"Gaga ka talaga Sky tingnan mo nagalit si Pogi."
Saglit pang nagloading ang utak ko pero nang makita kong naglalakad na si Pogi palabas nang kainan bigla akong nahimasmasan. Sa lagay ba aalis na lang siya nang hindi ko man ang nakilala? Aba'y! Hindi pwede! Hindi ako papayag na basta na lan siya aalis, kaya ang ginawa ko ay hinabol ko ito.
"Sir! Sir! Wait lang!" Hinawakan ko ang kamay niya pero masungit itong tumingin sa akin. Nakataas pa ang isang kilay.
"Woi! Grabe ka naman, sobrang seryoso mo po. Sorry na, load po ba hanap niyo? Meron po akong load dito." Dali-dali kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko kahit hindi pa ito sumasagot. Magkasalubong pa rin ang kilay nito pero hindi ko na pinansin. "Number po? At magkano?"
Hindi ito sumagot, sa halip nalipat ang tingin nito sa kamay kong nakahawak sa kanya.
"Let go." Malamig nyang sabi.
Sungit naman! Para hawak lang eh.
Pero agad ko ding binitawan ang kamay niya at baka umigkas ito at mabigwasan ako. Mukhang legit pa namang yung pagka masungit niya.
"Sorry po." Maliit akong ngumiti sa kanya pero hindi nagbabago ang tingin nito sa akin.
"Para makabawi ako sayo libre na lang kita ng kikiYum ko. We have special offer here, Kiki-Yum overload with fish and vegetable balls of your choice and unli bj."
"What!" Masungit niyang tanong sa akin.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya Buboy kaya pilya akong ngumiti sa kanya.
Uy si pogi dirty minded! Hmmm.
"Hindi yun yung bj na nasa isip mo, bj yun for fresh buko juice, ikaw ha." Mahina kong tinampal ang braso niya pero mukhang hindi niya ito nagustahan dahil lalo lang itong sumimangot.
Ang hirap naman pasayahin ni pogi. Ang mahal ng ngiti.
"Tara pasok ka muna, I swear hindi ka magsisisi. Masarap ang kiki-Yum ko, ako mismo ang nagtitimpla nyan. Tsaka fresh from the coconut tree yung buko juice ko, ako din kumuha nyan."
Nakatingin lang ito sa akin. Ang kulay asul niyang mga mata ay salat sa emosyon. Nakatikom na ang bibig na lalong nagpapadepina sa kanyang panga.
Gwapo talaga.
Mukhang foreigner. Pero teka nakakaintindi ba ito ng tagalog?
"Senyorito, sit down." Si Kuya Buboy na ang sumalo sa akin.
Para naman makabawi ako, dali-dali akong pumwesto sa food cart ko kung saan ako ngluluto ng kikiYum. Gusto ko mainit yung esi-serve ko na kikiYum sa kanya. Pambawi.
"Kuya Buboy, libre ko na 'to para sa Senyorito mo." Nakangiti kong sabi kay Kuya Buboy at nagsimula nang magluto. Tumayo naman ito at pumunta harapan ko. Hinili niya pa si Pogi para tumingin sa niluluto ko. Syempre ako naman, nagpakitang gilas.
Pakitang gilas eh, nagprito lang naman ng kikiYUm! Pero syempre nagluto na rin ako ng fishball.
Simple lang itong mga niluluto ko pero dinarayo ito dito sa amin. Ako ang may timpla niyan, may secret recipe ako para dyan kaya binabalik balikan.
Ilang minuto lang ang paghihintay nila at naluto ko na ang kikiYum at fishballs. "Kuha na Kuya Buboy. Eat all you can. Kayo na din bahala sa sawsawan na gusto niyo."
Tiningnan ko si Pogi, bagamat hindi ito nagsasalita kita kong nakatingin ito sa kikiYum na nasa harapan niya. Si Kuya Buboy ay nagsimula nang kumuha.
"Senyorito, get."
Alanganin itong tumingin kay Kuya Buboy. Mukhang ito ata ang unang beses na makakain si pogi ng kiki-
"Senyorito, taste."
Hindi na ako nakatimpi at ako na ang kumuha ng kikiYum sabay bigay sa kanya.
"Malinis 'to, ako ang gumawa."
Kita ko ang pag-aalangan niyang tanggapin ang kikiam na hawak ko kaya ako na ang umikot para ilagay sa kamay niya.
"Try my kikiYum, promise you won't regret it." En-ingles ko na at mukhang hindi ata siya gaanong nakakaintindi ng tagalog.
"C'mon, Sir." I said urging him. Kumuha pa ako ng isa sabay subo sa bibig ko at nakangiting ngumunguya nang nakatingin sa kanya. "Mmmm, masarap."
Saka pa nito tinanggap ang kikiam na hawak ko. Tiningnan niya pa itong maigi bago ito kumuha at sumubo.
Excited akong makita ang magiging reaskyon niya pero poker face pa rin ito. Pero kahit ganun, gwapo niya pa rin tingnan. Yun bang kahit ang sungit ng mukha niya, apaka pogi pa rin.
"Senyorito, good?" Tanong ni Kuya Buboy sa kanya. Hindi man ito sumagot pero nakita ko ang simpleng pagtango niya. Hindi ko na napigilan ang muling mangiti sa kanya.
Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at kinunan sya ng picture. Hindi ko alam kung napansin niya ba pero kita ko ang pagsimangot nya.
Pati picture damot pa rin?
"I told you, it's good. That's my special recipe." Pagyayabang ko sa kanya. Dinagdagan ko pa ang kikiam na nasa lagayan niya pero dedma pa rin tio sa akin.
"What's your name Sir? It's the first time I see you here. You are Senyor Gideon's son?" Palakaibigan kong tanong sa kanya, matamis pa akong ngumiti pero wala pa rin itong reaksyon.
Mukhang china-challenge ako ni Sir pogi ah. Hindi niya ata na persistent ako.
"By the way my name is Sky. Isang hi naman dyan Senyorito. Pwede niyo po bang bigyan ng review ang kikiYum overload ko at unli bj for 69 pesos?"
He took a glanced with one brow shut, then he continue eating like he didn't hear anything from me.
Ang sungit talaga pero di bale, ganyan yung mga gusto kong lalaki. Yung tipong gwapo na masungit at tahimik. Mga tipong hard to get pero easy to use.
Wala pa akong boyfriend pero marunong akong kumilatis. At itong si Sir pogi sigurado akong type ko. Yung mga tipo nya ang gusto ko. Kahit pa hindi ito mayaman.
"Smile naman dyan Sir. Libre po ang ngumiti." Hindi siya umimik. Nagpatuloy lang sa pagkain pero nanatiling nakasampok ang mga kilay niya.
"Wag na nga lang pala kayong ngumiti. You look more handsome when you frown." Masungit niya akong tinaasan ng kilay pero pilya ko lang syang kinindatan.
Ako pa ba? Si Sky ata 'to, ang batang hindi basta basta sumusuko.
"And hotter when you smirk." I added and I saw how his mouth parted. Muntik pa itong mabulunan sa hirit ko.
Si Kuya Buboy naman ay di na mapigilan ang matawa dahil sa kakulitan ko.
"The heck are you saying woman?"
Gusto kong mangiti. Pero syempre pinigilan ko na baka makulitan sya sa akin at totohanin niya ang pag-walk out.
Hindi ko na siya kinulit, kumuha ako ng buko juice at binigay sa kanila. "Unli Bj for you Sir. Especially made for you. I'm sure you'll like it."
Si Kuya Buboy at pangiti ngiti lang sa akin. Yung uri ng ngiti na may halong panunukso. Syempre ako din kinikilig pero si pogi deadma pa rin.
Hindi na ako bumalik sa kusina, dito na ako nagluto sa foodcart ko. Maya maya lang darating na ang mga suki kong mga driver kailangan may mga nakahanda na akong kikiam para sa kanila.
Tiningnan ko ulit ito, mukhang nae-enjoy na niya ang pagkain ng kikiYum ko. Kumuha pa ito ng fishballs at sinubukan ang mga sauce na may secret recipe ko din.
Bigla kong naalala na gusto niya pa lang magpa-load kaya kinuha ko ulit ang e-loader ko sa aking bulsa. Pero syempre ang dahilan talaga ay gusto kong makuha ang number niya. Mindset ba!
"Sir, you want load?" Pinakita ko ang cellphone sa kanya.
"Load?" Tumingin ito kay Kuya Buboy. Si Kuya Buboy naman at nagpaptulong na tumingin sa akin.
Oh, ano nga bang tawag ng load sa kanila?
"Prepaid? Recharge? Data? I don't know what you call this but here in the Philippines we call this load."
Hindi niya ako sinagot pero bigla itong tumalikod at may kinuha sa loob ng sasakyan nya.
Doon naman nabaling ang tingin ko sa pang-upo niya. Ilang beses akong napakurap. Woah! Ang sexy ng pang-upo ni Kuya. Bakat na bakat sa pantalon niya.
Sana ol pantalon!
"Salamat Sky ha, lisod kaayo storyahon ni si Senyorito uy, englis man gud. Pero kahibaw man daw ni siya magtagalog gamay ra." [Salamat Sky, ang hirap kasing kausapin ni Senyorito, english kasi. Pero marunong naman daw itong managalog konti.]
Ngumit lang ako kay Kuya Buboy. Hindi din naman kasi ako ganun kagaling mag-ingles. Nakakapagsalita lang pero hindi matatas. Sakto lang para makasagot kapag tinatanong ako.
"Suplado ra na siya tan-awon pero buotan baya na. Di pa jud na dalo. Ning-anhi ra na siya kay gusto daw magbakasyon kadyot. Sunod semana mubalik na pud na sa Amerika, wa pa hibaw-e ug kanus a na pud siya mubalik." [Suplado lang yan tingnan pero mabait yan saka hindi madamot. Umuwi lang yan dito para magbakasyon. Uuwi din yan sa Amerika sa susunod na linggo. Baka matagalan bago makabalik yan dito.]
Parang bigla akong nalungkot sa sinabi ni Kuya Buboy. Mukhang wala atang chance na mapansin niya ako dahil uuwi din pala siya agad sa kanila.
Hindi rin nagtagal bumalik si Sir pogi sa amin. Kinuha niya pala ang cellphone at pitaka niya sa sasakyan nila.
"Silpon number Senyorito."
Binuksan nito ang iphone niya at pinakita ang numero nya sa akin. Ako naman, syempre matik na! Autosave agad ang phone number niya. Pero syempre yung hindi halata. Pwede naman sigurong textmate kami o di kaya phonepal diba?
Pagtingin ko sa kanya nakatingin din pala ito sa cellphone ko. Nakita niya kaya na ni-save ko ang number niya?
"How much, Sir?"
"Five hundred."
Ay wow! Bongga naman ni Sir Pogi magpa-load. Agad kong nilagay ang amount at napangiti ako ng tumunog ang phone niya. Hudyat na natanggap niya na ang load.
"Thanks." Dumukot ito ng card at binigay sa akin.
Card? Anong gagawin ko sa card? Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"I don't have cash, take the amount from here including the payment for the food." Nilagay niya ang card sa harapan ko.
"Ay wala kaming para sa card dito, Sir. Cash la--"
Pero hindi ko natapos ang gusto kong sabihin dahil nakita kong humawak ito sa tiyan niya.
"Fuck!"
Sunod kong nakita ang namumuong pawis sa kanyang noo. Magtatanong sana ako kung may masakit ba sa kanya pero biglang tumunog ang cellphone nya.
"Yes Kuya." Bungad nito sa tumawag. Ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa tiyan niya. Mas dumami na rin ang butil ng pawis sa noo nya. Ang huling kikiYum na kinain niya ay hindi niya na naubos.
Pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko na yung stick na hawak niya ay nandun sa binababaran ko ng sandok.
"Senyorito, okay?"
"O-ouch! My stomach." Narinig kong tumunog ang tiyan niya.
Pagtingin ko kay Kuya BUboy nakita din nito ang kikiYum na naka babad sa babaran ng sandok. Parehas kami ng iniisip.
"Patay na Sky!"
Bakit naman kasi sa dinami daming pwedeng sawsawan yung, sa babaran ng sandok pa talaga ang sinawsawan niya?
"Wait Kuya, my stomach hurts."
Gosh! Mukhang sensitive ang tiyan ni pogi. Pero malinis naman itong niluto ko, tsaka lahat ito bago.
Sa pagkakataong ito hindi niya na maitago ang sakit ng tiyan niya.
"We're leaving now? I'm with Buwboy." Sagot nito sa kausap pagkatapos nakita kong nagbago na ang reaksyon nito. Mukhang lalong sumakit ang tiyan nito dahil namimilipit na ito sa sakit at kulang na lang ay umupo. Pagtingin ko sa braso niya nanayo na ang mga balahibo doon.
Alam ko yung pakiramdam na ganun, yung naje-jebs ka na at kulang na lang ay lalabas na ang etats sa wetpu mo.
"Sir, okay ka lang? Naje-jebs ka ba?"
Hindi niya ako sinagot pero masungit niya akong tinapunan ng tingin.
"May CR kami di--"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil tumalikod na ito.
"Wait for a bit Kuya, I'm coming. Buwboy, let's go."
Pagkatapos nagmamadali at halos takbuhin na nito ang pagpasok sa loob ng sasakyan nila nang hindi man lang nagpapaalam sa akin.
"Anong nangyari doon Sky? Ba't nagmamadali?" Pati si Lotlot ay lumapit na din sa akin. Ang mga taong kumakain ay napalingon din sa sasakyan nila.
"B-bye, senyorito." Kumaway pa ako kahit alam ko namang hindi ito nakatingin sa akin. Pinaharurot ni Kuya Buboy ang sasakyan nila at ilang minuto lang ay nawala na ito sa paningin ko.
Kahit wala na ang sasakyan nila nakatingin pa rin ako sa kalsada. Unang crush ko pa lang na heart broken na agad ako. Ang saklap naman.
Hindi man lang siya nagpakilala sa akin. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Kahit sana pangalan man lang. Sayang.
Malungkot akong bumalik sa cart ko pero ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang card niyang naiwan doon.
Kinuha ko ito at binasa ang pangalang nakalagay doon.
HUNTER COLE SANDOVAL
__________________________
"Sky hindi ka pa ba matutulog?"Tumigil ako saglit sa pag-aayos ng mga dadalhin ko bukas sa school na mga projects at assignments ng mga nagpagawa sa akin. Bukod kasi sa pagtitinda ng kung ano-anong sa school kailangan ko pang maghanap ng ibang pwede kong pagkakitaan.Hindi sapat ang perang kinikita namin sa maliit naming kainan sa mga pang araw-araw namin na pangangailangan. Dahil bukod sa pagkain kailangan pa naming bumili ng maintainance ni Lola. Mabuti na nga lang at nagbigay daan sa akin so Lotlot at ako muna ang nagpatuloy sa pag-aaral dahil kung dalawa kami baka mas mahirap pa. Ang mahal na rin kasi ng mga bilihin ngayon. Halos lahat ata bawat linggo nagmahal, ako na lang ang hindi. Char!"Matutulog na ako pagkatapos nito. Kailangan ko lang ma-double check kung kumpleto ba lahat ng mga dadalhin ko bukas. Alam mo na kailangan natin ng pera pandagdag sa pambili natin ng gamot ni Lola."Ngayong college na ako ang paggawa naman ng mga projects at assignments ng mga kaklase at kak
"Wait for the police to come? Gago ba siya? Bakit niya ako ipapu-pulis? Wala akong ninakaw sa kanya." Lumakas ang boses ko kaya muling kumatok si Lola sa amin. Yung gigil ko sa ungas lagpas ulo ko na. Lahat ng kilig na naramdaman ko nung unang kita ko sa kanya ay napalitan na ngayon ng inis. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala hinayaan ko na lang siyang umalis. "Punta ka nalang daw doon diritso, nasabihan na daw ni Baby I mean ni Buboy ang security nila. Tsaka malay mo, bet ka din ni pog. Kunwari lang nagsusungit pero ang totoo gusto lang din na mapansin mo." Aba ibang style yan! Baliktad. Kung gusto niyang mapansin ko dapat hindi niya ako sinusungitan. Madali naman akong kausap. "Alam mo feeling ko crush ka ni Senyorito. Alam mo ba kanina nung tinitingnan ko yung reaksyon niya habang nagsasalita ka, kunwari nakakunot yung kilay niya pero halata namang pinipigilan niya lang ngumiti. Tsaka kung hindi ka niya type hindi yun magpapapigil sayo." Oo nga noh? "S
“Let’s go.”Umawang ang labi ko nang sa isang iglap hawak na ng lalaki ang kamay ko. Hindi ako nakagalaw agad. Parang napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kamay kong hawak niya. "Where are you going Hunter Cole? I didn't do anything to the kid."Wala naman talagang ginawa si Senyorito Gustavo sa akin pero galit siyang tiningnan ni Hunter na parang may kasalanan itong ginawa. Sinubukan ko pang kunin ang kamay ko sa kanya pero humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko. Ayaw akong bitawan. Tinapunan niya pa ako ng tingin na may halong pagbabanta. Ba't siya nagagalit?"Hunter Cole." Ulit ni Sneyorito Gustavo pero hindi niya na ito nilingon. "Sir—" Tawag ko sana sa kanya pero mabilis niya akong pinutol. "I said, let's go." Ang kulay asul niyang mga mata ay matalim ang tinging pinukol sa akin."Saan po?"Hindi niya ako sinagot. Sa halip hinila niya ako palapit sa kanya. Kung makahila siya sa akin akala mo talaga may gustong umagaw sa akin mula sa kanya. Pagkatapos, inutusa
" "What?!” Kunot ang noong tanong nito sa akin. Wow! Sa dinami dami ng salitang lumabas sa bibig ko 'no' lang ang isasagot niya sa akin? Wag niyang sabihing di niya ako naiinitindihan? Masasapak ko na talaga ang ungas na 'to. "I don't get you." Lintek mapapalabang pa ako nito ng ingles. Translate ko ba lahat ng sinabi ko from the start o wag na lang? Wag na nga lang! Mas mahihirapan lang ako. "How much I'm gonna pay you for the trouble? Tell me." O diba kung maka 'tell me' ako akala mo may ari ng kabilang hacienda. May mababasag talagang alkansya nito 'pag nagkataon. Hinihintay ko ang sagot niya pero nagpakawala lang ito ng malakas na buntong hininga bago nagsalita. "Explain to me." Ah lintek mas gusto pa ata akong pahirapan eh. "Ang dami ng sinabi ko kanina, ang hirap e translate sa ingles." Nagkasalubong ang kilay niya."Talk slowly." "I said, I lost your card and I don't know how it happened. The last time I checked it was inside my bag but when I came here it wasn'
"You're not my type, Kid." He said like he really meant it. Woah! Sobrang straight forward naman! Ang sakit nun ah. First time ko pa lang mag-confess rejected na agad? Wala man lang pasakalye ang pagbasted niya sa akin. Hindi man lang dumaan sa let me think about it, diretso you're not my type agad? Para namang hindi ako nakakaakit sa lagay na 'to. Maliit lang akong babae pero maganda ang shape ng katawan ko, maganda ang shape ng mukha ko, makinis ang balat ko. And take note, hindi sa nagpi-feeling maganda ako pero marami ding nagagandahan sa akin. Marami ding gustong manligaw sa akin pero hindi lang ako pumayag. Kinulang lang talaga ako sa height pero attractive naman ako. And speaking of attractive, sinadya ko talagang magsuot ng damit na maa-attract siya. Pangmalakasan purple ako for todays vidyow. Pati mga hair clips na gamit ko purple din. Barney da ube ang peg ko ngayong araw. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Lotlot sa akin na magsuot ng puti, hindi ako nagagandahan sa sarili
Saglit akong natigilan. Huminga muna ako ng malalim para maka-recover. Hindi naman ibig sabihin nun na titigil na ako. Pwede pa rin naman sigurong sumubok kahit ayaw niya. Tiningnan ko siya sa mga mata pero wala akong mabasang reaskyon doon. Kukulitin ko pa sana ito ulit pero natigil ako nang may kumatok sa bintana sa bandang likuran ko. Paglingon ko kung sinong ang nandun, nakita ko ang lalaking kamukha niya. Isa sa mga lalaking nakasakay sa kabayo kanina. "Fuck! What is he doing here?" Narinig kong mura ni Hunter at ang pagtunog ng lock ng pintuan. Kung masungit tingnan ang mukha ni Hunter mas masungit pa tingnan itong lalaking nasa labas Mas mukhang pormal at strikto din ito. May suot na itong puting t-shirt ngayon pero bakat ang katawan dahil basa ng pawis. Tiningnan ko kung saan banda ang pipindutin sa sasakyan niya pero bago pa man ako makagawa ng kilos binalaan na ako ni Hunter. "Don't open." Hindi rin naman alam kung paano ito buksan. Iba kasi ang button ng sasaky
Naiwan akong mag-isa sa kalsada, mabuti na lang at hindi na ganun kalayo ang lalakarin ko papunta sa main gate. Paglingon ko sa sasakyan niya, nasa malayo na ito pero nakahinto na. Hunter - 1 point Sky- Zero Bakit kaya siya huminto? Akala ko ba aalis na siya? Naghintay ako saglit, baka magbago ang isip niya at balikan ako. Ngunit ilang minuto na akong nakatayo doon pero hindi ito bumalik. "Ikaw kasi ang tigas ng ulo mo!" Paggalit ko sa aking sarili. Pagkapos malungkot akong ngumiti kahit alam kong hindi niya naman makikita. Sige lang. Okay lang. Ganun lang talaga siguro siya. Hayaan na lang natin. Baka hindi lang siya sanay sa ganung klaseng biro. Kasalanan ko rin naman, nag-feeling close agad ako. I crossed the line, nasobraan ang pagiging maligalig ko. "I'm sorry Senyorito." Mahina kong sabi. "Thank you din po sa bayad." Kahit malayo siya kumaway pa rin ako sa kanya para magpaalam. Parang tanga lang. Pagkatapos tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. "Hindi pwedeng
Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Si Paul na nakapansin din ay buti hindi umalma. Nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho ng kalmado at nanatili sa lane niya. Mabuti na lang din malapit na kami ni Paul sa bahay. Pagkarating namin sa tapat ng tindahan agad akong bumaba. Hindi ako lumingon sa sasakyan ni Hunter pero kita kong huminto ito sa bandang unahan. "Bayad ko, Paul." Sabi ko sabay abot ng isang daang peso. "Kahit hindi ito namamasahero nakakahiya pa rin sa pang-aabala ko sa kanya. "Special mo na Paul kasi ako lang naman mag-isa." Fifty ang bayad kapag special. Twenty five naman kung hindi. Kampante na ako dahil nandito na kami sa harap ng bahay. Siguro mahihiya naman na si Hunter na awayin pa ako pati dito.Tsaka wala akong kasalanan sa kanya dahil siya naman ang nagpababa sa akin sa sasakyan niya. "Wag na, Sky para ka namang others." Nakangiting tanggi ni Paul. Hindi niya tinanggap ang pamasahe ko pero syempre nag-insist ako. "Sige na, ano ka ba! Sige ka 'pag di mo 'to ti
Ito ang last part ng epilogue ng ating pinaka bunsong Blue Eyed Maligno.Sana may napulot kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. Maraming salamat sa suporta ninyong lahat.See you in my next story, Avangers!Life is short always choose to be happy!Labyu! Amping mong tanan! :)_________________________I'll do everything to win Harriet back. That I promised. "Why didn't you tell me?" Para akong batang nanghihinang umupo sa gitna ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanim ng sama ng loob kay Thunder na hindi niya sinabi sa akin kung nasaan si Harriet o hindi. I mean, not directly na hindi niya pinaalam sa akin kasi madalas ko naman silang naririnig ng mga kapatid ko na nag-uusap tungkol kay Harriet. Pero hindi na ako naniniwala dahil palagi na lang kasi nila akong niloloko. "You're so slow, until now hindi mo pa rin alam na para kay Sky ang mga ginagawa mo?" Kuya Ford said laughing. Mukhang tuwang-tuwa pa ito na naisahan nila ako. "Haayyy kalooy man sa ba
Ginawa ko ang sana ay matagal ko nang ginawa, ang magtrabaho bilang professor sa university kung saan pumapasok si Harriet. I am now Harriet's professor and through this way hindi na siya makakatakas sa akin. Hindi siya pwedeng mapunta sa iba. I waited for her for five years, I respected Lola Val's request but I can't let her slipped away this time. Until now I am still smiling every time I remember the first day she saw me in their class. My Baby is so cute. She still didn't change. The way she dress, she talks, she acts, she's still the same Harriet I knew before. Masayahin at palakaibigan pa rin ito. Almost all her classmates are her friends. And when I say all, that includes the boys at doon ako naiirita. Dahil mabuti sana kung nakikipagkaibigan lang sa kanya, yung iba nalaman kong pinopormahan din pala siya. "You are crazy you know that?" I looked at my brother who is staring at me as I prepared all the materials needed for my class. "Will you just support me? I'm not the o
"I thought you don't want to go out today why are you dressed up like that?"I looked at my twin who's here in my room now annoying me again. Katatapos ko lang magbihis dahil lalabas ako ngayon. Pero hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta dahil alam kong pagchi-chismisan na naman nila ako ng iba ko pang mga kuya. Lalo na si Kuya Ford na sobrang chismoso. Gusto atang masagap lahat ng balita tungkol sa aming mga kapatid niya. Ang nakakainis pa kapag may nabalitaan ito pino-post sa gc. Hindi na lang sarilinin, gusto pa talaga magpabida. Ang now I noticed that Thunder is becoming like him too. Kunwari lang ito walang pakialam pero ang totoo he is lowkey chismoso too. "Where are you going?" O diba kasasabi ko lang. "Wala! Dito sa lang sa hacienda. I just want to have a breath of fresh air and away from you."Malakas itong tumawa dahil sa sinabi ko. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuhan ko pagkatapos nanunukso itong tumingin sa akin. "Oh, I know. You are going somewhere. I knew it
"Don't play with grandpa, if you get caught he will disown you."I looked at my twin brother frowning kasi totoo ang sinabi niya. Kung bakit kasi hindi na lang siya ang magma-manage ng business na gustong ipamana sa amin ng lolo namin? Siya ang mas matanda sa aming dalawa ah."I'm not playing." I said with creased forehead but he just shrugged his shoulder like he already knew what I was thinking."What?" I scoffed, getting more annoyed. "You are my twin Hunter Cole. I know what's running in your head that's why I am warning you. "Warning you. As if naman may maitutulong ang warning niya sa problema ko ngayon. Si Lolo kasi pinapahirapan pa ako. I don't know where did he get that idea that a CEO should be married. Is that a kind of practice to make sure that CEO is leading a company better? Like, what's his basis?I don't know what he is up to. Does he want to have grand children? Or he just want me to settle down.This marriage thing is the reason why my grandfather is giving me a h
Once again, another story has reached an end. This is the sixth installment of my Sandoval Series. 5/7 completed.Thank you so much AVAngers for being with me in Sky and Hunter's journey! Salamat sa iyakan at tawanan, sa mga tampuhan at walang sawang pagsuporta nyo sa akin.Thank you for the votes, comments and for sharing my stories. Most of all, thank you for being patient with me and for not leaving me wherever I go. I wouldn't reach this far if not all because of you and I will be forever grateful for that.Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana may nakuha kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. See you in my next story..Another series will be posted soon.Labyu all mga Langga! Amping mong tanan sa kanunay. Life is short always choose to be happy. God Bless us all!_____________________________Pagkapasok pa lang nami ni Hunter sa mansion ng mga Sandoval, bumungad agad sa amin ang isang napaka gandang tanawin. Si Senyor Gideon at
"Siraulo ka kasing gago ka! Kung sana sinabi mo na lang kaagad hindi yung nagda-drama ka pa! Ngayon anong gagawim mo hinamatay yan si Sky! Malilintikan ka talaga kay Derick siraulo ka!"Nagising ako dahil sa mahihinang bulungan ng mga tao sa paligid. Unti-unti kong dinilat ang mga mata at agad bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng mga anak ko. "Mummy, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Chase. Maliit akong tumango at inilibot ang tingin sa paligid. Nandito sa silid ibang mga kapatid ni Hunter pero ang mga Kuya Brutes ko ay wala. Nadako ang mga mata ko pinaka sulok dahil sa dalawang taong nagbabangayan doon, si Kuya Calyx at RN. Na agad din lumapit sa akin nang mapansing gising na ako. Pero teka bakit nga ba ako nawalan ng malay? Oh shit!Muling binundol ng kaba ang aking dibdib nang maalala kung bakit ako hinimatay. Si Hunter. "Si Hunter. N-nasaan si Hunter?" Kinakabahan kong tanong. Nagsimula na akong magpanic. Pakiramdam ko nanginginig angaking kalamnan at naninikip
"I am Thunder and Hunter's grandfather." An old man entered the room and introduce himself to me. Nandito ako ngayon sa isang silid naghihintay ng update. Ang mga bata ay naka'y Kuya Derick. Pinasama ko muna sa kanya para malibang saglit. Kanina pa kasi nag-iiyakan ang dalawa lalo na si Cyrene. After nitong tawagin ang Daddy niya hindi na ito muling nagsalita pa. Tahimik lang itong umiiyak. Hindi pa ri nagigising si Hunter. Pero kanina nung kinausap siya ng kambal gumalaw ang daliri niya. Saglit lang din. Kaso nagbeep ang monitor niya kaya pinalabas muna kami ng mga doktor. Kanina pa ako naghihintay ng update mula sa mga doktor niya. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Binalik ko ang tingin sa matanda. Malamlam ang mga nitong nakatingin sa akin. Tumayo ako para magbigay galang sa kanya. Pagkatapos tinuro ko ang bakanteng upuan na nasa tapat ko. Umupo ito doon."It's been so long that I wanted to meet you. I am Benjamin Wintle."Benjamin Wintle. His name is familiar. Oh, right. Si
"Ayaw mo talaga? O sige bahala ka! Yung chance na hinihingi mo sa akin, binabawi ko na. Ngayon pa lang maghahanap na ako ng bagong daddy ng mga bata." Ngunit napahinto ako sa pag-iyak dahil nakita kong parang gumalaw ang daliri niya. Tinitigan ko ito, hinintay na gumalaw ulit pero hindi na nangyari. Namamalik mata lang ata ako hanggang sa muli na naman akong umiyak. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko para magising siya. Pero kahit anong diskarte ang gagawin ko, in-emotional black mail ko na, kinonsenya, binantaan pero wala pa rin. Hindi pa rin ito nagigising. Para na akong baliw na kung ano-ano na lang ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko habang hawak ang kamay ni Hunter. Bakit ba kasi kailangang mangyari 'to? Bakit sakit pa sa puso? Dapat sakit lang sa tiyan! O di kaya yung mga mumurahing sakit lang at mas madaling pagalingin. "Hunter, ano ba! Gumising ka na kasi! Ipapabugbbog na talaga kita kay Kuya Derick! Hindi lang isang kuya ang bubugbo
I'm hypocrite if I would say that I'm not affected. Dahil sa totoo lang sobrang apektado ako na hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Galit ako kay Hunter pero hindi ko maipagkailang nag-aalala ako sa kanya. Hindi dahil sa ama siya ng mga anak ko kundi yun talaga ang nararamdaman ko. Hindi maawat ang mga luha ko sa pag-uunahan sa aking pisngi. I feel guilty being hard to him. I should have listened to him even if I'm mad. Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin, hindi naman siya masamang tao diba? Kanina pa ako umiiyak. Hindi mapigil ang mga luha ko habang nasa byahe kami papuntang ospital. Sinama ko na ang mga bata dahil pati ang mga ito ay nag-iiyakan na rin. I didn't tell kids about what happened but it's so obvious that they know that I am crying because of their father. Kahit na labis ang sakit na pinaranas sa akin noon ni Hunter masakit pa rin sa akin na dumating kami sa ganitong sitwasyon. Hindi niya dapat pinarusahan ang sarili niya. Hindi sana umabot sa ganito. Pa