Mishon POV Nagising ako nang mas maaga sa karaniwan. Hindi dahil excited ako sa trabaho ngayong araw, kundi dahil pilit kong iniwasan ang tumambay sa mansiyon nang matagal. Alam kong nandito si Ada, at hindi ko kayang harapin siya matapos ang nangyari kagabi. Hindi ko rin alam kung paano sisimulan ang pag-uusap na iyon, kaya minabuti kong magpaka-busy na lang sa ibang bagay. Pagkatapos kong mag-agahan, agad akong pumunta sa farm upang tingnan kung nakahanda na ang lugar para sa pagdating ng isang malaking truck ng ubas mula sa supplier na kinuhanan namin sa Thailan at Vietnam. Sa wakas, natapos na rin ang mga araw ng paghihintay. Nandito na ang mga materyales na gagamitin para sa paggawa ng unang batch ng wine mula sa winery ko. Bandang alas-diez ng umaga nang dumating ang truck. Kasabay ng pagbukas ng gate ng mansiyon, pumasok ang malaking sasakyan na puno ng iba't ibang klase ng ubas. May mga Cabernet Sauvignon, Merlot, Chardonnay at Syrah na siyang gagamitin sa iba't ibang uri
Ada POVPag-uwi ko ng bahay, nauna kong narinig ang mahihinang tawanan mula sa sala. Halos automatic na ang ginagawa ko sa mga ganitong pagkakataon—isang mabilis na tingin sa paligid, tapos tuloy-tuloy na papunta sa hagdan. Ayoko nang magtagal sa lugar na iyon, lalo na kung alam kong nandoon sina Verena at Taris. Pati sa mansiyon namin ay umaaligid na si Taris. Hindi ko talaga alam kung anong pinaplano niya pero kung anuman ‘yon, hindi ko hahayang magtagumpay siya.Ang problema, hindi ko kayang iwasan ang pamilya ko habang nandito ako sa bahay. Sa bahay na kaya naitayo ay dahil sa akin, sa mga kinikita ko. Sa bahay na parang hindi sa akin dahil puro si Mama ang nasusunod.Pagkakita sa akin, parang nagliwanag ang mukha ng mama namin. Tumayo siya mula sa inuupuan niya at tinawag ako. “Ada, halika muna rito. May sasabihin ako.”Nagdadalawang-isip akong tumigil sa paglapit ko sa kaniya pero kung hindi ay baka malintikan ako, pero dahil din mukhang wala akong lusot, napabuntong-hininga ako
Ada POVMaaga pa lang, gising na ako. Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw, pero ramdam ko na ang pagod kasi pukpukan na naman ang labanan sa work ngayon. Ngayong araw na kasi ang shoot ng commercial para sa bagong perfume na pagmamay-ari ng isa sa pinakamalalaking luxury brands sa mundo. Paris ang location ngayong taon, at ito ang magiging isa sa mga highlight ng karera ko bilang isang international fashion model.Pagbaba ko mula sa kuwarto, naabutan ko si Verena sa sala, nakaupo at hawak ang phone niya. Halata sa kilos niya na hinihintay talaga niya akong bumaba."Where are you going, Ada?" tanong niya, sabay tingin mula sa kanyang telepono. Wala na talagang Ate, lapastangan na dahil kay Taris.Hindi ko siya sinagot. Lumapit na lang ako sa pinto, suot ang aking oversized sunglasses at eleganteng trench coat. Nararamdaman ko ang tingin niya habang nilalampasan ko siya. Kung dati ay sinasagot ko ang mga tanong niya, ngayon hindi na. Wala na akong oras para sa kanya. I’m Ada Hill,
Mishon POVMaaga pa lang nasa winery na ako. Palaging dito ang tambay at sa grape farm ko para makita ko kung anong nangyayaring pagbabago. Kaya lang habang nakatitig ako sa isang vine ng ubas ay biglang nag-notif ang phone ko. Hindi ako mapakali mula nang mabasa ko ang mensaheng natanggap ko kay Ada. Mamayang hapon daw, gagala siya sa mansiyon. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng dibdib ko sa simpleng mensaheng iyon, pero alam ko kung bakit ako kinakabahan. Sa tingin ko, siya na ang maglakakas ng loob na pag-usapan namin ang nangyari nung gabing ‘yon.Hindi pa kami nagkakausap nang maayos mula nang gabing iyon.Ngayong umaga, naisip kong gumawa ng paraan para ayusin ang lahat. Kaya heto ako, nasa gitna ng city ng Paris, naghahanap ng flower shop. Kailangan ko ng bulakak para sa kaniya. Simpleng bagay, pero alam kong simbolo ito ng pagpapakumbaba. Isang tahimik na paraan ng pagsasabi ng tawad sa kaniya.Habang naglalakad ako, tanaw ko ang ganda ng mga gusali at maririnig ko ang tun
Mishon POVNasa lamesa na ang lahat—ang bouquet ng white tulips, ang candle na sinindihan ko nang maaga, at ang mga bagong luto kong pizza na maayos kong inayos sa serving tray. Kahit simple lang ang set-up, parang ang laki ng ginastos ko dahil sa dami ng effort ko. Napangiti ako ng mahina habang tinitingnan ang paligid. Perfect. Malinis ang sala, nakaayos ang lamesa at ang amoy ng bagong luto kong pizza ay umaabot na hanggang pintuan.“Ready ka na ba, Mishon? Kaya mo ‘to,” sabi ko sa sarili ko.Tumayo muna ako sa gilid ng mesa, malalim ang buntong-hininga ko nang biglang tumunog ang doorbell. Dumating na siya.Binuksan ko ang pinto at agad kong nakita si Ada na bumababa na sa magarang sasakyan niya. Maganda pa rin siya, kahit simple lang ang suot niyang dress. Pero halata sa mukha niya ang pagtataka habang nakatingin siya sa paligid.“This is… unexpected,” sabi niya na halatang hindi niya inaasahan ang simpleng setup ko. “What’s all this for?”Ngumiti ako, pero medyo nanginginig pa
Mishon POVTumahimik siya ng ilang segundo matapos akong umamin. Para bang sinisiguro niya kung tama ba ang narinig niya. Pero sa halip na awkwardness, ngumiti siya nang malambot.“I appreciate your honesty, Mishon,” sabi niya. “But I hope you understand… I don’t want to rush into anything. I think it’s best if we take the time to get to know each other better.”Hindi ko napigilan ang ngumiti. Hindi ako na-reject.“Of course,” sagot ko agad. “I’m fine with that. I’m not in a hurry. I’m just happy to know that we’re okay.”Ngumiti rin siya, at tila gumaan ang paligid namin pareho. “We are. And thank you for these flowers. They’re beautiful.”Pagkatapos ng tensyon na iyon, tumigil kami sa pag-uusap at nagsimula nang kumain. Proud na proud ako sa mga bagong pizza flavors na ginawa ko. Habang hinahati ko ang unang pizza, tiningnan ko siya.“This one is prosciutto with figs and gorgonzola. It’s a bit fancy, but I think you’ll like it,” sabi ko habang natutuwa sa paghiwa ng pizza para sa ka
Ada POVPagkatapos kong basahin ang project proposal na ipinadala ng aking agency, hindi ko maiwasang mag-isip kung gaano kalaki ang poject na ito. Isang sikat na singer dito sa Paris ang gagawa ng music video at isa ako sa mga napiling guest na magiging bahagi ng produksyon. Bukod doon, makakasama ko pa ang isang pangalan na matagal ko nang naririnig—si Yuri Scott, isang tanyag na international fashion model na gaya ko.Matagal ko nang nakikita si Yuri sa mga magazine at fashion week, at hindi ko inaasahang makakatrabaho ko siya ngayon. Hindi ko maiwasang kabahan, pero kaakibat ng kaba ang excitement na parang bumabalot sa buong katawan ko. Ang guwapo kaya ni Yuri. Yes, masasabi kong isa siya sa mga crush kong fashion model. Hindi naman maiiwasan sa isang babae na magkaroon ng crush. Crush lang naman ay parang paghanga, ganoon.At kapag nalaman ito ni Taris ay tiyak na aandar na naman ang pagiging inggitera niya.Sa isang sosyal na conference room ng isang hotel sa gitna ng Paris ako
Ada POVUmaga pa lang, nakaupo na ako sa malaking dining table ng mansiyon habang nakatitig sa tasa ng kape na nasa harap ko. Sa tabi ng kape, naroon ang paborito kong croissant na binili pa ng butler namin kahapon mula sa isang sikat na bakery sa dito Paris.Sa gitna ng katahimikan ng aking pagkain ng almusal, napatingala ako nang marinig ang malalakas na yabag sa marmol na sahig.“Ada! Ano ‘tong nabalitaan ko?” galit na tanong ng mama ko habang pasugod sa akin. Nakasuot siya ng silk robe at ang kaniyang matalim na mata ay walang dudang masesermunan na naman ako ng malala. Nakasunod sa kaniya si Verena, ang kapatid kong tila ba may masamang balak na namang hatid sa akin.“Good morning, Mama,” mahina kong bati habang nilalapag ang tinidor ko sa lamesa.“Don’t good morning me! Bakit walang pumasok na pera sa bank account ko?” Lumapit siya sa harap ko at inirapan ako.Naguluhan ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na dapat may payment na pumasok para sa proyektong kakatapos ko lan
Mishon POVNgayong araw na ang alis ko dito sa Paris para umuwi muna pa-Pilipinas.Ito ang unang beses na uuwi ako sa Pilipinas habang naka-stay sa Parisna, kaya excited ako pero may halong lungkot—lalo na dahil hindi ako ihahatid ni Ada sa airport."I’ll just cry if I see you leave, so I’ll stay here." ‘Yon ang sabi niya kanina habang niyayakap ako nang mahigpit.Natawa na lang ako at hinaplos ang buhok niya. "I’ll be back soon, babe. Don’t miss me too much.""No promises."Kahit hindi siya sumama sa airport, alam kong suportado niya ang pag-uwi ko. At higit sa lahat, pinagkakatiwalaan ko siya.Nakadalawa naman siya ng sunod sa akin sa kama nitong mga nagdaang araw kasi sure akong kahit pa paano ay naging masaya siya bago ako umuwi. Heto nga at parang pagod na pagod at inaantok ako, masyado si Ada. Nung masanay na siya sa pakikipaglaro sa akin sa kama, nawili na, siya pa minsan ang nag-aaya kaya natatawa na ang ako sa tuwing bigla-bigla ay mag-aaya siya.Habang wala ako, nakaatang ki
Ada POVDati, hindi ko akalain na magiging ganito kasarap ang pakiramdam ng tumulong sa iba. Ngayon, habang tinitingnan ko ang excited na mukha ni Yanna, alam kong isa ito sa mga bagay na gusto kong ipagpatuloy—ang makita ang mga pinsan kong unti-unting naaabot ang mga pangarap niya.May Nakapansin na kay Yanna, kaya masaya ako.Kahapon lang, nag-photoshoot kaming tatlo nila Yanna at Verena sa isang simpleng shoot lang na ginawa namin para magpapansin sa social media at sa mga possible endorsers.At hindi lang basta napansin si Yanna—may nag-email na mismo sa kanya!Pagdating ko sa flower farm ni Mama Franceska, nakita kong tumakbo palapit sa akin si Yanna, hawak-hawak ang cellphone niya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya na parang bata na nanalo sa isang contest."Ada! Ada! Look! I got an email!" sigaw niya habang humahangos sa pagtakbo.Napangiti ako at inabot ang phone niya. Pagbukas ko ng email, nakita ko ang offer para kay Yanna.Isang shampoo brand ang gustong gawing model s
Mishon POV Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Habang nakatayo ako sa gitna ng Tani Wine Shop, napapalibutan ng mga bakanteng shelves at walang natirang kahit isang bote ng wine, nanginginig ang kamay ko—hindi dahil sa kaba, kundi sa sobrang saya. Ubos. Sold out! Halos hindi ako makapaniwala. Kanina lang, puno ang shop ng mga bisita, celebrities, wine lovers at curious customers. Siksikan. Maingay. Masaya. Lahat din ay nagkakagulo sa pagtikim. Ngayon, ay halos parang dinilaan ng sawa ang buong lugar. Wala nang laman ang mga display racks, wala nang natirang stock sa storage at kahit ang staff ko ay hindi makapaniwala. Bigla akong napahawak sa ulo at napatawa. "Oh my god… We did it," bulong ko sa sarili ko. Napatigil ang lahat ng staff ko sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Hindi ko na napigilan—napasigaw ako sa sobrang saya. "WE DID IT!" Nagpalakpakan ang lahat, may ilan pang napatalon sa tuwa. May mga yumakap sa isa’t isa, at ang
Ada POVOras naman para suportahan at pasayahin ko naman ang boyfriend ko. Ngayong araw, hindi lang ito tungkol sa isang grand opening ng shop ni Mishon—ito ay tungkol din sa pagtulong na pasikatin ang business niya. At gamit ang power ng pagiging sikat ko, gagamitin ko ang social media mamaya para tulungan siya.Matagal na niyang pinaghirapan ito, at ngayon, sa wakas, binubuksan na niya ang unang wine shop ng Tani Wine Company sa sentro ng Paris. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para ipakita ang buong suporta ko.At hindi lang ako ang pupunta. Kasama ko sina Yanna at Verena, at kahit hindi namin ito planong gawing isang modeling event, gusto kong siguraduhin na magmumukha kaming tatlong diyosa sa gabing ito.Maaga pa lang, pinatawag ko na ang glam team namin.Habang nakaupo sa harap ng salamin, sinisipat ko ang bawat kilos ng makeup artist ko. Gusto kong perfect ang look ko mamaya. Sa gilid ko, si Yanna at Verena ay parehong nakapikit habang inaayusan din."I love this look
Mishon POVMatagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling wine shop nung nasa Korea pa ako sa manisyon namin doon at ngayong araw, natupad na iyon. Para sa mga kagaya kong rich kid, oo, madali lang isipin na magkaroon ng ganito, pero hindi ganoon kadali pala kasi marami kang kailangang dapat ayusin. At proud ako sa sarili ko kasi nagawa ko ito ng maayos kahit minsan ay may mga pagkakamali rin.Nakahanap ako ng isang malaking shop sa sentro ng Paris, sakto sa vision ko para sa Tani Wine Company. Dati itong isang pizzeria, pero ngayon, gagawin ko itong isang eleganteng wine shop na may modernong disenyo—isang lugar kung saan mararamdaman ng mga tao ang kalidad at halaga ng alak na ginawa ko sa sarili kong farm.Oo, mahal ang renta, pero hindi ako nagdalawang-isip. Sa halip na magrenta lang, binili ko na ang buong property. Mas malaking puhunan, pero mas maganda dahil akin na ito nang tuluyan.Nakatayo ako ngayon sa harap ng shop habang pinagmamasdan ang lumang signage ng pizzeria
Ada POVAng flower farm ng mama ko ang napili kong lugar para sa pagtuturo ko kung paano lumakad sa runway stage kina Yanna at Verena. Malawak ang espasyo dito, tahimik at presko ang hangin—perfect setting para sa runway training. Isa pa, gusto kong maging mas komportable ang dalawa sa pagmo-model at mas madaling matuto kung relaxed ang paligid.Sa ilalim ng mainit ngunit hindi matinding sikat ng araw, nakatayo sina Yanna at Verena sa gitna ng daan na papunta sa flower garden. Ako naman ay nasa harapan nila, nakapamewang at nakangiti."Alright, ladies. Today, I’m going to teach you different types of runway walks," panimula ko. "It’s not just about walking—it’s about presence, confidence and knowing how to carry yourself."Tumango si Yanna, habang si Verena naman ay may bahagyang ngiti sa labi. Kahit hindi pa siya sanay, kita ko ang excitement sa mga mata niya."First, the classic runway walk," sabi ko at saka ako humakbang paharap. "Keep your shoulders back, your head high, and let y
Mishon POVAng pagtayo ng Tani Wine Company sa Paris ay isang pangarap na unti-unting nagiging realidad na ngayon. Matapos makuha ang opisyal na pag-apruba para sa pagbebenta ng aming alak, nagsimula na akong mag-focus sa branding, packaging at sa opisyal na operasyon ng kumpanya ko.Ngayong natapos na ang pagpapatayo ng unang opisyal na opisina malapit sa aming ubasan, oras na upang mag-hire ng mga propesyonal na tutulong sa akin sa pagbuo ng Tani Wine Company bilang isang premium brand.Maagang dumating ang mga bagong empleyado sa opisina at ngayon ay opisyal ko silang sasalubungin bilang CEO nitong Tani Wine Company. Sa isang conference room na may malalaking bintanang tanaw ang vineyard, pinulong ko ang mga key members ng branding at packaging team.“Welcome to Tani Wine Company,” panimula ko habang nakatayo sa harapan nila. “We have worked hard to get to this point, and now we’re taking our wines to the next level. That means exceptional branding, packaging, and presentation. I n
Mishon POV Sa wakas, dumating na ang araw na maaari ko nang ilabas sa merkado ang mga unang batch ng alak mula sa aking ubasan. Ngunit bago iyon, kailangan ko munang tiyakin na ang lahat ay naaayon sa mga regulasyon ng Pransya. Sa aking pagkaalam, ang mga alak na ibinebenta sa Pransya ay kailangang sumunod sa mga pamantayan ng Institut National de l'Origine et de la Qualité, ang ahensyang responsable sa pagkontrol ng mga produktong may Appellation d'Origine Contrôlée. Maaga akong nagising at agad na tinawagan ang aking assistant na si Marlo upang ipaalam ang mga hakbang na kailangan naming gawin. Magiging busy na ako kasi ito na ang simula ng pag-abot ko sa pangarap ko. "Marlo, kailangan nating tiyakin na ang ating mga alak ay sumusunod sa mga pamantayan ng INAO bago natin ito ilabas sa merkado. Maaari mo bang alamin ang proseso para sa pagsusuri at pag-apruba ng ating mga produkto?" "Opo, Sir Mishon. Agad kong sisimulan ang pag-research tungkol dito at kukunin ang lahat ng kinak
Ada POVDahil sa pagbabalik ni mama sa buhay namin, at sa pagtanggal sa trono ni Sora na mama ni Verena, naisip ko na kailanman ay hindi na magkakasundo ang Mama Franceska ko at si Verena.Si Verena—ang anak ng taong sumira sa buhay ng Mama ko noon. Kahit pa hindi kasalanan ni Verena ang mga ginawa ni Sora, hindi ko rin masisisi ang Mama kung bakit hindi niya agad pinansin si Verena kasi sinabi ko rin sa kaniya kung anong naging trato nito sa akin nitong mga nagdaang buwan. At dahil doon, kaya siguro nagalit o nagtampo din sa kaniya si mama.Pero nitong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. Napansin kong kahit paano, nagiging mabuti na ang Mama kay Verena. Kapag lunch o dinner, lagi niyang tinatawag si Verena para isabay sa pagkain namin.Hindi ito ‘yung tipong pilit lang o dahil anak pa rin siya ni papa. Ramdam kong genuine ito."Verena, come eat with us," madalas kong marinig na tawag ni Mama kapag nakikita niyang nasa malayo lang ito.At kahit pa minsan ay tila nag-aala