DINNER outside later?
Napangiti ako nang mabasa ang text message sakin ni Andrew.
Kinagat ko ang ibabang labi habang nagta-type ng reply.
Ayaw mo na ng luto ko?
Ilang araw na ang nakalilipas mula nang makabalik kami galing sa Baler. Simula nang pagbalik namin ng Maynila ay napansin kong mas lalo pang naging sweet si Andrew sa akin. We would always get dinner together, sometimes even breakfast.
We spend the weekends watching movies at home and cooking something. Sometimes, I teach him Filipino food, and sometimes he's the one teaching me how to cook foreign dishes.
I learned things about him. He graduated civil engineer, but he
"ANDREW, do you think there's a multiverse?" tanong ko kay Andrew habang natutok ang mga mata sa screen.Nasa unit kami ng binata. Magkatabi kaming nakaupo sa couch. We were watching a documentary film on his living room. Andrew's right arm was wrapped around my body while my head was resting on his shoulder.Inalis ko ang ulo sa balikat ni Andrew at nag-angat ng tingin sa kanya. "Andrew…""Hmm?" sagot niya na hindi inaalis ang mga mata sa screen."Is there something bothering you?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Uh, may problema ka ba?"Napansin ko nitong nakaraang araw na madalas siyang mapatulala at tila may malalim na iniisip. I felt like there's something bothering him.
"CARLOS!" nabiglang bati ko sa lalaki."Caress," malaki ang ngiting bati niya. Subalit napalitan iyon ng kunot-noo ng mapansin ang reaksyon ko. "Bakit gulat na gulat ka yata?""Ah, hindi," sagot ko nang makabawi. "Hindi ko lang inaasahan na pupunta ka. Pasok ka." Niluwagan ko ang bukas ng pinto at hinayaan siyang pumasok."I'm sorry kung bigla akong pumunta," wika ni Carlos habang hinuhubad ang suot na sapatos.He was wearing a black short sleeve shirt and slacks."Nag-alala ako na hindi mo sinasagot ang tawag ko." Tumingin siya sa akin. "You always answers my call even though you're busy. That's why I got worried. I thought something's wrong."I bit the in
"HELLO?" sambit ko nang itapat ko ang hawak na cellphone sa tenga."Hi, baby."Napangiti ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Andrew sa kabilang linya. Katatapos lang ng klase lo nang tumawag siya.It was Monday. Tatlong araw na ang nakalipas mula noong nagpaalam siya sa akin para umuwi ng Cebu."Hi. Napatawag ka?"Kagabi ay tinawagan din ako ng binata. He asked me if I was doing fine. Pero hindi ko pa sinasabi sa kanya na nakausap ko na si Carlos. Mas mainam na saka ko na lang sabihin pagdating niya."I miss you," sagot ni Andrew sa kabilang linya. I heard him let out a deep breath. "It's just three days but I'm already dying to see you."
"LOKI, p-please, wag ka munang magpasaway, ah." Hinawakan ko ang mukha ng alaga. Sa kabila ng nagbabadyang luha ay pilit kong ngumiti sa kanya. "Aalis na tayo dito, okay?" Maingat ko siyang kinabitan ng leash.Tumahol sa akin ang alaga na tila naiintindihan ang sinabi ko. Hinawakan ko ang mukha niya at mahigpit siyang niyakap. Kailangan naming makaalis dito bago pa—Napabitiw ako kay Loki nang narinig ko ang tunog ng doorbell.Andrew?Naramdaman ko ang pagkirot ng puso. Bumalot sa akin ang magkahalong takot, galit, sakit…Isinukbit ko ang bag sa balikat at hinawakan ang leash ni Loki.Humugot ako ng malalim na hininga at sinilip ang peep hole.
Five years later…"MAMA!"Malayo pa lang ay narinig ko na ang matinis na boses ni Carina. Halos patakbo niya akong sinalubong mula sa pinto ng bahay."Di ba sabi ko sa 'yo wag kang tatakbo kapag sasalubungin ako?" wika ko sa kanya nang yakapin niya ako. "Madilim na, oh. Paano kung madapa ka, anak?" Bahagya akong yumuko at hinaplos ang buhok niya. "At bakit hindi na naman nakapusod ang buhok mo?"Bahagya siyang kumawala sa akin at nag-angat ng tingin. "Mama, natanggal kasi noong naglalaro ako." Ngumuso siya sa akin na tila nagpapa-cute. "Sorry na kung tumakbo ako, eh namiss kita." Lalo pa niyang pinahaba ang nguso dahilan upang matawa ko. Lagi niya iyong ginagawa sa akin kapag may kasalanan siya o kapag inutos ako na h
PINANOOD kong yakapin ni Carina si Sky pagdating ng lalaki sa pintuan. "Wow, na-miss mo talaga ako, ah," nakangiting wika ni Sky sa inaanak."Opkors, Ninong," sagot ni Carina nang bumitiw sa binata.Bahagyang yumuko si Sky. "Now give me a kiss if you really miss Ninong." Itinuro ni Sky ang pisngi niya gamit ang hintuturo.Tumingkayad ang anak at kinintalan ng matunog ng halik sa pisngi si Sky."Ang sweet naman talaga ng inaanak ko," wika ni Sky. "At dahil dyan…meron kang doughnuts."Itinaas ni Sky ang box na hawak sa kanang kamay."Yehey!" Namilog ang mga mata ni Carina sa tuwa. Muli nitong niyakap si Sky bago kinuha ang box ng donuts mula sa k
NATIGILAN ako sa narinig. Kung hindi siguro malakas ang kabog ng dibdib ko ay natawa na ako sa tanong ng anak."Anong alien, anak?" nakangusong sagot ko kay Carina. "Saan mo naman nalaman ang tungkol sa alien na iyan?""Napanood ko sa TV, Ma," nakangusong sagot niya sa akin. "Nakatira din sila sa stars, eh. Tapos may antenna sa ulo nila."Matalinong bata si Carina. Sa edad na apat na taon ay marami na siyang alam. Tulad ng pagkaraniwang bata ay curious din siya sa mga bagay-bagay.Patuloy ko siyang sinuklay habang nakaharap siya sa akin. "Anak, hindi alien ang papa mo, okay? Kung alien siya, dapat half-alien ka rin."Patuloy siyang ngumuso. "Eh, ano siya, Ma? Patay na ba siya? Tulad ba siya ni Loki? Di ba sa
Five years ago... PLEASE call me when you get there, okay? Please be safe, Caress. Binasa ko ang chat sa akin ni Leandra bago ko ibinalik ang cellphone sa bulsa ng body bag. Ibinaling ko ang tingin kay Loki na katabi sa upuan ng bus. Sa kabila ng mabigat na mga mata ay nagawa kong ngumiti sa alaga habang hinahaplos ang ulo niya. Dito kami sa terminal ng bus dumiretso ni Loki pag-alis namin ng unit. Ngayon ay naghihintay na lang kaming dalawa ng pag-alis ng sinasakyang bus patungo sa Bolinao, Pangasinan. Hindi ko kayang manatili dito sa Maynila pagkatapos ng lahat ng nalaman ko. Kailangan kong umalis. Kailangan kong tumakas. Hindi ko kayang makita si Andrew—Craig. Hindi ko alam kung kakayani