Tulalang nakatitig lamang si Tamara sa screen ng computer na nasa harapan niya. May mga kailangan siyang gawin ngunit kahit isa man sa mga iyon ay wala pa siyang nasisimulan. Kanina pa siya nakaupo sa kanyang pwesto ngunit hindi niya magawang harapin ang trabahong nakaatang sa kanya para sa araw na iyon.Hindi kasi mawala-wala sa kanyang isipan ang naging takbo ng usapan nila ni Lorenzo kahapon. She was bothered by the idea that his friends saw her at his condo unit. Walang sino man ang maniniwala na walang namamagitan sa kanila ni Lorenzo lalo pa at naabutan siya ng mga ito sa gayak na katulad ng suot niya kahapon.Of course, she would not deny that, katulad lang din ng ginawa ni Lorenzo. Hindi man ito nagkwento sa mga kaibigan tungkol sa kanila, ngunit hindi rin naman nito itinanggi kung ano ang mayroon silang dalawa.Definitely, his friends would conclude that there is something going on between them. At ano na lang ang iisipin ng mga ito? Na nakikipag-live in na siya sa binata?Lo
"Himala yata, Tam. Ngayon ka lang sumabay sa amin sa pagbaba, ah," masiglang sabi sa kanya ni Crisanta nang dumating ang alas-singko ng hapon at sumabay siya sa mga ito sa pagbaba sa ground floor.Napapangiti na lang siya sa alanganing paraan. Totoo naman kasi ang mga sinabi nito. Dahil nga sa ang nais ni Lorenzo ay lagi siyang sumabay dito sa pag-uwi sa condo unit ay laging pinapauna ni Tamara ang kanyang mga kasamahan na makaalis muna ng OFC bago siya magtungo sa basement.Hindi niya kasi nais na makita siya ng mga ito na sumasakay sa kotse ng big boss ng kompanyang pinagtatrabahuan nila. Hangga't maaari ay hindi niya gustong maging laman ng usap-usapan.But thinking about her last conversation with Lorenzo, it seemed like she has no choice at all. Ang nais ni Lorenzo ay magpakasal sila, na sa kung ano mang kadahilanan ay hindi niya pa rin lubusang maiproseso sa kanyang isipan.Gusto nito ng malalim na relasyon, yaong maging magkasintahan na talaga sila at kalaunan nga ay magpakasal
Tamara woke up the next morning feeling something was heavy on her stomach. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay ang matipunong braso ni Lorenzo ang agad niyang nakita. Nakayakap ito sa kanyang baywang, maging ang isang binti ng binata ay nakapatong sa kanyang mga hita dahilan para makaramdam siya ng bigat sa kanyang katawan. Nakatalikod siya dito kaya dama niya pa ang pagkadaiti ng dibdib nito sa kanyang likod.Marahang kumilos si Tamara upang ipihit ang kanyang katawan paharap sa kanyang katabi. Nang pagmasdan niya ang mukha nito ay nakita niyang nakapikit pa ang mga mata ni Lorenzo. Mahimbing pa itong natutulog sanhi para malaya niyang matitigan ang mukha ng binata.Gently, she raised her hand to caress his face. Hindi niya pa maiwasang maalala kung paano niya unang nakilala si Lorenzo. They started hating each other. Kinainisan niya ito sa pag-iisip na masama siyang uri ng babae. Habang ito naman ay dama niya ang pagkadisgusto para sa kanya.Kung paano sila humantong sa relasyong
Palabas pa lang ng gate ng university si Tamara ay natanawan na agad ito ni Lorenzo. Mula sa prenteng pagkakaupo sa may driver's seat ay agad na siyang napalabas mula sa kanyang sasakyan.Isinasara niya pa lang ang pinto ng kanyang kotse nang tuluyang makalapit sa kanya ang dalaga. Awtomatiko ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi nang makaharap niya ito."How was the exam?" usisa niya.Isang malalim na buntong-hininga pa muna ang pinakawalan nito bago sumagot sa kanya. "Mahirap pero nakatulong naman ang pag-review ko nang ilang gabi."Mula nga nang dalhin niya ito sa yate ni Romano at isuhestiyon na subukang mag-exam sa unibersidad na kinaroroonan nila ngayon ay nagsimula nang mag-review si Tamara. Kung iisipin ay maiikling sandali lang ang inilalaan nito para sa pagbabasa ng ilang impormasyong nakalap nito sa internet. Abala din kasi ito sa trababo sa kanyang kompanya, idagdag pa na ilang araw lang din ang pagitan bago sumapit ang araw ng pagsusulit nito.Ngunit kumpiyansa
Tamara looked at Lorenzo as he was busy browsing his laptop on his working table. Nasa loob sila ng silid nito sa condo unit. Sa kabila ng kapwa sila hindi pumasok at sinabi ni Lorenzo na hindi ito magtatrabaho upang magkaroon sila ng oras para sa isa't isa ay hindi pa rin nito naiwasang magbukas ng mga mensahe.Tumawag kasi si Monique kanina upang sabihin na dumaan sa Olivar Furniture Company ang isang kliyente ng mga ito. Base sa narinig niyang usapan ng dalawa sa cell phone ay muling kinukuha ng nasabing kliyente ang serbisyo ng kompanya ng mga Olivar.It was the reason why Lorenzo was forced to open his e-mail. Kailangan kasi nitong tingnan ang mensaheng pinadala ng kliyenteng iyon.Mataman itong pinagmasdan ni Tamara. Nakaupo ito sa swivel chair at nakaharap sa laptop. Tanging boxer shorts ang suot nito at wala pang damit pang-itaas.Si Tamara naman ay nakaupo sa kama at nakasandal pa sa headboard niyon. Isang pambahay na cotton t-shirt na ang kanyang suot na may kapares na isang
Pagkabukas na pagkabukas ng elevator sa may basement ng Olivar Furniture Company ay agad na nagpatiuna sa paglabas si Tamara. Inis na iwinaksi niya ang kamay ni Lorenzo na nakahawak sa kanyang baywang at mabilis na nilampasan ito sa paglalakad."Tamara..." marahan nitong tawag sa kanya.Hindi niya ito nilingon. Kahit nang akma nitong hahawakan ang kanyang kamay ay agad siyang umiwas. Katunayan ay kanina pa inaabot ni Lorenzo ang kanyang kamay upang ipagsalikop ang kanilang mga daliri. Sadyang iniiwasan niya lang ito.Pero wari ay naubos na rin ang pasensiya ng binata at mabilis siyang hinabol sa paglalakad. Ilang hakbang na lamang sila noon sa kinapaparadahan ng sasakyan nito nang mabilis na hinawakan ni Lorenzo ang kanyang braso at pilit na ipinaharap."Hey, mag-usap nga tayo," saad nito. "Are you mad?""Bakit ba ginawa mo iyon?" naiinis niyang sabi. "Bakit ba hindi mo na lang hinayaan na ako ang magsabi sa mga empleyado mo ng tungkol sa ating dalawa?""Hindi mo ba gusto iyon? Tinulu
Nang makalayo si Tamara kasama ang kaibigan nitong si Rose upang magtungo sa banyo ay agad niyang binalingan si Ethan. Katulad niya ay sinundan pa muna nito ng tingin ang dalawang babae saka siya nilingon.Hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin sa kanyang kaibigan. Sa katunayan ay hindi niya alam kung ano ang unang madarama para dito. Nahahati siya sa pagitan ng gustong mainis at gustong matawa para sa binata.Una, nais niyang mainis dahil nang nahuli siya ng mga itong kasama si Tamara sa loob ng kanyang condo unit ay katakot-takot na tanong ang inulan nito para sa kanya. Nang mang-usisa ito kung bakit nasa unit niya si Tamara ay daig niya pa ang isang taong nasukol sa isang bagay na hindi niya dapat ginawa.At the same time, gusto niyang matawa. Ganoon na lang kung makapag-usisa ito sa kanya, iyon pala ay pareho lamang silang dalawa. Lalaki din siya. Hindi na niya kailangan pang itanong kung ano ang namamagitan dito at kay Rose. Alam niyang hindi na lang simpleng employer-emplo
In the end, Tamara decided to answer Roberto's call. Tuluyan siyang lumayo mula sa mga kasamahan bago sinagot ang tawag nito."H-Hello..." agad niyang bungad sa nasa kabilang linya."Hello, Tam. Kumusta ka na?" masiglang bati sa kanya ni Roberto.Napapalingon-lingon pa si Tamara sa direksyon kung saan nila idinaos ang simpleng pagdiriwang dahil sa matagumpay na proyekto kay Mr. Smith. Bawat isa ay abala. May ilang kumakain pa. Ang iba naman ay masayang nagkukwentuhan na habang may kanya-kanya nang hawak na kopita ng alak.Si Lorenzo naman ay abala pa rin sa pakikipag-usap sa ilang empleyado nito. Sa binata siya nakatingin nang sinagot niya si Roberto."M-Maayos lang ho. Bakit ka napatawag?""Gusto ko lang mangumusta, Tam. And since, nasa Manila ka, maaari kayang magkita tayong dalawa?"Dahil sa kanyang mga narinig ay bahagyang nakadama ng pag-asam si Tamara. "Nasa Manila ka ba ngayon?" she said excitedly.Matagal na rin simula nang huli niyang nakita si Roberto. Kahit nang nasa Davao
Isa-isang pinasadahan ni Lorenzo ng tingin ang mga bagong disenyong ipinasa sa kanya nina Crisanta. Hawak niya sa kanyang mga kamay ang folder na naglalaman ng mga bagong gawa ng mga ito. Lahat ay masusi niyang pinag-aralan at sinuri.Para sa bago nilang proyekto ang mga naturang disenyo. Isang kilalang personalidad ang sadyang nagpagawa sa kanila ng mga muwebles at iba pang kasangkapan sa bagong pagawang bahay nito.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng mga kliyente. Nanatiling matagumpay ang Olivar Furniture Company at sa mga nakalipas na taon ay mas nadagdagan pa ang kanilang mga empleyado sapagkat mas dumarami ang mga proyektong nakukuha nila."These are good. Set a meeting by Wednesday to talk about these. I also want a presentation about the materials that we are going to use for these furniture," maawtorisado niyang wika kay Monique at Crisanta na ngayon ay magkatabing nakatayo sa harap ng kanyang executive desk.Isinara niya na ang folder na hawak-
"I love you, babe..." masuyong saad ni Lorenzo kay Tamara habang ang kanyang mga mata ay hindi man lang mapuknat sa pagtitig dito... sa pagtitig sa kanyang asawa."You've been saying that since a while ago," napapangiti nitong saad. Magkadikit pa ang mga kilay nito nang magsalita ngunit alam niya namang tinutukso lamang siya nito. Bakas naman kasi ang kaligayahan sa mukha nito mula pa kanina."I will never get tired on saying those words, my wife. I love you so much.""At hindi rin ako magsasawang sagutin ka ng 'I love you too'. Lagi, Renz, lagi kitang mamahalin," madamdamin nitong sabi sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay muli na namang bumukal ang mga luha sa mga mata nito.She has been emotional since their wedding started. Mas lalo pa nga itong naluha nang banggitin na nila ang kanilang mga wedding vows kanina.Nang makita ang emosyong nakalarawan sa mukha ni Tamara ay marahan niya pa itong hinapit sa baywang. Bahagyang mahirap na itong yakapin nang mahigpit sapagkat malaki na nga an
Two months later:"Napakaganda mo, Tam. Parang hindi ka buntis," nagagalak na saad ni Rose habang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. May nakapaskil pang malawak na ngiti sa mga labi ng kaibigan niya matapos sabihin ang mga papuring iyon.Tamara responded with a smile. Hindi niya rin maiwasang pasadahan pa ng isang sulyap ang kanyang repleksiyon. She was glowing, not just because of the make-up on her face, but because of so much happiness that she was currently feeling right now.Ngayon ang araw ng kasal nilang dalawa ni Lorenzo. Dalawang buwan lang ang lumipas mula nang maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa at itinakda na nila ang kanilang pag-iisang dibdib.Si Lorenzo ang mas may nais na maikasal agad silang dalawa. Iyon ang gusto nitong mangyari bago pa man siya manganak. Ayon pa sa binata, ang nais nito ay dala-dala na niya ang apelyido nito bago pa man lumabas ang kanilang anak, bagay na ilang buwan na lang din naman ang hihintayin nila. Malaki na kasi ang kanya
"Walang dapat ipag-alala sa kasintahan mo, Mr. Olivar. Maayos ang kalagayan niya pati na ng kanyang pinagbubuntis," marahang saad ng doktor na tumingin kay Tamara.Hindi niya nga nagawang baguhin ang gusto ni Lorenzo. Hindi ito naawat sa kagustuhang madala siya sa ospital upang mapatingnan sa doktor kahit pa nasabi naman niya na maayos lang ang kanyang pakiramdam. Maliban sa bahagya pang nananakit ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa iginawad na sampal ni Mr. Fernandez ay wala nang ibang iniinda si Tamara. Nasisiguro niya din na hindi masama ang bagsak niya kanina kaya kampante siyang walang masamang mangyayari sa kanyang pinagbubuntis.Ganoon pa man ay hindi niya napahinuhod si Lorenzo na huwag na lang siyang dalhin sa ospital. Kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin niya na lang na umuwi na sila sa bahay ng mga ito.But Lorenzo was determined to bring her to a hospital and have her checked. Hindi na siya umangal pa. Dama niya rin kasi na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya
"They are on their way now, Renz. Nagmamaneho na rin ako papunta sa address na binigay mo," wika ni Gio mula sa kabilang linya.Kausap ito ni Lorenzo habang mabilis siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Naka-loud speaker ang kanyang cell phone at nakalagay sa stand nito na nasa tabi lamang ng kanyang manibela. He was not a reckless driver, pero sa pagkakataong iyon ay may pakiramdam siyang ano mang oras ay maaari siyang maaksidente dahil sa paraan ng pagmamaneho niya.Hindi niya nga maiwasang makadama ng pinaghalo-halong emosiyon. Nasa kanyang dibdib ang hindi matatawarang pag-aalala para kay Tamara at sa anak niyang pinagbubuntis nito. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya oras na may mangyaring masama sa kanyang mag-ina.At the same time, he can't help but to be furious to Enrico. Kung kaharap niya lang ang matandang lalaki ay baka nasaktan na niya ito."Maraming salamat, Gio. I owe you this," aniya sa sinserong tinig."We are friends, Renz. You don't owe me anything. Kahit s
Naging mabagal ang paglalakad ni Tamara nang mapansin niya ang katahimikan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Fernandez. Maliban kasi sa tunog ng kanilang mga yapak ay wala nang naririnig pa sa paligid. Walang palatandaan na may ibang tao roon maliban sa kanila ng matandang lalaki.Marahas siyang napalingon dito. Nasa likuran niya si Mr. Fernandez at nahuli niya pang nagtitipa sa cell phone nito. Kanina ay narinig niya pa ang pagtunog ng aparato, palatandaan na may tumatawag pero ni hindi man lang iyon sinagot ng matanda."N-Nasaan ho sina Lorenzo?" tanong niya sabay gala ulit ng paningin sa paligid.Hindi niya nga alam kung bakit siya sumama kay Mr. Fernandez. Ang bilin sa kanya ni Lorenzo ay maghintay lamang siya sa restaurant hanggang sa makabalik ito. But after talking to this man, she just found herself coming with him.Unang kita niya pa lang kay Mr. Fernandez ay nakadarama na siya ng kakaiba dito. It was as if something was not right. For some reasons, Tamara could feel so
Ipinarada ni Lorenzo ang kanyang sasakyan sa harap ng isang maliit na bahay na gawa lamang sa mga plywood at kahoy. Iyon ang address ng scholar na tinutukoy ng kanyang ina. Ilang minutong biyahe lamang iyon mula sa restaurant na pag-aari ng kanyang mga magulang.Hindi niya sana gustong iwan doon si Tamara. Kung siya lang ang masusunod ay nais niya muna itong ihatid pauwi sa kanilang bahay. Ngunit tama ang dalaga. Sadyang may kalayuan pa ang kanilang bahay mula sa restaurant at kung ihahatid niya pa muna ito ay matagal ang ipaghihintay ng kanyang ina.Hindi niya rin naman mahindian ang pakiusap ng kanyang mama na samahan itong pumunta sa awtoridad at sampahan ng reklamo ang kung sino mang salarin ng pang-haharass sa isa sa kanilang mga scholars. It was something that Lorenzo really admired on his parents. Maliban sa nagbibigay ng scholarship ang kanyang papa't mama sa ilang estudyanteng kapos sa pinansiyal na aspeto, madali ding lapitan ang kanyang mga magulang kung may problema man an
"Ang gaganda ng mga ito, Renz," buong paghangang saad ni Tamara habang pinagmamasdan niya ang iba't ibang paintings na nasa harapan nila.Nilapitan niya pa nga ang isa at marahang hinaplos ang salamin ng frame nito. Painting iyon na nagpapakita ng isang tanawin. It must be a tourist spot in Italy. Nakalagay kasi sa naturang obra ang pangalan ng lugar.Nasa loob sila ng isang silid sa malaking kabahayan ng mga Olivar. Ayon kay Lorenzo, ang mga paintings na iyon ay gawa pa ng abuelo nito, ama ng ina ng binata. Nang mamatay daw ang matanda ay sadyang naglaan ang mga ito ng isang malaking silid kung saan inilagay ang mga obra ng lolo nito. Lahat ng nakikita niyang larawan ay magaganda. Maaari ngang ihanay ang mga iyon sa gawa ng ilang sikat na pintor.Dahil sa mahilig din naman siyang gumuhit ay talagang humanga siya sa mga paintings na nasa kanilang harapan. Siya nga lang ay sa mga damit talaga mas tutok sa pagguguhit kaysa sa mga tanawin."Magaling ka rin naman gumuhit, hindi ba?" tanon
Agad na napalingon si Tamara sa direksiyon ng pinto ng banyo nang bigla ay bumukas iyon at iluwa si Lorenzo. Katatapos lang nitong maligo at kasalukuyan pang pinapatuyo ang basang buhok gamit ang maliit na tuwalya.Nahinto pa nga siya sa pag-aayos ng mga unan sa kama nito at napatitig na lamang sa binata. Lumabas ito ng banyo na tanging boxer shorts na lamang ang suot. Ni wala rin itong saplot pang-itaas.Kapwa na sila nasa loob ng silid ni Lorenzo. Doon din diniretso ang mga gamit niya na sa hula niya ay utos na rin nito. Lorenzo wanted for her to stay in his room, bagay na hindi niya na rin naman kinontra pa. Ano pa nga ba ang silbi ng pananatili sa ibang silid gayung heto't malaki na ang kanyang tiyan dahil sa pinagbubuntis niya ang anak nito?"Do you still need anything?" tanong ni Lorenzo sa kanya. Tapos na ito sa pagpupunas sa buhok at ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya.Marahan siyang umiling bilang tugon sa tanong nito. Katulad nito ay nakapaglinis na rin siya ng kanyang