"Monica, hindi iyon ang ibig kong sabihin," sagot ni Lance, pilit na pinipigilan ang galit sa kanyang tinig. "Ang gusto kong sabihin, hindi mo dapat idamay si Amara sa nararamdaman mo. Bata siya. Wala siyang kasalanan.""Bata siya. Wala siyang kasalanan," ginaya ni Monica ang sinabi niya, pero may halong sarkasmo ang tono niya. "Pero ako? Ako ba may kasalanan, Lance? Ako ba ang may kasalanan kung bakit hindi na buo ang pamilya ninyo? Ako ba ang may kasalanan kung bakit napilitan kang pakasalan ako?"Napapikit si Lance, halatang naiinis na sa usapan. "Monica, hindi ito ang tamang oras para—""Para saan?" pasigaw na putol ni Monica. "Para pag-usapan ang totoo? Para harapin ang katotohanang kahit kailan, hindi mo ako magugustuhan? Na habang-buhay akong magiging panakip-butas sa buhay mo?!"Napalakas ang kanyang tinig, at doon niya lang napansin ang munting iyak ni Amara mula sa duyan nito. Napakapit si Lance sa sinturon niya, halatang iniipit ang galit para lang hindi lumala ang sitwasyo
Lumalim ang boses ni Rene, halatang nagpipigil ng galit. “Hindi mo kailangang mag-alala, anak. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ikaw. Hindi kita paluluhain ng kahit sino, lalo na ng isang lalaking hindi marunong lumingon sa responsibilidad niya.”Napakapit si Monica sa kanyang tiyan, pilit na pinapakalma ang sarili. “Papa, mahal ko si Lance…”Alam ni Rene na totoo ang mga salitang iyon, at iyon ang pinakamasakit para sa kanya bilang ama. Mahal ng anak niya ang isang lalaking hindi kailanman natutong mahalin ito nang buo.“Anak, pakinggan mo ako.” Mahinahong pero madiin ang boses ni Rene. “Huwag mong hayaang si Apple at ang anak nila ang sumira sa buhay ninyong mag-asawa. Ikaw ang asawa ni Lance, hindi siya. May anak kayo. Ikaw ang may hawak ng alas. Huwag mong hayaang matalo ka.”Napapikit si Monica. “Pa… paano kung hindi sapat?”“Sapat ka, anak,” sagot ni Rene. “At sisiguraduhin kong malalaman ni Lance ‘yan.”pagkatapos ng tawag ay pumunta sa silid si Monica.Sa loob ng kwarto n
Mabigat ang dibdib ni Lance sa naririnig. “Hindi ko sinasaktan si Monica.”“Hindi mo kailangan siyang saktan gamit ang salita o kamay mo,” sagot ni Rene. “Pero ang ginagawa mo—ang pagpaparamdam sa kanya na wala siyang halaga sa’yo—mas masakit pa iyon.”Hindi nakasagot si Lance.“Lance,” malamig ngunit may bahid ng awtoridad ang tinig ni Rene, “kapag iniwan mo ang anak ko, masisira siya. Buntis siya, Lance. At kung sasaktan mo siya habang nagdadalang-tao, hindi kita papatawarin.”“Hindi ko iiwan si Monica.” Mahina pero sigurado ang boses ni Lance.“Pero hindi mo rin siya mamahalin.”Tahimik.Napailing si Rene at tumayo. “Gawin mo na lang kung ano ang tama, Lance.”At bago ito tuluyang lumabas ng opisina, iniwan nito ang isang babala.“Dahil kapag dumating ang araw na hindi mo na siya kayang tiisin… mas pipiliin kong ako ang sumira sa’yo bago mo pa siya sirain.”Pag-uwi ni Lance, tahimik ang bahay. Alam niyang nasa kwarto si Monica. Hindi pa niya alam kung paano siya haharap dito matapo
Napapikit si Lance. “Si Monica… nagseselos kay Amara.”Natigilan si Apple, parang hindi makapaniwala sa narinig. “Ano?”“Nagseselos siya sa anak natin,” ulit ni Lance, mababa ang boses ngunit ramdam ang frustration. “Pakiramdam niya… mas iniintindi ko si Amara kaysa sa kanya.”Muling umiling si Apple, nangingilid na ang luha. “Lance, paano mo hinahayaan na ganito ang nangyayari? Buntis siya, oo, pero hindi ibig sabihin nun na wala nang halaga si Amara sa’yo!”“Huwag mong sabihin ‘yan,” madiing sagot ni Lance. “Hindi ko pinapabayaan si Amara.”“Pero hindi mo rin siya ipinaglalaban,” sumbat ni Apple. “Kung mahalaga siya sa’yo, hindi mo hahayaan na may ibang tao—kahit pa ang asawa mo—ang ituring siyang hadlang.”Natahimik si Lance.“Lance, bata lang si Amara,” mahina ngunit matalim ang boses ni Apple. “Pero darating ang araw, mararamdaman niya ang lahat. Malalaman niya kung mahal siya ng ama niya o hindi.”Isang mahinang katok ang gumising sa katahimikan ng bahay ni Apple. Mabilis itong
Hindi siya agad nakasagot.“Lance,” singit ni Mia, na halatang pigil na ang emosyon. “Ayusin mo ‘to. Hindi lang ikaw ang naaapektuhan, pati si Amara.”Napailing si Apple. “Ang tanong, paano niya aayusin? Kapag umuwi siya sa bahay nila, may Monica siyang haharapin. Kapag nandito siya, may responsibilidad siyang iniwan.”“Hindi ko naman gusto ‘to, Apple,” sagot ni Lance, mas mahina na ngayon. “Hindi ko ginusto na magulo ang lahat.”“Pero ikaw ang gumawa ng desisyon, Lance,” madiin na sabi ni Apple, habang marahang hinihimas ang likod ni Amara. “Ikaw ang pumili na pakasalan si Monica.”“Wala akong choice—”“Laging may choice!” putol ni Apple, puno ng hinanakit ang tinig. “At pinili mong ipagsawalang-bahala ang nararamdaman mo! Pinili mong ipikit ang mata mo sa katotohanang hindi mo kayang mahalin si Monica.”Napayuko si Lance. Alam niyang tama si Apple. Alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit siya nasasakal ngayon.Mia crossed her arms, shaking her head. “Lance, hindi mo lang iniis
Habang mahimbing na natutulog si Baby Amara sa kanyang kuna, marahang lumapit si Mia kay Apple. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala habang nakatingin sa bata. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.“Alam mo, Apple, parang baliw itong si Monica,” simula niya, mahina pero puno ng inis. “Kasal na nga sila ni Lance, pati anak niyo pinapatulan pa. Ang kinakatakot ko sa inaanak ko, baka kung wala si Lance sa tabi ni Amara, sasaktan siya ni Monica.”Nagpanting ang tenga ni Apple sa narinig. Mabilis siyang napatingin kay Mia, ang kanyang mga mata’y nag-aapoy sa galit at determinasyon. “Subukan lang saktan ni Monica ang anak ko,” madiin niyang sagot. “Makakatikim siya sa akin.”Alam ni Mia na seryoso si Apple. Kilala niya ito mula pa noong college sila, at kailanman ay hindi ito umatras sa laban, lalo na kung tungkol sa mga mahal niya sa buhay.“Pero Apple, paano kung hindi lang verbal ang pang-aapi ni Monica kay Amara? Paano kung isang araw, may makita kang pasa o sugat sa bata?” may ha
Napalunok si Monica sa lalim ng galit sa boses ni Lance. Mabilis niyang tinapunan ng tingin ang kanyang asawa. Ramdam niya ang distansya sa pagitan nila, hindi lang pisikal kundi emosyonal.Hindi niya maintindihan—noong una, akala niya kapag nagpakasal sila ni Lance, magiging masaya na siya. Pero hindi. Lalong naging komplikado ang lahat.“Huwag mong gawing masama ang nararamdaman ko, Lance,” mahina niyang sabi. “Mahal kita. Mahal kita kaya nasasaktan ako. Gusto ko lang maramdaman na importante pa rin ako sa’yo.”Nagbuntong-hininga si Lance. Alam niyang mahal siya ni Monica, pero ang problema, hindi niya ito kayang suklian ng parehas na pagmamahal. Napahawak siya sa kanyang buhok, naiipit sa sitwasyong siya mismo ang nagdala sa kanila.Hindi niya gustong saktan si Monica, pero hindi rin niya kayang iwanan si Amara. At ang mas masakit, hindi niya kayang itanggi sa sarili na hanggang ngayon, si Apple pa rin ang mahal niya.“Monica, gusto ko lang maintindihan mo na bilang ama, responsibi
Hindi agad nakasagot si Lance. Imbes, tinitigan lang niya si Apple. Para bang gusto niyang sabihin ang isang bagay ngunit hindi niya magawa.Napansin ito ni Mia at agad siyang sumingit. “Of course, Monica. We would love to help. Meron kaming iba't ibang wedding packages, depende sa budget at theme na gusto niyo.”Napangiti si Monica. “That’s perfect! Gusto ko kasi elegant, royal-inspired wedding—‘yung tipong wedding of the year!”Ngumiti si Apple, pero sa loob-loob niya, gusto na lang niyang matapos ang pag-uusap na ito. Alam niyang trabaho niya ito—pero masakit.Lance, bakit mo pa ako kailangang harapin sa ganitong paraan?Habang pinag-uusapan nila ang wedding details, napansin ni Mia na panay ang tingin ni Lance kay Apple. Hindi niya maiwasang mapailing. Alam niyang kahit kasal na si Lance kay Monica, may nararamdaman pa rin ito para kay Apple.Pagkaalis nina Monica at Lance, agad na napabuntong-hininga si Apple. “Mia…” mahina niyang sabi.“Huwag mo nang sabihin, Apple,” putol ni Mi
Maagang nagising si Apple kinabukasan. Ito na ang huling araw nila sa Singapore. Habang yakap ang kanyang anak na si Amara, malalim ang iniisip niya—ang desisyong magbabago sa takbo ng kanyang buhay at ng negosyo nila ni Mia."Apple, nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ni Mia habang inaayos ang mga bagahe nila.Tumayo si Apple at lumapit sa bintana, tinitingnan ang tanawin ng Singapore sa labas. "Oo, Mia. Kailangan kong gawin ‘to."Napangiti si Mia at tumango. "I knew it. At hindi kita pipigilan. Big break natin ‘to, Apple. Hindi lang sa negosyo, kundi para sa'yo rin.""Pero Mia, sigurado ka bang okay lang sa'yo ‘to? Ayokong iwan ka sa lahat ng trabahong ito."Nilapitan siya ni Mia at hinawakan ang kamay niya. "Apple, huwag mo akong alalahanin. This is our dream. Kung saan ka mas magiging matagumpay, doon din ako. At isa pa, hindi mo naman ako iniiwan. Magkakasama pa rin tayo sa negosyong ‘to. Hindi ka nag-iisa."Damang-dama ni Apple ang suporta ni Mia. Hindi niya alam kung paano siya s
Sa ilalim ng tahimik na langit, tanging ang mahihinang huni ng mga kuliglig ang bumabasag sa katahimikan. Nasa beranda sina Lance at Monica, nakaupo sa isang mahabang upuan, ngunit may pagitan sa kanilang dalawa—isang pagitan hindi lang sa espasyo, kundi pati na rin sa puso.Pinagmamasdan ni Lance ang madilim na kalangitan, tila hinahanap ang sagot sa isang tanong na pilit niyang iniiwasan. Samantala, si Monica ay tahimik na nakatitig sa kanya, kita ang lungkot sa kanyang mga mata."Lance," mahina ngunit matigas ang boses ni Monica. "Kaya mo ba talagang bitawan siya?"Dahan-dahang napalingon si Lance sa kanya. Isang saglit silang nagkatitigan, ngunit hindi agad siya nakapagsalita."At kaya mo bang makita na may ibang lalaki si Apple?"Napalunok si Lance. Parang hinigpitan ang kanyang dibdib."Kaya mo bang makitang may ibang nagmamahal sa kanya… habang ikaw, nanonood lang mula sa malayo?"Ramdam ni Lance ang bigat ng tanong. Naramdaman din niya ang matinding takot—hindi dahil sa ideya
Nakatayo si Apple sa isang glass window ng marangyang opisina sa Sentosa, Singapore, tinitingnan ang tanawin ng syudad. Sa likod niya, naroon si Mia, abala sa pagbabasa ng kanilang schedule."Sis, may lunch meeting tayo mamaya with the European investors. Then may exclusive gala tayo sa gabi para sa mga premium designers," ani Mia habang sinusuri ang planner niya. "This is it, Apple. Isa ka na sa mga bigatin sa industry."Hindi agad sumagot si Apple. Nakatitig lang siya sa malawak na kalangitan, pilit pinapakalma ang sarili sa dami ng nangyayari sa buhay niya."Apple?" tawag ni Mia, nang mapansing tahimik siya.Huminga nang malalim si Apple bago bumaling sa kaibigan. "Alam mo ba yung pakiramdam na nasa harapan mo na ang matagal mo nang pangarap, pero may bahagi pa rin sa’yo na parang may kulang?"Napakunot-noo si Mia. "Sis, please lang. Huwag mong sabihing iniisip mo pa rin si Lance."Napayuko si Apple at napabuntong-hininga. "Hindi siya, Mia. Hindi lang siya. Kundi ang lahat ng iniwa
Napahagulgol si Monica. "Lance… kung hindi mo kaya, sabihin mo. Kung si Apple pa rin ang pipiliin mo, sabihin mo."Tiningnan siya ni Lance—isang titig na puno ng pagsisisi, panghihinayang, at pagkalito. "Monica… ikaw ang kasama ko ngayon. Ikaw ang pinili ko. Pero hindi ko kayang itanggi na isang parte ng puso ko… hindi pa rin kayang bitiwan si Apple."At sa mga salitang iyon, tuluyang bumagsak ang luha ni Monica. Alam niyang ito na ang sagot na pinaka-ayaw niyang marinig.Patuloy parin ang pag-uusap nila nathan tungkol sa posibleng collaboration abroad, lalo na sa Europe, at ngayon ay tila lumalalim ang kanilang negosasyon.“So, Apple,” seryosong sabi ni Nathan habang nakatitig sa kanya, “we’ve talked about expanding your business beyond Asia. You have talent, creativity, and vision. This is the perfect opportunity to take your brand to the next level.”Nag-isip si Apple. Totoo naman. Mula nang itayo nila ni Mia ang kanilang event planning business, mabilis itong sumikat sa Pilipinas.
"You make it sound so easy," sagot niya, bahagyang pinisil ang tulay ng ilong dahil sa pagod. "Pero hindi gano’n kasimple, Nathan."Uminom si Nathan ng kape, hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Nothing worth having ever comes easy, Apple."Napabuntong-hininga siya. Alam niyang tama ito, pero hindi niya maiwasang magduda."Kung natatakot ka dahil sa mga responsibilidad mo sa Pilipinas, Apple, tandaan mo—hindi kita hinihikayat na iwanan ang lahat. Gusto ko lang malaman mo na may mas malaki pang mundo sa labas ng nakasanayan mo. A world where you can grow, where you can thrive.""At ano sa tingin mo ang ginagawa ko ngayon?" masungit niyang tugon.Napangiti si Nathan. "You're surviving. But I want to see you thriving."Napatitig si Apple sa kanya. Alam niyang may saysay ang sinasabi nito, pero may isang bahagi sa kanya ang natatakot. Natatakot siyang lumayo, natatakot sa ideyang baka may isang araw na magising siya at marealize na hindi niya na kayang bumalik.Bago pa siya muling makapags
SINGAPORE – World Summit for Wedding EntourageSa loob ng napakalaking convention hall, nagkikislapan ang mga chandelier, at bumabaha ng engrandeng dekorasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Lahat ng naroon ay may isang layunin—ang ipakita ang ganda ng kasal sa pinakamataas na antas.Nakatayo si Apple sa gilid ng main stage, suot ang isang eleganteng cream-colored dress na bumagay sa kanyang pagiging accomplished entrepreneur. Katabi niya si Mia, hawak si Amara, na nakasuot ng pink na dress.“Ito na ‘yun, Apple. Hindi lang tayo basta dumalo—isa tayo sa mga speakers.” bulong ni Mia habang pinapanood ang current presenter.Napangiti si Apple. “Dati, nangangarap lang tayo ng ganito.”“Ngayon, tinutupad na natin.” sagot ni Mia, may bahid ng pagmamalaki sa boses.“Apple, ito na ‘yung moment natin.” bulong ni Mia habang tinitingnan ang stage kung saan magsasalita si Apple bilang isa sa mga guest speakers.Ngumiti si Apple, pero alam niyang hindi lang excitement ang nararamdaman niya. M
Dahan-dahang kumalas si Amara sa kanyang yakap at tumakbo pabalik kay Apple. Agad siyang binuhat ng ina nito at hinagkan sa pisngi. Sa sandaling iyon, hindi maiwasan ni Lance na mapansin ang kakaibang liwanag sa mukha ni Apple—isang liwanag na dati’y siya ang dahilan.Pero ngayon, iba na.Si Apple ang babaeng minsang minahal niya nang lubusan, pero siya rin ang babaeng iniwan niya sa gitna ng kawalan.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Wala nang galit sa mukha ni Apple, pero ramdam pa rin ni Lance ang distansiya sa pagitan nila."Salamat sa pagpunta, Lance," mahinang sabi ni Apple.Bahagyang nagulat si Lance. Hindi niya inasahan ang pasasalamat mula rito. "Dapat lang. Birthday ng anak natin."Tumango si Apple, saka hinaplos ang buhok ni Amara. "Alam kong gusto niyang makasama ka. At bilang ina, hindi ko kayang ipagkait sa kanya ang karapatang makilala ang ama niya."Napalunok si Lance. "Apple…"Umiling si Apple. "Hindi ko hinihingi na bumalik ka sa buhay ko, Lance. Hindi ko rin hinihingi
Nakita ni Apple ang eksenang iyon at hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha. Hindi niya alam kung dahil ba sa lungkot, sa saya, o sa halo-halong emosyon na bumabalot sa kanya. Mahal ni Lance ang anak nila—hindi niya iyon maipagkakaila. Pero sapat na ba ang pagmamahal na iyon para bumawi sa lahat ng pagkukulang?"Ang drama n’yo," bulong ni Mia, pero ramdam sa tono nito ang pagpipigil sa sariling emosyon.Napangiti nang bahagya si Apple. "Ganyan talaga kapag may batang naiipit sa sitwasyon."Unti-unting kumalas si Amara mula sa yakap ng kanyang ama at tiningnan ang mukha nito. "Daddy, kakain ka ng cake?"Napangiti si Lance. "Oo naman, baby. Anong flavor ng cake mo?""Chocolate! Favorite ko!" sagot ng bata, sabay tawa."Talaga? Aba, favorite ko rin ‘yon!" ngumiti si Lance, sabay tingin kay Apple. "Pwede ba akong sumali sa birthday party ni Amara?"Nagtagpo ang kanilang mga mata.Sa loob ng ilang segundo, walang nagsalita. Naghintay lang.At sa bandang huli, si Apple ang bumasag ng kata
Pero ngayon, hindi na siya pwedeng umatras."Kakayanin ko." Mahina ngunit buo ang boses ni Lance. "Kahit anong sabihin ni Apple, hindi na ako lalayo ulit."Sa pag-alis ni Lance mula sa kanilang bahay, ramdam ni Monica ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung dapat ba niyang pigilan ito o hayaan na lang. Apat na buwan nang hindi nagpapakita si Lance kay Amara, at ngayong kaarawan ng bata, bigla itong gustong bumawi.Napaawang ang kanyang labi, ngunit wala siyang masabi. Dahil kahit anong gawin niya, hindi niya kayang alisin ang katotohanang si Amara ay anak ni Lance.Samantala, si Lance naman ay mahigpit na nakahawak sa manibela ng kanyang sasakyan. Ang kahon ng regalong para kay Amara ay nakalagay sa passenger seat. Pinigil niya ang buntong-hininga na gustong kumawala sa kanyang bibig. Handa na ba siyang harapin si Apple?Nang dumating siya sa bahay nina Apple, saglit siyang nanatili sa loob ng sasakyan, pinagmamasdan ang simpleng tahanan kung saan lumalaki si Amara. Sa loob n