Ngayon ako naka resume. Pinapunta kasi ako ni mama sa bayan kanina. Anyway, may next update pa tayo.
“Alam kong itinakwil mo na ako. Pero gusto ko pa ring bisitahin ka.” Umingos ako at sinamaan siya nang tingin. Alam naman pala niya, bakit nandito pa siya. “Ito naman. Sorry na,” ani ni Kei at binigyan ako ng pagkain. “Pinabibigay ito ni mommy at dad,” sabi niya. Nagbaba ako nang tingin. “Hindi sila makapunta dito kasi nahihiya sila. Pero grabeng iyak ni mommy nang malaman niyang sumuko ka,” dagdag niya. Napabuntong hininga siya at nilabas sa bag lahat ng pagkain na luto ni mommy. “For sure laman na ako sa balita,” sabi ko at binuksan ang tubig. Umiling si Kei. “Hindi naman umabot sa media pinaggagawa mo. Isa pa, ano ka artista para ibalita?” Sinamaan ko siya nang tingin. Why is he annoying me? “You’re still clean publicly. Hindi nilabas sa balita ang tungkol sa pagsuko mo.” Kumunot ang noo ko. “Bakit?” nagtataka kong tanong. “Aside sa hindi ka relevant and prominent—” sinamaan ko ulit siya nang tingin. “Kidding aside, hinarangan ni Donio lahat ng balita tungkol sa ‘yo.”
Demi Moore Polinar Donio “Ate, kain na,” tumayo ako nang marinig si Cha na tinatawag ako. Nasagi ng singsing na suot ko ang sinulid galing sa kumot. It’s been one month mula ng mabalitaan ko na nakalabas na si Tei mula sa kulungan. Bakit hindi niya ako dinalaw dito? Sinabi na ba ni Kei sa kaniya na suot ko ang singsing na bigay niya? Halata na nga rin ang tiyan ko. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at napahawak sa tiyan ko. “Bakit kaya hindi pa tayo dinadalaw ng papa mo ‘nak?” “Ate, halika na at may pupuntahan ka pa,” kumunot ang noo ko. Saan ba ako pupunta? Lumabas na ako bago pa mapaos ang kapatid ko kakasigaw sa akin. “Ate, tumawag ba si papa sa ‘yo?” Umiling ako. “Bakit?” “Wala naman. Magpapaalam lang ako kung pwede ba akong sumama sa mga kaklase ko. Outing,” aniya at agad akong nilagyan ng pagkain sa plato. Kaklase? Outing? Kakausapin ko sana siya nang makita ko si Kei na pumasok at agad na dumiretso kay Cha. Kunot noo ko silang pinanood na para bang may pinagbu
Naka-krus na ang braso sa dibdib ko habang nakaupo sa mesa at nakatingin sa mukha ni Teiver na ngiting ngiti. Agad niyang hiniwalay ang binti ko at ipinulupot iyon sa mga binti niya habang nakatayo siya sa harapan ko. Kanina pa niya pinaggigilan ang labi ko at nang hindi pa siya nakuntento ay inupo pa niya ako sa mesa para madali lang sa kaniyang salakayin ang labi ko. Pinipigilan kong huwag mangiti but my heart right now is filled with happiness and ecstasy because of this man in front of me. Nakakabingi ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakakabaliw ang kasiyahang nararamdaman ko. I never felt his happiness before. Ang mapupula niyang labi na nanghahalina kasama na ang mapupungay niyang mata na nakatingin sa labi ko ay nagpapatunay na gusto pa niya. Gusto pa niyang makaisa. Pero kanina pa kami nag tutukaan dito mula ng pumasok kami. “Why are you kissing me?” tinaasan ko siya ng kilay ngunit ang walangjo ay ngiting ngiti lang. Halos mapunit na ang labi niya kakangiti. “Bakit nama
Tinignan ako ni papa nang maabutan ako sa kusina na nakangiti sa cellphone. Kumakain ako ng yogurt na may strawberries. “Morning pa,” sabi ko. Lumapit siya sa akin at hinaIikan ako sa ulo. Sumilip si papa sa cellphone ko at nakita si Tei na kumakaway sa kaniya. “Morning, pa.” Sabi ni Tei na ngiting ngiti. “Oh? Kamusta diyan sa LA?” tanong ni papa. Sumimangot si Tei pero pagkaraan ay ngumiti rin. “Uuwi na ako mamaya diyan. Ayos naman dito, pa. LA is still LA.” Nasa LA siya kasama si Grant para sa project genesis. Kailangan niya muna kasing huminto at iasa kay Grant pansamantala ang trabaho niya para sa kasal namin. Si Kei ang hahalina sa kaniya sa project genesis habang pini-prepara niya ang kasal naming dalawa. “Umuwi ka na agad para naman hindi ka mamiss nitong anak ko.” Sinimangutan ko si papa dahil nilaglag pa ako kay Tei. Mas lalo akong nahiya nang marinig ang tawa ni Tei sa screen dahil sa sinabi ni papa. Mula nang magkabalikan kami, sinabi na ni papa na tawagin siya ni
Busy ang lahat ng tao sa labas ng bahay. Ngayon kasi ang engagement party namin ni Tei. Nandito ako sa gilid, nakaupo dahil kanina pa ako napagod kakalakad. Si Tetel at Cha naman ay busy sa mga anak ng mga kaibigan ni papa. Taga entertain sila. Nasa iisang table sina mommy Roxanne at daddy Xaver kasama ng papa ko, Lolo at ni Alita. Well, asawa pa rin siya ni papa kaya nandito siya. Busy na ang lahat ultimo si Tei ay halos hindi na makaupo, dahil laging hinahanap ang presensya niya ng mga tao. Kahit si Kei ay ganoon rin. Nakikita ko na nga minsan ang simangot sa mukha niya habang nakaharap sa mga bisita. Napahawak ako sa tiyan ko. Sa susunod na buwan na ang kasal namin ni Tei pero sinabi kong gusto kong magpakasal sa kanila kapag malaki na ang anak namin. Gusto ko siya maging flower girl o di kaya ay ring bearer. Pero ayaw ako payagan ni Tei dahil gusto na niyang magpakasal kami sa lalong madaling panahon at baka pa daw magbago ang isip ko. Baliw talaga! "Hey," napatuwid pa ak
Hindi na matigil ang lahat sa kaka-asikaso sa akin. Ito na kasi ang araw na pinakahihintay namin. Ang kasal namin ni Teiver. Halos wala akong ginawa kun’di matulog at kumain dahil si papa at mga magulang na ni Tei ang nag-asikaso ng lahat no’ng nakaraan. Nasa kwarto ako, kasalukuyan ng pinapaganda ng mga hinire ni mommy Roxanne na make-up artist. Suot ko ang wedding dress na kumportable suotin sa kagaya kong kalakihan na ang tiyan. Bumukas ang pintuan at pumasok sa loob si papa dala ang nakakasilaw niyang ngiti. “What a gorgeous lady I have here.” Aniya at lumapit sa akin para haIikan ako sa pisngi. “Talaga papa?” “Of course, para kang mama mo no’ng ikinasal siya sa akin.” Napangiti ako ng palihim. Kung nasaan man si mama ngayon, sana masaya siya habang pinapanood ako. “May ibibigay ako sa ‘yo,” bulong niya. “What is it?” Pumwesto si papa sa likuran. May isinuot siya sa aking kwintas. "I gave this to your mom when I married her. I want you to wear it dahil ito ang sinabi niy
After 10 years, “Noah!” tawag ko sa anak ko na nagkulong na naman sa kwarto niya. Anong oras na at napapaos na ako kakatawag sa kaniya. “NOAH!” pinapasakit talaga ng batang ito ang ulo ko minsan. Lumabas siya sa kwarto niya suot ang earphones. “Noah, ano ba? Kanina pa kita tinatawag.” Tinanggal niya ang earphones sa tenga niya at lumapit sa akin saka niyakap ako sa bewang. “Where’s papa, ma?” naglalambing aniya. Jusko itong batang ito. “He’s with Nikolay,” tumaas ang sulok ng labi niya. “Ate Nikolay? Anong ginagawa nila?” “Nagpapaturo ang ate mo sa papa mo tungkol sa assignment niyo.” Hindi siya sumagot at umupo na sa hapagkainan habang ako ay busy sa paglalagay ng pagkain sa plato niya. “Where’s Noelle?” “She’s in her room,” tipid na sagot Noah habang kumakain na. Napabuntong hininga ako. My children loves to give me a headache. Noah is turning 10 together with Noelle. Nikolay is our adoptive child. Anak siya ng tauhan namin na namatay dahil inatake sa puso. Walang mag-aal
“What are you up to?” napabangon ako bigla nang makita ko sa langit si kuya Rio. Nakahiga kasi ako dito sa batuhan malapit sa malaking ugat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nasa 7th grade na ako sa high school pero hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko kay kuya Rio. Kaya lang, kahit na siguro lumaki ako, lumalaki rin siya. Mas nagkakalayo ang agwat naming dalawa. “Nakatulog po kuya,” “Anong ginagawa mo dito? May pasok ka pa hindi ba?” ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi makatingin sa kaniya. “Maaga pa naman—hala! Anong oras na kuya?” Natatawa niyang ginulo ang buhok ko. “Alas sais na po ng gabi,” sabi niya sa ‘kin. Namula ako bigla at nagbaba nang tingin. Sobrang bait ni kuya Rio. “Kuya, anong gagawin ko? Hinahanap na ako ni mama,” Agad siyang tumalikod sa akin. “Sakay ka, uuwi na tayo.” Sabi niya. Napatitig ako sa likuran niya. Nagdadalawang isip ako kung sasakay ba ako o hindi. “Sumakay ka na dahil ihahatid kita sa inyo,” wala na akong nagawa kun’di ang suma