Nang matapos kumain ay bumalik naman agad sila sa department nila, at nagpatuloy sa trabaho.Pero may tumawag sa kanya at si Crissia ito, kaya nagdalawang isip siya kung sasagutin niya ito o hindi.Dahil handa naman siya na kausapin ito ay sinagot na lang niya ito, pero ang galit nitong boses at pagbabanta ang narinig niya dito.“Please, Julliane kung ayaw mong okaw ang maging dahilan ng pagkamatay ko ng maaga ay layuan mo na lang si Ismael.“ Sabi nito pero galit ang boses kaya nakaramdam siya ng sama ng loob.“Bakit hindi si Ismael ang kausapin mo!? Pilit ko siyang nilalayuan pero siya ang lapit ng lapit!“ Balik niya rin na sabi dito na hindi niya napigilan ang hindi magtaas ng boses.“Pero ikaw ang babae! Dapat alam mo kung paano siya layuan, o baka naman inaakit mo talaga siya!? Binalaan ka na ng ama ko Julliane, wag mo nang hintayin pa na mapahamak ka pa!“ Nagbago na ang boses nito at galit na kaya imbes na matakot at napatawa na lang siya.“I never do that Crissia, at totoo pala
Dahil sa sobrang inis ni Julliane sa mga sandaling iyon ay agad siyang lumabas ng sasakyan ni Ismael.Ayaw niyang makipagtalo dito, dahil ayaw niyang mag-away na naman sila.Ayaw niya rin ipakita dito ang galit na nararamdaman niya at baka masabi niya dito ang napag-usapan nila ni Crissia kanina.Kaya tumakbo siya palayo kay Ismael, buti na lang at hawak niya ang cellphone niya.Kundi wala siyang kadala-dala nong tumakbo siya.Naisipan niya na tawagan si Alora o si Evelyn pero hindi sumagot si Evelyn, si Alora ang tinawagan niya na agad naman nitong sinagot.Pinuntahan siya nito sa isang parke kung saan siya naupo dahil napagod siya sa paglalakad ng walang direksyon.“Ano ba ang naisipan mo at tinakbuhan mo ang asawa mo?“ Tanong ni Alora na nakatawa sa kanya, kaya nag-init ang pisngi niya.“Pwede mo ba akong tulungan na makakuha ng isang kwarto sa hotel?“ Sabi niya dito kaya napahinga na lang ito ng malalim at saka napatitig sa kanya.Gusto siya nito na dalhin sa bahay nito pero ayaw
Pumunta siya sa gilid niya at proud na tumayo!Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Julliane, at bahagyang itinagilid ang ulo, at nauutal na nagtanong dito. "Ano, anong ginagawa mo?"“Kung hindi ka magpalit ng damit, matatapos mo ang panonood ng lahat ng hindi mo nakita dito!"Ang boses ni Ismael ay patag pero may pagbabanta, at ang kanyang madilim na mga mata ay patuloy na nakatingin sa kanya, na nagbibigay sa kanya ng matinding pang-aapi.Naramdaman ni Julliane ang mga hormone ng isang mature na lalaki na nagmumula sa kanyang katawan, at ang kanyang katawan at isip ay nanginginig nang walang malay.Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa baywang kaya napatitig siya rito."O ito ba ang pinagkakatuwaan mo?" Bahagyang yumuko si Ismael, at ang manipis niyang labi ay sadyang dumampi sa labi niya.Nilunok ni Julliane ang kanyang laway, halos wala pa ring katuwiran, at iminungkahi."Ikaw, pumunta ka muna sa banyo." Sabi niya rito pero ngumisi lang ito."Hindi ako pupunta!" Sa isip ni Is
Si Ismael ay naglakad kasunod ni Julliane at tinignan lang siya, saka nito itinaas ang kamay para hawakan ang braso niya at niyakap siya sa kanyang mga braso."Galit ka pa rin ba? Anong gusto mo, gusto mo bilhan kita ng paborito mong pagkain?“ Sabi ni Ismael kay Julliane na napatingin dito.Naisip ni Julliane na wala naman problema sa kanya, kahit sabihin niya na hindi siya galit dito ay hindi pa rin ito maniniwala."Okay, gusto ko ng mochi ice cream." Sabi ni Julliane dito kaya napatitig ito sa kanya at agad na ngumiti.Ngumiti rin si Ismael at agad naman itonh tumango, saka na sila pumasok sa sasakyan nito.Tiningnan ni Ismael ang kanyang nakataas na labi gamit ang kanyang maitim na mga mata, at marahan itong hinawakan ng kanyang kamay.“Ano pa ang gusto mo? Bibilhin ko kahit na ano.“ Sabi pa rin ni Ismael dito kaya natigilan si Julliane, at saka nag-isip.“Gusto ko ng hinog na langka at saging na saba napanood ko sa internet na masarap iyon na pagsamahin para gawinv turon.“ Wala sa
Nang matapos maghilamos at magbihis ni Julliane ay saka na siya lumabas ng kanyang banyo.Si Ismael ay prente nang nakahiga sa kama niya, may pinapanood ito sa cellphone nito at tumatawa pa ito.Nakasalamin ito at tila ba pag-asri na nito ang kabilang espasyo ng kanyang kama.Napaisip siya na ganito kaya ang buhay nila kung maaga pa lang ay tinangap na siya nito bilang asawa noon?Napatingin ito sa kanya bigla kaya agad siyang tumalikod at sinampay sa upuan ang tuwalya na ginamit niya.“Are you done? Come here now and sleep.“ Sabi ni Ismael na inayos pa ang salamin nito sa mata.Ang puso ni Julliane ay parang kulog, ngunit hindi niya maiwasang maglakas-loob na sabihin sa kanya."Kung wala ka, payapa sana ako sa mga sandaling ito na matutulog, at...""At ano? Manonood ka muna ng naghahalikan na couple bago matulog?" Sabi ni Ismael sa kanya na nakangisi sa kanya.Bigla na naman namula ang pisngi ni Julliane pero mas nangibabaw ang inis niya dito.Napatingin ang maitim na mata ni Ismael
Maaga pa lang ay pumunta na ng ospital si Ismael, katulad ng pinangako niya kay Crissia.Pagdating pa lang nito sa ospital ay natanaw nito sa parking area ang sasakyan ni Gilan.Nakakaramdam ba siya ng selos? Ito ang tanong niya sa sarili pero wala siyang maramdaman na kahit ano.Magiging pabor pa nga ito sa kanya, kapag nagkataon ay may panlaban siya kay Crissia.Napatingin si Ismael sa upuan at dito naalala ng lalaki na wala pala itong dalang bulaklak o kung ano man.Naalala nito na kapag bumibisita ito sa babae ay lagi itong may dala, pero sa mga nakalipas na araw ay hindi na nito naaalala pa na bilhan ito ng kahit ano.Oo siya pa rin ang nagbabayad ng expences nito sa ispital, maging ang luho nito.Pero balewala naman iyon sa kanya, mas naging abala siya sa trabaho at isa pa mas naging abala rin siya sa asawa niya.Habang paakyat ang elevator ay may kasabay siyang dalawang nurse paakyat rin.“Nakakakilig diba? Madalas yon nandito at ang nakakatuwa ay madalas niyang bigyan ng bulak
Kinabukasan ay maagang nagising si Julliane, pero wala ang prisensya ni Ismael.Kaya napaisip siya na baka maaga na naman itong umalis.Pumunta siya ng kusina at nakita niya na may ginayat na gulay, at nakasalang ang ruce cooker.Pero wala ito, kaya nagtaka siya kung nasaan ito.Pero mayamaya lang ay dumating si Ismael, may dala itong grocery bag.“Oh, good morning wife. Naubusan ako ng toyo kaya bumili ako sa labas.“ Sabi nito kaya napatango lang siya.Pinanood na lang ito na magprepare ng agahan nila.Habang siya ay humihigop ng mainit na hot chocolate na ito pa rin nag gumawa.Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Julliane, ngumiti nang walang malay, tumingin sa kanya at tapat na sinabi."Kung hindi ko alam na matagal na kayong may relasyon ni Crissia sa loob ng napakaraming taon, iisipin ko na mahal mo talaga ako dahil pinaparanas mo sa akin ito!"Nang marinig ni Ismael ang salitang pag-ibig, naging seryoso ang kanyang ekspresyon. Sumulyap siya sa kanya at sinabing, "Julliane, k
Naramdaman ni Julliane na si Ismael ay isang tao na hindi basta basta mailalarawan ng salitang gwapo.Siya ay may pakiramdam ng higit na kahusayan at isang marilag na aura. Saan man siya tumayo, kahit na sa isang grupo ng mga international male models, naniniwala siya na siya ang pinaka nakakasilaw!Napatanaw na lang siya sa papalayong sasakyan ni Ismael.Naalala ang napag-usapan nila kanina, habang kumakain.Tumingin si Ismael sa kanya na nakakunot ang noo sa kanya. "Anong problema?""Natuto kang magluto para kay Crissia, tama ba?" Tanong ni Julliane sa kanya.Napangiti si Ismael matapos itong marinig. "Tulad ng dati kong sinabi sa'yo, dahil mag-isa lang ako nong nag-aaral pa ako ay doon ako natutong magluto.“ Sabi nito sa kanya.Napatitig lang dito si Julliane, at saka tumango pero may gusto pa rin siyang itanong dito. Ibinaba ni Julliane ang kutsara sa kanyang kamay at tinitigan siya ng seryoso. "Ismael, minahal mo ba talaga si Crissia?"Si Ismael ay napakunot lalo ang noo nito,
Pero si Isagani ay tumawa na naman."Mali mahal ko, pumayag siya dahil mahal na mahal ni Ismael si Julliane noon pa man. Ayaw lang niyang aminin kaya nga binaling niya ang pagtingin kay Crissia noon." Sabi ni Isagani sa asawa na napatanga sa sinabi niya.Tumawa na lang si Analou at napailing.Totoo ang sinabi ng asawa niya, talaga lang na ma-pride ang kanilang anak kaya ngayon nahihirapan ito na paamuhin si Julliane."Kaya tignan mo ngayon, siya ang nahihirapan na kinin ang tiwala ni Julliane." Sabi ulit ni Isagani na napatawa habang inaalala ang huling pag-uusap nila ng anak.Talagang hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nito kay Julliane Dangan nga lang ay nagkamali talaga siya na ibaling ang pagtingin sa ibang babae.Alam naman niya na minahal rin ni Ismael si Crissia, pero ang babae mismo ang sumira sa kanilang dalawa."At ngayon magdusa siya. Kapag talagang umiyak si Julliane dahil sa kanya naku mapipingot ko talaga ang batang iyon." Inis na sabi ni Analou na naiinis sa anak."
Matapos itong sabihin ni Ismael ay hindi agad nakapagsalita si Julliane, iniisip pa rin ang sinabi ni nito."Kung ako rin ang magiging writer, pahihirapan kita sa kwento ko. Para kahit man lang doon ay makabawi ako sa'yo!" Inis na sabi niya rin dito na ikinatawa nito ng malakas."Is that counterattack?" Tanong nito sabay iling at nakatawa pa rin."Ismael Sandoval, isa kang demonyo!" Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane pagkatapos marinig ito, pagkatapos ay tumayo siya at pinagalitan siya.Ang kalmadong aura sa mga mata ni Ismael ay nagparamdam sa kanya na kahit saan niya ito hampasin, babalik ito sa kanya. Nagsimula siyang gumala sa harap ng mesa, at pagkatapos ay pinandilatan siya ng galit gamit ang kanyang malinaw na mga mata.Nakaupo pa rin doon si Ismael na kasing-tatag ng bundok, na may payat at magandang pigura na walang kapintasan.Kahit na sa sandaling ito, ang kanyang malamig na mga mata ay nakapagtataka sa mga tao kung paano magkakaroon ng ganoon kagandang mga mata sa mun
Nahawakan na lang ni Julliane ang kanyang malamig na noo sa galit, pagkatapos ay tumingin sa kanya at nagtanong, "Ang ginawa mo ay isang counterattack, tama ba?""Oo!" Walang paligoy-ligoy na sagot sa kanya ni Ismael, habang nakalagay sa baywang nito ang isang kamay."Ano ngayon? Paano ang mga siomai na ito?" Wala sa loob na tanong sa kanya ni Julliane."Nilagyan ko ito ng gamot, at pagkatapos mong kainin, ihahagis kita sa kama, at pagkatapos..."Ang malaki at matayog na katawan ni Ismael ay nakasandal, ang kanyang magandang kaliwang kamay ay nakadikit sa gilid ng marble counter, ang kanyang itim na mga mata ay nakatitig ng diretso sa kanya.Parang kulog ang tibok ng puso ni Julliane, at hindi niya maiwasang tumingin sa kanya nang nagtatanggol."Maghugas ka na ng kamay at maghanda para sa hapunan!" Nasabi na lang niya.Alam naman niya na nagbibiro ito, at hindi ugali ni Ismael ang pwersahin siya.Sa mga nakalipas na buwan ay oo, hinahalikan, niyayakap sa gabi pero ni minsan hindi siya
Sa bahay ng mga Montes, nakikipagtalo si Crissia sa kanyang ama na halos lumabas na ang mga ugat sa sentido dahil sa galit."Hindi mo ba talaga mapapaamong muli ang Sandoval na iyan!" Galit nitong sigaw sa anak nito na hindi rin nagpapatalo sa kanya."Anong magagawa ko kung hindi na tumatalab ang mga drama ko!?" Sigaw rin ni Crissia sa ama."Napakahina mo talaga! Dapat talaga na mawala na sa landas nila ang babaeng iyon!" Sigaw pa rin ni Armando sa anak."So talagang dinaan mo sa pisikal ang pagbabanta kay Julliane!? Sa ginawa mo tignan mo ang ginawa nila daddy! Nawalan ka ng investor at malulugi ang kumpanya mo dahil sa padalos-dalos kang kumikilos!" Hindi na napigilan ni Crissia ang mapasigaw at halos mawalan siya ng hangin sa dibdib dahil sa galit sa ama.Ang mukha ni Armando ay biglang nandilim at bigla na lang sinampal si Crissia, si Cornelia ay nagulat sa ginawa nito sa anak.Habang sapo naman ni Crissia ang nasaktan nitong pisngi."This is the last time you will slap me! Wag na
"Nakwento ko na ba sa'yo na noon pa man ay gawain na niya ang magbigay ng bulaklak sa akin?" Tanong ni Julliane kay Evelyn na nakaupo na at humihigop ng milktea at napatingin sa kanya. Mabilis na naunawaan ni Evelyn ang ibig niyang sabihin at binaba ang hawak na baso at napatitig sa kanya. "Ito ba ay isang paalala para sa iyo na isipin siya araw-araw? Kung galit siya sa iyo ngunit hindi niya kayang saktan ka, hahayaan ka lang niyang mahulog sa bitag ng pag-ibig na itinakda niya?" Si Evelyn mismo ay medyo nalilito nang sabihin niya ang teoryang ito, ngunit sa wakas ay tumango sa sarili. Walang magawa si Julliane kundi ang mapabuntong hininga na lang, "Kahapon, humiling ang mga elder na bumalik at hiniling sa akin na bawiin ang demanda, na nagsasabing maaari lang kaming maghiwalay pagkatapos lumabas ang resulta ng DNA test ng anak ni Crissia Montes." "Uh!" Tanging nasambit sa kanya ni Evelyn. "Ngunit ito ay para lamang maantala ang oras. Anak ni Crissia iyon, sino pa kaya ito kung
Hindi alam ni Ismael kung ano ang binulong ng kanyang ina sa kanyang asawa, pero nang tumingin ito sa kanya ay nakangiti ito sa kanya.Ang damit nito ay bagay talaga dito, ang kanyang ina ay siyang bumili ng ilan sa mga damit nito na maayos na nakalagay sa kanyang closet.Pero kapag siya ang bumili ng damit dito ay hindi nito sinusuot, kaya ang kanyang ina ang pinapakiusapan niya na mamili ng damit para dito.Tungkol naman sa pagbili ng damit para sa kanya, hindi niya alam kung ilan na ang nabili niya.Sa dalawang palapag ng Seaview Apartment, ang lahat ng mga silid para sa mga damit ay puno ng mga damit, sapat na para sa kanya upang masuot ng ilang taon.Ngunit sinuot ba niya ang mga ito?Maging ang pares ng maliit na asul na sapatos na binigay niya ay minsan lang nasuot dahil pinilit niya ito.Ang alam kasi niya ay hindi nito gusto ang masyadong mamahalin na mga damit, napakasimple lang kasi nito.Ibang-iba talaga ito kay Crissia, ang babae ay nagpapabili pa sa kanya mismo ng mga de
Napaungol si Julliane sa sakit, ngunit agad na nanumbalik ang kanyang pakiramdam at itinaas ang kanyang kamay upang itulak ang kanyang dibdib. Hubad, malamig, at gumagalaw ang kanyang dibdib.Kaagad na binawi ni Julliane ang kanyang kamay, pagkatapos ay nagtago pabalik, inilayo ang kanyang mukha, at ibinaba ang kanyang mga mata.Gusto siyang halikan muli ni Ismael, ngunit hindi niya magawa. Kaya't ang kanyang mga itim na mata ay tumingin sa kanya ng diretso, hindi nasisiyahan, at kahit na may ilang pagkondena.Si Julliane ay hindi naglakas-loob na itaas ang kanyang mga mata, at narinig lamang niyang sinabi niya."Ang katapatan ko ay sapat na, tama ba?" Tanong nito kaya napakunot ang noo ni Julliane.Sino ang gusto ng ganoong katapatan?Medyo naiinis si Julliane, ngunit hindi naglakas-loob na pabulaanan.Iniisip na lang niya ng lihim sa kanyang puso na hinding-hindi siya dadamay sa kanya sa hinaharap.Ang mawalan ng kamay ay maaaring masakit para sa mga ordinaryong tao, ngunit s
Pero nagulat pa rin si Julliane dahil bumalik si Ismael, at talagang tinabihan pa siya nito sa sofa.Malaki naman ito dahil maliit siya at kasya silang dalawa dito.Dahil sa yakap nito at ang mainit nitong katawan na bumalot sa kanya, dagdag pa ang malakas na ulan sa labas ay muling siyang nakatulog.Nang muli siyang magising kinabukasan, mag-isa na siyang nakahiga sa sofa.Tumayo si Julliane at nakitang may mga katulong na naglilinis sa paligid. Hinaplos niya ang kanyang buhok at binati ang katulong nang tumingin ito sa kanya."Magandang umaga!""Magandang umaga po Madam, kakaakyat lang ni young master." Nakangiti nitong sabi kay Julliane na namula ang pisngi.Pagtingin niya sa orasan ay alas singko y medya pa lang, maaga nang naglilinis ang mga katulong at para kapag nagising na ang mama at lola niya ay malinis na ang buong bahay.Hindi naman ito obligado, sa pagkakaalam niya ay maalwan ang trabaho dito.May apat na tagalilinis ng buong bahay, may dalawang labandera, tatlong tagalu
Napagpasyahan ni Julliane na gusto niyang ipahiya siya!"Wala akong pakialam."Mahinang sabi ni Julliane dito, hindi agad nakapag-react si Ismael dahil sa sinabi nito.Pero sa huli ay tumango si Ismael at tumayo at umakyat sa taas.Naiwan si Julliane na nakahinga ng maluwag.Tumingin si Julliane sa bintana, patuloy pa rin ang ulan at wala namg pag-asa na makakauwi siya.At isa pa ay nangako siya sa kanyang byenan at abuela na dito magpapalipas ng gabi.At sa puntong ito, malamang na nagpahinga ang mga driver, at kung tumawag man siya ng taxi, ang mga tao ay hindi nais na pumunta sa lugar na ito.Sumandal siya sa sofa at tahimik na pinanood ang babaeng nag-uulat ng balita sa TV.Sila na gumagawa ng balita ay dapat maging matatag at marangal, kaya pinaalalahanan siya nina Evelyn at Alora pagpasok niya.Sa TV station sana niya naisipan na pumasok nong una, pero hindi niya kaya ang trabaho ng mga ito.At isa pa ay mas nakakapagod mung magfi-field journalist siya. Mas maganda na yong nasa