"Isama mo na lang sila Rose, Mateo. Tutal ay para naman 'to sa foundation. Nandoon rin naman ang mag-ina ko, si Sébastien at Isabella ay darating din. Even Giovanni will be coming with us." Ani Morgan sa akin habang inilapag ang pamangkin kong si Maureen sa may carpet kasama ni Rian.Nasa opisina kami ngayon at naisipan kong dalhin na lang si Rian sa akin tutal ay wala na naman si Rose sa bahay. Hindi ko alam kung saan pupunta ang babaeng 'yon. Ni hindi na nga nagpaalam sa akin o maski kay manang man lang. Imbes na ma-stress sa isipin ko sa kaniya ay iwinaksi ko na lang siya sa isipan ko. Malaki naman na siya, kung ano mang gusto niyang gawin sa buhay niya ay bahala na siya. Mas maganda nga itong ganito, dahil unti unti ay nagagawa kong mailayo ang sarili ko sa kaniya."Hindi ko alam kung maisasama ko si Rose. Siguro kami na lang ni Rian ang sasama sa inyo---""By partner 'yon, Mateo. Sige ka, ikaw lang ang walang kapareha sa foundation." May bahid ng pang-aasar sa boses ni Morgan.Na
"Iyong mga benefactor ng foundation daw po ay sa booth muna, since mamaya pa po mag-s-start ang program." Saad ng isang empleyado ng foundation at inalalayan pa kami sa open booth. Naupo ako sa tabi at ikinalong ko naman sa isang hita ko si Rian. Panay ang laro nito sa phone ko, habang sa kabilang hita ko naman ay si Maui na nakayakap kay Rian. Napangiti ako nang makita ko silang dalawa. I wonder how would be the scenery if my son was here. "Kumpleto na ba tayo? Asaan sila Massimo?" Si Morgan na umupo sa tabi ko't kinintilan ng halik ang anak at si Rian na pinagkukurot niya pa ang pisngi."Akala ko tayo lang?" Tanong ko sa kaniya na ikinakibit balikat niya."Iyon din ang pagkakaalam ko. Kaso nandito daw si Giovanni kaya they'll come over." Sagot nito sa akin, sabay tayo para alalayan ang asawa niyang nasa akin na naman ang tingin kahit na nasa malayo pa.Pasimple akong bumuntong hininga."Ang asawa mo, Mateo?" Kaagad niyang bungad sa akin at binalingan ang dalawang paslit. "Hello m
I expected it would be difficult for me to see her after three years. I assumed I'd have to rely on my imagination and the one photograph taken during our wedding for the rest of my life. But everything I had thought was now in front of me. But everything changed.After Lyden persuaded Fayra to join our table, the previous Fayra had vanished; the new Fayra is fiercer and barely even glances at me for a split second. Tanging sila Morgan lang ang pinapasadahan niya ng tingin at kung magtatanong naman ang mga ito ay ngingitian niya lang. "Missed na missed talaga kita, Fayra. Nakakainis ka, bakit mo naman kami nilayasan ng gano'n?! Saan ka dumaan ha? Magsabi ka nga!" Pangingibabaw na naman ng boses ni Lyden. Ang foundation program na dadausin sana ay ipinatigil muna nila Morgan. Isang linggo naman kaming nandito kaya't puwede pa naming ipagpabukas na sinang-ayunan naman ng lahat. "Bintana." Tipid na sagot nito at natigilan ang lahat. "How come??" Si Sébastien naman na punong puno nan
"Thank you so much sa mga benefactor na'tin para sa project ng foundation na ito. As long as naniniwala kayo sa amin, maraming bata sa iba't ibang foundation ang maaari na'ting matulungan. Especially, kay Ms. Fayra na simula't sapol ay naka-suporta sa amin. Maraming salamat ma'am, kung hindi dahil sa 'yo ay maaaring wala na ang foundation namin ngayon."Masigabong palakpakan ang namutawi sa buong ground ng resort nang magbigay ng talumpati niya ang host ng event na ito. Marami pa itong sinabi na hindi ko naman maintindihan dahil nakay Fayra ang paningin ko't isipan.Kagabi ay hindi pa ako nakatulog. Sa makatuwid ay magdamag akong gising, kakaisip kung papaano ko itatawid ang kaarawan ng anak ko gayong ang pangalan nito ay hindi ko alam.Nanliliit ako sa sarili ko. Ni hindi ko rin matanong ang ina ng anak ko dahil ilap ito sa akin. Hindi niya man sabihin na ayaw niya sa presensiya ko ay ipinaparamdam niya naman 'yon sa akin.Ganito rin siguro ang naramdaman niya sa akin noon. Hindi ko
Fayra speaks in a way that makes each word seem like a reality that she demonstrates and gradually —not directly at me, pero parang gano'n din, dahil tagos na tagos sa akin ang mga iyon. Every time she spoke, I was reminded of how I had denied her the affection she wanted to experience from me—which is ultimately insufficient for someone like her.Gusto kong umalis kung nasaan man ako ngayon. Pero kanina pa ako pinipigilan ni Morgan. Alam ko naman ang rason niya. Gusto niyang marinig ko ang lahat para kahit papaano ay matauhan pa akong lalo sa mga pinaggagawa ko noon kay Fayra.Wala naman akong balak na hindi makinig. Ang sa akin lang, gusto ko sana ay 'yong kaming dalawa lang. Iyong tipong makakayanan kong sumabat at siya naman ay makakayanan akong sumbatan sa lahat lahat nang pasakit na dinulot ko sa kaniya. But it's impossible."Oh, saan ka pupunta?" Pigil muli ni Morgan sa akin nang magtangka akong tumayo."Kukunin ko pa si Rian kay nila Sébastien, Kuya. Kagabi ko pa hindi nakikit
Fayra's POV It's been what? 3 and a half years... since I saw him. Simula nang umalis ako that day, akala ko malabo ko na siyang makita ulit. But here he was. Standing in front of me while hugging my son, Ace. Seeing how he hold my son, hindi ako natutuwa. He abondoned him. He abondoned everything. But I'm not that kind of person na magpapakabulag sa bugso ng damdamin para lang mailayo nang husto sa kaniya si Ace. Hindi ko kailangan gawin 'yon dahil wala naman akong balak siyang gantihan simula't sapol na makabangon ako. Ang gusto ko lang ay katahimikan, pero mukhang sa pagbabalik ko ay hindi iyon mangyayari. Sa loob ng ilang taon, alam kong maraming nagbago. Sa palagay ko nga rin ay maayos na ang magkapatid, sangga na ulit sila kagaya ng dati. Maging si Sébastien at Isabella ay nakikita kong maayos na. At si Morgan at Lyden, magkakaroon na ng pangawalang anak. Ang daming ganap, at ang hindi ko inaasahan ay ang pag-aangat ni Lyden ng bangko kay Mateo. I know what she's doing at k
"Here taste this, it's strawberry cake."I glanced at the small plate containing a slice of cake. My eyes immediately fell on a table full of cakes that others had also ordered for my son. I then turned to look at Mateo."Saan galing 'to?" Tanong ko pagkatapos kong abutin iyon sa kaniya.Bago niya ako sagutin ay tinawag niya muna sila Ace para lumapit na agad namang pinaunlakan ng dalawang bata. Pinunasan ni Mateo ang bibig at kamay ni Ace na balot na balot ng cake, maging ang anak niya rin na pinagpupunasan ni Ace kanina. Sumunod din ang anak ni Lyden na mas madungis pa ang itsura kaysa kay Rian."Tito, punas." Abot ni Maui sa kamay niya kay Mateo.Pa-simple akong lumingon sa kaniya habang pa-unti-unti nang kinakain ang bigay niyang cake."Bakit sa akin ka nagpapapunas. Andoon naman 'yong tatay mo oh." Parang tangang kausap pa niya sa pamangkin niya.Napalabi ako at napailing nang ngumiti lang ng pagkatamis tamis si Maui sa kaniya. Si Mateo naman ay pinanggigilan pa ito at maya maya l
"I already made up my mind; I will make you be with me, not by force but by your choice... for the second time around."Ilang araw na ang lumipas simula nang maganap ang eksenang 'yon sa pagitan namin ni Mateo, ngunit tila ayaw akong patahimikin ng utak ko dahil maya't maya ko na lang naririnig ang litanyang binitiwan niya sa akin. Nang oras ding iyon, halos hindi ako makagalaw. Napagtanto ko na lang na masyado na akong nakatulala nang buhatin niya ako pabalik sa resort. Ilang beses akong nagpumiglas dahil baka may makakita sa amin at kung ano ang isipin, ngunit hindi niya ako pinakinggan. Laking pasasalamat ko na lang at wala ng mga tao sa may lobby para masaksihan ang nakakahiyang sitwasyon sa pagitan namin. Maging ang eksena sa kuwartong 'yon ay hindi ko lubos maisip na hindi ko man lang siya itinaboy. Hindi ko alam kung ano ang puwede kong ipangalan sa bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na iyon. Masyadong nakaka-pagkalabog ng dibdib ang mga ikinikilos niya sa akin. The way he
Siguro nga dapat munang dinahan dahan muna namin ang lahat. Hindi nagpadalos dalos sa bugso ng damdamin upang hindi kami makagawa ng ubod ng kapusukan. Marami akong natutunan. Natutunan na isa na doon ang pahalagahan ang sarili. Isalba hanggat kaya pa. Dahil sa huli, ikaw lang sa sarili mo ang tutulong mismo sa 'yo. Wala nang iba pa. Hindi ko alam kung kaya ko bang kalimutan pa ang nakaraan na nagturo sa akin maging matatag at tumayo sa sarili kong mga paa. Ngunit hindi na nga ata mawawala sa akin ang nakaraang gusto kong ibaon na ng tuluyan dahil kasama ko na ito hanggang sa ako'y mabawian ng buhay. Cheating is a choice na hindi mo puwedeng sabihin lang na hindi mo sinasadya o kaya natukso ka lang kaya mo nagawa ang isang pagkakamaling iyon. Alam kong walang kapatawaran ang kasalanan iyon. Walang tamang ekplinasyon para makalusot dahil kapalit nang pagkakasalang iyon ay ang hinagpis ng isang taong kinukwestiyon kung ano ang mali at kulang sa kaniya. Akala ko, hanggang doon na lang
Mateo's POV"Ilang araw nang nasa sa 'yo 'yan, bro. Parang wala kang balak na ibigay 'yan kay Fayra."Nag-angat ako ng tingin kay Morgan na kakapasok lang sa opisina ko. Binuksan ko ang drawer at ipinasok ang hawak hawak ko doon. Inabot ko sa kaniya ang mga papeles na tapos ko nang pirmahan kani-kanina lang. "Naghahanap lang ako ng tama panahon. At hindi naman sa wala akong balak. Hindi pa ata handa si Fayra na muling matali sa akin." Malungkot kong saad. Umupo ito sa may couch at pinag-cross ang dalawang binti habang ang paningin ay nasa akin. "Isang taon na kayong nagsasama after mong bumalik. Hindi ka pa rin sigurado kung gusto niya ba o hindi?" Takang tanong niya. Napasandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga. "Pakiramdam ko lang naman. May mga times kasi na parang ilang pa rin siya about some things. Maybe because akala niya bumabalik kami sa dati." "That's bad, bro. Don't you think it's a sign?" Napakunot ang noo ko. "A sign of what?" "A sign that you should leave he
"Mateo, ano na naman ba 'to? Ang dami na namang bulaklak." Nakanguso kong wika habang sinusuyod ng tingin ang buong kusina na halos punuin niya na ng mga rosas.Napatigil ito sa pagva-vacuum at gulat na napatingin sa akin."Bakit hindi ka nagsabing dadating ka na pala?" Balik naman nitong tanong sa akin na ikinabuntong hininga ko. Inilagay ko ang shoulder bag ko sa sofa at sinuyod muli ng tingin ang kusina.Nang lingunin ko siya ay nagkamot ulo ito sabay lapit sa akin. Agad niyang pinulupot ang braso niya sa akin at pinupog ako ng halik."Babe, magrereklamo ka na naman eh." Nangingiwing aniya sa akin sabay hubad sa coat ko. Isinampay niya iyon sa balikat niya at hinapit ako paharap sa kaniya. Nangingiti na ito at agad akong kinintilan ng halik. "A-Ay!" Natatawang hawak nito sa noo niya pagkatapos kong pitikin.Inirapan ko siya at marahang itinulak."Nanliligaw ka pa nga lang may pahalik halik ka na. Ayos ka rin eh noh." Asik ko sa kaniya na ikinatawa niya ng husto."Matik 'yon, babe.
"Mommy, wake up na po.""Mommy."Marahan akong napadilat ng marinig ang boses ng anak ko at ang mahinang pagyugyog niya sa akin. Nang magmulat ako ng husto ay kinusot ko muna ang mga mata ko at iniunat ang braso."Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko't sabay yakap sa kaniya at hinilakan siya sa pisngi.Yumakap naman ng mahigpit pabalik si Ace sa akin. Nang humilay siya sa akin ay nakangiti itong bumaba ng higaan at inabot ang kamay ko."Stand up ka na, Mommy. Ready na ang breakfast na'tin." Aniya niya't ayaw akong tigilan sa paghila."Susunod ako anak, mag-aayos lang si mommy." Aniya ko't bumangon dahil mukhang hindi siya naniniwala."We'll wait for you, Mom." Saad pa nito at parang bulang naglaho sa harapan ko.Napabuntong hininga ako at muling nag-unat. Bigla naman akong natauhan nang maalala na nandito nga pala ang ama niya. Kaagad akong napabangon at basta na lang tinali ang buhok ko. Humarap ako sa salamin para suriin ang sarili ko. Maayos naman akong tingnan kahit wala pang hilam
CHAPTER 50"Pumunta ka, Fayra. Aasahan kita sa birthday ni Rian. Kaunting salo salo lang naman ang mayro'n para sa kaniya, at kaunti lang rin ang inimbita ko kaya magiging simple lang ang ganap ngayong taon unlike last year."Nakangiti kong tinanggap ang invitation letter na iniabot ni Rose sa akin. Tinapos ko muna ang paghigop ko sa kape ko bago ko buksan ang card at basahin ang nasa loob no'n."Biruin mo, siyam na taon na pala ang anak mo. Tumatanda ka na Rose, tingin ko kailangan mo nang sundan si Rian." Komento naman ni Lyden.Napagawi ang paningin ko sa kaniya at natawa."Hindi ba't ayaw niya na ngang sundan si Rian. Ito talagang buntis na 'to." Ngiwi ko na ikinatawa nila."Masyado na akong maraming ginagawa. May bakery ako, at may plano pa akong magbukas ng panibago. At isa pa, sino namang bubuntis sa akin? Alam niyo namang ayaw ko na nang lalaki sa buhay ko—""Ay, grabeng pagbabago naman ang ginawa mo sa buhay mo, Rose. Paano ka sa gabi niyan—""Hoy, Lyden. Magpigil ka nga sa b
Mateo's POV"You're not going anywhere, Mateo! I'm warning you! I can do whatever I want if you choose her over me!"I closed my eyes and tried to calm my nerves so that I wouldn't lose control. I'm tired of this. I'm tired of keeping a plan in my mind, but then here it is; my plan for making a bond with my son and his mom is not going to happen anymore. Alam kong pagkatapos nitong biglaang pagsulpot ni Rose sa bahay ni lolo ay mahihirapan na naman akong mapalapit kay Fayra. "What do you think you're doing, Mateo huh?! Tingin mo ba wala akong alam sa gusto mong mangyari?" Punong puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, hindi pa siya nakuntento at hinawakan niya pa ako sa polo ko. "I'm tired of this, Rose. I'm tired." Sukong saad ko. Hinawakan ko siya sa pulsuhan niya at unti unting inilayo sa akin. Ang kaninang matapang niyang aura sa akin ay unti unting nawawala at napapalitan ng pagtataka. Naging malikot ang kaniyang mata. Alam kong hindi niya inaasahan ang nar
"Good morning!" Masiglang bungad ni Mateo sa akin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong pa nito na ikinatango ko. Malawak siyang ngumiti sa akin at bago pa man siya makalapit sa akin ay agad ko nang hinarang ang kamay ko sa pagitan naming dalawa. Nawala ang pagkakangiti niya ngunit mabilis namang bumalik iyon."Come here, take your breakfast na." Paghihila nito ng upuan sa akin na pinaunlakan ko naman. "Heavy breakfast ang hinanda ko for us, since puro lugaw ka lang naman kahapon." Saad nito at sinalinan ang plato ko. Isang putahe lang ang nasa mesa. At paborito ko pa ang inihanda niya para sa umagahan. "Paborito mo, right?" Paglalapag nito sa plato ko. Binigyan ko lang siya ng isang tingin at kinuha na ang kutsara't tinidor at inumpisahang tikman ang niluto niya. Ilang beses akong napalunok. Nanunuot sa lalamunan ko ang lasa ng luto niya. Tama ang lasa, masarap. "Does it taste bad?" May pag-aalala sa boses niya. Nagtaas ako ng tingin at umiling. Para naman siyang nakahinga
"Can you please stop looking at me, Mateo. Kanina pa ako napipikon sa 'yo, makakatikim ka na talaga sa 'kin." Pikang sambit ko na ikinangiwi niya naman.Nagpatuloy ito sa pagkain niya at katulad kanina ay unti unti na naman nitong ibinabalik ang paningin niya sa akin.Napapikit ako at nagyuko. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa nakakairita niyang panonood sa akin. Ni hindi ko nga malunok ng maayos kahit lugaw na lang ang kinain ko dahil bigla bigla siyang ngingisi na animo'y nasiraan na ng bait."Pagka-uwi ni Ace, gusto kong tayo namang tatlo ang mag-bonding---""Ayaw ko." Mabilis kong sagot. "Fayra naman.""Bakit kailangang tayo lang tatlo? Kung kasama sila Morgan baka pumayag pa ako." Nagkamot siya sa batok at naglabi. "It's a family bonding, Fayra." Tila nauubusan na siya ng pasensiya sa akin. Kunwaring nagulat naman ako sa kaniya. "Family bonding?" Hindi kunwari makapaniwalang saad ko. Ang tingin na ipinukol niya sa akin ay tingin nang isang naaasar. "Kailan pa?" "Stop play
"You don't need to bring that much, Ace. Just put three shirt and short, then your undergarments." Sita ko kay Ace nang mabalingan ko ito na pinupuno ang pack bag niya. Ngayon siya susunduin ni Mateo para dalhin sa lolo niya. Ilang araw ko ring inisip kung dapat ko ba silang pagbigyan. Ilang araw na rin ang nakakaraan nang magpadala muli ng mensahe ang Don sa amin. Maging ang secretary nito ay nagre-reach out sa amin sa gusto niyang mangyari. Sa huli ay ito. Kinain ko rin lahat ng sinabi ko. Labag man sa kalooban ko na ipasama si Ace, gayong hindi ko naman kaya na mawalay siya sa akin kahit na isang araw ngunit ngayon ay dapat ko munang tiisin. Nagka-usap na rin kami ni Mateo na huwag pabayaan si Ace dahil talagang malilintikan siya sa akin. Tinatawanan pa ako ng lalaking 'yon na para bang nagbibiro ako sa kaniya. Ang kampante niya sa akin, para bang maayos na kaming dalawa. "Mommy," "Yes, anak?" Baling kong muli sa kaniya. "Why don't you want to come with us po?" Ngusong tanong