"Nica, papa." Tawag ko sa kanila.
Pagkarinig ko non ay dali dali na akong pumunta sa hospital, kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko ay nagmadali pa rin ako. Gusto ngang sumama ni Yunard pero hindi ako pumayag, walang magbabantay sa karnehan.
Nakayuko si papa habang hawak hawak ang saklay habang si Nica ay umiiyak sa tabi niya. Sabay silang napatingin sa akin. Si Nica ay dali daling tumayo para yakapin ako.
Naka uniform pa siya at hindi na nagawang magbihis. Malapit na din palang mag alas 11.
"Ano bang nangyare, Pa?" Tanong ko at dahan-dahang na upo.
Malungkot na tumingin si Papa at pinipigilang umiyak.
"Bigla nalang siyang hindi makahinga habang tumatakbo takbo sa bahay. Hindi ko alam anong gagawin ko. Napakawalang kwenta kong ama sa inyo." Ang kaninang pinipigilan mga luha ay tuluyan ng bumuhos.
Sa lahat ng ayaw ko ay ang makita silang nasasaktan. Sa lahat ng ayaw ko ay ang makitang nahihirapan at umiiyak si papa at mga kapatid ko.
Naghintay lang kami hanggang sa biglang lumabas ang isang doktor. Dali dali akong lumapit sa kanya para magtanong.
"Doc, anong nangyare sa kapatid ko? Ayos lang ba siya?" Sunod sunod na tanong ko.
Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin sunod sa kay papa na tumabi sa akin.
"Meron bang history sa pamilya niyo ang pagkakaroon ng sakit sa puso?" Tanong niya.
Nagkatinginan kami ni papa. No! Please, mali ang iniisip ko. Masiglang bata ang kapatid ko. Hindi siya pwedeng magkaroon non.
"Meron, Dok. Ang asawa ko ay may sakit sa puso." Pinilit ni papa na gawing maayos ang mga salitang sasambitin.
Tumingin muli siya sa akin at sunod kay tatay. Kinakabahan na ako! Nanlalamig na ang palad ko. Ayokong isipin.
"Meron siyang Coronary artery disease. Ito ay isang sakit sa ugat ng puso. Hindi niyo ba alam ito?" Tanong niya nang makita ang gulat sa aming mga mukha.
"Baka nagkakamali kayo, doc?" Sambit ni papa. Wala akong masabi kundi ang tumitig sa doctor at mag abang ng mga sunod na sasabihin niya.
"Mister, hindi kami pwedeng magkamali. Your son has a Coronary Artery Disease at pag hindi maagapan, maari niya itong ikamatay. Kailangang maoperahan agad, yun lang ang paraan maliban sa panalangin upang maligtas ang anak mo." Hindi ko na kinaya pa, napa upo na lang ako sa sahig pagkarinig ko.
Hindi. Panaginip lang to. Tama, isa lang to sa mga panaginip ko. Patuloy lang ako sa pagkumbinsi sa sarili ko. Napaka bata pa ng kapatid ko. Bakit siya pa? Sana ako na lang!
"Ate!" Lumapit sa akin si Nica at inalalayang maupo sa upuan. Bumuhos na rin ang luha ko. Pati ang pag alis ng doctor ay hindi ko na namalayan.
Surgery? Teka, diba mahal yun?
Mas lalo akong nanlumo ng mapagtantong maaring malaking halaga ang kakailanganin. Wala naman akong pake kong malaking pera ang kakailanganin pero ang tanong, saan ako kukuha.
Kinausap ko uli ang doctor kahit hinang hina ako at subra ang pag aalala ko sa kapatid ko. Wala rin akong lakas na puntahan siya kahit nailipat na siya sa kwarto.
"Aabot sa isang milyon, iha."
"Po? Isang milyon?" Ulit ko. Isang milyon? Saan lupalop ako kukuha ng isang milyon? Hindi pa nga ako nakakahawak ng 50,000 sa buong buhay ko tapos isang milyon?
"Paano yan, doc? Hindi namin makakaya ang ganong kalaking halaga." Sambit ko.
Bumuntong hininga ang doctor.
"May mga charity para sa mga tulad niyang nangangailangan ng surgery pero... iha, Mahirap makakuha at matagal ang proseso. Kailangan ay mapadali ang pag opera sa kapatid mo."Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mama, tulungan niyo po ako. Napayuko nalang ako at napahilamos ang kamay sa mukha. Hindi ko kakayanin na may mangyare sa kapatid ko!
Sila ang lakas ko, pag wala ang isa sa kanila, saan ako kukuha ng lakas?
Kahit alam kong malabo, susubukan ko. Desperada na ako. Wala akong ibang mapag hihingian ng tulong kundi siya. Alam kong handa akong tulungan ni Yunard pero alam ko ding kaunti lang.
Napalunok pa ako bago ako pumasok sa restaurant. Andito lang ang manager namin. Sa opisina niya siya natutulog, parehong mga magulang kasi ay nasa abroad.
"Pasok!" Rinig kong sambit ng manager namin pagkarinig ng katok ko. Humugot muna ako ng malalim bago ko pinihit ang pintuan para makapasok.
"Ma'am" sambit ko. Isang masamang tingin agad ang ipinukol siya sa akin pagkapasok ko.
"What are you doing here? Tapos na shift mo, ah!" Sambit niya.
"Ma'am, na ospital po kasi ang kapatid ko." Paunang sambit ko ngunit inirapan lang niya ako.
"Eh ano naman?"
Relax, Gillian.
"Pwede ko po bang i advance ang sweldo ko sa susunod na isang taon?" Isang kalabog ang ginawa niya pagkasambit ko non.
Ang sweldo ko sa isang taon ay kaunti lang at hindi mapupunan ang isang milyon ngunit malaking tulong na yun, hahanap nalang ako ng iba pang mapag uutangan.
"Are you out of your mind? Isang taon? Nagpapatawa ka ba?" Bulyaw niya at tumayo para harapin at malapitan ako.
"Please, ma'am. Wala na kasi akong ibang mapuntahan." Sambit ko.
"Tanga ka ba at sa tingin mo papayag ako? Umalis ka na!" Sambit niya at hinila ang kamay ko para itulak sa pintuan. Naitama pa ang siko ko sa pintuan kaya napadaing ako.
"Aray."
"Umalis ka dito o ipapakaladlad kita!"
Binalewala ko ang siko ko at muling lumapit sa kanya ngunit bigla agad siyang tumawag ng guard. Wala akong nagawa nang hawakan nila ang kamay ko para mapaalis.
Kahit na ganon ay hindi ako umalis. Naupo ako sa maliit na bato sa may parking lot. Kung hindi ako pwede sa loob, hihintayin ko siya dito. Magmamakaawa ako.
Kahit na lumuhod ako ay gagawin ko. Para sa kapatid ko, kahit ibaba ko ang sarili ko, ayos lang.
Kanina pa tulo ng tulo ang luha ko. Kanina pa sila nag uunahan at wala atang gustong magpatalo. Ang sakit sa loob ko pag naiisip kong nasa hospital ang kapatid ko. Ang sakit sa loob ko pag naiisip na dahil sa kawalan namin ng pera ay mamatay siya. Hindi mangyayare yun, alam ko.
"Ok, of course.... I will be there." Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang boses ng manager namin. Napahinto siya ng makita ako at binaba ang cellphone na nakalagay sa tenga niya.
"Ma'am, parang awa mo na!" Sambit ko ngunit umirap siya at lalagpasan sana ako ng hinila ko ang kamay niya at bigla nalang lumuhod sa harap niya.
"Oh ghad! I don't care about your problems! Wag mo akong isama sa mga problema mo!" Tatanggalin sana niya ang pagkakahawak ko pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon para tanggalin 'to.
"Kahit magkano nalang ma'am! Kailangang kailangan lang talaga para sa kapatid ko. Kailangan siyang maoperahan, ma'am!" Umirap ulit siya. Dahil nanghihina na ako ay nagawa niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Ghad! Ang sabi ko, wala akong pakealam! Umalis ka na nga!" Bulyaw niya pinatunog niya ang kotse at handa na sanang sumakay pero bigla siyang humarap muli. "By the way, because of your attitude, you're fired! Wala kang hiya sa katawan at nakakasira yun sa image ng resraurant," sambit niya tuluyan na siyang sumakay sa kotse at umalis.
Tuloy-tuloy lang ang pagbuhos ng luha ko, ang unfair! Ang unfair unfair ng mundo! Patuloy kong pinunasan ang luha ko, pero patuloy rin ito sa pagbuhos.
"Miss, tumayo ka diyan." Isang boses ang nagpa-angat ng ulo ko. Isang babaeng unang kita pa lang alam mo ng mayaman. Ang masungit nitong mata ay nakatitig sa aking mga mata at sumunod ay sinuyod ang aking katawan.
Dali dali tuloy akong tumayo at humingi ng pasensiya sa pag-aakalang nakaharang ako sa lalakaran niya. Aalis na sana ako pero bigla ulit siyang nagsalita.
"You want money?" Napalingon ako sa kanya. Bibigyan niya ako ng pera? Malabo! Wala ng libre ngayon, Gillian.
"Po?" Tanong ko at sinubukang ayusin ang boses.
"Turn around." Utos niya. Naguguluhan man ay sinunod ko siya, dahan dahan akong umikot.
"Ano po ba yun?" Tanong ko
"You have a good body. Meron akong i-aalok sa iyo," sambit nya.
Siguro nga subra na akong desperada. Kahit walang siguraduhan ay sumama ako sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na ngayon na tinanggal ako sa trabaho. Nagka patong patong na. Ang gusto ko lang ngayon ay gawin ang lahat ng pwedeng gawin para makahanap ng pera.
Nilibot ko ang paningin ko kung nasaan ako ngayon. Upuan at lamesa palang ay alam ko ng mamahalin. Sahig at mga nwebles ay alam ko ng nakakalula na ang presyo.
Pumunta kami sa isang 5 star hotel at tumuloy sa isang restaurant. Mamahalin ang restaurant na pinagtatrahoan ko pero sa tingin mas mahal dito..
Hindi ko tuloy maiwasang tignan ang sarili ko at mapanguso. Galing pa akong palengke at alam kong nangangamoy ako dahil don. Nakakahiya dahil alam kong hindi ako bagay dito, at alam kong kailanman ay hindi ako magiging bagay sa mga ganito. Hindi ito ang oras para mahiya, Gillian.
"Ah, mawalang galang na po, pwede ko po bang malaman kung bakit tayo nandito?" Tanong ko.
Uminom siya ng tsaa at tumitig muli sa akin, hindi ko naman mapigilang mahiya sa paraan ng titig niya.
"I heard a while ago that you need money." Siguro ay narinig niya yung usapan namin ni manager.
Bago magsalita ay napalunok ako. Nakakatakot ang aura niya.
"Kailangan kasing maoperahan ang kapatid ko, po." Sambit ko
"You have boyfriend?" Tanong niya na nagpagulat sa akin.
Kahit nagtataka ay sinagot ko siya.
"Wala, po." Sambit ko
"Good. You need money, so I have an offer for you." Muli siyang uminom ng tsaa at kumuha ng papel sa bag. Hindi ko mawari kong anong papel yun kaya di ko na pinansin.
"Kahit ano, po. Basta may pera." Ngumiti siya sa sinabi ko at nagrequest siya ng ballpen sa isang waiter.
"I will make the contract sa ibang araw. Tell me how much you need para maisulat ko agad. Kung malaki man yan, ayos lang. Pagtatrabahoan mo naman." Sambit niya sabay kuha ng ballpen na iniabot ng waiter.
Saka ko lang napag tanto na isa palang cheque yun. Hindi ito ang unang beses kong makakita ng cheque dahil may mga kasamahan ako sa restaurant na mas gustong ganito ang paraan ng pag sweldo.
Noong una ay nag alangan pa akong sabihin ang halaga, hindi biro ang isang milyon. Iniisip ko ang kapatid ko na nasa hospital kaya pumikit muna ako bago ko sabihin ang kailangan kong halaga.
Akala ko ay magugulat siya pero hindi, parang balewala lang ang sinabi kong presyo at sinulat sa cheque. Binigay niya ito at muling tumitig sa akin.
"Ano po bang trabaho?" Tanong ko at dahan dahang kinuha ang tubig para makainom. Pinagsisihan ko ang pag inom ko ng tubig habang naghihintay sa sasabihin niya. Hindi ko sinasadyang mabilaukan pagka rinig ng sinabi niya.
"Seduce my son, make him a real man."
"Po?" Yun lang ang nasabi ko ng marinig yun. Anong nangyayare? Seduce his son? Sinong matinong ina ang magbabayad ng isang milyon para akitin ang anak niya? Napatingin ako sa hawak kong nagkakahalaga ng isang miyon. "Why? Ayaw mo? Madali akong kausap.... pakibalik na lang yan." Sambit niya. Inisip ko kong bakit ako nandoon. Para 'to kay Zaji, Gillian. Pag pumayag ka pwede ng operahan ang kapatid mo ngayon din. Hindi mo na poproblemahin ang pera. Maliligtas mo na siya. "Bakit, po?" Tanong ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "My Son is the first born of Villanueva at siya lang ang lalake sa angkan." Sambit niya Nanlamig ako ng marinig ko ang apelyedong Villanueva. Villanueva ay ang isa sa pinakamayaman sa bansa at ang pagkakaalam ko ay puros babae ang anak at iisa lang ang lalake. Minsan pumunta sila sa restaurant na pinagtatrabahuan ko at masasabi kong napakarangya ng kanilang pamumuhay. Nag lunch lang sila pero pinasara na ang reataurant para walang istorbo. Hindi ko ma
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tinign an ako ng masama. Akala ko papagalitan niya ako, pero hindi ako makapaniwala dahil iba ang sinabi niya sa iniisip ko.Akala ko papagalitan niya ako!"Ay, I like your self confidence, but, dear, dapat malaman mo na sa buong building na 'to.... I am most beautiful and hot. Understand, secretary Gillian." Maarteng ani nito at sabay irap sa akin. Halos ma ubo ako nang marinig ang sinabi niya.Alam kong bakla siya, pero grabe siya! Subrang arte ng pagkakasabi niya, ibang iba sa itsura niya. Napakamot na lang ako.Kahit sino atang ina, pag nakikitang mas mukha pang babae gumalaw ang nag iisang lalake ng angkan ay gagawa ng isang desperadang gawain.Muli siyang umupo at pinag abalahan ang mga papeles sa lamesa niya. 
Ngayon nga ay hawak hawak ko na nga ang high heels na suot ko kanina. Tapos na ang trabaho ko, kaya papunta na ako ngayon sa elevator. Nakakainis! Panira 'tong sandals ko. Nakakahiya yung kanina. Unang araw ko pa lang madami na akong palpak. Ano bang tamang gawin? Ano bang una kong gagawin? Nang bumukas ang pinto ng elevator ay pumasok na ako, may dalawang tao doon sa loob, at dahil bago pa lang ako dito, wala pa akong kilala sa kanila, lalo na at kanina ay wala akong time para makisalamuha man lang. Nag lunch lang ako kanina at mabilis na bumalik, baka kasi may ipagawa siya. Maganda din ang trabaho dito, lalo na ang pasweldo. Namimiss ko nga lang yung mga kasamahan ko sa palengke, ibang iba ang paligid dito kaysa doon. Dito seryoso ang mga tao, sa palengke ay puno ng biruan. Doon pa lang ay nakiki
Zachary's POV"Haist! Ano bang nangyayare sa'kin?" mabilis na sambit ko nang makapasok at makabalik na sa opisina.Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko at bigla bigla kong naisipan na habulin siya para bigyan ng heel. Hindi naman sa akin yung heel, shempre, hindi naman ako bakla!Yung heel na 'yon ay kay Nheya, kapatid ng kaibigan ko. Sumakit ang paa niya kaya habang nandito silang magkapatid sa opisina ko ay nagpabili siya kay Cardo, na dating secretary ko. Si Nheya, si Zeyo na kapatid niya at si Cardo lang ang nakakaalam ng tungkol sa tunay na pagkatao ko.I didn't want my former secretary Cardo to know about whom I really was, but since he was my constant companion in the office I didn't do anything because whether I didn't want to or I want
Gillian's POVHalos mapatalon ako nang makita ko si Yunard na nakasandal sa motor niya. Nakangiti itong kumaway sa akin."Oh? Bakit? May nakalimutan ka kagabi? Ano yun? Ako na kukuha," tanong ko sa kanya nang makalapit. Imbes na magsalita ay bigla niyang isinuot ang hawak niyang helmet. Hindi ko maiwasang mapapikit sa gulat."Ihahatid kita," sambit niya at isinuot din sa sarili ang isang helmet. Pinanood ko siyang sumakay sa motor niya, nang mapansing pinapanood ko lang siya ay tumingin siya sa akin. "Sakay na," sambit niya sabay nguso sa likod nito."Hindi mo naman kailangang ihatid ako, pero hindi ako tatanggi. Salamat," nakangiti ko nang sambit. Hindi siya nagsalita at kinuha ang isang kamay ko para iyakap sa bewang niya, hinayaan ko siyang gawin 'yon.
Zachary's POV"Sir, gwapo si Yunard, hindi ko alam kong anong meron sa mata niyo at nasabi mong pangit si Yunard, pero alam kong gwapo si Yunard. Eh ano naman kong iskinita kami mag date? Tsk judgemental!" Hindi ko maiwasang mapapikit nang sabihin niya 'yon.Gwapo? Gwapo yun para sa kanya? Maganda sana, subrang babaw naman ng taste! Magsasalita sana ako nang bigla niyang isinara ang pinto.Nailagay ko sa gilid ng pisngi ko ang dila ko dahil sa inis sa sinabi niya. Date? So, boyfriend nga niya 'yun? Akala ko ba ako ang crush niya! Bakit 'di niya panindigan! If she likes me, she shouldn’t be dating! I am more than handsome! She couldn't stop coming into my mind, and then she had a boyfriend? Pinaglalaruan ba ako ng babaeng yun?!Muli akong napapikit. Anong pinaglalaban ko?
Zachary's POV "Kaya... Wag kang... ano.... magulat pag bigla na lang kitang halikan." Naisandal ko ang ulo ko sa upuan ko. Napapikit ako at hinilot ang sintido. Mabilis siyang tumalikod at umalis pagkasabi niya 'yon. Hindi ko alam ganito pala kasakit sa ulo magkaroon ng babaeng secretary. Ano bang meron sa babaeng 'yon para sumakit ang ulo ko sa kakaisip ng ganito? Isa lang naman siyang hamak na secretary! Anomg meron sa kanya at ginugulo niya ang isip ko. Kailangan kong alalahanin ang tinatago kong secreto at bakit ko ito ginagawa. Eh, ano namam kong halikan niya ako, Edi itutulak ko na lang siya. Hell I care if she kiss me, hindi lang naman siya yung unang h*****k sa akin, but hell! Pag iniisip ko ang salitang halikan ay parang gusto ko din yun mangyare, at para bang nakakaramdam ako ng excitement. Bakit pag iniisip ko yung mga labi niya parang gusto ko din yung sinabi niya? I have never been thirsty on the lips of any woman. I've kissed many girls before when I'm not pretendin
"S-Sir? Bakit dito?" pinigilan ko ang nagbabadyang ngiti sa labi ko nang makita ko ang gulat sa mukha niya habang nakatitig sa harap niya Bakit ang ganda niya magulat! Damn! Tumikhim ako at sinubukang mag seryoso. "I need to have a pedicure and manicure," maarteng sambit ko. Ikinumpas at ipinakita ko pa ang mga kuko ko sa kanya. Tumigil ang tingin niya doon at tinignan ako na para bang gulat pa rin, well kitang kita pa rin naman sa itsura niya na nagulat siya. "Si--" hindi niya naituloy ang sasabihin nang maglakad na ako palapit sa salon. Bumukas iyon at sinalubong ako ng isang baklang nakangiti. Dito ako pumupunta para magpa manicure at pedicure kaya pag nakita nilang papasok ako ay alam na agad nila. I don't
"Why are you crying?" Hindi ko namalayan na nasa pinto na si Zachary at nakita nito ang pag-iyak ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Siguro ay dahil sa subrang saya. Subrang saya ko sa nangyayare. Kita ko ang galit sa mata niya habang mabilis ang paglapit niya sa'kin. Naupo siya sa kama at pinunasan ang luha ko. "Damn! May ginawa ba si Mommy? May sinabi siy? What is it, Baby?" Nag-aalalang simbit niya. Inilahad ko ang palad ko sa harap niya. Naguguluhan niya iyong tinignan. "Asan na?" Para na akong tanga habang umiiyak na tinatanong 'yun. "Asan ang alin? Come on, Baby? What is it? Baka biglang pumasok ang anak natin dito at isipin na pinapaiyak kita. Badshot pa ako sa anak na'tin-" Taka nitong sambit. "Bakit ang dami mong sinasabi? 'Yung singsing lang naman ang kailangan ko!" Inis na sambit niya. Sinubik nitong magsalita, pero natigilan rin at napatitig sa'kin. "What is it again?" Pinunasan ko ang luha ko. "Ano? Ayaw mo na akong pakasalan?" Inis kong tanong. Pumukit ito
Nasa hapag na kami. Inaasikaso ni Madam si Zacky, si Zacky naman ay tudo ngiti. Napanguso na lang ako. Hindi ako makagalaw galaw ng maayos. Takot ako na mabaling sa'kin ang atensyon ni Madam Anastasia. Kung tanggap niya ang anak ko, hindi ibig sabihin na pati ako ay tanggap niya. "Kumain ka na." Nagulat ako nang magsalita si Zachary. Napasulyap ako sa kanya nang lagyan niya ng pagkain ang pinggan. Dahil sa ginawa niya ay napasulyap silang lahat samin. Zachary naman! Hindi na nga ako gumagalaw rito para hindi nila ako mapansin tapos gaganyan ka pa. Susko! Napainom tuloy ako ng tubig. "Hija, bakit hindi mo sinama ang ama mo para mapag-usapan na ang kasal niyo." Halos mabilaukan ako nang marinig iyon galing sa ama ni Zachary. Napasulyap na lang ako kay Madam Anastsia sa tabi ni Zacky nang bitawan niya ang hawak kubyertos. "Bakit? Ayaw mong pakasalan ang anak ko?" Si Madam Anastasia. Napaubo na ako. Halos pinagpapawisan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko.
"Wow!" Si Zacky habang nakatingin sa bahay ng papa niya. Kitang kita ko ang paghanga ni Zacky sa mata niya."Let's go. Pasok na tayo," si Zachary habang bitbit na ang gamit namin. Kinuha ko ang isang gamit sa kanya, ayaw pa nga niya noong una, pero binigay pa rin.Papalapit pa lang kami ay bigla nang bumukas ang pinto. Akala ko noong una ay automatic lang, pero kasunod non ang sabay sabay na sigaw at pagputok ng confetti."Welcome home!!" Umawang ang labi ko nang nangunguna ang boses ni Dexie."Tita Ganda!" Si Zacky at tumakbo para yakapin si Dexie."I miss you gwapo kong pamangkin!" Si Dexie at pinaulanan niya ng halik si Zacky sa mukha. Natatawa naman si Zacky sa pinaggagagawa ng tita niya.Ngingiti na sana ako, kaya lang natigilan ako nang mapasulyap sa mga taong nasa gilid lang at nanonood.Para akong nawalan nang lakas nang makita ko si Mandy kasama sila Madam Anastasia, sa tabi nito ay ang sa tingin ko ay Papa ni Zachary. May kasama pa silang matanda. Titig na titig sila kay Za
"Zacky, pupunta tayo sa bahay ni Papa," sambit ko. Nakita ko ang pagningning ng mata ni Zacky, pero hindi kalaunan ay naging simangot ulit iyon. Masaya siya, pero parang may pumipigil sa kanya sa pagpapakita non. "I don't have papa," sambit nito kaya nagkatinginan kami ni Zachary. "Zacky-" Natigilan ako nang hawakan ni Zachary ang isang kamay ko na para bang pinapatigil ako. "Hayaan mo na-- Ouch" Paano ba naman ay biglang kinurot ni Zacky ang kamay ng ama niya na nakahawak sa kamay ko. "Don't touch my mama!" Irita at masungit na sambit ni Zacky habang nakatayo na. Sinununos naman ni Zacky ang ama. Naupo ito at sinuot ang seatbelt. "Okay. Okay, Son. Maupo ka na and put your seatbelt back on." si Zachary at tinanggal na ang kamay niya sa kamay ko. "Damn! Masungit na nga ang ina, masungit pa ang anak," mahina niyang sambit, pero narinig ko. "Are you telling me na sa'kin nag mana ng kasungitan ang anak mo?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Ngumuso ito at unti unting ngumit
Pagkatapos kong marinig 'yun ay nanlambot na ako. Parang natibag na ang pader na nilagay ko sa gitna namin nang marinig ang rason niya. "Hindi ako naniniwala. Hindi na ako naniniwala sayo," sambit ko. Kita ko na hindi na niya alam ang gagawin niya. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Saka lang ako maniniwala kapag sinama mo kami ng anak mo sa manila at makausap si Mandy para matanong sa kanya ang totoo." Hindi ito makapaniwalang tumingin sa'kin. Para bang hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya. Sunod ay ang sunod sunod na pagmura ito. "Fuck! Damn! Hell! I'm hearing it right, right? Fuck! Sasama ka na sa Manila? Sasama na kayo ni Zacky? Sasama na kayo sa'kin?" Tanong nito at lumapit na para hawakan ang dalawang kamay ko. Kita ko ang saya sa mata niya kaya napaiwas ako. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Sabihin mo na lang kung kailan," paos kong sambit at naglakad na papunta sa kwarto, pero bago ako makapasok ay narinig ko ang boses niy
"Kung ang pagbubuntis ni Mandy ang usapan, huwag na tayo mag-usap," sambit ko at tinalikuran siya, pero—"Ang mahirap sayo hindi ka nagtatanong. You had time to ask me earlier about Mandy, but the first thing you want me to do is to leave,"Inis ko siyang hinarap. "So anong gusto mo? Kailangan ba na manggaling sayo at marinig ko mula sayo na nakabuntis ka? Na may posibilidad na hindi na talaga mabigyan ng buong pamilya ang anak ko-""Damn it, Gillian! Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Mandy! Matagal nang walang kami. Simula noong iniwan mo ako-""Correction, pinagtabuyan mo ako. Hindi ako aalis non kung hindi mo ako pinagtabuyan," bulyaw ko.Napahilot ito sa noo na para bang sumasakit na ang ulo niya."Fine! Simula noong pinagtabuyan kita at umalis ka ay hindi ko na nakaya pang humalik ng ibang babae, tapos makakabuntis? Damn it! I swear, that is not my child, so please stop thinking nonsense. Hindi ako magkakaanak sa iba! Kung may mabubuntis man ako ulit, ikaw ulit 'yun! Kung may
Gillian's POV Hindi ako mapakali habang nakatingin kay Zachary. Pinapaalis ko na siya, pero hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya nakaupo sa kung saan ko siya iniwan. Umuulan na rin sa labas, pero parang wala itong pakealam. Parang wala itong pake na maulanan siya. Hindi pa naman siya gaanong basa, pero kahit na! Bakit ba hindi na lang siya umalis! "Binanggit mo, Ate, 'yung tungkol sa nabasa na'tin sa phone ni Zaji?" Tanong ni Nika habang nakatingin rin kay Zachary. Nandito na rin sila papa galing sa bayan. Gaya ko ay gusto rin nilang paalisin si Zachary, pero hindi siya umalis. "Hindi," mahina kong sambit. Siguro hindi lang dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako niya kaya gusto ko siyang paalisin. Aaminin ko, isa sa dahilan ay dahil sa magkakaanak na siya sa iba. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin at iisipin ko. "Ate, hindi ka pa ba nadala? Sa tingin mo ba may napapala ang taong sarado ang isip? Ikaw mismo ang nakaranas niyan, Ate. Isipin mo, naging sarado noon a
"Hindi mo ako masisisi kung bakit ako galit sayo dahil hindi mo nakita kung gaano umiyak si Zacky dahil pinaghintay mo siya! Kahit tulog ay tinatawag niya ang pangalan mo. Wala ka noong gabing sabik na sabik siyang makita ka at lagnatin na sa pagkasabik sa pagbalik mo!" Lumapit ako at tinulak siya. Hindi ko alam kung malakas ba ang pagkakatulak ko o ano dahil halos matumba ito. "Bakit ka pa ba bumalik!? Bakit hindi mo na lang panindigan ang hindi mo pagbalik!?" Bulyaw ko. Kasi alam ko naman na aalis ka rin ulit, lalo na at magkakaanak ka na kay Mandy. Magiging bastardo rin naman ang anak ko, at sa huli siya pa rin ang kawawa. Gusto kong sabihin iyon, pero hindi ko tinuloy. "Can you listen to me first?" mahinahon niyang sambit. Umiling ako. "Kapag nakinig ako sayo, baka dumating ulit ang panahon na mangangapa kami ng anak ko. Ang mas nakakabuti mong gawin ay ang umalis rito." "Hindi ako aalis. Suntukin mo ako. Saktan mo ako," lumapit pa siya at siya ang nagdala ng kamay ko sa muk
Gillian's POV Sa isang buwan na hindi niya pagbalik ay bumalik siya. Nang tumingin siya sa'kin ay nagpatuloy ako sa pagsasampay. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? Ilang segundo ay natungo na niya kung nasaan ako. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Umalis ka na ngayong nakakausap mo pa ako nang maayos," sambit ko at kumuha ulit ng damit para isampay. Nasa loob si Zacky. Gusto kong makita niya ang ama, pero kapag nakita niya ulit ang ama, baka umasa siya sa sinabi ko na sasama na kami sa kanya. Hindi na iyon mangyayare. "I'm sorry, hindi ako nakabali--" "Wala akong pakealam sa sasabihin mo," seryosong sambit ko at sinampay na ang huling damit. "Baby, Listen to--" Isang sampal ang binigay ko sa kanya. Baby? Kung sa tingin niya makukuha niya ulit ako sa pa baby baby niya, nagkakamali siya! Sinubukan kong gawing seryoso ang expression ko. Nakatagilid ang mukha niya at gulat sa ginawa ko. Nagulat din ako sa ginawa ko, pero 'yun naman kasi talaga ang gu