At mukhang alam niyo na kung sino ang bida sa Season 3. 🤭
Everisha’s POV Pagbukas pa lang ng pintuan ng condo namin, alam kong pagod na pagod si Czedric. Halata sa bawat hakbang niya ang bigat ng pag-travel niya mula Paris pabalik ng Pilipinas, pero kahit ganoon, hindi maikakaila ang kakaibang saya sa mukha niya. “Hey, love,” bati niya at agad niya akong niyakap ng mahigpit. “I missed you so much.” Nilaplap agad ako ng bundol sabay kapa sa pukë ko. Nung maging fiancé ko na siya, ganito na ‘yan. Naging malibög na lalo. “I missed you more,” sagot ko habang hinigpitan din ang yakap ko sa kanya. Siyempre hindi ako nagpatalo. Dinakot ko rin ang titë niya. Kapag ginagawa namin ‘yun ay parang normal na lang sa amin kasi sanay na kaming parehong baliw kapag kami lang ang magkasama. Ilang araw ko siyang hindi nakasama, pero parang isang taon na ang lumipas. Excited na akong mag-bonding kaming dalawa. Plano ko nga sanang dalhin siya sa isang simpleng date—walang glamor, walang pressure, basta kaming dalawa lang. Pero alam ko na hindi ganoon kas
Czedric’s POVAng mga ilaw ng kalsada ay parang nawawala sa focus habang tumatakbo ang sasakyan ko sa gitna ng gabi. Nasa passenger seat si Everisha—walang malay, nakahiga at tila napakahina. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya kahit na alam kong kailangan kong mag-focus sa pagmamaneho. Para bang sa bawat segundo na hindi ko siya tinitingnan, mas lalo akong kinakabahan.“Hang on, love,” bulong ko. “We’re almost there.”Tumawag na rin ako kay Marco para magpasunod ng mga bodyguard ko kasi ospital ang pupuntahan namin, tiyak na maraming tao doon kaya pagkakaguluhan ako kapag may nakakilala sa akin.Ang bawat tunog ng makina ng sasakyan ko ay parang nagdadagdag ng kaba ko sa dibdib. Ang mga posibilidad na tumatakbo sa isip ko ay hindi maganda—baka may malubha siyang sakit, baka may nangyayari sa kanya na hindi ko alam. Ang daming tumakbo sa isip ko na lalong nagpaoatuliro sa akin.Pagdating namin sa ospital, agad kong ipinarada ang sasakyan sa harap ng emergency room. “Help! She’s
Czedric’s POVHindi ko inakala na ang pagiging fiancé ni Everisha ay mangangailangan ng ganitong klase ng mental, emotional at physical strength. At lahat ng iyon ay dahil sa pagbubuntis niya. Hindi ako nagrereklamo—hinding-hindi. Mahal ko si Everisha. Pero sa totoo lang, hindi ako handa sa rollercoaster ride na dulot ng paglilihi niya. Pero siguro nga, part ito ng pagkakaroon na ng asawa. Nagsimula ang lahat nang bigla siyang magising sa kalagitnaan ng gabi. Halos tatlong oras pa lang akong natutulog nang maramdaman kong niyugyog niya ang braso ko. Kakagaling ko pa naman sa birthday party ni Marco. Nagkalasingan kaya medyo kakaunti palang ang tulog.“Czedric,” mahina niyang tawag habang patuloy na niyuyugyog ang braso ko.“Hmm?” sagot ko habang pilit binubuksan ang mga mata ko.“I want green mangoes. With bagoong. And it has to be sour. Not the sweet kind.”Napatingin ako sa orasan. Alas tres ng madaling araw. “Love, it’s the middle of the night. Where will I find green mangoes now?
Everisha’s POVHindi ko akalaing isang gender reveal party pala ang magiging highlight ng linggo ko. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na magiging ganito ka-engrandeng event ang lahat. Pero kapag ang mama mo ay si Mama Misha, na tila may PhD sa pag-aasikaso ng mga bonggang kaganapan, wala kang ibang magagawa kundi sumakay sa alon ng excitement.Simula pa lang ng umaga, gising na ang lahat ng tao sa mansiyon. Si Mama Misha, abala sa pagbibigay ng instructions sa mga waiter at decorator na nasa garden namin. Nakasuot siya ng eleganteng blouse at pearl necklace habang hawak ang clipboard. Parang siyang event planner na may sariling entourage. Happy siya kasi magiging lola na.“Everisha, make sure you don’t peek at the result, ha?” paalala niya habang tumitingin sa mga bulaklak na idinidisplay.“I promise, Ma. Hindi ko titignan,” sagot ko habang nagpipigil ng tawa.Sa gilid naman ay si Papa Everett, abala sa pag-aayos ng mga mesa. May kaunting reklamo siya, pero natatawa rin habang pinapan
Everisha’s POVKapag malapit na ang kasal mo, hindi lang ito simpleng, mahaba-habang paghahanda ang kailangan. Para itong isang buong pelikula kung saan ikaw ang bida, at lahat ng detalye ay kailangang perpekto. Sa totoo lang, hindi ko inakalang magiging ganito ka-stressful ang paghahanda, pero habang nakikita ko ang ngiti ni Czedric tuwing pinag-uusapan namin ang aming big day, parang nawawala lahat ng pagod.Si Mama Misha ang unang nag-push na kumuha ng wedding planner. Hindi siya pumayag na kami lang ni Czedric ang magplano dahil, ayon sa kanya ay ang kasal ay hindi dapat gawing simpleng birthday party lang, dapat bongga kasi kasal ito.“Anak, I already spoke with the best wedding planner in the city. Siya rin ang nagplano ng kasal nina Duchess Amara last year,” sabi ni Mama habang hawak ang tablet niya, ipinapakita sa akin ang portfolio ng planner.“Ma, this is perfect,” sagot ko habang sinusuri ang mga eleganteng dekorasyon sa mga larawan.Si Czedric naman, na katabi ko sa sofa a
Everisha’s POVAng araw na ito ang pinakahihintay ko. Sa lahat ng napagdaanan naming dalawa ni Czedric—ang saya, luha, at mga pagsubok—ngayon ang araw na tatawagin ko siyang aking asawa. Sa kabila ng kaba at excitement na bumabalot sa akin, alam ko na ang bawat detalye ng kasalang ito ay puno ng pagmamahal. Alas-sais pa lang ng umaga, nasa suite na ang glam team. Ang buong silid ay parang isang backstage sa fashion week. Ang wedding gown ko ay nakasabit sa isang espesyal na stand, habang ang veil ay maingat na nakalatag sa isang chaise lounge.“Ma’am Everisha, are you ready to be the most beautiful bride?” tanong ni Amanda, ang head ng glam team. Kahit umaga pa lang ay energetic agad sila.“Yes, but no pressure,” sagot ko habang tumatawa, pilit na itinatago ang kaba. Mga bonggang glam team ang kinuha ko. Halos mga sikat na hollywood ang naayusan na nila kaya sure akong mas magiging maganda pa ako lalo.Ang makeup artist ay nagsimula nang maglagay ng primer sa mukha ko. Ang hairstyle k
Everisha’s POVNapakaganda talaga ng Paris! Ang mga cobblestone streets, ang Eiffel Tower na bumabati sa amin tuwing gabi, at ang malamig na simoy ng hangin na tila may dalang kilig sa mga taong narito, lalo na sa gaya namin ni Czedric na nagde-date.Ang tatlong linggong bakasyon naming mag-asawa ay puno ng kilig at tawanan. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, dito pa talaga ako dinatnan ng panganganak.Nung umagang iyon, naglalakad kami ni Czedric sa Champs-Élysées, hawak niya ang aking kamay habang ini-enjoy namin ang kape at croissant mula sa isang sikat na boulangerie. Tuwang-tuwa ako sa lasa ng mga tinapay at pagkain dito.“How are you feeling, love?” tanong ni Czedric habang hawak-hawak ang aking baywang. Sa lahat ng oras ay palagi siyang nakaalalay sa akin. “I feel fine, but my back’s been aching since yesterday,” sagot ko sabay ngiti. Iniisip ko na baka normal lang ito dahil malapit na akong manganak.“Let me know if you need anything. Anything at all,” sabi niya na halatan
Ada Hill POV Pagkarating ko sa Pilipinas, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Ang amoy ng hangin dito, kahit papaano ay may kakaibang hatid na alaala. Matagal-tagal din akong hindi nakauwi. Huling bakasyon ko rito ay halos tatlong taon na ang nakalipas. Sa Paris, laging mabilis ang buhay—palaging nasa gitna ako ng photoshoots, runway shows at kung anu-ano pang engagements. Pero dito sa Pilipinas, tila mas humihinto ang oras. Mas tahimik at walang masyadong kailangang gawin. Ngayon, kaya ako umuwi ay hindi dahil sa trabaho, kundi dahil ninang ako sa binyag ni Czeverick, ang anak nina Czedric at Everisha. Si Czedric ay isang mahusay na singer at performer, apo ng dating sikat na hollywood singer na si Taylor Borrome. Naging malapit na kaibigan ko na si Czedric sa Paris. Madalas ko siyang nakakasama doon, lalo na tuwing may events kung saan siya ang guest performer. Nakilala ko rin ang asawa niyang si Everisha noong minsang dumalaw siya sa Paris. At ngayon, kinuha nila
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para