"Ngunit hindi kita hahayaan! At hindi ako papataol sayo!" Malamig na tumanggi si Julliane sa matandang lalaki.Pero mayamaya ay tumawa ito ng malakas, ar napatitig sa kanya.Gustong kunin ni Julliane ang maliit na flower base sa isang lamesa dito sa gilid niya at ibato sa matandang ito."Kung gayon sino ang papatulan mo? Si Ismael ba? Ang tatay niya o ang lolo niya? Kilala ko ang mga katulad mo Julliane, masyado kang pakipot.“ Sabi nito na hindi siya makapaniwala na mababangit ang ama at lolo ni Ismael.Hindi napigilan na mapamura ng malakas ni Julliane, kaya tumawa ito.“Soon hija, alam ko na bibigay ka rin sa akin.“ Sabi nito na akma na siyang lalapitan dahil wala na siyang maatrasan, saka sila nakarinig ng ingay sa labas.Pumasok si Miss Alora, Evelyn, Mayi, Dina at si Gary na agad diyang hinila nito sa likod nito.“Umalis na kayo Mr. Montes! Naka-ban kayo dito at hindi na kayo nahiya sa pinaggagawa niyo!“ Galit na sabi ni Gary dito.Si Armando ay napatingin naman sa mga ito at nap
Kung ano man ang gusto nitong palabasin ay handa naman siya, hindi naman siya tanga tulad ng dati.Sinabi niya sa sarili nitong nakaraan na hindi na siya makikipagusap pa dito.At hindi na siya kailanman pupunta sa lugar na ito.Pero ngayon, pumunta pa rin siya dito.Kung saan siya nakatayo, walang bakas na pininturahan ang katawan ng kanyang ama, ngunit alam niyang nandito ito.May sabi-sabi pa nga na nagmumulto dito ang kanyang ama, kung totoo man iyon ay gusto niya itong makita.Medyo matagal na rin mula nong mapanaginipan niya ito, noon ay nong nasa Amerika pa siya ay binabangungot siya lagi.At lagi niyang nakikita ang kanyang ama, puno ng dugo at umiiyak habang nakatitig sa kanya.Napatigil siya sa pag-babalik tanaw ng tawagin na siya ni Crissia, mula sa labas.Sa pagbabalik, inabot ni Crissia ang kanyang kamay. "Miss mo pa rin ba ang iyong ama?" Tanong nito.Ibinaba ni Julliane ang kanyang mga mata at tiningnan ang singsing sa kamay ni Crissia, at ngumiti ng walang malay. "Mukh
Akmang magsasalita si Julliane, oero sumenyas si Ismael na huwag siyang maingay.Kaya nanatili na lang siyang tahimik, at saka nagpatuloy sa pagkain.Pagtingin niya kay Ismael ay wala na ito sa pinto kaya napahinga na lang siya ng malalim.Nang matapos na kumain si Crissia at Julliane ay agad na siya nitong niyaya sa isang studio kung saan magsusukat nga ito ng damit.Pero nagulat siya dahil nandito na rin si Ismael, at mukhang alam nito kung saan sila sunod na pupunta.Nakatayo si Ismael sa entrance ng studio, at mabilis na ibinaba ang telepono at tumingin sa taong nakatayo sa tabi ng kotse.Kausap nito kanina ang sekretaryo dahil may meeting raw siya, pero kinansela niya ito ng malaman na ang ama ni Crissia ang nasa meeting.Pagkalabas ni Crissia ng kotse, lumapit siya sa kanya at hinawakan ang braso nito. "Ismael, maaga kang dumating!" Malambing sabu nito kay Ismael.Tumingin si Ismael sa taong nasa tapat niya, at pagkaraan ng ilang sabdali, mahina niyang sinagot ang babae.“Oo wal
Lumabas siya ulit ng dressing room dahil pagkahawak pa lang niya sa puting damit, tila nanginig na ang kanyang kalamnan.Ang tatlong staff ay napakunot noo dahil nakita siya nila na lumabas ulit.“Hindi ko talaga kayang isuot ang damit!“ Sabi niya sa mga ito na medyo natulala lang ang mga ito kay Julliane.Tinanong siya ng staff. "Miss, may partikular ka ba na damit na gusto?“Pilit na ngumiti si Julliane. "Wala akong gusto, puwede bang huwag niyo na lang akong bigyan ng damit-pangkasal?"Napatango na lang ang mga ito na nagkatinginan at napatitig sa babaeng maganda, napansin talaga nila na wala ito sa mood kanina pa.Akma na kukunin ni Julliane ang cellphone niya sa bag ns nakapatong sa maliit na lamesa ay napatingin siya sa isa sa mga staff.“Kakapasok lang ng isang lalaki mula sa tapat." Isa sa mga tauhan ang pumasok at bumulong.Hindi sinasadyang naisip ni Julliane si Ismael at hindi maiwasan na magsalita siya. "Malapit na silang ikasal!""Sino ba ang groom ng babaeng ito? Yung n
Napakalakas ni Ismael kaya hindi niya pinahintulutan na magalit muli ito.Kung magiging matigas ang ulo niya ay baka dito pa sila mag-away na dalawa.Tiningnan ni Julliane ang kanyang sobrang nakakatakot na mga mata, ngunit siya ay mapagpakumbaba, kinakagat ang laman sa loob ng kanyang mga labi at nanatiling tahimik."Ihahatid na kita! At mag-uusap tayo okay." Sabi ni Ismael sa kanya.Napatitig na lang siya dito at hindi na nakatangi pa dito.“Dapat talaga hindi na kita pinatagal pa dito kanina, sinusubukan talaga ni Crissia ang pasensya ko!“ Gigil nitong bulong pero narinig niya ito ng malinaw mula sa bibig nito.Gulat naman na tumingin sa kanya si Julliane at walang masabi.Akala niya hahamakin siya nito, pero sabi niya, malinaw ang narinig niya? O talagang wala lang ito sa mood.Naramdaman ni Julliane na siya ay nakulong sa maliit na mundong ito, at bigla na lamang siyang hindi naging mapagpakumbaba."Tara na!" Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito, at saka hinawakan ang bahagyan
Nang pumasok si Julliane sa flower shop ay bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng mga sariwang bulaklak sa paligid."Welcome! Ano po ang kailangan niyong bulaklak ma'am?"Magalang na bati ng dalaga sa flower shop."Titingnan ko muna."Magalang ding tumango si Julliane, at pagkatapos ay namili nang mag-isa.Hindi naman gaanong nagbago ang palamuti sa loob, ngunit nahaharangan ito ng maraming bulaklak at halaman.Dalawang bata ang biglang lumitaw sa harap ni Julliane. Ang batang babae ay mapang-akit, nakatayo sa harap ng bar na may isang bag sa kanyang likod at tinawag ang batang lalaki. "Bilhin mo ito para sa akin, gusto ko ng dobleng perlas, na may yelo."Hindi sikat ang pagbabayad sa mobile noong panahong iyon. Ang bata ay kumuha ng dalawampung piso mula sa kanyang backpack at inilagay ito sa front desk na may paghamak. "Hindi mo ba alam na hindi ka na makakainom ng malamig ngayon?"Pero binili pa rin niya ito para sa kanya. Bagaman kinuha niya ito pagkatapos lamang ng dalawang
Napatitig si Julliane kay Evelyn at napangiti bigla.“Hindi ko talaga nilagyan o sinave ang numero niya.“ Sabi ni Julliane dito kaya napatawa na lang ito.“Kakaiba talaga ang relasyon niyong dalawa.“ Sabi na lang nito.Pero tumawag ulit si Ismael, at siya na ang sumagot.“I will get you, stay where you are.“ Seryoso nitong sabi sa kanya na agad na pinutol ang tawag.Nagkatinginan na lang si Julliane at Evelyn, at sabay na napailing sa isa't isa.“Mukhang ayaw ka talagang magpalipas ng gabi sa ibang bahay ng asawa mo.“ Nasabi na lang ni Evelyn na nakangiti lang.Si Julliane naman ay nainis lalo kay Ismael, ano na naman kaya ang nasa isip nito at ayaw siya nitong pagpalipasin muna sa ibang bahay.Makalipas ang ilang minuto.Si Ismael ay nagdoorbell na sa mismong tapat ng bahay ni Evelyn.At si Evelyn naman ay agad na binuksan ang pinto, samantala si Julliane ay nagpaalam na kay Evelyn at napatingin kay Ismael na alam nito na galit.Nakaugalian ni Julliane ang kanyang mga kamay sa likod
Agad na umupo si Julliane sa upuan at dito ay masunurin siyang nanatiling tahimik.Isinara naman ni Ismael ang pinto ng kotse para sa kanya at lumingon sa kabilang side.Naalala ni Julliane na noong bata pa siya, hinabol niya ito sa palaruan, ngunit hindi niya ito mahabol kahit anong pilit niya.Umiiyak na lang siya dahil ayaw nitong magpahawak sa kanya, nong nasa highschool na siya dito niya nalaman ang sakit nito sa dumi o sa hawak bg ibang tao.May mysophobia na ito at ang tanging nakakahawak lang dito ay ang kapatid, ina at lola nito.Kaya naunawaan niya kung bakit ayaw nito na lumalapit siya dito noon, nong bata kasi siya ay madalas siyang pagpawisan dahil sa paglalaro sa parke.Pero kahit ganon ito sa kanya noon, lagi pa rin itong nasa parke at binabantayan siya at dahil marahil nandoon rin si Isabella.Kaya ngayon sa kasalukuyan napaupo siya dito na frustrated hanggang sa bigla itong sumandal sa dibdib niya.Walang malay si Julliane at sumuko gamit ang kanyang mga kamay.Itinaa
Pero si Isagani ay tumawa na naman."Mali mahal ko, pumayag siya dahil mahal na mahal ni Ismael si Julliane noon pa man. Ayaw lang niyang aminin kaya nga binaling niya ang pagtingin kay Crissia noon." Sabi ni Isagani sa asawa na napatanga sa sinabi niya.Tumawa na lang si Analou at napailing.Totoo ang sinabi ng asawa niya, talaga lang na ma-pride ang kanilang anak kaya ngayon nahihirapan ito na paamuhin si Julliane."Kaya tignan mo ngayon, siya ang nahihirapan na kinin ang tiwala ni Julliane." Sabi ulit ni Isagani na napatawa habang inaalala ang huling pag-uusap nila ng anak.Talagang hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nito kay Julliane Dangan nga lang ay nagkamali talaga siya na ibaling ang pagtingin sa ibang babae.Alam naman niya na minahal rin ni Ismael si Crissia, pero ang babae mismo ang sumira sa kanilang dalawa."At ngayon magdusa siya. Kapag talagang umiyak si Julliane dahil sa kanya naku mapipingot ko talaga ang batang iyon." Inis na sabi ni Analou na naiinis sa anak."
Matapos itong sabihin ni Ismael ay hindi agad nakapagsalita si Julliane, iniisip pa rin ang sinabi ni nito."Kung ako rin ang magiging writer, pahihirapan kita sa kwento ko. Para kahit man lang doon ay makabawi ako sa'yo!" Inis na sabi niya rin dito na ikinatawa nito ng malakas."Is that counterattack?" Tanong nito sabay iling at nakatawa pa rin."Ismael Sandoval, isa kang demonyo!" Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane pagkatapos marinig ito, pagkatapos ay tumayo siya at pinagalitan siya.Ang kalmadong aura sa mga mata ni Ismael ay nagparamdam sa kanya na kahit saan niya ito hampasin, babalik ito sa kanya. Nagsimula siyang gumala sa harap ng mesa, at pagkatapos ay pinandilatan siya ng galit gamit ang kanyang malinaw na mga mata.Nakaupo pa rin doon si Ismael na kasing-tatag ng bundok, na may payat at magandang pigura na walang kapintasan.Kahit na sa sandaling ito, ang kanyang malamig na mga mata ay nakapagtataka sa mga tao kung paano magkakaroon ng ganoon kagandang mga mata sa mun
Nahawakan na lang ni Julliane ang kanyang malamig na noo sa galit, pagkatapos ay tumingin sa kanya at nagtanong, "Ang ginawa mo ay isang counterattack, tama ba?""Oo!" Walang paligoy-ligoy na sagot sa kanya ni Ismael, habang nakalagay sa baywang nito ang isang kamay."Ano ngayon? Paano ang mga siomai na ito?" Wala sa loob na tanong sa kanya ni Julliane."Nilagyan ko ito ng gamot, at pagkatapos mong kainin, ihahagis kita sa kama, at pagkatapos..."Ang malaki at matayog na katawan ni Ismael ay nakasandal, ang kanyang magandang kaliwang kamay ay nakadikit sa gilid ng marble counter, ang kanyang itim na mga mata ay nakatitig ng diretso sa kanya.Parang kulog ang tibok ng puso ni Julliane, at hindi niya maiwasang tumingin sa kanya nang nagtatanggol."Maghugas ka na ng kamay at maghanda para sa hapunan!" Nasabi na lang niya.Alam naman niya na nagbibiro ito, at hindi ugali ni Ismael ang pwersahin siya.Sa mga nakalipas na buwan ay oo, hinahalikan, niyayakap sa gabi pero ni minsan hindi siya
Sa bahay ng mga Montes, nakikipagtalo si Crissia sa kanyang ama na halos lumabas na ang mga ugat sa sentido dahil sa galit."Hindi mo ba talaga mapapaamong muli ang Sandoval na iyan!" Galit nitong sigaw sa anak nito na hindi rin nagpapatalo sa kanya."Anong magagawa ko kung hindi na tumatalab ang mga drama ko!?" Sigaw rin ni Crissia sa ama."Napakahina mo talaga! Dapat talaga na mawala na sa landas nila ang babaeng iyon!" Sigaw pa rin ni Armando sa anak."So talagang dinaan mo sa pisikal ang pagbabanta kay Julliane!? Sa ginawa mo tignan mo ang ginawa nila daddy! Nawalan ka ng investor at malulugi ang kumpanya mo dahil sa padalos-dalos kang kumikilos!" Hindi na napigilan ni Crissia ang mapasigaw at halos mawalan siya ng hangin sa dibdib dahil sa galit sa ama.Ang mukha ni Armando ay biglang nandilim at bigla na lang sinampal si Crissia, si Cornelia ay nagulat sa ginawa nito sa anak.Habang sapo naman ni Crissia ang nasaktan nitong pisngi."This is the last time you will slap me! Wag na
"Nakwento ko na ba sa'yo na noon pa man ay gawain na niya ang magbigay ng bulaklak sa akin?" Tanong ni Julliane kay Evelyn na nakaupo na at humihigop ng milktea at napatingin sa kanya. Mabilis na naunawaan ni Evelyn ang ibig niyang sabihin at binaba ang hawak na baso at napatitig sa kanya. "Ito ba ay isang paalala para sa iyo na isipin siya araw-araw? Kung galit siya sa iyo ngunit hindi niya kayang saktan ka, hahayaan ka lang niyang mahulog sa bitag ng pag-ibig na itinakda niya?" Si Evelyn mismo ay medyo nalilito nang sabihin niya ang teoryang ito, ngunit sa wakas ay tumango sa sarili. Walang magawa si Julliane kundi ang mapabuntong hininga na lang, "Kahapon, humiling ang mga elder na bumalik at hiniling sa akin na bawiin ang demanda, na nagsasabing maaari lang kaming maghiwalay pagkatapos lumabas ang resulta ng DNA test ng anak ni Crissia Montes." "Uh!" Tanging nasambit sa kanya ni Evelyn. "Ngunit ito ay para lamang maantala ang oras. Anak ni Crissia iyon, sino pa kaya ito kung
Hindi alam ni Ismael kung ano ang binulong ng kanyang ina sa kanyang asawa, pero nang tumingin ito sa kanya ay nakangiti ito sa kanya.Ang damit nito ay bagay talaga dito, ang kanyang ina ay siyang bumili ng ilan sa mga damit nito na maayos na nakalagay sa kanyang closet.Pero kapag siya ang bumili ng damit dito ay hindi nito sinusuot, kaya ang kanyang ina ang pinapakiusapan niya na mamili ng damit para dito.Tungkol naman sa pagbili ng damit para sa kanya, hindi niya alam kung ilan na ang nabili niya.Sa dalawang palapag ng Seaview Apartment, ang lahat ng mga silid para sa mga damit ay puno ng mga damit, sapat na para sa kanya upang masuot ng ilang taon.Ngunit sinuot ba niya ang mga ito?Maging ang pares ng maliit na asul na sapatos na binigay niya ay minsan lang nasuot dahil pinilit niya ito.Ang alam kasi niya ay hindi nito gusto ang masyadong mamahalin na mga damit, napakasimple lang kasi nito.Ibang-iba talaga ito kay Crissia, ang babae ay nagpapabili pa sa kanya mismo ng mga de
Napaungol si Julliane sa sakit, ngunit agad na nanumbalik ang kanyang pakiramdam at itinaas ang kanyang kamay upang itulak ang kanyang dibdib. Hubad, malamig, at gumagalaw ang kanyang dibdib.Kaagad na binawi ni Julliane ang kanyang kamay, pagkatapos ay nagtago pabalik, inilayo ang kanyang mukha, at ibinaba ang kanyang mga mata.Gusto siyang halikan muli ni Ismael, ngunit hindi niya magawa. Kaya't ang kanyang mga itim na mata ay tumingin sa kanya ng diretso, hindi nasisiyahan, at kahit na may ilang pagkondena.Si Julliane ay hindi naglakas-loob na itaas ang kanyang mga mata, at narinig lamang niyang sinabi niya."Ang katapatan ko ay sapat na, tama ba?" Tanong nito kaya napakunot ang noo ni Julliane.Sino ang gusto ng ganoong katapatan?Medyo naiinis si Julliane, ngunit hindi naglakas-loob na pabulaanan.Iniisip na lang niya ng lihim sa kanyang puso na hinding-hindi siya dadamay sa kanya sa hinaharap.Ang mawalan ng kamay ay maaaring masakit para sa mga ordinaryong tao, ngunit s
Pero nagulat pa rin si Julliane dahil bumalik si Ismael, at talagang tinabihan pa siya nito sa sofa.Malaki naman ito dahil maliit siya at kasya silang dalawa dito.Dahil sa yakap nito at ang mainit nitong katawan na bumalot sa kanya, dagdag pa ang malakas na ulan sa labas ay muling siyang nakatulog.Nang muli siyang magising kinabukasan, mag-isa na siyang nakahiga sa sofa.Tumayo si Julliane at nakitang may mga katulong na naglilinis sa paligid. Hinaplos niya ang kanyang buhok at binati ang katulong nang tumingin ito sa kanya."Magandang umaga!""Magandang umaga po Madam, kakaakyat lang ni young master." Nakangiti nitong sabi kay Julliane na namula ang pisngi.Pagtingin niya sa orasan ay alas singko y medya pa lang, maaga nang naglilinis ang mga katulong at para kapag nagising na ang mama at lola niya ay malinis na ang buong bahay.Hindi naman ito obligado, sa pagkakaalam niya ay maalwan ang trabaho dito.May apat na tagalilinis ng buong bahay, may dalawang labandera, tatlong tagalu
Napagpasyahan ni Julliane na gusto niyang ipahiya siya!"Wala akong pakialam."Mahinang sabi ni Julliane dito, hindi agad nakapag-react si Ismael dahil sa sinabi nito.Pero sa huli ay tumango si Ismael at tumayo at umakyat sa taas.Naiwan si Julliane na nakahinga ng maluwag.Tumingin si Julliane sa bintana, patuloy pa rin ang ulan at wala namg pag-asa na makakauwi siya.At isa pa ay nangako siya sa kanyang byenan at abuela na dito magpapalipas ng gabi.At sa puntong ito, malamang na nagpahinga ang mga driver, at kung tumawag man siya ng taxi, ang mga tao ay hindi nais na pumunta sa lugar na ito.Sumandal siya sa sofa at tahimik na pinanood ang babaeng nag-uulat ng balita sa TV.Sila na gumagawa ng balita ay dapat maging matatag at marangal, kaya pinaalalahanan siya nina Evelyn at Alora pagpasok niya.Sa TV station sana niya naisipan na pumasok nong una, pero hindi niya kaya ang trabaho ng mga ito.At isa pa ay mas nakakapagod mung magfi-field journalist siya. Mas maganda na yong nasa