"Manang? May tumawag kanina sa telepono sa kwarto namin ni Xavien." Sabi ni Erin pagkababa niya.Natigilan naman saglit si manang Lucing bago niya sinagot ang dalaga."Sino daw po ma'am? Wala namang ibang natawag sa telepono sa taas kundi si Sir Xavien. ""Siya raw po ang totoong Andrina. Manang? Paano kung siya nga iyon? Makaaalis na po ba ako rito? ""Hija? Gusto mo pa bang umalis dito sa Mansion? " Malumanay na tanong ni Manang Lucing kay Erin."Sa totoo lang po manang ay hindi ko na rin alam... Sa totoo lang ay natutuwa na ako sa pakikitungo sa akin ni Xavien , pati na rin ni Pixie. Sa tingin ko nga po ay ako ang totoong Andrina. Sino kaya ang mangangahas na tumawag sa akin kanina? " Napabuntong hiningang sabi ni Erin."Hindi ko rin alam. Kung gusto mo ay sasabihin ko kay Sir Xavien ang pangyayari kanina sa kwarto mo. Gusto mo ba? " "Hindi na manang, ako na ho ang bahalang kumausap sa asawa ko. Salamat po sa inyo." Magalang na sabi ni Erin pagkatapos ay umalis."Manong Minio? " N
28"How's your day my love? " Masuyong tanong ni Andrina kay Zack."Nag ikot lang ako sa city kanina. Nagpalamig lang ako dahil sa pag aaway natin." "Yeah, I know. Sa akin ka pa rin babalik dahil nasa akin ang passport at panggastos natin." Humahagikhik na sabi ni Andrina. Napabuntong hininga na lamang si Zack, sa kanilang dalawa ay ang babae parati ang nasusunod. Hindi niya pwedeng baliin ang mga sinasabi nito dahil sa pagiging bayolente ng babae. Isa ito sa inaayawan niyang ugali ni Andrina ngunit wala siyang magawa dahil mahal niya ito."I'm sorry, love. " "It's fine. Let's have a date? " Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Andrina na siyang ipinagtaka ni Zack. Maghapon halos siyang wala at ang inaakala niya ay uuwi siya sa isang makalat na hotel room dahil sa pagwawala ni Andrina, ngunit iba ang inabutan niya kaya naman nagtataka siya.Masayang masaya naman si Andrina dahil sa lalaki sa kabilang building, nakailang rounds din sila bago siya namaalam dito. Isa pa ring dahilan ng pa
29"Oh my goood! Mommy, we're here naa ! " Excited na excited na sabi ni Pixie sa kanyang ina."Yes, baby. Stop shouting, okay? " Malumanay na sabi ni Andrina, pinipilit niyang gayahain kung paano kumilos si Erin. Bago siya umuwi ay itinanong niya muna kay Manang kung ano ano ang nga ginagawa ni Erin sa bahay."Sorry, mommy." Ngumiti lamang sa bata si Andrina."Let's go, baby. " Hindi naman gaanong pinapansin ni umiimik si Xavien sa buong biyahe nila."Babe, can you bring those suitcase? Bubuhatin ko si Pixie. Baka mapagod siya sa paglalakad." Baling ni Xavien kay Andrina."Huh? Pero madami ang mga iyan, babe." "Sabi mo noong nasa bahay pa tayo ay magagaan lang ang mga maleta natin, babe." Napakunot noong sabi ni Xavien kaya natigilan si Andrina."Ah, oo nga. Baka napagod lang ako sa pagbyahe natin." Pekeng ngiti ni Andrina at saka dinala ang kanilang nga gamit. Napangiti lamang sa kanya si Xavien saka tinalikuran si Andrina.You can't fool me this time, Andrina.Sabi ni Xavien sa k
30"Baka huhulihin lang yung mga adik diyan! Huwag ka ngang kabaduhin. Hindi na nila hahanapin ang babae sa loob. Bobo ka talaga.""Tsk, bahala nga kayo. Lalabas muna ako." Ipinagpatuloy ni Erin ang kanyang ginagawa nang biglang may lumagabog sa labas ."Sino kayo ha? ""Mga pulis kami! Dapa! ""Putang ina! Nalintikan na! " "Where is she? "Emir."Emir! Nandito ako! Tulungan niyo ako! " Umiiyak na sabi ko."Posasan niyo ang mga iyan! Hulihin niyo pati yung nakatakas na isa! " Rinig ko ang pag uutos ni Rowan."Hey. " "Emir." Umiiyak na sabi ni Erin sa binata."Stop crying, we're here. " Pag aalo ni Emir sa dalaga. Kita rin ni Erin ang sunod sunod na pagpasok ng mga kaibigan ni Xavien sa kwarto kung nasaan siya."Nalate ba kami? " Ngiti sa kanya ni Kyros."No." Umiiling na sabi niya habang umiiyak. Yumakap si Erin kay Kyros ng maalis nito ang kanyang tali."Mukhang tatakas ka a? " Natatawang sabi ni Kyros nang makita ang tali ni Erin."Syempre." Umiiyak pa ring sabi ni Erin."Let's
31"Xav, pansinin mo naman ako. Kanina pang masakit ang mga paa ko." Pagmamaktol ni Andrina, simula ng dumating sila sa disneyland ay hindi na siya halos kinakausap ni Xavien. "Sorry babe, halika maupo ka muna rito. Hihilutin ko iyang binti mo." Malumanay na sabi ni Xavien sa asawa."Alam mo naman kasing dito tayo pupunta, may takong pa ang isinuot mo." Napabuntong hininga pang dagdag ni Xavien."Sorry, nawala kasi sa isip ko." Nakangiwing sabi ni Andrina dahil sa masakit niyang paa."Hindi na kita masyadong napagtuunan ng pansin dahil sa munting prinsesa natin. Sobrang saya niya ngayon." Natatawang sabi ni Xavien. Napairap na lamang sa hangin si Andrina dahil sa sinabi ng kanyang asawa.Napansin ito ni Pixie kaya naman natigilan siya. Napangiti na lamang si Andrina, alam niyang mauuto pa niya ang bata."Nag eenjoy ka ba, anak? " Malamunay na tanong niya kay Pixie habang hinihimas ang buhok nito. "Yes po, mommy! Sobrang saya ko po. Salamat po sa inyo ni daddy! " Yumakap si Pixie sa
32"Daddy, umuwi na po tayo agad..." Malungkot na sabi ni Pixie sa kanyang daddy Xavien."I'm so sorry anak, hayaan mo at babawi ako sayo... Sa inyo ng mommy mo. " Malumanay na sabi ni Xavien. Pababa na ang eroplanong sinasakyan nila at excited na ring bumalik sa mansion niya si Andrina."We're here! " Patiling sabi ni Andrina kaya naman napatingin sa kanya si Xavien."Uh, sorry babe. Gustong gusto ko na kasing magpahinga ." Pagdadahilan ni Xavien."Don't worry, babe. Makakapagpahinga ka na ng maayos mamaya." Matamis na ngiti sa kanya ni Xavien."Thank you, Xav."Hindi nagtagal ay nakalabas na sila ng airport. Walang kaalam alam si Andrina na may naghihintay na sa kanilang pulis."Hi, Rowan! Balita ko ay mayroon ka ng babae na kinababaliwan." Nasabi na ni Xavien kay Andrina na susunduin sila ni Rowan ngayon dahil pupunta sila sa check up ni Andrina."Huh? You're being weird, Erin." Kunot noong tanong ni Rowan sa kanya.Natigilan naman si Andrina dahil sa sinabi ni Rowan, ngayon niya
33"Nasa taas si Erin. Hindi niya alam na ngayon ang uwi niyo." Sabi lamang ni Emir sa kanyang kaibigan.Mabilis na nagtungo si Xavien sa kwarto ng dalaga."Babe? ""Xav...ien." natigilang sabi naman ni Erin. Nagulat ito dahil ang alam niya ay sa isang linggo pa uuwi ang lalaki."Xav! Salamat! Akala ko ay hindi mo ako makikilala." Umiiyak na sabi ni Erin at yumakap kay Xavien"Erin, I know you. I know you too well." Inalo ni Xavien ang dalagang umiiyak at saka hinalikan ito sa noo."Andrina's in jail right now. Sa dami ng ebidensiya natin sigurado akong hindi na siya makakalabas. Hindi mo na kailangang mag alala pa. It's over, babe. I love you" Dagdag pa na sabi ni Xavien sa dalaga."Mahal din kita, Xavien. Alam kong mali dahil kasal ka pa kay Andrina pero mahal na mahal kita, Xavien." Sinserong sabi ni Erin sa lalaki."May... May good news ako sayo, Xav." Sumisinghot na dagdag pa ni Erin."Ano iyon? " Malumanay na tanong sa kanya ni Xavien at kita rin ang pagiging excited nito."Ito
34"Xavien, kumusta ang araw mo? Halika, nagluto na ako." Malumanay na sabi ni Erin kay Xavien."Si Pixie?""Ah. Nasa kwarto pa niya, babe. Bakit? " Nag alala naman bigla si Erin dahil sa itsura ni Xavien. Mukhang may malaking bagay na bumabagabag dito."Puntahan ko muna siya." Hindi na nakaimik si Erin at sinundan na lamang si Xavien. Hindi rin maganda ang kutob niya at hindi siya mapakali."Daddy! Nakauwi ka na po pala. Kumusta po ang work niyo? Napagod po ba kayo? " Bigla namang napatigil si Xavien ng marinig ang masayang boses ng anak niy moa. Masaya itong makita siyang umuwi.Niyakap ni Xavien si Pixie at saka napahagulhol ng iyak."Baby... Baby ko..." "Xav..." Nag aalala ring lumapit si Erin sa mag ama."Daddy, why? May masakit ba sayo? ""No, baby. I'm just so happy..." Umiiling na sabi ni Xavien sa bata."Sorry kung umiiyak si daddy, okay? Mahal na mahal kita anak." Hindi pa din tumitigil si Xavien sa pag iyak, yakap yakap niya ang bata na nagtataka."Daddy, why are you cryin