Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ni Tamara nang marinig niya ang mga sinabi ni Lorenzo. Hindi man tuwiran ngunit agad niyang nakuha kung ano ang ibig sabihin nang nais nitong mangyari.She composed herself. Marahan siyang kumilos upang ayusin ang kanyang sarili sa pagkakahiga sa kama. Nakadarama siya ng pananakit sa gitnang bahagi ng kanyang mga hita dahil sa katatapos pa lamang na namagitan sa kanila ni Lorenzo.Ni hindi niya kayang ipaliwanag ang mga damdaming nagsisiunahan sa kanyang dibdib. She was physically hurt, of course she was. Lagi na niyang naririnig na sadyang masakit daw talaga ang unang pagkakataon ng pakikipagtalik. And Lorenzo was big and hard that she can't even imagine how she was able to take him.Pero sa kabila ng sakit na sanhi ng pag-angkin nito sa kanyang katawan ay hindi rin maipaliwanag ni Tamara ang kakaibang sensasyon na nadama niya nang marating ang sukdulan. The pain was still there but it was somehow overrode by pleasure--- pleasure that she didn't kno
"H-Hi..." alanganing bati ni Tamara kay Monique, ang sekretarya ni Lorenzo, nang marating niya ang palapag kung saan naroon ang opisina ng binata.Matapos ngang sabihin ni Crisanta na pinapaakyat siya ng big boss sa opisina nito ay agad siyang tumalima. Halos nahuhulaan na niya kung bakit siya nais makausap ni Lorenzo. She did not follow his instructions. Pumasok pa rin siya kahit na pinayo nitong manatili na lamang siya sa condo unit sa araw na iyon.Mula sa ginagawang trabaho ni Monique ay nag-angat ito ng ulo sa kanya. Monique smiled at her in a friendly way before she talked."Hello, Miss Tamara.""Tumawag si L--- Mr. Olivar kay Crisanta kanina. Pinapaakyat niya ako dito," nahihiya niya pang sabi."Wait a sec, Miss Tamara," wika nito sabay pindot ng intercom. "Sir Renz, Miss Tamara is here now. Would you like me to send her in now, sir?""Yes, Monique, please," narinig niyang sabi ni Lorenzo, bago sa maawtorisadong tinig ay may idinagdag. "And hold all my calls, Monique. Ayokong t
Pagkarating sa condo unit ni Lorenzo ay agad nang nagbihis ng damit si Tamara. Dala niya rin sa pag-uwi ang mga dokumentong kailangan niyang ibigay dito. May ilang bagay din kasi na kailangan ng approval ng binata kaya dapat munang makita at i-review nito ang mga iyon.At dahil sa pansamantala naman siyang naninirahan sa pag-aari nitong condo unit ay napagpasyahan niyang doon na lang iabot sa binata ang naturang dokumento. Kung anong oras man ito pupunta o kung pupunta pa ba sa unit ay hindi niya alam. Baka sadyang abala pa ito sa pakikipag-usap sa dating kasintahan. Duda pa siya kung maalala pa nito ang mga sinabi kanina na isasabay siya nito sa pag-uwi.Dala-dala niya sa kanyang dibdib ang ngitngit hanggang sa makapagbihis siya. Humihiling si Lorenzo ng "exclusive" na relasyon. Hindi nito nais na may ibang lalaki. Ipinagdiinan iyon sa kanya ng binata nang magkausap silang dalawa.Pero kapag ito ay maaari? Siya ay pinagbabawalang makipagkita sa iba, pero kapag ito na ay pupwede? Tama
It took her minutes before she was able to move from where she was standing. Slowly, Tamara stepped her feet forward. Nakasunod si Lorenzo sa bawat hakbang na gawin niya, bagay na labis pang nakapagpailang kay Tamara. Pakiramdam niya, bawat titig nito ay nag-iiwan ng baga sa kanyang katawan at nagsisimula ng apoy.Ano ba ang mayroon sa lalaking ito at labis ang epekto sa kanya? And damn, just his stares made her so uneasy.Pilit niyang binalewala ang ginagawa nitong paninitig. Naglakad na siya patungo sa kabilang panig ng kama at sa sandalan ng upuang malapit roon ay isinabit niya muna ang maliit na tuwalyang ginamit niya kanina.Matapos niyon ay tuluyan na siyang naupo sa gilid ng kama habang inaayos ang comforter sa may panig niya. Ang balak niyang ignorahin ang binatang kasama ay hindi nagtagumpay sapagkat agad siyang napalingon dito nang marinig ang marahan nitong pagbuntong-hininga."Why do I feel like you are so uncomfortable with me, Tamara?" narinig niyang sabi nito."I-I am n
"Simpleng paglalambing lang kay Lorenzo para muli mong makuha ang loob niya, hindi mo pa magawa! What was the reason why you can't do it, Charmaine?”Charmaine can't help but to roll her eyes upwardly while listening to her father's outburst. Kaharap niya nga ngayon si Enrico, ang kanyang ama, matapos niyang umuwi sa kanilang bahay dahil humiling ito na mag-usap sila nang personal.Ngayon ay halos gusto na niyang pagsisihan na pumayag siyang makipagkita dito. Wala siyang ibang marinig mula sa kanyang ama kung hindi ang panenermon nito tungkol sa kung gaano niya katagal magawa ang mga nais nitong mangyari.“Pinapunta mo lang ba ako dito para sermunan, papa?” hindi niya maiwasang sabihin dito.“Alam mo kung ano ang gusto kong mangyari, Charmaine. You need Lorenzo back in your life—”“I need Lorenzo back in my life? Or you need him, papa?” mabilis niyang sansala sa pagsasalita nito dahilan para matahimik si Enrico.“You don't have the right to shout on me, Charmaine. Anak lang kita.”Pag
Marahas ang ginawang paglingon ni Tamara kay Lorenzo nang marinig niya ang naging sagot nito. Nang titigan niya ang binata ay nasalubong niya pa ang mga mata nitong mataman ding nakatunghay sa kanya.Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Lorenzo. Pakiramdam niya pa ay waring nanunuot sa kanya ang uri ng tingin na iginagawad nito sa kanya.That moment took for a while. Mistula silang nahulog sa kakaibang spell na hindi niya alam kung ano. Basta kapwa lang sila nakatitig sa isa't isa at walang sino mang nais bumawi ng mga mata. And for the life of her, muli na namang naramdaman ni Tamara ang kakaibang damdaming nasisiguro niyang kay Lorenzo niya lamang nadarama.It was strange. She has never felt that way to anyone before. Yaong pakiramdam na sa titig pa lang nito ay gulong-gulo na ang buong sistema niya.Until she tried composing herself. Parang walang balak si Lorenzo na tigilan ang paninitig sa kanya kaya siya na ang unang bumawi ng kanyang mga mata. Sadyang dinaan ni
Lorenzo cursed silently. Daig niya pa ang isang teenager na nasukol sa isang bagay at hindi alam kung paano magpapaliwanag sa kanyang mga kaibigan. Lahat ng mga ito ay nakatitig sa kanila ni Tamara at naghihintay ng ano mang sasabihin niya.Alam niyang sa apat ay si Ethan ang dapat niyang kausapin nang masinsinan. Wala pa man siyang sinasabi ay alam na niya ang tumatakbo sa isipan nito, kung ang pagbabasehan ay ang uri ng titig na iginagawad nito sa kanya.He cleared his throat. Mas niluwagan niya pa ang pagkakabukas ng pinto ng kanyang condo unit saka umatras para papasukin na ang kanyang mga kaibigan. He had no choice. Alam niyang hindi rin naman siya titigilan ng mga ito sa pang-uusisa."Come inside," seryoso niyang saad sabay lapit kay Tamara. Hinawakan niya ito sa kanang braso saka iginiya muna patungo sa kanyang silid. "Go to my room first and change your clothes, Tamara," bulong niya dito na alam niyang nakuha naman ng dalaga.She was not wearing decent clothes right at that mo
Tulalang nakatitig lamang si Tamara sa screen ng computer na nasa harapan niya. May mga kailangan siyang gawin ngunit kahit isa man sa mga iyon ay wala pa siyang nasisimulan. Kanina pa siya nakaupo sa kanyang pwesto ngunit hindi niya magawang harapin ang trabahong nakaatang sa kanya para sa araw na iyon.Hindi kasi mawala-wala sa kanyang isipan ang naging takbo ng usapan nila ni Lorenzo kahapon. She was bothered by the idea that his friends saw her at his condo unit. Walang sino man ang maniniwala na walang namamagitan sa kanila ni Lorenzo lalo pa at naabutan siya ng mga ito sa gayak na katulad ng suot niya kahapon.Of course, she would not deny that, katulad lang din ng ginawa ni Lorenzo. Hindi man ito nagkwento sa mga kaibigan tungkol sa kanila, ngunit hindi rin naman nito itinanggi kung ano ang mayroon silang dalawa.Definitely, his friends would conclude that there is something going on between them. At ano na lang ang iisipin ng mga ito? Na nakikipag-live in na siya sa binata?Lo
Isa-isang pinasadahan ni Lorenzo ng tingin ang mga bagong disenyong ipinasa sa kanya nina Crisanta. Hawak niya sa kanyang mga kamay ang folder na naglalaman ng mga bagong gawa ng mga ito. Lahat ay masusi niyang pinag-aralan at sinuri.Para sa bago nilang proyekto ang mga naturang disenyo. Isang kilalang personalidad ang sadyang nagpagawa sa kanila ng mga muwebles at iba pang kasangkapan sa bagong pagawang bahay nito.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng mga kliyente. Nanatiling matagumpay ang Olivar Furniture Company at sa mga nakalipas na taon ay mas nadagdagan pa ang kanilang mga empleyado sapagkat mas dumarami ang mga proyektong nakukuha nila."These are good. Set a meeting by Wednesday to talk about these. I also want a presentation about the materials that we are going to use for these furniture," maawtorisado niyang wika kay Monique at Crisanta na ngayon ay magkatabing nakatayo sa harap ng kanyang executive desk.Isinara niya na ang folder na hawak-
"I love you, babe..." masuyong saad ni Lorenzo kay Tamara habang ang kanyang mga mata ay hindi man lang mapuknat sa pagtitig dito... sa pagtitig sa kanyang asawa."You've been saying that since a while ago," napapangiti nitong saad. Magkadikit pa ang mga kilay nito nang magsalita ngunit alam niya namang tinutukso lamang siya nito. Bakas naman kasi ang kaligayahan sa mukha nito mula pa kanina."I will never get tired on saying those words, my wife. I love you so much.""At hindi rin ako magsasawang sagutin ka ng 'I love you too'. Lagi, Renz, lagi kitang mamahalin," madamdamin nitong sabi sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay muli na namang bumukal ang mga luha sa mga mata nito.She has been emotional since their wedding started. Mas lalo pa nga itong naluha nang banggitin na nila ang kanilang mga wedding vows kanina.Nang makita ang emosyong nakalarawan sa mukha ni Tamara ay marahan niya pa itong hinapit sa baywang. Bahagyang mahirap na itong yakapin nang mahigpit sapagkat malaki na nga an
Two months later:"Napakaganda mo, Tam. Parang hindi ka buntis," nagagalak na saad ni Rose habang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. May nakapaskil pang malawak na ngiti sa mga labi ng kaibigan niya matapos sabihin ang mga papuring iyon.Tamara responded with a smile. Hindi niya rin maiwasang pasadahan pa ng isang sulyap ang kanyang repleksiyon. She was glowing, not just because of the make-up on her face, but because of so much happiness that she was currently feeling right now.Ngayon ang araw ng kasal nilang dalawa ni Lorenzo. Dalawang buwan lang ang lumipas mula nang maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa at itinakda na nila ang kanilang pag-iisang dibdib.Si Lorenzo ang mas may nais na maikasal agad silang dalawa. Iyon ang gusto nitong mangyari bago pa man siya manganak. Ayon pa sa binata, ang nais nito ay dala-dala na niya ang apelyido nito bago pa man lumabas ang kanilang anak, bagay na ilang buwan na lang din naman ang hihintayin nila. Malaki na kasi ang kanya
"Walang dapat ipag-alala sa kasintahan mo, Mr. Olivar. Maayos ang kalagayan niya pati na ng kanyang pinagbubuntis," marahang saad ng doktor na tumingin kay Tamara.Hindi niya nga nagawang baguhin ang gusto ni Lorenzo. Hindi ito naawat sa kagustuhang madala siya sa ospital upang mapatingnan sa doktor kahit pa nasabi naman niya na maayos lang ang kanyang pakiramdam. Maliban sa bahagya pang nananakit ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa iginawad na sampal ni Mr. Fernandez ay wala nang ibang iniinda si Tamara. Nasisiguro niya din na hindi masama ang bagsak niya kanina kaya kampante siyang walang masamang mangyayari sa kanyang pinagbubuntis.Ganoon pa man ay hindi niya napahinuhod si Lorenzo na huwag na lang siyang dalhin sa ospital. Kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin niya na lang na umuwi na sila sa bahay ng mga ito.But Lorenzo was determined to bring her to a hospital and have her checked. Hindi na siya umangal pa. Dama niya rin kasi na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya
"They are on their way now, Renz. Nagmamaneho na rin ako papunta sa address na binigay mo," wika ni Gio mula sa kabilang linya.Kausap ito ni Lorenzo habang mabilis siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Naka-loud speaker ang kanyang cell phone at nakalagay sa stand nito na nasa tabi lamang ng kanyang manibela. He was not a reckless driver, pero sa pagkakataong iyon ay may pakiramdam siyang ano mang oras ay maaari siyang maaksidente dahil sa paraan ng pagmamaneho niya.Hindi niya nga maiwasang makadama ng pinaghalo-halong emosiyon. Nasa kanyang dibdib ang hindi matatawarang pag-aalala para kay Tamara at sa anak niyang pinagbubuntis nito. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya oras na may mangyaring masama sa kanyang mag-ina.At the same time, he can't help but to be furious to Enrico. Kung kaharap niya lang ang matandang lalaki ay baka nasaktan na niya ito."Maraming salamat, Gio. I owe you this," aniya sa sinserong tinig."We are friends, Renz. You don't owe me anything. Kahit s
Naging mabagal ang paglalakad ni Tamara nang mapansin niya ang katahimikan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Fernandez. Maliban kasi sa tunog ng kanilang mga yapak ay wala nang naririnig pa sa paligid. Walang palatandaan na may ibang tao roon maliban sa kanila ng matandang lalaki.Marahas siyang napalingon dito. Nasa likuran niya si Mr. Fernandez at nahuli niya pang nagtitipa sa cell phone nito. Kanina ay narinig niya pa ang pagtunog ng aparato, palatandaan na may tumatawag pero ni hindi man lang iyon sinagot ng matanda."N-Nasaan ho sina Lorenzo?" tanong niya sabay gala ulit ng paningin sa paligid.Hindi niya nga alam kung bakit siya sumama kay Mr. Fernandez. Ang bilin sa kanya ni Lorenzo ay maghintay lamang siya sa restaurant hanggang sa makabalik ito. But after talking to this man, she just found herself coming with him.Unang kita niya pa lang kay Mr. Fernandez ay nakadarama na siya ng kakaiba dito. It was as if something was not right. For some reasons, Tamara could feel so
Ipinarada ni Lorenzo ang kanyang sasakyan sa harap ng isang maliit na bahay na gawa lamang sa mga plywood at kahoy. Iyon ang address ng scholar na tinutukoy ng kanyang ina. Ilang minutong biyahe lamang iyon mula sa restaurant na pag-aari ng kanyang mga magulang.Hindi niya sana gustong iwan doon si Tamara. Kung siya lang ang masusunod ay nais niya muna itong ihatid pauwi sa kanilang bahay. Ngunit tama ang dalaga. Sadyang may kalayuan pa ang kanilang bahay mula sa restaurant at kung ihahatid niya pa muna ito ay matagal ang ipaghihintay ng kanyang ina.Hindi niya rin naman mahindian ang pakiusap ng kanyang mama na samahan itong pumunta sa awtoridad at sampahan ng reklamo ang kung sino mang salarin ng pang-haharass sa isa sa kanilang mga scholars. It was something that Lorenzo really admired on his parents. Maliban sa nagbibigay ng scholarship ang kanyang papa't mama sa ilang estudyanteng kapos sa pinansiyal na aspeto, madali ding lapitan ang kanyang mga magulang kung may problema man an
"Ang gaganda ng mga ito, Renz," buong paghangang saad ni Tamara habang pinagmamasdan niya ang iba't ibang paintings na nasa harapan nila.Nilapitan niya pa nga ang isa at marahang hinaplos ang salamin ng frame nito. Painting iyon na nagpapakita ng isang tanawin. It must be a tourist spot in Italy. Nakalagay kasi sa naturang obra ang pangalan ng lugar.Nasa loob sila ng isang silid sa malaking kabahayan ng mga Olivar. Ayon kay Lorenzo, ang mga paintings na iyon ay gawa pa ng abuelo nito, ama ng ina ng binata. Nang mamatay daw ang matanda ay sadyang naglaan ang mga ito ng isang malaking silid kung saan inilagay ang mga obra ng lolo nito. Lahat ng nakikita niyang larawan ay magaganda. Maaari ngang ihanay ang mga iyon sa gawa ng ilang sikat na pintor.Dahil sa mahilig din naman siyang gumuhit ay talagang humanga siya sa mga paintings na nasa kanilang harapan. Siya nga lang ay sa mga damit talaga mas tutok sa pagguguhit kaysa sa mga tanawin."Magaling ka rin naman gumuhit, hindi ba?" tanon
Agad na napalingon si Tamara sa direksiyon ng pinto ng banyo nang bigla ay bumukas iyon at iluwa si Lorenzo. Katatapos lang nitong maligo at kasalukuyan pang pinapatuyo ang basang buhok gamit ang maliit na tuwalya.Nahinto pa nga siya sa pag-aayos ng mga unan sa kama nito at napatitig na lamang sa binata. Lumabas ito ng banyo na tanging boxer shorts na lamang ang suot. Ni wala rin itong saplot pang-itaas.Kapwa na sila nasa loob ng silid ni Lorenzo. Doon din diniretso ang mga gamit niya na sa hula niya ay utos na rin nito. Lorenzo wanted for her to stay in his room, bagay na hindi niya na rin naman kinontra pa. Ano pa nga ba ang silbi ng pananatili sa ibang silid gayung heto't malaki na ang kanyang tiyan dahil sa pinagbubuntis niya ang anak nito?"Do you still need anything?" tanong ni Lorenzo sa kanya. Tapos na ito sa pagpupunas sa buhok at ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya.Marahan siyang umiling bilang tugon sa tanong nito. Katulad nito ay nakapaglinis na rin siya ng kanyang