Kaagad kong binitawan ang hawak na bouquet of roses at mabilis na umalis sa nagkukumpulan na 'yon. Pansin ko rin kasi na naagaw na namin ang atensyon ng mga tao dahil na rin sa nasalo namin parehas iyong bouquet of roses.
Sa totoo lang, naiinis ako. Ano pa bang dahilan para magkita kami ng manyakis na 'yon? Pagkatapos ng ginawa niyang kabastusan sa 'kin, ang lakas naman ng loob niya na magpakita sa 'kin ulit. Kung i-demanda ko kaya siya ng sexual harassment, baka sakaling matakot na siya, 'no?
"Magi," I suddenly felt Delancy's hand on my elbow upang pigilan akong maglakad.
Nandito pa rin naman ako sa loob ng venue at ang balak ko lang naman talaga ay bumalik sa pagkakaupo sa table namin. OA lang talaga masyado 'tong si Delancy.
"Gusto ko lang na maupo---"
Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay natigilan ako bigla nang mahagip ng mata ko 'yong manyakis na 'yon at talagang kasama pa siya ni Julia, ah?
"Why was that guy on Julia's company? They're close ba?" May halong panggigigil na tanong ko kay Delancy.
"Magi, may ginawa ba siyang hindi maganda sa 'yo at ganyan ka na lang magalit sa kaniya?" Nagtatakang tanong sa 'kin ni Delancy.
Sigurado naman akong ang tinutukoy niya sa tanong niya ay iyong lalaking kasama ni Julia na indenial pa na malibog. Funny, right? Huli na nga sa akto but he's still denying that he committed a crime. That's sexual harassment!
"Magi, bakit mo naman tinawag na manyakis itong kapatid ko?" Dinig kong tanong ni Julia habang papalapit silang dalawa sa kinaroroonan namin ni Delancy.
Malamang sinabi na no'ng lalaking 'yon na ako 'yong babaeng tumawag sa kanya ng manyakis... E, totoo naman kasi!
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Akala ko imagination ko lang o kaya naman ay nananaginip lang ako nang gising pero mukhang hindi, e. Sinubukan kong kurutin ang sarili ko pero nasaktan ako kaya sure ako na hindi 'to panaginip.
What the hell? Is that the guy na kapatid ni Julia? This doesn't make any sense. H-How come?
"K-Kapatid mo 'yan?" Tanong ko while pointing my fingers towards that guy.
"Oo, siya 'yong crush ni Delancy. Siya si Dylan!" She said as she rolled her eyes.
Siya 'yong kapatid ni Julia at iyong lalaking gusto ni Delancy. Siya lang naman iyon, pero bakit nahihirapan pa rin akong i-absorb itong mga nalalaman ko? This is unbelievable!
"Ahh okay," sabi ko nang makabawi sa pagkabigla. "Siya lang naman pala 'yong kapatid mo at iyong crush ni Delancy. Ang liit nga naman ng mundo, 'no?"
"Bakit? Ano bang nangyari? Nagkakilala na ba kayo?" Naguguluhang tanong ni Delancy.
"Oo, siya lang naman iyong nagpasama ng mood ko ngayon. Silipan ka ba naman habang nasa restroom ka, hindi ka ma-ba-badtrip no'n?"
Bakas sa mukha nina Julia at Delancy ang gulat at halos hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Habang itong si Dylan na manyakis, e nanatiling tahimik at walang reaksyon.
"Ginawa mo 'yon? Sinilipan mo si Magi? Hala, kailan ka pa natutong gumawa ng ganyan---"
"Uulitin ko lang, hindi ako naninilip sa 'yo." May diin na sabi ni Dylan habang mataman ang tingin sa 'kin. "Nagkataon lang na napadaan ako sa restroom at aksidenteng natanggal ang sintas ng sapatos ko kaya lumuhod lang naman ako para sana itali 'yon pero nagkataon namang palabas ka ng restroom kaya inakala mong sinisilipan kita.
It wasn't my intention na gano'n ang isipin mo.
Ngayon, kung ayaw mo 'kong paniwalaan, edi huwag. Hindi naman kita pinipilit kaya bahala ka nang mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa 'kin. Wala akong pakialam."
Matapos ng mahaba niyang speech ay nauna na siyang lumabas ng venue habang kaming tatlo ay ilang minuto ring nanatiling tahimik sa kinatatayuan namin.
I honestly will admit that I'm mistaken. Still, that guy should've clarified things with me, edi sana wala nang ganito na nangyari.
"Ikaw naman kasi, hindi naman pala naninilip si Dylan sa 'yo pero kung makabintang ka naman, wagas!" Sabi ni Delancy.
"Next time kasi, sana matutunan mo na pakinggan iyong explanation ng iba bago ka mag-conclude agad. Iyan kasi ang hirap sa 'yo, sarili mo lang ang pinapakinggan mo." Julia lectured me.
"Okay, nagkamali na 'ko roon. Pasensya na," ang tanging nasabi ko.
"Tara na---"
"Pero teka, iyon na 'yong crush mo, Delancy? Ano namang nagustuhan mo roon, e mukhang puro kayabangan lang ang alam." Inis kong sabi.
"Ayan ka na naman," Julia warned me.
"Hindi mo ko masisisi kung nayayabangan man ako sa kaniya. Niyabangan niya kaya 'ko kanina tapos inulit niya pa ngayon. For sure, may masama na rin akong impression sa kaniya kaya gantihan lang, 'no?"
Napapailing na lang sa 'kin si Julia at alam kong hindi na siya magsasalita pa. Medyo umaandar na naman iyong pagka-isip-bata ko, ewan ko ba.
"Simple lang naman ang nagustuhan ko sa kanya," at nagsalita na nga si Delancy. "Ang talented niya at sobrang saya niya kasama at kausap. Maaaring ngayon ay ganyan kasama ang tingin mo sa kanya kasi hindi naging maganda ang una niyong pagkikita, pero alam ko na mapapalitan iyan as you knew him very well. "
Duda 'ko sa sinasabi ni Delancy. Buong akala ko nga ay makakasundo ko si Dylan since same age din naman kami kagaya ni Eli, pero tingnan niyo ang nangyari, 'di ba? Unang pagkikita, hindi na agad maganda ang kinalabasan kaya ayoko nang umasa na magiging close kaming dalawa at malalaman ko pa kung totoo nga ba na masaya siya kausap at kasama kagaya ng sinasabi ni Delancy.
The only thing I've realized when I met that maniac, Dylan, was that I have to protect myself every time he's going near me. He's the type of person na dapat talagang layuan.
Tyaka isa pa, hindi ko rin naman hinahangad na maka-bonding si Dylan. No'ng makita ko pa lang siya, alam ko na agad na ang panget niya ka-bonding.
"Hindi na bale, wala rin naman akong balak na makipagkaibigan sa kagaya niya. Nararamdaman ko na hindi kami same vibes."
Lumabas na kaming tatlo ng venue after ng pag-uusap na 'yon. Lumalalim na rin kasi ang gabi kaya kinakailangan na rin naming g-um-ora dahil hindi kami pupwedeng magpuyat dahil start na ng second sem bukas.
Back to action na naman ako. I'm currently on my third year in college at masasabi kong ang stage na 'to ang pinakamahirap sa lahat. Tambak na tambak kami ng activities, thesis and lesson plans na kailangang maipasa kaagad, unless ibabagsak ka ng mga walang-pusong Professor ng aming university.
Sobrang strict nila in terms of passing the activities and such, pero sana naman strict din ang university sa mga Professors at sana ipagbawal na nila ang paggamit ng roleta as their grading system.
Nakakabwiset lang kasi, tipong nag-aaral ka naman nang mabuti at sinisikap na makapagpasa ng mga activities and such bago mag-deadline, pero imbes na mataas na grado ang makuha mo, e talagang manlulumo ka na lang kapag bigayan na ng grades.
Ang sarap lang murahin ng demonyong nagpauso ng roleta sa grading system. Sana hindi siya papasukin ni San Pedro sa langit.
---
Panibagong semester, pero wala namang pinagbago halos ang classroom namin. And I'm not expecting naman na may magbabago dahil lang nabago na 'yong semester. Like may pa-brigada eskwela sila rito or what. Like duh, hindi na uso 'yon sa college. Pang-elementary and high school lang iyon para sa 'kin.
Same atmosphere, and at the same time, wala pa ring pinagbago ang upuan ko. Si Julia at Delancy pa rin ang seatmate ko kaya nakakasigurado akong may discussion na naman akong ma-mi-missed lalo't nasa gitna namin ni Delancy ang putak ng putak na si Julia.
Tipong workaholic kami ni Delancy at aral na aral, pero dahil may maingay na nasa gitna namin, ayon mas napapakinggan na lang namin mga ikinukwento niya kaysa sa idini-discuss ng Prof. I have thought of changing my seat away from Julia kaso baka magtampo pa 'yon. Matampuhin pa naman.
Speaking of Prof, hanggang ngayon ay wala pa ring Prof na pumapasok kaya ang ingay pa rin sa classroom namin. Pasilip-silip din ako sa pintuan dahil inaabangan kong pumasok si Eli pero wala e, ang tagal niyang dumating. Hindi naman siya nale-late ng pasok dati e, pero bakit ngayon wala pa rin siya? Five minutes na lang before the time pero ni anino niya, e 'di ko makita.
"Miss mo na agad si Eli? Parang kahapon lang, e magkausap kayo tapos miss mo agad." At nakialam na naman sa buhay ko ang pakialamerang si Julia.
"Hindi ko lang siya makita ng isang araw, parang masisira na ang ulo ko. Kaya huwag ka nang magtaka kung ganito ako." I replied. "Kasama nga dapat siya kahapon sa party kaso ang dami niyang na-missed na activity dahil freelance artist siya sa SG Network, 'di ba?"
"Now I know, kaya pala tutok iyang oras mo kay Eli ay dahil nagiging busy na rin siya sa career niya." Delancy suddenly muttered.
"Ang sakit no'n, tipong wala na siya halos oras sa 'yo, habang ikaw willing kang i-donate lahat ng oras mo para lang sa kaniya."
Sang-ayon ako sa sinabi nilang dalawa. Sa totoo lang, hirap na hirap na rin ako sa ganitong setup naming dalawa ni Eli. Nagiging busy na rin siya sa sarili niyang career at hindi ko itatangging nawawalan na rin siya ng oras para sa 'kin --- para sa 'ming dalawa.
I hate the fact na dumating sa ganitong point ang relasyon namin. Honestly, I don't want to allow him to enter showbiz kasi alam kong mangyayari 'to. But because it was his dream, I chose to support him, instead.
Suportado ko siya sa kagustuhan niya na maging artista at singer pero syempre hindi niyo maikakaila na bilang girlfriend niya 'ko, na-mi-miss ko pa rin iyong bonding namin no'ng mga panahong wala pa siya sa landas niya ngayon. Tyaka bilang girlfriend ni Eli, natatakot din akong may makilala siyang ibang babae at hindi na siya mag-hesitate pa na ipagpalit ako roon.
Paano kapag naging successful siya sa career niya? Paano kung tuluyan na siyang sumikat at maging artista? Paano ako? Paano 'yong relasyon naming dalawa, 'di ba?
Hindi naman sa ayaw kong matupad ang mga pangarap niya. Takot lang talaga 'ko na maiwan sa bandang huli. Lahat na lang ba ng mga taong mahalaga sa akin ay iiwan na lang ako? Don't I deserve to have someone that is willing to stay by my side even if the world turns upside down?
"Hey, Love." Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman kong may nagsalita sa tabi ko.
Napangiti naman ako ng matamis nang makita ko si Eli. "Bakit ngayon ka lang? Muntik ka nang ma-late, ah?"
"Dylan requested me na daanan siya sa bahay nila. Hindi raw kasi siya hinintay ni Julia."
At doon ko lang napansin na kasama pala ni Eli si Dylan ngayon. So it means, magiging kaklase ko pa ang manyakis na kapatid ni Julia?
'Bakit naman ganito, Lord? Nagrorosaryo naman ako gabi-gabi, pero bakit kailangan niyo pa 'kong parusahan nang ganito at talagang ito-tropa niyo pa 'ko sa isang alagad ng demonyo?'
"Are you okay?" I came back to my senses when he asked me.
"Oo, I'm more than okay!" Tatawa-tawang sagot ko.
"Excuse me, pero hindi ko siya iniwan. Iyong driver ang nang-iwan sa kaniya at hindi ako." Dinig kong pagdepensa ni Julia sa sarili. "Tiyaka isa pa, may sarili naman siyang kotse sa condo niya, 'di niya na lang gamitin."
"Na-late lang ako ng five minutes kasi nagkape ako, iniwan niyo na agad ako. Ganyan ka, ang sama ng ugali mo." Ani Dylan bago ito umupo sa upuan sa likod namin.
"Huwag mo na silang pansinin. Usap tayo mamaya, ah?"
Tinanguan ko na lamang siya bilang sagot at dumiretsyo na rin si Eli sa likod ng upuan namin kung saan nakaupo rin si Dylan doon.
Parang dati, si Eli lang ang kasama namin sa classroom bilang kaklase namin pero ngayon, dalawa na sila. Habang si Israel naman ay nasa second year; si Yuwi at Warren naman ay nasa fourth year habang sina Alec at Harris ay mga nagtatrabaho na ngayon.
Bigla kong na-miss iyong dati kung saan kumpleto sila, pero hindi kasama si Dylan, at nagpe-perform silang anim dito sa campus tuwing may event. Sikat kasi silang banda rito at talagang tinitilian sila ng mga kababaihan.
Vocalist nila si Harris, Israel at Eli habang drummer si Warren, guitarist naman si Yuwi at sa piano si Alec.
Nakaka-miss iyong time na 'yon, na parang isang taon lang ang lumipas pero para sa 'kin ang tagal na no'ng huli 'yon mangyari. Kaya lang ngayon ay mukhang hindi na 'yon posible pang mangyari dahil hindi na sila kumpleto since ang pianist nila na si Alec at ang vocalist nila na si Harris ay kaka-graduate lang dito.
Masaya naman ako na mayroon na silang pinagkakaabalahan ngayon, pero bilang naging fan na nila 'ko, hindi ko rin syempre maiwasan na ma-miss iyong gano'ng jamming.
---
Nang matapos ang morning class namin, nagpaalam sa 'kin si Eli na kailangan niyang magpunta agad sa studio ng SGN for another photoshoot. Iyon pala ang gusto niyang sabihin sa 'kin kaya in-oo-han ko na lang siya.
Aaminin ko, nag-expect ako na kaya niya 'ko gustong kausapin ay dahil gusto niya 'kong yayain na mag-date since it's been a month already no'ng huli kaming lumabas. Pero nasira 'yong expectation ko na 'yon dahil wala namang bago, mas priority niya talaga ang career niya kaysa sa 'kin.
"Okay, iintindihin ko na lang siya. Para din ito sa future namin." Pag-mo-motivate ko sa sarili ko at para na rin hindi na puro negative thoughts ang mga naiisip ko.
"Ano'ng nangyari sa pag-uusap niyo? Iniwan ka na naman, 'no?" Base sa tono ng boses niya, mukhang nang-aasar pa talaga 'to.
"Para sa career niya kaya kaunting sakripisyo para doon, 'di ba?" I defended him.
"Okay ka pa ba sa setup niyong dalawa, Magi?" Diretsyang tanong ni Julia sa akin.
I deliberately averted my gaze to meet hers before I let out a heavy sigh. "Kakayanin, syempre..." I lied. "But sometimes, nakakaramdam ako ng takot. Takot na baka ipagpalit ako ni Eli sa mga makakatrabaho niya. Kasi kumpara sa kanila, sino lang ba ako?
Hindi ko nga magawang makapantay ang mga babaeng kagaya nila... Na obviously, mas bagay para kay Eli, hindi ba?"
I hate to admit it but I felt like this sometimes. Ayoko sa lahat ay 'yong ikinukumpara ako sa iba, pero ako ito mismong nagkukumpara sa sarili ko sa ibang tao. Hindi ko kasi mapigilan lalo sa sitwasyon ko ngayon.
Anumang oras ay pwedeng sumikat si Eli kaya lalong nadaragdagan 'yong takot ko na baka one of these days, piliin niyang iwan ako para piliin 'yong isang babae na kagaya niya --- isang artista na hindi hamak na mas maganda kaysa sa akin.
"Naisip ko rin 'yan," ani Julia. "Hindi malabong gawin ni Eli 'yan lalo na kung ang pakikipagrelasyon sa isang sikat na artista ang magpapabango lalo sa pangalan niya para lalo siyang makilala."
"Pero kung mahal ka talaga ni Eli, hinding-hindi siya lilingon sa iba. Kahit pa sabihin mong artista ang babaeng 'yon at makatutulong para mas lalo siyang pasikatin. Kung mahal ka talaga niya, ikaw lang ang mamahalin niya." Birada naman ni Delancy.
"Tigil-tigilan mo 'yang atake mo, Delancy. Praktikal na mag-isip ang mga tao ngayon. Gagawa sila ng desisyon para sa sarili nilang ikaaangat... Ganiyan na karamot ang mga tao ngayon!" Nilingon ako ni Julia tiyaka t-in-ap ang balikat ko. "Hindi na ako magtataka kung the day after tomorrow, gawin ni Eli sa iyo ang ikinakatakot mo."
I clenched my fist. "Pero umaasa ako na sana huwag niyang gawin." I murmured. "Tanga na kung tanga... Pero gusto kong umasa at maniwala na sana hindi niya ako ipagpalit sa gano'ng klaseng babae."
Napayuko ako at bumuntong-hininga. "Kahit alam kong malabo, gusto ko pa ring umasa." I added tiyaka mapait na napangiti. "Kung bakit ba naman kasi hindi ako naging kasing-ganda ng mga artistang nakikita sa TV. Hindi sana ako na-i-insecure sa kanila ng ganito."
Yumakap bigla si Delancy sa akin. "You don't have to compare yourself to them. Maganda ka in your own way, Magi. Hindi mo sila kailangang kaiinggitan dahil kagaya nila, maganda ka rin." Bumitaw siya at hinarap ako. "Stop comparing yourself because you're beautiful just the way you are."
"Truth!" Segunda ni Julia. "Kung ipagpapalit ka man ni Eli sa mga kagaya nila, tanga siya! Ang isipin mo na lang, kung gagawin man niya 'yon, siya ang nawalan... Hindi ikaw!"
Dahil sa mga sinabi nila, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nawala pansamantala 'yong bagay na kinatatakutan ko na posibleng mangyari dahil sa mga sinabi nila. Alam kong mahihirapan ako na ma-overcome itong toxic traits ko which is I'm comparing myself to those female artists na pwedeng i-ship kay Eli.
Magiging mahirap ang proseso pero kailangan kong pag-aralan na malampasan ito. Magtitiwala na lang ako kay Eli na sana hindi niya ako ipagpalit sa mga babaeng magpapabango lang naman sa pangalan niya.
"Salamat sa encouraging words niyo," nakangiti kong sambit. "Dahil diyan, ililibre ko kayo---"
"Yown, nararamdaman kong makakatikim na ulit itong dila ko ng milk tea!" Masaya pang sabi ni Julia.
"Ng tubig," at umalis na 'ko roon.
Habang naglalakad ako patawid sa may direksyon papuntang veranda, bigla akong natalisod. Muntik na 'kong makipag-lips-to-lips sa sahig, buti na lang kamo ay may agad na nakaalalay sa 'kin.
"Next time kasi mag-iingat ka,"
Nang makabalik ako sa pagkakatayo nang maayos, doon ko nakilala kung sino ang taong iyon---
"Ahh, siguro sinadya mo na talisurin ako para maka-tyansing ka sa 'kin, 'no? Ang bastos mo talaga! Pero ang hina ng loob mo para aminin iyon. Ibang klase kang manyakis ka, mahiyain ka pala."
Heto na naman nga ang ulo ko at nagsisimula na namang mag-init. Makita ko lang talaga ang Dylan na 'to, parang gusto kong magkaroon palagi ng gyera.
"Ako na nga 'yong tumulong, ako pa 'yong nasisi. Ano bang problema mo sa 'kin? Hindi naman porke hindi maganda ang una nating pagkikita, e gano'n na ang magiging character ko.
Nasa manyakis issue ka pa rin, hirap ka ba mag-move-on? Gusto mo tulungan kita?"
Napaawang ang bibig ko. Saksakan talaga ng yabang. Hindi talaga 'ko nagkamali ng hula na talagang puro kayabangan ang laman ng utak ng bwiset na 'to.
"Ang yabang mo talaga! Mayabang na nga, ang kapal pa ng mukha! Excuse me lang, pero hindi ko kailangan ng tulong mo para mag-move-on!
Tyaka pwede ba, huwag na huwag mo sa 'kin gagamitin iyang technique mo sa pamboboso dahil alam ko na 'yan---"
"Ahh, so dati ka palang manyakis?"
Pinanlisikan ko siya ng mata, "Tarantado ka ba---"
"Both of you, please lower your voices. Nakakaabala kayo sa klase!" Pagsingit ng isang Professor sa kalagitnaan ng away namin ni Dylan.
Nakakahiya, hindi ko napansin na nasa gilid lang pala kami ng classroom.
---
Ilang minutong paghihintay ang nakalipas bago dumating ang Prof namin ngayong araw. P.E. class so as usual, nag-discuss ang Prof about sa lesson which is ballroom at tiyak kong next meeting ay i-pe-perform na namin ang itinuro niya.
Hay nako.
"Waltz is a German word that means "to roll". There have been many Waltz types throughout the years, modernly it is known as the Viennese Waltz. The essential movement of the Waltz is a three-step sequence consisting of a step forward or in reverse, a step to the side, and a step closing the feet.
The timing of the steps is known as one, two, and three. Waltz is the artistry of "rise and fall" and "body influence."
The best illustration could be Emma Watson or Belle dancing in Beauty and the Beast." Mahabang litanya ng Prof namin.
Nakakaantok naman ito. Wala naman akong future sa pagsayaw kaya bakit kailangan pa 'tong gawin? Bakit kasi may P.E. pa rin na subject hanggang sa college, e?
"Para mas lalo ninyong maintindihan kung paano sayawin ang waltz, kailangan makita ninyo ang step-by-step ng pagsayaw nito. With that, I need two representatives from the class." Sabi ng aming Professor.
Tahimik naman ang buong klase at mukhang wala ni isa sa 'min ang gustong tumayo sa harap upang gawin ang sayaw. Pare-parehas kasi namin hindi alam iyon, e.
"Wala?" Tanong ni Ma'm Cynthia. "Alright, I will select random students instead." At tumingin na nga siya sa masterlist namin.
Ito ang ayoko, e. Kailangan sapilitan kapag walang nag-volunteer? Ang daya, ha!
"Miss Serrano and Mister Villarosa, please come forward."
Nanlaki ang mata ko nang matawag ang pangalan ko kasama ang pangalan ng kinaiinisan kong lalaki.
Sa labing-tatlo na lalaki sa classroom na 'to, bakit si Dylan pa 'yong natawag?
"Go, Magi!" Dinig kong bulong ni Julia sa 'kin habang si Delancy ay nakangiti lang.
Isa pa 'yan, dapat kung si Dylan din naman ang tatawagin ni Ma'm, sana si Delancy ang tinawag niya sa babae kasi crush ni Delancy itong bwiset na 'to, e. Ano kayang nagtulak kay Ma'm at ako ang natawag?
"Alright, let's start!" Anunsyo ni Ma'm kaya kami ni Dylan ay napaayos na sa pwesto habang magkaharap kami.
Grabe, parang sumasakit mata ko, ah? Hirap niyang titigan.
"Firstly, hold your partner close; you can't waltz with someone if you're keeping her at arm's length and trying to pretend she's not with you." Sambit ni Ma'm at kagaya ng sinabi niya ay hinawakan ni Dylan ang isang kamay ko, habang ang isa ay nakahawak sa baywang ko, at ang isang kamay ko ay nasa balikat niya.
I hate this feeling, bakit parang kinakabahan ako at pinagpapawisan? Normal lang ba na maramdaman mo 'to kapag ganto ka kalapit sa demonyo? Pagpapawisan ka na lang bigla at kakabahan kasi baka mamaya dalhin ka na niya sa impyerno at gawing reyna roon?
"Second, don't think of the first step as being out to the side; think of it as stepping around your partner. Usually the man starts with his left foot and the lady with her right. So in the first bar, the man is moving around the lady, while she's not travelling much at all; on the second bar the lady does the moving.
Whichever sex you are, make sure that the travelling is done on the left foot, and that you're going round your partner. Some women believe they should be going backwards, but that's not true — in a turning waltz no-one is going backwards. Either you're going around your partner or you're turning on the spot."
Hindi ko masyadong naintindihan iyong second step pero buti at si Dylan na ang nagsimulang gumalaw sa aming dalawa. Tulad ng instruction ni Ma'm Cynthia, inikutan ako ni Dylan habang ako ay naka-steady lang, at matapos no'n ay gumalaw na rin ako.
"Thirdly, in a free waltz you don't have to turn all the time — it's just you and your partner so the choice is yours. You could do two steps in a straight line, with the man going forwards and the woman backwards, and then two steps to turn all the way, and repeat this as often as you like."
Obviously, waltz ang third step kaya 'yon ang ginawa namin. Ako ang backwards, siya naman ang forwards and we repeated it three times. Also, going sideways hanggang sa kung saang direksyon na kami dalhin ng kaka-waltz naming dalawa.
"And finally, give a firm hold with your right hand on her back and lead her, for heaven's sake. That's why the ballroom position is the way it is. It's the man's right hand that controls the woman, not the one that's sticking out in front."
I suddenly felt his right hand on my back while he was still holding my hands. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba nang bigla niya kong ngitian. We started dancing while his hands placed on my back --- his gaze stuck on my face which melted me softly.
Bakit biglang tumibok nang sobrang bilis ang puso ko? This is so strange.
"You will perform that on our next meeting at pinapayagan ko rin kayong humiram ng lalaki sa ibang department para maka-partner niyo since kulang ang number of boys ninyo sa number of girls." Paliwanag ni Ma'm Cynthia at ito'y tumingin sa 'ming dalawa ni Dylan. "Partner kayong dalawa at inaasahan kong magiging maganda ang performance niyo, since both of you are good at dancing." Umalis na si Ma'm pagkatapos sabihin iyon.Natulala ako nang marinig ang sinabi nito. Like what the fvck? Bakit naman gano'n? Sana tinanong muna ko ni Ma'm kung papayag ako, 'di ba?Bwiset na buhay ito!"Dancerist yarn?" Pagkalabas na pagkalabas ng aming Prof ay nagsimula nang gumawa ng daldalan itong si Julia."Ikaw na lang kaya p-um-artner kay Dylan
Note: The song lyrics included in this chapter are NOT COPYRIGHTED. --- "Akala ko naman ay kung sino na 'yong bisita ko," I chuckled. "Gabing-gabi ah, why are you here?" Yaya Lorna knocked on my door only to say that Delancy was here. Akala ko may emergency kaya napapunta rito si Delancy but she seems fine naman 'cause I can see that she wears a genuine smile to welcome my presence. Honestly, if that visitor wasn't Delancy, wala kong plano na babain siya. I'm a little bit exhausted dahil sa simple yet short date namin ni Eli kanina. As he was planning to gaze the star from the place we went, hindi 'yon natuloy kasi tirik pa ang araw. Kumain na lang kami sa labas
Nag-iisa ko sa isang tahimik na parke. Maliwanag ang araw ngunit pawang wala 'kong makita. Pakiramdam ko ay nasa isa kong madilim na lugar at hindi nasisinagan ng liwanag ng araw.Ang weird naman, bakit ako nandito?Tumayo ako mula sa inuupuan kong bench sa parke na kinaroroonan ko. Handa na 'kong tumawid sa kalsada upang umuwi nang sa kabilang dulo ng kalsada ay mayroon akong nakita --- isang lalaki at isang babaeng bata at tila masaya sila.Ngunit nagbago ang lahat nang makita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng batang babae. Ang kasunod kong nakita ay nang itulak niya nang malakas ang kasama niya papunta sa gitna ng kalsada. Kasabay no'n ay ang pagdating ng isang sasakyan---"Huwag!" Sigaw ko
"Based on my diagnosis, may Alzheimer's disease ang Lola mo." Pahayag ng doktor.Nang mapansin ko ang kakaibang kinikilos ni Lola ay agad akong tumawag ng doktor upang alamin ang kalagayan ni Lola. Hindi ko inaasahan na ito ang magiging diagnosis niya.May Alzheimer's disease ang Lola ko?Dahil sa nalaman ko, hindi na 'ko halos makatayo nang diretsyo. Biglang nanghina ang katawan ko matapos marinig ang diagnosis ng doktor."Nagagamot ba 'yon, Doc?""There's no cure for Alzheimer's," hearing the Doctor's response to my question makes me skip my breath."A-Ano'ng gagawin ko, Doc? Hihintayin ko na lang ba 'yong Lola ko na bawi
Ilang minuto akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakatitig lamang sa mukha ni Dylan na para bang may kung ano sa mukha niya na dapat kong titigan--- Teka, ano namang espesyal sa mukha niya para titigan ko nang ganito? Haist, nababaliw na ba 'ko? "Nahuhulog ka na ba sa karisma ko, Magi?" Nabalik ako sa katinuan nang magsalita siya. Itinulak ko siya nang malakas at masama siyang tiningnan. "Sabihin mo nga sa 'kin, talaga bang ipinanganak ka ng Mama mo nang ganiyan kayabang? Hindi ko na maabot 'yong kahanginan mo, lagpas ng universe, e!" "Saang banda ako naging mayabang sa sinabi ko?" Maang-maangan pa nito at muli na naman siyang naglakad papalapit sa 'kin. "Baka naman palusot mo lang 'yan para i-deny sa
Iisa ang naging ekspresyon namin ni Dylan --- pareho kaming nagulat sa biglang sinabi ni Lola na ang apo na tinutukoy niya ay si Dylan at hindi ako. Sobrang gulo ng pangyayari, hindi ko maintindihan kung bakit si Dylan."Apo, sa wakas ay nagkita na muli tayo!" Sambit ni Lola habang tuwang-tuwa ito na nakayakap kay Dylan.Bakas sa mukha ni Dylan ang kalituhan. Hindi niya kasi alam ang tungkol sa kalagayan ni Lola dahil na rin ito ang unang pagkakataon na makapunta si Dylan dito sa bahay namin. That's the thing I forgot to tell him, siguro ay ipapaliwanag ko na lang sa kanya ang lahat mamaya."Lola, siya po---" he was about to poked my direction nang biglang magsalita si Lola."Siya si Magi," ani Lola at nakangiting tumingin sa 'kin. "H
"Habang nanonood kami ni Yuwi sa performance niyo kanina, grabe 'yong tulo ng laway niya!" Warren chuckled as he pointed Yuwi's direction.Nang matapos ang performance namin sa P.E., we headed straight to a nearby fast-food chain to eat. We heard that we didn't have a class in one of our subjects so we used that time to replenish our stomachs.Si Warren at Yuwi naman ay tatlong oras ang vacant period, so they had time to watch our performance earlier. Another thing, partner kasi ni Delancy si Warren that's why he's there. As for Israel, kaklase rin namin siya sa subject after ng P.E., ibig sabihin vacant niya rin."Bakit naman tutulo ang laway ko sa kanila? Mga tuod naman kung sumayaw." Balewalang sabi ni Yuwi before he resumed eating.
"W-Wala!" I said as I shook my head. I don't know if I look defensive as I notice that I wiggled my head harshly."Ikaw ba si Dylan?" Julia replied sarcastically.Really? Paaandarin niya talaga ngayon ang pagka-sarcastic niya?I was about to speak nang magsalita si Dylan. "You're just hallucinating things, Julia. What's my reason para pumunta kina Magi? Of all people, bakit sa bahay nila? Do you ever think about that?"Julia just giggled then shrugged her shoulders. "Sabi niyo, e." At nauna na itong sumakay sa kotse ni Dylan.When our eyes met, his face moved up and down. I think he's assuring me that Julia won't be suspicious of the two of us.
Note: This is the last chapter! Thank you for reading this story. <3---Dylan's Point of View:That day was supposed to be the day we are celebrating an important occasion, but turns out to be the day where two important people in our life... in my life, got punished by the law.Hindi gano'n kadaling tanggapin ang nangyari lalo't nakasugal ang buhay at pangarap nila sa kulungan. I thought everything was all polished right after Trisha got sentenced to pay for the crime she did... pero nangyari ang hindi inaasahan.Almost a year had passed but I'm still stuck in the year 2021. Matagal na rin ang lumipas pero tila sariwa pa rin sa utak ko ang lahat ng mga nangyari.Yeah, we're able to visit
"Isang clove po talaga ng bawang ang ilalagay n'yo riyan sa fried rice? Ang dami naman po yata?""Paborito kasi ng Mama niya ang fried rice na maraming bawang," rinig kong humagikgik ito. "Baka namana ni Magi 'yon sa Mama niya... malalaman natin."Tuluyan na akong lumabas sa room ko upang tingnan kung sino ang may-ari ng mga tinig na 'yon... only to see Dylan and my father in the kitchen area. They are both wearing an apron; Dylan was busy cutting garlic and onions on the chopping board, si Papa naman ay nagpiprito ng hotdog.Napangiti ako as I watched them quietly in the corner, thinking random thoughts about how I'm lucky to have them both in my life.Parang kahapon lang, galit na galit ako kay Papa. Halos walang paglagyan ang sama
"Ehem. Pasintabi sa single!" Julia sneezed to broke the eerie atmosphere sa pagitan namin ni Dylan.As I came back to my senses, ako na itong lumayo sa kaniya before I swiftly averted my gaze at him. Walang pinagbago sa dating paraan niya ng pagtitig sa akin --- his stares slowly melting my whole being."Sa dami ng mga nakaka-flirt mo sa Tinder, bakit hindi ka makapili kung sino sa kanila ang seseryosohin mo?" Pang-aasar ni Delancy rito."Ayoko nga! Walang true love sa mga dating apps. Lalong-lalo na riyan sa Tinder! Nako, proven and tested!""Mature ka na mag-isip, huh?" Pagpuri ni Dylan sa kapatid. "Parang dati, naghahanap ka lang ng mapaglilibangan sa mga ganyang dating apps. Tapos ngayon... True love na ang hinahanap mo." He giggl
At least I've got the chance to meet my father.It's quite short --- hindi man lang pinaabot ng tadhana na makasama ko 'yong Papa ko kahit good for one month.Tahimik kaming naglalakad ni Trisha sa kalagitnaan ng gubat. Hindi ko alam kung tama pa ba ang direksyon na tinatahak namin. I don't even know how we will escape in this forest that seems like we're walking to infinity.It was hard for me to forced Trisha na tumakbo na palayo matapos masaksihan ang unti-unting pagbagsak ng walang-buhay na katawan ng Tatay namin sa lupa. Nahirapan din ako na piliing tumakbo na lang palayo instead of running onto my father and try to save him by calling someone to give us assistance.I also want to save my father, but I can't. He put his
My eyes were blinded with a piece of cloth, I could feel how my sweat streamed down my face.Nang tuluyan akong magising, I could feel I was placed on a wooden chair habang nakagapos ang mga kamay at paa ko.At this moment, all I want is to cry. My hands are shivering as well. Nababalot ng takot ang buo kong katawan because I had no idea kung sino ang nagpa-kidnap sa akin at kung ano'ng dahilan nila para gawin sa akin ito.How about Dylan? Dinakip din kaya nila si Dylan? What if they do? W-What if---"Gising ka na pala," a feminine voice stopped me from overthinking. "Kanina pa talaga kita hinihintay na magising, e. Mukhang mahaba-haba ang pagkukwentuhan natin... Magi."Naramdaman ko
"Pinagod ako ng mga batang iyon. Mga boss ko nga sa trabaho, utak ko ang pinapagod. Sila naman, katawan ang pinagod sa akin!" Nasa loob na kami ng van paalis sa lugar na 'yon nang magsimulang mag-rant si Harris. "Halata bang haggard ako?""Gwapo ka naman," ani Warren. "Kahit haggard ka, at least gwapo ka."They're sitting in front of me. That's why I'm able to see how Harris pushed Warren's shoulder sa harap ng upuan niya."Edi sinabi mo ring haggard ako!""Lahat naman tayo!" Muttered Delancy. "Pwede mo namang iligo 'yan pagkauwi, e.""Hindi porke inaaway ko 'yang jowa mo, may karapatan ka ng makisabat." He's starting a fight again.
MEDYO SENSITIVE CONTENT: May "dirty talks" sa bandang gitna. "Kailan ka pa bumalik?" Gulat pa rin na tanong ko. This is a total unexpected happenings --- sa lahat ng lugar, dito ko pa siya makikitang muli. "I never left," he said. Ang kaninang nakayuko niyang mukha ay tumaas at humarap sa akin. "Lagi lang akong nakabantay sa iyo nang patago. I kept my promise that I won't ever leave you, Magi." Tears began falling down my eyes. I couldn't utter a single word because I was stunned by what I heard. All along, nasa tabi ko lang pala si Dylan habang ako ay patuloy siyang hinahanap. Nasa tabi ko lang pala ang taong lagi kong hinahanap. "W-Why?" My voice sudd
Nanatili lang akong walang imik at parang tuod na nakaupo sa isang bench katabi ang isang 'di katandaan na lalaki na nagpapakilalang siya raw ang Papa ko.Until now, hindi pa rin ma-process ng utak ko ang lahat. I'm still doubting every single word he uttered and thoughts revolving around my mind that he's just fooling me around."Alam kong hindi ka kaagad maniniwala sa akin kaya nagdala ako nito," nang muli siyang magsalita, kaagad rin akong napalingon sa kaniya.He's handing me a small picture --- it was my baby picture."Nakiusap ako sa Mama mo na bigyan niya ako kahit litrato mo para naman kahit sa picture lang ay nakikita kita."Maluha-luha kong pinagmasdan ang mukha ni
"Regarding the news that was spread yesterday night, it was all fake. There is someone who wants to ruin my image and it's not new in this industry.To all my supporters, have faith in me. I promised I will make things right and seek the person responsible for spreading fake news."Umagang-umaga ay ang public statement ni Trisha ang bumungad sa amin. As expected, she's gonna say it was just fake news para sirain ang pangalan niya, just to protect her reputation.What a lame excuse she has."Hindi pa rin pala talaga sapat 'yon para lang sumuko siya, 'no?" Delancy said, she's sitting next to me habang si Julia ay nasa kama niya pa rin at nagpapagaling.