Czedric’s POV“Alam mo, Mark Joseph, nakaka-miss ang ganitonh bonding natin. Ngayon na lang ulit tayo nakapag-usap na ganitong katagal,” sabi ko sa kaniya habang iniinom ang pomelo juice ko.“Napansin mo rin pala,” sagot niya habang nagyoyosi, “ikaw pa naman ‘yung tao na hindi na mahilig makipagkuwentuhan simula nung yumaman na tayo.”“Kaya samantalahin natin habang nasa mood ako. Magkuwentuhan muna tayo habang wala pa ang mga babaeng hinihintay natin,” udyok ko pa sa kaniya.“Sige ba, ano bang gusto mong pag-usapan natin?”"I wanted to talk about the past," sagot ko habanh pilit na pinapanatili ang boses kong mahinahon. "I’ve been remembering bits and pieces lately, but there are still gaps. I was hoping you could help me fill them in.""Of course! You know I’m always here for you," sagot niya agad, hindi man lang nagdadalawang-isip. "Ask me anything."Tumingin ako sa kaniya habang pilit na pinapalabas ang kunwari’y kawalan ko ng interes sa tunay na dahilan ng pagbisita ko. "You were
Everisha’s POVMalaking araw ito para sa akin at sa buong M&E Cosmetics company. Isa na namang bagong produkto ang aming ilulunsad—isang eyeshadow palette na matagal naming pinaghandaan. Alam kong kailangan itong maging matagumpay dahil mataas ang inaasahan ng aming mga loyal na kliyente at mga partner.Habang nakaupo ako sa opisina, abala ang mga staff ko sa paghahanda. Mula sa dekorasyon hanggang sa media coverage, sinisigurado nilang magiging maayos ang lahat. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, may isang bagay na iniisip ko—ang special guest.“Ma’am Everisha, we have a suggestion,” bungad ni Claire, isa sa pinaka-maaasahan kong marketing staff.Tumingin ako sa kaniya habang nagtataas ng kilay. "What is it?" tanong ko habang iniinom ang kape ko.“Why don’t we invite CD Borromeo to the event? He’s so popular right now on social media! His name alone could bring so much attention to the launch,” paliwanag niya na halatang excited.“CD Borromeo?”Hindi ako makapaniwala na hanggang dito s
Everisha’s POVLumalalim na ang gabi, ngunit patuloy pa rin ang kasiyahan sa event ng M&E Cosmetics. Ang buong venue ay puno ng energy—ang mga tao ay sabik, ang mga cameras ay nakatutok sa bawat kaganapan, at ang musika sa background ay nagbibigay ng perpektong ambiance para sa grand launch ng bagong eyeshadow palette. Subalit ang pinakahihintay ng lahat ay hindi pa nangyayari.Si CD Borromeo, ang sikat ngayon na mang-aawit ay nakaupo sa harap, tahimik ngunit ang presensya niya ay talaga namang nangingibabaw. Suot niya ang kaniyang signature na maskara—isang itim na mask na may eleganteng mga detalye ng ginto sa gilid. Ito ang palaging ginagamit niya sa tuwing nasa publiko, at hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam ng tunay na itsura ng mukha niya.“Ladies and gentlemen, the moment you’ve been waiting for,” anunsyo ng host sa entablado. “Let us all welcome CD Borromeo as he performs a special number just for us tonight!”Nagsigawan ang lahat. Walang duda, siya ang highlight ng gabi.
Everisha’s POVPagkatapos ng matagumpay na event ng M&E Cosmetics, nanatili pa rin sa isip ko si CD Borromeo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang epekto niya sa akin. Ang boses niya, ang presensya niya—lahat ng iyon ay nag-iwan ng marka sa akin. Ngunit higit sa lahat, may isang tanong na hindi ko mabitiwan: sino nga ba siya?Nang makita ko siyang magpaalam kanina, parang may kumurot sa loob ko. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, gusto ko siyang kilalanin pa nang higit. Gusto kong malaman kung sino ang lalaking nagtatago sa likod ng maskarang iyon.Nasa loob na ako ngayon ng kotse ko, tahimik na nakaupo sa driver’s seat habang iniisip ang mga nangyari. Dumaan sa harap ko ang sasakyan ni CD—isang sleek na itim na SUV na bagay na bagay sa kaniya. Imbes na umuwi na, ewan ko kung anong pumasok sa isip ko, pero bigla akong nagdesisyong sundan siya.“Okay, Everisha, this is crazy,” sabi ko sa sarili ko habang hinahabol ang sasakyan niya. “Why are you even doing this?”Ngunit kahit ano
Everisha’s POV Pagkatapos ng ilang gabing halos hindi makatulog sa kaiisip, nagdesisyon akong bumalik sa mansiyon na tinutuluyan ni CD Borromeo. Hindi ako mapakali sa ideya na tila may tinatago siya—lalo na pagkatapos kong makita ang Papa Everett ko na tila malapit sa kanya. Sino ba talaga siya? Bakit siya naroon? Kaya heto ako, maaga pa lang ay naroon na sa may gilid ng mansiyon, tahimik at maingat na nagmamasid. Ayokong malaman nila na narito ako. Sa likod ng mansiyon, nakita ko ang isang malawak na hardin. Malinis ang damuhan, at may ilang kagamitan sa exercise na naroon. Ilang minuto akong naghintay, nagtatanong sa sarili kung tama ba ang ginagawa ko, hanggang sa makita ko siya. Doon ko unang natanaw si CD. Topless siya, pawisan at abala sa pag-eehersisyo. Halos manlaki ang mga mata ko. “Diyos ko, ano ba ‘to?” bulong ko sa sarili ko habang tinatakpan ang bibig ko. "Why does he look... so hot?" Hindi lang maganda ang boses niya, maganda rin ang katawan. Pang-model din
Czedric’s POVSi Jeric Cruz ang susunod kong target. Ayon kay Tito Everett, dating kriminal si Jeric—isang taong maraming pinaslang para sa pera. Isang mahirap na tao na biglang yumaman. Ngayon, may mga hotel na siya, mga ari-ariang sigurado si Tito Everett na mula sa pera’t yaman ng pamilya ko.At ngayon, balita ko ay may sakit si Jeric. Ilang araw akong nag-stalk sa kaniya bago ang planong pagpunta ko sa kaniya.Nakangisi akong umalis ng mansiyon. “Perfect timing,” sabi ko sa sarili ko habang nagmamaneho papunta sa bahay ni Jeric. Wala siyang ideya kung ano ang darating sa kanya ngayon. Pagdating ko sa mansiyon ni Jeric, halos napailing ako sa laki nito. “From rags to riches, huh?” bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang grandiosong disenyo ng bahay. Pero hindi ko hinayaan na magtagal ang paghanga. Ang lugar na ito ay isang simbolo ng lahat ng ninakaw nila sa akin.Madali akong nakapasok. Walang kahirap-hirap. Ito ang isa sa mga pabor sa sitwasyon ko ngayon. Hindi alam ng m
Czedric’s POVAng gabi ay malamig dahil sa malakas na aircon dito sa kuwarto niya, ngunit ang apoy ng galit sa puso ko ay higit pa sa anumang init na naranasan ko. Si Jeric Cruz. Isa sa mga nagtaksil sa akin at tumulong sa impostor ko para nakawin ang buhay ko ang nalalagay ngayon sa alanganin.Ngayon, oras na siguro para malaman ko ang buong katotohanan.Pagkatapos ng mahabang kwentuhan kanina, napagpasyahan kong alamin ang saklaw ng kasamaan ni Jeric—kung gaano kalalim ang kanyang kasalanan sa akin at sa aking pamilya. Ang layunin ko? Bawat detalye, bawat pangalan ng biktima, ay magsisilbing gasolina sa apoy ng paghihiganti.Naupo ako ulit sa tabi ng kama niya, ang mukha ko ay kunwari'y kalmado, pero ang utak ko naman ay puno ng diskarte."Jeric," tanong ko habang pilit ang pagiging interesado, "how many people have you killed again? Marani na ‘no?"Napatingin siya sa akin, tila nag-iisip kung dapat ba niyang sabihin. Pero sa huli, ngumiti siya at tila nagyabang pa. “Honestly? I los
Everisha’s POV Isa itong espesyal na araw. Hindi pwedeng magmukha akong dugyot. Sa tuwing may malaking kaganapan tulad ng fashion show na ito, dapat kong ipakita na nararapat ako sa makisama o makisali sa mga kilala, sikat, at mayayaman. Ngayon, abala na ang glam team ko sa paggawa ng kanilang mahika. Pinong-pinong foundation ang inilalagay sa mukha ko, habang ang hairstylist ko ay tinatapos ang makintab na mga kulot sa buhok ko. Sulit ang ibabayad sa mga ito kasi kita naman na magagaling silang magtrabaho. Balita ko nga ay mga sikat na artista at model din ang naayusan nila. "Make sure my lashes are dramatic but not too heavy," sabi ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. "This is a high-profile event, and I need to look flawless." Tumango ang makeup artist ko. “Of course, Miss Everisha. You’ll be the most stunning guest there.” Pagkatapos ng halos tatlong oras na preparasyon, tumayo ako sa harap ng full-length mirror. Suot ko ang isang luxury dress na sinadya pang
Mishon POVNgayong araw na ang alis ko dito sa Paris para umuwi muna pa-Pilipinas.Ito ang unang beses na uuwi ako sa Pilipinas habang naka-stay sa Parisna, kaya excited ako pero may halong lungkot—lalo na dahil hindi ako ihahatid ni Ada sa airport."I’ll just cry if I see you leave, so I’ll stay here." ‘Yon ang sabi niya kanina habang niyayakap ako nang mahigpit.Natawa na lang ako at hinaplos ang buhok niya. "I’ll be back soon, babe. Don’t miss me too much.""No promises."Kahit hindi siya sumama sa airport, alam kong suportado niya ang pag-uwi ko. At higit sa lahat, pinagkakatiwalaan ko siya.Nakadalawa naman siya ng sunod sa akin sa kama nitong mga nagdaang araw kasi sure akong kahit pa paano ay naging masaya siya bago ako umuwi. Heto nga at parang pagod na pagod at inaantok ako, masyado si Ada. Nung masanay na siya sa pakikipaglaro sa akin sa kama, nawili na, siya pa minsan ang nag-aaya kaya natatawa na ang ako sa tuwing bigla-bigla ay mag-aaya siya.Habang wala ako, nakaatang ki
Ada POVDati, hindi ko akalain na magiging ganito kasarap ang pakiramdam ng tumulong sa iba. Ngayon, habang tinitingnan ko ang excited na mukha ni Yanna, alam kong isa ito sa mga bagay na gusto kong ipagpatuloy—ang makita ang mga pinsan kong unti-unting naaabot ang mga pangarap niya.May Nakapansin na kay Yanna, kaya masaya ako.Kahapon lang, nag-photoshoot kaming tatlo nila Yanna at Verena sa isang simpleng shoot lang na ginawa namin para magpapansin sa social media at sa mga possible endorsers.At hindi lang basta napansin si Yanna—may nag-email na mismo sa kanya!Pagdating ko sa flower farm ni Mama Franceska, nakita kong tumakbo palapit sa akin si Yanna, hawak-hawak ang cellphone niya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya na parang bata na nanalo sa isang contest."Ada! Ada! Look! I got an email!" sigaw niya habang humahangos sa pagtakbo.Napangiti ako at inabot ang phone niya. Pagbukas ko ng email, nakita ko ang offer para kay Yanna.Isang shampoo brand ang gustong gawing model s
Mishon POV Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Habang nakatayo ako sa gitna ng Tani Wine Shop, napapalibutan ng mga bakanteng shelves at walang natirang kahit isang bote ng wine, nanginginig ang kamay ko—hindi dahil sa kaba, kundi sa sobrang saya. Ubos. Sold out! Halos hindi ako makapaniwala. Kanina lang, puno ang shop ng mga bisita, celebrities, wine lovers at curious customers. Siksikan. Maingay. Masaya. Lahat din ay nagkakagulo sa pagtikim. Ngayon, ay halos parang dinilaan ng sawa ang buong lugar. Wala nang laman ang mga display racks, wala nang natirang stock sa storage at kahit ang staff ko ay hindi makapaniwala. Bigla akong napahawak sa ulo at napatawa. "Oh my god… We did it," bulong ko sa sarili ko. Napatigil ang lahat ng staff ko sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Hindi ko na napigilan—napasigaw ako sa sobrang saya. "WE DID IT!" Nagpalakpakan ang lahat, may ilan pang napatalon sa tuwa. May mga yumakap sa isa’t isa, at ang
Ada POVOras naman para suportahan at pasayahin ko naman ang boyfriend ko. Ngayong araw, hindi lang ito tungkol sa isang grand opening ng shop ni Mishon—ito ay tungkol din sa pagtulong na pasikatin ang business niya. At gamit ang power ng pagiging sikat ko, gagamitin ko ang social media mamaya para tulungan siya.Matagal na niyang pinaghirapan ito, at ngayon, sa wakas, binubuksan na niya ang unang wine shop ng Tani Wine Company sa sentro ng Paris. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para ipakita ang buong suporta ko.At hindi lang ako ang pupunta. Kasama ko sina Yanna at Verena, at kahit hindi namin ito planong gawing isang modeling event, gusto kong siguraduhin na magmumukha kaming tatlong diyosa sa gabing ito.Maaga pa lang, pinatawag ko na ang glam team namin.Habang nakaupo sa harap ng salamin, sinisipat ko ang bawat kilos ng makeup artist ko. Gusto kong perfect ang look ko mamaya. Sa gilid ko, si Yanna at Verena ay parehong nakapikit habang inaayusan din."I love this look
Mishon POVMatagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling wine shop nung nasa Korea pa ako sa manisyon namin doon at ngayong araw, natupad na iyon. Para sa mga kagaya kong rich kid, oo, madali lang isipin na magkaroon ng ganito, pero hindi ganoon kadali pala kasi marami kang kailangang dapat ayusin. At proud ako sa sarili ko kasi nagawa ko ito ng maayos kahit minsan ay may mga pagkakamali rin.Nakahanap ako ng isang malaking shop sa sentro ng Paris, sakto sa vision ko para sa Tani Wine Company. Dati itong isang pizzeria, pero ngayon, gagawin ko itong isang eleganteng wine shop na may modernong disenyo—isang lugar kung saan mararamdaman ng mga tao ang kalidad at halaga ng alak na ginawa ko sa sarili kong farm.Oo, mahal ang renta, pero hindi ako nagdalawang-isip. Sa halip na magrenta lang, binili ko na ang buong property. Mas malaking puhunan, pero mas maganda dahil akin na ito nang tuluyan.Nakatayo ako ngayon sa harap ng shop habang pinagmamasdan ang lumang signage ng pizzeria
Ada POVAng flower farm ng mama ko ang napili kong lugar para sa pagtuturo ko kung paano lumakad sa runway stage kina Yanna at Verena. Malawak ang espasyo dito, tahimik at presko ang hangin—perfect setting para sa runway training. Isa pa, gusto kong maging mas komportable ang dalawa sa pagmo-model at mas madaling matuto kung relaxed ang paligid.Sa ilalim ng mainit ngunit hindi matinding sikat ng araw, nakatayo sina Yanna at Verena sa gitna ng daan na papunta sa flower garden. Ako naman ay nasa harapan nila, nakapamewang at nakangiti."Alright, ladies. Today, I’m going to teach you different types of runway walks," panimula ko. "It’s not just about walking—it’s about presence, confidence and knowing how to carry yourself."Tumango si Yanna, habang si Verena naman ay may bahagyang ngiti sa labi. Kahit hindi pa siya sanay, kita ko ang excitement sa mga mata niya."First, the classic runway walk," sabi ko at saka ako humakbang paharap. "Keep your shoulders back, your head high, and let y
Mishon POVAng pagtayo ng Tani Wine Company sa Paris ay isang pangarap na unti-unting nagiging realidad na ngayon. Matapos makuha ang opisyal na pag-apruba para sa pagbebenta ng aming alak, nagsimula na akong mag-focus sa branding, packaging at sa opisyal na operasyon ng kumpanya ko.Ngayong natapos na ang pagpapatayo ng unang opisyal na opisina malapit sa aming ubasan, oras na upang mag-hire ng mga propesyonal na tutulong sa akin sa pagbuo ng Tani Wine Company bilang isang premium brand.Maagang dumating ang mga bagong empleyado sa opisina at ngayon ay opisyal ko silang sasalubungin bilang CEO nitong Tani Wine Company. Sa isang conference room na may malalaking bintanang tanaw ang vineyard, pinulong ko ang mga key members ng branding at packaging team.“Welcome to Tani Wine Company,” panimula ko habang nakatayo sa harapan nila. “We have worked hard to get to this point, and now we’re taking our wines to the next level. That means exceptional branding, packaging, and presentation. I n
Mishon POV Sa wakas, dumating na ang araw na maaari ko nang ilabas sa merkado ang mga unang batch ng alak mula sa aking ubasan. Ngunit bago iyon, kailangan ko munang tiyakin na ang lahat ay naaayon sa mga regulasyon ng Pransya. Sa aking pagkaalam, ang mga alak na ibinebenta sa Pransya ay kailangang sumunod sa mga pamantayan ng Institut National de l'Origine et de la Qualité, ang ahensyang responsable sa pagkontrol ng mga produktong may Appellation d'Origine Contrôlée. Maaga akong nagising at agad na tinawagan ang aking assistant na si Marlo upang ipaalam ang mga hakbang na kailangan naming gawin. Magiging busy na ako kasi ito na ang simula ng pag-abot ko sa pangarap ko. "Marlo, kailangan nating tiyakin na ang ating mga alak ay sumusunod sa mga pamantayan ng INAO bago natin ito ilabas sa merkado. Maaari mo bang alamin ang proseso para sa pagsusuri at pag-apruba ng ating mga produkto?" "Opo, Sir Mishon. Agad kong sisimulan ang pag-research tungkol dito at kukunin ang lahat ng kinak
Ada POVDahil sa pagbabalik ni mama sa buhay namin, at sa pagtanggal sa trono ni Sora na mama ni Verena, naisip ko na kailanman ay hindi na magkakasundo ang Mama Franceska ko at si Verena.Si Verena—ang anak ng taong sumira sa buhay ng Mama ko noon. Kahit pa hindi kasalanan ni Verena ang mga ginawa ni Sora, hindi ko rin masisisi ang Mama kung bakit hindi niya agad pinansin si Verena kasi sinabi ko rin sa kaniya kung anong naging trato nito sa akin nitong mga nagdaang buwan. At dahil doon, kaya siguro nagalit o nagtampo din sa kaniya si mama.Pero nitong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. Napansin kong kahit paano, nagiging mabuti na ang Mama kay Verena. Kapag lunch o dinner, lagi niyang tinatawag si Verena para isabay sa pagkain namin.Hindi ito ‘yung tipong pilit lang o dahil anak pa rin siya ni papa. Ramdam kong genuine ito."Verena, come eat with us," madalas kong marinig na tawag ni Mama kapag nakikita niyang nasa malayo lang ito.At kahit pa minsan ay tila nag-aala