Hindi ako makatingin sa kaniya matapos kong humilwalay sa kaniya mula sa pagkakayakap hanggang sa nakauwi kami ay tahimik lang ako.Akala ko ay sa bahay siya matutulog ngunit nagulat ako na hindi siya bumaba ng sasakyan.“See you tomorrow,” aniya at saka pa bumaba para haIikan ako sa noo.Sumakay siya ulit at umalis. Para akong tanga na nakatitig sa papalayong sasakyan niya. Gusto ko ba si Teiver? May feelings na ba ako sa kaniya? Tanong na paulit ulit naglalaro sa isipan ko kanina.No’ng sinabi niyang babalik siya kay Ylaya, doon na talaga ako nag breakdown. Hindi ko kayang aalis siya at babalik sa babaeng iyon.“Umalis na si Tejada?” napalingon ako sa likuran at nakita si papa.Tumango ako.“Kamusta ang date?”Hindi ako sumagot. Nahihiya akong sumagot kay papa.“Nandito ang isa pang Tejada anak, nasa sala siya at hinihintay ka,”Si Kei? Nandito?Mabuti nalang pala at hindi pumasok si Tei dahil baka mag-away lang sila dito sa loob.Pagdating ko sa sala kung nasaan si Quiver, napahint
“Ate, pahingi- ay hindi nalang pala,” agad na lumayo ang kapatid ko sa ‘kin nang magtama ang paningin namin. “Anyare diyan, Cha?” bulong ni Tetel. Kararating lang niya ngayon at naabutan ang busangot kong mukha. “Binabaan kasi ni kuya Tei ng tawag, ate.” Sinamaan ko silang dalawa ng tingin kaya sabay silang napaiwas tingin sa ‘kin. “Ang lamig naman dito, Cha!” Sabi ni Crystyl, halatang niloloko ako. “Umalis nga kayo dito,” “Ba! Ang maIdita mo for today’s video,” tinaasan ako ni Tetel ng kilay habang nagpipigil ng ngiti ang kapatid ko. “Uy ate, si kuya Tei nasa likod mo!” Agad akong napalingon sa likuran ngunit wala akong nakitang Teiver. Sinamaan ko sila nang tingin at tinawanan nila ako. “Ang sasama ng ugali niyo.” Galit akong tumayo para sana umalis ng pagtalikod ko, mukha ni Teiversio ang tumambad sa harapan ko. Agad akong napalingon kila Cha at dahan-dahang umupo pabalik sa kinauupuan ko kanina. Humagikgik ang dalawa sa harapan habang nakatingin sa ‘kin. “Flowers for my
Sinabi ko muna kay Teiver na hintayin niya ‘ko sa sala dahil kailangan kong kausapin ng masinsinan ang pinsan ko at kapatid. “Oh? Anong klaseng mukha iyan?” “Nanggigil talaga ako sa Vivian na ‘yon,” sabi ni Crystyl. Ewan ko sa babaeng ito. Grabe talaga ang tibay ng loob. “Tetel, tama na. Tapos na e,” Tumingin ako sa kapatid ko na tahimik sa tabi. “Cha? Bakit ganiyan ang mukha mo?” “Bakit mo ‘ko pinapasorry sa kaniya ate e wala naman akong ginawang mali sa kaniya. Aksidente ‘yong nangyari.” “Cha,” “Punta muna ako sa kwarto ko ate,” aniya. Umalis siya at iniwan kami ni Tetel. Iyong bata na ‘yon, ayaw talaga patapak sa pride niya. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa kaibigan ko. “Tel, maiba, tingin mo ba alam ni Tei na buntis ako? Sinabi mo ba sa kaniya?” “Bakit mo nasabi?” aniya sabay ng pag-upo niya ng tuwid. “Hindi ko rin sinabi sa kaniya,” aniya. “Siya nga nagsabi sa ‘kin,” bulong niya na hindi ko masiyadong narinig. “Ano ‘yon, Tel?” “Wala. So bakit mo nga nasa
Dumaan ang isa, dalawa, tatlo, at hanggang sa naging isang linggo na ng hindi nagpapakita si Teiver sa bahay. Ilang ulit ko rin siyang tinawagan ngunit hindi siya sumasagot. Ultimo text ay wala akong natatanggap sa kaniya. Naka tatlong dalaw na nga si Kei sa bahay pero wala pa ring Teiver na sumisipot. “Anong gusto mong kainin?” tanong ni Kei no’ng nilabas niya ‘ko sa bahay para maglakad sa park. Hapon na at nakapambahay lang ako habang si Kei ay naka business suit pa. “Kwek kwek,” walang gana kong sagot. Mukhang napansin niya ‘yon kaya tumabi siya sa akin matapos niyang sabihin sa tindira anong kakainin namin. “Galing ka ba sa trabaho?” tanong ko. Napakamot siya sa ulo niya at tumango. “I need to work my ass hard as before. Hindi naman ako kagaya ni Teiver na magaling sa negosyo. TC is in its hardest time now.” Natahimik ako dahil alam ko na dahil iyon sa nag-alisan na investor dahil kay papa at lolo. “Sorry,” sabi ko. Ngumiti lang siya at sinabing huwag ko ng aalahanin ang b
“This is the juice, and this is the wine! Please know the difference.” Nakasimangot na sabi ni Kei dahil kanina pa ako namali-mali sa pagkuha ng juice sa lamesa. “Naiinis ako sa kakambal mo Kei,” bulong ko. “Yes, yes, halata naman Demi. But no wine for you please. Kailangan ko pang bantayan ka—oh that’s wine!” Na s-stress niyang kinuha ang baso na inabot ko sa mesa at nilayo iyon sa harapan ko. Nanggagalaiti talaga ako sa galit habang nakatingin kay Ylaya at Teiver na kulang nalang ay maglampungan sa harapan. Friend pala ako ngayon matapos niyang sabihin lahat ng sinabi niya sa ‘kin. Bwesit siya! Dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko, humarap na ako kay Kei. “Hindi ba fiancee mo pa ‘yon? Bakit ang kati? No offense Kei ah pero naiinis ako! Isama mo pa ‘yang kakambal mo na makati rin. Bagay nga sila!” Akala ko maiinis si Kei sa sinabi ko pero natawa siya lalo na sa itsura ko. “Kanina lang para kang naiiyak. Ngayon para kang tigre,” “Huwag mo ‘kong inisin baka masiko kita diya
“May gusto ka pa bang kainin?” bulong ni Kei. Meron pero paano ako kakain kung may matang pinapanood ako? Na animo’y isang mali ko lang ay malalagot ako. “Tama na ‘yan Kei. Parang hindi ko rin naman ‘yan makakain lahat,” sabi ko. Nasa buffet table kami. Sa harapan ko ay naroon si Teiver na wala yatang ibang ginawa kun’di sundan ako. Pa simple ang pagsunod niya, akala niya siguro hindi ko napapansin. Nang ibigay na ni Kei sa akin ang plato, kukunin ko sana ng may kamay ang kumuha no’n mula sa ‘kin. Napatingin ako sa may gawa at si Teiver iyon. Instead, ang binigay niya ay ang plato niyang may pagkain na kinuha niya kanina. “Bakit ko naman kukunin ‘yan?” “Kukunin mo ‘to o kukunin mo ‘to?” sinamaan ko siya nang tingin. Nang hindi ako kumilos ay siya na ang kumuha sa kamay ko at nilagay doon ang plato niya. “Ito ang kainin mo,” sabi niya at tumalikod dala ang platong may pagkain na kinuha ni Kei para sa akin. Awang ang labi kong tumingin kay Kei na ngayon ay nagpipigil ng ngiti. “
Ganoon lang kami ni Tei ng ilang minuto. Humupa na rin ang pag-iyak ko. Nang humarap ako sa kaniya, malungkot siyang tumingin sa mga mata ko. “Galit ka ba sa ‘kin?” Umiling siya. “May nagawa ba ‘kong mali?” Umiling ulit siya. Hindi ko tuloy alam bakit at anong dahilan kung bakit siya lumayo ng isang linggo. “Then why?” kunot noong tanong ko. “Walang araw na hindi ako dumadalaw sa inyo,” sabi niya. “LIAR!” Hindi ko na napigilan magtaas ng boses. Araw-araw pero bakit hindi ko siya nakita? Nasaan siya kung ganoon? “Yes. But I don’t have a heart to show my face to you.” Kumunot ang noo ko. Bakit? Anong ibig niyang sabihin? “Anong ibig mong sabihin, Tei?” Ngumiti siya ngunit hindi iyon umabot sa mata niya. “I’ll tell you later,” aniya sabay haplos sa pisngi ko. Bakit later pa? “Would you like to come with me?” “Saan pupunta?” “Beach? I have something to show you.” Nagtataka man ay bumalik sa tabi ng upuan niya. Tumango ako. Pinanood ko siyang paandarin ang sasakyan. Hindi ko
“Ate, kumain ka na,” “Ayaw kong kumain!” Tumagilid ako ng higa at ipinikit ang mata. “Ako na diyan, Cha,” rinig kong boses ni Kei. “Demi, you need to eat for the baby.” Galit ko silang tiniginan. “Bingi ba kayo? Sabi ko hindi ako gutom!” “Demi!” Naiinis na tumayo ako para harapin si Kei. “Ano ba Kei, sabi ng hindi ako gutom.” “Why are you like that?” kunot noong tanong niya. “Stop being selfish and eat this. This is not for you. This is for the baby.” Natigilan ako sa biglang pagtaas ng boses ni Kei. Natigilan ako sa sinabi niya at napahawak sa tiyan ko. “You’re in pain? And what? Gusto mo rin pahirapan ang anak mo?” “Kuya,” tawag ni Cha kay Kei. “No Cha. Your ate need to understand na sa hindi niya pagkain, may batang naaapektuhan sa ginagawa niya.” Sunod-sunod ang luhang bumagsak mula sa mata ko kaya umupo ako sa kama at kinuha ang kutsara sa plato. Bawat subo ko ay iyak ako nang iyak. Nakita kong lumuhod si Kei para magpantay ang paningin namin. “Please take care of y