Share

Kabanata 5

last update Last Updated: 2021-04-08 16:02:02

Kabanata 5

"SORRY, BUT I CAN'T."

Tinalikuran ni Lucy ang lalake saka siya mabilis na naglakad palayo kahit nangangatog ang kanyang tuhod dala ng epekto nito sa kanya. What is it with that guy that her system suddenly went in chaos? She'd never encountered anyone who can enduce such power. Nais bumigay ng kanyang mga tuhod habang tila may sumusuntok sa kanyang sikmura. Hindi iyon tama. His effect feels so forbidden to be felt... But why does it feel so good?

Naikuyom niya ang kanyang mga kamao at tinahak ang daan palabas upang iligtas ang sarili sa mas malalang maaari nitong magawa sa kanyang sistema. Para itong bolang apoy na kaya siyang tupukin sa isang iglap at kung hindi niya bibilisan ang kanyang lakad ay baka magtagumpay lamang ang binata, ngunit nang marinig niya ang muling sinabi nito ay napahinto siya.

"Then I guess I'm gonna have to resort to exposing you and Papa," he said in a bored tone.

Her eyes widened. Nilingon niya itong muli sa kaninang pwesto, sinusubukang basahin kung nagsasabi ba ito ng totoo o sadyang ginigipit lamang siya. He wouldn't do that, would he? But why does he look serious about it? Ni hindi niya ito makitaan ng pagsisinungaling sa mga salitang binitiwan. Ganoon ba ito kawalang utang na loob sa Presidente?

She needs to think. If Alec De Vera is just playing with her then she better exit from this stupid game as soon as possible. Hindi niya man ito lubusang kilala ngunit sa kaya pa lamang nitong iparamdam sa kanya, alam niya nang isang napakamapanganib na tao ni Alec.

She cannot be his victim or she will surely regret looking at him. 

Tumikhim siya at sinubukang ipakitang hindi siya naalarma sa sinabi nito. "I don't believe you, Mr. De Vera, and one more thing, I ain't someone whose ground you can shake easily and fool."

Lumandas sa mga labi Alec ang isang makahulugang ngisi. His eyes sparkled with something, tila hinahamon siya o... Pinagbabantaan siya. Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa batok. Bakit ganoon? He's already meters away from her yet he can still send shivers down her spine. How is he even doing it effortlessly? 

Naiintindihan niya na ngayon kung bakit bantog si Alec hindi lamang sa mga kababaihan kung hindi sa mga showbiz talk shows. He got invited for several times but Alec didn't accept any of it. He kept his life private, even his social media accounts were only visible to a few trusted people. Oo nga naman. He can really be the next box-office king if he decides to enter showbiz. Baka kahit wala itong talento sa pag-arte ay pumalo pa rin sa takilya sa taglay na kagwapuhan at angking lakas ng karisma. 

She watched him carefully as he slightly lifted his head, exposing his adam's apple when he gulped. Binulsa nito ang mga palad saka muling nagsalita. "Try me, Sta. Maria. I don't play nice when I get mad. If you know me already then you're probably aware how much I hate seeing Mama in pain. That woman is precious to me, at sa labin-limang taong kasama ko sila, ngayon ko lang nakita si Mama na nagkakaganito. Dr. Hailey De Vera was never insecure until you happened. I can put Papa's reputation on the line if it means getting rid of what's causing her heartaches so I suggest you take the deal now or watch me unleash the devil in me we both wouldn't enjoy to meet."

Natahimik si Lucy, hindi magawang magdesisyon kung kakagatin ang pain ni Alec De Vera. Una, masyadong mapanganib. What if he's just trying to mess with her and prove how much of a whore she truly is? Pangalawa, paano kung kung saan siya nito dalhin? Baka sa susunod na araw ay palutang-lutang na lamang ang katawan niya sa Ilog Pasig.

But on a second thought, despite the dangerous vibe Alec is radiating, Lucy doesn't think he will ever let his hands get dirty just because of someone like her. Mukha namang maayos ang naging pagpapalaki rito ni Hailey at Vince kay hindi niya magawang matakot na iyon nga ang binabalak nito sa kanya.

Nanatili siyang tahimik at nakatingin lamang dito. Ngunit nang magsimula itong humakbang palapit sa kanya sa mabagal na paraan, halos mataranta na naman siya. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya paalis o paninindigan ang kanyang sinabing hindi siya basta masisindak ng binata.

Damn it! Bakit parang nagkakaroon ng short circuit sa kanyang isip lalo na nang manatili sa kanya ang buong atensyon ni Alec? He's looking at her as if she's the meal he will never share and his effect is driving her crazy. 

His slow footsteps echoed in the marbled hall of the art museum. Hindi niya alam kung dapat siyang magpasalamat na huminto ito isang metro ang layo mula sa kanya dahil baka kung muli nitong tawirin ang natitirang espasyo ng kanilang mga katawan ay bumigay na nang tuluyan ang kanyang mga tuhod.

He is like the storm she knew can bring the biggest catastrophe in her life, yet here she is, glued in her spot and unable to save herself from his wrath.

"Do you love him?" he asked as if it's the most casual question ever existed.

Lucy swallowed the lump in her throat. "Y—Yes."

His pools darkened, his jaw locked as if she answered his question wrong. Hindi ito kaagad kumibo. Mayamaya ay malalim itong humugot ng hininga saka ito marahas na pinakawalan. 

"Two weeks..." He rolled the tip of his tongue between his parted lips without tearing his gaze off her. "If you manage to forget Papa in two weeks while you're with me then it means you're not really in love with him."

"And who told you I'd spend two weeks with you?"

"Oh, you will." Muling lumandas ang makahulugan nitong ngisi sa mamula-mulang mga labi kasabay ng pagtaas ng isa nitong kilay. "If you really love him it means you will do everything to save his career... O baka naman hindi mo naman talaga siya mahal at handa kang sirain siya kasi nga naman gano'n ang mga kabit, hindi ba? You only care about the benefits—"

"And you think you have the power to stop me from loving him, is that what you're saying?" napikon niyang putol sa litanya nito.

Sumipol ito at muling ngumisi. "I hit a nerve, huh?"

Mariing lumapat ang mga labi ni Lucy sa isa't-isa. God-knows how many times she told Vince that she wanted to work for her needs. Ilang beses din niyang tinanggihan ang bahay at sasakyan ngunit pinilit nito.

But who is she to defend herself? Hindi rin siya pakikinggan ni Alec dahil sa mata ng lahat, siya ang anay sa pamilya De Vera.

"Listen, Lucy Sta. Maria. I said you just have to stay with me for two weeks I didn't say you're gonna have to be my own hoe." Umismid ito. "Don't tell me you're not confident with what you feel for Papa because you think I'm a better deal, hmm?"

Kumuyom ang kanyang mga kamao. Ang kapal din pala ng apog ng isang ito. "Stop putting words in my mouth, Mister."

"Well then why are you scared to spend two weeks with me?" Humakbang ito palapit sa kanya. Halos mapaatras siya kung hindi lang niya inalalang iba ang isipin nito sa kanyang pag-iwas. "Are you... Scared to fall for me instead?"

She swallowed hard and looked away. "You're not my type, Mr. De Vera."

Umismid ito, tila nagpigil ng tawa. "Then it's a deal."

"What? No—"

"I'll give you three days. You can't tell Papa about it or you wouldn't like what I'll do, Lucy. Papa will be in Thailand for the ASEAN in two weeks. Hindi ka mahihirapan gumawa ng rason." He raked his hair and towered her. "You should be thankful I'm playing nice with you. I could help Mama throw you in jail in just a snap but I'm giving you a chance to redeem yourself."

Tumaas ang kilay ni Lucy. "I didn't ask to be saved, Spiderman."

Umangat ang sulok ng mga labi nito ngunit ang mga mata ay bumalik sa pagiging mapanganib. "We'll see about that." 

He held her sunglasses and pushed it upwards to the top of her head. Nang magtama ang kanilang tingin, sandali itong natigilan na tila may kung ano itong nakita sa kanyang mga mata. Napawi ang maangas na ekspresyong nakapinta sa gwapo nitong mukha at napalitan ng tila pagkalito at pagkagulat.

Mayamaya'y lumunok ito at umiwas ng tingin. "I'll see you in three days, Lucy. I know you will show up."

Pinanood ito ni Lucy na tahakin ang daan palabas ngunit bago ito nakaliko sa sunod na pasilyo ay tuluyan siyang nagsalita.

"Why do you think I would even show up and take your offer?"

Huminto ito ngunit hindi kaagad kumibo. Nagtaas-baba ang mga balikat nito na tila malalim na huminga.

"Because you're too innocent to be a mistress." He looked at her over his shoulder with disappointment written in his olive eyes. "And we both know no woman would ever want to just stay in the sideline..."

Related chapters

  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 6

    Kabanata 6UMIGTING ang panga ni Alec nang sa pagpasok niya sa dining area ng mansyon ay naabutan niya ang Presidenteng pinaghihila ng bangko ang unang ginang. Dr. Hailey smiled at her husband as if she wasn't crying for several days because of the President's infidelity. Napakagaling nitong magpanggap sa harap ng Presidente ngunit hindi nito maitatago kay Alec ang pait na nakapinta sa singkit na mga mata.Napailing na lamang si Alec nang halikan ni President Vince ang ulo ng asawa. He even whispered something in the first lady's ear that made her giggle before he kissed the back of her hand. How could he act so sweet and perfect when he's doing nasty things behind the first lady's back? Hindi masikmura ni Alec ang pagpapanggap na nagaganap, at kung may pagpipilian lamang siya ay baka umalis na lamang siya sa lugar habang maaga.Nabaling sa kanya ang tingin ni Dr. Hailey. Her smile suddenly became awkward as if she's hoping he won't

    Last Updated : 2021-04-08
  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 7

    Kabanata 7TATLONG oras ang naging byahe nina Lucy at Alec patungo sa isang aviation port sa Subic. Puputok pa lamang ang araw nang sabihin ng binata na mula roon ay gagamitin nila ang private helicopter nito. Sa totoo lang ay takot siyang sumakay sa mga ganoong uri ng sasakyan, at nang mapansin ni Alec ang kanyang pagkabalisa, bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito."What now? You're afraid of heights?" he asked while securing their luggages. Higit na maliit ang maleta nito kumpara sa kanya at naghuhumiyaw ang pink na kulay ng kanya kumpara sa kulay abo nitong trolley.Lucy held her other arm and looked away while tapping her right foot on the cement ground. "I'm... I'm not comfortable with this... Thing. Baka... Bumagsak."Alec let out a soft chuckle. "As if cars won't crash? Kung oras mo, oras mo. You tried killing yourself how many times, Lucy but look at you? Still alive and kicking."Siniman

    Last Updated : 2021-04-08
  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 8

    Kabanata 8PAGKABUKAS ni Alec ng pinto ay nilingon niya si Lucy na tahimik lamang na nakabuntot. Kanina pa umiikot ang tingin nito sa kanyang bahay, halatang namamangha lalo sa koleksyon niya ng artworks. Isa sa napag-alamanan niya tungkol sa dalaga ay ang hilig nito sa sining. She's into pottery but never actually tried it herself. She appreciates ancient architecture, too but she's more into paintings especially expressionism.She, herself is an expressionism artist based on her artworks sold for an arm and a leg without anyone actually knowing. Maraming nag-akalang nakapag-aral sa ibang bansa ang pintor sa likod ng mga painting na likha ni Lucy. Alec thinks she has a life waiting for her only if she will go back to the right path. Iyong hindi ito nagiging sanhi ng pagkasira ng relasyon ng iba."We'll stay here. This is the master's bedroom." Tinuro niya ang pinto patungo sa banyo. "If you wanna take a shower, that's the bat

    Last Updated : 2021-04-08
  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 9

    Kabanata 9“TANG, hindi ho siya si Andeng.” Lumapit si Alec sa matandang lalake saka ito inakbayan. “Si Lucy ho ito.”Lumamlam ang mga mata ni Tatang Abner. Humawak sa kanyang braso ang nanghihina nitong kamay saka ito bumuntong hininga, tila nanghihinayang. “Akala ko ay si Andeng na. Katinig ni Rodessa, Alec.”Napakunot ng noo si Alec saka niya sinulyapan si Lucy na tila naguguluhan sa nagiging takbo ng usapan. She was glued on her spot, her confused eyes just staring at the old man.Napabuntong hininga si Alec bago gumuhit ang payak na ngiti sa kanyang mga labi. “Mabuti pa kayo naaalala ang boses ni Mama.”Lucy breathed in deeply. “M—Mama mo?”He nodded as he looked at her again. “Unang umampon sa’kin. She’s dead.”Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Lucy. “I’m sorry to hear that.”“It’s fine,” he replied in a breathy way as he stood straight. “Fif

    Last Updated : 2021-04-08
  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 10

    Kabanata 10FIRST day at the ranch wasn’t bad. Mabait kay Lucy ang lahat at natutuwa siyang nagkaroon siya kaagad ng kaibigan. Akala talaga niya noong una ay lalamunin siya nang buhay ni Caren. Good thing their conversation went smooth. Tuwang-tuwa ito sa kanyang kutis na natural na morena. Sabi nga nito ay bagay niya ang kanyang kulay. She possesses the real Filipina beauty from her complexion to her facial features. It doesn’t follow the mainstream beauty standard of white people and she’s happy another Filipina appreciates it.Naging abala si Alec sa pag-check sa mga alaga nitong hayop at dahil hindi pa siya nakakabawi dahil sa naging means of transportation nila, hinayaan na lamang siya nitong magpahinga sa silid. Hindi siya nakatulog at inabala lamang niya ang sarili sa panonood ng ilang video sa internet. Nang magsawa ay lumabas siya ng silid at naglakad-lakad sa bahay.Naabutan niya si Tatang Abner na nagpapahangin sa l

    Last Updated : 2021-04-08
  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 11

    Kabanata 11NAKAPANLALAMBOT. Iyon ang unang salitang pumasok sa isip ni Lucy nang simulang angkinin ni Alec ang kanyang mga labi. Hot, sultry, and felt like it's going to be the last time he will ever have a taste of her lips. Para tuloy siyang iniaangat sa ere at idinadala sa ulap. Or perhaps she's like a flower getting sucked by the bees, slowly losing herself as he branded her lips with his.It was wrong to feel such fiery electricity because of his kisses, but seems like her brain suddenly had short circuits that she didn't know how she's going to react. Tila inuubos nito ang katinuan niya, tinutupok ang bakod na akala niya ay sapat na upang protektahan niya ang kanyang sarili, at inaangkin ang teritoryong alam nitong pag-aari ng iba.Mali. Maling-mali, ngunit habang nadarama niya ang mainit nitong halik, isang pag-amin ang dumapo sa isip ni Lucy.Alec is a way better kisser than Vince De Vera. Way better in all

    Last Updated : 2021-04-08
  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 12

    Kabanata 12“ALEC, relax ka lang,” ani Caren nang marinig nila ang sinabi ni Alec sa veterinarian.“Oo nga, pare. It’s not like I’m gonna hit on your girl or something,” sagot naman ng lalake saka ngumisi.Alec’s jaw moved before he sipped on his beer. “Relax my ass,” he murmured before glancing at Lucy.Napabuntong hininga tuloy si Lucy. “Should I change to something longer nang hindi ka nagkakaganyan?”“Nah.” He leaned his body closer to her and held on the edge of her seat. “You can wear whatever you want. Walang makakabastos sayo rito hangga’t nandito ako.”She sighed and took a sip on her beer. “Ikaw lang, gano’n ba?” she asked with a hint of bitterness.Napatitig sa kanya si Alec nang muli siyang sumimsim sa kanyang beer. Nang balingan niya ito ay bahagya nang nakatikwas ang mga labi na animo’y nagpapaawa. Ano na namang trip nito?Nanahimik na

    Last Updated : 2021-04-08
  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 13

    Kabanata 13INABOT na ng madaling araw ang kasiyahan. Halos dumukdok na sa mesa ang karamihan habang si Tatang Abner ay nagpaalam nang mauuna nang matulog.Everyone greeted him again and wished him more years to live. Nginitian naman sila ng matanda saka kunwari ay nagpakita ng muscle."Huwag kayong mag-alala dahil malakas pa sa kalabaw ang dibdib ng Tatang. Oh, paano? Bahala na muna kayo rito. Caren, tigilan mo na ang kangangawa riyan."Nagtawanan ang lahat habang sumimangot naman si Caren. "Minus points kayo niyan sa langit."Mahinang natawa si Tatang Abner. Si Alec naman ay agad na ibinaba ang iniinom nito sa tabing monobloc saka tumayo. He fixed his shirt and went to Tatang Abner. "Halika na, Tang. Hatid na kita sa kwarto mo."Pinanood ni Lucy na alalayan ni Alec ang matandang lalake habang yakap niya ang kanyang sarili. May sinabi pa ito kay Alec na ikinangisi nito saka siya ni

    Last Updated : 2021-04-08

Latest chapter

  • Seducing The President's Mistress   Special Chapter 3

    Special Chapter 3: Armani and TeissaHUMIGPIT ang pagkakahawak ni Teissa sa tela ng kanyang damit nang marinig ang sinabi ng lalaki. Parang sumikip ang kanyang dibdib at sa sobeang kirot, halos hindi na siya makahinga. Even her limbs felt weak. Tila anumang sandali ay bibigay nang tuluyan ang kanyang mga tuhod.How could they do this to her? How could they betray her after everything? Nagpakabait siya. She listened to everything she's told to. Tapos ngayon ay ito pala ang kapalit ng lahat ng iyon?Kinagat niya ang kanyang ibabang labi kasabay ng tuluyang pagpatak ng kanyang mga luha. Paano nila siya nagawang lokohin? Kung ganoon ay planado pala ang lahat? This can't be happening!She turned her back on the slightly open door and ran. Her eyes were clouded with her tears but she didn't mind anymore. Nanlalabo ang kanyang paningin ngunit kung hindi pa siya aalis ay baka maging huli na ang lahat."Teissa! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Mana

  • Seducing The President's Mistress   Special Chapter 2

    Special Chapter 2: Dos and HaileyHALOS maiyak na si Hailey nang makitang natanggap siya sa pangarap na trabaho kahit na pilit sinira ng kanyang ina ang kanyang reputasyon sa mga kumpanya para lang sundin niya ito. Her mother wanted her to become a doctor but she didn't want to pursue it. Nang mabuntis siya sa pagkadalaga dahil sa isang one-night stand noong kolehiyo, halos patayin siya ng kanyang inang sikat na doktora. She was even named after the famous former first lady, Dr. Hailey De Vera. Kaya naman nang lumobo ang kanyang tiyan, itinakwil siya ng sariling ina."Congrats, friend! Deserve mo 'yan. Hindi ka na magpupunas ng mga mesa kapalit ng barya-barya," masayang ani ng kaibigang si Lauren na siyang tumulong para makapasok siya sa trabaho bilang magazine writer.Matamis na kumurba ang sulok ng mga labi ni Hailey. She raked a few strands of her brown hair towards the back of her shoulders. Pagkatapos ay hinaplos niya ang nguso ng tasa n

  • Seducing The President's Mistress   Special Chapter 1

    Special Chapter 1: Alea and KaliTAHIMIK na nakayuko ang binatang si Kali habang hawak ang bag na may lamang pagkain at ilang damit. Halos ayaw nitong tignan ang bawat presong pumapasok sa visiting area dahil sa totoo lamang ay ang lugar na iyon ang pinakakinamumuhian niya.Nang may maupo sa kanyang tapat ay sandali siyang lumunok. He removed the hood of his jacket then pushed the bag towards his dad. "Nagluto ho si Mama ng paborito niyong ulam."Tanging tango ang sinagot nito bago binuksan ang bag. "Iyong pinatatrabaho ko sayo, kumusta?"Kali looked away then hid his clenching hands under the table. "M--Mahirap ho.""Mahirap?" Inis itong umismid. "Anak ba talaga kita? Walang mahirap sa akin, Kali."His expression turned terrified. Alam niyang mainit na naman ang ulo ng kanyang ama dahil sa naging sagot niya. Kung hindi lang talaga dahil sa kanyang ina, hindi naman siya magtyatyagang pumunta ng kulungan."Tandaan m

  • Seducing The President's Mistress   Epilogue

    EpilogueTULAK ni Andrea ang wheelchair ng ina habang karga naman ni Alec ang kanilang anak. Binisita nila ang puntod ni Presidente Vince at ng kanilang munting anghel. Kagagaling lamang nila sa Justice Hall kung saan tuluyang nahatulan ng panghabambuhay na pagkakakulong si Joel Sta. Maria. Ang kanya namang ama ay nakatanggap ng mas mababang parusa dahil sa pag-amin nito sa kasalanan, habang ang ina naman ni Vince ay namatay matapos matanggap ang hatol ng korte. Even Joel's parents and the woman who sold Andrea to them paid the price of their crimes, and the justice Andrea once thought would never be given to her, was finally served.Naabswelto ang kanilang Mama Hailey matapos umamin ang ina ni Vince na ito lamang ang ginamit na front sa krimen. Now their Mama Hailey is recovering from the operation and living with them in Cagayan. Mahirap man para rito na tanggapin ang sakripisyong ginawa ng asawa, sinigurado ni Alec at Andrea na nasa tabi sila nito.&nbs

  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 70

    Kabanata 70PIGIL na pigil ni Alec at Andrea ang mga sarili habang pinagmamasdan ang anak na maglaro kasama ang lolo nito. They were in the hospital's playground. Humahagikgik si Alea tuwing itutulak ng lolo nito ang swing."Yoyo swide! Swide Awea!" ani ng kanilang walang muwang na anak saka ito lumipat sa slide.Parang prinsesa itong inalalayan ni President Vince habang paakyat ito sa hagdan ng slide. Nang makapwesto ang bata ay nag-abang naman ang presidente sa dulo ng padulasan."Mommy, dadjie!" she waved at them before she went down the slide. Sinalo naman ito ng presidente at kinarga. He even tickled his grand daughter, and every giggle coming from Alea broke Alec and Andrea's heart.Mayamaya ay napansin nilang natulala ang presidente sa apo nito kasabay ng pagguhit ng basag na ngiti sa mga labi nito. He pushed the strands of Alea's hair towards the back of her ear before he pecked a gentle kiss on his granddaug

  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 69

    Kabanata 69TAHIMIK na pinanonood nina Alec ang balita tungkol sa pagkakadakip kay Joel Sta. Maria. Rhen was sitting on the couch with a lollipop in her mouth. Malamig ang ekspresyon nitong kinasanayan na rin ni Alec sa ilang araw itong nakakasama. Sa tabi nito ay ang kilalang hotelier na si Klaze Ducani.Nang makita nila ang itsura ng mugshot ni Joel ay nalukot ang noo ni Alec. His gaze drifted towards Rhen and Klaze Ducani. When Rhen felt him staring, she cocked her brow and removed her lollipop. "What?""Akala ko pinatikim mo lang? Bakit parang hindi na makilala?" tanong ni Alec. Paano ay halos maga ang mukha ni Joel. Naka-wheel chair din ito at ang ilong at panga ay basag.Klaze swallowed hard before he losen his tie. "Uh..." Alanganin itong tumawa. "Iyan kasi 'yong tikim pa lang. Kung hindi 'yan tikim, wala na sana 'yang binti o kaya kamay."Napakurap si Alec. Sandali siyang natahimik habang nakatulala kay Rhen. "God, you're such

  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 68

    Kabanata 68PILIT na tumakbo si Andrea at Hailey sa kakahuyan kahit na hindi na nila alam ang tamang direksyong dapat na tahakin. Joel kept teasing them. Pinanaputok nito ang baril pagkatapos ay hahalakhak na parang demonyo. His voice echoed in the woods, making Andrea shiver. Ngunit sa totoo lang ay hindi niya alam kung natatakot ba siya para sa sarili niya o para na rin kay Hailey.Halatang hindi na nito kaya ang mabilisang pagtakbo, ngunit kahit hapong-hapo na ito ay hindi nito binibitiwan ang kanyang kamay. It was as if she's seeing a different Hailey. Kapag sinasabi nitong makakaligtas sila at babawi pa ito, lumalambot ang kanyang puso lalo kapag nakikita niya ang sinseridad sa mga mata nito.But before her heart gets thawed by Hailey's words, kaagad na niyang binabalutan ng galit ang kanyang puso. Hindi niya pwedeng basta na lamang ibigay rito ang kapatawaran. Hindi niya maintindihan kung bakit ngunit pakiramdam niya, kasinungalin

  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 67

    Kabanata 67MARAHAS na hinampas ni Alec ang mesa nang sabihin ng mga awtoridad na wala pa ring balita tungkol sa kung saan dinala ni Joel ang kanyang asawa. Natagpuan nila ang sasakyang ginamit sa isang abandonadong building sa Isabela at ang sabi ng mga pulis ay mukhang nagpalit ito ng sasakyan upang makatakas.He avoided the expressways. Ang hula rin ng mga pulis ay marahil nakalayo na ang sasakyang ginamit bago pa man sila nakapaglagay ng checkpoints."Damn it!" Nahilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Is this the best you can do?!"Rhen Ducani crossed her legs while staring coldly at the ipad she was holding. Kanina pa ito tahimik at tila walang pakialam sa nangyayari kaya lalo lamang napipikon si Alec. Nakapasak din sa tainga nito ang airpods kaya pakiramdam niya ay wala talaga itong balak na makinig sa anumang pinag-uusapan nila."We'll search this part. Baka sakaling hindi pa nakakalabas sa bahaging 'to a

  • Seducing The President's Mistress   Kabanata 66

    Kabanata 66KAAGAD na umigting ang panga ni Alec nang makita ang unang ginang sa harap ng bahay ni Armani. Ang sabi ng mga tauhan sa rancho ay nagtungo raw ito roon at hinahanap si Andrea ngunit nang sabihing wala ito roon ay sinubukang tanungin kung nasaan siya. Alam nina Kiko na hindi ito nais makita ni Andrea kaya nagbakasakali ang unang ginang na magtungo kina Armani nang paalisin nila ito sa rancho."Just because your husband pulled some connections to keep you free during trials doesn't mean I won't do everything to put you behind bars." He folded his arms and sharpen his gave. "Umalis na kayo habang may pasensya pa ako."Lumamlam ang mga mata nito. "Alec, kausapin mo muna ako. Mahalaga ang sasabihin ko."Umismid siya at tinaasan ito ng kilay. "Ganyan ba talaga kapag alam na talo sa kaso? Biglang babait? Wala tayong dapat pag-usapan. Sapat na ang ginawa ninyo sa nanay ko."Akmang tatalikuran niya ito nang hawakan niya sa b

DMCA.com Protection Status