LITERAL na tila ba huminto sa pag-ikot ang mundo ni Mia dahil sa nangyari. Matinding ragasa ng kaligayahan ang walang humpay at paulit na gumuhit sa katawan niya. At iyon ang nagbigay ng dahilan sa kanya para mariing ipikit ang kanyang mga mata kasabay ng paglasap sa masarap na pananalakay na ginagawa ni Erik sa kanya.Hindi pinakawalan ng nobyo niya ang kanyang mga labi. Nanatili nitong angkin ang mga iyon habang hinahambalos nito ng tila ba walang katapusan at malalaking alin ang talunan niyang dalampasigan.Si Mia katulad ng dati ay walang kahit anong pagtutol na tinanggap ang lahat ng iyon. Ang totoo kasi, kahit ilang beses pa siyang salakayin ni Erik ay hindi siya tatanggi. Hindi na rin naman niya kailangang sabihin pa kung ano ang dahilan niya tungkol doon.“Are you okay?”Sa pagitan ng magkakasunod at mararahas nitong paghinga ay iyon ang itinanong sa kanya ng binata.Nakangiting tumango si Mia. At kasabay ng isang buo at malalim na pananalasa mula kay Erik ay awtomatiko niyan
MAAGANG nagising si Mia kinabukasan. Kung tutuusin ay ganoon naman siya talaga. Maaga kung magising dahil gusto niyang matapos kaagad sa kanyang mga gawain.Pero para sa araw na iyon ay mayroon siyang espesyal na dahilan. Gusto niyang ipaghanda ng masarap na agahan ang mga magulang ni Erik.Tapos na niyang i-set ang mesa nang eksaktong lumabas ng kusina si Erik. Nakangiti ang mukha nitong lumapit sa kanya saka siya mahigpit na niyakap.“Bakit ang aga mo naman yatang nagising?” makahulugan ang tanong na iyon na naging dahilan ng matinding pag-iinit ng buo niyang mukha.“Maglilinis kasi ako sa kabilang bahay ngayong araw,” sagot niya na siya rin namang totoo.Hinalikan muna siya ni Erik sa noo bago siya pinakawalan. “Thank you sa effort mo, Mia. Siguradong magugustuhan nina nanay at tatay itong ginagawa mong almusal,” wika nitong sinuyod ng tingin ang mahabang mesa kung saan nakahain ang mga pagkaing pinaghirapan niyang lutuin.“Maliit na bagay ang mga iyon,” aniyang tinapik pa ng bahag
ABALA na si Mia noon sa pagpupunas ng mga muwebles nang marinig niya ang ingay na nilikha ng pagbubukas ng gate sa bakuran. Inisip niya agad na si Erik iyon at hindi nga siya nagkamali. Pero kahit ganoon pa man ay hindi pa rin niya napigilan ang magtaka dahil masyadong mabilis itong nakabalik kumpara sa kanyang inaasahan.“Bakit ang bilis mo naman? Parang wala pa yatang isang oras mula nung umalis ka?” ang nagtataka niyang tanong.Mataman lang siyang tinitigan ni Erik at pagkatapos ay umiling lang ito. “Tulungan na kita,” ang sa halip ay isinagot ng binata sa kanya.Hindi lang dahil sa ginawing iyon ni Erik nagkaroon ng ideya si Mia na hindi okay ang kanyang nobyo nang mga sandaling iyon. Ang totoo ay nararamdaman din naman kasi niya ang tungkol roon.Pero dahil may palagay siyang hindi pa ito handing magkwento sa kanya ay hindi na lamang siya nagtanong rito.Dahil nga maaga nang magsimula siyang maglinis, bago magpananghalian ay natapos na silang dalawa.“Bumalik na tayo sa bahay nin
MATINDING panibugho ang naramdaman ni Bernie na lumukob sa dibdib niya nang makita at makilala ang lalaking bumaba sa sasakyang tumigil sa harapan ng bahay ni Mia. Walang iba kundi si Erik.High school pa lamang sila ay hindi na niya gusto si Erik. Dahil bukod sa karibal niya ito sa honor roll ay mayroon din siyang hindi maipaliwanag at nararamdaman insecurity para rito. At ngayon ngang mayroon na siyang idea kung sino ang bagong lalaking kinakalantari ni Mia ay napag-alaman na rin niya kung para saan ang insecurity na mayroon siya noon para sa lalaki.“Hindi ako papayag na mapunta ka ng tuluyan sa lalaking iyan, Mia!” iyon ang nanggagalaiti niyang sambit saka sinulyapan ang malaking bahay na nasa kanyang harapan.Kulang ang salitang “matagal” upang mailarawan niya kung gaano ang paghihintay na ginawa niya para makuha lamang si Mia. Sa loob ng mahabang panahon na palagi niyang pag-aaligid sa tabi nito ay nabigo siyang makamit mula sa dalaga ang matamis nitong “oo”. Pero hindi pa rin s
AGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Erik nang makilala ang babaeng inabutan niyang kausap ni Aurora sa sala ng kanilang bahay. “Erik, hijo,” ang agad na bati sa kanya ni Dolores na umakma pang lalapitan siya pero mabilis na napigil ang gagawin sana nitong paghakbang nang magsalita siya. “So, tama nga ako. Kayo ang nagsumbong sa mga magulang ko kaya sila napauwi ng wala sa oras dito sa Pilipinas!” Hindi na itinago pa ni Erik ang galit sa kanya tinig kahit kung tutuusin ay hindi naman niya nakalimutan ang lahat ng napag-usapan nilang dalawa ni Mia kanina. “Erik!” saway sa kanya ni Aurora na napatayo mula sa kinauupuan nitong mahabang sofa. Hindi na sumagot pa si Erik pagkatapos niyon. Sa halip ay tumalikod na lamang siya at minabuting pumasok sa kanyang silid. Tama nga siya ng hinala. Si Aling Dolores ang dahilan ng lahat ng ito. Lalong nagpuyos ang binata sa kanyang naisip. Pero minabuti pa rin niyang kalamayin ang kanyang kalooban. Agad siyang naglabas ng maisusuot niyang damit a
“TALAGA bang hindi ka makikinig sa akin anak? At talagang aalisin ka dito sa bahay? Iiwan mo kami ng tatay mo dahil sa babaeng iyon?”Si Aurora iyon habang pinanonood nito ang ginagawa niyang pag-e-empake ng mga personal nilang gamit ni Mia.Pagkatapos kasi nila ng dalaga sa shop kung na tumahi ng wedding dress nito ay kumain lang sila at saka nag-grocery at saka na umuwi.At dahil nga alam na niyang hindi gusto ng kanyang ina si Mia ay minabuti niyang huwag na lamang itong isama sa pagkuha ng mga personal nilang gamit. Hindi lang naman niya ginawa iyon para sa kanyang nobya kundi para na rin kay Aurora na mahal na mahal din niya.“Nay, sana maunawaan ninyo na minsan lang akong nagmahal ng ganito,” aniyang minabuting huwag ng tingnan si Auraro.Hindi iyon dahil sa kung anumang kadahilanan. Kahit ano pa man kasi ang nangyari ay mahal niya ang nanay niya at hindi niya gustong makita ang sakit at paghihirap sa mga mata nito.“Hindi ba at ganyan ka rin dati kay Nadine?”Sa narinig ay hind
SA kabila ng lahat, kailangang aminin ni Mia kahit sa sarili lang niya na nakakaramdam niya ng kasiyahan tuwing gumigising siyang katabi pa rin si Erik. Pero kahit ganoon pa iyon ay hindi pa rin naman nagiging ganap ang kaligayahang nararamdaman niya dahil batid niyang mayroon sila nasasaktan. At iyon ay walang iba kundi ang ina ng binata.Nang araw ding iyon dalawang araw bago ang kanilang kasal ay nagpaalam si Erik na may aasikasuhin muna sa trabaho nito. Alam naman kasi niyang naka-leave pa rin ang binata. Pero hindi rin maiiwasan ang mga ganoong sirkumstansya lalo at isa itong arkitekto.Hapon nang maisipan niyang magsadya sa palengke para mamili ng mga kakailanganing rekado para sa iluluto niyang pananghalian. Gusto niyang magluto ng may sabaw. At dahil doon ay ang paborito ni Erik ang nais niyang ihain. Ang Sinigang na Bangus.At dahil nga hindi niya gusto abutan ng dilim sa daan ay mas maaga siyang umalis ng bahay. Sa pagkakataong ito ay sumakay na siya ng traysikel para mapabi
KATULAD ng gusto niyang mangyari ay maaga siyang nakatapos sa paghahanda niya ng hapunan nilang dalawa ni Erik. Pero kahit pa sabihin busy siya sa paghahanda ng kakainin nila para sa gabing iyon ay okupado pa rin ang isipan niya sa nangyari at namagitang usapan sa kanilang dalawa in Aurora kanina.“Napaka-swerve ko naman talaga sa’yo, sweetheart,” si Erik iyon.Mula sa kanyang likuran ay naglalambing siya into ng niyakap at pagkatapos ay mariin na hinalikan ng binata sa kanyang pisngi.Kararating lang ni Erik noon at sa kusina nga ito nagtuloy. Bagay na nagdulot naman ng matinding kilig sa puso ni Mia.“Maligo ka na at magpalit ng damit. Paglabas mo handa na ang mesa,” aniyang nilingon ang binata.Sa puntong iyon ay muling kinintalan ng halik ang kanya mga labi.“Sige, mabilis lang ako,” anitong pinakawalan na siya pagkatapos saka na sinunod ang gusto niyang mangyari.Naging masaya ang hapunan na iyon. Nakita ni Mia kung gaano kasigla ang kanyang nobyo habang magana nitong kinakain an
“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
“BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.
“HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig
“E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy
“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
“NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa
“MINSAN naiisip ko, siguro kung hindi namatay si Nanay Rosita, o kaya kung may kapatid ako, baka hindi nangyayari sa akin ang ganoon. Kasi sure ako na may magtatanggol sa akin,” ani Mia nang matapos siya sa pagkukuwento. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay ay ang mabilis na naging epekto sa kanya ng lahat ng mga pangyayari. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pero sa kabila ng katotohanang gustong-gusto na nga niyang umiyak at pakawalan ang kanyang emosyon ay nagawa pa rin niyang magpigil. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa kanya. Noon niya nilingon ang binata saka mapait na nginitian. “Ampon lang ako, Kuya.” Sa kalaunan ay minabuti na rin niyang aminin sa binata ang totoo. Tutal nagawa na rin naman niyang isalaysay rito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. “Napulot lang ako, iyon ang totoo,” aniyang sinimulan na ngang isalaysay kay Nathaniel kung ano ang kwento ng buhay niya. Kung ano at sino ang natatandaan niyang unang umampon sa
“MABUTI na rin iyong naisip ni Erik na bumalik sa trabaho. Kahit pa kasi sabihin mong bonggang mayaman ang magiging bayaw namin eh kailangan pa rin niyang kumayod. Aba, sayang naman ang kita! Hindi ba Rosanna?” Iyon ang malakas na patutsada ni Dahlia nang araw na iyon. Dinalaw siya ng mga ito dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital.“Oo naman. Teka nga, Mia. Kumusta naman kayong dalawa ng magiging biyenan mo?” si Rosanna na sandaling inayunan ang tinuran ni Dahlia bago siya hinarap.Tinutulungan siya ng mga ito sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang Kare-Kare para sa pananghalian. Nagsabi kasi si Erik sa kanya na magha-half day lamang ngayon araw sa opisina at sa bahay na itutuloy ang iba pa nitong mga trabaho. Sa totoo lang hindi niya maunawaan ang binata kung bakit mula ng makalabas siya sa ospital ay labis na pag-aalaga na lamang ang ginagawa nito sa kanya. Parang gusto na nga rin niyang mag-isip kung minsan na alam na nito ang tungk
MALAYANG namalas ni Mia ang kahubaran ng lalaking pakakasalan niya habang isa-isang nitong inuubos alisin maging ang pinakamaliit na saplot nito sa katawan. Napakasarap pagmasdan ni Erik habang ginagawa nito ng ganoon. Habang siya, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay labis na pinagpapala. Dahil sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ng lalaking ito. Siya ang pinili nitong alukin ng kasal.Humaplos sa puso ni Mia ang naisip. Nang makita niyang kumilos na ang binata para halikan siya ay malaya at buong pagmamahal niyang sinalubong iyon. Tinugon niya ang mga halik ni Erik sa kanya sa paraang tila ba mas uhaw pa siya kaysa rito. At iyon na nga ang dahilan kaya tuluyan siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Ang muling ginawang banayad na paghipo ni Erik sa kanyang kasarian ang nagbigay daan sa paglalandas na naman ng isang pinong ungol sa lalamunan niya.Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Habang ang kamay ni Erik na nasa pagitan ng kanyang mga hita ay sinimulan siyang b