"Tama na 'yan, Marky," ani Aileen pagdating niya.
Inirapan ko lang ito at muling nilagok ang baso na may lamang tequilla. Napabuntong hininga lang ako at kumuha ulit ako ng isa. Inikot ikot iyon iyon habang pinagmamasdan. Kita ko kung paano umikot ang gintong likido. Katulad nang pag-ikot ng mundo ko matapos kon tanggapin ang misyon na 'to.
Narito ako sa bar kung saan ginanap ang pagdiriwang sa show ni Nicko noon. Tinawagan ko silang dalawa at sinabing pumunta para ipagdiwang ang pagiging marupok ng kanilang kapatid.
Umupo si Aileen sa tabing sofa na kinauupuan ko. "Paparating na sila," sagot nito. Kinuha niya ang tequilla na sana ay iinumin ko. "Akin na 'yan. Ako naman! At mukhang kanina mo pa winawarshock yung baso."
Inirapan ko siya at dinuro. "Kapag nagalit sakin si Kyle ika
Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang mga 'to. Ang demonyong si Jacob ay naging anghel. Imagined, araw-araw akong nakangiti. Sa tatlong araw na lumipas ay tanging kasiyahan lang ang naramdaman ko."Papasok na 'ko, Mel. Ikaw na muna bahala kay Kyro," aniya bago ako bigyan ng halik sa aking noo.Natulala ako. Isa 'to sa mga ginagawa niya. Tatlong araw na ang nakalipas pero walang humpay sa pagbibigay kasiyahan ang isang 'to. Masyado akong nahulog. At hindi ko akalain na ganito pala kalalim ang bangin na huhulugan ko."Mag-ingat ka. Siguraduhin mong uuwi ka ng maaga dahil tatadyakan kita sa leeg kapag ginabi ka," sagot ko na nagpangisi sa kaniya bago ako bigyan ng isang flying kiss.Clićhe ba? Para kaming teenager sa isang campus. Punyetang 'to. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng ganitong side. Masyado akong nacocornyhan. Kung may cctv man dito ay paniguradong tumatawa na si Cyril.
"Ice cream!" dinig kong magkakasabay na sigaw ng tatlo. Si Cyril, si Nicko at si Kyro. Tuwang tuwa ang dalawang kapatid ko nang ipakilala ko sa kanila si Kyro kanina.Ngayon nga ay natawa pa rin ako nang maalala ko ang mga sinabi kanina ni Cyril."Nako, kung ganito pala ang masasagasaan sa misyon baka umatras na ako. Napakacute!"Matapos kong pumunta sa clinic ay dito ako dumiretso. Nagsabi kasi ako kay Kyro na babawi ako. Pauwi na kasi sila nang makarating ako. Si Marcus naman ay umuwi na rin. Nagmamadali pa nga 'yon at mukhang may emergency na kailangang puntahan."Pandan po tito!" dinig kong sigaw ni Kyro.Kumakain sila ngayon ng ice cream. Nakapaglunch naman na kami rito sa condo ni Nicko. Exclusive raw 'tong condo niya dahil maraming security. Nakakagulat nga at walang media na nasa labas. Tinanong namin siya kung bakit at ang tanging sagot lang niya ay magic daw."Ch
Hindi ako nakatulog ng ilang araw dala siguro ng konsensya na bumabalot sa isip ko. Idagdag mo pa ang sinabi ni Cyril na ang lakas magpakaba. Mga letse.Kinuha ko ang cellphone ko at agadna tinawagan si Aileen."Nasaan si Rebecca?" agad na tanong ko.Nakatanggap kasi ako ng text sa kaniya kahapon at hindi ko alam kung anong nakain ng manananggal na 'yon. Kung bakit pa niya kailangan makipag-usap sakin. Masyado lang akong nagtataka."Nasa coffee shop sa BGC. Kanina pa 'to rito, eh. Hindi ka ba pupunta? Di ba nagtext siya sayo?"Napairap ako sa kawalan. "Oo, papunta pa lang kasi ako."Nakasakay ako ngayon sa taxi at sa kabutihang palad ay hindi si Julius ang driver. Bwisit siya. Nagawa ko nang tanggalan ng pera ang kompanya ni Jacob. At ang nakakainis ay halos kalahati ang natanggal. Letseng Cyril 'to. Hindi man lang nagsabi para nakapaghanda ako.Ilang oras
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Pinakalma ko ang aking sarili sa isipin na napaglaruan ako. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayokong isipin na pinagkaisahan ako. Masakit kasi sa part ko lalo na't nagdalawang isip akong ituloy ang misyon ko para lang laruin ang damdamin ko.Kung sakali mang totoo ang sinabi ng Rebecca na 'yon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Baka umatras na ako o baka magawa ko ang bagay na matagal ko nang dapat ginawa. Ang patayin ang taong pumatay kay Mama.Two side...Muli akong napailing. May dalawang panig sa bawat istorya. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos dahil alam kong hindi maganda ang kakalabasan no'n. Alam ko ang kaya kong gawin at hindi ko hahayaan na mangyari 'yon dahil ayokong masaktan si Kyro. Ang dami ko nang iniisip tapos dumagdag pa 'to. Kahit kailan talaga at hindi maganda ang pakikipag-usap sa babaeng manananggal na 'yon."Kuya, pakibilisan naman," ani ko
Ramdam ko ang lamig mula sa aking likuran. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit. Mariin akong napapikit. Ilang beses akong napakurap para makita nang maayos ang nasa paligid ko. Letse talaga! Wag mo sabihing papatayin na 'ko kaagad ng demonyong 'yon? Kung kailan wala akong laban! Kung kailan hindi ko na siya kayang patayin! Napakadaya!Rehas at madilim na paligid ang bumungad sa akin. Agad nangunot ang aking noo. Nasaan ako? Wag mo sabihing kinulong niya ako? Gugutumin ako bago patayin?Sinubukan kong bumangon. Pilit akong umayos pero may malamig akong naramdaman na nakadikit sa paa ko. Tinignan ko 'yon at doon ko nakita ang isang kadena.Letse naman. Talagang nakakulong ako sa letseng kulungan na 'to!Kinapa ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa mga parte nito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang niya ako binugbog kaagad. Kainis! May paiyak iyak pa siyang nalalaman tapos ikuku
"Hindi ka pa ba kakain?" tanong sa akin ni Elena nang marinig naming sumara ang pinto.Muling namayani ang katahimikan. Dilim na naman ang namuo sa silid na 'to.Napaismid ako at umayos ng upo. "Wag na, baka may lason pa yang pagkain na 'yan."Hindi siya umimik at mas piniling lumapit sa rehas. Kinuha niya ang pagkain at nagsimulang kumain. Tignan mo! Binibiro lang, eh! Kanina pa kaya kumakalam yung sikmura ko!Bahagya akong natawa. "Kapag bumula yang bibig mo tatawanan talaga kita."Nagkibit balikat ito at hindi ako pinansin. Patay gutom. Mabilaukan ka sana letse ka.Nang mangalahati ang nasa pinggan niya ay agad niya 'yong inilapag.Nagkunwari akong tatanggi. "Wag kang makulit. Hinding hindi ko kakainin 'yan," ani ko habang nakatingin sa pagkain.Kumunot ang noo nito at tumingin sa akin. "Sino nagsabing sa'yo 'to?" tanong niya na i
Sa apat na taon kong pamumuhay, simula nang nawala ang ate at si mama, ang tanging gusto ko lang ay mapatay ang mga taong humamak sa kanila. Apat na taon akong nagkimkim. Apat na taon akong nagtiis. Puro sakit at galit ang namayani sa apat na taon kong pamumuhay.Ngayon. Nasa harapan ko na ang tatay ng lalaking pumatay sa mama ko.Ang akala ko noon na kapag natanggap ko na 'tong misyon na 'to at nakapaghiganti na ay ok na ang lahat. Akala ko kapag nakapaghiganti ako ay matatahimik na ang damdamin ko. Akala ko mawawala yung sakit at galit. Pero habang ginagawa ko ang misyon na 'yon ay iba ang naramdaman ko. Hindi ko akalain na sasaya ako kahit na panandalian lang. Si Kyro at Jacob ang nagsilbing panandaliang saya sa misyon ko. At hindi ko akalain na mababago non ang takbo ng buhay ko.Nakaupo kami sa loob ng selda. Nakatitig ako sa lalaki habang ito naman ay nakatingin sa itaas. Nasa labas si Aileen at tinitignan kung may d
Dali dali akong tumayo at lumabas kaagad sa madilim na selda na 'to. Hindi pa man ako nakakalayo sa paglalakad ay kaagad na tumulo ang luha ko. Parang nasaksak yung puso ko dahil sa mga nalaman ko ngayong araw. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Naghalo na sa sistema ko ang sakit at emosyon sa aking dibdib. Kaagad kong pinahid ang luha ko. Hindi ko na inisip ang itsura ko. Masyado akong nilalamon ng sakit.Madilim ang paligid. Kasabay non ay siyang pagdilim ng puso ko. Masyado akong naiinis. Masyado akong nasaktan. Kahit anong pilit kong alisin sa isip ko na huwag umiyak ay kusang pumapatak ang luha ko.Hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap na yung taong nagkunwaring tumulong ay siyang may kasalanan ng lahat ng 'to. Hindi ko masikmura ang mga nalaman ko. Ang akala ko ay hinahanap niya si Papa pero mukhang malabo. Tanginang panot na 'yan!Napasigaw ako sa inis. Nasabunutan ko ang sarili ko at napaluhod sa sahig.
JACOB PEREZ"Son? Where are you?" That is the exact words that I heard to my father a years ago. Rinig ko pa ang malalim nitong paghinga. Na tila ba takot na takot at kinakabahan."School," simpleng sagot ko.Napatingin pa ako sa mga estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway. They keep on staring at me and as usual, I always put my devilish smirk. "Come here, track my phone. Son, please, do your best to come here on time," aniya bago patayin ang tawag. And that is my go signal. Nagmadali akong naglakad at pumunta s
"A-Ano pang kailangan mong sabihin, Rebecca? Alam kong meron pa," ani ko na nagtitimpi.Para akong naduduwal. Hindi ako mapakali sa kung ano man ang maririnig ko. Para akong isang bata na nag-aabang ng candy.Napailing siya bago magsalita. "Mel. . . Jacob is planning to kill you. Kaya ngayon pa lang lumayo ka na."Natawa ako ng mahina sa mga narinig ko. Papatayin niya ako? Sana noon pa. Pero may kung ano sa dibdib ko na tila ba nasaktan dahil sa kirot na narinig ko."Hindi ka ba nagtataka? In a short periodof time ay naging mabait siya sa'yo. Nakapasok ka sa bahay nila kahit na full security ang bahay. Hindi ka pa hinanapan ng resume or tinanong ang back ground mo."Hindi ko magawang maniwala. Umaasa ako na nagbibiro lang siya pero napakaseryoso ng mukha niya. Tila ba hindi mabibiro."Alam kong hindi ka manini
"Mel, may gagawin ka ba mamaya? Let's have a bake session. I will teach the both of you the basics recipe na alam ko." Nagtaas baba ang kilay nito. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "Di ba may pasok ka?" Nagkibit balikat lang ito. "I already did the things that I need to do for today. Natapos ko na lahat kahapon," sagot niya."Ok, sige."Nakita ko kung paano magliwanag ang mukha ng mag-ama. Oo nga pala. Hindi nga pala noon masyadong naaasikaso ni Jacob ang anak niya. Ito lang ang ilan sa mga pagkakataon na makakapagbonding sila. At ang mas nakakaloka ay kasama pa talaga ako.Matapos kumain ay tinuruan ko muna si Kyro. Nakatingin lang sa amin si Jacob na tila ba tuwang tuwa na makita ang anak niya na nakangiti. Kahit naman sino ay mapapangiti kay Kyro. Bibo ito sa akin ewan ko lang sa kaniya. Naalala ko tuloy yung sinigawan ni
"Wow, anong meron at ang saya mo?" bungad sa 'kin ni Cyril pagbaba niya ng sasakyan niya.Nakat-shirt itong itim. Nakakagulat dahil mas makinis siya sa personal. Medyo pangit kasi ang kapatid kong ito lalo na kapag nagvivideo call kami. Para siyang isang hapones sa itsura niya dahil sa singkit niyang mata. Nakakapagtaka dahil hindi niya kasama si Ryan.Nasa labas ako ngayon ng mansyon ni Jacob. Nasa kusina siya at magluluto raw siya ng kung ano para sa movie marathon mamaya. Ewan, pero kinilig ako kanina. Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko at napakagaan na ng pakiramdam ko."Wala naman," sagot ko at kinuha ang isang paperbag sa kamay niya.Napangisi siya sa sagot ko. Tinignan niya ang kabuuan ko na tila ba sinusuri ang bawat detalye."Umuwi ka nang hindi nagsasabi tapos maabutan kitang nakangiti? Sagutin mo nga ako kuya..."Muli siyang ngumisi at sinundot pa ang tagilira
"Hey," bati nito. Hindi ko siya nilingon hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo nito sa aking tabi. "You look unfamiliar. You must be new here." Tumango ako. Ngayon lang naman kasi talaga ako napadpad dito. "You--." Inangat ko ang daliri ko at tinapat sa kanyang bibig. "Wag mo na lang akong kausapin kung mag-eenglish ka." Napairap ako na siya namang kinatawa niya. Tinaas nito ang dalawang kamay. "Ok, fine." Tumawa pa ito ng bahagya bago umorder sa lalaking nag-aalog ng kung ano sa aming harapan. "Margarita, please.""I'm the--." Muli itong napatigil dahil sa aking pagharap. "Ok, hmm s-sorry.." Muli itong natawa. "Marcus Peralta, you can me Marcus."Mukhang galing ibang bansa ang isang to. At mukhang siya ang nawawalang tatay ng mga estudyante ko. Siya siguro si daddy pig. Mga englishero. Sasakit niyo sa ulo
"Let's go." Tumingin ito sa kanyang relo. "It's already 7:30, late na tayo Ky. Napakabagal naman kasing kumilos ng teacher mo," ani ng demonyo bago lumabas ng bahay. "Teacher your face," bulong ko na siyang tinawanan ni Kyro. "I'm asking you! Where is your father! Tell me!" Maririnig din ang pag hikbi. Si Kyro. Nilagpasan ko ang maid at nakita si Rebecca na nakaduro kay Kyro na ngayon ay humihikbi na."Answer me!" muling sigaw nito.Hindi ko maiwasang mapairap. Bobo pala tong manananggal na 'to. Alam nang hindi nagsasalita yung bata tapos sisigawan pa."Hoy! Anong karapatan mong sigawan si Kyro?" tanong ko at dahan dahang naglakad papunta sa kanya.Nakita ako ni Kyro kaya dali dali siyang pumunta sa akin. Nagtago ito sa aking likuran."Ikaw na naman? What are yo
"Hey," bati ko rito.Ngunit hindi ito natinag. Para akong hangin dahil nanatili pa rin siyang nakatingin sa bintana. Bahagya kong ginulo ang buhok nito, "Kyro," mahinang usal ko.Dahan dahan itong lumingon sa akin. Muli ko na namang nasilayan ang maamo nitong mukha. Napakainosente. Malayong malayo sa kanyang ama.Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi. "Get your coloring book and coloring materials na," masuyong saad ko. Tumango naman ito. Ilang sandali lang ay kinuha na nito sa kanyang bag ang kanyang mga gamit. Hindi ko mapigilang matuwa. "Vey good!" Nang makita ko itong busy sa pag-aayos ng kanyang gagamitin ay tumayo ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa aking upuan nang maramdaman ko ang paghawak ng maliit niyang kamay sa laylayan ng aking damit.Hi
"Magcucut ka na naman ng class?" tanong sa akin ni Cyril. Nadaanan ko ang room niya at mukhang nahuli pa ako ng wala sa oras."May nakalimutan lang ako sa bahay. Babalik din naman ako kaagad," sagot ko na kinunotan niya ng noo."Totoo? Baka mamaya hindi kita makita, ah! Alalahanin mong aabangan ka ni mama mamayang uwian!" sigaw niya na nagpairap sa akin."Oo na, oo na! Letse," sagot ko bago tuluyang umalis.Bumaba ako ng building. Nang makahanap ako ng tiyempo ay kaagad akong lumabas ng campus. Nakakatamad kasi sa room. Masyado akong uugatin do'n. Mas mabuti pang mag mall. Mas marami pa akong makikita. Inubos ko ang oras ko sa pamimili. Ang daming sale ngayon kaya paniguradong mauubos ang pera ko. Madami na akong bitbit na paper bag sa dalawa kong kamay. Kulang pa. Kulang na kulang pa an
Kung may gusto man akong maalalang pangyayari sa nakaraan ko, hinding hindi ako magdadalawang isip na kunin ang pagkakataon na 'yon.Palabas na ako ng apartment ko kaya naman agad akong sinalubong ng malamig na hangin.Nakakainis. Gusto ko talagang maalala ang past ko. Masyado kasing pormal ang buhay ko ngayon. Para bang hindi ganito yung nakasanayan ko dati. Parang napakalayo ss dati kong buhay.Gusto kong may maalala kahit kaunti man lang. Siguradong ako ang may pinaka magandang karanasan noon. Marami siguro akong masasayang memorya na paniguradong ikatutuwa ko."Last week pa 'yon! Puro ka trabaho! Kapag ikaw tumandang dalaga!"Itong si Cyril. Paano ako tatadang dalaga, eh, marami ngang afam ang umaaligid sa akin. Kahit saan ako magpunta merong lumalapit. Kahit saan ako tumingin may nahuhuli akong nakatingin sa akin. Sa ganda kong 'to? Hello?Pero kahit ma