Home / YA/TEEN / Serendipity / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: iamsashi_
last update Last Updated: 2021-07-08 07:13:45

"You will perform that on our next meeting at pinapayagan ko rin kayong humiram ng lalaki sa ibang department para maka-partner niyo since kulang ang number of boys ninyo sa number of girls." Paliwanag ni Ma'm Cynthia at ito'y tumingin sa 'ming dalawa ni Dylan. "Partner kayong dalawa at inaasahan kong magiging maganda ang performance niyo, since both of you are good at dancing." Umalis na si Ma'm pagkatapos sabihin iyon.

Natulala ako nang marinig ang sinabi nito. Like what the fvck? Bakit naman gano'n? Sana tinanong muna ko ni Ma'm kung papayag ako, 'di ba?

Bwiset na buhay ito!

"Dancerist yarn?" Pagkalabas na pagkalabas ng aming Prof ay nagsimula nang gumawa ng daldalan itong si Julia.

"Ikaw na lang kaya p-um-artner kay Dylan? Tutal kapatid mo naman siya, e." Sabi ko kay Julia at mayamaya'y napatingin ako kay Delancy. "Pwede rin namang ikaw na lang, Delancy. Crush mo si Dylan, 'di ba? Chance mo na 'to!"

"Sige, pwede rin---"

Naputol sa pagsasalita si Delancy nang magsalita si Julia.

"Ayaw naming malagot kay Ma'm! Kung gusto mo gawin iyan, ikaw na lang, okay? Huwag mo na kaming idamay pa ni Delancy diyan!"

"Papayag na si Delancy---"

"Kung ayaw mo 'kong ka-partner, sana tinanong mo 'ko kung gusto ko rin ba na ikaw ang ka-partner ko?" I heard Dylan spoke behind my back.

Dahan-dahan akong napaikot para tingnan siya nang masama. "Iyon na nga ang point ko, ayaw nating dalawa sa isa't isa kaya ko ginagawa 'to. Hindi mo 'ko gusto, hindi rin naman kita gusto---"

"Sino nagsabing hindi kita gusto?"

My eyebrows furrowed. "A-Ano? Ano'ng sinasabi mo riyan?"

Mula sa kaninang seryoso niyang mukha ay napalitan ito ng saya --- tinatawanan niya ko. "Ang panget mo ka-bonding. Bahala ka sa buhay mo. Basta ako, wala kong balak na palitan ka." Tiyaka siya pa-cool na lumabas ng classroom.

Naiwan akong nakanganga habang sinusundan siya ng tingin na papalabas ng classroom. Hindi ko maipaliwanag kung gaano na ba kainit ang dugo ko dahil sa lalaking iyon! Napaka-angas niya, napakayabang!

Kita ko namang lumapit si Israel sa 'kin at hinawakan ang baba ko, "Pakisara, baka pasukan ng langaw." Bago siya sumunod kay Dylan na lumabas ng classroom.

Dahan-dahan akong napatayo mula sa kinauupuan ko at tumingin kina Julia at Delancy. Sila man ay kakaiba ang tingin sa 'kin, mukhang nagpipigil sila ng tawa.

"AAAAAHHHHHHHHH!!!!" Sigaw ko. "NAKAKABWISIT SILA, ANG YAYABANG! GRABE 'YONG KAYABANGAN NILA, LAGPAS NANG UNIVERSE! AAAAHH!"

Nagsisigaw lang ako rito sa classroom hanggang sa mawala 'yong sama ng loob ko. Kami na lang naman tatlo ang nandito kaya hindi na ko nahiya.

Basta mailabas ko lang iyong inis ko sa magkaibigan na 'yon. Ang sakit nila sa ulo, sa totoo lang!

"At tiyaka bakit nandito 'yong Israel na 'yon?!" I asked them.

"May tine-take siyang subject kaya sumasabay siya sa atin. Tatlong subject ata, including P.E." Delancy replied.

"Tingnan mo 'yon, ang yabang-yabang pero P.E. lang naman, ibinagsak pa." I whispered out of frustration.

---

Pag-uwi ko ng bahay, sinalubong ako ng nakakagutom na amoy ng lutong-ulam na niluluto ni Lola. Talagang nakakagutom dahil sa amoy pa lang nito, na-ma-magnet ako nito na mag-diretsyo agad sa dining area. Sakto namang naabutan ko roon si Lola na inihahanda ang mga pagkain at tinutulungan din naman siya ng mga kasambahay namin sa pag-aayos ng table.

Agad akong lumapit kay Lola at humalik sa pisngi niya bago ako naupo sa upuan. Grabe, excited na 'kong kumain. Sakto kasi nagugutom na rin ako.

"Lola, bakit mo naman naisipang magluto ngayon? Hindi ka naman ba napagod? O baka tumaas na bigla 'yang blood pressure mo, ha?" Nag-aalala kong tanong.

Napatawa naman si Lola bago hinawakan ang kamay ko. "Minsan ko na lang nga ito ginagawa kaya pagbigyan mo na 'ko. Miss ko na rin kasi na ipagluto ka, e."

Dahil sa sinabi ni Lola, hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit na dalawa na lang kami ni Lola rito sa bahay, aaminin kong nakakalungkot na dalawa lang kami pero may pagkakataon pa rin na nagiging masaya kami sa simpleng bagay kagaya nito.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain, bigla ko na lang naalala si Mama. Naalala ko kasi na ik-in-wento sa 'kin ni Lola na paboritong ulam ni Mama ang adobong manok, at sakto namang isa ito sa inihaing ulam ni Lola.

Nagsimula ng tumulo ang luha ko sa hindi malaman na dahilan. Batid kong nabigla si Lola sa ginawa kong pag-iyak, siguro ay na-weird-uhan na ito sa 'kin.

"Hija, bakit ka umiiyak?"

Marahas kong pinunasan ang luha sa pisngi ko, "Bigla ko lang po naalala si Mama dahil dito." Sabay turo sa ulam ko na adobo. "Siguro ang weird ko, pero nangungulila na naman ako sa ina. Hindi niyo naman po ako masisisi kung maramdaman ko man ito, 'di ba?

Bakit kasi gano'n, Lola? Malas ba ko? Ano bang ginawa kong kasalanan para maranasan ko 'yong ganitong buhay? Ang pangarap lang naman ng isang kagaya ko ay ang magkaroon ng buo at masayang pamilya, pero bakit ipinanganak ako na hindi ko man lang nakilala ang Mama at Papa ko? Bakit gano'n? Why does the world was so unfair?"

Lumapit sa 'kin si Lola at naupo sa upuan na katabi ko. Marahan niyang pinunasan ang luha na bumabagtas sa aking pisngi.

"Magi, huwag mong kwestyunin ang mga bagay na itinakda ng tadhana na mangyari sa buhay mo. Lahat ng bagay ay nangyayari dahil mayroong dahilan kung bakit ito nangyari. Hindi ka malas, okay? Deserved mo ang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya, pero may pagkakataon talaga sa buhay natin na mangyari ang ganito.

Ang isipin mo na lang, nandito ako lagi sa tabi mo para protektahan ka. Hinding-hindi ka iiwan ni Lola, okay? Huwag na huwag mong iisipin na nag-iisa ka, kasi nandito lang ako palagi para samahan ka."

Niyakap ko siya bilang tugon. Wala naman talaga sa plano ko na mag-drama-han kami rito, e. Ang gusto ko lang talaga, e ang kumain dahil gutom ako pero kasi nagluto si Lola ng adobo kaya naman napa-emote ako nang hindi oras.

Mabilis naming tinapos ang pagkain ng hapunan bago ko inihatid si Lola sa kwarto niya upang makapagpahinga na siya. Habang ako naman ay saglit na lumabas muna sa bahay para makapagpahangin.

Sa totoo lang, pinipilit ko lang ang sarili ko na maging okay sa harap ni Lola kanina para hindi na siya mag-alala sa 'kin. Pero ang totoo niyan, sobrang bigat na talaga ng nararamdaman ko. Actually, araw-araw akong ganito... lagi kong pinipilit ang sarili ko na maging masaya pero sa tuwing nakakakita ko ng isang buo at masayang pamilya, hindi ko maiwasan na mainggit.

Paano ba naman ako hindi maiinggit? E sila may Mama at Papa, samantalang ako ni isa wala. Kahit man lang sana binigyan ako ng Mama o kaya ng Papa ni Lord, okay na 'ko roon, e.

Gustuhin ko man na kilalanin o hanapin iyong Papa ko, pero paano? Paano ako mag-uumpisa? Saan ako magsisimula? Ni hindi nga 'ko sure kung buhay pa siya, e.

Gusto kong tumawag kay Julia o kay Delancy para sana may mapaglabasan ako ng bigat ng loob na nararamdaman ko, kaso hindi ko magawa. Alam kong may pinagkakaabalahan din sila at may problema rin sila na iniisip kaya ayoko nang dagdagan pa 'yon.

Hindi ko man choice pero kailangan kong sarilinin na lang ito at i-comfort ang sarili ko. Bukod sa kanila, wala na rin naman akong ibang mapagsasabihan nito kundi ang sarili ko lang.

Ganito ako usually, e. Lalabas ng bahay para magpahangin at dito ko kikimkimin lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Iiiyak ko rito ang lahat para mamaya pagpasok ko sa loob, e mabawasan man lang iyong dinadala ko.

Sobrang hirap mabuhay sa katayuan ko ngayon at nalulungkot ako kasi 'yong kaisa-isang tao na kasama ko ngayon ay alam kong iiwan din ako pagdating ng panahon.

Matanda na si Lola. Sa ngayon ay wala pa siyang karamdaman pero aware ako na anumang oras ay magkakaroon din siya ng sakit na pwedeng maging dahilan para kuhanin na siya ni Lord sa 'kin. Iyong sinasabi niya na hindi niya ako iiwan, hindi ko 'yon pinaniniwalaan kasi alam kong hindi 'yon totoo. Anytime pwede niya kong iwan, at iyon ang kinakatakot ko na mangyari.

"Laban lang, Magi. Pilitin mong maging matatag para sa sarili mo." Pagsubok ko na i-encourage ang sarili ko.

Para na 'kong tanga rito, nakikipag-usap ako sa sarili ko habang mag-isang umiiyak. Oo, sobrang hirap na mag-isa mo lang sinasalo lahat ng problema na ibinabato sa 'yo ng tadhana. Ang hirap ng walang karamay pero dahil nasanay na 'ko, e hindi ko na iniinda pa 'yon.

Basta ang mahalaga na lang sa 'kin ay nandiyan pa rin sa tabi ko si Lola. Kailangan ko na lang ihanda ang sarili ko dahil alam kong anumang oras ay pupwede na siyang mawala sa buhay ko.

---

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria nina Julia at Delancy habang hinihintay ang oras ng pasok namin nang bulabugin kami nina Warren, Yuwi at Israel. Mga mukha silang fresh from the classroom at walang ano-ano'y nagsiupo sila sa upuan sa table namin.

Wala pa rin silang pagbabago, mga feeling close pa rin.

"Oh, nasaan si Eli?" Nagtatakang tanong ni Israel. Nasa isip siguro nito na kaklase namin iyong dalawa pero hindi namin sila kasama.

Obviously, iyong dalawa na tinutukoy ko ay si Eli at Dylan. Sa kanilang pito, 'yong dalawa lang ang pinalad na maging kaklase namin.

"Hindi yata pumasok si Eli, e. Ano bang sabi sa 'yo, Magi?" Tanong ni Warren sa akin.

"Photoshoot daw," I replied.

That's how busy my boyfriend was. Kali-kaliwang photoshoot at kung ano-ano pa ang ginagawa niya, still he manage to survive every semester.

Pinapayagan naman siya ng campus na hindi pumasok sa klase, pero syempre naghahabol siya sa klase dahil hindi siya exempted roon. Pati mga exams, activities, etc ay hinahabol niya para lang hindi siya magkaroon ng INC sa grade. Gano'n ang ginawa niya last sem, bugbog siya sa paghahabol ng mga kailangang habulin kaya na-late din siya ng pasok sa second semester namin.

"Sana kapag sumikat iyan si Eli, hindi niya tayo kalimutan." Dinig kong sabi ni Yuwi sabay higop sa softdrinks na hawak ni Julia---

Ay bastos.

"Kadiri ka, sa 'yo na 'yan! Napakaburaot mo talaga kahit kailan, e!" Inis na sabi ni Julia at ibinigay na kay Yuwi 'yong halos kakabili niya lang na softdrinks.

"Choosy pa 'to, bro. Laway ko na lumalapit sa kaniya, ayaw pa." At nagsimula na namang mang-asar itong si Yuwi.

Napailing na lang ako. Tuwing lalapit talaga 'tong tatlo sa amin, e imposibleng hindi sila mang-aasar. Kulang na lang ay si Harris, e. Isa pa 'yon na malakas mang-asar, jusko.

"Kung laway mo lang din, no thanks. I-donate mo na lang iyan sa mga nangangailangan ng laway!" Halata na sa boses ni Julia na medyo napipikon na siya.

Teacher pa ang kinukuha niyan, ah? Pero ang bilis mapikon. Good luck na lang talaga sa mga magiging estudyante niya.

"Huwag mo naman kami pag-initan ng ulo. Ngayon lang ulit tayo nagkita-kita tapos ganyan ka." Sabi ni Warren.

"Kunyare lang iyan si Julia, pero ang totoo ay na-miss niya tayo. Pero mas na-miss niya ko, tiyak!" Nagyayabang na sabi naman ni Israel.

Akmang aawatin ko na sana sila ng bulungan ako ni Delancy. "Hayaan mo na sila, hindi ka pa nasanay sa mga 'yan. Masasayang lang ang laway mo, pero hindi 'yan titigil sa pag-aasaran nila."

May point nga naman si Delancy at ilang beses na rin iyon nangyari sa 'kin pero ang ending, para lang akong kumakausap sa hangin. Mahirap awatin ang mga 'to, e. Halatang hindi nagpapatalo.

"Ang taas naman ng pangarap mo, Israel. Pasensya ka na ha, mukhang hindi 'yan mangyayari." Umiirap na tugon ni Julia.

Para kaming audience nila rito, tamang nood lang sa kanila habang nagbabasagan sila ng ulo. Pero sana huwag silang magkapikunan. Kung asaran, sana asaran lang talaga.

"Manahimik ka nga, Julia. Para namang ang ganda mo kung makatanggi ka sa tropa namin. Maganda ka ba, ha?" Aba at nambabasag-trip na 'tong si Yuwi, ah?

"Pangarap kami ng mga kababaihan dito, baka lang hindi ka inform." Sabi naman ni Warren.

Nakita kong napangiwi si Julia, "Una sa lahat, oo maganda ako! Ipinanganak ata ako ng Mama ko na pinakamagandang sanggol sa Universe.

At ikalawa, kayo ang nananaginip ng gising. Anong pangarap kayo ng mga kababaihan? Okay lang kayo? Hindi naman halatang nag-da-drugs kayo, 'no?"

"Pinakamaganda raw siya sa Universe, e libag ka nga lang ni Catriona Gray." Pambabasag ni Yuwi sabay ngisi. "Mas mukha ka ngang naka-drugs kaysa sa 'min." Kibit-balikat na sabi ni Yuwi.

"Bakit ba ako na naman ang pinupuntirya mong inisin, Yuwi? Bakit ba ako ang paborito mong awayin, ha?"

"Kasi pikunin ka,"

Wala talagang paligoy-ligoy itong si Yuwi, e. Straight to the point siya sumagot, kung baga honest at mukhang walang itinatagong sikreto.

"Parang isang asar mo lang kay Julia, ubos na agad iyong pasensya niya, 'no?" Natatawang sabat ni Warren.

"Huwag niyo pag-trip-an si Julia, ayaw nga siyang back-up-an nina Magi at Delancy. Kawawa naman, mag-isa lang siyang---"

"Audience kami, audience." Sabi ni Delancy.

"Nandito pala kayo," at naagaw ang atensyon naming lahat sa pagdating ni Dylan.

Tumabi ito sa tabi ni Yuwi habang nakaakbay ito rito. Para silang mag-jowa.

"Tanga nito maghanap. Sinabi ko ngang nasa cafeteria kami tapos nagpunta kang study area." Inis na sabi ni Julia.

"Tanga ka pala, e." Ani Yuwi.

"Hala, tinatanga ka lang ng kapatid mo, bro?" Si Israel naman ang nagsalita.

Naningkit naman ang mga singkit na mata ni Dylan sa sinabi no'ng dalawa niyang kaibigan. "Sulsol pa. Mga kaibigan ko talaga kayo."

"Ang tagal kasi magsimula ng next class namin ni Yuwi kaya hindi kami makaalis, e." Natatawang sabi ni Warren bago napadako ang tingin niya sa 'kin. "Nga pala, napanood mo na ba 'yong music video ng new release song ni Eli na ang title ay "Pagsuko"? Ang lalim ng hugot niya sa kantang 'yon e, kaya nga ang una kong naisip, baka nag-away kayo?" He said, hesitantly.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Warren. Wala akong nababalitaan tungkol doon. Mukhang kailangan kong i-stalk ang youtube channel niya kasi wala talagang nag-notif sa 'kin, e.

Tiyaka mas lalo akong na-curious sa sinabi ni Warren. Wala naman akong natatandaan na nag-away kami ni Eli kaya ano'ng dahilan niya para mag-compose ng isang sad song? Baka trip niya lang? Or iyon ang na-compose ng songwriter niya tapos siya lang ang kumanta?

"Bakit? May ano kay Eli at Magi?" Nasira ang pag-iisip ko ng malalim nang magsalita si Dylan.

"Late ka na, bro. Hindi mo pa pala alam na si Magi 'yong sinasabi namin sa 'yo na girlfriend ni Eli." Sabi ni Israel.

Hindi sinasadyang nagkatinginan kami ni Dylan. May kakaiba sa tingin niyang iyon pero hindi ko na lang pinansin pa dahil ako na rin ang unang nag-iwas ng tingin. Nakakapanindig-balahibo kasi na makipagtitigan sa isang manyakis, e.

"Gano'n ba? Siya na pala 'yong ipinagmamalaki ni Eli na girlfriend niya raw? Ano ba 'yan, hindi marunong mamili." Tatawa-tawang sabi pa nito.

Akala siguro hindi nakaka-offend iyong sinabi niya.

"Hindi naman namin hinihingi ang opinyon mo. Kung hindi ako ang gusto mo para kay Eli, wala akong pake. Kaysa mamakailam ka ng buhay ng iba, pagtuunan mo muna 'yong iyo. Kulang ka yata sa pansin, e."

Nasagad na ko, e kaya naman hindi ko na naitago 'yong panggigigil ko sa Dylan na 'yon. Hindi ko na rin maatim pa na makasama ang lalaking iyon sa iisang table kaya naman nauna na 'kong magpunta sa classroom dahil sakto rin naman na time na para sa next class namin.

Ewan ko ba pero ang lakas makasira ng araw ng Dylan na 'yon. Sa tuwing makikita ko na lang siya, automatic na masisira agad ang araw ko. Ka-badtrip.

---

Alas-tres ng hapon ang naging uwian namin ngayong araw, and to my surprise, Eli just arrived.

"Bro, ang aga mo para sa klase bukas." Pagbiro ni Israel dito.

He giggled. "I'm just here for my girlfriend," he looked at me. "Let's go?"

Hindi man ako sure kung saan ang punta namin ay sumama na lang din ako sa kanya. Sinenyasan ko 'yong dalawa kong kaibigan na aalis ako, but one thing I noticed, Julia's face screams disapproval.

Hindi ako sure kung saang lugar ako dadalhin ni Eli, pero excited ako dahil kahit saang lugar niya man ako dalhin, basta kasama ko siya ay masaya at kumpleto na ang araw ko. Na-miss ko kasi talaga 'yong ganitong bonding namin na ngayon lang naulit simula nang maging busy siya sa career niya kaya naman ipinapangako ko sa sarili ko na mag-e-enjoy ako at susulitin ko ang araw na ito.

"Pasensya na, Love, kung ngayon lang ulit tayo nakapag-bonding. Hindi ko naman kasi talaga gusto na mawalan ako ng time para sa 'yo, kaso kailangan talaga para sa pangarap ko, 'di ba?" Sinabi niya 'yon habang nakatingin sa daan.

Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Wala akong problema roon, Love. Alam mo namang naiintindihan ko kung busy ka at hindi mo ko mapaglaanan ng time mo minsan. Pero ang mahalaga naman ay nakakabawi ka sa 'kin."

Hindi ko gusto ang setup namin ngayon dahil hindi ako sanay na nawawalan ng oras sa akin si Eli. Sobrang daming thoughts ang umiikot sa isip ko right now to the point na nagkakaroon na ako ng doubt sa sarili ko.

Well, hindi naman maiiwasan sa isang relasyon ang ganitong issue at naisip ko na kahit ilang beses ko pa siyang kailangang intindihin, kung para naman sa pangarap niya, ay willing akong gawin.

Oo, nasasaktan ako sa ganitong setup pero dahil ito ang pinili ko, kailangan ko itong panindigan. Nandito na rin naman ako, edi ituloy ko na 'to hanggang dulo. Ipinapangako ko na hinding-hindi ako mapapagod na intindihin si Eli.

Martyr na kung martyr pero sisikapin kong hindi maubos ang pasensya ko na intindihin si Eli.

Huwag lang sana umabot sa punto na tatalikuran niya ako para sa isang female artist. If that happens, I won't forgive him.

Siya lang ang kaisa-isang lalaki na nagparamdam sa 'kin ng pagmamahal pagkatapos kong mawalay sa first love ko noong bata pa 'ko. Siya ang naging susi para muli kong buksan ang puso ko kaya naman naniniwala akong malaki ang ginagampanan ni Eli sa buhay ko. Naging malaking part na siya ng buhay ko kaya hindi ganoon kadali para sa 'kin na tapusin na lang bigla ang kung anong pinagsamahan naming dalawa.

"Nakita ko 'tong lugar na 'to habang nagpo-photoshoot ako, tapos ikaw ang naalala ko." Nakangiting sabi niya.

Iginala ko ang tingin sa paligid. Nasa isang malawak na field kami habang may isang malaking telescope ang naroon. Nasabi ko kasi sa kaniya na gustong-gusto ko na pinagmamasdan ang mga tala sa kalangitan dahil naniniwala akong isa sa mga tala na 'yon ang Mama ko.

"Paano naman tayo makakakita ng stars, e alas-tres pa lang ng hapon?" Tanong ko.

Maski siya ay napatigil sa tanong ko at mukhang nabatid niya rin ang ibig kong sabihin.

Nahihiya siyang napakamot sa likod ng ulo niya. "Sa sobrang excited ko na dalhin ka rito, hindi ko napansin na hapon pa lang pala."

Hindi ko naiwasang matawa dahil na-cu-cute-an ako sa itsura niya ngayon. Pero agad rin iyon napawi at napalitan ng isang matamis na ngiti.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya. "Huwag ka mag-alala. Masaya pa rin naman ako na dinala mo ko sa lugar na 'to, e. Ang ganda kaya rito!" Sabi ko tyaka tiningnan ang paligid. "Ang presko at ang aliwalas ng paligid."

"Baka binobola mo lang ako, ah?" Mukhang hindi pa siya naniniwala sa akin.

"Masaya ko --- masayang-masaya. Ang mahalaga lang sa 'kin ngayon ay ang makasama ka sa araw na 'to. Sapat na sa 'kin iyon para mabuo ang araw ko."

Related chapters

  • Serendipity    Chapter 4

    Note: The song lyrics included in this chapter are NOT COPYRIGHTED. --- "Akala ko naman ay kung sino na 'yong bisita ko," I chuckled. "Gabing-gabi ah, why are you here?" Yaya Lorna knocked on my door only to say that Delancy was here. Akala ko may emergency kaya napapunta rito si Delancy but she seems fine naman 'cause I can see that she wears a genuine smile to welcome my presence. Honestly, if that visitor wasn't Delancy, wala kong plano na babain siya. I'm a little bit exhausted dahil sa simple yet short date namin ni Eli kanina. As he was planning to gaze the star from the place we went, hindi 'yon natuloy kasi tirik pa ang araw. Kumain na lang kami sa labas

    Last Updated : 2021-10-19
  • Serendipity    Chapter 5

    Nag-iisa ko sa isang tahimik na parke. Maliwanag ang araw ngunit pawang wala 'kong makita. Pakiramdam ko ay nasa isa kong madilim na lugar at hindi nasisinagan ng liwanag ng araw.Ang weird naman, bakit ako nandito?Tumayo ako mula sa inuupuan kong bench sa parke na kinaroroonan ko. Handa na 'kong tumawid sa kalsada upang umuwi nang sa kabilang dulo ng kalsada ay mayroon akong nakita --- isang lalaki at isang babaeng bata at tila masaya sila.Ngunit nagbago ang lahat nang makita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng batang babae. Ang kasunod kong nakita ay nang itulak niya nang malakas ang kasama niya papunta sa gitna ng kalsada. Kasabay no'n ay ang pagdating ng isang sasakyan---"Huwag!" Sigaw ko

    Last Updated : 2021-10-20
  • Serendipity    Chapter 6

    "Based on my diagnosis, may Alzheimer's disease ang Lola mo." Pahayag ng doktor.Nang mapansin ko ang kakaibang kinikilos ni Lola ay agad akong tumawag ng doktor upang alamin ang kalagayan ni Lola. Hindi ko inaasahan na ito ang magiging diagnosis niya.May Alzheimer's disease ang Lola ko?Dahil sa nalaman ko, hindi na 'ko halos makatayo nang diretsyo. Biglang nanghina ang katawan ko matapos marinig ang diagnosis ng doktor."Nagagamot ba 'yon, Doc?""There's no cure for Alzheimer's," hearing the Doctor's response to my question makes me skip my breath."A-Ano'ng gagawin ko, Doc? Hihintayin ko na lang ba 'yong Lola ko na bawi

    Last Updated : 2021-10-21
  • Serendipity    Chapter 7

    Ilang minuto akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakatitig lamang sa mukha ni Dylan na para bang may kung ano sa mukha niya na dapat kong titigan--- Teka, ano namang espesyal sa mukha niya para titigan ko nang ganito? Haist, nababaliw na ba 'ko? "Nahuhulog ka na ba sa karisma ko, Magi?" Nabalik ako sa katinuan nang magsalita siya. Itinulak ko siya nang malakas at masama siyang tiningnan. "Sabihin mo nga sa 'kin, talaga bang ipinanganak ka ng Mama mo nang ganiyan kayabang? Hindi ko na maabot 'yong kahanginan mo, lagpas ng universe, e!" "Saang banda ako naging mayabang sa sinabi ko?" Maang-maangan pa nito at muli na naman siyang naglakad papalapit sa 'kin. "Baka naman palusot mo lang 'yan para i-deny sa

    Last Updated : 2021-10-22
  • Serendipity    Chapter 8

    Iisa ang naging ekspresyon namin ni Dylan --- pareho kaming nagulat sa biglang sinabi ni Lola na ang apo na tinutukoy niya ay si Dylan at hindi ako. Sobrang gulo ng pangyayari, hindi ko maintindihan kung bakit si Dylan."Apo, sa wakas ay nagkita na muli tayo!" Sambit ni Lola habang tuwang-tuwa ito na nakayakap kay Dylan.Bakas sa mukha ni Dylan ang kalituhan. Hindi niya kasi alam ang tungkol sa kalagayan ni Lola dahil na rin ito ang unang pagkakataon na makapunta si Dylan dito sa bahay namin. That's the thing I forgot to tell him, siguro ay ipapaliwanag ko na lang sa kanya ang lahat mamaya."Lola, siya po---" he was about to poked my direction nang biglang magsalita si Lola."Siya si Magi," ani Lola at nakangiting tumingin sa 'kin. "H

    Last Updated : 2021-10-23
  • Serendipity    Chapter 9

    "Habang nanonood kami ni Yuwi sa performance niyo kanina, grabe 'yong tulo ng laway niya!" Warren chuckled as he pointed Yuwi's direction.Nang matapos ang performance namin sa P.E., we headed straight to a nearby fast-food chain to eat. We heard that we didn't have a class in one of our subjects so we used that time to replenish our stomachs.Si Warren at Yuwi naman ay tatlong oras ang vacant period, so they had time to watch our performance earlier. Another thing, partner kasi ni Delancy si Warren that's why he's there. As for Israel, kaklase rin namin siya sa subject after ng P.E., ibig sabihin vacant niya rin."Bakit naman tutulo ang laway ko sa kanila? Mga tuod naman kung sumayaw." Balewalang sabi ni Yuwi before he resumed eating.

    Last Updated : 2021-10-24
  • Serendipity    Chapter 10

    "W-Wala!" I said as I shook my head. I don't know if I look defensive as I notice that I wiggled my head harshly."Ikaw ba si Dylan?" Julia replied sarcastically.Really? Paaandarin niya talaga ngayon ang pagka-sarcastic niya?I was about to speak nang magsalita si Dylan. "You're just hallucinating things, Julia. What's my reason para pumunta kina Magi? Of all people, bakit sa bahay nila? Do you ever think about that?"Julia just giggled then shrugged her shoulders. "Sabi niyo, e." At nauna na itong sumakay sa kotse ni Dylan.When our eyes met, his face moved up and down. I think he's assuring me that Julia won't be suspicious of the two of us.

    Last Updated : 2021-10-25
  • Serendipity    Chapter 11

    "It was from the girl he first admired?" I asked at the back of my mind.Hanggang ngayon ay hindi mapanatag ang loob ko about that bracelet. I am sure na nakita ko na somewhere ang bracelet na 'yon but I can't recall kung saan ko 'yon nakita.Because of that, I'm starting to get curious about Dylan's personality.I shouldn't have thought about this, but, is he part of my past?"What the hell, Magi? Ano'ng klaseng tanong 'yon? Of course not!" I shrieked as if I'm battling against my thoughts. Alright, I think I'm starting to go crazy because of these thoughts I have.I go outside of my room to visit my Lola, siguro naman ay hindi pa siya tulog. I just want to check her condition para naman hindi na 'ko ma-bother nang sobr

    Last Updated : 2021-10-26

Latest chapter

  • Serendipity    Epilogue

    Note: This is the last chapter! Thank you for reading this story. <3---Dylan's Point of View:That day was supposed to be the day we are celebrating an important occasion, but turns out to be the day where two important people in our life... in my life, got punished by the law.Hindi gano'n kadaling tanggapin ang nangyari lalo't nakasugal ang buhay at pangarap nila sa kulungan. I thought everything was all polished right after Trisha got sentenced to pay for the crime she did... pero nangyari ang hindi inaasahan.Almost a year had passed but I'm still stuck in the year 2021. Matagal na rin ang lumipas pero tila sariwa pa rin sa utak ko ang lahat ng mga nangyari.Yeah, we're able to visit

  • Serendipity    Chapter 40

    "Isang clove po talaga ng bawang ang ilalagay n'yo riyan sa fried rice? Ang dami naman po yata?""Paborito kasi ng Mama niya ang fried rice na maraming bawang," rinig kong humagikgik ito. "Baka namana ni Magi 'yon sa Mama niya... malalaman natin."Tuluyan na akong lumabas sa room ko upang tingnan kung sino ang may-ari ng mga tinig na 'yon... only to see Dylan and my father in the kitchen area. They are both wearing an apron; Dylan was busy cutting garlic and onions on the chopping board, si Papa naman ay nagpiprito ng hotdog.Napangiti ako as I watched them quietly in the corner, thinking random thoughts about how I'm lucky to have them both in my life.Parang kahapon lang, galit na galit ako kay Papa. Halos walang paglagyan ang sama

  • Serendipity    Chapter 39

    "Ehem. Pasintabi sa single!" Julia sneezed to broke the eerie atmosphere sa pagitan namin ni Dylan.As I came back to my senses, ako na itong lumayo sa kaniya before I swiftly averted my gaze at him. Walang pinagbago sa dating paraan niya ng pagtitig sa akin --- his stares slowly melting my whole being."Sa dami ng mga nakaka-flirt mo sa Tinder, bakit hindi ka makapili kung sino sa kanila ang seseryosohin mo?" Pang-aasar ni Delancy rito."Ayoko nga! Walang true love sa mga dating apps. Lalong-lalo na riyan sa Tinder! Nako, proven and tested!""Mature ka na mag-isip, huh?" Pagpuri ni Dylan sa kapatid. "Parang dati, naghahanap ka lang ng mapaglilibangan sa mga ganyang dating apps. Tapos ngayon... True love na ang hinahanap mo." He giggl

  • Serendipity    Chapter 38

    At least I've got the chance to meet my father.It's quite short --- hindi man lang pinaabot ng tadhana na makasama ko 'yong Papa ko kahit good for one month.Tahimik kaming naglalakad ni Trisha sa kalagitnaan ng gubat. Hindi ko alam kung tama pa ba ang direksyon na tinatahak namin. I don't even know how we will escape in this forest that seems like we're walking to infinity.It was hard for me to forced Trisha na tumakbo na palayo matapos masaksihan ang unti-unting pagbagsak ng walang-buhay na katawan ng Tatay namin sa lupa. Nahirapan din ako na piliing tumakbo na lang palayo instead of running onto my father and try to save him by calling someone to give us assistance.I also want to save my father, but I can't. He put his

  • Serendipity    Chapter 37

    My eyes were blinded with a piece of cloth, I could feel how my sweat streamed down my face.Nang tuluyan akong magising, I could feel I was placed on a wooden chair habang nakagapos ang mga kamay at paa ko.At this moment, all I want is to cry. My hands are shivering as well. Nababalot ng takot ang buo kong katawan because I had no idea kung sino ang nagpa-kidnap sa akin at kung ano'ng dahilan nila para gawin sa akin ito.How about Dylan? Dinakip din kaya nila si Dylan? What if they do? W-What if---"Gising ka na pala," a feminine voice stopped me from overthinking. "Kanina pa talaga kita hinihintay na magising, e. Mukhang mahaba-haba ang pagkukwentuhan natin... Magi."Naramdaman ko

  • Serendipity    Chapter 36

    "Pinagod ako ng mga batang iyon. Mga boss ko nga sa trabaho, utak ko ang pinapagod. Sila naman, katawan ang pinagod sa akin!" Nasa loob na kami ng van paalis sa lugar na 'yon nang magsimulang mag-rant si Harris. "Halata bang haggard ako?""Gwapo ka naman," ani Warren. "Kahit haggard ka, at least gwapo ka."They're sitting in front of me. That's why I'm able to see how Harris pushed Warren's shoulder sa harap ng upuan niya."Edi sinabi mo ring haggard ako!""Lahat naman tayo!" Muttered Delancy. "Pwede mo namang iligo 'yan pagkauwi, e.""Hindi porke inaaway ko 'yang jowa mo, may karapatan ka ng makisabat." He's starting a fight again.

  • Serendipity    Chapter 35

    MEDYO SENSITIVE CONTENT: May "dirty talks" sa bandang gitna. "Kailan ka pa bumalik?" Gulat pa rin na tanong ko. This is a total unexpected happenings --- sa lahat ng lugar, dito ko pa siya makikitang muli. "I never left," he said. Ang kaninang nakayuko niyang mukha ay tumaas at humarap sa akin. "Lagi lang akong nakabantay sa iyo nang patago. I kept my promise that I won't ever leave you, Magi." Tears began falling down my eyes. I couldn't utter a single word because I was stunned by what I heard. All along, nasa tabi ko lang pala si Dylan habang ako ay patuloy siyang hinahanap. Nasa tabi ko lang pala ang taong lagi kong hinahanap. "W-Why?" My voice sudd

  • Serendipity    Chapter 34

    Nanatili lang akong walang imik at parang tuod na nakaupo sa isang bench katabi ang isang 'di katandaan na lalaki na nagpapakilalang siya raw ang Papa ko.Until now, hindi pa rin ma-process ng utak ko ang lahat. I'm still doubting every single word he uttered and thoughts revolving around my mind that he's just fooling me around."Alam kong hindi ka kaagad maniniwala sa akin kaya nagdala ako nito," nang muli siyang magsalita, kaagad rin akong napalingon sa kaniya.He's handing me a small picture --- it was my baby picture."Nakiusap ako sa Mama mo na bigyan niya ako kahit litrato mo para naman kahit sa picture lang ay nakikita kita."Maluha-luha kong pinagmasdan ang mukha ni

  • Serendipity    Chapter 33

    "Regarding the news that was spread yesterday night, it was all fake. There is someone who wants to ruin my image and it's not new in this industry.To all my supporters, have faith in me. I promised I will make things right and seek the person responsible for spreading fake news."Umagang-umaga ay ang public statement ni Trisha ang bumungad sa amin. As expected, she's gonna say it was just fake news para sirain ang pangalan niya, just to protect her reputation.What a lame excuse she has."Hindi pa rin pala talaga sapat 'yon para lang sumuko siya, 'no?" Delancy said, she's sitting next to me habang si Julia ay nasa kama niya pa rin at nagpapagaling.

DMCA.com Protection Status