“Let’s go.”
Umawang ang labi ko nang sa isang iglap hawak na ng lalaki ang kamay ko. Hindi ako nakagalaw agad. Parang napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kamay kong hawak niya."Where are you going Hunter Cole? I didn't do anything to the kid."Wala naman talagang ginawa si Senyorito Gustavo sa akin pero galit siyang tiningnan ni Hunter na parang may kasalanan itong ginawa. Sinubukan ko pang kunin ang kamay ko sa kanya pero humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko. Ayaw akong bitawan. Tinapunan niya pa ako ng tingin na may halong pagbabanta.Ba't siya nagagalit?"Hunter Cole." Ulit ni Sneyorito Gustavo pero hindi niya na ito nilingon."Sir—" Tawag ko sana sa kanya pero mabilis niya akong pinutol."I said, let's go." Ang kulay asul niyang mga mata ay matalim ang tinging pinukol sa akin."Saan po?"Hindi niya ako sinagot. Sa halip hinila niya ako palapit sa kanya. Kung makahila siya sa akin akala mo talaga may gustong umagaw sa akin mula sa kanya.Pagkatapos, inutusan niya ang mga gwardya na ilagay sa bag ko ang mga gamit kong nagkalat sa semento. Dali-dali namang sumunod sina Manong.Kukunin ko sana ang bag mula kay Manong pero bago ko pa ito makuha hawak na ito ni Hunter gamit ang bakanteng kamay niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Senyorito Gustavo kaya nabaling ang tingin ko dito pero lalo lang akong natulala ng masungit siyang tinapunan ng tingin ni Hunter."What's wrong with you, kiddo? I said, I didn't do anything. " Natatawang sabi ni Senyorito Gustavo sa kanya pero hindi niya na ito pinansin. Sa halip binaling nya ang tingin sa akin at walang paalam na hinila ako papunta sa sasakyan niya. Naguguluhan man walang akong reklamong nagpahila ng kamay sa kanya."Take care of the kid, Hunter Cole!" Pahabol ni Senyorito Gustavo. Nahihiya naman akong lumingon at maliit na kumaway sa kanya. Na sana pala ay hindi ko ginawa dahil paglingon ko kay Hunter lalo lang nagkasalubong ang mga kilay nito."Saan niyo po ako dadalhin, Sir?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at masungit akong inutusan."Get inside."Uy! Parang eksena sa pocketbooks ah! Kung may 'stop the car', meron ding 'get inside'.Pero dalawang salita lang napasunod niya ako. Walang pagdadalawang isip akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Siguro dala na rin ng takot ko na nawala ko ang card niya.Pagkapasok ko sa loob, sinara niya ito bago ito umikot sa kabilang bahagi para magmaneho. Lahat ng galaw niya kalkulado."Sir—" Pero agad akong natameme nang sinulyapan niya ako, nakasimangot pa rin.Nakakatakot naman ang lalaking ito. Nagagalit ng hindi ko alam ang dahilan. Baka maya niyan bigla na lang ako nitong sakalin. Parang gusto ko na tuloy bawiin na crush ko ito.Walang salitang may inabot ito sa bandang uluhan ko. Nanigas ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Naamoy ko pa ang panlalaking pabango niya. Parang nanunuot ito sa ilong ko sa sobrang bango. Hindi ko alam pero bigla akong napapikit.Matagal. Akala ko may gagawin siya sa akin pero nagulat na lang ako ng biglang may pumitik. Yun pala ay ang seat belt. Pagdilat ko nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya. Akala ko kung ano na. Seatbelt pala yung inabot niya sa uluhan ko. Medyo assuming ako sa part na yun. Akala ko kukinin niya na ang first kiss ko, yun pala seatbelt lang. Kakabasa ko ito ng pocket books.First time ko kasi naka experience ng ganito. First time ko rin nakasakay sa private na sasakyan at sa harapan pa. And take note si Hunter pa talaga ang nagmamaneho. Kaso nga lang wala man lang ka sweet sweet sa katawan. Apaka sungit pa.Sabagay bakit naman siya magiging sweet? May kasalanan pa nga ako.Kung sa ibang pagkakataon siguro ito magbubunyi na ako. Kaso mali ang timing eh. Ngayon kasi mas nanaig yung takot ko sa magiging reaksyon niya. Baka after nito pulis na ang magsusundo sa akin sa labas ng gate nila. Baka kulungan ang bagsak ko.Ang daming tanong agad ang pumasok sa utak ko.Kung may kumuha ng card sa bag ko, magagamit niya ba yun? Hindi ba hahanapan ng pin? Swipe lang ba agad?Medyo malayo na ang tinakbo ng sasakyan niya pero hindi pa rin ito nagsasalita. Sinulyapan ko siya. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada pero mukhang galit ito dahil pansin ko ang paggalaw ng panga niya. Mahigpit din ang hawak niya sa manibela.Mukhang wrong timing pa ata ang pagpunta ko at mainit ang ulo niya. Paano ko ngayon sasabihin sa kanya na nawala ko ang card niya?Hindi ko tuloy alam kung paano ko sisimulan."Sir?" Mahina kong tawag sa kanya pero masungit niya lang akong sinulyapan." May s-sasabihin-""Later." Putol niya sa akin.Madamot na nga sa ngiti, pati ba naman sa salita?Ganunpaman sinunod ko ang sinabi niya. Tumahimik na lang din ako at binaling ang tingin sa labas ng bintana.Ngayon lang ako nakapasok dito sa hacienda ng mga Sandoval. Ang ganda pala. Ang lawak. Puro green ang paligid.Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero base sa dinadaanan namin nasa bandang manggahan nila kami. Nakahilera yung mga mangga, parang yung sa farm ville, ang ganda tingnan.Sa gitnang bahagi ng mangghan nakita kong may tatlong lalaking n*******d habang nakasakay sa ibabaw na kabayo. Tig-iisa silang kabayo at mukhang nagpapaligsahan. Nagtatawanan pa ang mga ito.Wow! Ang galing! Parang yung nababasa ko sa mga pocketbooks na mga magkakapatid na haciendero. Akala ko sa hanggang imagination ko lang ito pero ngayon nandito sa harapan ko, totoo.Napangiti ako nang makitang kong nangunguna na yung may-ari ng kabayong kulay itim. "Ang galing!" Sabi ko sa isip ko pero lumabas pala sa aking bibig.Agad namang nabura ang ngiti ko nang marinig ko ang pagtikhim niya. Nalipat ang tingin ko sa kanya na mukhang hindi ata nagustuhan ang pagngiti ko. Sa pagkakataong ito lalo nang nagkasalubong ang mga kilay niya."Why are you smiling? "Marahas akong lumunok para mawala ang bara sa lalamunan ko. Pati ba pagngiti bawal din 'pag kasama siya?Hindi ako sumagot pero dama ko ang pag-iinit ng aking pinsgi. Alam kong nahuli niya akong nakatingin doon sa mga lalaking n*******d habang nakasakay sa ibabaw ng kabayo. Ang masaklap ay nahuli niya pa akong nakangiti.Tinaasan niya ako ng isang kilay at nilipat ang tingin dun sa mga lalaking nagpapaligsahan. Pagkatapos nakita ko ang pag-igting ng panga niya nang binalik niya ang tingin sa akin.Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya pero palayo na ang tatlo. Hindi nagtagal hininto niya ang sasakyan.Nakakabingin katahimikan ang namagitan sa amin.Ang boring niyang kasama. Bilang lang kung magsalita."Speak."Pati ang paraan ng pagsasalita niya ay masungit pa rin. Mababa lang pero puno ng otoridad.Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan at bago ako nagsalita."May kasalanan ako sayo Senyorito. Nawala ko po ang card niyo." Diretso kong sabi. Ayoko nang magpaligoy ligoy pa dahil doon lang din naman ang punta."Hinanda ko na ang sarili ko na mabulyawan niya pero hindi ito nagsalita. Nanatali lang na masungit ang tingin nito sa akin. Hindi na talaga nawala ang pagkakunot ng noo niya.Hinihintay ko na magkomento siya pero mukhang hindi yun mangyayari kaya tinodo ko na ang gusto kong sabihin. Bahala na si batman."Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero bago ako umalis ng bahay, nilagay ko po yung card niyo sa bag ko kasi balak ko po talagang isauli sa inyo ngayon. Hindi ko rin naman kasi yun magagamit at hindi ko rin alam paano gamitin."Wala pa rin itong reaksyon nakatingin lang sa akin."Kung alam ko lang na may kukuha nun sa bag ko sana pala hindi ko na lang dinala. Sana pala iniwan ko na lang sa bahay. Hindi ko naman kasi alam na may magnanakaw sa loob ng classroon namin. Pero tinago ko naman po yung card niyo. Nilagay ko po sa secret pocket sa loob ng bag ko."Still no reaction mula sa kanya."Ngayon ko lang din nalaman Senyorito na nawala ko ang card mo. Nung nandito na ako sa hacienda niyo. Yung nakita mo kanina kasama ko si Senyorito Gustavo, yun ay dahil tinatanong niya ako kung anong nawala sa akin. Hindi ko nasabi sa kanya na nawala ko ang card mo at baka pati siya magalit sa akin. Pero maniwala po kayo Senyorito, hindi ko po sinasadyang iwala ang card niyo."Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng isang kulay niya na tila ba hindi ito naniniwala sa sinabi ko."Maniwala po kayo sa akin. Hindi ko po talaga sinasadya. Pero bukas ere-report ko po sa school na nawalan ako ng gamit."Pero natigil ako, kung magre-report ako na nawala ang card niya siguradong tatanungin ako kung bakit nasa akin ang card na hindi ko naman pagmamay-ari.Pagtingin ko ulit sa kanya parang may nakapaskil na question mark sa noo niya. At tila ba sinasabi nitong ipatuloy ko ang aking sasabihin."Bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang bumalik doon sa amin? Tingnan mo tuloy ngayon problema ko pa. Kung sana inutusan mo nalang si Kuya Buboy na kunin ang card mo doon sa amin hindi ako mamo-morblema ngayon ng ganito. Maypa let her come ka pa kasing nalalaman."Tama bang bigla akong kumambyo? Hindi pwedeng ako lang ang mastress dito.Angasan mo Sky! Wag kang papasindak sa kanya.Tama! Bakit ba ako matatakot sa ungas na 'to. Oo crush ko siya pero hindi niya ako pwedeng ganitohin na lang. Anong akala niya sa akin?Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng ako lang ang may kasalanan dito dahil una pa lang kung di niya ito iniwan sa akin hindi ko ito mawawala. Diba, tama naman ako?Pagtingin ko sa kanya hindi na ito nakasimangot pero mukhang gusto namang matawa."Alam mo Senyorito sa totoo lang naiinis ako sayo. Ikaw na nga ang may utang sa akin ako pa ang inaabala mo. Kung sana hindi mo iniwan yung card mo hindi ko ito nawala. Alam mong magpapa-load ka diba? Bakit di ka nagdala ng cash?""Hindi mo ba alam na dito sa probinsya walang machine para sa card-card na yan ang mga maliliit na tindahan gaya ng sa amin? Ano sa palagay mo, tao po pabiling mantika, yung tig lilima, itong bayad ko kunin mo na lang sa card ganern? Walang ganyan dito, Senyorito. Cash ang tinatanggap namin. Barya o papel. Ngayon sabihin mo sa akin anong gagawin ko sa nawawalang card mo? Ikaw na nga ang may utang sa akin ako pa ang naperwisyo mo!"I was expecting for him to apologize but to my surprise mukhang siya pa ang galit sa akin.—————————————————-04-24-2024" "What?!” Kunot ang noong tanong nito sa akin. Wow! Sa dinami dami ng salitang lumabas sa bibig ko 'no' lang ang isasagot niya sa akin? Wag niyang sabihing di niya ako naiinitindihan? Masasapak ko na talaga ang ungas na 'to. "I don't get you." Lintek mapapalabang pa ako nito ng ingles. Translate ko ba lahat ng sinabi ko from the start o wag na lang? Wag na nga lang! Mas mahihirapan lang ako. "How much I'm gonna pay you for the trouble? Tell me." O diba kung maka 'tell me' ako akala mo may ari ng kabilang hacienda. May mababasag talagang alkansya nito 'pag nagkataon. Hinihintay ko ang sagot niya pero nagpakawala lang ito ng malakas na buntong hininga bago nagsalita. "Explain to me." Ah lintek mas gusto pa ata akong pahirapan eh. "Ang dami ng sinabi ko kanina, ang hirap e translate sa ingles." Nagkasalubong ang kilay niya."Talk slowly." "I said, I lost your card and I don't know how it happened. The last time I checked it was inside my bag but when I came here it wasn'
"You're not my type, Kid." He said like he really meant it. Woah! Sobrang straight forward naman! Ang sakit nun ah. First time ko pa lang mag-confess rejected na agad? Wala man lang pasakalye ang pagbasted niya sa akin. Hindi man lang dumaan sa let me think about it, diretso you're not my type agad? Para namang hindi ako nakakaakit sa lagay na 'to. Maliit lang akong babae pero maganda ang shape ng katawan ko, maganda ang shape ng mukha ko, makinis ang balat ko. And take note, hindi sa nagpi-feeling maganda ako pero marami ding nagagandahan sa akin. Marami ding gustong manligaw sa akin pero hindi lang ako pumayag. Kinulang lang talaga ako sa height pero attractive naman ako. And speaking of attractive, sinadya ko talagang magsuot ng damit na maa-attract siya. Pangmalakasan purple ako for todays vidyow. Pati mga hair clips na gamit ko purple din. Barney da ube ang peg ko ngayong araw. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Lotlot sa akin na magsuot ng puti, hindi ako nagagandahan sa sarili
Saglit akong natigilan. Huminga muna ako ng malalim para maka-recover. Hindi naman ibig sabihin nun na titigil na ako. Pwede pa rin naman sigurong sumubok kahit ayaw niya. Tiningnan ko siya sa mga mata pero wala akong mabasang reaskyon doon. Kukulitin ko pa sana ito ulit pero natigil ako nang may kumatok sa bintana sa bandang likuran ko. Paglingon ko kung sinong ang nandun, nakita ko ang lalaking kamukha niya. Isa sa mga lalaking nakasakay sa kabayo kanina. "Fuck! What is he doing here?" Narinig kong mura ni Hunter at ang pagtunog ng lock ng pintuan. Kung masungit tingnan ang mukha ni Hunter mas masungit pa tingnan itong lalaking nasa labas Mas mukhang pormal at strikto din ito. May suot na itong puting t-shirt ngayon pero bakat ang katawan dahil basa ng pawis. Tiningnan ko kung saan banda ang pipindutin sa sasakyan niya pero bago pa man ako makagawa ng kilos binalaan na ako ni Hunter. "Don't open." Hindi rin naman alam kung paano ito buksan. Iba kasi ang button ng sasaky
Naiwan akong mag-isa sa kalsada, mabuti na lang at hindi na ganun kalayo ang lalakarin ko papunta sa main gate. Paglingon ko sa sasakyan niya, nasa malayo na ito pero nakahinto na. Hunter - 1 point Sky- Zero Bakit kaya siya huminto? Akala ko ba aalis na siya? Naghintay ako saglit, baka magbago ang isip niya at balikan ako. Ngunit ilang minuto na akong nakatayo doon pero hindi ito bumalik. "Ikaw kasi ang tigas ng ulo mo!" Paggalit ko sa aking sarili. Pagkapos malungkot akong ngumiti kahit alam kong hindi niya naman makikita. Sige lang. Okay lang. Ganun lang talaga siguro siya. Hayaan na lang natin. Baka hindi lang siya sanay sa ganung klaseng biro. Kasalanan ko rin naman, nag-feeling close agad ako. I crossed the line, nasobraan ang pagiging maligalig ko. "I'm sorry Senyorito." Mahina kong sabi. "Thank you din po sa bayad." Kahit malayo siya kumaway pa rin ako sa kanya para magpaalam. Parang tanga lang. Pagkatapos tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. "Hindi pwedeng
Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Si Paul na nakapansin din ay buti hindi umalma. Nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho ng kalmado at nanatili sa lane niya. Mabuti na lang din malapit na kami ni Paul sa bahay. Pagkarating namin sa tapat ng tindahan agad akong bumaba. Hindi ako lumingon sa sasakyan ni Hunter pero kita kong huminto ito sa bandang unahan. "Bayad ko, Paul." Sabi ko sabay abot ng isang daang peso. "Kahit hindi ito namamasahero nakakahiya pa rin sa pang-aabala ko sa kanya. "Special mo na Paul kasi ako lang naman mag-isa." Fifty ang bayad kapag special. Twenty five naman kung hindi. Kampante na ako dahil nandito na kami sa harap ng bahay. Siguro mahihiya naman na si Hunter na awayin pa ako pati dito.Tsaka wala akong kasalanan sa kanya dahil siya naman ang nagpababa sa akin sa sasakyan niya. "Wag na, Sky para ka namang others." Nakangiting tanggi ni Paul. Hindi niya tinanggap ang pamasahe ko pero syempre nag-insist ako. "Sige na, ano ka ba! Sige ka 'pag di mo 'to ti
"Sky naman eh, bakit ganyan na naman ang color combination mo?" Napatingin ako sa salamin para pasadahan ulit ang suot kong damit. Bloody red skirt paired with bright yellow ruffled blouse and blue doll shoes. Hapit sa balakang ko ang skirt tapos ang blouse naman ay humuhulma sa hubog na aking katawan. Pupunta akong presinto ngayon. Wala sana akong balak eh kaso nagmessage sa akin si Hunter kagabi. Take note, siya ang nagmessage sa akin. Wala namang masyadong sinabi pero halos hindi ako makatulog.Nagtext lang para ipa remind sa akin na magkikita kami alas nwebe ngayong umaga. "Tsaka anong doll shoes yan Sky, bakit blue? Nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin? Parang kang bandila ng Pilipinas na naglalakad. Kulang na lang maglagay ka ng star dyan sa pagmumukha mo. Magpalit ka nga!" Napanguso na ako na ako kay Lotlot na mukhang namo-mroblema sa suot ko. Wala namang mali sa damit ko. Ang ganda ko nga tingnan eh. Ang ganda nung pagkatingkad ng kulay nila, mas nae-emphasize ang kul
"You're coming with me Harriet, period." Hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi pa.. Pagkatapos nagpaalam na kami kay Lola. Dinala ko na lang ang suman na agahan ko. Nagsimula na itong magmaneho nang makaramdamn ako ng gutom. Tiningnan ko ito, diretso lang ang tinign niya sa kalsada. Kahit sa pagmamaneho hindi man lang nagbago ang expression ng mukha nito, masungit pa rin. "Kain ako ha? Di pa ako nag-agahan." Pinakita ko sa kanya ang puto maya. Sinulyapan niya ako pero hindi ito sumagot. "Masarap sana 'to kung may mainit na sikwate eh kaso nagmamadali na tayo. Kain tayo susubuan kita." Binuksan ko ang puto maya at kumagat. " Ang sarap, the best talaga itong puto maya ni Lola Valeria." Humarap ako sa kanya at nilapit sa bibig niya ang puto maya. " Kumagat ka." Offer ko pero tiningnan niya lang ako. Walang balak na kagatin ako...I mean, kumagat sa puto maya ko. "Sayang di ako nakadala ng kiki—' pero di ko tinuloy ang gusto kong sabihin dahil lalong nagkasalubong a
"Aamin din naman pala papahirapan pa ako." Inis kong bulong habang papalabas na kami ng presento. Inamin na ng tatlo na sila talaga ang kumuha ng card ni Hunter sa bag ko. Aamin din pala pinatagal pa.Hindi na ako nagsampa ng reklamo. Una ayoko ng stress pangalawa magastos at wala akong pambayad. Hindi ko alam kay Hunter kung magsasampa ba siya. Kinuasap niya lang abugado niya kanina bgao kami umalis at ito na ang nakipag-usap doon sa loob. Nakalabas na kami pero si Hunter ay tahimik lang. Sinabihan ko na itong ako na ang bahala sa sarili ko pero sabi niya ihahatid nya daw ako. Hunter is a cold gentleman I must say. He is so reserve yet I can feel that deep inside he is gentle and sweet. Parang facade niya lang yung pagiging masungit niya. "Why are you quiet? Anything wrong?" Tanong niya agad nang makapasok kami sa loob ng sasakyan niya. Nagulat pa ako nang inabot niya ang noo ko gamit ang likod ng palad niya. "Nabigla lang ata ang utak ko Bebeluvs pero choks lang, keri ko 'to."
Ito ang last part ng epilogue ng ating pinaka bunsong Blue Eyed Maligno.Sana may napulot kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. Maraming salamat sa suporta ninyong lahat.See you in my next story, Avangers!Life is short always choose to be happy!Labyu! Amping mong tanan! :)_________________________I'll do everything to win Harriet back. That I promised. "Why didn't you tell me?" Para akong batang nanghihinang umupo sa gitna ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanim ng sama ng loob kay Thunder na hindi niya sinabi sa akin kung nasaan si Harriet o hindi. I mean, not directly na hindi niya pinaalam sa akin kasi madalas ko naman silang naririnig ng mga kapatid ko na nag-uusap tungkol kay Harriet. Pero hindi na ako naniniwala dahil palagi na lang kasi nila akong niloloko. "You're so slow, until now hindi mo pa rin alam na para kay Sky ang mga ginagawa mo?" Kuya Ford said laughing. Mukhang tuwang-tuwa pa ito na naisahan nila ako. "Haayyy kalooy man sa ba
Ginawa ko ang sana ay matagal ko nang ginawa, ang magtrabaho bilang professor sa university kung saan pumapasok si Harriet. I am now Harriet's professor and through this way hindi na siya makakatakas sa akin. Hindi siya pwedeng mapunta sa iba. I waited for her for five years, I respected Lola Val's request but I can't let her slipped away this time. Until now I am still smiling every time I remember the first day she saw me in their class. My Baby is so cute. She still didn't change. The way she dress, she talks, she acts, she's still the same Harriet I knew before. Masayahin at palakaibigan pa rin ito. Almost all her classmates are her friends. And when I say all, that includes the boys at doon ako naiirita. Dahil mabuti sana kung nakikipagkaibigan lang sa kanya, yung iba nalaman kong pinopormahan din pala siya. "You are crazy you know that?" I looked at my brother who is staring at me as I prepared all the materials needed for my class. "Will you just support me? I'm not the o
"I thought you don't want to go out today why are you dressed up like that?"I looked at my twin who's here in my room now annoying me again. Katatapos ko lang magbihis dahil lalabas ako ngayon. Pero hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta dahil alam kong pagchi-chismisan na naman nila ako ng iba ko pang mga kuya. Lalo na si Kuya Ford na sobrang chismoso. Gusto atang masagap lahat ng balita tungkol sa aming mga kapatid niya. Ang nakakainis pa kapag may nabalitaan ito pino-post sa gc. Hindi na lang sarilinin, gusto pa talaga magpabida. Ang now I noticed that Thunder is becoming like him too. Kunwari lang ito walang pakialam pero ang totoo he is lowkey chismoso too. "Where are you going?" O diba kasasabi ko lang. "Wala! Dito sa lang sa hacienda. I just want to have a breath of fresh air and away from you."Malakas itong tumawa dahil sa sinabi ko. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuhan ko pagkatapos nanunukso itong tumingin sa akin. "Oh, I know. You are going somewhere. I knew it
"Don't play with grandpa, if you get caught he will disown you."I looked at my twin brother frowning kasi totoo ang sinabi niya. Kung bakit kasi hindi na lang siya ang magma-manage ng business na gustong ipamana sa amin ng lolo namin? Siya ang mas matanda sa aming dalawa ah."I'm not playing." I said with creased forehead but he just shrugged his shoulder like he already knew what I was thinking."What?" I scoffed, getting more annoyed. "You are my twin Hunter Cole. I know what's running in your head that's why I am warning you. "Warning you. As if naman may maitutulong ang warning niya sa problema ko ngayon. Si Lolo kasi pinapahirapan pa ako. I don't know where did he get that idea that a CEO should be married. Is that a kind of practice to make sure that CEO is leading a company better? Like, what's his basis?I don't know what he is up to. Does he want to have grand children? Or he just want me to settle down.This marriage thing is the reason why my grandfather is giving me a h
Once again, another story has reached an end. This is the sixth installment of my Sandoval Series. 5/7 completed.Thank you so much AVAngers for being with me in Sky and Hunter's journey! Salamat sa iyakan at tawanan, sa mga tampuhan at walang sawang pagsuporta nyo sa akin.Thank you for the votes, comments and for sharing my stories. Most of all, thank you for being patient with me and for not leaving me wherever I go. I wouldn't reach this far if not all because of you and I will be forever grateful for that.Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana may nakuha kayong aral sa pagmamahalan nina Hunter at Sky. See you in my next story..Another series will be posted soon.Labyu all mga Langga! Amping mong tanan sa kanunay. Life is short always choose to be happy. God Bless us all!_____________________________Pagkapasok pa lang nami ni Hunter sa mansion ng mga Sandoval, bumungad agad sa amin ang isang napaka gandang tanawin. Si Senyor Gideon at
"Siraulo ka kasing gago ka! Kung sana sinabi mo na lang kaagad hindi yung nagda-drama ka pa! Ngayon anong gagawim mo hinamatay yan si Sky! Malilintikan ka talaga kay Derick siraulo ka!"Nagising ako dahil sa mahihinang bulungan ng mga tao sa paligid. Unti-unti kong dinilat ang mga mata at agad bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng mga anak ko. "Mummy, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Chase. Maliit akong tumango at inilibot ang tingin sa paligid. Nandito sa silid ibang mga kapatid ni Hunter pero ang mga Kuya Brutes ko ay wala. Nadako ang mga mata ko pinaka sulok dahil sa dalawang taong nagbabangayan doon, si Kuya Calyx at RN. Na agad din lumapit sa akin nang mapansing gising na ako. Pero teka bakit nga ba ako nawalan ng malay? Oh shit!Muling binundol ng kaba ang aking dibdib nang maalala kung bakit ako hinimatay. Si Hunter. "Si Hunter. N-nasaan si Hunter?" Kinakabahan kong tanong. Nagsimula na akong magpanic. Pakiramdam ko nanginginig angaking kalamnan at naninikip
"I am Thunder and Hunter's grandfather." An old man entered the room and introduce himself to me. Nandito ako ngayon sa isang silid naghihintay ng update. Ang mga bata ay naka'y Kuya Derick. Pinasama ko muna sa kanya para malibang saglit. Kanina pa kasi nag-iiyakan ang dalawa lalo na si Cyrene. After nitong tawagin ang Daddy niya hindi na ito muling nagsalita pa. Tahimik lang itong umiiyak. Hindi pa ri nagigising si Hunter. Pero kanina nung kinausap siya ng kambal gumalaw ang daliri niya. Saglit lang din. Kaso nagbeep ang monitor niya kaya pinalabas muna kami ng mga doktor. Kanina pa ako naghihintay ng update mula sa mga doktor niya. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Binalik ko ang tingin sa matanda. Malamlam ang mga nitong nakatingin sa akin. Tumayo ako para magbigay galang sa kanya. Pagkatapos tinuro ko ang bakanteng upuan na nasa tapat ko. Umupo ito doon."It's been so long that I wanted to meet you. I am Benjamin Wintle."Benjamin Wintle. His name is familiar. Oh, right. Si
"Ayaw mo talaga? O sige bahala ka! Yung chance na hinihingi mo sa akin, binabawi ko na. Ngayon pa lang maghahanap na ako ng bagong daddy ng mga bata." Ngunit napahinto ako sa pag-iyak dahil nakita kong parang gumalaw ang daliri niya. Tinitigan ko ito, hinintay na gumalaw ulit pero hindi na nangyari. Namamalik mata lang ata ako hanggang sa muli na naman akong umiyak. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko para magising siya. Pero kahit anong diskarte ang gagawin ko, in-emotional black mail ko na, kinonsenya, binantaan pero wala pa rin. Hindi pa rin ito nagigising. Para na akong baliw na kung ano-ano na lang ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko habang hawak ang kamay ni Hunter. Bakit ba kasi kailangang mangyari 'to? Bakit sakit pa sa puso? Dapat sakit lang sa tiyan! O di kaya yung mga mumurahing sakit lang at mas madaling pagalingin. "Hunter, ano ba! Gumising ka na kasi! Ipapabugbbog na talaga kita kay Kuya Derick! Hindi lang isang kuya ang bubugbo
I'm hypocrite if I would say that I'm not affected. Dahil sa totoo lang sobrang apektado ako na hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Galit ako kay Hunter pero hindi ko maipagkailang nag-aalala ako sa kanya. Hindi dahil sa ama siya ng mga anak ko kundi yun talaga ang nararamdaman ko. Hindi maawat ang mga luha ko sa pag-uunahan sa aking pisngi. I feel guilty being hard to him. I should have listened to him even if I'm mad. Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin, hindi naman siya masamang tao diba? Kanina pa ako umiiyak. Hindi mapigil ang mga luha ko habang nasa byahe kami papuntang ospital. Sinama ko na ang mga bata dahil pati ang mga ito ay nag-iiyakan na rin. I didn't tell kids about what happened but it's so obvious that they know that I am crying because of their father. Kahit na labis ang sakit na pinaranas sa akin noon ni Hunter masakit pa rin sa akin na dumating kami sa ganitong sitwasyon. Hindi niya dapat pinarusahan ang sarili niya. Hindi sana umabot sa ganito. Pa