Nakakainis. Iisang bagay pa palang ang hawak ko. Mga larawan na kinuha ko noon sa bar. Pero ok lang naman siguro 'to. Mauunawaan naman siguro ni Panot na nakulong ako sa resthouse ni Jacob.
Pero hindi na rin naman magtatagal. Narinig ko kahapon ang usapan nila ni Marcus, kaibigan ni Jacob. Sa pagkakatanda ko ay maaari na kaming makabalik sa Mandaluyong sa sabado. Ayon kasi kay Marcus ay nahuli na nila ang mga nagtangka sa buhay ni Jacob.
Kaya naman kapag nakabalik na ako sa Mandaluyong ay sigurado akong makakakuha na ako ng impormasyon. Mabuti na lang at hindi na ako iika-ikang maglakad. Simula kasi nang magpang-abot kami ni Jacob sa pasilyo ay hindi na nasundan ang ginawa namin.
"Hello?"
Patuloy sa paghikbi si Kyro. Nakayakap ito sa aking bewang habang nakasubsob ang mukh a sa aking tyan. Nabawasan ang kaba ko nang lumabas kanina mula sa kwarto si Jacob.Tuloy tuloy ito at ni hindi nito pinansin ang pagdating ng manananggal na si Rebecca. At dahil mukhang nagkabati na si Rebecca at Jacob ay sinundan ito ni Rebecca sa baba."You see? Nawala lang ako saglit you ruined my hubby na!" singhal nito bago tuluyang lumabas.Inirapan ko na lang ito at tinuon ang atensyon kay Kyro.Hirap na hirap akong pakalmahin si Kyro. Halos hindi siya tumigil sa pag-iyak. Kanina pa nga ako hindi mapakali dahil baka mayroong hika ang batang 'to. Halis hindi kasi ito makahinga dahil patuloy ito sa paghikbi.Hinagod ko ang likuran nito. "W-Wala na si daddy mo. Tumahan ka na. I'm ok naman, oh," ani ko sa kanya.Alam kong napalapit na siya sa akin. Mas close kaming dalawa kesa sa dadd
A/NGood day! Sana may nagbabasa pa nitong story ni Jacob at ni Marky (Mel). Kung wala ayos lang din hahaha. Pasensya na kung inuna ko ang Inhumane Punishment. Pero one month po kaming walang pasok kaya asahan niyo na tuloy tuloy na ang update nito next week. Again, pasensya na po sa paghihintay. *****Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga nangyari kagabi. Siguro nagdudrugs si Jacob. Yung demonyong 'yon hndi na nakuntento sa pangbababae. Talagang sinulit na ang pagiging demonyo.Pagbaling ko sa aking gilid ay nakapikit pa rin si Kyro. Mabuti na lang talaga at hindi niya ako pinuyat kagabi sa kakaiyak niya. Sigurado akong hindi ito bababa ngayon dahil sa nangyari kahapon. Kaya naman dahan dahan akong bumangon. Isa pa ayokong makita yung maid na yon kaya ako na lang ang kukuha sa baba ng pagkain naming dalawa.Baka tuluyan kong mapuruhan yung salaulang maid na 'yon kap
Sa lahat ng misyon na tinanggap ko ay ito na yata ang pinakamahirap. Inabot ako ng ilang araw para lamang makakuha ng walang kwentang file.Hindi pa kasama diyan yung mga napagdaanan ko sa teritoryo ng demonyong yon. Sa totoo lang, nahihirapan na ako. Alam kong hindi ako pwedeng ma-attach pero hindi nakikipag cooperate ang puso ko. Masyado nang napamahal sa akin si Kyro. At aminin ko man sa hindi ay nakaapekto yon sa misyon ko. Pero ngayong tanaw ko na ang siyudad ay paniguradong mapapabilis na lang ito. Pwede ko nang ituon sa iba ang atensyon ko. At higit sa lahat ay maaari na akong makapasok sa mansyon nila na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napupuntahan."Good night, teacher. Alam kong napagod ka. Sorry sa mga nagawa ko. For the stress and tears. So for now, take a rest."Isa pa yang demonyong yan. Ayaw na lang bumalik sa pangbababae para makagalaw ako ng maayos. Ayaw pa makipagchukchakan kay Rebecca para hindi ako n
"Asan ba daddy mo?" tanong ko kay Kyro.Nahampas ko ang noo ko dahil nakalimutan kong hindi na pala ulit ito nakakapagsalita. Buti na lang at tumuro ito sa itaas."Ikaw na lang ang mauna, Ky. Susundan ka na lang ni Teacher," ani ko.Umakyat kami sa itaas. Nagtataka talaga ako kung bakit parehong pareho ang disenyo ng bahay namin sa bahay nila. Hindi ba pwedeng makasuhan ang isa sa amin ng Plagiarism? Kahit saang parte ay parehong pareho.Huminto kami sa dulong pinto. Kulay itim ito at halos matawa ako dahil sigurado akong pareho rin ang disenyo non sa loob."Gising na ba si Daddy mo?" tanong ko Kyro bago siya buhatin.Umiling ito dahilan para magtaka ako. Anong oras na ba? Mag-aalasyete na, ah. Sa pagkakatanda ko ay kanina pa dapat nakaalis ang isang to. Sa resthouse kasi ay maagang umaalis ang demonyong iyon."Kumain ka na ba?" tanong kong muli.
Sabi noon ni Mama na kapag may mga taong masama ay hindi raw naging mabuti sa kanila ang mundo. Pero paano naman yung mga taong naging mabuti kahit na masama sa kanila ang mundo?Doon ko lang napagtanto na choice ng isang tao ang gagawin niya sa mundo. Lahat ng tao ay may pagpipilian. Pero hindi lahat ay pare-pareho ng choices. Kaya ang ending, hindi magkakapareho ang lahat ng tao. May masama dahil wala na silang ibang choice kung hindi ang maging masama. May mga mabubuti dahil may choice silang maging mabuti.At ngayon? Ang choice ko ay ang isantabi ang pansariling paghihiganti. Hindi dahil sa ayaw ko kung hindi dahil sa iyon ang mas makakabuti sa misyon ko."Edi, hindi mo muna titignan?" tanong ni Cyril."Eh, di ba sabi niyo kapag magkakasama na tayong tatlo? Anong sabi ni Nicko?" tanong ko bago umupo sa harap ng hapagkainan."Bitch, may mall show nga si Nicko. We already told you last t
Natawa ako sa mga nakikita ko. Nagmistula kasi akong si sleeping beauty sa mga nasasaksihan ko, pero hindi katulad ng bida ay nakahiga ako sa isang sofa. Nakatapat pa sa gawi ko ang sinag ng araw na tila ba nagsisilbing isang spotlight. At halos matawa ako dahil nakita ko si Jacob at Kyro pababa sa hagdan, papalapit sa pwesto ko.Pareho silang nakapang prinsipe na damit na bagay na bagay sa kanilang mag-ama. Dahan dahan silang pumunta sa pwesto ko. Napapalakpak si Kyro at nanlaki ang mata ko nang yumuko si Jacob para halikan ako.Agad akong napabangon. Napahawak sa aking dibdib at napahinga ako ng malalim. Mahina pa akong napatawa. Bwisit na 'yan! Pati ba naman sa panaginip?Nagtaka ako nang maramdaman na wala ako sa kama. Doon ko lang naalala na nakatulog pala ako sa tabi ng demonyong 'yon.Napahawak ako sa aking likuran. Sumakit tuloy likod ko dahil sa pinagkasya ko ang sarili sa sofa. Hindi kaya m
Masyadong madaya ang tadhana sa isang katulad ko. Paghihiganti ang gusto ko pero bakit ako bibigyan ng lalaking mamahalin ako? Letse.Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tila ba umurong lahat ng plano ko para pabagsakin siya. Makita ko pa lang na umiiyak si Kyro ay nalulungkot na ako. Paano pa kaya kapag napatay ko ang daddy niya?"I'm really confused, Mel. Please, bigyan mo ako ng oras to figure this out. Letse naman!" panggagaya ni Cyril sa sinabi kahapon ni Jacob. Napalunok ako nang bigla siyang tumawag kanina pagkagising ko."Ikaw na mismo ang sumusuway sa batas, Kuya! What if malaman 'to ni Panot? Ano na lang ang gagawin mo? Last mission mo na 'to, Kuya! Ngayon ka pa ba papalpak?" tanong niya na nagpakaba sa akin.Halos lahat ng sinabi niya ay may punto. Halos lahat ay sumakto sa puso ko. Halos lahat ay nagpapabaliw sa akin."Hindi ako papalpak, Cyril. Gagawin ko
"Tama na 'yan, Marky," ani Aileen pagdating niya.Inirapan ko lang ito at muling nilagok ang baso na may lamang tequilla. Napabuntong hininga lang ako at kumuha ulit ako ng isa. Inikot ikot iyon iyon habang pinagmamasdan. Kita ko kung paano umikot ang gintong likido. Katulad nang pag-ikot ng mundo ko matapos kon tanggapin ang misyon na 'to. "Nasaan si Lucio? Si Nicko?" takang tanong ko sa kaniya.Narito ako sa bar kung saan ginanap ang pagdiriwang sa show ni Nicko noon. Tinawagan ko silang dalawa at sinabing pumunta para ipagdiwang ang pagiging marupok ng kanilang kapatid.Umupo si Aileen sa tabing sofa na kinauupuan ko. "Paparating na sila," sagot nito. Kinuha niya ang tequilla na sana ay iinumin ko. "Akin na 'yan. Ako naman! At mukhang kanina mo pa winawarshock yung baso."Inirapan ko siya at dinuro. "Kapag nagalit sakin si Kyle ika
JACOB PEREZ"Son? Where are you?" That is the exact words that I heard to my father a years ago. Rinig ko pa ang malalim nitong paghinga. Na tila ba takot na takot at kinakabahan."School," simpleng sagot ko.Napatingin pa ako sa mga estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway. They keep on staring at me and as usual, I always put my devilish smirk. "Come here, track my phone. Son, please, do your best to come here on time," aniya bago patayin ang tawag. And that is my go signal. Nagmadali akong naglakad at pumunta s
"A-Ano pang kailangan mong sabihin, Rebecca? Alam kong meron pa," ani ko na nagtitimpi.Para akong naduduwal. Hindi ako mapakali sa kung ano man ang maririnig ko. Para akong isang bata na nag-aabang ng candy.Napailing siya bago magsalita. "Mel. . . Jacob is planning to kill you. Kaya ngayon pa lang lumayo ka na."Natawa ako ng mahina sa mga narinig ko. Papatayin niya ako? Sana noon pa. Pero may kung ano sa dibdib ko na tila ba nasaktan dahil sa kirot na narinig ko."Hindi ka ba nagtataka? In a short periodof time ay naging mabait siya sa'yo. Nakapasok ka sa bahay nila kahit na full security ang bahay. Hindi ka pa hinanapan ng resume or tinanong ang back ground mo."Hindi ko magawang maniwala. Umaasa ako na nagbibiro lang siya pero napakaseryoso ng mukha niya. Tila ba hindi mabibiro."Alam kong hindi ka manini
"Mel, may gagawin ka ba mamaya? Let's have a bake session. I will teach the both of you the basics recipe na alam ko." Nagtaas baba ang kilay nito. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. "Di ba may pasok ka?" Nagkibit balikat lang ito. "I already did the things that I need to do for today. Natapos ko na lahat kahapon," sagot niya."Ok, sige."Nakita ko kung paano magliwanag ang mukha ng mag-ama. Oo nga pala. Hindi nga pala noon masyadong naaasikaso ni Jacob ang anak niya. Ito lang ang ilan sa mga pagkakataon na makakapagbonding sila. At ang mas nakakaloka ay kasama pa talaga ako.Matapos kumain ay tinuruan ko muna si Kyro. Nakatingin lang sa amin si Jacob na tila ba tuwang tuwa na makita ang anak niya na nakangiti. Kahit naman sino ay mapapangiti kay Kyro. Bibo ito sa akin ewan ko lang sa kaniya. Naalala ko tuloy yung sinigawan ni
"Wow, anong meron at ang saya mo?" bungad sa 'kin ni Cyril pagbaba niya ng sasakyan niya.Nakat-shirt itong itim. Nakakagulat dahil mas makinis siya sa personal. Medyo pangit kasi ang kapatid kong ito lalo na kapag nagvivideo call kami. Para siyang isang hapones sa itsura niya dahil sa singkit niyang mata. Nakakapagtaka dahil hindi niya kasama si Ryan.Nasa labas ako ngayon ng mansyon ni Jacob. Nasa kusina siya at magluluto raw siya ng kung ano para sa movie marathon mamaya. Ewan, pero kinilig ako kanina. Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko at napakagaan na ng pakiramdam ko."Wala naman," sagot ko at kinuha ang isang paperbag sa kamay niya.Napangisi siya sa sagot ko. Tinignan niya ang kabuuan ko na tila ba sinusuri ang bawat detalye."Umuwi ka nang hindi nagsasabi tapos maabutan kitang nakangiti? Sagutin mo nga ako kuya..."Muli siyang ngumisi at sinundot pa ang tagilira
"Hey," bati nito. Hindi ko siya nilingon hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo nito sa aking tabi. "You look unfamiliar. You must be new here." Tumango ako. Ngayon lang naman kasi talaga ako napadpad dito. "You--." Inangat ko ang daliri ko at tinapat sa kanyang bibig. "Wag mo na lang akong kausapin kung mag-eenglish ka." Napairap ako na siya namang kinatawa niya. Tinaas nito ang dalawang kamay. "Ok, fine." Tumawa pa ito ng bahagya bago umorder sa lalaking nag-aalog ng kung ano sa aming harapan. "Margarita, please.""I'm the--." Muli itong napatigil dahil sa aking pagharap. "Ok, hmm s-sorry.." Muli itong natawa. "Marcus Peralta, you can me Marcus."Mukhang galing ibang bansa ang isang to. At mukhang siya ang nawawalang tatay ng mga estudyante ko. Siya siguro si daddy pig. Mga englishero. Sasakit niyo sa ulo
"Let's go." Tumingin ito sa kanyang relo. "It's already 7:30, late na tayo Ky. Napakabagal naman kasing kumilos ng teacher mo," ani ng demonyo bago lumabas ng bahay. "Teacher your face," bulong ko na siyang tinawanan ni Kyro. "I'm asking you! Where is your father! Tell me!" Maririnig din ang pag hikbi. Si Kyro. Nilagpasan ko ang maid at nakita si Rebecca na nakaduro kay Kyro na ngayon ay humihikbi na."Answer me!" muling sigaw nito.Hindi ko maiwasang mapairap. Bobo pala tong manananggal na 'to. Alam nang hindi nagsasalita yung bata tapos sisigawan pa."Hoy! Anong karapatan mong sigawan si Kyro?" tanong ko at dahan dahang naglakad papunta sa kanya.Nakita ako ni Kyro kaya dali dali siyang pumunta sa akin. Nagtago ito sa aking likuran."Ikaw na naman? What are yo
"Hey," bati ko rito.Ngunit hindi ito natinag. Para akong hangin dahil nanatili pa rin siyang nakatingin sa bintana. Bahagya kong ginulo ang buhok nito, "Kyro," mahinang usal ko.Dahan dahan itong lumingon sa akin. Muli ko na namang nasilayan ang maamo nitong mukha. Napakainosente. Malayong malayo sa kanyang ama.Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi. "Get your coloring book and coloring materials na," masuyong saad ko. Tumango naman ito. Ilang sandali lang ay kinuha na nito sa kanyang bag ang kanyang mga gamit. Hindi ko mapigilang matuwa. "Vey good!" Nang makita ko itong busy sa pag-aayos ng kanyang gagamitin ay tumayo ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa aking upuan nang maramdaman ko ang paghawak ng maliit niyang kamay sa laylayan ng aking damit.Hi
"Magcucut ka na naman ng class?" tanong sa akin ni Cyril. Nadaanan ko ang room niya at mukhang nahuli pa ako ng wala sa oras."May nakalimutan lang ako sa bahay. Babalik din naman ako kaagad," sagot ko na kinunotan niya ng noo."Totoo? Baka mamaya hindi kita makita, ah! Alalahanin mong aabangan ka ni mama mamayang uwian!" sigaw niya na nagpairap sa akin."Oo na, oo na! Letse," sagot ko bago tuluyang umalis.Bumaba ako ng building. Nang makahanap ako ng tiyempo ay kaagad akong lumabas ng campus. Nakakatamad kasi sa room. Masyado akong uugatin do'n. Mas mabuti pang mag mall. Mas marami pa akong makikita. Inubos ko ang oras ko sa pamimili. Ang daming sale ngayon kaya paniguradong mauubos ang pera ko. Madami na akong bitbit na paper bag sa dalawa kong kamay. Kulang pa. Kulang na kulang pa an
Kung may gusto man akong maalalang pangyayari sa nakaraan ko, hinding hindi ako magdadalawang isip na kunin ang pagkakataon na 'yon.Palabas na ako ng apartment ko kaya naman agad akong sinalubong ng malamig na hangin.Nakakainis. Gusto ko talagang maalala ang past ko. Masyado kasing pormal ang buhay ko ngayon. Para bang hindi ganito yung nakasanayan ko dati. Parang napakalayo ss dati kong buhay.Gusto kong may maalala kahit kaunti man lang. Siguradong ako ang may pinaka magandang karanasan noon. Marami siguro akong masasayang memorya na paniguradong ikatutuwa ko."Last week pa 'yon! Puro ka trabaho! Kapag ikaw tumandang dalaga!"Itong si Cyril. Paano ako tatadang dalaga, eh, marami ngang afam ang umaaligid sa akin. Kahit saan ako magpunta merong lumalapit. Kahit saan ako tumingin may nahuhuli akong nakatingin sa akin. Sa ganda kong 'to? Hello?Pero kahit ma