"Ma,ba't ang lupit niyo?Ano ba ang naging kasalanan ko sa iyo?Bakit mo ako pinahirapan ng ganito!"Hindi naman ginusto ni Laura ang maging mahirap at ang pasukin ang kanyang trabahong bumuhay sa kanyang pamilya.Wala na siyang Ama,kaya napasok siya sa ganoong trabaho,pero kahit na ganun ang trabaho ni laura minahal ko siya dahil totoo siyang tao.Kumpara sa iba mas nirespeto ko siya,ang tanong mo kung Bakit?dahil kakaiba siya Mama!pinilit niyang makapgtapos kahit na sa gabi siya nagtatrabaho at pagka umaga naman ay pumapasok siya sa school,isa siya sa pinakamatalino sa aming klase.Pero bakit,hinadlangan mo ang aming pagmamahalan Mama.?"Pinal na ang aming desisyon Tyron!kahit anong gawin mo,hindi na mababago ang aming desisyon.Kung gusto mo pang maging bahagi ng pamilyang ito susundin mo ang lahat ng aming sasabihin,layuan mo si Laura Tyron!dahil siya ang dahilan ng lahat ng kaguluhan sa ating pamilya.Paano kung ayaw ko?Ano ang gagawin mo?matigas na sabi ni tyron sa kanyang ina.P
Mabilis ang ginawang kilos ng mama ni Tyron,ilang saglit lang ay magkaharap nang muli sina laura at mama ng binata."Ganun parin ang hitsura nito,aristokrata,a higit sa lahat maldita.nakataas pa ang isang kilay nito habang ang mata ay sinuyod ang buong katawan ni laura sa kakatingin.Mabuti nandito ka,at ng hindi na ako mapagod sa kakahintay sayo.Hindi na ako magpaliguy-ligoy pa naparito ako upang sabihin sayo na layuan muna ang anak ko!dahil hindi ka magtatagumpay sa iyong binabalak.Hindi ko mapapayagan na maging parti ka ng aming pamilya!isang mababang uri ng baabe na kailanman ay hindo ko matatanggap.Tapos kana po?sa pang-iinsulto,makakaalis na kayo!ngayon din.Bago ko makalimutan ang respituhin ka dahil ikaw parin ang ina ni Tyron.Bravo!!,lumabas din ang tunay mong ugali,para sa kaalaman mo nandito ako dahil pinabigay sayo ni Tyron ang perang ito,sabay hulog nito sa paanan ni laura ng pera.Ano ang ibig niyong sabihin?Hindi ka mahal ng anak ko! Bayaran ka lang at dahil ganyang
Sobra na ang pang-aapi ng mama ni Tyron kay Laura kaya naisip nitong gamitin ang perang ibinigay sa kanya ,na ang sabi nito pinabibigay ng nobyo.Hindi siya naniniwala,mahal na mahal siya ni Tyron at kung ano man ang binabalak ni Isabel Andrada upang paglayuin sila ng anak nito!hindi niya kakayanin kung mawala ang lalaking naging sentro ng buhay at pagbabago niya.Pero paano nga kung totoo ang sinabi nitong si Tyron mismo ang nagpabigay sa matapobre nitong Ina sa kanyang hawak na bungkos ng pera?bakit at ano ang dahilan niya.Ah,hindi,diko paniniwalaan ang lahat ng sinabi ni Isabel,ang mahalaga ay si Tyron siya dapat ang aking mkausap.kaya nagdesisyon si Laura na bukas papasok siya sa unibersidad kung saan doon niya kokomprontahin ang nobyo.Hindi puwedeng basta na lamang magtagpi ng kasinungalingan ang Mama nito sa kanya.mas mahalaga parin kay Laura ang sasabihin sa kanya ng binata.hanggang sa pagtulog ay mukha parin ni Tyron ang kanyang nakikita,mahal na mahal na ito.ito lamang ang
Lumipas ang isang linggo,nasa ilalim ng puno ng malaking accasia si Laura hinihintay na doon ang kaibigan,at the same time nagbabasa ng libro malapit na ang kanilang graduation hindi parin niya alam kung bakit hindi na pumapasok sa kanilang unibersidad si Tyron.Hanggang sa may dumaan na na mga estudyante nagka-inters siyang pakinggan ang pinagtsi-tsismisan ng mga ito.Oy,alam mo ba?kaya pala hindi na pumapasok ang apo ng may-ari ng school na ito ay dahil sa nagpunta na ito ng states.Balita ko doon na raw magtatapos ito ng pag-aaral dahil may iniiwasan raw itong babae rito sa ating eskwelahan.Halatang pinaparinig talaga kay Laura ang 3 schoolmates niya ang pinag-uusapan ng mga tsismosang estudyante.Ows,talaga?Oo,sigurado ako,sabi pa nga dun sa nagbalita sa amin na hindi raw talaga matanggap ng pamilya ni Tyron ang gf nito na mahirap,kaya pinapili siya ng kanyang pamilya.At dahil sa takot mawalan ng mamanahin at takot maghirap si Tyron ay mas pinili nito ang sariling pamilya,tutal
Patuloy ang buhay kahit nagdurugo ang puso ni Laura,hindi siya nakakatulog ng maayos dahil lagi niyang napapanaginipan ang nobyo.Aminado siyang mahal na mahal niya si Tyron dahil ito lang ang kauna-unahang lalaking pinag-alayan ng kanyang puso at pagmamahal.Kahit na hindi ito ang lalaking umangkin sa kanyang pagkababae ay ito naman ang una't-huli niyang mamahalin.Araw-araw niya itong na mimiss,at sa bawat araw na nagdaan tila ba?nadagdagan din ang kanyang timbang.nagtataka siya kung bakit mabait na ang mga ka-eskwela niya,pati ang dean ay bago na,hindi na si Mr. Tuazon na lumait sa kanyang pagkatao.Pati ang kaibigan niyang si Nancy ay laging"hindi ko alam Laura,siguro na reliaze nila na mabait ka at ang lahat ng ginagawa mo ay para sa inyong pamilya.ito lagi ang sagot sa kanya ni Nancy kapag tinanong kung bakit iba na ang trato sa kanya ng mga estudyante sa unibersidad na kanyang pinapasukan.Ang isa pang nakapagtataka kay Laura ay ang pagtrato sa kanya ng mga kabarkada ni Tyron.
Pagdating sa bahay nina Laura ay walang patid ng yakapan at iyakan,sa wakas natupa narin ang kanyang pangara ang makapagtapos sa kanyang pag-aaral.Marami man ang hadlang ay hindi parin nawalan ng pag-asa si Laura na maabot ang pinapangarap na tagumpay,nakasuot ng toga at hawak ang Diploma ay buong pagmamalaki niya itong ibinagay sa inang walang ampat ang luha sa kakaiyak.Hindi,ito nakapunta sa school upang saksihan ang pagtatapos ng ana,dahil nakakulong ito sa silyang de-gulong kaya tanging si Cleo lamang ang nagsabit ng mga medalyang natamo ni Laura.'Kahit si Cleo ay proud na proud sa kanyang naging kasamahan dati sa putikan na ngayon isa ng titulada,Although,alam niyang may mararating si Laura pero hindi niya sukat akalain na makukuha nito ang pinakamataas na karangalan sa kursong kinuha nito'."Summa cum Laude"wow,hindi basta-basta ang utak ng kaibigan.'Nay,ito alay ko sa'yo at sa mga kapatid ko".Ito,na ang simula,hindi ko na kailangan ang magtrabaho sa dati kung pinapasukan.Pe
Katulad ng sinabi ng ina ni Laura,ay hindi pa nito pinatagal ang pagpunta sa hospital upang magpacheck-up sa doctor.Kahit siya ay nahihiwagaan kung bakit?hindi na siya dinatnan ng buwanang dalaw,nakapagtataka naman kasi,dahil kung buntis siya malamang may nararamdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan.Pero hindi,normal lang ang reaksiyon ng kanyang katawan puwera nalang sa bilis ng pagpitik ng kanyang pulso at may kunting umbok ang kanyang tiyan."Kung nagbunga man ang huling pagtatalik nila ni Tyron,ay masaya siyang bubuhayin at aalagaan ang sanggol,dahil mahal niya ang ama nito at balang-araw magkikita rin sila ng binata".Pagdating sa hospital ay agad na inasikaso ng doctor si Laura,personal siyan tiningnan nito dahil sa kanyang sinabi na hindi siya nagkaroon ng regla within 3months.Paglabas ng ob-gyne sa laboratory room ay masayang ibinalita sa kanya na siya ay nagdadalan-tao.Nagtataka man ang dalaga pero makikita sa mukha nito ang kaligayahan pero paanong hindi siya nagkaroon n
"Buo na ang pasya ng abuelo ni Tyron na pababalikin ang apo sa pilipinas,dahil tapos narin ito ng pag-aaral at kailangan rin ang kanyang apo ang isa sa mamahala ng kanilang mga negosyo,kailanganniyang humanap ng mabisang paraan upang mapaniwala ang manugang na si Isabel".At may naisip na siya,magpapanggap siyang inaatake na naman ng kanyang sakit at this time kailangan niya ng kakutsaba,upang mapaniwala sina Isabel at Tyron na nasa kritikal ang kanyang kondisyon na kailangan umuwi sila bago paman mahuli ang lahat.Tama,ang talino ko talaga?!masayang bulong ng matandang Andrada sa sarili nito.Gagawin niya ang kanyang naisip pagkaalis ng kanyang anak na si Condrad,alam niyang may pupuntahan itong meeting at sa pagkakaalam niya ay isang linggo itong mananatili sa Baguio kasama ang mga foriegner na ka business meeting nito.Araw ng lunes,maagang pumasok si Laura sa kompanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Michael,malaki ang utang na loob niya sa pamilya nito lalo na kay Michael na siyang tu
BABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. HALOS,lundagin ni Tyron ang kinaroroonan ni Laura ng makitang nasa daan ito at nawalan ng malay,mas dumoble ang takot nito ng makitang duguan ang nobya.Para naring hihimatayin si Tyron sa nakita.Abot-abot ang dasal nito na wag sanang mapahamak ang kanyang mag-ina dahil mawawalan narin ng saysay ang buhay niya. Niyakap at hinalikan nito si Laura at pagkatapos ay pinangko papunta sa kotse,luhaang bitbit nito ang nobya,nababahala siya sa sinapit nito kay Tukinawa.Gusto mang iparanas ni Tyron sa hapon ang ginawa nito sa kanyang mag-ina ay hindi puwede mas kailangan madala sa ospital si Laura bago pa ito mawala sa kanya.Saka na lamang niya balikan si Tukinawa pag magaling na at ligtas na ang kanyang mag-ina.Pagkapasok
SAKTONG,paglabas ni Tyron sa pinasukang icecream parlor na may bitbit na nagyeyelong ice cream para kay Laura ay siya namang pag-alis ng itim na van na lulan ang nobya.Palinga-linga ito,hinahanap ng mata nito ang nobyang buntis sa bench na kaharap ng pinagbilhan ng ice cream. Kahit saan ibaling ang tingin ay wala dun ang dalaga,napatakbo bigla si Tyron sa upuan na pinag-iwanan niya kay Laura ang tanging naiwan dito ay ang panyo nitong ipinahid niya sa pawis kanina habang naglalakad sila ng kasintahan sa kahabaan ng parke.Imposible naman na umalis at iwan siya ng walang paalam ni Laura,ganung wala naman silang problema.Biglang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib,oh my God?wag naman sanang may masamang tao na dumukot sa mag-ina ko.Halos mabaliw si Tyron sa kakahanap sa dalaga,sinuyod na nito ang buong parke,pero kahit anino ng nobya ay di niya nakita. Hindi,maiwasang umiyak ni Tyron kusa ng tumulo ang luha sa kanyang mata sa nadaramang takot at kaba, na baka may nangyari di maganda sa
Isang simpleng handaan ang isinagawa sa mansion ng mga Andrada.Piling bisita lamang ang mga naroon kasama na ang pamilya ni Laura,na hindi mapigil ang mapaiyak sa suwerteng dumating sa panganay nitong anak.Parang telenovela ang buhay ni Laura maraming dagok sa buhay na kinaya nito at nalagpasan at ito ang kapalit ngayon ang maginhawang buhay.Dalaga narin si Mica ang kapatid ni Laura na sumunod sa kanya na naging inspirasyon ang kanyang ate sa pagpupursige nitong mabigyan sila ng magandang buhay.Nandoon rin sina Cleo at Mamsy na mga taong malapit sa dalaga,saksi silang dalawa sa pagiging mabuting tao ng pinakabata at pinakamagandang magdalena nito.Di rin pahuhuli sina Michael at ang pamilya nito na naging sandalan ni Laura noong mga panahong wala si Tyron sa tabi ng dalaga. Wala ng mahihiling pa ang magnobyo,kundi ang makita ang bunga ng kanilang pagmamahalan na ilang buwan na lamang ay masisilayan na nito ang ganda ng mundo.Napag-usapan ng bawat- pamilya na pagkatapos na manganak ni
PAANO yan,tuloy na ang kasal?saka mas lalong magiging matatag ang ating pagkakaibigan dahil ninong ako sa paglabas ng anak niyo.Aprub,pareng Michael pinasaya mo ako at mas lalong pinahanga mo ako sa iyong katapatan,tunay ka ngang kaibigan.Biruin mo?ito pala ang sorpesang sinabi mo sa akin,napakagandang regalo sa aking pagbabalik -bansa at sa tulong ng aking abuelo kaya andito ako ngayon kasama ng aking mahal at ng aming magiging anak sabi ni Tyron pagkuway hinalikan nito si Laura sa harap ng dalawang taong malapit sa kanila.Ganun ba?ang bait talaga ng lolo mo pre,humanap talaga siya ng dahilan upang magkasama kayong muli ni Laura,kaya hindi maipagkakailang namana mo sa kanya ang kagandahang-loob.Oo nga,Michael,kaya malaki ang pasalamat ko sa kanya.Teka,nung nasa states pa kami ng mama,bakit dimo sinabing buntin na ang mahal ko?kung nagkataon palang di ako nakauwi rito,eh,hindi malalaman na buntis si Laura at diko rin sana masilayan ang pagsilang nito sa aming anak?Naku?,ilang beses
La-laura,buntis ka?ito ang unang lumabas sa bibig ni Tyron habang si Laura naman ay parang nakatapak ng pandikit dahil hindi nito maigalaw ang dalawang paa lalo na't hawak ng kaliwang kamay nito ang may kalakihan ng tiyan na mas lalong naging kaaya-aya sa paningin ni Tyron.Nakasuot kasi ng preggy outfit si Laura na pinapakita lamang nito na proud mommy siya.Ty-tyron,sambit nito sa pangalan ng kinasasabikang nobyo hindi nito inakala na sa araw na iyon ay makikita niya ang umiwan sa kanya na binata,ang ama ng kanyang pinagbubuntis.Sa pagkabigla ay napahawak si Laura sa doorknob upang lumabas sa kanyang opisina kaya pala ganun na lamang ang pagkakangeti sa kanya ng kanyang sekretarya may alam pala ito na may naghihintay na tao sa loob ng sariling opisina.Pero,nang pihitin nito ang dahon ng pinto ay di nito mabuksan kaya mabilis na tumayo si Tyron at agad na nilapitan ang nobyang buntis.Di na nagawang maka-iwas si Laura dahil kaagad na pinulupot ni Tyron sa kanyang malaking tiyan ang da
SA OSPITAL, naman ay umiiyak na humihingi ng tawad si Isabel sa biyenan nitong lalake,alam niyang malaki ang galit sa kanya ng matanda dahil sa pilit niyang hinahadlangan ang pagmamahalan ng kanyang anak na si Tyron at ng nobya nitong si Laura.Bumabalik kasi sa kanyang ala-ala ang kanyang nakaraan pagnakita ang nobya ng anak,alam niyang mali siya sa puntong iyon.Walang kasalanan si Laura sa kanyang pinagdaanan,pareho man silang nasadlak sa putikan pero magkaiba sila ng kapalaran at magsilbing inspirasyon ng ibang nasa babaeng ganun ang trabaho ang katulad ni Laura.Dahil nagawa lamang nitong pasukin ang ganung trabaho dahil ito ang tumatayong ama at inat sa kanyang pamilya,at sa kabila ng pagiging magdalena nito ay hindi ito naging sagabal upang abutin ang pinapangarap na edukasyon na ngayon ay napagtagumpayan.Tunay ngang dakilang anak at kapatid ang babaeng minahal ng kanyang unico hijo,pinagsisihan niyang napagsalitaan niya ng di maganda si Laura kaya ngayon andito na sila sa Pinas,
Condrad,anong sabi ng mag-ina mo?andito naba sila sa bansan?excited na tanong ng matanda.Naku papa,kakaupo palang sa loob ng eroplano,pinapasabi ng apo mo na wag ka raw mag-alala magkikita na raw kayo ni Tyron kaya pakalmahin mo ang sarili mo Pa, ng sa ganun ay di na kami mag-aalala sayo.Ganun ba Condrad?sige,matutulog na muna ako at sana sa aking pag-gising ay nasa tabi ko na ang aking apo ani ng matanda sa kanyang nag-iisang anak.Tama,ganyan nga papa,nang pagdating ni Tyron ay malakas na po kayo.Okie,anak basta ang iniutos ko sayo gawin mo!makakaasa ka Papa,gagawin ko ang sinabi mo tugon ni Condrad sa kanya ama.Iiling-iling na lamang si Condrad sa inakto ng ama, para itong bumalik sa pagkabata at pinapahanap pa sa kanya ang nobya ng kanyang anak.Nakaramdam naman ng pagod si Laura sa kakalakad nito sa tabing-dagat kung saan inilipad ng mabining hangin ang lampas sa balikat na buhok ng dalaga.Kahit na malaki na ang tiyan nito ay di-parin nabawasan ang taglay nitong ganda.Nakakatawag
Samantala sa bahay ng pamilyang Andrada na nasa states ay hindi na nag-aksaya ng panahon ang mag-ina agad itong nagpa-book sa eroplano pabalik ng Pinas.Mixed-emotion ang nadarama ni Tyron sa kanyang pagbabalik-bansa,una ang malungkot siya dahil nasa ospital ngayon ang kanyang lolo inatake sa puso gaya ng sabi ng mama Isabel nito at pangalawa ay muling makikita ang mahal niyang si Laura.Lalo na ngayon na pumayag na ang kanyang na pakasalan ang nobya.Gaya ng sinabi ng abuelo ni Tyron sa anak nitong si Condrad ay hinanap nito ang bhay ng dalaga,nagulat pa ito ng makita ang tirahan ni Laura.Ang alam ni Condrad ay mahirap lamang ang nobya ng kanyang anak,matalino nga lang kaya nakapag-aral ito sa eskwelahang pag-aari ng pamilya nila.Hindi na ito nagdalawang-isip agad na kumatok sa pinto at ilang sandali pa lamang ay pinagbuksan siya ng babaeng nakaupo sa silyang de-gulong.Kahit ang ina ni Laura ay nagulat sa di-kilalang bisita ngayon lamang may naligaw na taong nakasuot ng amerikana sa ka
Mabilis na nakalapit si Tyron sa kinaroronan ng Ina,kahit na may tampo siya dito ay ito parin ang kanyang Ina na nagluwal at nag-aruga sa kanya.Utang niya dito ang kanyang buhay hindi niya lamang ito iniimikan sa kadahilanang inilayo siya nito sa kanyang mahal na si Laura pero magkaganun man ay mahal niya parin ang kanyang mama dahil nag-iisa lamang ito sa mundo."Ma,anong nangyari?ba't ganyan ang hitsura mo?nag-aalalang tanong nito kay Isabel at sa kauna-unahang pagkakataon na nakita ni Tyron ang Ina na umiyak sa kanyang harapan".Wala na yong dating bagsik ng mukha nito at ngayon ay napalitan ng mga luhang naglandas sa pisnge nito.Mas ikinagulat nito ang ginawang hakbang ng kanyang mama,niyakap siya nito ng mahigpit pagkuway nagsalita ito kahit na garalgal ang tinig.Tyron anak,patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko naging bulag ako sa aking nakaraan at sa karangyaan na aking tinatamasa.Masyado akong nagpadala sa aking emosyon kaya hindi ko na alam na may taong nasasaktan sa aking pa