Natigilan si Apple. Hindi niya alam kung bakit, pero parang gusto niyang maiyak."Hindi ko alam kung dapat akong matuwa sa sinabi mo, Lance.""Bakit?"Tumingin siya kay Lance, puno ng emosyon ang mata niya. "Kasi, kung hindi mo ako iniwan noon… baka hindi ako kinailangang lumakas nang ganito."Tahimik si Lance. Kita sa mukha nito ang bigat ng kanyang sinabi."Apple… hindi ko na mababago ang nakaraan. Pero gusto kong bumawi. Hindi lang kay Amara, kundi pati sa’yo."Umiling si Apple. "Lance, hindi mo kailangang bumawi sa akin. Ang mahalaga, maging mabuting ama ka kay Amara.""Gusto ko rin maging mabuting tao para sa’yo."Muli silang nagkatitigan. Ramdam ni Apple ang sinseridad sa mga mata ni Lance, pero hindi niya alam kung handa siyang buksan muli ang puso niya."Isa-isa lang, Lance.""Isa-isa lang."Tumango si Apple, kahit pa sa loob niya, hindi niya alam kung may patutunguhan pa ang muling paglapit ni Lance sa kanya.Sa tabi nila, biglang tumawa si Amara habang mahigpit na hinawakan
Nagkatinginan sila ni Mia. Maging ang best friend niya ay tila nagulat sa narinig.Sa unang pagkakataon, hindi alam ni Apple kung ano ang dapat niyang gawin.Dahil sa kabila ng takot, sa kabila ng lahat ng sakit… gusto pa rin niyang maniwala kay Lance. Ngunit kailangan niyang maging matatag. Kailangan niyang ipaglaban ang sarili at ang kanyang desisyon. Hindi na siya pwedeng magpadala sa mga emosyon lamang."Ang usapan natin, Lance, ay custody rights. Matagal na wala na tayo. Sana respetuhin mo ang desisyon ko."Sa kabilang linya, nanatiling tahimik si Lance. Pakiramdam ni Apple na isang napakatagal na katahimikan ang bumalot sa kanilang usapan. Hindi niya alam kung paano tumugon si Lance, o kung anong ibig sabihin ng mga sinabi niyang iyon. Naramdaman niyang may masakit na boses sa loob ni Lance, ngunit nagpakita siya ng lakas ng loob."Apple…" nagsimula si Lance, ang boses nito ay puno ng lungkot at panghihinayang. "Hindi ko alam kung paano ko pa ipapaliwanag sa'yo, pero ang gusto k
"Gagawin ko ang lahat para sa’yo, Amara," ang saloobin ni Apple. "At hindi na muling pababayaan ang sarili ko." Ang isang malalim na buntong-hininga ay lumabas mula kay Apple, ngunit hindi na ito ang parehong buntong-hininga ng pagkatalo. Itong mga huling salitang iyon ay nagsilbing gabay na magpapaalala sa kanya na sa kabila ng lahat ng hirap, may pag-asa pa. Habang si Lance ay nagmumuni-muni sa kanyang mga hakbang, patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan ang mga nangyari sa pagitan nila ni Apple. Hindi siya maaaring magpatalo. Nais niyang maging bahagi ng buhay ng kanyang mag-iina, si Amara at si Apple, at kahit gaano man ito kasakit, handa siyang maghintay at magbago para sa kanila. Pero may isang tao pa na hindi mawala-wala sa kanyang buhay, at iyon ay si Monica.Matapos ang ilang oras ng pagmumuni-muni, narinig ni Lance ang kanyang cellphone na tumunog. Agad niyang kinuha ito at nakita ang pangalan sa screen—Monica.Nag-atubili siya sandali, pinagmumuni ang sitwasyon. Alam niya
Biglang nagsalita si Monica matapos ang isang minuto katahimikan, napansin niya ang kakaibang tensyon sa kabilang linya. Alam niyang hindi pa tapos ang usapan nila. Hindi na ito ang Monica na kilala niyang malakas at matatag; sa halip, narinig niya ang isang tao na desperado, na nais pa ring manghawak sa isang bagay na mahirap tanggapin."Hindi ako susuko, Lance," ang mariing wika ni Monica. "Hindi mo ako basta-basta iiwan. Hindi ko hahayaang mawala ka sa buhay ko."Hindi makapaniwala si Lance sa mga naririnig. Puno ng kalungkutan ang puso niya, ngunit hindi maiwasan ang pagkabahala sa nararamdamang determinasyon ni Monica."Monica, hindi ko kayang gawin 'to. Hindi ko kayang ipagpatuloy ang relasyon natin," sagot ni Lance na may kabuntot na bigat. "Hindi ko kayang magpatuloy sa isang bagay na nasira na. Alam mo na 'yan."Tahimik si Monica sa kabilang linya. Pero sa bawat segundo ng katahimikan, naramdaman ni Lance ang bigat ng lungkot na nararamdaman ng babae."Kahit pa nasaktan ako,
Muling napatingin si Apple kay Lance, at hindi siya nakapagsalita agad. "Gusto ko sanang magpasalamat, Lance. Salamat sa pagbisita at sa pagiging ama kay Amara." Muling napabuntong hininga si Apple, habang nakatitig kay Lance. Alam niyang may mga bagay silang kailangang pag-usapan, ngunit hindi pa siya handang magsimula ng usapan na iyon."Apple, hindi ko alam kung paano ko gagawin, pero hindi ko kayang mawala ka." Walang pag-aalinlangan sa mga mata ni Lance, ramdam ni Apple ang tindi ng pagmamahal nito. Ngunit pati siya, may mga tanong sa kanyang isipan. Puno ng emosyon, parang hindi niya kayang isuko ang mga pangarap nilang dalawa."Siguro, Lance, hindi pa tamang panahon para sa mga usapan na 'yan. Pero…" Sinubukan ni Apple na tapusin ang kanilang usapan, ngunit hindi niya kayang magtago ng damdamin. "Basta, nandiyan ka, at nandiyan si Amara. Sana magkaayos tayo, kahit hindi agad-agad."Lumingon si Lance at ngumiti ng konti, pero may halong lungkot. "Puwede bang maghintay ako, Apple
Habang abala si Apple sa pakikipag-usap sa mga bagong couples na nagpaplanong ikasal, tahimik lang na nakaupo si Lance sa isang sulok ng opisina, hawak-hawak si Baby Amara. Hindi niya maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang anak na natutulog sa kanyang mga bisig.Mula sa kanyang kinatatayuan, dinig na dinig ni Lance ang masasayang pag-uusap nina Apple at ng kanyang mga kliyente."Gusto ko po ng elegant yet simple wedding. Yung parang fairytale pero hindi masyadong magarbo," sabi ng isang babaeng kliyente."Pwede po ba yung beach wedding? Para mas intimate at relaxed ang vibe?" tanong naman ng isa pang bride-to-be."Of course!" sagot ni Apple na may kasamang nakakaakit na ngiti. "We can customize everything based on your dream wedding. If you want a fairytale theme, we can make it elegant with pastel colors and lots of flowers. Kung beach wedding naman, we can arrange a sunset ceremony na sobrang romantic. Nasa sa inyo kung gusto niyong casual o formal ang setup."Habang ipinapali
Napangiti si Lance at tiningnan si Apple nang may ngiting puno ng pag-asa. "Kita mo? Kahit si Amara gusto tayong magkasama."Napabuntong-hininga si Apple. "Lance, hindi ganun kadali 'yun."Pero si Lance? Ni hindi natinag. Sa halip, mas lalo pang lumapit habang karga pa rin si Baby Amara, na abala sa paglalaro ng mga daliri niya sa mukha ng ama."Bakit hindi?" seryosong tanong ni Lance. "Apple, co-parenting lang ba talaga ang gusto mo? Wala na bang kahit konting puwang para sa’kin?"Tinitigan siya ni Apple, pinipilit panatilihin ang matigas niyang paninindigan. "Lance, ang daming nangyari. Sinaktan mo ako. Iniwan mo ako. Paano ko basta-basta na lang ipipikit ang mata ko sa lahat ng ‘yon?"Natahimik si Lance. Alam niyang may punto si Apple. Pero hindi siya susuko. "At paano kung patunayan kong hindi na ako 'yung Lance na iniwan mo noon? Paano kung sabihin kong mahal pa rin kita?"Napairap si Apple. "Naku, Lance, hindi ako uto-uto. Kung mahal mo ako, hindi mo ako pababayaan noon. Ngayon,
Sumabat naman ang groom. "Pero Miss Apple, parang bagay naman talaga kayo. May chemistry kayo eh!"Napatitig si Apple sa kanila, pilit na hindi nagpapahalata ng emosyon. "Salamat, pero mas mabuti sigurong pag-usapan natin ang kasal niyo kaysa sa buhay ko."Mia, na kanina pa natatawa sa tabi, ay biglang nagsalita. "Bakit ba kasi hindi mo na lang pagbigyan, Apple? Baka naman seryoso si Lance!"Sumingkit ang mata ni Apple at sinamaan ng tingin si Mia. "Mia, ‘wag kang dumagdag."Pero si Lance, halatang natutuwa sa sitwasyon. "O, kita mo? Kahit si Mia, agree na dapat bigyan mo ako ng second chance!"Napabuntong-hininga si Apple. "Lance, hindi mo ako mapipilit. Tapos na tayo. Ang tanging koneksyon na lang natin ay si Amara."Napayuko si Lance, saglit na natahimik. Pero ilang segundo lang, ngumiti ulit siya. "Kung hindi mo ako gustong balikan ngayon, sige. Pero tandaan mo, Apple, hindi ako susuko. Hindi ako aalis hangga't hindi kita napapanalo ulit."Nagtaas ng kilay si Apple. "Good luck na
Habang hawak ni Lance ang kamay ni Monica, naramdaman niya ang tensyon na bumangon sa pagitan nilang dalawa. Alam niyang maraming bagay ang kailangang linawin, at isa na rito ang patuloy na koneksyon niya kay Apple at ang anak nilang si Amara. Hindi niya alam kung paano niya dapat ipahayag ito, ngunit kailangan niyang gawin ito para maging tapat at upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."Bigyan mo ako ng chance na makapagmove on kay Apple," nagpatuloy si Lance, ang boses ay may kabuntot na kalungkutan ngunit puno ng determinasyon. "Sana huwag mo na itong pagselosan. Ina parin ng anak ko si Apple at anak namin si Amara. Sana matanggap mo si Amara at ituring mo ng anak. Lagi mong tandaan na ang koneksyon namin ay si Amara, at co-parenting kami."Si Monica ay nanatiling tahimik sa mga sinabi ni Lance. Ngunit ang mga mata ni Monica ay naglalaman ng mga magkahalong damdamin—pag-aalala, takot, at higit sa lahat, pagmamahal. Hindi madali para sa kanya na tanggapin ang mga
Ang araw ay magaan, ngunit ang mga damdamin ni Lance ay puno ng kabuntot na pag-aalala at excitement. Sa isang tahimik na sulok ng Paris, naglalakad sila ni Monica Martin, ang kanyang kasintahan, patungo sa isang klinika para sa prenatal checkup nila. Ang mga mata ni Monica ay kumikislap sa saya habang hawak ang kanyang tiyan, at kitang-kita kay Lance na ang pagkakaroon ng anak ay nagdulot ng mga magkahalong damdamin sa kanya—takot, saya, at kaligayahan."Sigurado ka bang gusto mong pumunta dito?" tanong ni Lance habang nilalakad ang kalsadang may mga cafe sa gilid. "Alam mo naman na masama pa ang pakiramdam ko sa mga bagay na ganyan, di ba?"Monica, na nakasuot ng isang simpleng dress at mahaba ang buhok, ay napangiti. "Lance, hindi ba’t ikaw nga ang unang nagdesisyon na gusto mong maging hands-on na tatay? Kung gusto mong maging parte ng lahat ng ito, kailangang mag-adjust tayo pareho."Tumawa si Lance ng mahina, napabuntong-hininga habang binabaybay nila ang daan. "Hindi naman ako
"Château de Lumière," ulit ni Apple habang pinapahid ang buhok na nilipad ng hangin. "Ang sosyal ng tunog. Parang fairytale.""Bakit, hindi ba tayo fairytale?" kindat ni Nathan habang sumandal ulit sa balcony railings."Pwede na," sagot ni Apple sabay irap kunwari. "Kulang na lang dragon.""Baka ikaw pa ‘yung dragon," sabay tawa ni Mia. "Pero seriously, excited na akong makita ‘yung venue. Perfect siya sa concept, lalo na sa sunset theme.""Yung stylist, okay na rin ba?" tanong ni Apple, habang inaayos ang pagkakasuot ng coat sa balikat."Yes," sagot ni Nathan. "Nag-send na siya ng mood board. Floral pero elegant. Soft golds and peach ang palette.""Ang ganda!" sambit ni Apple, na ngayon ay parang batang excited."Teka, teka," sabat ni Mia habang inaabot si Amara kay Nathan. "Nathan, ikaw muna. Pahinga muna ang arms ng tita Mia."Kinuha ni Nathan si Amara at marahang kinarga ito. Napatitig si Apple habang pinapanood silang dalawa. Si Nathan, sa harap ng Eiffel Tower, may kargang sangg
Nakatayo si Apple sa may balcony ng hotel. Suot niya ang isang puting cashmere sweater at isang manipis na pajama. Yakap niya ang sarili habang pinapanood ang nagniningning na Eiffel Tower sa di kalayuan. Mahangin ang gabi, malamig, pero tila mas malamig ang kaba sa dibdib niya.Biglang bumukas ang sliding door sa likod niya. Lumabas si Nathan, may dalang maliit na tray na may dalawang baso at isang bote ng red wine. Tahimik siyang lumapit kay Apple at marahang isinuot ang coat niya sa balikat ng babae."Nagyelo ka na yata diyan," bulong ni Nathan habang nakangiti.Napangiti si Apple. "Hindi lang katawan ang nilalamig. Pati puso, minsan."Tahimik si Nathan. Binuksan niya ang wine, dahan-dahang nagsalin sa dalawang baso, at inabot ang isa kay Apple."Kapag hindi na kaya ng init ng katawan, wine ang sagot," sabay kindat niya.Kinuha ni Apple ang baso. "Kapag hindi na kaya ng puso, ikaw ang sagot?" biro niya, pero halatang may laman.Napatingin si Nathan sa kanya. "Bakit parang may gusto
Ang lamig ng simoy ng hangin mula sa bukas na bintana ng hotel room ay sumasalubong sa kanilang tatlo. Sa isang sulok ng silid, natutulog si baby Amara sa kanyang crib, payapang hinihigop ang hinlalaki at paminsan-minsan ay umuungol sa panaginip. Nakaupo sina Apple at Mia sa maliit na bilog na mesa malapit sa bintana, may dalawang tasa ng tsaa at isang tray ng croissant sa gitna.Tahimik ang paligid, maliban sa mahihinang tunog ng kotse mula sa lansangan sa ibaba. Tumingin si Mia kay Apple na tila may gustong sabihin ngunit ‘di alam kung paano sisimulan."So?" wika ni Mia, habang nakangiti at dahan-dahang hinihigop ang kape. "Bakit bigla mo akong niyaya today, ha? May something ka, Apple. Nakikita ko sa mukha mo."Hindi agad nakasagot si Apple. Titig siya sa tasa ng tsaa, sinundan ang umuusok nitong katawan na parang doon niya gustong ilibing ang damdaming bumabagabag sa dibdib niya. Nanginginig ang mga daliri niya habang hawak ang tasa."Mia..." Mahina ang boses ni Apple. "Kailangan
Nasa loob ng condo unit si Lance, tahimik at malalim ang iniisip. Hawak niya ang remote pero matagal nang naka-pause ang video sa TV. Ang eksenang nakatigil doon ay 'yung behind-the-scenes interview ng wedding couture shoot—si Apple, nakangiti habang inaabot ni Nathan ang kanyang coat. Maingat. May halong lambing. At sa mismong eksenang 'yon, parang sinaksak ng ilang ulit ang puso ni Lance.Napakagat siya sa labi. “Si Nathan talaga…”Hindi niya maitatanggi. Nagseselos siya.At higit pa sa selos, may takot siyang nararamdaman. Takot na tuluyan na siyang nawalan ng lugar sa buhay ni Apple. Takot na baka hindi na siya ang mahal nito. At sa kabila ng lahat, may kaunting pag-asa pa rin siyang pinanghahawakan—na baka, kahit papaano, may bahagi pa rin ng puso ni Apple na sa kanya.“Lance!”Naputol ang kanyang pag-iisip. Tumigil siya sa paghinga nang marinig ang galit na tinig ni Monica mula sa pintuan ng kanilang kwarto.“Lance, prenatal natin ngayon!” sigaw nito. “Malalaman na natin ‘yung g
Sa headlines ng mga online platforms, social media, at pati na rin sa mga TV entertainment segments, laman ng usap-usapan ang matagumpay na wedding collaboration shoot kung saan isa si Apple sa mga lead creatives.“Rising Star Photographer Apple Imperial stuns with heartfelt bridal shoot.”“The wedding shoot that captured not just beauty—but emotion.”Kasabay ng balitang ‘yon, pinapalabas ang behind-the-scenes video ng shoot. Naka-focus doon si Apple—kalmado, focused, at napapaligiran ng team na halatang humahanga sa kanya. Ngunit ang lalong tumatak sa viewers ay ang isang eksena:Habang iniinterview si Apple ng isang fashion vlogger, biglang lumapit si Nathan at marahang iniabot ang coat niya kay Apple. Hinaplos nito ang balikat ng babae bago marahang umatras. Simple lang, pero puno ng lambing at respeto.At napanood ‘yon ni Lance.Tahimik siya sa loob ng condo unit niya, hawak ang remote habang nakatitig sa TV screen. Nakapambahay lang siya, hawak ang mug ng kape pero halatang malam
"Sure ka bang gusto mong sumama sa shoot na 'to?" tanong ni Apple habang inaayos ang camera strap sa leeg niya. "Baka ma-bore ka lang, Nathan."Ngumiti si Nathan habang pinagmamasdan ang kaabalahan sa paligid."Bakit naman ako ma-bo-bore? Makikita ko kung paano ka magtrabaho. First-hand experience ng Apple-in-action.""Warning lang ha," sagot ni Apple habang nililingon ang team. "Hindi ito glamorous. Maraming adjustments, maraming hirit, maraming reklamong last-minute.""Kaya kong harapin ang kahit anong stress. Basta kasama kita.""Uy, Apple!" sigaw ni Mia mula sa gilid ng setup. "Nandito na 'yung couple. Ready na sila. Puwede na nating simulan."Tumango si Apple at humarap kay Nathan."Diyan ka muna ha? Just stay in the corner and don't distract me."Sumaludo si Nathan na parang bata."Yes, ma’am."Habang nagsimula na ang photoshoot, nilapitan ni Mia si Nathan."Hi Nathan. So, kamusta naman pagiging guest of honor sa shoot?""Masaya. Interesting din. First time ko makita si Apple sa
"Apple."Napalingon si Apple sa likuran niya, at nakita niya si Nathan, seryoso ang tingin, habang hawak ang stuffed bunny na iniwan ni Amara sa mesa. Saka siya dahan-dahang lumapit.“May kailangan ba tayong pag-usapan?” tanong niya.Hindi agad sumagot si Nathan. Tumitig lang ito sa kanya, tila ba sinusukat ang bawat emosyon sa kanyang mukha."Apple, gusto kong malaman mo na... hindi ako lalapit sayo kung hindi ako sigurado. Hindi ako nandito para lang guluhin ang buhay mo. Alam kong ayaw mo ng komplikado, pero... ako na siguro ‘yung pinaka-komplikado sa lahat ng puwedeng pumasok sa mundo mo ngayon.”Napakagat si Apple sa labi. Hindi siya agad nakapagsalita.“Hindi ko alam kung handa pa ako, Nathan,” bulong niya. “Kakatapos lang ng isang yugto sa buhay ko na halos ikawasak ko. May anak ako. May mga responsibilidad ako na hindi puwedeng isantabi. At ikaw…”“Ako?”“Ikaw ‘yung tipo ng lalaki na alam kong p’wede kong mahalin, pero hindi ko alam kung dapat.”Tumango si Nathan, bagama’t hal