Third Person POVSa loob ng malaki at magandang office, napabuntong-hininga si Don Vito habang nakatitig sa maliit na sobre sa ibabaw ng mesa. Isang simpleng bagay, pero ang laman nito ay mahalaga, isang gantimpala, isang tanda ng tiwala para sa kanyang bagong spy.âYou did well,â seryoso niyang sabi habang nakahilig siya sa kaniyang upuan at magkadikit ang mga daliri sa harap ng mukha. âDahil sa âyo, buhay pa ako. At dahil sa âyo, alam ko na kung sino talaga ang mga kalaban ko.âSa harapan niya, naroon ang isang taong nakayuko. Hindi ito nagsasalita, hindi gumagalaw, tahimik pero maganda ang ngiti habang nakatingin kay Don Vito. Alam ni Don Vito na may bago siyang galamay. Bagong spy na malaki ang magiging ambag sa kaniya.Iniabot niya ang sobre habang nakangiti. âKunin mo. Hindi matutumbasan ng pera ang katapatan mo, pero para sa ngayon, ito na muna ang pasasalamat ko sa iyo.âDahan-dahang lumapit ang spy at kinuha ang sobre. Alam niyang may malaking halaga sa loob nito, pero higit
Samira POVHindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko matapos kong mabalitaan ang masamang balita na âyon.âAnswer the phone... please, answer the phoneâŠâ paulit-ulit kong bulong habang nanginginig ang kamay ko sa pagpindot ng number ni Manang Cora. Ilang beses ko nang sinubukan, pero puro voicemail lang ang bumabalik sa akin.Wala na sila roon. Wala na silang lahat sa hacienda.Nagngitngit sa galit si Miro. âWhat the fuck is happening?!â Napahawak siya sa buhok niya na halatang hindi alam kung paano tatanggapin ang balita. âHow the hell did they disappear just like that?!âWala akong masagot. Nangangatog ang katawan ko habang pilit kong iniisip ang posibleng nangyari. Hindi puwedeng natunton na sila ni Don Vito. Hindi puwedeng... nawala na sila ng tuluyan.Mabilis akong lumingon kay Miro na tahimik na lang bigla habang nakatitig sa akin. Kitang-kita ko ang tensyon sa mga mata niya. Alam kong iniisip niya ang parehong bagay na posibleng nangyariâsaan dinala ang mga Manang?
Miro POV Tahimik kaming nagmi-meeting ng mga tito ko sa isang kuwarto rito sa manisyon ko. Seryoso akon nakatingin sa kanila habang sinusuri ko ang mukha ng tatlong lalaking nasa harapan ko. Si Tito Zuko, Tito Sorin, at Tito Eryx.Kailangan kong malaman ang katotohanan. âTell me,â malamig kong sabi habang tinapik ang daliri sa ibabaw ng mesa. âWho do you think is the spy?âNagkatinginan sila. Si Tito Zuko ang unang sumagot. âI have no idea,â aniya at umaatras sa kanyang upuan. âThereâs no solid proof. We canât accuse anyone without evidence.âSumandal ako sa upuan ko, hindi natuwa sa sagot niya. Ang gusto ko kasi ay malaman agad-agad ang lintik na spy, kung may spy nga talaga sa imperyo ko. Kakaumpisa palang pero ganito na agad. Kung nabubuhay si mama, tiyak na hindi siya matutuwa kasi hindi ako magaling. Bukod sa palpak na ang unang subok nang pagpatay namin kay Don Vito, palpak agad. Tapos malaman-laman ko na may spy pa ngayon. Lintek talaga, hindi ako natutuwa ngayon.âWell, I hav
Samira POVNapatingin ako kay Amira habang tahimik na nakikinig sa pulong-pulong dito sa manisyon ni Miro.Si Miro ay abala naman sa pagbibigay ng utos sa mga tauhan niya tungkol sa mga negosyo niya. Hindi man halata, pero alam kong nakikiramdam din siya. Lalo na tuwing may kinakausap siyang tauhan, panay ang sulyap niya kay Amira na parang sinusuri ang bawat kilos nito.Minsan, napapansin kong inilalabas ni Amira ang cellphone niya. Hindi ko alam kung nagte-text siya o may tinitignan lang, pero tuwing lalapit ako, agad niyang itinatago ang cellphone niya sa ilalim ng mesa. Isang beses, inabutan ko siyang nagbabasa ng isang bagay sa screen niya. Dahan-dahan akong yumuko, kunwari ay may kinuha sa sahig, pero bago ko pa masilip kung ano ang nasa phone niya, mabilis niya itong inilagay sa bulsa niya. Tumaas tuloy ang kilay ko nun. Hindi ko gustong magbintang, pero bakit parang may itinatago siya?Nang matapos ang meeting, nagpaiwan si Amira sa loob ng opisina ni Miro. Hindi ko alam kung m
Miro POVMay masamang balitang dumating sa akin habang nasa opisina ako at nakatingin sa malawak na bintana ng mansiyon ko. Si Tito Zuko ang tumawag sa akin na siyang dahilan kung bakit ang stress ko ay lalong lumala.âMiro, may nanloob sa bahay nina Papa Mishon at Lolo Everett mo.âNapatayo tuloy ako mula sa kinauupuan ko. Hindi ko na hinayaang tapusin pa ni Tito Zuko ang sasabihin niya. Pinutol ko agad ang tawag niya at nagmamadaling lumabas ng opisina.Sa hallway, nasalubong ko si Samira na may hawak pang papel, sure akong galing sa isang report iyon ng business ko.âMiro, what happened?â tanong niya nang makita niya akong wala sa wisyon, pero hindi ko siya sinagot. Dumiretso akong lumabas ng mansiyon at mabilis na sumakay ng sasakyan. Mabilis ko itong pinapunta sa bahay nila Papa Mishon.Pagdating ko roon, sira ang gate, may bakas ng dugo sa harap at may ilang pulis na kasalukuyang kinakausap ang mga tauhan ng pamilya ko. Ang buong paligid ay amoy pulbura at dugo. Takot na takot ak
Samira POVPagkatapos ng halikan naming iyon sa terrace ng manisyon, hindi na ako nagdalawang-isip nang hawakan ako ni Miro sa kamay ko at hinila papasok sa kanyang bedroom. Tahimik lang kami habang papunta doon, pero ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko.Nang maisara niya ang pinto, hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya nang mahigpit.Ngayon na lang ako makakaranas ng ganito. Hindi ko na rin kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko. Lalong tumatagal na nakakasama ko si Miro, lalo ring lumilinaw na gusto ko siya at gusto ko siyang mahalin.Kanina, nung makita ko kung gaano siya kalungkot, gustong-gusto ko talaga siyang ma-comport. Nabanggit na rin kasi ng mga tito namin ang nangyari kaya alam ko na ang dahilan kung bakit malungkot siya. At para sa akin, dapat lang na ma-comport siya.Kaya kanina, tinabi ko na talaga ang pagiging mahiyain ko, lumapit na ako sa kaniya at nilakasan ko ang loob ko na yakapin siya.âIâve been holding this back for so long,â bulong niya sa
Samira POVPaglabas namin ni Miro sa kuwarto, nagkaniya na kami ng kilos, pero dapat sumunod ako sa kaniya kasi personal bodyguard niya pa rin ako, pero dahil napansin kong pumasok si Amira sa kuwarto niya, siya ang sinundan ko kaysa kay Miro. Nagtatakbo siya papunta sa kuwarto niya na para bang iba ang kinikilos. Malakas na ang kutob ko na may something sa kaniya kaya magkakaalaman na ngayong.Maingat akong lumapit sa pintuan ng kuwarto niya habang bahagyang nakabukas kaya hindi ko na kinailangang gumawa ng ingay. Sumilip ako at nakita kong hawak niya ang cellphone niya, kausap ang kung sino man sa kabilang linya. Dahan-dahan kong inilabas ang sarili kong cellphone at ini-on ang camera, at palihim siyang kinuhanan ng video bilang ebidensya ko.âHeâs alone. This is the perfect time. Iâll handle it,â malamig na sabi ni Amira sa kausap niya sa telepono.Napangisi ako sa narinig ko habang pilit inuunawa ang mga narinig ko. Sino ang kausap niya? Halos manginig tuloy ang kamay ko nang mas
Miro POVNang mapanood ko ang video na kinuha ni Samira, lalo akong napahanga sa kaniya. Hindi lang siya matalino, matapang din siya at magaling talaga. Hindi ko inaasahan na tutuparin niya na siya ang huhuli at hahanap ng anay dito sa manisyon ko.\Nakatali pa rin si Amira sa upuan, ang dugo sa kanyang mga sugatang braso at binti ay nagsimula nang dumikit sa kanyang balat. Nanginginig siya, hindi dahil sa sakit, kundi dahil alam niyang wala na siyang ligtas ngayon.âYou lied to me, Amira,â malamig kong sabi habang nakatayo sa harapan niya. âI let you into my empire. I trusted you. And this is how you repay me?âNapayuko siya at halos hindi makatingin sa akin. Pero alam kong hindi iyon dahil sa pagsisisi. Alam kong iniisip pa rin niyang may paraan siyang makatakas pa.âMiro, please... Let me explainââSa inis ni Samira, bigla niyang tinadyakan ang mukha ni Amira. Napangiwi ito at halos dumugo ang ilong niya.âExplain mong mukha mo!â sigaw ni Samira. Ang init ng ulo ng bebe ko, palibha
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkainâisang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.âYou need to eat more,â sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. âYou need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.âNgumiti lang siya sa akin. âSalamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.âHabang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.âAng mga manang pala, kumusta na sila?â tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos âdi na makalakad ng maayos.âPrepare his room,â utos ko sa isa sa mga tauhan. âMake sure itâs comfortable. Ramil needs full rest.âNagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.âRamil, the doctor will be here in ten minutes,â sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.âThanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung âd
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.âWe finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.âOkay, start with your stance,â sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. âFeet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.ââLike this?â tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.âYes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sĂ«x. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.âRamil?â mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.âSamira,â bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. âWalang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.âSamira, come with us today. Letâs do something fun,â sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapangâkahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.âSamira, ija,â mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakapâmahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.âThank you, Samira. Thank you so much,â bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. âIâm really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa âyo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.âYou okay po, Maâam Samira?â tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para