Ada POV Sa sandaling sinabi ko kay Mishon na asikasuhin agad ang flight namin papuntang Paris, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad niyang tinawagan ang assistant niya para ayusin ang lahat ng kailangan. Alam kong para sa kanya, walang mas mahalaga kaysa sa kapakanan ko at ng baby namin. Ngayong araw, nagpasya akong ilaan ang buong maghapon sa bonding kasama sina Lili, Sozia at Ardella. Alam nilang aalis na kami ni Mishon pabalik ng Paris at wala na silang magagawa para pigilan ako. Hindi ko rin naman sila masisisi kung gusto nilang umalma, pero ipinaliwanag ko nang maayos na hirap ako sa pagbubuntis—lalo na sa morning sickness ko. St gusto kong nasa tabi ko lang si Mama Franceska para maalagaan ako. Gusto ko ring makabalik na si Mishon sa business niya, lalo na’t magiging tatay na siya at kailangan niyang mas paghandaan ang future namin. Kaya habang may oras pa kami, sinulit namin ang araw. Sinimulan namin ang bonding sa isang masarap na brunch sa private garden ng mansion. Nag
Mishon POV Nang magising ako ng umagang iyon, alam kong may isang mahalagang bagay akong kailangang unahin. Si Ada. Habang abala ang mga staff ko sa pag-aayos ng mga gamit namin, nakita kong tahimik lang si Ada sa gilid, hinihimas ang tiyan niya. Mula nang malaman naming buntis siya, nag-iba ang mundo ko. Hindi na lang ito tungkol sa negosyo, sa Tani Wine Company o sa mga plano ko sa South Korea. Ngayon, may mas mahalaga at iyon ay ang pamilyang binubuo ko. Hindi na ako bata, papunta na ako sa pagiging daddy kaya kailangan, bawat ginagawa ko ay pinag-iisipan kong mabuti. "Are you okay, Ada?" lumapit ako at hinaplos ang likod niya. She looked up at me with a tired smile. "I’m fine. Just a little dizzy." Inalalayan ko siya paupo at pinainom ng tubig. Hindi puwedeng mapagod siya. Masyado na siyang sensitive ngayon kaya gusto kong siguraduhin na maayos ang lahat para sa kanya. Paglabas namin ng bahay, handa na ang mga bodyguard. Mas marami sila ngayon dahil alam naming marami ang ta
Mishon POVPagkagising ko kaninang umaga, alam kong oras na para bumalik sa mansiyon. Pinayagan na ako ni Ada na bumalik sa trabaho, kahit na may pangamba pa rin akong iwan siya. Ngunit nandoon naman si Mama Franceska para alagaan siya, kaya panatag na rin kahit papaano ang loob ko.Humalik ako ng marami kay Ada bago ako umalis. Sinabi ko sa kaniya na kapag may time ako mamaya, mag-videocall kami.Pagdating ko sa mansiyon, agad akong dumiretso sa opisina ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko nang makita ko ang tambak ng papeles na naghihintay sa akin sa mesa."Damn, looks like I have a long day ahead," bulong ko sa sarili habang hinawakan ang isang folder. Ang daming kailangang ayusin. Mga kontrata, supply orders, expansion plans.Parang mas nakaka-stress pa ito kaysa sa pagbabantay at pag-aalaga ko kay Ada. Pero habang sinusuri ko ang mga dokumento, hindi ko maiwasang mapangiti. Patuloy ang pag-angat ng Tani Wine sa market. Isa itong malaking good news.May mga pagkakataon na
Mishon POVNang gabing iyon, matapos ang mahabang araw ng trabaho ko, nagdesisyon akong makipag-video call kay Miro. Kasi panay na ang message niya sa akin. Hindi ko alam kung paano magsisimula, pero isang bagay lang ang sigurado ako, ito ang unang beses na makikita ko siya nang harapan, kahit sa screen lang.Nag-ring na ang pagtawag ko sa kaniya at ilang saglit lang, lumitaw ang mukha ng isang binatilyong may magandang ngiti.At sa unang pagkakataon, nakita ko si Miro na hindi lang picture kundi gumagalaw talaga. Kahit nasa camera lang, hindi ko maikakailang anak ko siya. May hawig kami, mula sa hugis ng kanyang mukha hanggang sa ekspresyon ng kaniyang mga mata."Hi, Papa!" masiglang bati niya na tila ba matagal na niya akong hinihintay. Ang cute ng boses din.Napangiti ako. "Hey, Miro. How are you?""I'm good! It's really nice to finally talk to you. I mean, I’ve seen pictures of you, but this is different. You look just like me!" Tumawa siya at sa sandaling iyon, parang may gumaan
Ada POVMasama na naman ang pakiramdam ko pagkagising ko. Ilang araw na rin akong ganito, pagmulat pa lang ng mata, parang umiikot ang paligid ko at sa bawat galaw ko, parang may kumukurot sa sikmura ko. Hindi biro ang pagbubuntis, lalo na para sa isang katulad kong unang beses maranasan ito. Ganito palagi nung nasa Korea pa ako, pero kahit na nandito na ako sa puder ng mama ko, mahirap pa rin talaga. Nakakalata sa pakiramdam."Anak, bumangon ka na at maghanda. Pupunta tayo sa doktor mo ngayon," malambing na paalala ni Mama Franceska habang binubuksan ang mga kurtina sa kwarto ko."Yes, Ma. Let me take a quick shower," sagot ko habang pilit na pinapatatag ang boses ko kahit nahihilo pa rin ako.Inalalayan pa ako ni mama na pumunta sa banyo kasi baka mabuwal ako dahil sa hilo. Gusto pa sana niya akong paliguan, kaya lang ay nahihiya ako kaya ako na lang.Pagkatapos kong maligo at magbihis, agad akong sumama kay Mama papunta sa clinic ng OB-Gyne ko rito sa Paris.Hindi na kami naghintay
Ada POV Maganda ang sikat ng araw ngayon, ang daming tao sa farm dahil nagha-harvest na ulit ng mga bulaklak ang mga tauhan ni mama. Kapag ganoon, nasa loob lang ako kasi ayokong maistrobo sila, tiyak kasi na pagtitinginan ako ng ilang at ang iba pa ay baka magpa-picture. Mabilis lang naman sila mag-harvest, mga isa o dalawang oras lang ay tapos na. May mga piling bulaklak lang kasi ang dapat nilang pitasin at may hindi pa kasi maliit. Nung tahimik na ang farm, sakto naman na dumaan si Verena sa villa dahil free day niya at walang trabaho. Sakto namang nandoon si Yanna kaya nagpasya kaming mag-bonding sa kubo sa harap ng villa. Para mas masaya, nag-set up kami ng DIY samgyupsal. Habang abala ako sa paghahanda ng mga side dishes, si Yanna naman ay nagluluto ng karne sa mini grill na inilagay namin sa gitna ng mesa. Si Verena, sa kabilang banda ay abala naman sa pag-juice ng mga orange at pinya na bigay ng mama ko. “You know, I feel like I’m the next Ada,” natatawang sabi ni
Ada POVDumating na si Mishon sa villa namin, kung saan naka-set up ang media team sa mismong flower farm ng Mama Franceska ko.Ang daming camera, ang daming tao. Nakakapanibago, pero hindi na rin ito bago sa akin. Masyado ng maraming tanong ng mga tao kaya oras na para sagutin ang lahat ng iyon.Pagbaba ni Mishon mula sa sasakyan, agad niyang binati sina Mama at Papa. "Good afternoon po, mama at papa," bati niya nang magalang sa parents ko sabay kindat sa akin bago ako hinila papunta sa kanya para yakapin."You look beautiful," bulong niya habang mahigpit ang yakap niya sa akin. Tatlong araw kaming hindi nagkita at puro videocall lang. Na-miss ko rin ang bundol na ito."Stop being cheesy. We have an interview to do," sagot ko pero hindi ko napigilang ngumiti.Matapos ang ilang saglit na pakikipag-usap niya kina Mama at Papa, pumasok na kami sa loob para magpaayos. Nandiyan na ang glam team ko para siguruhing maayos kami sa harap ng kamera. Simple lang ang ayos ko ngayon, light makeup
Mishon POVMedyo nakakasanayan na ni Ada ang morning sickness, hilo at panlalata niya kaya nag-decide siyang sumama naman sa manisyon ko.Nawawalan din kasi ng trabaho ang mama niya sa kakaalaga sa kaniya kaya mag-stay muna siya ng matagal sa piling ko, tutal ay hindi naman na ako kagaanong busy sa business ko.Nung umagang iyon, hinila ko si Ada palapit sa akin habang hawak ang cellphone habang handa nang makipag-video call kay Miro.“I want you to meet him properly,” sabi ko kay Ada habang naghihintay na sagutin ni Miro ang tawag.Tumango lang siya, pero kita ko sa mukha niya ang excitement. Tanggap na niya si Miro at gusto kong makita niya kung gaano ito kabibo at kasaya.Ilang sandali lang, lumitaw na sa screen si Miro. Pero laking gulat ko nang mapansin kong wala siya sa bahay nila kasi iba ang background niya ngayon, parang background na kilala ko, sa bahay namin sa Pinas.“Papa!” masayang bati ni Miro sabay kaway sa amin.Sa background, nakita kong nasa mansiyon siya sa Pilipin
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para