Share

Kabanata 2: Dinner

Dinner

Habang nagda-drive pauwi ay kasunod ko ang mga body guards ni daddy. I rolled up my eyes. Kung hindi lang sumulpot ang mga ito ay baka magtagal pa ako sa pagtitipon na iyon.

Hindi ko pa nga napapaamin si Arc sa totoong nararamdaman n'ya para sa'kin ay umepal pa itong mga bodyguards ni daddy.

Panay rin ang tunog ng cellphone ko dahil kay Zandy na wala yatang balak lubayan ang telepono ko.

Para matigil na ay hinila ko ang aking earpod at sinagot ang tawag.

"What?!"

"Gotcha! Alam mo bang halos magkagulo dito nang umalis ka? Fina slapped my kuya Arc, that b*tch!"

Humalakhak ako sa nalaman. "Really, so break na ba sila?"

"Iyon nga e, mukhang malabo pa."

Umikot ang mga mata ko sa nalaman. Mukhang kailangan ko pang pagbutihin ang pakikipag-igihan kay Arc. " Sige, kita na lang tayo sa school bukas." Pinatay ko na ang tawag at bumalik ang pansin sa pagmamaneho.

Pansin ko ang isang hindi pamilyar na kotse na naka-park sa aming garahe. Tiyak kong nandirito pa ang mga bisita ni daddy. 

Bumaba na ako ng sasakyan at binitbit ang lahat ng pinamili ko kanina mula sa mall. Pagpasok pa lang ng bulwagan ay pansin mo na ang karangyaan meron ang pamilya namin. We hired the best architect in the country today para lang mapanatili ang rangya at ganda ng aming bahay. Noon pa man ay sobrang ozy na ni mommy sa ganitong bagay kaya kahit pati ang mga kapatid ko ay na-adopt na ang pagiging masinop niya.

Maliban sa'kin, dahil ako ang bunso ay sunod ang lahat ng luho ko. Pero nang mawala si mommy ay halos si dad na ang nasusunod at nawalan na ako ng kakampi sa tuwing gugustohin kong gawin ang mga bagay dati'y malalay kong nagagawa.

Naabutan ko sa may dining room ang pagku-kwentuhan nina dad at ng kaniyang mga bisita. Naroon din si Rosy na kasalo nilang kumain. Hindi ko naman namataan si Liz, tiyak na may inutos dito si daddy kaya hindi nakalusot ang plano namin ngayong gabi.

"Veronica, mabuti at nakauwi ka na. Halika't sabayan mo na kaming maghapunan nina dad at ng mga panauhin natin," wika ni Rosy.

Pinandilatan ko muna siya. Paano ay isa rin siya sa mga kinuntiyaba ko para maka-iwas sa dinner na ito pero ang taksil, heto at sitting pretty pang nakangiti sa akin.

Pabalang akong naupo sa silya katabi ni Rosy. Lahat ng pinamili ko ay inilagay ko sa isang silya ang mga paperbags. Nahulog pa nga ang ilan sa mga ito kaya iyon nakagawa ng ingay.

Doon naman sumulpot si Liz na tangkang dadamputin ang mga iyon nang pigilan ko. "Don't bother, Liz," wika ko dito.

Bahagya itong lumayo at tumayo hindi malayo sa hapag, katabi niya ang aming mayordoma at ilang katulong na naghihintay ng utos ano mang oras.

"Kumpadre, pasensya na kayo at nahuli ng dating itong bunso ko, hindi niya tuloy naabutan si Cedric," sambit ni daddy sa dalawang bisita.

"Wala problema, kumpadre. We are glad to meet your daughter tonight," sagot ng ginang kay dad.

Sa tingin ko ay mag-asawa ang mga ito. Halatang mga aristokrata at may kaya sa buhay. Pino rin kung kumilos ang mga ito at sinisiguro ang mga binitiwang salita.

"Midorri, ipakilala mo ang sarili mo sa mga bisita." Baling naman sa'kin ni dad.

Sumulyap ako sa mga ito. They're already smiling at me, kahit wala pa man akong sinasabi.

"HI, I'm Veronica and I am only 17 years old. And I'm not yet ready to marry anyone." Lakas loob kong sinambit.

"Veronica!" Narinig ko ang pagsuway ni dad sa mga sinabi ko. Pero pinigilan ito ng may edad na lalaki matapos ay tumango lang kay daddy.

"We are glad to finally meet you, hija. Kami pala ang mag-asawang Villantre, I'm Consuelo and my husband Gustavo." Pakilala ng ginang sa'kin. Tila hindi alintana ang matalas kong dila kanina.

"Sayang hindi ka na nahintay ng anak kong si Cedric, he's eager ro meet you, personally," aniya pa sa'kin.

Bahagyang tumaas ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Mabuti na lang at hindi kami nag-abot dahil tiyak sa planong kasalan na mapupunta ang usapan.

"Marami pa naman hong next time." Ngumiti ako dito ng maluwang.

Doon ko na naramdaman ang pagsiko sa akin ni Rosy kaya lihim ko itong sinuyapan bago pandilatan.

"Mamaya tayo magtutuos," madiin kong bulong sa kanya.

She just rolled up her eyes at itinuloy na ang pagkain.

"Since we are finished discussing our new partnership why don't we move to our main topic, their wedding plans."

Halos mailuwa ko ang kakasubo lang na brocolli matapos marinig iyon mula sa ginang.

"Great, kanina ko pa nga gustong pag-usapan ang bagay na iyan kumare, tutal ay nandirito naman na si Veronica ay mas madali natin ma se-settle ang planong kasal.

"Tama ka kumpadre, sasabihan na lang namin si Cedric tungkolsa kung ano man ang napag-usapan dito.

Doon ko na binaba ng tuluyan ang hawak kong kubyertos kaya ito nakagawa ng ingay.

"Midorri, hindi ka naman namin minamadali, we know that you are still studying, at hindi ka namin pipigilan sa kung anong career ang kukunin mo after you graduated. But marrying my son is our best priority here, you can marry my son right after you graduated. Tutal you have your own successful bisiness what else do you ask for? My son is hardworking and successful in that field," wika ng ginang sa akin habang bakas ang maluwang na ngiti. Tila gusto akong kumbinsehin sa mga mabubulaklak niyang salita.

"Whatever..." I rolled up my eyes. Hindi ko na napigilan iyon sabihin. Sabihin na nilang bastos ako pero hindi ba kabastusan na pinipilit nila ang anak nila sa akin kahit pa hindi ko naman ito gusto at worst baka mukhang ewan pa 'yon at hindi pasok sa standard ko.

"Alam kong naguguluhan kapa at hindi makapagdesisyon. Mas maigi sigurong kayo na lang ang mag-usap ni Cedric." Muli itong ngumiti sa'kin.

Hindi ko na nagawa pang sumagot because dad interrupted, siya na mismo ang sumang-ayon sa suwestiyon na iyon ng ginang.

"I will set again the meeting, but this time silang dalawa lang para naman magkakilanlan sila ng mabuti."

Sumimangot ako sa sinabing iyon ni daddy. Tiyak na wala na naman akong ligtas kung sakaling matuloy nga ang paghaharap namin ng Cedric na iyon.

Hindi na rin ako nakisali pa sa usapan, tutal ay kahit anong sabihin ko ay hindi naman nila pakikinggan.

Hanggang sa matapos ang dinner ay hindi na ako nagsalita pa. Nauna na rin akong tumayo at nagpaalam sa mga ito. Kanina ko pa kasi gustong magbabad sa aking bathtub kanina pa rin ako lagkit na lagkit sa suot kong gown.

Ilang minuto rin akong nagbabad sa bathtub at makailang beses na narinig ang pagkatok ni daddy at Liz sa pinto. Pero wala na akong balak pa silang kausapin. Gusto ko na lang matulog at magpahinga na walang istorbo.

Nang matapos ay naghanda na ako sa pagtulog at niyakap ang komporter ko. Nagsuot din ako ng headphone at nagpatugtog para hilahin na agad ng antok. Pero gising pa rin ang diwa ko, hindi kasi mawaglit sa isip ko ang tungkol sa kasal at si Cedric mismo na hindi ko pa nakikita.

Dala ng kuryosidad ay ni-g****e ko ang family name nila at lumabas ang iba't ibang business na meron sila. Mula sa paggawaan ng furniture maging sa construction firms at pagbebenta ng mga lupa at mamahaling kotse ay nasa listahan sila. Isa rin ang pamilya nila sa may nagmamay-ari ng five star hotel sa city at may mga branch pa sila sa ibang panig ng mundo.

Tumuon naman ang interes ko ang isang haciendang pagmamay-ari ng pamilya. Para kasing pamilyar sa'kin ang lugar na iyon. Napag-alaman kong kanila rin ang hacienda na iyon at ekta-ektaryang lupain nasakop ng Villa Villarante.

Mas naging kuryoso akong makita ang magagandang lugar doon na parang narating ko na sa panaginip ko. Gayon pa man ay limitado lamang ang litrato na kasama ang pamilya kahit pa sa okasyon ay puro ang mag-asawang Villantre lamang ang nakikita ko sa picture.

Tinipa ko ang pangalan ni Cedric ngunit walang lumabas na resulta mula doon. Imposible! Sikat ang pamilya nila dapat ay naroon din ang picture niya sa iba't ibang okasyon na meron sila. Ngunit wala isa man doon si Cedric. Isa pa hindi ko naman talaga siya kilala at nakikita pa kaya paano ko naman matutukoy kung siya nga iyon talaga.

Dismayadong pinatay ko ang aking laptop at bumalik na muli sa paghiga para mahimbing na matulog.

*****

Kinabukasan ay hinanda ko na ang sarili sa sermon ni dad. Sa dinig table pa lang kapag-upo ko ay masama na ang tingin niya sa'kin.

"Tuloy ang pakikipagkita mo kay Cedric, ako ang magtatakda kung anong oras o, araw kayo magkikita at huwag mo ulit gagawin ang ginawa mo kagabi. Nakakahiya ka!"

I rolled up my eyes. Hindi ito pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

"Huwag mo na rin kukuntiyabahin sina Liz at Rosy sa mga kalokohan mo!" Halata sa boses nito na galit siya sa ginawa ko. Pero masisisi ba n'ya ako kung talagang ayokomh pakasal sa taong hindi ko naman mahal?

Sumulyap ako kay Rosy na tahimik lang na kumakain kaharap ko. Naiinis ako dito dahil hindi man lang niya ako maipagtanggol kay dad. Parang binubuyo rin niya akong magpakasal sa lalaking iyon.

"Bakit hindi na lang kasi si Rosy ang ipakasal n'yo? Tutal graduate na siya at may sarili na rin business. Hindi rin nalalayo ang edad nila ng Cedric na 'yon."

"Enough! Leave, Rosy alone!"

Ngumuso ako sa sinabi niyang iyon, nahuli ko pang ngumisi sa'kin si Rosy bilang pagsang-ayon sa sinabi ni dad.

"Bakit hindi na lang kasi ikaw ang magpakasal sa Cedric na iyon, tutal matanda ka na?" Kinompronta ko ito habang pasakay ng kaniyang kotse papasok sa trabaho.

"Why don't you talk to dad? Walang problema kung ipakasal niya ako sa kahit na kanino, pero sorry ka girl. Hindi kasi ako ang type nilang ipaksal kay Cedric, sayang nga e." Tumaas pa ang kilay niya sa'kin bago ngumiti.

"Pilitin mo si daddy na ikaw na lang ang ipakasal. Gusto mo tulungan pa kita sa date n'yo ni Cedric." Tila nabubuhayan kong sinambit sa kaniya.

"Girl, hindi pa ako gano'n ka desperada, saka hindi ka na lugi kay Cedric, subukan mo lang, malay mo mag work kayo. D'yan ka na ha, may meeting pa kasi akong a-attend-an." Muli ay iniwan n'ya ako ng ngiting nang-iinis. 

Ngumuso ako dito matapos ay masamang tiningnan ang kotse niyang paalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status