HINDI mapakali si Dolores nang gabing iyon.Hanggang ngayon kasi ay naiisip pa rin niya si Erik. At parang eksena sa pelikulang paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang nakita niya kanina.Oo, kitang-kita ng dalawang mata niya kung papaano hinalikan ni Erik sa mga labi si Mia. Patunay lamang na mayroon ngang namamagitan sa dalawa. At iyon ay hindi lamang simpleng relasyon ng isang amo sa kanyang empleyado.“Ano bang nangyayari sa iyo at bakit parang kanina ka pa hindi mapakali?”Nasa tono ng pananalita ng asawa niyang si Nestor ang pagkainis.Kanina pa kasi sila nakahiga. At dahilo nga panay baling niya sa higaan ay nauuga ang kutson. Dahilan kaya naaabala ang pagtulog nito.Clerk sa munisipyo si Nestor. Wala silang anak kaya naman masasabi niya hindi sila nagigipit sa buhay. At ang bagay na iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nahirapang tingnan si Erik bilang hindi na iba para sa kanya.Sa puntong iyon ay mabilis na nagbalik sa kanyang gunit ang tagpo nang una nilang pagkik
“ANO bang pinoproblema mo? Ano namang masama kung pakasalan ni Erik ang dalagang iyon?”Habang kumakain sila ng agahan ay iyon ang naging pagtugon ni Fidel sa lahat ng sentimiyentong ibinubulalas ni Aurora.“Ano ka ba naman, Fidel? Hindi mo ba naman makuha kung ano ang ibig kong sabihin? Nakinig ka ba sa lahat ng ikinuwento ko sa iyo o kailangan kong ulitin ang lahat para maunawaan mo ako?” nasa tono ni Aurora ang matinding iritasyon na kanyang naramdaman para sa asawa.Noon dinampot ng asawa niya ang tasa ng kape nito at pagkatapos ay humigop muna bago nagsalita. “Narinig ko ang lahat ng sinabi mo. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit kailangan pa nating umuwi roon para lang pigilan ang planong pagpapakasal ng anak natin?”Tila ba nahahapong napailing na lamang si Aurora sa narinig niyang sinabing iyon ng kanyang kabiyak.“Sa tingin mo ba magiging maganda sa paningin ni Papa na makasal ang anak natin sa isang katulad ni Mia?” ang nagpapaunawa niyang tanong kay Fidel.Nakita niya
“MASARAP ka palang magluto, hija.”Iyon ang nakangiting komento ni Fidel sa nilutong Sinigang na Bangus ni Mia nang gabing kumakain silang apat ng hapunan.Nahihiyang ngumiti si Mia at saka pinilit na magsalita kahit kung tutuusin ay hindi naging madaling gawin iyon para sa kanya. At iyon ay gawa ng labis na discomfort na nararamdaman niya nang mga sandalling iyon mismo.“S-Salamat po,” ang nahihiya pang sagot ni Mia saka nagyuko ng ulo.Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lamang katindi ang kabang nararamdaman niya. Although, normal lang naman siguro iyon dahil ang kaharap niya nga ay ang mga magulang ng lalaking mapapangasawa niya.Ang totoo naiilang kasi siya sa labis na pananahimik ng ina ni Erik na si Aurora. Hindi niya alam kung dahil ba naninibago lang siya. Matagal na panahon rin naman na talaga mula nang huli niyang makita ang ginang. Kaya iniisip niyang baka iyon lang ang dahilan. Pero may bahagi ng isipan niya ang nagsasabing may iba pang rason kung bakit ganoon ang n
“O-OHHHH, diyos ko, Erik, hindi ka na yata mauubusan ng bago na pwede mong ipakita at gawin sa akin,” iyon ang pabulong na nasambit ni Mia habang naliligayahan sa ginagawang paglantak ng binata sa hiyas na nasa pagitan ng kanyang mga hita.Kaiba sa sinabi ni Erik at sa inasahan ni Mia. Walang nangyari sa kanilang dalawa kanina habang magkasabay silang naliligo ng binata. Sa halip ay pinaliguan siya nito na totoong nagustuhan naman niya.Hindi niya tiyak kung ginawa iyon ni Erik dahil gusto nitong tipirin ang lakas niya. Pero totoong nakatulong iyon. Dahil ngayon habang kasalukuyang isinasakatuparan ng binata ang plano nitong angkinin siya sa may tokador.Gaya ng madalas mangyari, muling ipinakita sa kanya ni Erik kung gaano kalalim ang konsentrasyon nito sa ginagawa. Kaya naman ang kaligayahang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay sapat na upang manahimik at namnamin na lamang ang kaluwalhatiang kaniyang tinatamasa.“Mmmmnnnn…” daing ni Mia saka kinagat ang pang-ibabang labi.
LITERAL na tila ba huminto sa pag-ikot ang mundo ni Mia dahil sa nangyari. Matinding ragasa ng kaligayahan ang walang humpay at paulit na gumuhit sa katawan niya. At iyon ang nagbigay ng dahilan sa kanya para mariing ipikit ang kanyang mga mata kasabay ng paglasap sa masarap na pananalakay na ginagawa ni Erik sa kanya.Hindi pinakawalan ng nobyo niya ang kanyang mga labi. Nanatili nitong angkin ang mga iyon habang hinahambalos nito ng tila ba walang katapusan at malalaking alin ang talunan niyang dalampasigan.Si Mia katulad ng dati ay walang kahit anong pagtutol na tinanggap ang lahat ng iyon. Ang totoo kasi, kahit ilang beses pa siyang salakayin ni Erik ay hindi siya tatanggi. Hindi na rin naman niya kailangang sabihin pa kung ano ang dahilan niya tungkol doon.“Are you okay?”Sa pagitan ng magkakasunod at mararahas nitong paghinga ay iyon ang itinanong sa kanya ng binata.Nakangiting tumango si Mia. At kasabay ng isang buo at malalim na pananalasa mula kay Erik ay awtomatiko niyan
MAAGANG nagising si Mia kinabukasan. Kung tutuusin ay ganoon naman siya talaga. Maaga kung magising dahil gusto niyang matapos kaagad sa kanyang mga gawain.Pero para sa araw na iyon ay mayroon siyang espesyal na dahilan. Gusto niyang ipaghanda ng masarap na agahan ang mga magulang ni Erik.Tapos na niyang i-set ang mesa nang eksaktong lumabas ng kusina si Erik. Nakangiti ang mukha nitong lumapit sa kanya saka siya mahigpit na niyakap.“Bakit ang aga mo naman yatang nagising?” makahulugan ang tanong na iyon na naging dahilan ng matinding pag-iinit ng buo niyang mukha.“Maglilinis kasi ako sa kabilang bahay ngayong araw,” sagot niya na siya rin namang totoo.Hinalikan muna siya ni Erik sa noo bago siya pinakawalan. “Thank you sa effort mo, Mia. Siguradong magugustuhan nina nanay at tatay itong ginagawa mong almusal,” wika nitong sinuyod ng tingin ang mahabang mesa kung saan nakahain ang mga pagkaing pinaghirapan niyang lutuin.“Maliit na bagay ang mga iyon,” aniyang tinapik pa ng bahag
ABALA na si Mia noon sa pagpupunas ng mga muwebles nang marinig niya ang ingay na nilikha ng pagbubukas ng gate sa bakuran. Inisip niya agad na si Erik iyon at hindi nga siya nagkamali. Pero kahit ganoon pa man ay hindi pa rin niya napigilan ang magtaka dahil masyadong mabilis itong nakabalik kumpara sa kanyang inaasahan.“Bakit ang bilis mo naman? Parang wala pa yatang isang oras mula nung umalis ka?” ang nagtataka niyang tanong.Mataman lang siyang tinitigan ni Erik at pagkatapos ay umiling lang ito. “Tulungan na kita,” ang sa halip ay isinagot ng binata sa kanya.Hindi lang dahil sa ginawing iyon ni Erik nagkaroon ng ideya si Mia na hindi okay ang kanyang nobyo nang mga sandaling iyon. Ang totoo ay nararamdaman din naman kasi niya ang tungkol roon.Pero dahil may palagay siyang hindi pa ito handing magkwento sa kanya ay hindi na lamang siya nagtanong rito.Dahil nga maaga nang magsimula siyang maglinis, bago magpananghalian ay natapos na silang dalawa.“Bumalik na tayo sa bahay nin
MATINDING panibugho ang naramdaman ni Bernie na lumukob sa dibdib niya nang makita at makilala ang lalaking bumaba sa sasakyang tumigil sa harapan ng bahay ni Mia. Walang iba kundi si Erik.High school pa lamang sila ay hindi na niya gusto si Erik. Dahil bukod sa karibal niya ito sa honor roll ay mayroon din siyang hindi maipaliwanag at nararamdaman insecurity para rito. At ngayon ngang mayroon na siyang idea kung sino ang bagong lalaking kinakalantari ni Mia ay napag-alaman na rin niya kung para saan ang insecurity na mayroon siya noon para sa lalaki.“Hindi ako papayag na mapunta ka ng tuluyan sa lalaking iyan, Mia!” iyon ang nanggagalaiti niyang sambit saka sinulyapan ang malaking bahay na nasa kanyang harapan.Kulang ang salitang “matagal” upang mailarawan niya kung gaano ang paghihintay na ginawa niya para makuha lamang si Mia. Sa loob ng mahabang panahon na palagi niyang pag-aaligid sa tabi nito ay nabigo siyang makamit mula sa dalaga ang matamis nitong “oo”. Pero hindi pa rin s
“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
“BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.
“HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig
“E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy
“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
“NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa
“MINSAN naiisip ko, siguro kung hindi namatay si Nanay Rosita, o kaya kung may kapatid ako, baka hindi nangyayari sa akin ang ganoon. Kasi sure ako na may magtatanggol sa akin,” ani Mia nang matapos siya sa pagkukuwento. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay ay ang mabilis na naging epekto sa kanya ng lahat ng mga pangyayari. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pero sa kabila ng katotohanang gustong-gusto na nga niyang umiyak at pakawalan ang kanyang emosyon ay nagawa pa rin niyang magpigil. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa kanya. Noon niya nilingon ang binata saka mapait na nginitian. “Ampon lang ako, Kuya.” Sa kalaunan ay minabuti na rin niyang aminin sa binata ang totoo. Tutal nagawa na rin naman niyang isalaysay rito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. “Napulot lang ako, iyon ang totoo,” aniyang sinimulan na ngang isalaysay kay Nathaniel kung ano ang kwento ng buhay niya. Kung ano at sino ang natatandaan niyang unang umampon sa
“MABUTI na rin iyong naisip ni Erik na bumalik sa trabaho. Kahit pa kasi sabihin mong bonggang mayaman ang magiging bayaw namin eh kailangan pa rin niyang kumayod. Aba, sayang naman ang kita! Hindi ba Rosanna?” Iyon ang malakas na patutsada ni Dahlia nang araw na iyon. Dinalaw siya ng mga ito dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital.“Oo naman. Teka nga, Mia. Kumusta naman kayong dalawa ng magiging biyenan mo?” si Rosanna na sandaling inayunan ang tinuran ni Dahlia bago siya hinarap.Tinutulungan siya ng mga ito sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang Kare-Kare para sa pananghalian. Nagsabi kasi si Erik sa kanya na magha-half day lamang ngayon araw sa opisina at sa bahay na itutuloy ang iba pa nitong mga trabaho. Sa totoo lang hindi niya maunawaan ang binata kung bakit mula ng makalabas siya sa ospital ay labis na pag-aalaga na lamang ang ginagawa nito sa kanya. Parang gusto na nga rin niyang mag-isip kung minsan na alam na nito ang tungk
MALAYANG namalas ni Mia ang kahubaran ng lalaking pakakasalan niya habang isa-isang nitong inuubos alisin maging ang pinakamaliit na saplot nito sa katawan. Napakasarap pagmasdan ni Erik habang ginagawa nito ng ganoon. Habang siya, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay labis na pinagpapala. Dahil sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ng lalaking ito. Siya ang pinili nitong alukin ng kasal.Humaplos sa puso ni Mia ang naisip. Nang makita niyang kumilos na ang binata para halikan siya ay malaya at buong pagmamahal niyang sinalubong iyon. Tinugon niya ang mga halik ni Erik sa kanya sa paraang tila ba mas uhaw pa siya kaysa rito. At iyon na nga ang dahilan kaya tuluyan siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Ang muling ginawang banayad na paghipo ni Erik sa kanyang kasarian ang nagbigay daan sa paglalandas na naman ng isang pinong ungol sa lalamunan niya.Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Habang ang kamay ni Erik na nasa pagitan ng kanyang mga hita ay sinimulan siyang b