Ada Hill POV Pagkarating ko sa Pilipinas, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Ang amoy ng hangin dito, kahit papaano ay may kakaibang hatid na alaala. Matagal-tagal din akong hindi nakauwi. Huling bakasyon ko rito ay halos tatlong taon na ang nakalipas. Sa Paris, laging mabilis ang buhay—palaging nasa gitna ako ng photoshoots, runway shows at kung anu-ano pang engagements. Pero dito sa Pilipinas, tila mas humihinto ang oras. Mas tahimik at walang masyadong kailangang gawin. Ngayon, kaya ako umuwi ay hindi dahil sa trabaho, kundi dahil ninang ako sa binyag ni Czeverick, ang anak nina Czedric at Everisha. Si Czedric ay isang mahusay na singer at performer, apo ng dating sikat na hollywood singer na si Taylor Borrome. Naging malapit na kaibigan ko na si Czedric sa Paris. Madalas ko siyang nakakasama doon, lalo na tuwing may events kung saan siya ang guest performer. Nakilala ko rin ang asawa niyang si Everisha noong minsang dumalaw siya sa Paris. At ngayon, kinuha nila
Ada POVPaggising ko sa umagang iyon, agad kong sinilip ang bintana ng hotel. Kita ko ang maningning na araw na sumisikat sa ibabaw ng abalang lungsod ng Maynila. Malinaw pa rin sa akin ang dahilan ng pag-uwi ko dito—ang maging ninang ni Czeverick.Nakakatuwa kasi bagong experience ito para sa akin. First time kong a-attend ng binyag. Si Czeverick ang kauna-unahang baby na magiging inaanak ko.Kahit medyo may jetlag pa ako, naisip ko na hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataong ito. Isa pa, hindi araw-araw na nagkakaroon ako ng pagkakataong maging bahagi ng isang espesyal na okasyon tulad nito. Sa Paris, work lang, puro ganoon, madalang ang party-party at kasiyahan. Samahan pa na may toxic akong family.Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag sa mansiyon namin. “Mila, pakisabi kay Mang Ramon na ihanda ang sasakyan. Kailangan ko ng driver mamaya para maghatid-sundo sa akin sa simbahan. Pakisama na rin si Lina bilang personal alalay ko."Agad namang sumagot si Mila, "Opo, Ma’am Ada. Ihah
Mishon POVAng lamig ng aircon sa loob ng private room sa bar, pero para sa akin, hindi ko halos maramdaman iyon. Siguro dahil katabi ko si Ada Hill. Ang Ada Hill na dati ko lang nakikita sa mga billboard at fashion magazines. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng pagkakataong makausap siya nang ganito, sa parehong mesa, nagkakatuwaan at nagkukwentuhan na parang hindi siya isang sikat na modelo.Nakatitig ako sa kanya habang tumatawa siya sa sinabi ni Czedric. Napaka-genuine ng kanyang ngiti, parang hindi bagay sa isang tao na palaging nasa ilalim ng spotlight. Nagmumukha siyang simple, pero ang totoo, siya ang pinakakinang sa lahat ng naririto."You know," sabi ni Ada, habang hawak ang baso ng alak, "people think being a fashion model is glamorous, but there’s a lot more to it than what you see on the surface."Napatingin kaming lahat sa kanya, halatang interesado sa susunod niyang sasabihin."Like what?" tanong ni Marco na nakatingin din sa kanya nang may pagkabilib. May tama na ng a
Mishon POVNakaya pang makabangon ni Ada. Ako na ang napahiga sa kama habang siya naman ay nakaupo at binabana na ang suot kong pantalon. Habang ginagawa niya ‘yon ay nakahawak pa rin siya sa matigas konf pagkalalakë. Sa totoo lang, oo, wild talaga ako at mahilig akong makipag-sëx. Pero pagdating kay Ada hill, iba na ang usapan. Hindi ko puwedeng samantalahin ang pagkakataong ito na wala siya sa wisyo.Iginagalang ko si Ada, higit pa sa anumang nararamdaman ko para sa kanya. Siya ang tipo ng tao na hindi mo dapat nilalapastangan, kahit ano pa ang sitwasyon. Kaya't kahit na parang hinihila ako ng damdamin kong patulan na siya, pinigilan ko ang sarili ko. “Hindi ito tama, matulog ka na, lasing ka na, Ada,” sabi ko at saka ko siya pinahiga gamit ang buong lakas ko.“KJ ka naman, Lucero,” sabi niya ulit kaya naisip ko na baka may syota na siya at ang Lucero na ‘yon ang boyfriend niya.Lumayo ako mula sa kama at inayos ang kumot na nakabalot sa katawan niya."Goodnight, Ada," mahina kong
Ada POVAng alarm ng cellphone ko ang unang bumasag sa katahimikan ng umagang iyon. Madilim pa sa labas, pero kailangan ko nang gumising. Ganito ang buhay ng isang international fashion model—laging maaga ang simula, laging may bagong adventure. Mahirap nung una pero nasanay na ako.Habang papunta ako sa walk-in closet ko, pinakikiramdaman ko pa ang jet lag mula sa pagbalik ko sa Paris kagabi. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang mga designer clothes na nakahanay sa harapan ko. Kailangan kong maghanda para sa araw na ito: photoshoot sa umaga, fitting para sa isang couture show sa tanghali, at dinner meeting kasama ang isang kilalang fashion editor mamayang gabi.Pagkatapos kong maligo, isinuot ko ang simpleng ensemble—black wide-leg trousers, a crisp white shirt, at oversized sunglasses. Simpleng elegante, ngunit sapat na para hindi mawalan ng dating kahit sa busy streets ng Paris.Pagdating sa kusina, naroon ang mga kasambahay namin, naghahanda ng kape. "Good morning, Miss
Mishon POVPaglapag ko sa Charles de Gaulle Airport, ramdam ko agad ang malamig na simoy ng hangin kahit tag-init pa. Nakakapagpakalma ang presensiya ng Paris, pero hindi sa gitna ng syudad ang destinasyon ko. Ang tinutumbok ko ay ang lupain ng pamilya namin na nasa labas ng lungsod—isang lugar na halos parang probinsya. Matutupad na ang plano kong magtayo ng wine company, at dito ko gustong simulan ang lahat.Dati, nagsimula lang ako sa panunuod ng mga farmer vlogger na mayroong grape farm at may winery na rin. Hanggang sa maanlig na ako sa kakapanuod at maging pangarap ko na ring magkaroon ng wine company. Pero dahil marami ng ganoon sa Pinas, naisip kong gawin ito sa Paris. At dito na magsisimula ang lahat.Pagkarating ko sa lugar, halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang lawak ng lupa! Halos kasing laki ng isang mall ang sukat nito, na may rolling hills at perfect na tanawin ng kalikasan. Napangiti ako habang iniisip na sa lugar na ito magsisimula ang lahat ng pangarap ko.P
Mishon POVNasa proseso pa ng pagtubo ang mga ubas sa farm ko, kaya naisip kong samantalahin ang oras para gumala sa city ng Paris. Bukod sa pagbili ng mga wine, gusto ko ring makakita ng iba’t ibang diskarte ng ibang vineyards at wineries dito. May halong excitement at curiosity ang nararamdaman ko habang pinaplano ang buong araw. Siyempre, bilang baguhan ay dapat pag-aralan ko ang galawan at product ng ibang mga may-ari ng wine company dito. Kaunti lang naman sila kaya naman kaya ko ring puntahan lahat sa loob lang ng isang araw.Kasama ko si Marlo, ang assistant ko, na laging maaasahan sa ganitong mga lakad. Kung may mabigat na trabaho, siya ang laging katuwang ko. Nang mag-ready na ako, pagkatapos ng isang masarap na breakfast, sinuot ko ang paborito kong tailored suit at sinigurong maayos ang ayos ko bago kami umalis. Paris ito, kaya kahit simpleng araw lang, hindi puwedeng hindi presentable.Sumilip pa ako sa farm, naroon ang mga tauhan na busy sa paggawa at pagtanim pa rin sa i
Ada POVPagbukas ng pinto ng sasakyan, bumungad sa akin ang maliwanag na ilaw ng Lucero restaurant, ang pinaka-main branch nito sa city ng Paris. Ang engrande at eleganteng fasad nito ay tila isang obra na nagpapakita ng tagumpay ni Lucero bilang isang businessman. Napangiti ako habang pababa, hindi dahil sa ganda ng paligid, kundi dahil sa wakas, natuloy din ang dinner na matagal nang inaalok ni Lucero sa akin. Busy siya palagi kaya ang maisingit niya ako sa ganitong dinner ay masyado nang napakadalang mangyari.Nasa gilid ko si Lucero, na palaging mukhang modelo sa tuwing nasa tabi ko. Sa suot niyang dark tailored suit na sakto sa kanyang matipuno at matangkad na pangangatawan, hindi ko maiwasang mag-isip: Ang swerte ko naman at kasama ko siya ngayon. “Let’s go?” tanong niya sa akin sabay abot ng kamay para alalayan akong bumaba.Tumango ako at ngumiti. “Let’s.”May napansin akong lalaki na mukhang lalapit sa akin, medyo hawig siya ni Mishon, hindi ko lang sure kung siya iyon kasi
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para