Share

Chapter 1

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2024-04-16 20:41:18

My name is Harriet Schuyller Echavez Brown. You can call me Sky.

Naks! Pangalan pa lang maganda na diba?

Pero wag kayong ma-disappoint dahil hindi ako yung maganda na nasa imagination niyo. I'm not your typical bida na maganda, matangkad at balingkinitan ang katawan.

Maliit akong babae, 5'1" lang and height ko. Bonus na sa akin na maputi ako. Siguro yun lang ang masasabi kong medyo nakadagdag sa kagandahan ko.

Ang sabi ng mga taong inggit sa akin, hindi ako maganda, maputi lang.

Naku! Linyahan ng mga insecure. Tse!

Siguro nga para sa kanila hindi ako maganda pero para sa akin maganda ako. Syempre! Sino pa ba ang pupuri sa akin kundi ako lang din naman, diba? Paano na lang kung ako mismo ayaw din sa mukha ko edi kawawa naman ako.

Pero wag ka, sa liit kong ito, masipag at madiskarte ako . Bata pa lang, ako na ang kasa-kasama ni Lola Valeria na maghanap buhay. Ako ang side kick ni Lola. Katulong niya ako sa pagbubuhat ng basket ng mga paninda niyang bibingka. Ako din ang katulong niya magbuhat ng mga gulay na inaangkat namin sa palengke para sa maliit naming karenderya.

Bata palang ako sanay na akong magbanat ng buto.

Woi! Magbanat ng buto! Rosalinda yern?

Sa liit kong ito marunong akong umakyat ng puno ng niyog. Sisiw lang yan sa akin, pwede pa akong magtinikling doon sa taas. Natuto ako dahil yung ang first business ko.

Hala sya! Business minded?

Pero seryoso, natuto akong umakyat ng niyog dahil minsan walang umaakyat para sa niyog toppings ng bibingka gawa ni Lola. Yung iba ay naman ay ginagawa kong coconut candy, yung kendi na parang yema, tapos binebenta ko sa room namin tigpi-piso ang piraso. Tapos bukayo nilalagay ko naman sa canteen sa halagang tigta- tatlong piso.

Ang kita ko doon, yun ang ginagamit kong pambili ng mga ipit ko sa buhok, mga burluloy at kung ano-anong pang pampaganda. Feeling maganda nga kasi ako diba? Feeling maganda na hindi coordinated ang kulay ng mga gamit. Maano ba? Eh, sa love ko talaga ang matitingkad na kulay ng mga damit at burloloy. Jolina Magdangal mahirap version nga daw ako.

Maliit pa lang ako maarte na talaga ako. Nadala ko ito hanggang sa nagdalaga na ako. Feeling ko artista ako, hindi pa lang nadiscover. Kaya nga every time pumupunta akong mall, sinasadya ko talaga magpaganda, malay natin may mga talent scout at makita ako diba?

Kaya madiskarte ako dahil marami akong gustong bilhin. Mga damit, sandal, sapatos, bag. Pero mga mura lang dahil sa ukay-ukay ko lang naman binibili. At least wala naman akong inabala diba?

Bata pa lang ambisyosa na talaga ako. Mukha nga daw akong pera sabi ng mga kaklase ko. Hindi ko naman dine-deny yun dahil mukhang pera naman talaga ako. Pero, may malaking pero tayo para diyan, take note, lahat ng perang meron ako, malaki man o maliit, pinaghihirapan ko lahat yun. Kesehodang magkandakuba ako kakabitbit ng mga kung ano-anong pwede kung e-benta basta lang ba magka pera ako. Tsaka wala namang masama sa pagiging ambisyosa diba? Nagiging masama lang yun kapag nang-aabala ka na ng iba.

Saka suportado naman ako ng Lola Valeria ko. Gusto nga ni Lola na magpaganda ako palagi eh, dahil parang nakikita niya sa akin si nanay ko. Kuhang-kuha ko daw talaga ang kaartehan ng nanay ko.

"Sky, hindi ka pa ba tapos dyan? Madami nang customer dito oh."

Yan ang pinsan kong si Lotlot, siya ang kasama namin ni Lola na nag-aasikaso sa maliit na kainan. Parehas kaming wala nang mga magulang.

"Saglit lang malapit na." Nagmamadali akong ilagay ang duck hair clip na binili ko nung isang araw. Kung naalala niyo yung butterfly hairclip ni Jolina nung araw, bebe naman yung version namin ngayon.

"Ang ganda mo talaga Sky." Puri ko sa aking sarili. Ggss pala ako.

Pinasadahan ko ng isang beses ang mukha ko sa salamin at nang makuntento sa gandang taglay ko saka pa ako lumabas ng kwarto.

"Good morning madlang pipol!" Nakangiti kong bati sa mga kumakain doon.

Mga driver ng van at tricycle na suki na ng kainan ni Lola ang nandun.

"Maayong buntag, Day Sky. Kagwapa na lang jud."

Napangiti ako at feeling magandang hinawi ang buhok ko sa likod. Nagtawanan ang mga tatay na nandun. Kilala na ako ng mga ito. Halos araw-araw ba naman nila akong makita dito. Yung iba nga nasubaybayan na ang paglaki ko.

"Gwapaha jud aning apo ni Nang Elyang ba. Naa koy ulitawo day, bagay mo ato." [Ang ganda talaga nitong apo ni Nana Enyang. May binata ako Sky, bagay kayo nun.]

Kilala ko ang binata na anak ni Tatay kaklase ko ito nung high school pero hindi blue ang kulay ng mata kaya pass na lang muna.

"Enjoy eating, mga Tatay. Order pa po kayo!" Nakangiti kong sabi sabay talikod sa kanila.

Sa ganitong maliit na negosyo dapat marunong kang makisama para tumagal. At number one ako pagdating sa mga ganyan. Kaya nga mahal ako ng mga suki namin ni Lola eh. Dati nung maliit pa ako libre entertainment pa ang mga yan. Sinasayawan at kinakantahan ko. Tumigil lang ako nung nagdalaga na ako, hindi na raw kasi magandang tignan.

Eighteen na ako ngayon. Malaki na, madami na ring gustong manligaw pero wala akong ini-entertain.

"Hi pinsan kong maganda!" Bati ko kay Lotlot na busy ngayon sa pagsi-serve.

"Hello Langit! Ganda natin for todays bidyow ah!" Mahina niyang tinampal ang puwet ko.

"Maliit na bagay, Carlotta. Malay mo may magawi ditong afam ngayon gustong mag-avail ng 69." Pilya akong kumindat sa kanya.

"Kaigat sa Bigatla!" [Apakalandi mo Sky!]

Best friend ko si Lotlot, kaya alam nito kung ano ang mga trip ko. Mas matanda lang ito sa akin ng isang taon kaya parehas kami ng mga gusto sa buhay.

"Saan ang lola nating maganda,Lot?"

Saktong lumabas si Lola Valeria mula sa kusina. Ang ganda ng Lola Valeria ko kahit may edad na. Lumapit ako at humalik sa kanya. "Good morning Lola."

"Wow ang ganda naman ng Sky ni Lola."

Umikot ako sa harapan niya at nagpapapungay ng mga mata. "Syempre, kanino pa ba kami magmamana? Malamang sa Lola Valeria namin."

"O siya dalian mo na at marami ka pang lulutuing kikiam doon sa loob."

Nagpaganda pa ako pero doon lang din pala ako magbababad sa kusina. Pero di bale na, at least kahit kusinera maganda pa rin diba?

Lumaki ako kay Lola Valeria dahil parehas nang nag rest in peace ang Nanay at Tatay ko. Nabunggo ng sasakyan nung maliit pa ako. Sa sobrang pagmamahalan nilang dalawa hanggang kamatayan magkasama.

Pitong taong gulang ako nung naiwan ako kay lola. Si Lola Valeria na ang nagpalaki sa akin. Siya din ang nagpaaral hanggang makatapos akong ng high school. College na ako ngayon, third year sa kursong culinary.

Taga Pampanga ang Tatay ko, Taga Benguet naman ang nanay ko. Half kapampangan, half taga benguet, kapag binuo kapampanget. Charot lang!

My dad is British.

Woi! Sana all Bretesh!

Kaso yung tatay ko mahirap na version ng Briton. Paano kasi, na-inlove sa nanay kong Pinay na dati nilang kasambahay. Nung umuwi si mudrabels ko dito sa Pinas, sumunod ang tatay ko. Kaya ang ending tinakwil ng sarili niyang pamilya. Pero keri lang daw, mahal niya daw kasi si Nanay eh. Hindi rin naman siya lugi dahil ako ang bunga. Yun nga lang mukhang hindi ako nakapasa sa quality control. Doon ako na-belong sa may factory defect.

Sinubukan naman daw na bumalik ng tatay ko sa mga magulang niya kasama si nanay pero hindi nila tanggap na isang katulong ang mapapangasawa ng anak nila. May ibang babae daw silang pinagkasundo sa tatay ko yung katulad nilang mayaman din pero ayaw naman niya. Nung mga panahong yun buntis na si nanay sa akin. Akala nila matatanggap na sila kapag nalamang magkakapo na sila, which is ako pero hindi pa rin pala. Makakabalik lang daw si Tatay at tatanggapin lang akong apo nila pero hindi kasama si Nanay.

Mas pinili ng Tatay ko si Nanay. Mas pinili niya ang simpleng buhay. Yun nga lang minalas at maaga ding natapos ang buhay nilang dalawa.

Nakakalungkot lang isipin na ganun ang nnagyari sa kanila. Minsan masasabi ko ring unfair ang buhay. Pero siguro nga para sa mga mayayaman ganun talaga dapat. Ang mga mayayaman ay para lang sa mayayaman.

Sabi ni Lola Valeria, parehas kami ni Nanay, target ang afam na kulay asul ang mata. Bago pa daw ito pumunta sa ibang bansa para magtrabaho, bukambibig na nito na guston niyang makapangasawa ng afam. Hindi sa guto nitong makaahon sa buhay kundi gusto nitong magkaroon ng anak na gwapo at maganda.

Kaso nga lang minalas, hindi ko nakuha ang kulay asul na mata ng tatay ko at hindi rin ako super ganun kaganda. Sakto lang.

Pero di bale ako na lang ang magpapatuloy sa nasimulan ni Nanay. Maghahanap ako ng afam, yung kulay blue ang mata para ma-upgrade naman ang genes ko. Malay natin sa anak ko pala lalabas ang pagiging dugong briton ko. Edi may pambato na tayo sa Miss Universe nito 'pag nagkataon.

O sya tama na ang introduction. Simulan na natin ang kwento para mahanap ko na ang aking forever.

Check list.

📌 Blue eyed afam

📌Matangkad, matangos ang ilong, mapula ang mga labi

📌Mabango, amoy Johnson's baby powder

📌Mabait, malambing, yummy! Ay yummy bakit may yummy?

📌Mas matanda sa akin. Gusto ko nang bini-baby ako. Woi! Baka ibang baby yern?

📌 Tanggap ang buong pagkatao ko. Yung mamahalin kahit ang flaws ko. Yung may respeto sa akin.

Kahit na hindi mayaman okay lang sa akin. Masipag at madiskarte naman ako, magtutulungan lang kaming dalawa para umalwan ang buhay namin.

"Ayo! Ayo! Mupalit ko." [Tao po! Pabili.]

Natigil ako saglit sa pagluluto pagkarinig ko sa boses ni Buboy. Si Buboy ang masugid na manliligaw ni Lotlot. Nagtatrabaho ito sa hacienda ng mga Sandoval.

"Sky! Abtik!"[Sky! Bilis!] Ani Lotlot na parang sinilihan ang pwet.

Hinango ko muna ang kikiam na niluluto ko bago ako lumapit sa kanya. "Bakit?"

"Si Buboy nasa labas. May dalang sasakyan baka nandyan ang isa sa mga anak ng mga Sandoval.Chance mo na to. Tara! Tara!"

Hindi pa man ako nakasagot nahila na ako ni Lotlot palabas ng kusina. HIndi lang ako ang excited kundi pati ito.

Bukambibig din kasi nito na gwapo ang mga anak ni Senyor Gideon at Senyora Elizabeth. Maliban kay Senyorito Gustavo at Senyorito Gaston na nakita ko na, ang sabi niya sa akin gwapo din daw yung mga kapatid nila sa ibang mga nanay. Nakita na daw sila ni Lotlot nung minsang napunta sya sa hacienda ng mga Sandoval.

"Boy, may kasama ka?" Agad niyang tanong pagkalabas namin. Hindi makikita kung may kasama si Buboy dahil tinted ang sasakyan na dala nito.

"Halika, pasok. Anong gusto mo?" Pero ang mata ni Amor ay nasa itim na sasakyan.

"Katong 69 lang ako." [Yung 69 lang ang akin.]

Oh bago pa kayo malito, hindi yung 69 na nasa utak niyo ang tinutukoy ni Buboy.

"Hi Sky! Kamusta?" Palakaibigan nitong bati sa akin. "Availabol pa ang Kiki-yum uberlud with pisbol and unli BJ por onli 69 pisos?"

Bukod sa bibingka, puto maya at sikwate nag-upgrade na din ang pagkabuhayan namin ni Lola ngayon. Kung si Diwata may pares overload ako naman meron Kiki-Yum overload with fish/vegetable balls and unli BJ for only 69 pesos. Isang platter ng kikiam with fish and vegetable balls plus fresh buko juice.

"Hello Kuya Buboy, yes available kaay—"

Pero hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan na nakapark sa harapan namin.

Mula doon bumaba ang isang lalaking— isang prinsepe na ubod ng gwapo. No! Not only gwapo! Kulang ang salitang gwapo para e-describe si pogi.

Oh sheyt na malagket!

I swear that very moment, literal na parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Yung puso ko parang saglit ding humito sa pagtibok.

Para akong natulala at literal na siya lang ang nakikita ko. Yung parang sa mga palabas sa tv, na wala kang ibang nakita kundi siya lang, yun na yun ang nararamdaman ko ngayon.

Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng giti ko.

Ay mali! Bastos ang utak mo Sky!

Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko pala.

Nadako ang tingin ko sa mga mata nya.

📌 Blue eyes.

Pak! Check! Mata palang para na akong tinutunaw.

Woi animal gikilig akong tingg*l bearing! Isang tingin pa lang panalo na!

Nakita kong nilibot nito ang tingin sa paligid at napansin ko din agad ang pagkunot ng noo niya. Mukhang hindi nito nagusuthan ang lugar kung nasaan siya. Typical rich attitude.

Pero kiber, wapakels ang Sky niyo, mas bet kong inspeksyonin ang buong mukha niya.

📌Matangkad, matangos ang ilong, mapula ang mga labi.

Check na check! Hindi lang matangkad. Malaki pa ang...pangangatawan.

At yung ilong perfect! Bagay na bagay sa nutural nitong mamula-mulang labi. Well defined jaw pa si Angkol. Bagay sa masungit niyang mukha. At yung buhok, gray. He looks so handsome with that color of hair and style.

Yatis! Yung kilig ko wala nang paglagyan. Alam mo yung feeling na gusto kong sumigaw gaya nung commecrial ni toni gonzaga na maypa 'i love you piolo'. Woi! Yun na yun ang gusto kong gawin.

📌Mabango, amoy Johnson's baby powder.

Pak na pak! Malayo pa lang amoy ko na ang mamahaling pabango niya. Para siyang may naka built-in na pabango sa katawan at amoy na amoy ko ang freshness niya. Amoy aircon.

"Yung bibig mo Sky isara mo." Narinig kong mahinang bulong ni Lotlot sa akin pero hindi ko siya pinansin. Nakatuon lang ang mata ko sa poging kasama ni Kuya Buboy. Wala akong pakialam kung nakanganga ba ako o literal ba na tumutulo ang laway ko.

Gosh! ayokong kumurap at baka mawala si pogi sa paningin ko. This is it, ito talaga ang hinahanap ko. Nasa kanya na lahat.

"Buwboy, where can we buy prepaid card?"

Shet ang boses! Paos at parang nang-aakit.

Wala na talaga, yung panty ko parang nahuhulog na. Kausap nito si Buboy pero wala akong naiintindihan, yung boses niya parang musika lang sa aking pandinig. Yung imagination ko kung saan-saan na umabot.

"Load, Senyorito. Si Sky naga-pa-load."

Sky. Pangalan ko yun. Ako yun. Pero walang salitang lumabas mula sa akin, parang nalulon ko ang dila ko at nakatingin lang ako sa kanila. Nakita ko ang pagsulyap sa akin nung gwapong lalaking tinawag niyang senyorito kaya maarte kung inipit ang buhok ko sa aking tenga. Pero imbes na magandahan ito sa akin nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya.

Wait lang. Pawisan ba ako? Maayos ba ang buhok ko? Yung blush on at liptin ko meron pa ba?

Gosh! Si Kuya Buboy di naman sinabi na dadalhin niya pala dito si Pogi.

"Sky, pa-load daw si Senyorito."

Muli kong narinig ang pangalan ko. Oa na kung oa pero para talaga akong nabato sa kinatayuan ko. Alam kong ako ang kinakausap ni Kuya Buboy pero nakatulala lang akong nakatingin sa kasama niya na sa pagkakatong ito ay lalong kumunot ang noo.

Ang kulay asul niyang mga mata ay nabaling sa akin. Wala akong makitang emosyon dito pero nang tumaas ang isang kilay niya ay ngumiti na ako. Yung pinaka maganda kong ngiti na sa kanya ko lang pinakita.

"Are you okay, Miss?" Magksalubong ang kilay nitong tanong sa akin.

Pero imbes na sagutin ang tanong nya iba ang lumabas sa bibig ko.

"Mine."

Inaangkin ko na agad si pogi. Akin na 'to wala na pwedeng umangkin sa kanya.

Ang mga mata ko naman ay parang may sariling buhay na pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Malapad ang dibdib, nakabakat ang muscles sa kanyang fitted na damit. Ang braso ay parang namumutok. Maugat ang mga kamay na tila ba may sariling mga buhay, nangangalit.

Sana all maugat!

Naramdaman ko ang mahinang pagkurot ni Lotlot sa tagiliran ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Gaga, load daw!"

Ha? Load ba? Bakit ano bang sinabi ko? Ang mukha ni Lotlot ay hindi na maipinta. Kulang na lang na sabihin nitong kinakahiya niya ako.

Muli kong binalik ang tingin sa lalaki na parang tangang nakangiti pa rin.

"Load ba, pog--"

Pero nabura ang ngiti ko nang bigla itong magsalita.

"Never mind." Masungit nitong sabi at basta na lang tumalikod.

___________________________

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sanaan A. Tanog
para nmn Ang ing ing ng kwinto nato
goodnovel comment avatar
Carlyn Samillano
ai sungit agh
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 2

    "Gaga ka talaga Sky tingnan mo nagalit si Pogi." Saglit pang nagloading ang utak ko pero nang makita kong naglalakad na si Pogi palabas nang kainan bigla akong nahimasmasan. Sa lagay ba aalis na lang siya nang hindi ko man ang nakilala? Aba'y! Hindi pwede! Hindi ako papayag na basta na lan siya aalis, kaya ang ginawa ko ay hinabol ko ito. "Sir! Sir! Wait lang!" Hinawakan ko ang kamay niya pero masungit itong tumingin sa akin. Nakataas pa ang isang kilay. "Woi! Grabe ka naman, sobrang seryoso mo po. Sorry na, load po ba hanap niyo? Meron po akong load dito." Dali-dali kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko kahit hindi pa ito sumasagot. Magkasalubong pa rin ang kilay nito pero hindi ko na pinansin. "Number po? At magkano?" Hindi ito sumagot, sa halip nalipat ang tingin nito sa kamay kong nakahawak sa kanya. "Let go." Malamig nyang sabi. Sungit naman! Para hawak lang eh. Pero agad ko ding binitawan ang kamay niya at baka umigkas ito at mabigwasan ako. Mukhang legit pa namang yung

    Last Updated : 2024-04-17
  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 3

    "Sky hindi ka pa ba matutulog?"Tumigil ako saglit sa pag-aayos ng mga dadalhin ko bukas sa school na mga projects at assignments ng mga nagpagawa sa akin. Bukod kasi sa pagtitinda ng kung ano-anong sa school kailangan ko pang maghanap ng ibang pwede kong pagkakitaan.Hindi sapat ang perang kinikita namin sa maliit naming kainan sa mga pang araw-araw namin na pangangailangan. Dahil bukod sa pagkain kailangan pa naming bumili ng maintainance ni Lola. Mabuti na nga lang at nagbigay daan sa akin so Lotlot at ako muna ang nagpatuloy sa pag-aaral dahil kung dalawa kami baka mas mahirap pa. Ang mahal na rin kasi ng mga bilihin ngayon. Halos lahat ata bawat linggo nagmahal, ako na lang ang hindi. Char!"Matutulog na ako pagkatapos nito. Kailangan ko lang ma-double check kung kumpleto ba lahat ng mga dadalhin ko bukas. Alam mo na kailangan natin ng pera pandagdag sa pambili natin ng gamot ni Lola."Ngayong college na ako ang paggawa naman ng mga projects at assignments ng mga kaklase at kak

    Last Updated : 2024-04-23
  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 4

    "Wait for the police to come? Gago ba siya? Bakit niya ako ipapu-pulis? Wala akong ninakaw sa kanya." Lumakas ang boses ko kaya muling kumatok si Lola sa amin. Yung gigil ko sa ungas lagpas ulo ko na. Lahat ng kilig na naramdaman ko nung unang kita ko sa kanya ay napalitan na ngayon ng inis. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala hinayaan ko na lang siyang umalis. "Punta ka nalang daw doon diritso, nasabihan na daw ni Baby I mean ni Buboy ang security nila. Tsaka malay mo, bet ka din ni pog. Kunwari lang nagsusungit pero ang totoo gusto lang din na mapansin mo." Aba ibang style yan! Baliktad. Kung gusto niyang mapansin ko dapat hindi niya ako sinusungitan. Madali naman akong kausap. "Alam mo feeling ko crush ka ni Senyorito. Alam mo ba kanina nung tinitingnan ko yung reaksyon niya habang nagsasalita ka, kunwari nakakunot yung kilay niya pero halata namang pinipigilan niya lang ngumiti. Tsaka kung hindi ka niya type hindi yun magpapapigil sayo." Oo nga noh? "S

    Last Updated : 2024-04-23
  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 5

    “Let’s go.”Umawang ang labi ko nang sa isang iglap hawak na ng lalaki ang kamay ko. Hindi ako nakagalaw agad. Parang napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kamay kong hawak niya. "Where are you going Hunter Cole? I didn't do anything to the kid."Wala naman talagang ginawa si Senyorito Gustavo sa akin pero galit siyang tiningnan ni Hunter na parang may kasalanan itong ginawa. Sinubukan ko pang kunin ang kamay ko sa kanya pero humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko. Ayaw akong bitawan. Tinapunan niya pa ako ng tingin na may halong pagbabanta. Ba't siya nagagalit?"Hunter Cole." Ulit ni Sneyorito Gustavo pero hindi niya na ito nilingon. "Sir—" Tawag ko sana sa kanya pero mabilis niya akong pinutol. "I said, let's go." Ang kulay asul niyang mga mata ay matalim ang tinging pinukol sa akin."Saan po?"Hindi niya ako sinagot. Sa halip hinila niya ako palapit sa kanya. Kung makahila siya sa akin akala mo talaga may gustong umagaw sa akin mula sa kanya. Pagkatapos, inutusa

    Last Updated : 2024-04-25
  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 6

    " "What?!” Kunot ang noong tanong nito sa akin. Wow! Sa dinami dami ng salitang lumabas sa bibig ko 'no' lang ang isasagot niya sa akin? Wag niyang sabihing di niya ako naiinitindihan? Masasapak ko na talaga ang ungas na 'to. "I don't get you." Lintek mapapalabang pa ako nito ng ingles. Translate ko ba lahat ng sinabi ko from the start o wag na lang? Wag na nga lang! Mas mahihirapan lang ako. "How much I'm gonna pay you for the trouble? Tell me." O diba kung maka 'tell me' ako akala mo may ari ng kabilang hacienda. May mababasag talagang alkansya nito 'pag nagkataon. Hinihintay ko ang sagot niya pero nagpakawala lang ito ng malakas na buntong hininga bago nagsalita. "Explain to me." Ah lintek mas gusto pa ata akong pahirapan eh. "Ang dami ng sinabi ko kanina, ang hirap e translate sa ingles." Nagkasalubong ang kilay niya."Talk slowly." "I said, I lost your card and I don't know how it happened. The last time I checked it was inside my bag but when I came here it wasn'

    Last Updated : 2024-04-25
  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 7

    "You're not my type, Kid." He said like he really meant it. Woah! Sobrang straight forward naman! Ang sakit nun ah. First time ko pa lang mag-confess rejected na agad? Wala man lang pasakalye ang pagbasted niya sa akin. Hindi man lang dumaan sa let me think about it, diretso you're not my type agad? Para namang hindi ako nakakaakit sa lagay na 'to. Maliit lang akong babae pero maganda ang shape ng katawan ko, maganda ang shape ng mukha ko, makinis ang balat ko. And take note, hindi sa nagpi-feeling maganda ako pero marami ding nagagandahan sa akin. Marami ding gustong manligaw sa akin pero hindi lang ako pumayag. Kinulang lang talaga ako sa height pero attractive naman ako. And speaking of attractive, sinadya ko talagang magsuot ng damit na maa-attract siya. Pangmalakasan purple ako for todays vidyow. Pati mga hair clips na gamit ko purple din. Barney da ube ang peg ko ngayong araw. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Lotlot sa akin na magsuot ng puti, hindi ako nagagandahan sa sarili

    Last Updated : 2024-04-26
  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 8

    Saglit akong natigilan. Huminga muna ako ng malalim para maka-recover. Hindi naman ibig sabihin nun na titigil na ako. Pwede pa rin naman sigurong sumubok kahit ayaw niya. Tiningnan ko siya sa mga mata pero wala akong mabasang reaskyon doon. Kukulitin ko pa sana ito ulit pero natigil ako nang may kumatok sa bintana sa bandang likuran ko. Paglingon ko kung sinong ang nandun, nakita ko ang lalaking kamukha niya. Isa sa mga lalaking nakasakay sa kabayo kanina. "Fuck! What is he doing here?" Narinig kong mura ni Hunter at ang pagtunog ng lock ng pintuan. Kung masungit tingnan ang mukha ni Hunter mas masungit pa tingnan itong lalaking nasa labas Mas mukhang pormal at strikto din ito. May suot na itong puting t-shirt ngayon pero bakat ang katawan dahil basa ng pawis. Tiningnan ko kung saan banda ang pipindutin sa sasakyan niya pero bago pa man ako makagawa ng kilos binalaan na ako ni Hunter. "Don't open." Hindi rin naman alam kung paano ito buksan. Iba kasi ang button ng sasaky

    Last Updated : 2024-04-27
  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 9

    Naiwan akong mag-isa sa kalsada, mabuti na lang at hindi na ganun kalayo ang lalakarin ko papunta sa main gate. Paglingon ko sa sasakyan niya, nasa malayo na ito pero nakahinto na. Hunter - 1 point Sky- Zero Bakit kaya siya huminto? Akala ko ba aalis na siya? Naghintay ako saglit, baka magbago ang isip niya at balikan ako. Ngunit ilang minuto na akong nakatayo doon pero hindi ito bumalik. "Ikaw kasi ang tigas ng ulo mo!" Paggalit ko sa aking sarili. Pagkapos malungkot akong ngumiti kahit alam kong hindi niya naman makikita. Sige lang. Okay lang. Ganun lang talaga siguro siya. Hayaan na lang natin. Baka hindi lang siya sanay sa ganung klaseng biro. Kasalanan ko rin naman, nag-feeling close agad ako. I crossed the line, nasobraan ang pagiging maligalig ko. "I'm sorry Senyorito." Mahina kong sabi. "Thank you din po sa bayad." Kahit malayo siya kumaway pa rin ako sa kanya para magpaalam. Parang tanga lang. Pagkatapos tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. "Hindi pwedeng

    Last Updated : 2024-04-28

Latest chapter

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Epilogue-Last Part

    Ito ang last part ng epilogue ng ating pinaka bunsong Blue Eyed Maligno.Sana may napulot kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. Maraming salamat sa suporta ninyong lahat.See you in my next story, Avangers!Life is short always choose to be happy!Labyu! Amping mong tanan! :)_________________________I'll do everything to win Harriet back. That I promised. "Why didn't you tell me?" Para akong batang nanghihinang umupo sa gitna ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanim ng sama ng loob kay Thunder na hindi niya sinabi sa akin kung nasaan si Harriet o hindi. I mean, not directly na hindi niya pinaalam sa akin kasi madalas ko naman silang naririnig ng mga kapatid ko na nag-uusap tungkol kay Harriet. Pero hindi na ako naniniwala dahil palagi na lang kasi nila akong niloloko. "You're so slow, until now hindi mo pa rin alam na para kay Sky ang mga ginagawa mo?" Kuya Ford said laughing. Mukhang tuwang-tuwa pa ito na naisahan nila ako. "Haayyy kalooy man sa ba

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Epilogue - Part 3

    Ginawa ko ang sana ay matagal ko nang ginawa, ang magtrabaho bilang professor sa university kung saan pumapasok si Harriet. I am now Harriet's professor and through this way hindi na siya makakatakas sa akin. Hindi siya pwedeng mapunta sa iba. I waited for her for five years, I respected Lola Val's request but I can't let her slipped away this time. Until now I am still smiling every time I remember the first day she saw me in their class. My Baby is so cute. She still didn't change. The way she dress, she talks, she acts, she's still the same Harriet I knew before. Masayahin at palakaibigan pa rin ito. Almost all her classmates are her friends. And when I say all, that includes the boys at doon ako naiirita. Dahil mabuti sana kung nakikipagkaibigan lang sa kanya, yung iba nalaman kong pinopormahan din pala siya. "You are crazy you know that?" I looked at my brother who is staring at me as I prepared all the materials needed for my class. "Will you just support me? I'm not the o

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Epilogue-Part 2

    "I thought you don't want to go out today why are you dressed up like that?"I looked at my twin who's here in my room now annoying me again. Katatapos ko lang magbihis dahil lalabas ako ngayon. Pero hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta dahil alam kong pagchi-chismisan na naman nila ako ng iba ko pang mga kuya. Lalo na si Kuya Ford na sobrang chismoso. Gusto atang masagap lahat ng balita tungkol sa aming mga kapatid niya. Ang nakakainis pa kapag may nabalitaan ito pino-post sa gc. Hindi na lang sarilinin, gusto pa talaga magpabida. Ang now I noticed that Thunder is becoming like him too. Kunwari lang ito walang pakialam pero ang totoo he is lowkey chismoso too. "Where are you going?" O diba kasasabi ko lang. "Wala! Dito sa lang sa hacienda. I just want to have a breath of fresh air and away from you."Malakas itong tumawa dahil sa sinabi ko. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuhan ko pagkatapos nanunukso itong tumingin sa akin. "Oh, I know. You are going somewhere. I knew it

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Epilogue-Part 1

    "Don't play with grandpa, if you get caught he will disown you."I looked at my twin brother frowning kasi totoo ang sinabi niya. Kung bakit kasi hindi na lang siya ang magma-manage ng business na gustong ipamana sa amin ng lolo namin? Siya ang mas matanda sa aming dalawa ah."I'm not playing." I said with creased forehead but he just shrugged his shoulder like he already knew what I was thinking."What?" I scoffed, getting more annoyed. "You are my twin Hunter Cole. I know what's running in your head that's why I am warning you. "Warning you. As if naman may maitutulong ang warning niya sa problema ko ngayon. Si Lolo kasi pinapahirapan pa ako. I don't know where did he get that idea that a CEO should be married. Is that a kind of practice to make sure that CEO is leading a company better? Like, what's his basis?I don't know what he is up to. Does he want to have grand children? Or he just want me to settle down.This marriage thing is the reason why my grandfather is giving me a h

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 63

    Once again, another story has reached an end. This is the sixth installment of my Sandoval Series. 5/7 completed.Thank you so much AVAngers for being with me in Sky and Hunter's journey! Salamat sa iyakan at tawanan, sa mga tampuhan at walang sawang pagsuporta nyo sa akin.Thank you for the votes, comments and for sharing my stories. Most of all, thank you for being patient with me and for not leaving me wherever I go. I wouldn't reach this far if not all because of you and I will be forever grateful for that.Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana may nakuha kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. See you in my next story..Another series will be posted soon.Labyu all mga Langga! Amping mong tanan sa kanunay. Life is short always choose to be happy. God Bless us all!_____________________________Pagkapasok pa lang nami ni Hunter sa mansion ng mga Sandoval, bumungad agad sa amin ang isang napaka gandang tanawin. Si Senyor Gideon at

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 62

    "Siraulo ka kasing gago ka! Kung sana sinabi mo na lang kaagad hindi yung nagda-drama ka pa! Ngayon anong gagawim mo hinamatay yan si Sky! Malilintikan ka talaga kay Derick siraulo ka!"Nagising ako dahil sa mahihinang bulungan ng mga tao sa paligid. Unti-unti kong dinilat ang mga mata at agad bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng mga anak ko. "Mummy, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Chase. Maliit akong tumango at inilibot ang tingin sa paligid. Nandito sa silid ibang mga kapatid ni Hunter pero ang mga Kuya Brutes ko ay wala. Nadako ang mga mata ko pinaka sulok dahil sa dalawang taong nagbabangayan doon, si Kuya Calyx at RN. Na agad din lumapit sa akin nang mapansing gising na ako. Pero teka bakit nga ba ako nawalan ng malay? Oh shit!Muling binundol ng kaba ang aking dibdib nang maalala kung bakit ako hinimatay. Si Hunter. "Si Hunter. N-nasaan si Hunter?" Kinakabahan kong tanong. Nagsimula na akong magpanic. Pakiramdam ko nanginginig angaking kalamnan at naninikip

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 61

    "I am Thunder and Hunter's grandfather." An old man entered the room and introduce himself to me. Nandito ako ngayon sa isang silid naghihintay ng update. Ang mga bata ay naka'y Kuya Derick. Pinasama ko muna sa kanya para malibang saglit. Kanina pa kasi nag-iiyakan ang dalawa lalo na si Cyrene. After nitong tawagin ang Daddy niya hindi na ito muling nagsalita pa. Tahimik lang itong umiiyak. Hindi pa ri nagigising si Hunter. Pero kanina nung kinausap siya ng kambal gumalaw ang daliri niya. Saglit lang din. Kaso nagbeep ang monitor niya kaya pinalabas muna kami ng mga doktor. Kanina pa ako naghihintay ng update mula sa mga doktor niya. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Binalik ko ang tingin sa matanda. Malamlam ang mga nitong nakatingin sa akin. Tumayo ako para magbigay galang sa kanya. Pagkatapos tinuro ko ang bakanteng upuan na nasa tapat ko. Umupo ito doon."It's been so long that I wanted to meet you. I am Benjamin Wintle."Benjamin Wintle. His name is familiar. Oh, right. Si

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 60

    "Ayaw mo talaga? O sige bahala ka! Yung chance na hinihingi mo sa akin, binabawi ko na. Ngayon pa lang maghahanap na ako ng bagong daddy ng mga bata." Ngunit napahinto ako sa pag-iyak dahil nakita kong parang gumalaw ang daliri niya. Tinitigan ko ito, hinintay na gumalaw ulit pero hindi na nangyari. Namamalik mata lang ata ako hanggang sa muli na naman akong umiyak. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko para magising siya. Pero kahit anong diskarte ang gagawin ko, in-emotional black mail ko na, kinonsenya, binantaan pero wala pa rin. Hindi pa rin ito nagigising. Para na akong baliw na kung ano-ano na lang ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko habang hawak ang kamay ni Hunter. Bakit ba kasi kailangang mangyari 'to? Bakit sakit pa sa puso? Dapat sakit lang sa tiyan! O di kaya yung mga mumurahing sakit lang at mas madaling pagalingin. "Hunter, ano ba! Gumising ka na kasi! Ipapabugbbog na talaga kita kay Kuya Derick! Hindi lang isang kuya ang bubugbo

  • Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky   Chapter 59

    I'm hypocrite if I would say that I'm not affected. Dahil sa totoo lang sobrang apektado ako na hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Galit ako kay Hunter pero hindi ko maipagkailang nag-aalala ako sa kanya. Hindi dahil sa ama siya ng mga anak ko kundi yun talaga ang nararamdaman ko. Hindi maawat ang mga luha ko sa pag-uunahan sa aking pisngi. I feel guilty being hard to him. I should have listened to him even if I'm mad. Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin, hindi naman siya masamang tao diba? Kanina pa ako umiiyak. Hindi mapigil ang mga luha ko habang nasa byahe kami papuntang ospital. Sinama ko na ang mga bata dahil pati ang mga ito ay nag-iiyakan na rin. I didn't tell kids about what happened but it's so obvious that they know that I am crying because of their father. Kahit na labis ang sakit na pinaranas sa akin noon ni Hunter masakit pa rin sa akin na dumating kami sa ganitong sitwasyon. Hindi niya dapat pinarusahan ang sarili niya. Hindi sana umabot sa ganito. Pa

DMCA.com Protection Status