Pagkatapos mag-usap nina Laura at Michael ay nagpaalam ang binata na pupunta sa opisina ng ama nito,ang Presidente ng company na pinagtatrabahuan ni Laura. "Naiwan itong nakaupo sa kanyang swivel-chair na nag-iisip sa naging reaction ng matalik na kaibigan ni Tyron". Kumusta na kaya siya?naalala pa kaya niya ako?matutuwa kaya si Tyron,pagnalaman niyang magiging daddy na siya,sa naisip ay biglang nalungkot ang dalaga saka hinimas ang tiyan na medyo maumbok na.....Kahit,na hindi nagpaalam sa kanya ang nobyo na aalis ito patungo sa states ay di parin magawang kamuhian niya si Tyron mas nanaig sa kanya ang pagmamahal rito.Siguro tampo--meron pero ang magalit ay hindi niya magawa.Nasa malalim na pag-iisip si Laura ng may kumatok sa pinto ng kanyang opisina.Ang kanyang secretary ang nasa labas at may kasama itong nag-aapply ng trabaho. Come'in,,sagot ni Laura sa taong nasa labas ng pinto.Nasa mga papeles nakatingin ang dalaga kaya di nito kung sino ang nasa harap niya na babaeng nag-aaplay
ISABEL,pauwiin muna rito ang apo ko miss na miss ko na si Tyron alam mo naman na nag-iisang apo ko lamang ang anak niyo ni Condrad kaya pauwiin muna siya rito sa pinas at gusto ko sa lalong madaling panahon!utos ng lolo ni Tyron sa manugang nito.No! Papa.,hindi maari ang gusto mong mangyari.Alam mo ang dahilan kung bakit inilayo ko ang apo ninyo at pinagtapos rito sa New York sa kadahilanang nababaliw ang anak ko sa babaeng putik na yan?!tukoy nito kay Laura..Tumigil ka Isabel!Hindi muna alam ang mga sinasabi mo,bakit dimo tanungin ang sarili mo?Saan ka ba nanggaling bago kapa nakilala ng anak kong si Condrad.Diba galing karin sa PUTIK na sinasabi mo?!binihisan ka lang at pinag-aral ng makita kitang sumasayaw sa club,kung saan ka nanggaling.Diba dapat mo akong pasalamatan ng inilayo kita sa putikan?!Tanda ko pa noong panahon,na nagmamakaawa kang tulungan kita at ilayo doon sa bahay-aliwan.Ako narin mismo ang nag-udyok kay Condrad na pakasalan ka ng may namagitan sa inyo!....ISABEL
Mabilis na nakalapit si Tyron sa kinaroronan ng Ina,kahit na may tampo siya dito ay ito parin ang kanyang Ina na nagluwal at nag-aruga sa kanya.Utang niya dito ang kanyang buhay hindi niya lamang ito iniimikan sa kadahilanang inilayo siya nito sa kanyang mahal na si Laura pero magkaganun man ay mahal niya parin ang kanyang mama dahil nag-iisa lamang ito sa mundo."Ma,anong nangyari?ba't ganyan ang hitsura mo?nag-aalalang tanong nito kay Isabel at sa kauna-unahang pagkakataon na nakita ni Tyron ang Ina na umiyak sa kanyang harapan".Wala na yong dating bagsik ng mukha nito at ngayon ay napalitan ng mga luhang naglandas sa pisnge nito.Mas ikinagulat nito ang ginawang hakbang ng kanyang mama,niyakap siya nito ng mahigpit pagkuway nagsalita ito kahit na garalgal ang tinig.Tyron anak,patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko naging bulag ako sa aking nakaraan at sa karangyaan na aking tinatamasa.Masyado akong nagpadala sa aking emosyon kaya hindi ko na alam na may taong nasasaktan sa aking pa
Samantala sa bahay ng pamilyang Andrada na nasa states ay hindi na nag-aksaya ng panahon ang mag-ina agad itong nagpa-book sa eroplano pabalik ng Pinas.Mixed-emotion ang nadarama ni Tyron sa kanyang pagbabalik-bansa,una ang malungkot siya dahil nasa ospital ngayon ang kanyang lolo inatake sa puso gaya ng sabi ng mama Isabel nito at pangalawa ay muling makikita ang mahal niyang si Laura.Lalo na ngayon na pumayag na ang kanyang na pakasalan ang nobya.Gaya ng sinabi ng abuelo ni Tyron sa anak nitong si Condrad ay hinanap nito ang bhay ng dalaga,nagulat pa ito ng makita ang tirahan ni Laura.Ang alam ni Condrad ay mahirap lamang ang nobya ng kanyang anak,matalino nga lang kaya nakapag-aral ito sa eskwelahang pag-aari ng pamilya nila.Hindi na ito nagdalawang-isip agad na kumatok sa pinto at ilang sandali pa lamang ay pinagbuksan siya ng babaeng nakaupo sa silyang de-gulong.Kahit ang ina ni Laura ay nagulat sa di-kilalang bisita ngayon lamang may naligaw na taong nakasuot ng amerikana sa ka
Condrad,anong sabi ng mag-ina mo?andito naba sila sa bansan?excited na tanong ng matanda.Naku papa,kakaupo palang sa loob ng eroplano,pinapasabi ng apo mo na wag ka raw mag-alala magkikita na raw kayo ni Tyron kaya pakalmahin mo ang sarili mo Pa, ng sa ganun ay di na kami mag-aalala sayo.Ganun ba Condrad?sige,matutulog na muna ako at sana sa aking pag-gising ay nasa tabi ko na ang aking apo ani ng matanda sa kanyang nag-iisang anak.Tama,ganyan nga papa,nang pagdating ni Tyron ay malakas na po kayo.Okie,anak basta ang iniutos ko sayo gawin mo!makakaasa ka Papa,gagawin ko ang sinabi mo tugon ni Condrad sa kanya ama.Iiling-iling na lamang si Condrad sa inakto ng ama, para itong bumalik sa pagkabata at pinapahanap pa sa kanya ang nobya ng kanyang anak.Nakaramdam naman ng pagod si Laura sa kakalakad nito sa tabing-dagat kung saan inilipad ng mabining hangin ang lampas sa balikat na buhok ng dalaga.Kahit na malaki na ang tiyan nito ay di-parin nabawasan ang taglay nitong ganda.Nakakatawag
SA OSPITAL, naman ay umiiyak na humihingi ng tawad si Isabel sa biyenan nitong lalake,alam niyang malaki ang galit sa kanya ng matanda dahil sa pilit niyang hinahadlangan ang pagmamahalan ng kanyang anak na si Tyron at ng nobya nitong si Laura.Bumabalik kasi sa kanyang ala-ala ang kanyang nakaraan pagnakita ang nobya ng anak,alam niyang mali siya sa puntong iyon.Walang kasalanan si Laura sa kanyang pinagdaanan,pareho man silang nasadlak sa putikan pero magkaiba sila ng kapalaran at magsilbing inspirasyon ng ibang nasa babaeng ganun ang trabaho ang katulad ni Laura.Dahil nagawa lamang nitong pasukin ang ganung trabaho dahil ito ang tumatayong ama at inat sa kanyang pamilya,at sa kabila ng pagiging magdalena nito ay hindi ito naging sagabal upang abutin ang pinapangarap na edukasyon na ngayon ay napagtagumpayan.Tunay ngang dakilang anak at kapatid ang babaeng minahal ng kanyang unico hijo,pinagsisihan niyang napagsalitaan niya ng di maganda si Laura kaya ngayon andito na sila sa Pinas,
La-laura,buntis ka?ito ang unang lumabas sa bibig ni Tyron habang si Laura naman ay parang nakatapak ng pandikit dahil hindi nito maigalaw ang dalawang paa lalo na't hawak ng kaliwang kamay nito ang may kalakihan ng tiyan na mas lalong naging kaaya-aya sa paningin ni Tyron.Nakasuot kasi ng preggy outfit si Laura na pinapakita lamang nito na proud mommy siya.Ty-tyron,sambit nito sa pangalan ng kinasasabikang nobyo hindi nito inakala na sa araw na iyon ay makikita niya ang umiwan sa kanya na binata,ang ama ng kanyang pinagbubuntis.Sa pagkabigla ay napahawak si Laura sa doorknob upang lumabas sa kanyang opisina kaya pala ganun na lamang ang pagkakangeti sa kanya ng kanyang sekretarya may alam pala ito na may naghihintay na tao sa loob ng sariling opisina.Pero,nang pihitin nito ang dahon ng pinto ay di nito mabuksan kaya mabilis na tumayo si Tyron at agad na nilapitan ang nobyang buntis.Di na nagawang maka-iwas si Laura dahil kaagad na pinulupot ni Tyron sa kanyang malaking tiyan ang da
PAANO yan,tuloy na ang kasal?saka mas lalong magiging matatag ang ating pagkakaibigan dahil ninong ako sa paglabas ng anak niyo.Aprub,pareng Michael pinasaya mo ako at mas lalong pinahanga mo ako sa iyong katapatan,tunay ka ngang kaibigan.Biruin mo?ito pala ang sorpesang sinabi mo sa akin,napakagandang regalo sa aking pagbabalik -bansa at sa tulong ng aking abuelo kaya andito ako ngayon kasama ng aking mahal at ng aming magiging anak sabi ni Tyron pagkuway hinalikan nito si Laura sa harap ng dalawang taong malapit sa kanila.Ganun ba?ang bait talaga ng lolo mo pre,humanap talaga siya ng dahilan upang magkasama kayong muli ni Laura,kaya hindi maipagkakailang namana mo sa kanya ang kagandahang-loob.Oo nga,Michael,kaya malaki ang pasalamat ko sa kanya.Teka,nung nasa states pa kami ng mama,bakit dimo sinabing buntin na ang mahal ko?kung nagkataon palang di ako nakauwi rito,eh,hindi malalaman na buntis si Laura at diko rin sana masilayan ang pagsilang nito sa aming anak?Naku?,ilang beses