Kinaumagahan, nagising siya dahil sa bigat na nakadantay sa bandang puson niya at ang marahang pagsuklay sa buhok niya. Ayaw pa niya sanang gumising dahil pakiramdam niya ay ang bigat-bigat ng mga talukap niya. Tila sasakit ang ulo niya kapag pinilit niyang magmulat. Wari ba’y may mga malilit na bato na nakadantay din sa kaniyang mga mata.
Wala siyang nagawa kun’di ang magdilat. Minulat niya ang kaniyang mga mata at nasilayan niya ang nakangiting labi ng binata. Masarap pagmasdan ang mga ngiti nito, para bang hindi dumaan sa madramang eksena kahapon na nagpaguho sa kaniyang damdamin. Ngiti na para bang hindi nawalan, ngiti na para bang ang ganda pa rin ng umaga kahit nadaanan ng isang malakas at dambuhalang bagyo ng problema.
Sinagot niya ang ngiti ng binata. Kahit inaantok ay iginalaw niya ang labi upang tugunin ang ngiti nito. Matamis siyang ngumiti at inabot ang pisngi ni Lloyd. Hinaplos niya iyon, nakaka-miss ang ngiting ito, sana hindi mu
Maraming katanungan ang naglalakbay sa isipan ni Sharon, katanungang hanggang sa biyahe ay dala-dala niya. Parang ang hirap masungkit ang mga kasagutan, bunga ay nag-aalala siya. Hindi maalis sa kaniyang mag-alala, takot, at pagkabahala.Hindi siya makatulog habang nasa biyahe, pilit niyang pinapakalma ang sarili ngunit hindi niya magawa. Natatakot, natatakot na baka hindi umayon sa kagustuhan niya ang maganap pagdating nila roon. Paano na lang kaya?Hindi siya mapakali, may oras na gusto niyang matulog pero hindi niya magawa. May oras na kukunin niya ang cellphone pero hindi niya alam kung anong bubuksan niya. May panahon na gusto na lang niyang makinig ng music pero hindi niya alam kung anong magandang pakinggan sa sitwasiyon niya ngayon. Hanggang sa nauwi siyang tulalang nakatingin sa labas.Mahimbing ang tulog ni Lloyd habang nasa biyahe papuntang Davao City pero si Sharon, hindi makatulog. Laman ng isip niya kung anong mangyayari pagdating nila doon at kung
Sinapak niya ang braso ni Lloyd at kinurot na naman ito nang hindi mabilang na beses habang nakakandong pa rin siya sa binata. Hindi lang basta maharot ang naging nobyo niya, sobrang maharot at tinudo pa ang harot. Ewan ba niya kung saan nito kinukuha ang kaharotan nito, balak niya sanang mag-apply. Baka sakaling puwede mag-loan ng harot doon, sa mababang interest.Doon kasi sa huli niyang inutangan, ang taas ng interest, para bang akala nito na kapag teacher ang nag-utang ay ang laki na ng sahod. Kung maaari pa lang na ibenta na rin niya ang panty niya na binili niya sa divisoria noong isang araw ay ginawa na niya para lang makabayad siya sa utang niya.Nagtila dragon na nga raw siya noong huling dalaw niya roon upang bayaran ang babae na nagpautang sa kaniya. Sinama niya kasi ang baklang ex-boyfriend niya para lang tulungan siya nito upang makahingi ng tawad, baka sakaling babaan pa nito ang interest. Pero hanggang akala lang pala siya.Grabe, bawas points iyo
“Is that you, Ate Sha? Paano mo nalaman ang address ko? Sinabihan ka ba ni Jason?” tukoy nito sa pinsan niyang si Jason.Napailing na lang siya sa isipan, sunod-sunod talaga ang tanong nito bunga ng pagtataka. Kahit siya naman ay nagulat nang makita ito rito, kahit sa panaginip niya ay hindi pumasok ni minsan na makikita niya rito ang dalagita.Jason Alvarez is one of her cousin sa father side. Kapatid ito ni Vanessa, medyo matino ito kumpara sa kapatid nito na pinaglihi sa katigasan ng ulo. Kidding, matino talaga si Jason. He graduated with a high honor noong Senior High at do’n sila nagkakilala nitong kaharap niya, si Ellena Gonzales.Ito naman si Ellena, natural na maganda. Tulad ngayon na kahit hindi ito maglabas ng effort sa katawan ay mapapansin na ang kagandahan nito, hindi tulad niya na kahit gawin na ang lahat, nakatago pa rin ang ganda. Hindi niya tuloy matukoy kung nakatago ba talaga o wala lang talaga siyang ganda na maibubuga.
Pinapalibot niya ang mata sa mga libro na nakahanay sa bookshelves. Desente na naka-arrange ang mga libro nito mula sa malilit hanggang sa naglalakihang libro na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya. Mas nahihiya pa siyang lumapit sa mga magagandang libro kumpara kapag nasa national bookstore siya, tumitingin ng libro na akala mo may dalang pera.Tama pala ang sinabi nito na may mga libro ang ginang na siya ang nagsulat. Mabuti pa nga ito dahil kompleto ang collection nito sa mga sinulat niya, samantalang siya halos hinalikan lang ng libro ang kamay niya upang mapermahan, ‘tapos, wala na. Bye bye na.Ngumiti siya sa ginang nang kinuha niya ang isang libro niya na pinamagatang Kissing My Nightmare. Hinaplos niya ang pabalat niyon na may nakaguhit na labi ng isang babae na may itim na lipstick.“Ito ‘yong una kong published book, pati ito nay copy ka?” gulat niyang tanong sa ginang na nakangiti lang.“Ikaw kasi ang una k
Sinasabayan niya ang pag-ulos ni Lloyd, sinasabayan ang mga ungol na masarap sa pandinig niya. Sabi na nga bang kunting pang-aakit lang ni Lloyd ay madadala na siya. Wala talagang silbi ang pagtitimpi niya.Kahit sobrang lakas na ng aircon ay mainit ang pakiramdam nila, nag-aalab sa hangarin na marating ang ninanais na sukdulan. Bawat paggalaw ng binata ay sagad na sagad sa kaibuturan niya. Damang-dama ni Sharon ang mainit na katawan ni Lloyd. Masarap at mabango pa kahit napapalibutan ng pawis.Nagpalit sila ng puwesto, siya na ang nasa ibabaw. Umupo siya sa kandungan ni Lloyd at nagtaas-baba. Nakahawak siya sa tiyan ng binata at nangabayo. Bawat giling niya ay diin na diin sa mahabang kargada ng nobyo.Patuloy ang pagtaas-baba niya at hinawakan niya ang kaniyang dibdib. Minasahe niya iyon habang nangangabayo siya.“Ahh,” ungol niya. Pakiramdam niya ay sagad na sagad ang kaniyang pagkababae.“Oh, ride
Kasama niya si Ellena nang pumunta siya ng Mall para bumili ng ilang blouse at pants. Kunti lang kasi ang nadala niya at gaya nga ng sabi ni Lloyd ay si Ellena ang pinasama nito sa kaniya. Maaga kasing umalis ang nobyo niya at hindi niya alam kung saan nagpunta, wala rin naman itong sinabi.Maaga silang umalis kasama si Manong Dan na palaging nakangiti sa kaniya. Ewan kung anong eksena ang pumapasok sa isip nito at bakit palaging nakangisi. Kahit siya naman ay natatawa tuwing nakikita ang manong, naalala niya kung paano nagsabwatan ang dalawa upang pagkaisahan siya.Tinutulungan siya ni Ellena sa pagpili ng blouse, sa sobrang dami ng magagandang damit ay nahihirapan siyang mag-decide. Ewan ba niya, tamad talaga siya mag-impake, kung nagdala na lang sana siya ng damit ay hindi siya mahihirapan ngayon at hindi sana nadadamay si Ellena. Nasanay kasi siya na ang Mommy niya ang nag-iimpake kapag may lakad siya.Mas okay pa sa kaniya ang mag shopping ng damit sa Mall
“Ate, anong next?”Napalingon siya sa dalagita nang narinig niya ang tanong nito. Magkasalubong ang kilay nito habang pinapasadahan ng tingin ang ginagawa nitong pattern. Hawak ang lapis at nilalaro iyon sa daliri.Napangiti na lang siya at tumayo upang lapitan ito. Solo nito ang isang lamesa at nagkalat ang mga ginamit nitong tape measure at eraser. Tiningnan siya ng dalaga kaya muli siyang ngumisi.“Sigurado ka ba talaga? Gagawin mo ‘yang bodice pattern mo?” Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang tinanong iyon kay Ellena. Kanina pa kasi itong alas nueve ng umaga nagsimulang magpakuha ng sukat nito dahil balak daw nitong gumawa ng casual dress kaya sinukatan na lang din niya.“Oo nga, paulit-ulit ka naman, ate. Anong susunod? Hindi ko kasi gets itong instruction. Sinong gumawa nito?”Hinampas niya ito sa braso. Pinahiram niya kasi ito ng guide sa pag-draft ng bodice pattern dahil hindi siya nito
Dalawang araw na ang nakalipas nang mag-usap sila ni Ellena tungkol sa kuya nito bago sila bumalik sa Agusan. Natapos na rin ang ginawa niyang dress na halos dalawang araw din niyang ginawa. Thankful ang pamilya ng binata na siya ang naging kasintahan nito, mas lalong thankful siya. Hindi masusukat ang pasasalamat niya na nakilala niya ang pamilya ng binata.Nawala ang pangamba niya, nawala ang alinlangan. Nakuha niya rin ang gusto niya, ang makilala ng lubusan ang nobyo. At ngayon ay may bago na naman siyang gusto, ang tulungan itong patawarin ang sarili. Tulungan itong ipagpatuloy ang buhay at maging masaya muli.Hindi man ito humingi ng tulong pero pakiramdam niya ay kailangan niya itong tulungan. Gusto niyang ibalik ang kabutihan ng pamilya nito at kay Lloyd niya gustong ibalik iyon.“Hon, ready na ba ang mga gamit mo?” tanong ng binata sa kaniya. Ito na ang araw na uuwi na sila. She nodded.Patuloy sa pagbibihis ang boyfriend niya kaya pi
“Happy anniversary,” nakangiting bati ni Lloyd sa kaniya sabay yakap. Hindi masukat ang ngiti na binibigay ni Lloyd sa kaniya katulad sa mga binibigay nitong saya.Gaya ng paulit-ulit na binubulong niya sa langit, wala na siyang mahihiling pa. Kasiyahan? Alam naman niyang sila ang may kontrol no’n. Ang tanging minimithi lang niya ay sana makayanan nila ni Lloyd ang lahat. Sana walang sumuko sa kanila.Sana pag-ibig ang tanging uumapaw. Sana kaya nilang harapin ang lahat. Hindi rin lingid sa kaniya na may panahong mahihirapan pero kakayanin niya. Basta nasa tabi lang niya si Lloyd at ang anak nila, kakayanin niya.“Happy fifth anniversary too, hon.” Pinugpugan siya nito ng halik sa mukha.Maraming taon ang lumipas, marami rin silang napagdaanan. May away man, may tampuhan pero walang iwanan. Lalaban anuman ang mangyari. Lalaban sila ng sabay, hindi lang para sa sarili kun’di para sa pamilya niya.Kung bibigyan siy
“Bust, thirty two and one-half. Waist, twenty five,” sabi niya habang kinukuhanan ng sukat ang estudyante niya. “Nailista mo ba?” dagdag pa niya.Ang sarap sabunutan nitong estudyante na kinukunan niya ng sukat. Kung sana kasi hindi ito malikot, kanina pa sana sila tapos. Kung hindi kasi ito naglilikot panay pag-iinarte naman ang inaatupag.“Yes, Ma’am.” Tumango naman ang estudyante na naka-assign sa paglista.May ginagawa kasi sila ng mga bata. Ang mga napili niyang estudyante ang magtatahi ng school uniforms sa mga bagong salta na estudyante sa university nila. Ang mga magiging freshmen nila ngayong taon. At ang sabi pa nitong kasama niyang estudyante, sa first day lang din daw naman magiging fresh.“Hip, thirty three,” patuloy pa rin siya sa pagkuha ng measurements ng makulit na estudyante.Ewan din ba, hindi siguro napansin ang pagtaas ng kilay niya dahil sa kakulitan nito.Almost two
“I’m so excited!” Umalingawngaw ang sigaw ng isa niyang kasama sa trabaho, si Liza Mae. Halos yanigin ang buong department nila sa tinig nito. Ito na yata ang tinig na sinasabi nilang kayang basagin ang baso. Kusang lumingon ang ulo niya upang tingnan ang papasok pa lang na si Liza Mae. May dala itong isang papel na kulay asul at kumikintab pa. Nilakihan nito ang bukas ng sliding door at pangiti-ngiting pumasok, tila isang beauty queen na nanalo sa contest. “Excited saan? Excited kang mabagsak sa evaluation ng mga bata?” Tumawa ang lahat nang biglang nagsalita ang isang instructor na katabi niya. Kilala ito bilang maldita, kung ang mga estudyante ang tatanungin. Terror daw kasi at binabagsak talaga ang estudyante na hindi sinusunod ang mga utos nito. “Hindi! Sanay na akong mabagsak.” Tumawa si Liza Mae at umupo sa tabi ng table ni Clara, ang instructor na sinabihan itong mababagsak sa evaluation. “Excited ako rito.
“Hon, kailan ang uwi mo?” tanong ni Sharon sa binata. Ngumiti pa siya habang tinitingnan ito sa cellphone. Umayos siya ng higa pagkatapos kunin ang isang unan niya at nilagay sa likod. Inayos niya rin ang kaniyang kumot dahil medyo malakas ang buga ng aircon.Kausap niya sa video call si Lloyd at panay ngiti ang binata mula pa kanina. Halos trenta minuto na raw ito naghihintay na tumawag siya, kaso lampas trenta minuto naman siyang naligo sa banyo. Walang nagawa ang kawawang Lloyd Gonzales.Video call na lang muna kaysa naman hindi niya ito makausap, mas nakakalungkot iyon. Hindi na nga siya halos makakalma tuwing naiisip niya na hindi niya kasama ang binata.Miss na niya ito. Miss na niya ang amoy nito. Miss na niya ang halik nito. Miss na niya ang mga kalokohan nito. Miss na niya ang lahat ng tungkol kay Lloyd.Kahit mabango nitong kilikili, miss na niya rin.Ewan ba at kung makaakto siya ay parang isang taon na niyang hindi nakikita
Lumipas ang isang araw pero hindi na niya nakita pa ang Lloyd Gonzales na nakausap niya kahapon. Hindi na nga rin niya ito nakita sa campus pagkatapos iwan niya ito sa high school department. Nang kumalma kasi siya ay muli siyang pumunta roon sa department ng high school pero wala na roon ang lalaki.Malaki ang porsiyento na naniniwala siyang hindi niya boyfriend iyon. Kahit ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng binata pero kilala na niya talaga ang nobyo. Kung paano ito ngumiti, alam na alam niya. Kung paano ito kumindat, kabisadong-kabisado niya. Ang paraan nito ng pagtawa, addict na addict siya. Higit sa lahat, ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan, alam niya kung si Lloyd ba iyon o hindi.Kahit ang paglakad pa lang ng nobyo, alam na niya. Hindi talaga siya maaaring magkamali, hindi si Lloyd ang nakaharap niya kahapon. Kung sino man iyon, hindi niya alam.Ibang Lloyd talaga iyon, singit na naman ng utak niya.So weird. Hindi pa rin niya nakakausap
Mapusok, mapangahas, at mapaghanap ang bawat halik na ibinibigay ni Lloyd kay Sharon. Tila hinahalungkat ng binata ang buo niyang pagkatao. May hinahanap na hindi niya alam kung ano. May mga gustong malaman na hindi niya rin batid.Nanginginig ang labi ni Sharon sa bawat sagot niya sa mapupusok na halik ni Lloyd. Sinasagot niya iyon kung paano at kung gaano katindi ang binibigay na halik ng binata sa kaniya. Gusto niya rin na iparamdam kung ano ang pinaparamdam nito sa kaniya. Gusto niyang ibalik kung ano ang ibinigay nito.Tila ba nagkaroon sila ng sariling mundo at sa lalaki lang iyon umiikot. Kahit nakapikit siya ay tila ba nakikita niya pa rin ang mga kulay na pumapalibot sa kanila, nagbibigay ng napakagandang liwanag.Nang makapasok na sila sa kuwarto ng boarding house ni Lloyd ay agad siya nitong isinandal sa dingding ng kuwarto at doon ibiniyaya ang marubdob na halik na gustong-gusto niya. Halik na may pananabik, halik na mapusok, halik na mainit, at hali
Tahimik ang buong klase, nakikinig, at walang kahit isang gumawa ng ingay. Nakatuon ang lahat sa nag-re-report, maliban na lang talaga sa isa niyang estudyante na natutulog kahit umagang-umaga. Wala talagang kahit anong hiyang nararamdaman.Tumayo siya at dahan-dahan na naglakad papalapit doon sa estudyante na palagay niya ay humihilik na. Tanging ang boses lang ng reporter ang maririnig sa buong classroom sa oras na iyon, kaya siguro gustong matulog ng batang ito.Nang makalapit na siya ay kinalabit niya ang bata na hindi pa rin natinag. Muli niya itong kinalabit at bumulong sa tainga nito.“Uwian na,” mahina niyang bulong na tila ba naging alarm sa estudyante at agad na tumayo, kinuha pa nito ang bag at humakbang ng isang beses.Natigilan ito kaya kusang lumabas ang ngiti niya sa labi. Hindi niya alam kung bakit ito natigilan, maaaring dahil sa mga tingin na inilaan ng mga kaklase nito.“Where are you going, Violeta?” mati
“Hay nako!” Padabog na umupo si Anne — isa sa katrabaho niya, kinuha nito ang isang notebook at ginawang pamaypay. “May aircon naman pero ang init pa rin. Ito na ba ang impiyerno?”“Hindi pa, trial pa po ito, Ma’am Anne,” sagot naman ni Angel, ang makulit niyang estudyante sa high school. Nang nakita siya nito ay bigla itong umatras at nabangga pa nito ang isa nitong kasama, sinulyapan niya at napag-alaman na si Jean pala ang kasama nito.“Trial pa? Mas malala pa po ang impiyerno, Ma’am,” dagdag ni Jean sa sinabi ni Angel at kinurot ang kasama. “Maliit ka naman pero ang sakit makatapak ng paa mo. Daig mo pa yata ang high heels ko.”“Sino naman kasing nagsabi sa’yo na magsuot ka ng high heels? Hello? Hindi ito fashion show.”“Alam mo, Gel? Ayoko sa buhok mo, umalis ka nga. Ako na lang ang papasok.” Kinuha nito ang papel na dala ni Angel at lumapit it
“Nakikita niyo ba ang nakikita ko?” hindi mapigilan na ngiting tanong ni Angel sa mga kaklase nito habang kinukuha ang isang karayom sa sewing machine nito. Umupo ito at muling kumuha ng panibagong karayom sa sewing box nito na halos kumikislap sa mga nilalagay nitong kung ano-ano.“Yeah, we saw it, Angel. Nabali mo na naman ang machine needle, lagot ka na naman kay Ma’am Alvarez niyan. Ilang machine needle na nga ang nasira mo?” Tumawa pa si Jean na parang nakahula na naman sa bugtong ni Angel. Kumuha ito ng gunting at pinutol ang sinulid na kinuha pa nito sa isa nitong kaklase.“Parang akin ang thread na ‘yan ah? Kaya pala ang daling maubos kapag may bago akong thread, ikaw pala ang kumukuha. Ano ba naman ‘yan, Jean! Bumili ka kaya,” reklamo ni Pixie at nakapamaywang pa na pinapagalitan si Jean.“Kunti lang naman, ang damot nito.”“May pangbili ka ng bagong high heels tapos pambili