Ada POVDati, hindi ko akalain na magiging ganito kasarap ang pakiramdam ng tumulong sa iba. Ngayon, habang tinitingnan ko ang excited na mukha ni Yanna, alam kong isa ito sa mga bagay na gusto kong ipagpatuloy—ang makita ang mga pinsan kong unti-unting naaabot ang mga pangarap niya.May Nakapansin na kay Yanna, kaya masaya ako.Kahapon lang, nag-photoshoot kaming tatlo nila Yanna at Verena sa isang simpleng shoot lang na ginawa namin para magpapansin sa social media at sa mga possible endorsers.At hindi lang basta napansin si Yanna—may nag-email na mismo sa kanya!Pagdating ko sa flower farm ni Mama Franceska, nakita kong tumakbo palapit sa akin si Yanna, hawak-hawak ang cellphone niya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya na parang bata na nanalo sa isang contest."Ada! Ada! Look! I got an email!" sigaw niya habang humahangos sa pagtakbo.Napangiti ako at inabot ang phone niya. Pagbukas ko ng email, nakita ko ang offer para kay Yanna.Isang shampoo brand ang gustong gawing model s
Mishon POVNgayong araw na ang alis ko dito sa Paris para umuwi muna pa-Pilipinas.Ito ang unang beses na uuwi ako sa Pilipinas habang naka-stay sa Parisna, kaya excited ako pero may halong lungkot—lalo na dahil hindi ako ihahatid ni Ada sa airport."I’ll just cry if I see you leave, so I’ll stay here." ‘Yon ang sabi niya kanina habang niyayakap ako nang mahigpit.Natawa na lang ako at hinaplos ang buhok niya. "I’ll be back soon, babe. Don’t miss me too much.""No promises."Kahit hindi siya sumama sa airport, alam kong suportado niya ang pag-uwi ko. At higit sa lahat, pinagkakatiwalaan ko siya.Nakadalawa naman siya ng sunod sa akin sa kama nitong mga nagdaang araw kasi sure akong kahit pa paano ay naging masaya siya bago ako umuwi. Heto nga at parang pagod na pagod at inaantok ako, masyado si Ada. Nung masanay na siya sa pakikipaglaro sa akin sa kama, nawili na, siya pa minsan ang nag-aaya kaya natatawa na ang ako sa tuwing bigla-bigla ay mag-aaya siya.Habang wala ako, nakaatang ki
Mishon POVPagkagising ko ng umaga, isa lang ang nasa isip ko—ang grapes farm at winery project ko dito sa Pilipinas.Handa na agad ang almusal pagkagising ko, nandoon na rin sa hapagkainan ang lahat, mabuti na lang pala at sakto lang ang gising ko.“Good morning,” bati ko sa lahat.“Aba, akala namin masasanay ka sa oras ng Paris, mabuti naman at nakasabay ka sa amin ng almusal,” sabi ni Mama Misha na una kong nilapitan para halikan sa pisngi.“Oo nga, inaasahan pa naman namin na mamayang hapon pa ang gising mo,” sabi na rin ni Papa Everett na naka-uniform na at mukhang kakain lang ng almusal at mamaya papasok na rin.“Gusto ko kasing maranasang mag-almusal kasama kayo at matagal-tagal na ulit ang uwi ko ulit ng Pilipinas,” sagot ko pagkatapos kong ikutin ang lahat para ibeso. Sina Ate Everisha at Czedric lang ang hindi bineso. Pero ang cute na si Czeverick ang pinudpod ko ng halik sa pisngi kasi napa-cute.Ang sarap kasi may mga fried pusit, fried fish at mga pinoy almusal ang nakah
Ada POVHabang tahimik akong nag-aalmusal, biglang nag-echo sa buong mansyon ang sigaw ni Verena mula sa sala. Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama nito?Mabilis akong tumayo at tinakbo ang sala habang handa sa kung anong eksena niya doon.Pagdating ko sa sala, naabutan kong nakaluhod si Verena sa harap ng laptop niya, maluha-luha na parang may pinagdarasal."Verena! What happened?!"Napatingin siya sa akin habang nanginginig ang mga kamay niya."Ate Ada… oh my God! This is it! I got the collaboration! The luxury bag deal in Paris!"Napanganga ako. Mabilis akong lumapit at sumilip sa screen niya. Binasa ko ang email at nakita kong tama nga siya. Napakalaki ng offer. Halos umabot sa milyon sa peso ang bayad para lang sa collaboration na ito."This is amazing, Verena! Congratulations!" sigaw ko habang niyayakap ko siya."Help me reply! I need to accept this now!"Tumango ako at agad kaming nagtrabaho. Ni-reply-an namin ang email, inayos ang details at siniguradong maayos ang kasund
Mishon POVGabi na nang umalis ako mula sa mansyon ng Ate Everisha ko. Dapat siguro doon na lang ako natulog. Pero hindi iyon ang nangyari kasi pinilit ko pang umuwi, kahit alam kong medyo may tama na ako sa ininom kong alak.Ngayon, kung kailan nasa biyahe na ako ay saka ko nararamdaman ang epekto nito habang nagmamaneho. Yung pangingin ko ay medyo lumalabo na parang umiikot na ang paligid sa daan.Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? Sana pala ay hindi na ako nagpapigil sa ate ko.Dahan-dahan na lang akong nagmaneho sa tahimik na kalsada. Kahit malabo ang isip ko, sinusubukan kong huwag masyadong bumilis ang pagda-drive para safe pa rin akong makauwi.Maya-maya, habang naka-focus ako sa pagmamaneho, biglang napadilat ako nang may makita akong dalawang motor na humarang sa harapan ko.Shit, sino ang mga ito?Dalawang lalaking naka-bonet ang bumaba mula sa motor. Hindi ko kita ang mukha nila.Shit.This doesn’t look good. Umatras ako.Buwisit, sinubukan kong umatras, pero hindi ko magaw
Ada POV Habang palabas ako ng mansyon, may napansin akong babae sa tapat ng gate namin. Nakasakay na ako sa kotse ko, pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Tila may hinihintay siya, mukhang matagal na siyang naroon dahil panay ang silip niya sa paligid. Naawa ako. Naisip ko rin kasi na baka fan ko. Kawawa naman kung gano’n. Mainit pa naman ngayon. Kaya bago tuluyang lumayo ang sasakyan ko, pinahinto ko ito at binuksan ang bintana. "Miss, may kailangan ka ba?" tanong ko nang malumanay ang boses. Mukha siyang pinay kaya nagtagalog na rin ako. Pagkakita niya sa akin, biglang nabuhayan ang mukha niya. Maganda siya. Sexy. Mukhang mabait din. "Hello po. Mabuti po at nakita niyo po ako. We need to talk… about Mishon po." Nagulat ako. Agad niyang nakuha ang atensyon ko. Dapat ay papunta na ako sa shooting para sa collab project ko sa isang luxury jewelry brand, pero hindi ko magawang balewalain ang sinabi niya. Bakit tungkol kay Mishon? Pero doon palang ay may kutob na ako n
Mishon POVTatlong araw na ah.Tatlong araw na akong abala sa grape farms at winery na ipinapatayo ko sa Pilipinas. Tatlong araw na rin akong hindi nakakatanggap ng kahit isang message mula kay Ada.Noong una, inisip ko lang na busy siya. Alam kong marami siyang commitments, lalo na sa modeling at endorsements niya. Pero habang lumilipas ang oras, parang may bumabagabag sa akin.Hindi na ito normal.Kahit gaano siya ka-busy, lagi siyang may oras para sa akin. Kahit mabilis na tawag o isang simpleng Goodnight message sa chat, hindi siya pumapalya.Pero ngayon? Wala. Kahit isa. Kaya naman nag-aalala na rin talaga ako.Nagri-ring ang phone ko, pero hindi iyon galing kay Ada. Mabilis ko pa ring sinagot, umaasang baka may kinalaman ito sa mga negosyo ko rito."Mishon, we need your approval for the winery storage expansion."Tumingin ako sa malawak na lupain sa harapan ko, kung saan abala ang mga tauhan ko sa pagtatayo ng bagong wine storage facility."Give me the full report," sagot ko.Bi
Ada POVHindi ko alam kung ilang beses na akong napagalitan nang hindi ko namamalayan. Minsan nasa mansiyon ako, minsan nasa flower farm ni Mama Franceska, pero wala talaga ako sa sarili. Para akong naglalakad sa loob ng isang panaginip na hindi ko kayang gisingin ang sarili ko.Kahit anong gawin ko, kahit anong ingay sa paligid ko, iisa lang ang umiikot sa utak ko.Ang sinabi ni Raya.Hindi pa rin ako makapaniwala na may anak na si Mishon sa iba.Parang paulit-ulit kong naalala iyon, sa isip ko, sa panaginip ko, kahit sa katahimikan ng gabi.Napansin iyon nina Mama Franceska at Papa Ronan.“A-ada, anak, are you okay?” tanong ni Mama Franceska habang tinitingnan ako habang abala siya sa mga bagong bulaklak sa farm niya.Hindi ko alam kung paano ako sasagot nang maayos. Pumupunta ako sa flower farm para kahit pa paano ay malibang ako sa mga magagandang bulaklak dito.“I’m just stressed with work. There’s too much of it, sunod-sunod po kasi, ngayon lang wala.”“Then don’t accept everyth
Samira POVMatagal ko nang gustong makapasok sa kuwarto nina Donya Ria at Don Vito. Sa wakas, ngayon, natupad na rin ang gusto ko. Sabi ni Manang Luz ay gusto akong makausap ni Donya Ria sa kuwarto nito kaya naman nakangiti akong naglakad papunta sa pinto ng kuwarto nila.Ang iba ay takot kapag daw pinapapasok doon, pero ako, walang takot na nararamdaman. Eh, bakit ako matatakot e, gusto ko ngang makapasok dito. Alam kong hindi basta-basta nakakapasok ang kung sino lang sa lugar na ito. At ngayong tinatawag ako ni Donya Ria, ibig sabihin may pagkakataon na akong makita ang pasikot-sikot sa loob ng kuwarto nila ni Don Vito. Mas makikilala ko na kung paano gumalaw ang dalawang pinakamakapangyarihang tao sa mansyong ito. Sa kuwarto na kung saan ay hindi ko pa napapasok.Sabi ni Manang Cora ay maghanda raw akong masaktan kasi kapag daw nagpapatawag si Donya Ria doon ay ibig sabihin ay galit ito at masasaktan ako. Sa akin, ayos lang masaktan kasi gusto ko ngang makita ang bedroom nila.Pag
Miro POVNasa loob ako ng kuwarto ko at nakaupo sa harap ng computer habang nakatitig sa profile picture ni Samira Gomez. Hanggang ngayon ay hangang-hanga ako sa dalagang babae na ito na alaga ng mga tito-tito-an ko. Ayon sa kanila, magaling daw itong assassin. Gusto kong makita kung gaano siya kagaling.Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin para makipagtulungan siya sa akin. Hindi ko gusto ang ideyang wala pa akong ginagawa, habang siya ay tila nag-uumpisa nang lumalim ang kaalaman sa buhay ng Mafia boss na si Vito Monteverde. Nakakainggit na nakakasama na niya ito sa bahay na iyon. Sa totoo lang, tanga rin si Don Vito. Wala siyang ingat. Talagang sa bahay pa niya nakapasok si Samira Gomez na hindi niya alam na papatay sa kanila. Ano kayang pinaplano ni Samira? Nakakainggit talaga. Gusto ko na ring may magawa. Gusto kong tumulong sa kaniya.Kaya nang dumating ang hapon, nagpaalam ako kay Mama Ada at Papa Mishon na may project kaming dapat gawin sa bahay ng kaklase ko. Pero ang
Samira POVUmagang-umaga pa lang, abala na sa kusina ang mga kasambahay ng pamilya Monteverde. Kanya-kanya sila ng gawain at sa akin napunta ang pagkuha ng order na karne sa farm na matagal nang supplier ng pamilyang ito. Nakasalansan na ang mga kahon sa gilid, at tila ba alam na ng lahat kung anong mangyayari.“Samira, ikaw na ang kumuha ng order. Wala pang isang oras, dapat nakabalik ka na,” seryosong utos ni Manang Luz. Ramdam ko sa boses niya ang babala. “Kapag lumagpas ka sa oras na ‘yan, baka may tumagos na lang na bala ng baril sa ‘yo.”Hindi biro ang sinabi niya. Kaya mukhang totoo na wala na akong kawala rito. Alam kong seryoso siya. Ganoon din si Manang Cora na kanina lang ay sinabihan akong mag-ingat bago ako lumabas ng mansiyon. Sabi nila, ako lang talaga ang maaaring makalabas dahil mas bata ako kaya lang ay may oras lang talaga at hindi puwedeng magtagal, kundi ay talagang papatayin ako ng mga tauhan ni Don Vito. Ang dating batang kasambahay ay kaya lang nakakauwi ay dahi
Samira POVNung buhay pa ang mga magulang ko at ang kapatid kong babae, masaya na kami kapag may isang buong manok sa hapagkainan, pero dito sa manisyon ng mga demonyo, tangina, halos lagpas sampu ang putahe sa lamesa. Nagtataka tuloy ako, bakit parang mas masarap pa ang buhay ng mga taong makasalanan? Tapos, kung sino pa ang mga mababait, sila ang hirap na hirap sa buhay? Ang gara lang.Lalo tuloy akong naiinis, gusto kong lagyan ng lason itong mga pagkain nila, gusto ko lagyan ng pako, lagyan ng blade para magkautasan na silang lahat. Nakakagigil, lalo na’t alam kong makikita ko na ngayong gabi ang hayop na Vito na ‘yon.Sa gabing iyon, isa-isa na naming inilagay sa dining area ang mga pagkain para sa hapunan ng pamilyang demonyo este, pamilyang Salvatore. Kabilang ako sa mga naatasang mag-serve ngayong gabi at hindi ko maitanggi ang excitement sa dibdib ko. Sa wakas, makikita ko na siya. Ang taong pumatay sa kapatid at ama ko. Ang demonyong naging dahilan ng pagkamatay sa atake sa
Miro POVPagkatapos ng klase ko, dumiretso ako sa hacienda ng mga tito-titoan kong sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Isang malaking selebrasyon ang mayroon doon dahil birthday ngayon ni Tito Zuko. Sa likod ng sasakyan ko, maingat kong kinuha ang regalong inihanda ko para sa kanya, isa itong mamahaling samurai na in-order ko pa mula sa Japan, last month. Hindi lang ito basta-basta espada, handcrafted ito ng isang sikat na gumagawa talaga ng mga samurai at may halagang aabot sa daang libo. Alam kong magugulat si Tito Zuko, pero deserve naman niya ito kasi malaki ang naitulong nila sa akin para maging magaling ako sa pakikipaglaban.Pagpasok ko sa malawak na courtyard ng hacienda, sinalubong ako ng ingay ng mga bisitang naroroon na. Puro mga assassin at mga taong bihasa sa pakikipaglaban ang naroon, mga kalalakihan at kababaihang sanay sa patayan, ngunit sa ngayon, ang mga kamay nilang madalas may hawak na armas ay puno ng alak at pagkain.Walang gulo.Walang tensyon.Pero alam ko
Samira POVPumasok sa kuwarto ko si Manang Percy, sinabi niro sa akin na pinapatawag ako ni Manang Luz sa kaniyang kuwarto para kausapin. Hindi ko na kailangang hulaan kung bakit.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko, matutulog at magpapahinga pa naman ako pero istorbo ang gurang na iyon.Pagdating ko sa kuwarto nito, sumalubong sa akin ang magkasalubong na kilay niya, galit na labi at halos nakayukom na mga kamao niya.“Samira, you have to learn how to behave,” bungad niya sa akin habang malamig ang tono ng boses niya. “Next time Ma’am Via bullies you, just take it. Don’t fight back, or you’ll be the one in trouble.”Tumango ako, hindi dahil sang-ayon ako, kundi dahil wala akong balak makipagtalo ngayon. Kung alam lang niya na sa loob-loob ko ay natatawa ako. Lihim akong napatingin sa mga paa niyang parehong may benda. Satisfying talaga sa akin ang pagsadyang kong pagbuhos ng mainit na kape sa mga paa niya.Sa tingin ko, ako palang ang nakakagawa nun sa kaniya. Well, deserve n
Samira POVTangina ni Manang Luz, hinila ba naman ako sa tenga habang palabas sa kuwarto ni Via. Sa inis ko, sinadya kong bitawan ang tasa ng kape sa paanan niya. Kaya pagkatapos magsisigaw ni Via, siya ang sunod na sumigaw kasi napaso ng mainit na kape ang paa niya. Akala niya, maiisahan niya rin ako. Iyon nga lang, pinarusahan niya ako. Sinabi niya na pumunta ako sa garden at magbilad sa araw ng isang oras.Ang araw pa naman ay tirik na tirik, nagbabaga ang sikat nito sa balat ko. Nandoon ako sa part na kung saan ay walang masisilungan. Parusa raw sa kasalanang hindi ko naman sadya. For me, okay lang ang parusa. Mas nakakatawa kasi ang nangyari kay Via at pati na rin kay Manang Luz.Sa totoo lang, ayos nga ito. Makakapahinga pa ako ng isang oras sa trabaho ko. Kung ganito naman pala ang parusa, masarap gumawa ng maraming pagkakamali para marami akong pahinga pala. Hindi nila kasi alam, easy lang ito para sa akin. Noong nagte-training ako sa pakikipaglaban, tatlo o hanggang limang or
Miro POVAng hangin ng dagat ay malamig habang nakasandal ako sa railings ng private yatch ni Zaven. Nasa tabi ko ang mismong may-ari ng yate na si Zaven Montenegro, naka-suot ng designer sunglasses at nakahawak sa baso ng whiskey. Sa kabilang dulo ng deck, si Dristan at Lysander ay abala naman sa pag-aasaran habang nagbibiruan tungkol sa kung sino ang may pinakamaraming babaeng naiuwi sa kanilang mga party nung nakaraang magpunta sila sa La union.Kami ang mga itinuturing na hari ng campus, mga anak-mayaman, mga hinahangaan, mga hinahangad na masungit ng mga babaeng student sa school namin. Ngunit sa kanilang lahat, ako lang ang may lihim na plano, isang planong hindi ko kailanman ipapaalam sa pamilya ko. Hindi nila kailangang malaman na ang tahimik at mapagkumbabang si Miro Tani ay may mas matinding mission sa buhay at ito ay ang paghihiganti ko sa pagpatay sa Mama Raya ko.“Are you serious about this, Miro?” tanong ni Dristan nang inilapag ang kanyang baso sa mesa. “You’re talking
Samira POVHabang hinihiwa ko ang mga gulay sa lamesa, nakilala ko na rin doon ang iba pang matagal ng kasambahay dito sa manisyon ni Don Vito.Sina Manang Josie, Manang Cora, Manang Percy, Manang Luciana at Manang Rowena. Halos lahat sila ay may edad na pala kaya nagulat din ako. Parang dito na sila nagtandaan. Napansin ko kasi na ako lang ang nag-iisang dalaga sa grupo, naalala ko tuloy ang kasambahay na sinagasaan ko. Siya lang pala ang natitirang dalaga dito noon. Ngayon, ako na ang pumalit sa puwesto niya.Napansin kong nakatingin sa akin si Manang Cora. “Hija, you should not have come here. Wala ka nang kawala. Habang buhay ka nang magiging kasambahay dito,” aniya habang patuloy sa paghihiwa ng sibuyas. Nagtaka ako, bakit kaya nasabi niya ‘yon?“She’s right,” sabat ni Manang Luciana. “You might end up just like the others... as one of Don Vito’s toys.”Manang Rowena smirked. “Or worse, you’ll be Via’s new plaything. That brat will make your life a living hell.”Tumawa si Manang