Ngayon nga ay hawak hawak ko na nga ang high heels na suot ko kanina. Tapos na ang trabaho ko, kaya papunta na ako ngayon sa elevator. Nakakainis! Panira 'tong sandals ko. Nakakahiya yung kanina.
Unang araw ko pa lang madami na akong palpak. Ano bang tamang gawin? Ano bang una kong gagawin?
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay pumasok na ako, may dalawang tao doon sa loob, at dahil bago pa lang ako dito, wala pa akong kilala sa kanila, lalo na at kanina ay wala akong time para makisalamuha man lang. Nag lunch lang ako kanina at mabilis na bumalik, baka kasi may ipagawa siya.
Maganda din ang trabaho dito, lalo na ang pasweldo.
Namimiss ko nga lang yung mga kasamahan ko sa palengke, ibang iba ang paligid dito kaysa doon. Dito seryoso ang mga tao, sa palengke ay puno ng biruan. Doon pa lang ay nakikita na ang pagkakaiba ng mga mayayaman at mahihirap.
Nang pasara na iyon ay biglang may kamay na humawak. Lumapit ako sa gilid sa pag aakalang may papasok at sasabay, nagulat ako nang makita ang pamilyar na mga daliri at kuko. Kahit hindi ko tignan ang mukha, alam ko kong sino iyon. Pintura pa lang ng kamay alam ko na.
"Hello, Sir," sabay ang dalawang tao na nagsalita sa likod ko. Isang babae at isang lalake iyon.
Inisip ko kong may nakalimutan ba ako o may mali akong nagawa. Bago umalis sinigurado ko naman na wala na akong nakalimutan. Ano kayang sadya niya.
"Sir, ano 'yon? May kailangan ka pa po ba?" tanong ko. Nakita ko ang pagsimangot niya, lalo nang bumaba ang tingin niya sa paa kong naapak sa malamig na sahig.
"Use this," napakurap kurap pa ako. Hindi ako makapaniwala. Galing sa likod niya ay inilabas niya ang kamay na may hawak na sandals. Ayaw ko nang isipin kong kanino at sino ang gumagamit sa sandal na iyon.
"Thank you, Sir," hindi ko maiwasang mapangiti. Mabilis kong kinuha ang hawak niyang sandals at tumuwad para isuot iyon. Halos mawala at matigil ang paghinga ko nang pinatayo niya agad ako. Taka akong bumaling sa kanya.
"Ako na. Nasisilipan ka," sabay irap niya sa akin. Literal na namula ako, lalo na nang iniluhod niya ang isang paa at hinawakan ang paa ko. Hindi ko alam kong anong sasabihin o gagawin.
Alam na alam niya kong paano ilock at i-unlock ang sandals, walang duda sa kanya nga iyon. 6 inches iyon at hindi ko maimagine na suot suot niya iyon. Saan kaya niya iyon isinusuot? Pag may party?
Nag iiwas ng tingin ang dalawang kasabayan ko sa elevator. Dahil nakabukas pa rin ang pinto ng elevator, kitang kita ng ilan ang ginawa ni Sir Zach. Nakatalikod si Sir Zack kaya hindi niya nakikita ang ilang nagbubulungan sa likod niya.
Pulang pula na ang pisngi ko. Ginamit ko na lang ang buhok ko para takpan ang mukha ko. Nang matapos niyang isuot sa akin ang sandals ay nag iwas siya ng tingin.
"Ibalik mo yan, that's my heels." Wala ako sa sariling tumango sa kanya.
Iyon ang huli niyang sinabi bago tumalikod. Patagal ng patagal, nanghihinayang na din ako sa kanya. Is he really a gay? Pero bakit? Bakit niya piniling maging bakla? Napabuntong hininga ako sa mga tanong na naiisip ko.
It's a choice, Gillian. Iyon ang gusto niya, pero nakakapanghinayang pa rin. Kong noon ay masasabi kong kahibangan ang nais ni Madam Anastasia, ngayon ay napatunayan kong hindi.
****
Medyo maluwag ang sandals na pinahiram niya sa akin, pero habang tinitignan at iniisip ang ilang bagay, napapatanong ako, kasya kaya 'to sa kanya? Ang liit naman ata ng paa niya.
Huminga ako nang malalim bago buksan ang maliit na gate papasok sa bahay namin. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makitang nag aabang sa akin sa labas si Papa, si Nika at Zaji.
"Oh, nandiyan na ang Ate niyo, ayusin na natin ang hapunan," sambit ni Tatay habang nakangiti sa akin. Tumakbo si Zaji sa akin, naupo ako at sinalubong ang yakap niya.
Lumapit si Nika para kunin ang hawak kong sandals, pati na din ang bag ko. Nakabotones na din ang coat na suot ko.
"Wala bang masakit?" tanong ko, umiling lang siya kaya napangiti muli ako. Makita ko lang silang okay, masaya na ako. Kahit mapunta ako sa alanganin, ayos lang, basta masaya sila at kasama ko sila.
Hinila niya ako papasok, pagkapasok namin ay napangiti ulit ako nang makita ko si Yunard na nag aayos din ng mga pinggan.
"Oh, nandito ka,"
"Oo naman. Unang araw mo sa malaking kompanya. Proud bestfriend here," sabay kindat sa akin.
"Sira," natatawa kong sambit.
Napuno ng tawanan at biruan ang mesa. Tinanong din nila ako tungkol sa trabaho. Pati na din kong mabait ba ang boss ko. Dahil sa tanong na iyon ay mabilis kong kinuha ang baso para uminom. Parang bumara ang lalamunan ko dahil sa tanong niya.
Nag iinit ang pisngi ko lalo na nang maalala ko ang ginawa niyang pagluhod para isuot ang sandals niya sa akin. Kong hindi ko alam na bakla siya, iisipin kong matinik iyon sa lalake.
"Mabait naman po ang boss ko. Sa katunayan nga po, nasira yung gamit ko kaninang sandal, pero pinahiram niya ako ng ibang sandals niya para hindi ako mag paa pauwi."
"Diba, lalake ang boss mo? Bakit may sandals siya?" kunot noong tanong ni Papa. Napanguso ako, hindi ko alam kong sasabihin ko ba.
Nang sulyapan ko si Yunard ay naghihintay din siya ng sagot sa tanong Papa. Wala akong nagawa kundi sagutin ang tanong ni Papa.
"Bakla siya, Pa," sambit ko sabay baling sa kinakain ko.
"Ano nga yung pangalan ng kompanyang pinapasukan mo, Anak?"
"Villa Company po." Sabi ko sabay tingin sa kay tatay.
"Tama, alam ko iyon. Nakita ko sa tabloid, bakla nga ang tagapagmana non. Sayang at magandang lalake. Hindi maikakalat ang lahi," iiling iling na sambit ni Tatay.
Sa tingin ko ay isa din iyon sa dahilan kong bakit nais ni Madam Anastasia na gawing tunay na lalake ang nag iisang anak niyang lalake. Pag tuluyang naging bakla si Sir Zach, mapuputol ang angkan ng mga Villanueva. Malaking kawalan ang pagkawala ng susunod na tagapagmana.
"Sure ka bang bakla 'yong boss mo, Gillian?" Tanong bigla ni Yunard,
Mabilis akong tumango. "Ang arte niya magsalita tapos yung kamay... I mean yung kuko, naka pintura, daig pa ako sa ganda at ayos ng kuko niya," sabi ko habang inaalala ang kamay nito.
Tinignan ko ang daliri ko na walang kahit anong pintura. Mas babae pa siya kaysa sa akin. Tapos kanina.... yung suot ko ang pinagdiskitahan niya. Hindi ako makapaniwala, siguro ay naiingit lang iyon dahil hindi siya makapagsuot ng maiiksing damit.
Ayaw ko naman talagang magsuot ng mga ganoong damit, pero kailangan gaya ng sabi ni Madam Anastasia.
Noong gabing iyon, imbes na matulog ako ng maaga, hindi ko nagawa dahil naglalakbay ang isip ko. Bukas, anong gagawin ko? Paano ko siya maakit? Ang hirap naman, lalo na wala akong kaalam alam sa pang aakit.
Mukha namang hindi siya natatalaban sa maiiksi kong damit. Naiingit lang naman ata siya at hindi naaakit.
Paano kaya kong sunggaban ko na lang agad ang labi niya. Napapikit ako at napakapit sa unan ko. Yung labi niya, bakit ganoon? Ang pula ng labi niya, wala iyong bahid ng lipstick, pero natural itong mapula.
Bakit ba kasi bakla siya! Ayaw ba niyang makahanap ng babaeng mamahalin niya at magkaroon ng anak? Ang lungkot siguro ng buhay nya.
Zachary's POV"Haist! Ano bang nangyayare sa'kin?" mabilis na sambit ko nang makapasok at makabalik na sa opisina.Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko at bigla bigla kong naisipan na habulin siya para bigyan ng heel. Hindi naman sa akin yung heel, shempre, hindi naman ako bakla!Yung heel na 'yon ay kay Nheya, kapatid ng kaibigan ko. Sumakit ang paa niya kaya habang nandito silang magkapatid sa opisina ko ay nagpabili siya kay Cardo, na dating secretary ko. Si Nheya, si Zeyo na kapatid niya at si Cardo lang ang nakakaalam ng tungkol sa tunay na pagkatao ko.I didn't want my former secretary Cardo to know about whom I really was, but since he was my constant companion in the office I didn't do anything because whether I didn't want to or I want
Gillian's POVHalos mapatalon ako nang makita ko si Yunard na nakasandal sa motor niya. Nakangiti itong kumaway sa akin."Oh? Bakit? May nakalimutan ka kagabi? Ano yun? Ako na kukuha," tanong ko sa kanya nang makalapit. Imbes na magsalita ay bigla niyang isinuot ang hawak niyang helmet. Hindi ko maiwasang mapapikit sa gulat."Ihahatid kita," sambit niya at isinuot din sa sarili ang isang helmet. Pinanood ko siyang sumakay sa motor niya, nang mapansing pinapanood ko lang siya ay tumingin siya sa akin. "Sakay na," sambit niya sabay nguso sa likod nito."Hindi mo naman kailangang ihatid ako, pero hindi ako tatanggi. Salamat," nakangiti ko nang sambit. Hindi siya nagsalita at kinuha ang isang kamay ko para iyakap sa bewang niya, hinayaan ko siyang gawin 'yon.
Zachary's POV"Sir, gwapo si Yunard, hindi ko alam kong anong meron sa mata niyo at nasabi mong pangit si Yunard, pero alam kong gwapo si Yunard. Eh ano naman kong iskinita kami mag date? Tsk judgemental!" Hindi ko maiwasang mapapikit nang sabihin niya 'yon.Gwapo? Gwapo yun para sa kanya? Maganda sana, subrang babaw naman ng taste! Magsasalita sana ako nang bigla niyang isinara ang pinto.Nailagay ko sa gilid ng pisngi ko ang dila ko dahil sa inis sa sinabi niya. Date? So, boyfriend nga niya 'yun? Akala ko ba ako ang crush niya! Bakit 'di niya panindigan! If she likes me, she shouldn’t be dating! I am more than handsome! She couldn't stop coming into my mind, and then she had a boyfriend? Pinaglalaruan ba ako ng babaeng yun?!Muli akong napapikit. Anong pinaglalaban ko?
Zachary's POV "Kaya... Wag kang... ano.... magulat pag bigla na lang kitang halikan." Naisandal ko ang ulo ko sa upuan ko. Napapikit ako at hinilot ang sintido. Mabilis siyang tumalikod at umalis pagkasabi niya 'yon. Hindi ko alam ganito pala kasakit sa ulo magkaroon ng babaeng secretary. Ano bang meron sa babaeng 'yon para sumakit ang ulo ko sa kakaisip ng ganito? Isa lang naman siyang hamak na secretary! Anomg meron sa kanya at ginugulo niya ang isip ko. Kailangan kong alalahanin ang tinatago kong secreto at bakit ko ito ginagawa. Eh, ano namam kong halikan niya ako, Edi itutulak ko na lang siya. Hell I care if she kiss me, hindi lang naman siya yung unang h*****k sa akin, but hell! Pag iniisip ko ang salitang halikan ay parang gusto ko din yun mangyare, at para bang nakakaramdam ako ng excitement. Bakit pag iniisip ko yung mga labi niya parang gusto ko din yung sinabi niya? I have never been thirsty on the lips of any woman. I've kissed many girls before when I'm not pretendin
"S-Sir? Bakit dito?" pinigilan ko ang nagbabadyang ngiti sa labi ko nang makita ko ang gulat sa mukha niya habang nakatitig sa harap niya Bakit ang ganda niya magulat! Damn! Tumikhim ako at sinubukang mag seryoso. "I need to have a pedicure and manicure," maarteng sambit ko. Ikinumpas at ipinakita ko pa ang mga kuko ko sa kanya. Tumigil ang tingin niya doon at tinignan ako na para bang gulat pa rin, well kitang kita pa rin naman sa itsura niya na nagulat siya. "Si--" hindi niya naituloy ang sasabihin nang maglakad na ako palapit sa salon. Bumukas iyon at sinalubong ako ng isang baklang nakangiti. Dito ako pumupunta para magpa manicure at pedicure kaya pag nakita nilang papasok ako ay alam na agad nila. I don't
Zachary's POV Sinulyapan ko ang cellphone ko papasok sa condo, para tignan kong may bagyo ba. Nagpakawala ako ng hangin nang makitang may bagyo nga. Ibinulsa ko ang phone ko nang makalapit sa pinto, nilagay ko ang pass code ng condo ni Zeyo. Yes, nasa condo ako ni Zeyo, nalalakad lang ang condo niya sa company kaya naisipan ko ng magpalipas ng gabi dito. Kong hindi lang dito sa office nagpahatid ang secretary ko ay hindi ako dito matutulog. Madalang itong ginagamit ni Zeyo at buti na lang at hindi pa niya pinapalitan ang pass code. Alam naman ni Zeyo na dito ako natutulog pag ayaw kong umuwi o may emergency. Tinext ko na lang siya na doon ako matutulog ngayon dahil tumataas na ang baha at hindi pa tumitigil ang ulan. Habang naghihintay ng reply niya ay dumeret
Gillian's POV Iba talaga ang mayayaman. Sa paliguan lang ay subra na ang ginastos. Subrang lawak ng paliguan. Pwede na 'tong kwarto, subrang lawak na nga para sa kwarto. May bathtub din ito at kompleto ang kailangan. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Hindi ako nababagay sa ganitong lugar. Bumuntong hininga ako dahil sa naisip. Imbes na mag over think pa ay naghubad na ako para makaligo. Eto ang pinakaunang beses na maliligo ako sa shower. Hindi ako maipagkakailang masaya ako. Masaya ako sa pansamantalang pakiramdam na ito. Hindi na ako nagtagal sa paliligo, tinapos ko agad. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sunubukan kong ibaba ang suot kong damit, umaasa na pwede pang humaba iyon. I am now wearing shorts and a croptop.
Gillian's POV Paggising ko kinabukasan ay nagulat ako nang nasa kama na ako. Literal na kinapa ko ang damit ko suot ko pa. Nakahinga ako nang maluwag nang makapa ko na suot ko pa rin naman yun. Nilibot ko ang tingin ko, nasaan naman kaya siya? Mabilis akong lumabas para tignan kong nasaan ang boss ko, ngunit imbes na ang boss ko ang makita ay ibang tao ang nadatnan kong naka apron at may hawak ng kutsara Tulad noong una ko siyang makita ay kumaway at ngumiti ulit ito sa'kin. Napasulyap ako sa labas at halos manlumo ako nang makitang may araw na, mataas na din ito. Paanong napasarap ang tulog ko? Dahil ba subrang lambot ng kama? Haist! "Hala, Sir Zeyo, sorry. Napasarap yung tulog ko," nahihiyang sambit ko nang maalalang sa kanya pala itong condo. Nakakahiya, ako na nga u***g nakikitulog. Hinintay ko ang sasabihin niya, pero hindi siya nagsalita at pinagpatuloy ang paglapag ng kutsara sa maliit na bilog na mesa. Nang matapos ay tinanggal niya ang suot niyang apron. Muli siyang ng
"Why are you crying?" Hindi ko namalayan na nasa pinto na si Zachary at nakita nito ang pag-iyak ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Siguro ay dahil sa subrang saya. Subrang saya ko sa nangyayare. Kita ko ang galit sa mata niya habang mabilis ang paglapit niya sa'kin. Naupo siya sa kama at pinunasan ang luha ko. "Damn! May ginawa ba si Mommy? May sinabi siy? What is it, Baby?" Nag-aalalang simbit niya. Inilahad ko ang palad ko sa harap niya. Naguguluhan niya iyong tinignan. "Asan na?" Para na akong tanga habang umiiyak na tinatanong 'yun. "Asan ang alin? Come on, Baby? What is it? Baka biglang pumasok ang anak natin dito at isipin na pinapaiyak kita. Badshot pa ako sa anak na'tin-" Taka nitong sambit. "Bakit ang dami mong sinasabi? 'Yung singsing lang naman ang kailangan ko!" Inis na sambit niya. Sinubik nitong magsalita, pero natigilan rin at napatitig sa'kin. "What is it again?" Pinunasan ko ang luha ko. "Ano? Ayaw mo na akong pakasalan?" Inis kong tanong. Pumukit ito
Nasa hapag na kami. Inaasikaso ni Madam si Zacky, si Zacky naman ay tudo ngiti. Napanguso na lang ako. Hindi ako makagalaw galaw ng maayos. Takot ako na mabaling sa'kin ang atensyon ni Madam Anastasia. Kung tanggap niya ang anak ko, hindi ibig sabihin na pati ako ay tanggap niya. "Kumain ka na." Nagulat ako nang magsalita si Zachary. Napasulyap ako sa kanya nang lagyan niya ng pagkain ang pinggan. Dahil sa ginawa niya ay napasulyap silang lahat samin. Zachary naman! Hindi na nga ako gumagalaw rito para hindi nila ako mapansin tapos gaganyan ka pa. Susko! Napainom tuloy ako ng tubig. "Hija, bakit hindi mo sinama ang ama mo para mapag-usapan na ang kasal niyo." Halos mabilaukan ako nang marinig iyon galing sa ama ni Zachary. Napasulyap na lang ako kay Madam Anastsia sa tabi ni Zacky nang bitawan niya ang hawak kubyertos. "Bakit? Ayaw mong pakasalan ang anak ko?" Si Madam Anastasia. Napaubo na ako. Halos pinagpapawisan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin at sasabihin ko.
"Wow!" Si Zacky habang nakatingin sa bahay ng papa niya. Kitang kita ko ang paghanga ni Zacky sa mata niya."Let's go. Pasok na tayo," si Zachary habang bitbit na ang gamit namin. Kinuha ko ang isang gamit sa kanya, ayaw pa nga niya noong una, pero binigay pa rin.Papalapit pa lang kami ay bigla nang bumukas ang pinto. Akala ko noong una ay automatic lang, pero kasunod non ang sabay sabay na sigaw at pagputok ng confetti."Welcome home!!" Umawang ang labi ko nang nangunguna ang boses ni Dexie."Tita Ganda!" Si Zacky at tumakbo para yakapin si Dexie."I miss you gwapo kong pamangkin!" Si Dexie at pinaulanan niya ng halik si Zacky sa mukha. Natatawa naman si Zacky sa pinaggagagawa ng tita niya.Ngingiti na sana ako, kaya lang natigilan ako nang mapasulyap sa mga taong nasa gilid lang at nanonood.Para akong nawalan nang lakas nang makita ko si Mandy kasama sila Madam Anastasia, sa tabi nito ay ang sa tingin ko ay Papa ni Zachary. May kasama pa silang matanda. Titig na titig sila kay Za
"Zacky, pupunta tayo sa bahay ni Papa," sambit ko. Nakita ko ang pagningning ng mata ni Zacky, pero hindi kalaunan ay naging simangot ulit iyon. Masaya siya, pero parang may pumipigil sa kanya sa pagpapakita non. "I don't have papa," sambit nito kaya nagkatinginan kami ni Zachary. "Zacky-" Natigilan ako nang hawakan ni Zachary ang isang kamay ko na para bang pinapatigil ako. "Hayaan mo na-- Ouch" Paano ba naman ay biglang kinurot ni Zacky ang kamay ng ama niya na nakahawak sa kamay ko. "Don't touch my mama!" Irita at masungit na sambit ni Zacky habang nakatayo na. Sinununos naman ni Zacky ang ama. Naupo ito at sinuot ang seatbelt. "Okay. Okay, Son. Maupo ka na and put your seatbelt back on." si Zachary at tinanggal na ang kamay niya sa kamay ko. "Damn! Masungit na nga ang ina, masungit pa ang anak," mahina niyang sambit, pero narinig ko. "Are you telling me na sa'kin nag mana ng kasungitan ang anak mo?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Ngumuso ito at unti unting ngumit
Pagkatapos kong marinig 'yun ay nanlambot na ako. Parang natibag na ang pader na nilagay ko sa gitna namin nang marinig ang rason niya. "Hindi ako naniniwala. Hindi na ako naniniwala sayo," sambit ko. Kita ko na hindi na niya alam ang gagawin niya. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Saka lang ako maniniwala kapag sinama mo kami ng anak mo sa manila at makausap si Mandy para matanong sa kanya ang totoo." Hindi ito makapaniwalang tumingin sa'kin. Para bang hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya. Sunod ay ang sunod sunod na pagmura ito. "Fuck! Damn! Hell! I'm hearing it right, right? Fuck! Sasama ka na sa Manila? Sasama na kayo ni Zacky? Sasama na kayo sa'kin?" Tanong nito at lumapit na para hawakan ang dalawang kamay ko. Kita ko ang saya sa mata niya kaya napaiwas ako. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Sabihin mo na lang kung kailan," paos kong sambit at naglakad na papunta sa kwarto, pero bago ako makapasok ay narinig ko ang boses niy
"Kung ang pagbubuntis ni Mandy ang usapan, huwag na tayo mag-usap," sambit ko at tinalikuran siya, pero—"Ang mahirap sayo hindi ka nagtatanong. You had time to ask me earlier about Mandy, but the first thing you want me to do is to leave,"Inis ko siyang hinarap. "So anong gusto mo? Kailangan ba na manggaling sayo at marinig ko mula sayo na nakabuntis ka? Na may posibilidad na hindi na talaga mabigyan ng buong pamilya ang anak ko-""Damn it, Gillian! Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Mandy! Matagal nang walang kami. Simula noong iniwan mo ako-""Correction, pinagtabuyan mo ako. Hindi ako aalis non kung hindi mo ako pinagtabuyan," bulyaw ko.Napahilot ito sa noo na para bang sumasakit na ang ulo niya."Fine! Simula noong pinagtabuyan kita at umalis ka ay hindi ko na nakaya pang humalik ng ibang babae, tapos makakabuntis? Damn it! I swear, that is not my child, so please stop thinking nonsense. Hindi ako magkakaanak sa iba! Kung may mabubuntis man ako ulit, ikaw ulit 'yun! Kung may
Gillian's POV Hindi ako mapakali habang nakatingin kay Zachary. Pinapaalis ko na siya, pero hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya nakaupo sa kung saan ko siya iniwan. Umuulan na rin sa labas, pero parang wala itong pakealam. Parang wala itong pake na maulanan siya. Hindi pa naman siya gaanong basa, pero kahit na! Bakit ba hindi na lang siya umalis! "Binanggit mo, Ate, 'yung tungkol sa nabasa na'tin sa phone ni Zaji?" Tanong ni Nika habang nakatingin rin kay Zachary. Nandito na rin sila papa galing sa bayan. Gaya ko ay gusto rin nilang paalisin si Zachary, pero hindi siya umalis. "Hindi," mahina kong sambit. Siguro hindi lang dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako niya kaya gusto ko siyang paalisin. Aaminin ko, isa sa dahilan ay dahil sa magkakaanak na siya sa iba. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin at iisipin ko. "Ate, hindi ka pa ba nadala? Sa tingin mo ba may napapala ang taong sarado ang isip? Ikaw mismo ang nakaranas niyan, Ate. Isipin mo, naging sarado noon a
"Hindi mo ako masisisi kung bakit ako galit sayo dahil hindi mo nakita kung gaano umiyak si Zacky dahil pinaghintay mo siya! Kahit tulog ay tinatawag niya ang pangalan mo. Wala ka noong gabing sabik na sabik siyang makita ka at lagnatin na sa pagkasabik sa pagbalik mo!" Lumapit ako at tinulak siya. Hindi ko alam kung malakas ba ang pagkakatulak ko o ano dahil halos matumba ito. "Bakit ka pa ba bumalik!? Bakit hindi mo na lang panindigan ang hindi mo pagbalik!?" Bulyaw ko. Kasi alam ko naman na aalis ka rin ulit, lalo na at magkakaanak ka na kay Mandy. Magiging bastardo rin naman ang anak ko, at sa huli siya pa rin ang kawawa. Gusto kong sabihin iyon, pero hindi ko tinuloy. "Can you listen to me first?" mahinahon niyang sambit. Umiling ako. "Kapag nakinig ako sayo, baka dumating ulit ang panahon na mangangapa kami ng anak ko. Ang mas nakakabuti mong gawin ay ang umalis rito." "Hindi ako aalis. Suntukin mo ako. Saktan mo ako," lumapit pa siya at siya ang nagdala ng kamay ko sa muk
Gillian's POV Sa isang buwan na hindi niya pagbalik ay bumalik siya. Nang tumingin siya sa'kin ay nagpatuloy ako sa pagsasampay. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? Ilang segundo ay natungo na niya kung nasaan ako. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Umalis ka na ngayong nakakausap mo pa ako nang maayos," sambit ko at kumuha ulit ng damit para isampay. Nasa loob si Zacky. Gusto kong makita niya ang ama, pero kapag nakita niya ulit ang ama, baka umasa siya sa sinabi ko na sasama na kami sa kanya. Hindi na iyon mangyayare. "I'm sorry, hindi ako nakabali--" "Wala akong pakealam sa sasabihin mo," seryosong sambit ko at sinampay na ang huling damit. "Baby, Listen to--" Isang sampal ang binigay ko sa kanya. Baby? Kung sa tingin niya makukuha niya ulit ako sa pa baby baby niya, nagkakamali siya! Sinubukan kong gawing seryoso ang expression ko. Nakatagilid ang mukha niya at gulat sa ginawa ko. Nagulat din ako sa ginawa ko, pero 'yun naman kasi talaga ang gu