Beranda / Romance / SWEET SINNER (FILIPINO) / KABANATA 1 "YEAR BOOK"

Share

SWEET SINNER (FILIPINO)
SWEET SINNER (FILIPINO)
Penulis: Jessica Adams

KABANATA 1 "YEAR BOOK"

Penulis: Jessica Adams
last update Terakhir Diperbarui: 2021-01-25 17:35:13

"OKAY lang ako dito Tay, huwag ninyo akong intindihin," ang tumatawang sagot ni Erik habang kausap sa kabilang linya ang kaniyang ama na si Fidel na kasama ng kanyang ina na naiwan sa Canada.

"Akin na nga, ibigay mo sa akin ang telepono at ako ang kakausap sa batang iyan," boses iyon ng nanay niyang si Aurora na naging dahilan kaya natawa pa ng mahina si Erik.

"Nay, huwag mo nang awayin si Tatay, kayong dalawa na nga lang ang magkasama diyan," biro pa niya saka tumawa muli ng mahina habang ipinagpapatuloy ang pagbubukod ng puti at de-kolor sa mga damit na lalabhan niya.

"Ano bang ginagawa mo diyan at hindi ka na bumalik dito? Aba mag-i-isang taon na mula nang magpaalam kang uuwi, kailan ka babalik dito? Ang lolo mo hindi na magkamayaw sa katatanong kung kailan raw babalik ang paborito niyang apo. Ni hindi namin alam kung ano ang isasagot namin ng Tatay mo," ang mahabang litanya ng nanay niyang na dahilan kaya muli na naman siyang natawa ng mahina.

"Nay---," pero mabilis na nagawang putulin ng nanay niya ang lahat ng iba pa niyang gustong sabihin. 

"Bakit mo ba ako pinagtatawanan? Hoy Enrique, baka nakakalimutan mo ang mga obligasyon mo rito? Sa negosyo ng lolo mo. Nahihirapan na ang pinsan mo na balikatin lahat ng trabaho. Magpasalamat ka nga at hindi ka kagaya ng ibang tao diyan na kailangan pang magpakahirap sa paghahanap ng trabaho at magpakakuba sa pagtatrabaho magkaroon lang ng magandang buhay. Ikaw nandito na sa iyo lahat parang wala lang!" ang pagpapatuloy na sermon sa kaniya ng kaniyang ina.

Noon nakagat ni Erik ang pang-ibaba niyang labi para mapigilan ang muling pagkawala ng isang mahinang tawa. Alam kasi niya na oras na umabot sa pandinig ng nanay niya ang tawa na iyon ay lalong hahaba ang paglilitanya nito at sermon sa kaniya.

Well, sanay na siya. 

Ganoon talaga ang nanay niya mula noong bata pa siya. At kapag hindi ito nagalit at hindi siya nito sinermonan, ay alam niyang may kakaiba rito.

Totoo naman ang sinabi nito, mag-i-isang taon na mula nang umalis siya nang Canada at magbalik ng Pilipinas. Iyon ay para sana ligawan at pakasalan si Keira. Ang matalik niyang kaibigan na ngayon ay masaya na sa buhay nito bilang may bahay ng isang mayaman na negosyante, si Charles Salveron.

Nabuo ang plano na iyon para narin sa ikabubuti ni Nadine. 

Ang dati niyang nobya sa Canada. 

Katulad niya ay Canadian citizen rin ito. Pero hindi nagustuhan ng pamilya niya lalo na ng kaniyang Lolo na si Solomon ang ginawa niyang iyon. 

Si Nadine kasi ay dating nobya nang pinsan niyang si Albert na nagpakamatay nang makipaghiwalay ang una sa huli.

Alam niyang walang kasalanan si Nadine sa piniling desisyon ng pinsan niya kung tutuusin. Pero hindi rin niya masisisi ang pamilya niya na nasaktan ng labis dahil sa pagkawala ng minamahal nila sa buhay.

Ang plano niya ay pakakasalan niya si Keira para makuha na ang parte niya na pamana sa kaniya ng kanyang Lolo Solomon.At ang pera na makukuha niya ay ang gagamitin niyang pambayad sa utang ng ama ni Nadine sa kaibigan nito na pinagkakautangan nito ng malaki. 

Ganoon ba niya kamahal talaga si Nadine at nakahanda siyang gumawa ng hindi maganda para rito?

Sa naisip ay napailing na lamang si Erik. 

Pati ang sarili niyang matalik na kaibigan at kababata ay binalak pa niyang guluhin mula sa tahimik nitong pamumuhay dahil sa kasakiman niya. 

Muli ay naramdaman ni Erik ang matinding kurot ng konsiyensya na parang nananatili sa dibdib niya at nagigising lang kapag naiisip niya ang tungkol sa plano niyang iyon sa nakalipas na taon. 

Hindi pa niya naihihingi ng personal na kapatawaran ang tungkol roon kay Keira. Pero sa Panginoon Diyos? Walang gabi na hindi niya iyon sinambit sa kaniyang mga panalangin.

"Enrique!" ang muli ay mataray na untag na naman sa kaniya ng nanay niya mula sa kabilang linya. "nakikinig ka ba sa akin? Ano bang ginagawa mo at parang hindi ka interesado sa sinasabi ko?" pagpapatuloy ni Aurora sa kapareho parin nitong tono.

"Nay, nag-aayos kasi ako ng mga lalabhan kong damit kaya hindi ko kayo maasikaso ng mabuti," sagot niya saka tumawa. "pakisabi sa Lolo babalik ako diyan sa tamang panahon. Sa ngayon kasi ay busy pa ako dito at ine-enjoy ko pa ang pagiging Arkitekto ko," dugtong pa niya.

Narinig niya ang malalim na buntong hininga ng kaniyang ina mula sa kabilang linya. Pagkatapos ay ang muli nitong pagsasalita. Pero sa pagkakataong ito ay sa mabait na tono. 

"O siya sige,  pasensya ka na rin kung napagalitan na naman kita. Alam ko naman na mula pagkabata ay iyan ang talagang gusto mo. Nasasayangan lang naman kasi kami ng Tatay mo sa magandang buhay na naghihintay sa iyo rito anak. Kasi iyang pagiging Arkitekto ay pwede mo namang i-practice kahit kailan mo gusto. Ang negosyo ng Lolo mo ang kailangan mong mas higit na pagtuunan ng pansin sa ngayon, ang kailangan mong mas higit na pag-aralan," patuloy na pangaral ng nanay niya sa kaniya.

Napangiti si Erik sa narinig. "Alam ko iyon Nay. At huwag kayong mag-alala, kahit nandito ako nakakagawa naman ako ng paraan para matulungan si Robert sa pagpapatakbo ng business at farm.

Totoo iyon, gamit ang internet ay nagagawa parin niyang makipag-usap sa pinsan niyang si Robert tungkol sa pagpapatakbo nila ng Dairy Factory ng kanilang Lolo. Pati narin ang tungkol sa farm kung saan nila kinukuha ang gatas na ginagamit nila sa pagpo-produce ng mga dairy products katulad na lamang ng mga keso, yogurt, butter at marami pang iba.

"Nay, kailangan ko na pong ibaba ito, maglalaba na kasi ako at mamaya naman ay maglilinis ako ng bahay. Wala kasi akong ibang libreng araw maliban ngayong araw ng Sabado," pagbibigay alam niya sa kaniyang ina.

"O sige, ang mabuti pa humanap ka ng pwedeng taga-linis at taga-laba mo anak, para naman hindi mo na kailangang gawin ang mga bagay na iyan. Aba eh, pagod ka na nang isang linggo sa pagtatrabaho, pati ba naman ang mga ganiyan ay ikaw pa ang gagawa?" ngayon ay naramdaman niya ang concern sa tono ng kaniyang ina.

"Hay, ang nanay ko talaga. Kaya mahal na mahal ko kayo at siguro iyon rin ang dahilan kaya mahal na mahal kayo ni Tatay," totoo iyon sa loob niya.

"Nambola ka pa, sige na. Mag-iingat ka diyan at huwag mong pababayaan ang sarili mo," bilin pa nito bago tuluyang naputol ang linya.

Naiiling habang nakangiting ibinaba ni Erik ang kaniyang telepono sa ibabaw ng kaniyang kama saka ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Ilang sandali pa at minabuti niyang isalang na ang mga puti niyang damit sa kaniyang automatic na washing machine. 

Binili talaga niya iyon kahit kung tutuusin ay okay pa naman ang luma nilang washing machine na gamit pa nila noong bago sila nag-migrate pa-Canada. 

Mas mainam kasi kapag automatic, habang nakasalang iyon ay may oras pa siya para makapagluto at maglinis ng bahay. Mas nakakatipid siya sa oras.

Katulad nang dati ay minabuti niyang isabay na ang paglilinis ng bahay at pagluluto habang nakasalang ang kaniyang labada. Tutal kapag tumunog iyon ay isasampay nalang niya. 

Sinimulan niya ang pagwawalis sa kaniyang silid nang mamataan ang lumang kabinet na nasa sulok ng kaniyang kwarto. Natatandaan niya, doon inilagay ng nanay niya noon ang lahat ng abubot niya kasama na ang kaniyang mga lumang libro at pati narin ang kaniyang high school year book.

Sa huling naisip ay bigla ang sikdo ng kakaibang klase ng damdamin sa puso ni Erik. Kaya naman nilapitan niya iyon at binuksan.

Mga libro at mga lumang notebooks, pati narin posters na dating nakadikit sa dingding ng kaniyang kwarto ang nasa loob ng kabinet. Pero iba ang pakay niya kaya hindi binigyang pansin ng binata ang lahat ng kaniyang unang nakita.

Agad niyang dinampot ang isang may kakapalan na libro na matigas ang cover. 

Iyon ang kanilang high school year book.

Binuklat iyon ni Erik saka hinanap ang pahina kung saan siya naroroon at ang kaniyang Salutatory Speech. 

Natawa pa siya ng mahina habang pinagmamasdan ang batang version ng kaniyang sarili na para bang iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng lumang litrato niya noong high school.

Gaya ng inaasahan, ang ambition na nakasulat doon ay To be an Architect. 

No regrets dahil natupad niya ang kaniyang ambisyon sa buhay. 

Nang magawi ang paningin niya kung saan isang magandang mukha naman ang bumati sa kaniya ay napangiti si Erik. 

Si Mia Licerio, ang kanilang Class Valedictorian. 

Ang babaeng kahit anong gawin niya ay hindi niya kinayang talunin sa lahat ng asignatura. Dahil totoong napakatalino nito.  

Ambition: To be a Veterinarian.

Hindi maunawaan ni Erik.

Nasaan na kaya si Mia? 

Nasaan na kaya ang nag-iisang babaeng kahit minsan ay hindi niya kinakitaan ng kahit kaunting paghanga sa mga mata sa tuwing tititigan niya ito. 

Totoo iyon. Dahil sa tingin niya, ito lang ang nag-iisang babaeng immune at walang pakialam sa charm niya.

Bab terkait

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 2 "MIA"

    "IBIGAY mo sa akin iyan," ang matandang kasama nila sa bahay na kinuha mula sa kamay niya ang bimpo na ginagamit ni Mia para dampian ang maligamgam na tubig ang mga pasa sa kaniyang braso. Sinaktan na naman kasi siya kanina ni Bernie, ang kinakasama niya. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo magawang iwan ang demonyong lalaking iyan, Mia! Tingnan mo nga ang sarili mo! Humarap ka sa salamin, hindi ka ba naaawa sa sarili mo kapag nakikita mo ang repleksyon mo? Kasi ako awang-awa na ako sa i-iyo!" sa huli nitong sinabi ay nabasag narin ang tinig ng matanda.

    Terakhir Diperbarui : 2021-01-25
  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 3 "BROKEN PIECES"

    NAPANGITI si Erik habang pinagmamasdan ang picture ng babaeng may ari ng Facebook profile na kaniyang tinitingnan. Walang iba kundi si Nadine.Noon tahimik na pinakiramdaman ng binata ang kaniyang sarili.Nasasaktan parin ba siya?Muli siyang napangiti saka pinatay ang kaniyang laptop.Mas

    Terakhir Diperbarui : 2021-01-25
  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 4 "LONG TIME NO SEE"

    MALAPIT nang dumilim nang makarating ng Maynila si Mia. Kung hindi sana siya naipit sa traffic, marahil hindi siya inabot ng ganitong oras sa byahe. SA labas ng lumang bahay nanatiling nakatayo si Mia habang tahimik na nakamasid doon. Matagal na panahon narin ang lumipas pero nararamdaman parin niya ang tila maliit na kurot sa kaniyang puso habang nakatingala sa kung tutuusin ay malaking bahay na nakatayo sa kaniyang harapan. Noon kumilos si Mia saka itinulak pabukas ang kinakalawang na gate ng bahay. Alam niyang bukas marami sa mga kapitbahay niya ang magtatanong kung bakit biglaan an

    Terakhir Diperbarui : 2021-01-25
  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 5 "FIRST LONG CONVERSATION"

    SA sala siya pinatuloy ni Erik para doon nila ituloy ang pag-uusap. Matapos siyang paupuin ay nagtuloy sa kusina ang binata. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik rin ito na may dalang isang baso ng malamig na orange juice at isang platito ng buttered cookies."Paninda iyang ng kasama ko sa trabaho. Tikman mo, masarap," alok nito sa kanya na ang tinitukoy ay ang mga cookies sa platito.Tumango si Mia saka nakangiting kumuha ng isa. "Masarap nga," aniyang biglang nakaramdam ng gutom kaya nang maubos niya iyon ay kumuha siya ng isa pa.

    Terakhir Diperbarui : 2021-01-25
  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 6 "TEN YEARS AGO"

    KATULAD ng sinabi ni Erik, kumain sila ng masarap dahil sa isang mamahalin na buffet restaurant siya nito dinala. Noon una ay alangan pa siya dahil narin sa suot niyang simpleng walking shorts at tshirt. Pero nang sabihin sa kanya ng binata na okay ang outfit niya ay hindi na siya nagprotesta pa."Salamat sa masarap na hapunan," aniya nang ibaba siya ni Erik sa tapat mismo ng bahay niya.Tumango ito. "Paano, see you tomorrow? Sunduin kita para hindi ka na maglakad?" tanong nito.

    Terakhir Diperbarui : 2021-01-25
  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 7 "NANAY ROSITA"

    "NAY, may good news ako sa inyo," nang abutan ni Mia ang kaniyang Nanay Rosita na abala sa pagdidilig ng mga tanim nitong ornamental plants sa kanilang bakuran.Katulad ng dati, itinulak ng dalaga ang bakal na gate saka nagmano sa kaniyang kinikilalang ina nang makalapit rito."Alam ko na, nabanggit na sa akin nung kaklase mo," anitong nakangiti siyang pinagmasdan.

    Terakhir Diperbarui : 2021-01-25
  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 8 "CROSS ROAD"

    "ALISna po ako," paalam ni Mia sa nanay niya isang umaga at papasok na siya sa eskwela.Tumango ang kaniyang Nanay Rosita. "Mag-iingat ka," anitong hinalikan pa siya sa kaniyang noo.Ngumiti lang si Mia saka tumango at pagkatapos ay lumabas na nang gate. Hindi

    Terakhir Diperbarui : 2021-01-25
  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 9 "PANGARAP"

    PRESENT DAY...KATULAD ng napagkasunduan nila kagabi, sagot niya ang kape.Hindi alam ni Mia kung excited lang siya para sa almusal na pagsasaluhan nila ni Erik. Isama pa ang katotohanan na ito ang nag-set noon kaya kanina pa magaan ang pakiramdam niya.Nahirapan pa nga siyang makatulog dahil sa kakaisip ng masayang tagpo na nangyari sa pagitan nilang dalawa na noong kabataan niya ay hindi ibinigay sa kanila ng pagkakataon.

    Terakhir Diperbarui : 2021-01-25

Bab terbaru

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 86 “HUSBAND & WIFE”

    “ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 85 “THE LOST TREASURE 6”

    “BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 84 “THE LOST TREASURE 5”

    “HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 83 “THE LOST TREASURE 4”

    “E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 82 “THE LOST TREASURE 3”

    “MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 81 “THE LOST TREASURE 2”

    “NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 80 “THE LOST TREASURE 1”

    “MINSAN naiisip ko, siguro kung hindi namatay si Nanay Rosita, o kaya kung may kapatid ako, baka hindi nangyayari sa akin ang ganoon. Kasi sure ako na may magtatanggol sa akin,” ani Mia nang matapos siya sa pagkukuwento. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay ay ang mabilis na naging epekto sa kanya ng lahat ng mga pangyayari. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pero sa kabila ng katotohanang gustong-gusto na nga niyang umiyak at pakawalan ang kanyang emosyon ay nagawa pa rin niyang magpigil. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa kanya. Noon niya nilingon ang binata saka mapait na nginitian. “Ampon lang ako, Kuya.” Sa kalaunan ay minabuti na rin niyang aminin sa binata ang totoo. Tutal nagawa na rin naman niyang isalaysay rito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. “Napulot lang ako, iyon ang totoo,” aniyang sinimulan na ngang isalaysay kay Nathaniel kung ano ang kwento ng buhay niya. Kung ano at sino ang natatandaan niyang unang umampon sa

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 79 “WARNING”

    “MABUTI na rin iyong naisip ni Erik na bumalik sa trabaho. Kahit pa kasi sabihin mong bonggang mayaman ang magiging bayaw namin eh kailangan pa rin niyang kumayod. Aba, sayang naman ang kita! Hindi ba Rosanna?” Iyon ang malakas na patutsada ni Dahlia nang araw na iyon. Dinalaw siya ng mga ito dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital.“Oo naman. Teka nga, Mia. Kumusta naman kayong dalawa ng magiging biyenan mo?” si Rosanna na sandaling inayunan ang tinuran ni Dahlia bago siya hinarap.Tinutulungan siya ng mga ito sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang Kare-Kare para sa pananghalian. Nagsabi kasi si Erik sa kanya na magha-half day lamang ngayon araw sa opisina at sa bahay na itutuloy ang iba pa nitong mga trabaho. Sa totoo lang hindi niya maunawaan ang binata kung bakit mula ng makalabas siya sa ospital ay labis na pag-aalaga na lamang ang ginagawa nito sa kanya. Parang gusto na nga rin niyang mag-isip kung minsan na alam na nito ang tungk

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 78 “LIVING ROOM 2”

    MALAYANG namalas ni Mia ang kahubaran ng lalaking pakakasalan niya habang isa-isang nitong inuubos alisin maging ang pinakamaliit na saplot nito sa katawan. Napakasarap pagmasdan ni Erik habang ginagawa nito ng ganoon. Habang siya, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay labis na pinagpapala. Dahil sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ng lalaking ito. Siya ang pinili nitong alukin ng kasal.Humaplos sa puso ni Mia ang naisip. Nang makita niyang kumilos na ang binata para halikan siya ay malaya at buong pagmamahal niyang sinalubong iyon. Tinugon niya ang mga halik ni Erik sa kanya sa paraang tila ba mas uhaw pa siya kaysa rito. At iyon na nga ang dahilan kaya tuluyan siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Ang muling ginawang banayad na paghipo ni Erik sa kanyang kasarian ang nagbigay daan sa paglalandas na naman ng isang pinong ungol sa lalamunan niya.Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Habang ang kamay ni Erik na nasa pagitan ng kanyang mga hita ay sinimulan siyang b

DMCA.com Protection Status