Misha’s POVNauna akong naligo, tapos si Everett ang sumunod. Nakahiga na ako sa kama, nakakumot habang hinihintay siya. Nang maramdaman kong palabas na siya ng banyo, um-acting ako na natutulog na.“Oh, no! Misha, huwag kang talkshit. Gumising ka diyan, hindi puwedeng hindi ako makakapag-dessert ngayong gabi, usapan na natin ‘to.”Lumapit siya sa akin at saka tinanggal ang nakakumot sa akin. Nakapikit pa rin ako pero alam kong napangiti siya nang makita niyang wala na akong suot na saplot.“Oh, shit. Ready ka na pala,” sabi niya na biglang sumaya.“Ang tagal mo kasi,” sabi ko nang dumilat na ako.Bigla siyang dumagan sa ibabaw ko. “Heto na nga, tapos na, tara na, umpisahan na natin at na-miss ko ‘to ng sobra.”Hinalikan na lang niya ako bigla. Pumikit ako at dinama kung paano ako mahumaling sa mainit, mabagal at masarap niyang paghalik. Para sa akin, mas masarap kapag mabagal humalik. Yung tipong sinasayad niyang mabuti ang dila niya sa loob ng bibig ko, tapos halos magsama na rin ang
Misha’s POV“Ooohhh, syet ang init ng bibig mo,” sabi ni Everett nang isubo ko na nang hanggang kalahati ang titë niya.Ito na naman ‘yung pakiramdam na kailangan kong paghirapan na pasayahin siya sa pamamagitan nito. Sa totoo lang, nung una, hindi ko gets kung bakit kailangan gawin ko ito. Kung bakit kailangan isubo ko pa ang titë niya. Anong connect kako, bakit may ganito pang eksena. Pero nung mapagtanto kong part ito nang masarap na pakiramdam ng asawa ko, ni Everett, gets ko na. Naisip ko, kinakain niya rin naman ‘yung pukë ko, at sa tuwing gagawin niya ‘yun, sarap na sarap din naman ako. So, naisip ko na ganoon din ang nararamdaman niya kapag kinakain ko siya. Kaya ginagawa ko rin ang lahat para mapasaya siya.Isa pa, iba rin kasi sa pakiramdam kapag subo-subo ko ang pagkalalakë niya. Oo, wala namang lasa. ‘Yung sarap na tinutukoy ko, hindi siya ‘yung parang sarap na kalasa ng chocolate o ng mga masasarap na ulam. Ang sarap na sinasabi ko ‘yung sarap sa pakiramdam, ‘yung sarap n
Misha’s POVHindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ako, kapag ganito, hindi talaga mapakali. Bakit nga ba parang kinakabahan ako?Madilim na ang buong bahay at tahimik na rin sa labas .Pero kahit anong pilit kong kalmahin ang sarili ko, hindi ko maalis ang kabang bumabalot sa dibdib ko. Alam kong safe si Everett, kasama niya si Garil at ang bago niyang secretary na si Gillius sa private yacht nila. Parte iyon ng preparasyon para sa paparating na event ng Tani Luxury Car Company ni Everett, at suportado ko naman siya sa trabaho niya. Pero iba ang nararamdaman ko ngayong gabi.Para hindi ako tuluyang mag-isa, inimbitahan ko ang pinsan kong si Marie na mag-overnight dito sa bahay. Gusto ni Everett, kahit isa ay may kasama ako, kahit hindi ko naman need, pero dahil nakikinig na kami sa isa’t isa, pumayag na lang ako. Nang sa ganoon, maging ka-close ko na rin ang pinsan kong si Marie na ngayong ay executive assistant ko na rin.Tumahimik ang paligid nang pumasok na siya sa guest room,
Everett’s POVTahimik ang paligid habang nakatayo ako sa deck ng yate, pinagmamasdan ko ang kalmadong dagat. Nasa kalagitnaan kami ng karagatan—malayo sa anumang pampang, at tila pinapalibutan kami ng walang katapusang asul. Kasama ko sina Garil, ang matalik kong kaibigan, at si Gillius, ang bagong secretary ko, para sa isang maikling meeting tungkol sa paparating na event ng Tani Luxury Car Company.“Everett, I have the reports here. We can go over them anytime you’re ready,” sabi ni Garil habang binubuklat niya ang mga dokumento sa mesa. Tumango ako at umupo sa tabi niya, handa na sanang mag-focus sa trabaho.Ngunit biglang pumasok si Gillius sa deck, hawak ang cellphone niya at tila may kinakausap. Pansin ko ang pagkunot ng noo niya, halatang may kakaiba sa ekspresyon niya.“Sir, may masamang balita,” sabi niya habang lumalapit. “Nawawala ang driver ng yate. Hinanap ko siya kanina, pero hindi ko siya makita kahit saan.”Nagkatinginan kami ni Garil, parehong natigilan sa narinig nam
Everett’s POVHabang bumabalik ako kay Garil, mabilis kong binabalak sa isip kocang susunod naming gagawin. Hindi puwedeng magpadalos-dalos, pero kailangan naming makaisip ng paraan bago pa tuluyang sumiklab ang masamang plano ni Gillius sa amin. Tumigil ako saglit sa pasilyo, huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili at bumalik sa mesa, na pilit ipinapakita kay Garil na parang walang nangyari.“Garil,” bulong ko kay Garil nang makalapit ako sa kaniya, “may problema. Dapat mong malaman ‘to bago tayo magpatuloy.” Sinikap kong hindi masyadong halata ang pagkabahala sa mukha ko, pero alam kong ramdam ni Garil ang tensyon.“Anong meron?” bulong niya pabalik, halatang nagiging maingat na rin. Nakatitig mabuti ang mga mata namin sa isa’t isa—alam niya na seryoso ang sasabihin ko.“Nagbabalak si Gillius na patayin tayo. ‘Yung driver... nakita ko siya sa storage room, duguan at nakagapos. Sinabi niya sa akin na may binabalak si Gillius laban sa atin.”“Putangina, sabi na e, hindi mapagk
Misha’s POVAlas-sais na ng gabi at nagliliparan na ang mga ibon pauwi sa mga pugad nila, habang kami ni Marie at si Lucas ay nakatayo sa gilid ng pantalan, nakamasid sa malamlam na liwanag ng tubig na waring sumasabay sa tibok ng puso ko—malakas, nanginginig, alalang-alala.Nakalimutan ko pang magdala ng jacket, malamig pala dito kapag ganitong gabi na. Pare-pareho tuloy kaming nakayakap sa kani-kaniya naming katawan kasi malamig at malakas talaga ang hangin.Ilang oras na kaming naghihintay dito, kasama ang mga pulis na si Lucas mismo ang tumawag. Hawak ni Marie ang kamay ko, ramdam ko ang bahagyang panginginig nito. Sa kabila ng mahinahon niyang mga salita kanina, kita ko rin ang kaba sa mga mata niya.“Okay lang si Everett,” bulong niya, parang nagdadasal na rin. “Si Garil din. Nandiyan lang sila. Sure akong kayang-kaya nila ang Gillius na ‘yon.”Napatingin ako sa malayo, sa direksyon kung saan dapat naroroon ang yate ni Everett. Madilim na, pero may kakaibang pag-asa akong nakaka
Misha’s POVTahimik akong nakaupo sa silid ng opisina ni Everett habang siya ay nasa istasyon ng pulis upang ipaliwanag ang pangyayari tungkol kay Gillius, ang lalaking buwisit niyang secretary na gustong kitilin ang buhay niya. Pero kahit anong paliwanag niya, may bahagi ng isip ko na hindi matatahimik hangga’t hindi ko naipaghihiganti ang bawat pangyayaring nagpatakot sa aming dalawa. Alam kong hindi dapat ako nagpapadala sa galit, pero ang ginawa ni Tita Maloi kay Everett ko ay hindi ko na palalampasin. Naisip ko, paano kung nagtagumpay si Gillius? Paano kung napatay niya ang asawa ko? Hindi ko kaya, naiisip ko palang ay para akong mababaliw.Habang mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko, lumapit ako sa bintana at tiningnan ang tahimik na kalangitan sa labas. Sa kabila ng ginhawang dulot ng pagsikat ng araw, alam kong hindi matatapos ang laban na ito hanggang hindi natitikman ni Tita Maloi ang bawat hirap na nararapat sa kanya. Dinial ko ang numero ng taong kakilala ko, isang taong
Misha’s POVLumipat kami sa susunod na technique. Naghanda akong magsimulang magpakita ng simpleng suntok, at agad siyang napatitig sa akin, bahagyang nag-aalinlangan.“Don’t worry,” sabi ko, siniguradong mabagal lang ang gagawin kong suntok para hindi siya masaktan. “Your goal here isn’t to fight back, but to protect yourself. Kapag may umaatake, kailangan mong mag-block at i-deflect ang force.”Ipinakita ko ang tamang positioning ng braso sa pag-block ng suntok. “Raise your arm like this, creating a barrier with your forearm. Kapag tumama ang suntok dito, it deflects away from your body.”Nang subukan niyang gayahin ang ginawa ko, pinakita ko ang paggalaw ng suntok at tinamaan ang forearm niya, na matagumpay namang na-block niya.“Wow,” sabi niya, tila napabilib sa sarili. “It feels… powerful to know I can block an attack.”Ngumiti ako kasi masaya kami sa progresong nakikita ko. “See? Simple techniques, pero kapag nagamit mo ng tama, malaking tulong.”Nagpatuloy kami sa pangatlong t
Everisha's POVPagmulat pa lang ng mga mata ko ngayong umaga, diretso na agad ang kamay ko sa cellphone. Alam ko na ang una kong hahanapin—ang bagong video ni CD Borromeo dahil trending ‘yun ngayong umaga. Nang buksan ko ang social media niya, tumambad sa akin ang thumbnail niya. Walang maskara, at sa unang pagkakataon, ipinakita niya ang mukha niya sa publiko.Kinakabahan akong pinindot ang play button. Kahit alam ko na ang totoo, hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa na talaga ni Czedric ang bagay na matagal niyang itinago. Habang pinapanood ko ang video, parang bumalik lahat ng alaala namin. Ang mga plano, ang mga sikreto, at ang mga dahilan kung bakit kailangang manatili siyang anonymous dati.Pero ngayon, nagbago na ang lahat.Pagdating sa bahagi kung saan hinubad niya ang maskara, tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa screen, parang hindi ko pa rin maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Seryoso ang mukha ni Czedric, pero kitang-kita mo ang confidence niya ha
Czedric's POVPagdilat ng aking mga mata, unti-unti akong nag-adjust sa maliwanag na ilaw ng kwarto. Amoy na amoy ko ang disinfectant, tanda na nasa ospital ako. Napabuntong-hininga ako. Buhay pa ako. Tagumpay kaming lahat. Pero pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko—parang pinagbagsakan ng daigdig.Napansin ko ang dalawang pamilyar na mukha sa gilid ng kama. Si Edric, ang kapatid kong sumalo sa akin kanina at si Marco, ang pinsan naming parating nakaalalay sa amin. Pareho silang nakangiti nang mapansin nilang gising na ako.“Finally, bro,” sabi ni Edric. May bahagyang ginhawa sa boses niya na parang binagsakan ng bato ang balikat niyang matagal niyang kinikimkim. “You're awake.”“Kumusta?” mahinang tanong ko habang ramdam ang pagod sa boses ko. Halos lumabas lang ito bilang bulong.“You're fine now,” ani Marco. “We made it, Czedric. Tapos na ang lahat. Nabawi na natin ang lahat—lahat ng pera, ari-arian, pati mga negosyo. They're back where they belong—sa inyo ng kapatid mo.”Napaluno
Czedric POVTahimik akong nakatingin sa malayo habang papalapit kami sa private resort. Ang tension sa loob ng sasakyan ay sobrang bigat, parang humihigpit ang paligid sa bawat segundo. Nakita ko ang kamay ni Everisha na bahagyang nanginginig habang hawak ang baril. Si Marco naman ay nakatitig sa mapa, tinitiyak ang bawat detalye. Si Edric at Mishon ay tahimik, pero kita sa mga mata nila ang kaseryosohan sa magaganap na huling laban.“Everyone ready?” tanong ni Marco.“Always,” sagot ni Edric, sabay sulyap kay Everisha na ngumiti nang bahagya bilang sagot.Napabuntong-hininga ako. Hindi ito ang oras para magpaka-distracted, pero ang pag-aalala ko para kay Everisha ay masyadong malakas. At si Edric—alam kong kapwa ko siya maaasahan, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may masamang nangyari kay Everisha.Pagdating namin sa resort, nagpaikot muna kami sa harapan. Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi iyon nangangahulugang ligtas kami.Pagbukas pa
Czedric POVMatagal ko nang alam na hahantong kami sa ganitong punto, pero iba pa rin ang bigat na nararamdaman ko habang tahimik na nakaupo sa loob ng bulletproof na sasakyan. Tumitingin ako sa bintana habang umaandar ang kotse, pinagmamasdan ang tanawin ng mga bundok at kalangitan na tila tahimik ngunit puno ng tensyon.“Czedric, nakikinig ka ba?” tanong ni Marco na nasa tabi ko at mukhang seryoso.“Ha?” sagot ko habang umiwas ng tingin mula sa bintana.“I said,” ulit niya, “Raegan and Jonas are practically on their knees. Ilang linggo nang umaatras ang mga tauhan nila. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang mga taong sumuporta sa kanila pero bigla na lang bumaliktad, o ang katotohanang matagal bago nangyari ito.”Napatingin ako kay Marco. Kita sa mukha niya ang bahagyang saya, pero mas nangingibabaw ang pagod.“Takot na silang madamay,” dagdag niya. “Sino ba naman ang hindi matatakot, eh halos ubos na ang mga tauhan nila dahil sa atin?”Ang mga huling linggo ay parang mahabang
Everisha POV Pagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa. Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin. “Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.” Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos. Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hin
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POV Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay. Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami. Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak k
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak