para saan ito, iisipin kong mukha kang pera,” Ngumisi ako at tumabi sa kaniya. I need money. Kailangan kong buhayin si Demi at ang magiging anak namin. Hindi pwedeng maging pabaya ako. “Confirm? Buntis?” Ngiting ngiti ako sa harapan niya at tumango. “Gago! Congratulations brother!” Napailing ako sa kaniya. He changed a lot. “Kaya nga dapat natin makuha ang project genesis,” para naman may maipapamana ako sa magiging anak namin ni Demi
3 days in New York without Demi is like hell. Pero pinilit ko ang sarili ko dahil kailangan ko ng pera para mabigyan siya ng magandang kinabukasan. I know how wealthy her father is. Kaya ito ako at nagsusumikap para makuha ko siya sa papa niya. Well I'm planning to go straight to her father soon pagkatapos ko dito. Ayaw man sa kaniya ni Demi, he's still her father so I need to ask permission from him. Kasama ko ang pamilya ni Grant sa New York. I'm happy that my best friend is happy with his family. But somehow, inisip ko rin na sana kasama ko si Demi. We need a lot of preparation for project genesis pero ganoon pa man, I always call Demi to check her everyday. In my first night in New York, she's crying while talking to me. She keeps on saying na huwag na akong bumalik pero panay naman ang iyak... Do you miss me now little demon? I hope she missed me because she loves me. But I know na wala pa ako doon. She's only missing me dahil nasanay siya sa presensya ko. After all, sh
“What’s the matter at narito ang kambal ng Tejada’ng nagpaiyak at nanakit sa anak ko?” hindi ko mahimigan ang tuwa sa boses ni Fernandez. Yumuko ako sa harapan niya. “Patawarin niyo ‘ko sa ginawa ng pamilya ko kay Demi,” paghingi ko ng despensa sa kaniya. “But I am here para ipaalam ko sa inyo na hihingin ko ang kamay ng anak niyo.” Nabigla at nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Alam ko anong ginawa ko. Hindi basta basta itong tao sa harapan ko. Iisa kami ng mundong ginagalawan. Isang utos lang niya, kaya niyang pahirapan ang buhay ko. “I’ve known her no’ng bata pa ako. I always kidnapped her and sneaked in your house just to visit her. When we thought we’ve lost her, I lost a sister, a friend, and a companion that time.” I stopped at tinitigan sa mata si Fernandez na salubong ang kilay at galit na galit. “I didn’t believe in destiny but it brought me to her. I saw her again when she was still a student. And we met again nang maging secretary na siya ni Kei.” “Are you saying na
Nang magising ako, wala na si Demi sa tabi ko. Tumayo ako para hanapin siya. May damit ng nakahanda sa mesa kaya nagbihis na rin ako. Imbes si Demi ang nakita ko, si Vivian ang nakita ko. Agad na kumuyom ang kamao ko at nilapitan siya. Malakas na hinablot ko ang braso niya. “ANO BA?!” “Huwag na huwag mo ng ulit sasaktan si Demi!” Sinamaan niya ako nang tingin. “SINO KA BA?” Nginisihan ko siya. “Hindi ko kailangan sabihin sino ako. Tanungin mo ang mommy mo, siya magsasabi sa ‘yo sino ako!” Kinuha niya ang kamay niya ngunit hindi ko binibitawan. “BITAW SABI!” “Kilala ko kung kaninong anak ka. Hindi ba anak ka ng isang criminal?” Nawala ang postura ng mukha niya. Napalitan iyon ng gulat at pagkaraan ay takot. All thanks to Grant, kaya alam ko kung saan galing itong babaeng ito. “P-Paano mo n-nalaman?” takot na sabi niya. “Marami akong alam, Vivian. Kaya huwag mong sagarin ang pasensya ko.” “N-Nagkakamali ka! Anak na ako ni Fernandez Donio!” Nginisihan ko siya. Hindi totoong
Akala ko ay ayos na lahat. But when I heard her telling Crystyl that she’ll hate me kung sakali mang ako ang ama ng bata at hindi si Kei, natakot ako. Napaatras ako at umalis. It scares the hell out of me. Ang kamuhian niya ako. Hindi ko kayang hindi na niya ako kayang matignan sa mata. “Tei!” Si mommy na agad lumapit sa akin para yakapin ako. Hindi ako kumilos o gumalaw. Nasa bahay ako ng mga magulang ko to confront them for what they did to Demi. “Anong ginawa niyo kay Demi?” Natigilan silang lahat. Kahit si Kei ay natigilan din. “Hindi namin alam na anak siya ni Fernandez,” sabi ni mommy. Tumawa ako ng pagak. That’s the bullshit reason I heard. “Kung hindi nga siya anak ni Fernandez, anong gagawin niyo? Sasaktan niyo pa rin?” “Tei, hindi namin sinadya,” it was dad. Malakas kong hinawi ang vase sa tabi ko kung kaya nabasag ito. “Hindi niyo sinadya? Talaga! HINDI?” halos puputok na ang ugat sa ulo ko sa galit. “Tei- “ISA KA PANG HAYOP KA!” Dinuro ko si Kei. “HALOS MABALIW
“Alam kong itinakwil mo na ako. Pero gusto ko pa ring bisitahin ka.” Umingos ako at sinamaan siya nang tingin. Alam naman pala niya, bakit nandito pa siya. “Ito naman. Sorry na,” ani ni Kei at binigyan ako ng pagkain. “Pinabibigay ito ni mommy at dad,” sabi niya. Nagbaba ako nang tingin. “Hindi sila makapunta dito kasi nahihiya sila. Pero grabeng iyak ni mommy nang malaman niyang sumuko ka,” dagdag niya. Napabuntong hininga siya at nilabas sa bag lahat ng pagkain na luto ni mommy. “For sure laman na ako sa balita,” sabi ko at binuksan ang tubig. Umiling si Kei. “Hindi naman umabot sa media pinaggagawa mo. Isa pa, ano ka artista para ibalita?” Sinamaan ko siya nang tingin. Why is he annoying me? “You’re still clean publicly. Hindi nilabas sa balita ang tungkol sa pagsuko mo.” Kumunot ang noo ko. “Bakit?” nagtataka kong tanong. “Aside sa hindi ka relevant and prominent—” sinamaan ko ulit siya nang tingin. “Kidding aside, hinarangan ni Donio lahat ng balita tungkol sa ‘yo.”
Demi Moore Polinar Donio “Ate, kain na,” tumayo ako nang marinig si Cha na tinatawag ako. Nasagi ng singsing na suot ko ang sinulid galing sa kumot. It’s been one month mula ng mabalitaan ko na nakalabas na si Tei mula sa kulungan. Bakit hindi niya ako dinalaw dito? Sinabi na ba ni Kei sa kaniya na suot ko ang singsing na bigay niya? Halata na nga rin ang tiyan ko. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at napahawak sa tiyan ko. “Bakit kaya hindi pa tayo dinadalaw ng papa mo ‘nak?” “Ate, halika na at may pupuntahan ka pa,” kumunot ang noo ko. Saan ba ako pupunta? Lumabas na ako bago pa mapaos ang kapatid ko kakasigaw sa akin. “Ate, tumawag ba si papa sa ‘yo?” Umiling ako. “Bakit?” “Wala naman. Magpapaalam lang ako kung pwede ba akong sumama sa mga kaklase ko. Outing,” aniya at agad akong nilagyan ng pagkain sa plato. Kaklase? Outing? Kakausapin ko sana siya nang makita ko si Kei na pumasok at agad na dumiretso kay Cha. Kunot noo ko silang pinanood na para bang may pinagbu
Naka-krus na ang braso sa dibdib ko habang nakaupo sa mesa at nakatingin sa mukha ni Teiver na ngiting ngiti. Agad niyang hiniwalay ang binti ko at ipinulupot iyon sa mga binti niya habang nakatayo siya sa harapan ko. Kanina pa niya pinaggigilan ang labi ko at nang hindi pa siya nakuntento ay inupo pa niya ako sa mesa para madali lang sa kaniyang salakayin ang labi ko. Pinipigilan kong huwag mangiti but my heart right now is filled with happiness and ecstasy because of this man in front of me. Nakakabingi ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakakabaliw ang kasiyahang nararamdaman ko. I never felt his happiness before. Ang mapupula niyang labi na nanghahalina kasama na ang mapupungay niyang mata na nakatingin sa labi ko ay nagpapatunay na gusto pa niya. Gusto pa niyang makaisa. Pero kanina pa kami nag tutukaan dito mula ng pumasok kami. “Why are you kissing me?” tinaasan ko siya ng kilay ngunit ang walangjo ay ngiting ngiti lang. Halos mapunit na ang labi niya kakangiti. “Bakit nama