Note: The song lyrics included in this chapter are NOT COPYRIGHTED.
---
"Akala ko naman ay kung sino na 'yong bisita ko," I chuckled. "Gabing-gabi ah, why are you here?"
Yaya Lorna knocked on my door only to say that Delancy was here. Akala ko may emergency kaya napapunta rito si Delancy but she seems fine naman 'cause I can see that she wears a genuine smile to welcome my presence.
Honestly, if that visitor wasn't Delancy, wala kong plano na babain siya. I'm a little bit exhausted dahil sa simple yet short date namin ni Eli kanina. As he was planning to gaze the star from the place we went, hindi 'yon natuloy kasi tirik pa ang araw.
Kumain na lang kami sa labas at nag-bonding ng saglit before he bid a goodbye dahil nakatanggap siya ng urgent call from his agency.
"May idinaan lang ako kay Nay Lorna rito... 'Yong ipinapabili niyang mangga kaya huwag kang assuming, hindi mo 'ko bisita." Aniya but I can trace in her face that she was just teasing me.
"You may go," pagbiro ko sa kaniya.
Natawa naman ako nang lumapit siya sa akin at humawak sa braso ko. "Kailan ka pa naging matampuhin?" She pouted. "Hindi ako sanay, Magi."
"Fine, what do you want? You wouldn't go here if wala kang kailangan." I smirked. "What is it?"
"Panoorin natin 'yong music video ng kanta ni Eli, duh!" Aniya at lumapit sa TV namin upang kuhanin ang remote.
Nagpunta siyang youtube para hanapin ang music video ni Eli na sinasabi niya at nang makita ay agad niyang pinindot iyon at i-p-in-lay.
"Alam mo namang boto pa rin ako kay Eli kahit na medyo nawawalan na siya ng oras para sa 'yo. Pero laban lang, Magi!" Dinig kong sabi niya pa bago tuluyang itinutok ang atensyon sa TV nang magsimula ng mag-play ang video.
Paano ko sisimulan ang kantang sa iyo ko iaalay
Paano ko sasabihin na nandito ako, patuloy na maghihintayPaano ang gagawin kung pag-ibig ay wala nang pag-asaNa maayos pa at manunumbalik ang sayaPuso'y nahulog nang hindi mo sinalo
Puso'y nasaktan at muli na namang nabigoPuso kong umasa na ipaglalaban moPusong nawalan ng buhay nang dahil sa 'yoNatatandaan mo pa ba no'ng mga panahong ako sayo'y naghihintay
Na bumalik ka at muling masilayanAng mga ngiti mong ka'y gandaMasilayan ang mata mong ako lang ang nakikitaPuso'y nahulog nang hindi mo sinalo
Puso'y nasaktan at muli na namang nabigoPuso kong umasa na ipaglalaban moPusong nawalan ng buhay nang dahil sa 'yoNatatandaan mo pa ba mga masasayang pinagsamahan
Mukhang hindi na sapagkat iyong kinalimutanDadaan ang panahon, ang araw, ang buwan at ang taonNgunit nandito lang ako kung saan mo iniwan noonAasa na naman ba ako sa walang kwentang pag-ibig ko sa iyo
Aasang babalikan mo kung ikaw naman ang unang sumukoPagsuko sa kung ano'ng meron sa ikaw at ako kahit walang tayo
Pagsukong sinimulan mo na ngayon ay tatapusin ko"Grabeeee walang-kupas ang boses niya, 'no? Ang ganda talaga tapos ang swabe!" Sambit ni Delancy habang niyuyugyog ako.
Jusko, hilong-hilo ako sa ginawa niya. Mukhang mas kinikilig pa 'to kaysa sa 'kin, e.
"Dumistansya ka nga muna sa 'kin nang kaunti at baka masampal kita!" Naiirita kong utos sa kaniya.
"Kinikilig lang naman ako para sa 'yo---"
"Iyong totoo? Sumobra 'yong kilig mo, nalagpasan mo na 'ko!"
Tumawa siya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay, "Gosh, nawalan yata ako ng laway. Pahingi naman ako ng tubig, oh?"
Umirap ako. "Bahala ka diyan---"
"Ano ba, ang bilis mo naman magtampo!" Aniya at itinulak ako. "Hindi ko naman aagawin si Eli sa 'yo kaya huwag kang OA diyan!"
"Hindi naman ako nagtampo, 'no? Tiyaka okay lang naman sa 'kin na kiligin ka sa pagkanta ni Eli pero sana huwag mo naman akong lamangan, 'di ba?" Sarkastikong sabi ko. "Daig mo pa girlfriend kung makatili diyan! Hampasin kaya kita ng tubo, gusto mo?"
"Possessive yarn?" Tatawa-tawa niya pang sabi. Parehas sila ni Julia e, nakakabwisit!
Hindi ko na lang siya pinansin, bagkus ay i-p-in-lay kong muli ang video kung saan mapapanood ang music video ni Eli habang kinakanta ang first ever release song niya na "Pagsuko".
Totoo nga ang sinabi ni Delancy, napaka-swabe ang ginawang atake ni Eli sa pagkanta sa awitin na 'yon. Ang sarap lang pakinggan ng malalim ngunit napakaganda niyang boses.Dama ko 'yong emosyon niya habang kinakanta 'yon, at habang pinapakinggan ko na inaawit niya 'to ay na-realize ko na totoo ang sinabi ni Warren. Ang lalim nga ng hugot ni Eli sa kantang ito.
Kung siya man ang nagsulat ng kanta, para kanino niya naman ito iniaalay? Hindi naman kami war, e.
Ayokong mag-isip ng negative thoughts ngayon. Basta ang mahalaga lang sa akin ay unti-unti na niyang naaabot ang mga pangarap niya sa buhay. Anuman ang mangyari, mananatili ako sa tabi niya upang suportahan siya.
"Ngayon niyo sabihin sa 'kin na mali ang ginawa kong desisyon na suportahan si Eli sa career niya. Ngayon niyo kwestyunin ang desisyon ko na manatili sa tabi niya para suportahan ang pangarap niya." Ang nasabi ko out of the blue tiyaka napatingin kay Delancy. "Habang pinapanood ko ang video na 'yan, mas nagiging malinaw sa 'kin na hindi isang pagkakamali ang ginawa ko. Ginusto kong suportahan siya para sa career niya at ito na 'yong outcome.
Hindi ko maipaliwanag iyong saya na nararamdaman ko habang pinapanood ko siyang kumanta dahil nababakas ko sa mukha niya na masaya siya sa ginagawa niya.
Nararamdaman kong mahal ako ni Eli at ni minsan ay hindi siya nagkulang sa 'kin. Hindi ko tiningnan bilang isang pagkukulang ang mawalan siya minsan ng oras para sa 'kin dahil inilalaan niya naman ito para sa pangarap niya. Sino ba naman ako para pigilan siya, 'di ba? Ang kailangan niya ay suporta, hindi panghuhusga.
Kaya sana huwag niyo kong kwestyunin o husgahan sa mga ginagawa ko. Oo nasasaktan din naman ako sa sitwasyon ko ngayon, pero pilit kong titiisin iyon basta para sa kaniya." Mabilis kong iniwas ang tingin ko kay Delancy para tumingin sa kawalan sabay sabing... "Mayroon akong pangarap, at iyon ay ang makasama ang lalaking mahal ko sa hinaharap."
Isipin man ng ibang tao na dying hard fan lang ako ni Eli at hindi mukhang girlfriend... Wala akong pakialam. Aware ako na may mga taong halos hindi paniniwalaan na ang isang kagaya ko lang ang girlfriend ng isang Eli Dela Peña.
Lalo ngayon na nagsisimula na siyang magpakilala sa mga tao, mas lalo nilang i-p-push si Eli sa ibang babae kasi kumpara sa akin, mas karapat-dapat ang mga babaeng kasama niya sa Showbiz kaysa sa akin.
Tuwing naiisip ko 'yon, sobra akong nasasaktan. Alam kong kahit kailan ay hindi ako matatanggap ng mga tao as Eli's girlfriend dahil ordinaryong babae lang naman ako na walang ipagmamalaki sa buhay. Masakit isipin pero 'yon ang katotohanan.
Sa kabila ng pagkakaroon ko ng self-doubt, pinili ko pa rin na maging number one fan ng boyfriend ko. Pinili ko pa rin na suportahan siya sa career niya dahil alam kong masaya siya sa ginagawa niya. Kung anuman ang maging consequence ng ginagawa ko, bahala na. Basta ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makita siyang masaya habang inaabot ang pangarap niya.
Even if it hurts, I will forever pray for his happiness.
Naramdaman ko ang kamay ni Delancy na pumulupot sa braso ko. "Gets naman kita at kailanman ay hindi ako tututol sa mga ginagawa mo. Malaki ka na at sigurado akong alam mo na ang tama at maling gawin."
Oo, alam ko na ang tama at maling gawin. Sigurado akong sa ginagawa kong ito, nasa tama ako.
---
Ewan ko ba kung masama ba ang gising ko o wala lang ako sa mood ngayong araw. Nakatulala lang ako rito at wala kong gana na kumausap ng kahit sino.
All I want is to be like this.
"Hey," natigil ako sa pag-iisip ng malalim nang marinig kong may bumulong sa tenga ko.
And to my surprise, it's Eli.
Nginitian ko siya. "Hindi yata busy ang mahal ko ngayon." I said. "Congratulations nga pala sa success ng music video mo, Love. I'm so proud of you!"
"Thank you, Love!" He replied.
Naupo siya sa upuan sa likod ng upuan ko habang ako naman ay nakaharap sa kaniya. Mayroon siyang kinuha sandali sa loob ng bag niya at ipinakita niya 'yon sa 'kin.
A contract.
Napanganga 'ko nang mag-sink-in sa utak ko ang nais ipahiwatig ni Eli sa 'kin. "Totoo ba 'to? Official ka nang artist ng SGN?"
Hindi pa kasi siya official artist ng SGN, according to him. The release of his single, which is 'yong "Pagsuko", ang kaniyang naging debut. Dahil siguro sa naging success nito dahil talagang pumatok sa mga viewers ay nakadagdag iyon ng dahilan para gawin na siyang official artist ng SGN.
Natutuwa siyang tumango. "Ito talaga ang ibabalita ko sa 'yo, Love. Later this morning, they asked me to go on our studio. Akala ko mayroong urgent meeting or PRESSCON na naman ang mangyayari but I'm wrong. They welcomed me by lending this contract to me, asking me to sign it and finally my dream came true to be part of their agency.
Hindi ko ma-explain iyong tuwa na nararamdaman ko, and hindi pa man ako nakaka-recover from my shock because of that news, may ibinalita na naman sila sa 'kin."
"Ano?"
"Finally, I'm going to have my first ever project under their agency."
Bakas sa mukha ni Eli ang labis na tuwa dahil sa magkasunod na blessings na dumating sa kanya sa araw na 'to. Una ay naging official artist na siya ng SG Network at ang ikalawa ay mayroon kaagad siyang project on his first day of being an artist.
Honestly, masaya 'ko para kay Eli pero hindi niyo naman ako masisisi kung makakaramdam man ako ng lungkot dahil sa pagkakataon na 'to ay mas lalo siyang mawawalan ng oras sa 'kin.
I understand kasi trabaho at pangarap niya ang pagkakaabalahan niya, but try to put yourselves in my shoes wherein I'm his girlfriend. Oo, girlfriend lang ako kaya marahil iisipin ng iba na ano naman kung mawalan siya ng oras sa 'kin, e girlfriend niya lang naman ako.
Excuse me, pero hindi ako GIRLFRIEND LANG. Girlfriend niya 'ko and I do deserve his time to spend with me. May mga pagkakataon na kailangan ko si Eli pero wala siya sa tabi ko. Ang dami kong gustong mangyari sa relasyon naming dalawa... ang maka-bonding siya at maging masaya kasama siya.
Yet his dream won't let that happen.
"Love, okay ka lang?" Nabalik ako sa wisyo nang marinig kong muli ang boses niya.
Ngumiti ako ng pilit. "Of course! Sobrang saya ko para sa 'yo at palagi mong tandaan na nandito lang ako, palaging naka-suporta sa 'yo. Finally, you're few steps away from your dream. I'm so proud of you, Eli."
Sinuklian niya lamang ako ng ngiti at mabilis na hinalikan ang aking noo bago kami bumalik sa pagkaka-ayos ng upo dahil sa pagdating ng aming Prof.
Kahit papaano ay malilihis ang utak ko sa pag-o-overthink dahil kailangan kong makinig at mag-aral. Ayoko munang lunurin ang sarili ko sa pag-iisip tungkol sa relasyon namin ni Eli na hiling ko ay sana huwag tumagilid.
---
Nang matapos ang maghapon naming klase, hindi na 'ko nagulat nang magpaalam kaagad si Eli sa 'kin na mauuna na siya.
Ayon sa kaniya, kinakailangan niyang um-attend sa isang mahalagang meeting para pag-usapan iyong first project niya under SGN. Ako naman itong si OO, oo lang ako ng oo sa sinasabi niya.
Hay nako...
"Lalim no'n, ah?"
Kasalukuyang palabas kami ng campus nina Julia at Delancy nang mapansin pa ni Delancy ang lalim ng paghinga ko. Kahit hindi sila magtanong, alam kong alam na nila na may malalim akong iniisip.
"Narinig namin ang pinag-usapan niyo kanina---"
"Hindi ako kasali, ah! Nananahimik ako sa upuan ko, 'no? Ikaw lang naman iyong mahilig makinig sa usapan ng iba. Huwag mo 'kong dinadamay sa pagka-chismosa mo, Julia!"
"Edi huwag!" Umirap pa si Julia tiyaka tumingin sa 'kin. "Going back, narinig ko ang pinag-usapan niyo kaya sigurado akong iyan ang pino-problema mo ngayon, Margaret.
Noon pa man ay sinabihan ka na namin, 'di ba? Hindi ko naman inaayawan si Eli para sa 'yo, kundi ang paraan ng pakikitungo niya sa 'yo ngayon na nagbago dahil nasilaw na siya ng kasikatan.
Hindi ko siya bina-bash, ah? Malapit na kaibigan ko si Eli pero hindi sapat na dahilan iyon para gawin ko ang ginagawa mo ngayon, Magi." Huminto siya sa pagsasalita saglit at huminga ng malalim. "Hindi ako kagaya mo na kitang-kita mo na ang laki ng pagkukulang niya sa 'yo bilang isang boyfriend, pero patuloy ka pa ring nagbubulag-bulagan."
"Dahan-dahan ka naman sa sinasabi mo, Julia. Hindi mo alam dahil sa sinasabi mo, pwede mong masaktan si Magi." Ani Delancy.
"Kung iyon ang paraan para gumising ang natutulog na diwa ng kaibigan natin, e handa kong saktan nang paulit-ulit ang damdamin niya.
Hindi na 'to tama, e. Huwag mong hintayin na kausapin ko 'yan si Eli bago ka bumalik sa wisyo."
"Ikaw yata 'tong hindi nakakaintindi, e!" Parehas kaming nagulat ni Julia nang magtaas ng boses sa amin si Delancy. "Naiintindihan ko kung bakit ka nagagalit ngayon kay Eli.
Syempre sino ba namang girlfriend ang matutuwa kung iyong boyfriend nila, e nawawalan ng oras sa kanila, 'di ba?
Lahat naman siguro tayo ay pangarap na maging masaya sa relasyon na papasukin natin. Pero ang point ko rito, sana intindihin mo rin si Eli. Pangarap niya 'yon kaya bakit mo kailangang pigilan iyong tao na tuparin iyong pangarap niya?
Kung si Magi nga, e nagagawa niyang intindihin si Eli, sana ikaw rin. Partida si Magi ang girlfriend pero kung maka-reklamo ka riyan, parang sa 'yo siya nagkulang!"
"Ewan ko sa inyong dalawa! Magsama kayo!" Bakas sa boses ni Julia ang inis bago ito nauna nang maglakad sa 'min.
"Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kaya salamat dahil ikaw ang nagsalita para sa 'kin." Pagpapasalamat ko kay Delancy.
Ngumiti siya't inakbayan ako. "Dahil naiintindihan na kita, Magi." Aniya. "I once blinded with the thought of Eli becoming another person since he entered showbiz.
He changed a lot simula no'ng makilala ko siya, at bilang isa ako sa nakasaksi ng pag-iibigan n'yong dalawa, masasabi kong 'yong sweetness na kinakikiligan ng isang bilyong magjowa sa buong mundo ay biglang nawala."
"Nakakalungkot pero gano'n talaga ang buhay... kailangan n'yong magsakripisyo. At ang isang nakakatakot na isakripisyo sa isang relasyon ay ang tiwala mo sa kanya. Mapapaisip ka na lang... what if hindi niya pangatawanan ang mga ipinangako niya sa iyo? Promises are meant to be broken, ika nga nila. 'Yong possibility na ma-attach siya sa makakatrabaho niya, hindi malabo."
"At 'yon ang isang bagay na hinahangaan ko sa iyo, Magi." Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "Para kay Eli, you choose to be brave. Sa kabila ng mga posibilidad na sugatan ni Eli ang puso mo, you still go for him and be his number one supporter. Isinusumpa ko talaga na gabi-gabi siyang babangungutin sakaling ipagpalit ka talaga niya sa kapwa niya artista!
"Umatras tuloy 'yong luha ko dahil sa sinabi mo," I pouted. "But thanks to you, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko."
"No worries. I got you!" At naglakad na kami habang nakasunod kay Julia na pati sa paglakad niya ay mababakas na naiinis pa rin siya.
Hanggang sa makarating kami sa isang mini bar.
Teka, bakit kami nandito?
Ang tagal na no'ng huling pasok ko sa bar at sobrang panget ng naging memories ko kaya simula nang araw na 'yon ay inayawan ko na ang pagpunta sa bar.
Alam naman nila 'yong nangyari sa 'kin no'n tapos itong si Julia ay dito pa talaga dinala ng kaartehan niya.
"Uuwi na 'ko. Alam niyo namang ayoko rito---"
"Nakapasok ka na, tapos ngayon ka pa mag-ba-backout? Sana kasi ginagamit mo 'yang mata mo sa pagbabasa, hindi puro kay Eli lang nakatingin." Ramdam ko ang pait sa tono ng boses niya.
"When you enter the bar, there's no backing-out. Ibig sabihin, hangga't hindi ka lasing, hindi ka nila palalabasin." Bulong sa 'kin ni Delancy.
Napamura 'ko sa isip. "Impyerno ba 'tong bar na napasukan natin? Bakit ngayon mo lang iyan sa 'kin sinabi?" May halong inis na tanong ko.
Sumenyas siya ng peace sign bilang pagpapaumanhin habang ako ay nanlulumong sumunod kay Julia upang humanap ng pwesto na uupuan namin.
As usual, napakaingay sa paligid. Ang dami kong amoy na naaamoy. Amoy ng alak, sigarilyo, usok mula sa vape at kung ano-ano pa. Sa amoy pa lang ay nahihilo na ko.
"Bakit niyo kasama si Magi? Kapag nakarating ito kay Eli, pare-parehas tayong lagot!" Naagaw ang atensyon ko dahil sa nagsalitang iyon.
Kumunot ang noo ko nang makarating kami sa isang table at nadatnan namin sina Warren at Israel na nakaupo roon. Si Warren ay may hawak na baso na may alak at si Israel naman ay abalang kumakanta sa karaoke.
Kaya pala biglang sumakit iyong tenga ko.
"Kung hindi kayo magsusumbong, edi hindi niya malalaman." Ani Julia at naupo sa tabi ni Warren. Kumuha ito ng isang baso rin ng alak sa nagdaang waiter at swabeng ininom iyon.
Alam kasi ni Eli ang nangyari sa 'kin no'ng huli kong punta sa bar kaya siya na rin mismo ang nagbawal sa mga kaibigan niya na huwag akong dadalhin o aayain na pumuntang bar kasi baka maulit na naman iyon.
Kung curious kayo kung ano'ng nangyari sa 'kin na talagang nagsilbing trauma sa 'kin, ito na nga.
Muntik na 'kong ma-rape.
Habang masayang nag-pa-party sina Julia kasama si Warren, Israel, Harris at Alec, ako naman ay nasa isang sulok at pinapanood lang sila. Medyo may tama na rin ako that time nang maramdaman ko ang tawag ng kalikasan. Umalis ako roon upang maghanap ng restroom ngunit nang madaan ako sa isang pasilyo na madalang ang tao, may isang lalaki na lumapit sa 'kin. No'ng una ay maayos pa ang pakikitungo niya sa 'kin kaya lang nang tanggihan ko siya sa alok niyang magsayaw raw kami, doon na siya naging agresibo.
Ginamit niya ang lakas niya bilang isang lalaki upang gawin ang plano niya na pagsamantalahan ako. Mariin ang pagkakahawak niya sa magkabila kong braso at ginamit ang pagkakataon na 'yon upang halikan ako sa iba't ibang parte ng katawan ko. Dahil madalang ang tao sa lugar na 'yon ay hindi ko magawang humingi ng tulong.
Nang mga oras na 'yon, akala ko ay maisusuko ko na ang Bataan sa isang manyakis na kagaya niya ngunit laking pasasalamat ko sa pagdating ng isang estrangherong lalaki. Tila ba nasa isang teleserye ako kung saan ipinagtanggol ako ng isang hindi ko kilalang lalaki. Binugbog niya 'yon hanggang sa mawala ito sa 'ming paningin. Magpapasalamat na sana 'ko sa lalaking iyon dahil sa ginawa niya ngunit walang paalam na siya'y umalis na lang bigla.
Although nailigtas ako ng lalaking iyon that time, pero hindi ko natitiyak na kung sakaling mangyari ulit iyon ngayon ay makakaligtas pa ba 'ko?
Kaya gano'n na lang kainit ang dugo ko sa mga malilibog o manyakis na tao. At kaya rin hindi naging maganda ang pagkakakilala namin ni Dylan dahil na rin siguro doon.
---
"Tara sa dance floor!" Pag-aya ko sa mga kasama ko.
Tumayo na ko't gegewang-gewang na naglakad patungo sa dance floor upang magsayaw.
"Mukhang makakalabas na 'ko sa impyernong ito. Lasing na ko, e." Natatawa 'kong sabi at nagsimulang sumayaw.
Ilang beses akong muntik matumba dahil hindi ko ma-balance ang katawan ko pero buti na lang nasasalo ako ng likod ng mga kasama kong feeling dancer dito sa dance floor.
Sa kalagitnaan ng pagsasayaw, tila ba ay naaninag ko ang mukha ni Eli na ngayon ay papalapit sa 'kin. Hindi ko alam kung imahinasyon ko ba 'to dala ng kalasingan, pero dahil na rin siguro sa pagkasabik ko sa kaniya ay agad ko siyang nilapitan.
Ikinapit ko ang dalawang kamay ko sa likod ng leeg niya bago siya nginitian. "Mahal na mahal kita,"
Without further adieu, I claimed his lips.
Nag-iisa ko sa isang tahimik na parke. Maliwanag ang araw ngunit pawang wala 'kong makita. Pakiramdam ko ay nasa isa kong madilim na lugar at hindi nasisinagan ng liwanag ng araw.Ang weird naman, bakit ako nandito?Tumayo ako mula sa inuupuan kong bench sa parke na kinaroroonan ko. Handa na 'kong tumawid sa kalsada upang umuwi nang sa kabilang dulo ng kalsada ay mayroon akong nakita --- isang lalaki at isang babaeng bata at tila masaya sila.Ngunit nagbago ang lahat nang makita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng batang babae. Ang kasunod kong nakita ay nang itulak niya nang malakas ang kasama niya papunta sa gitna ng kalsada. Kasabay no'n ay ang pagdating ng isang sasakyan---"Huwag!" Sigaw ko
"Based on my diagnosis, may Alzheimer's disease ang Lola mo." Pahayag ng doktor.Nang mapansin ko ang kakaibang kinikilos ni Lola ay agad akong tumawag ng doktor upang alamin ang kalagayan ni Lola. Hindi ko inaasahan na ito ang magiging diagnosis niya.May Alzheimer's disease ang Lola ko?Dahil sa nalaman ko, hindi na 'ko halos makatayo nang diretsyo. Biglang nanghina ang katawan ko matapos marinig ang diagnosis ng doktor."Nagagamot ba 'yon, Doc?""There's no cure for Alzheimer's," hearing the Doctor's response to my question makes me skip my breath."A-Ano'ng gagawin ko, Doc? Hihintayin ko na lang ba 'yong Lola ko na bawi
Ilang minuto akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakatitig lamang sa mukha ni Dylan na para bang may kung ano sa mukha niya na dapat kong titigan--- Teka, ano namang espesyal sa mukha niya para titigan ko nang ganito? Haist, nababaliw na ba 'ko? "Nahuhulog ka na ba sa karisma ko, Magi?" Nabalik ako sa katinuan nang magsalita siya. Itinulak ko siya nang malakas at masama siyang tiningnan. "Sabihin mo nga sa 'kin, talaga bang ipinanganak ka ng Mama mo nang ganiyan kayabang? Hindi ko na maabot 'yong kahanginan mo, lagpas ng universe, e!" "Saang banda ako naging mayabang sa sinabi ko?" Maang-maangan pa nito at muli na naman siyang naglakad papalapit sa 'kin. "Baka naman palusot mo lang 'yan para i-deny sa
Iisa ang naging ekspresyon namin ni Dylan --- pareho kaming nagulat sa biglang sinabi ni Lola na ang apo na tinutukoy niya ay si Dylan at hindi ako. Sobrang gulo ng pangyayari, hindi ko maintindihan kung bakit si Dylan."Apo, sa wakas ay nagkita na muli tayo!" Sambit ni Lola habang tuwang-tuwa ito na nakayakap kay Dylan.Bakas sa mukha ni Dylan ang kalituhan. Hindi niya kasi alam ang tungkol sa kalagayan ni Lola dahil na rin ito ang unang pagkakataon na makapunta si Dylan dito sa bahay namin. That's the thing I forgot to tell him, siguro ay ipapaliwanag ko na lang sa kanya ang lahat mamaya."Lola, siya po---" he was about to poked my direction nang biglang magsalita si Lola."Siya si Magi," ani Lola at nakangiting tumingin sa 'kin. "H
"Habang nanonood kami ni Yuwi sa performance niyo kanina, grabe 'yong tulo ng laway niya!" Warren chuckled as he pointed Yuwi's direction.Nang matapos ang performance namin sa P.E., we headed straight to a nearby fast-food chain to eat. We heard that we didn't have a class in one of our subjects so we used that time to replenish our stomachs.Si Warren at Yuwi naman ay tatlong oras ang vacant period, so they had time to watch our performance earlier. Another thing, partner kasi ni Delancy si Warren that's why he's there. As for Israel, kaklase rin namin siya sa subject after ng P.E., ibig sabihin vacant niya rin."Bakit naman tutulo ang laway ko sa kanila? Mga tuod naman kung sumayaw." Balewalang sabi ni Yuwi before he resumed eating.
"W-Wala!" I said as I shook my head. I don't know if I look defensive as I notice that I wiggled my head harshly."Ikaw ba si Dylan?" Julia replied sarcastically.Really? Paaandarin niya talaga ngayon ang pagka-sarcastic niya?I was about to speak nang magsalita si Dylan. "You're just hallucinating things, Julia. What's my reason para pumunta kina Magi? Of all people, bakit sa bahay nila? Do you ever think about that?"Julia just giggled then shrugged her shoulders. "Sabi niyo, e." At nauna na itong sumakay sa kotse ni Dylan.When our eyes met, his face moved up and down. I think he's assuring me that Julia won't be suspicious of the two of us.
"It was from the girl he first admired?" I asked at the back of my mind.Hanggang ngayon ay hindi mapanatag ang loob ko about that bracelet. I am sure na nakita ko na somewhere ang bracelet na 'yon but I can't recall kung saan ko 'yon nakita.Because of that, I'm starting to get curious about Dylan's personality.I shouldn't have thought about this, but, is he part of my past?"What the hell, Magi? Ano'ng klaseng tanong 'yon? Of course not!" I shrieked as if I'm battling against my thoughts. Alright, I think I'm starting to go crazy because of these thoughts I have.I go outside of my room to visit my Lola, siguro naman ay hindi pa siya tulog. I just want to check her condition para naman hindi na 'ko ma-bother nang sobr
"W-What? Uuwi ka na?" I stammered while asking him that question. Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko sa ibinalita niya or not.[Bakit parang hindi ka yata masaya na uuwi na 'ko? That's how I feel, Love. Hindi mo ba ko na-miss?] I felt like he sounded grouchy.What am I thinking, huh? There's no need to have a second thought, instead I should be happy kasi he's finally coming home. Magkikita na kami ulit for almost a month of being away from each other.But I can't help myself from being anxious. I think hindi magandang idea na umuwi na si Eli kasi alam na nina Julia ang tungkol sa paired up niya with his ex. At natatakot din akong malaman ni Eli ang tungkol sa confidential deal namin ni Dylan.He shouldn't come home.
Note: This is the last chapter! Thank you for reading this story. <3---Dylan's Point of View:That day was supposed to be the day we are celebrating an important occasion, but turns out to be the day where two important people in our life... in my life, got punished by the law.Hindi gano'n kadaling tanggapin ang nangyari lalo't nakasugal ang buhay at pangarap nila sa kulungan. I thought everything was all polished right after Trisha got sentenced to pay for the crime she did... pero nangyari ang hindi inaasahan.Almost a year had passed but I'm still stuck in the year 2021. Matagal na rin ang lumipas pero tila sariwa pa rin sa utak ko ang lahat ng mga nangyari.Yeah, we're able to visit
"Isang clove po talaga ng bawang ang ilalagay n'yo riyan sa fried rice? Ang dami naman po yata?""Paborito kasi ng Mama niya ang fried rice na maraming bawang," rinig kong humagikgik ito. "Baka namana ni Magi 'yon sa Mama niya... malalaman natin."Tuluyan na akong lumabas sa room ko upang tingnan kung sino ang may-ari ng mga tinig na 'yon... only to see Dylan and my father in the kitchen area. They are both wearing an apron; Dylan was busy cutting garlic and onions on the chopping board, si Papa naman ay nagpiprito ng hotdog.Napangiti ako as I watched them quietly in the corner, thinking random thoughts about how I'm lucky to have them both in my life.Parang kahapon lang, galit na galit ako kay Papa. Halos walang paglagyan ang sama
"Ehem. Pasintabi sa single!" Julia sneezed to broke the eerie atmosphere sa pagitan namin ni Dylan.As I came back to my senses, ako na itong lumayo sa kaniya before I swiftly averted my gaze at him. Walang pinagbago sa dating paraan niya ng pagtitig sa akin --- his stares slowly melting my whole being."Sa dami ng mga nakaka-flirt mo sa Tinder, bakit hindi ka makapili kung sino sa kanila ang seseryosohin mo?" Pang-aasar ni Delancy rito."Ayoko nga! Walang true love sa mga dating apps. Lalong-lalo na riyan sa Tinder! Nako, proven and tested!""Mature ka na mag-isip, huh?" Pagpuri ni Dylan sa kapatid. "Parang dati, naghahanap ka lang ng mapaglilibangan sa mga ganyang dating apps. Tapos ngayon... True love na ang hinahanap mo." He giggl
At least I've got the chance to meet my father.It's quite short --- hindi man lang pinaabot ng tadhana na makasama ko 'yong Papa ko kahit good for one month.Tahimik kaming naglalakad ni Trisha sa kalagitnaan ng gubat. Hindi ko alam kung tama pa ba ang direksyon na tinatahak namin. I don't even know how we will escape in this forest that seems like we're walking to infinity.It was hard for me to forced Trisha na tumakbo na palayo matapos masaksihan ang unti-unting pagbagsak ng walang-buhay na katawan ng Tatay namin sa lupa. Nahirapan din ako na piliing tumakbo na lang palayo instead of running onto my father and try to save him by calling someone to give us assistance.I also want to save my father, but I can't. He put his
My eyes were blinded with a piece of cloth, I could feel how my sweat streamed down my face.Nang tuluyan akong magising, I could feel I was placed on a wooden chair habang nakagapos ang mga kamay at paa ko.At this moment, all I want is to cry. My hands are shivering as well. Nababalot ng takot ang buo kong katawan because I had no idea kung sino ang nagpa-kidnap sa akin at kung ano'ng dahilan nila para gawin sa akin ito.How about Dylan? Dinakip din kaya nila si Dylan? What if they do? W-What if---"Gising ka na pala," a feminine voice stopped me from overthinking. "Kanina pa talaga kita hinihintay na magising, e. Mukhang mahaba-haba ang pagkukwentuhan natin... Magi."Naramdaman ko
"Pinagod ako ng mga batang iyon. Mga boss ko nga sa trabaho, utak ko ang pinapagod. Sila naman, katawan ang pinagod sa akin!" Nasa loob na kami ng van paalis sa lugar na 'yon nang magsimulang mag-rant si Harris. "Halata bang haggard ako?""Gwapo ka naman," ani Warren. "Kahit haggard ka, at least gwapo ka."They're sitting in front of me. That's why I'm able to see how Harris pushed Warren's shoulder sa harap ng upuan niya."Edi sinabi mo ring haggard ako!""Lahat naman tayo!" Muttered Delancy. "Pwede mo namang iligo 'yan pagkauwi, e.""Hindi porke inaaway ko 'yang jowa mo, may karapatan ka ng makisabat." He's starting a fight again.
MEDYO SENSITIVE CONTENT: May "dirty talks" sa bandang gitna. "Kailan ka pa bumalik?" Gulat pa rin na tanong ko. This is a total unexpected happenings --- sa lahat ng lugar, dito ko pa siya makikitang muli. "I never left," he said. Ang kaninang nakayuko niyang mukha ay tumaas at humarap sa akin. "Lagi lang akong nakabantay sa iyo nang patago. I kept my promise that I won't ever leave you, Magi." Tears began falling down my eyes. I couldn't utter a single word because I was stunned by what I heard. All along, nasa tabi ko lang pala si Dylan habang ako ay patuloy siyang hinahanap. Nasa tabi ko lang pala ang taong lagi kong hinahanap. "W-Why?" My voice sudd
Nanatili lang akong walang imik at parang tuod na nakaupo sa isang bench katabi ang isang 'di katandaan na lalaki na nagpapakilalang siya raw ang Papa ko.Until now, hindi pa rin ma-process ng utak ko ang lahat. I'm still doubting every single word he uttered and thoughts revolving around my mind that he's just fooling me around."Alam kong hindi ka kaagad maniniwala sa akin kaya nagdala ako nito," nang muli siyang magsalita, kaagad rin akong napalingon sa kaniya.He's handing me a small picture --- it was my baby picture."Nakiusap ako sa Mama mo na bigyan niya ako kahit litrato mo para naman kahit sa picture lang ay nakikita kita."Maluha-luha kong pinagmasdan ang mukha ni
"Regarding the news that was spread yesterday night, it was all fake. There is someone who wants to ruin my image and it's not new in this industry.To all my supporters, have faith in me. I promised I will make things right and seek the person responsible for spreading fake news."Umagang-umaga ay ang public statement ni Trisha ang bumungad sa amin. As expected, she's gonna say it was just fake news para sirain ang pangalan niya, just to protect her reputation.What a lame excuse she has."Hindi pa rin pala talaga sapat 'yon para lang sumuko siya, 'no?" Delancy said, she's sitting next to me habang si Julia ay nasa kama niya pa rin at nagpapagaling.