Sabi noon ni Mama na kapag may mga taong masama ay hindi raw naging mabuti sa kanila ang mundo. Pero paano naman yung mga taong naging mabuti kahit na masama sa kanila ang mundo?
Doon ko lang napagtanto na choice ng isang tao ang gagawin niya sa mundo. Lahat ng tao ay may pagpipilian. Pero hindi lahat ay pare-pareho ng choices. Kaya ang ending, hindi magkakapareho ang lahat ng tao. May masama dahil wala na silang ibang choice kung hindi ang maging masama. May mga mabubuti dahil may choice silang maging mabuti.
At ngayon? Ang choice ko ay ang isantabi ang pansariling paghihiganti. Hindi dahil sa ayaw ko kung hindi dahil sa iyon ang mas makakabuti sa misyon ko.
"Edi, hindi mo muna titignan?" tanong ni Cyril.
"Eh, di ba sabi niyo kapag magkakasama na tayong tatlo? Anong sabi ni Nicko?" tanong ko bago umupo sa harap ng hapagkainan.
"Bitch, may mall show nga si Nicko. We already told you last t
Natawa ako sa mga nakikita ko. Nagmistula kasi akong si sleeping beauty sa mga nasasaksihan ko, pero hindi katulad ng bida ay nakahiga ako sa isang sofa. Nakatapat pa sa gawi ko ang sinag ng araw na tila ba nagsisilbing isang spotlight. At halos matawa ako dahil nakita ko si Jacob at Kyro pababa sa hagdan, papalapit sa pwesto ko.Pareho silang nakapang prinsipe na damit na bagay na bagay sa kanilang mag-ama. Dahan dahan silang pumunta sa pwesto ko. Napapalakpak si Kyro at nanlaki ang mata ko nang yumuko si Jacob para halikan ako.Agad akong napabangon. Napahawak sa aking dibdib at napahinga ako ng malalim. Mahina pa akong napatawa. Bwisit na 'yan! Pati ba naman sa panaginip?Nagtaka ako nang maramdaman na wala ako sa kama. Doon ko lang naalala na nakatulog pala ako sa tabi ng demonyong 'yon.Napahawak ako sa aking likuran. Sumakit tuloy likod ko dahil sa pinagkasya ko ang sarili sa sofa. Hindi kaya m
Masyadong madaya ang tadhana sa isang katulad ko. Paghihiganti ang gusto ko pero bakit ako bibigyan ng lalaking mamahalin ako? Letse.Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tila ba umurong lahat ng plano ko para pabagsakin siya. Makita ko pa lang na umiiyak si Kyro ay nalulungkot na ako. Paano pa kaya kapag napatay ko ang daddy niya?"I'm really confused, Mel. Please, bigyan mo ako ng oras to figure this out. Letse naman!" panggagaya ni Cyril sa sinabi kahapon ni Jacob. Napalunok ako nang bigla siyang tumawag kanina pagkagising ko."Ikaw na mismo ang sumusuway sa batas, Kuya! What if malaman 'to ni Panot? Ano na lang ang gagawin mo? Last mission mo na 'to, Kuya! Ngayon ka pa ba papalpak?" tanong niya na nagpakaba sa akin.Halos lahat ng sinabi niya ay may punto. Halos lahat ay sumakto sa puso ko. Halos lahat ay nagpapabaliw sa akin."Hindi ako papalpak, Cyril. Gagawin ko
"Tama na 'yan, Marky," ani Aileen pagdating niya.Inirapan ko lang ito at muling nilagok ang baso na may lamang tequilla. Napabuntong hininga lang ako at kumuha ulit ako ng isa. Inikot ikot iyon iyon habang pinagmamasdan. Kita ko kung paano umikot ang gintong likido. Katulad nang pag-ikot ng mundo ko matapos kon tanggapin ang misyon na 'to. "Nasaan si Lucio? Si Nicko?" takang tanong ko sa kaniya.Narito ako sa bar kung saan ginanap ang pagdiriwang sa show ni Nicko noon. Tinawagan ko silang dalawa at sinabing pumunta para ipagdiwang ang pagiging marupok ng kanilang kapatid.Umupo si Aileen sa tabing sofa na kinauupuan ko. "Paparating na sila," sagot nito. Kinuha niya ang tequilla na sana ay iinumin ko. "Akin na 'yan. Ako naman! At mukhang kanina mo pa winawarshock yung baso."Inirapan ko siya at dinuro. "Kapag nagalit sakin si Kyle ika
Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang mga 'to. Ang demonyong si Jacob ay naging anghel. Imagined, araw-araw akong nakangiti. Sa tatlong araw na lumipas ay tanging kasiyahan lang ang naramdaman ko."Papasok na 'ko, Mel. Ikaw na muna bahala kay Kyro," aniya bago ako bigyan ng halik sa aking noo.Natulala ako. Isa 'to sa mga ginagawa niya. Tatlong araw na ang nakalipas pero walang humpay sa pagbibigay kasiyahan ang isang 'to. Masyado akong nahulog. At hindi ko akalain na ganito pala kalalim ang bangin na huhulugan ko."Mag-ingat ka. Siguraduhin mong uuwi ka ng maaga dahil tatadyakan kita sa leeg kapag ginabi ka," sagot ko na nagpangisi sa kaniya bago ako bigyan ng isang flying kiss.Clićhe ba? Para kaming teenager sa isang campus. Punyetang 'to. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng ganitong side. Masyado akong nacocornyhan. Kung may cctv man dito ay paniguradong tumatawa na si Cyril.
"Ice cream!" dinig kong magkakasabay na sigaw ng tatlo. Si Cyril, si Nicko at si Kyro. Tuwang tuwa ang dalawang kapatid ko nang ipakilala ko sa kanila si Kyro kanina.Ngayon nga ay natawa pa rin ako nang maalala ko ang mga sinabi kanina ni Cyril."Nako, kung ganito pala ang masasagasaan sa misyon baka umatras na ako. Napakacute!"Matapos kong pumunta sa clinic ay dito ako dumiretso. Nagsabi kasi ako kay Kyro na babawi ako. Pauwi na kasi sila nang makarating ako. Si Marcus naman ay umuwi na rin. Nagmamadali pa nga 'yon at mukhang may emergency na kailangang puntahan."Pandan po tito!" dinig kong sigaw ni Kyro.Kumakain sila ngayon ng ice cream. Nakapaglunch naman na kami rito sa condo ni Nicko. Exclusive raw 'tong condo niya dahil maraming security. Nakakagulat nga at walang media na nasa labas. Tinanong namin siya kung bakit at ang tanging sagot lang niya ay magic daw."Ch
Hindi ako nakatulog ng ilang araw dala siguro ng konsensya na bumabalot sa isip ko. Idagdag mo pa ang sinabi ni Cyril na ang lakas magpakaba. Mga letse.Kinuha ko ang cellphone ko at agadna tinawagan si Aileen."Nasaan si Rebecca?" agad na tanong ko.Nakatanggap kasi ako ng text sa kaniya kahapon at hindi ko alam kung anong nakain ng manananggal na 'yon. Kung bakit pa niya kailangan makipag-usap sakin. Masyado lang akong nagtataka."Nasa coffee shop sa BGC. Kanina pa 'to rito, eh. Hindi ka ba pupunta? Di ba nagtext siya sayo?"Napairap ako sa kawalan. "Oo, papunta pa lang kasi ako."Nakasakay ako ngayon sa taxi at sa kabutihang palad ay hindi si Julius ang driver. Bwisit siya. Nagawa ko nang tanggalan ng pera ang kompanya ni Jacob. At ang nakakainis ay halos kalahati ang natanggal. Letseng Cyril 'to. Hindi man lang nagsabi para nakapaghanda ako.Ilang oras
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Pinakalma ko ang aking sarili sa isipin na napaglaruan ako. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayokong isipin na pinagkaisahan ako. Masakit kasi sa part ko lalo na't nagdalawang isip akong ituloy ang misyon ko para lang laruin ang damdamin ko.Kung sakali mang totoo ang sinabi ng Rebecca na 'yon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Baka umatras na ako o baka magawa ko ang bagay na matagal ko nang dapat ginawa. Ang patayin ang taong pumatay kay Mama.Two side...Muli akong napailing. May dalawang panig sa bawat istorya. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos dahil alam kong hindi maganda ang kakalabasan no'n. Alam ko ang kaya kong gawin at hindi ko hahayaan na mangyari 'yon dahil ayokong masaktan si Kyro. Ang dami ko nang iniisip tapos dumagdag pa 'to. Kahit kailan talaga at hindi maganda ang pakikipag-usap sa babaeng manananggal na 'yon."Kuya, pakibilisan naman," ani ko
Ramdam ko ang lamig mula sa aking likuran. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit. Mariin akong napapikit. Ilang beses akong napakurap para makita nang maayos ang nasa paligid ko. Letse talaga! Wag mo sabihing papatayin na 'ko kaagad ng demonyong 'yon? Kung kailan wala akong laban! Kung kailan hindi ko na siya kayang patayin! Napakadaya!Rehas at madilim na paligid ang bumungad sa akin. Agad nangunot ang aking noo. Nasaan ako? Wag mo sabihing kinulong niya ako? Gugutumin ako bago patayin?Sinubukan kong bumangon. Pilit akong umayos pero may malamig akong naramdaman na nakadikit sa paa ko. Tinignan ko 'yon at doon ko nakita ang isang kadena.Letse naman. Talagang nakakulong ako sa letseng kulungan na 'to!Kinapa ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa mga parte nito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang niya ako binugbog kaagad. Kainis! May paiyak iyak pa siyang nalalaman tapos ikuku