"ALIS na po ako," paalam ni Mia sa nanay niya isang umaga at papasok na siya sa eskwela.
Tumango ang kaniyang Nanay Rosita. "Mag-iingat ka," anitong hinalikan pa siya sa kaniyang noo.
Ngumiti lang si Mia saka tumango at pagkatapos ay lumabas na nang gate. Hindi
PRESENT DAY...KATULAD ng napagkasunduan nila kagabi, sagot niya ang kape.Hindi alam ni Mia kung excited lang siya para sa almusal na pagsasaluhan nila ni Erik. Isama pa ang katotohanan na ito ang nag-set noon kaya kanina pa magaan ang pakiramdam niya.Nahirapan pa nga siyang makatulog dahil sa kakaisip ng masayang tagpo na nangyari sa pagitan nilang dalawa na noong kabataan niya ay hindi ibinigay sa kanila ng pagkakataon.
SAKTO sa sinabing oras ni Erik nang dumating ito para sunduin siya. Hindi alintana ang mga kapitbahay niyang nakamasid sa kanya ay sumakay siya sa dalang sasakyan ng binata."Ikaw na ang bahala ah," si Erik nang maikabit niya ang seatbelt.Nagsalubong ang mga kilay ni Mia sa sinabing iyon ni Erik dahil sa pagtataka. "A-Ano?" naguguluhan niyang tanong.Tumawa ng mahina si Erik. "Ikaw ang babae, kaya mas marami kang alam kaysa sa akin sa pag-aayos ng babay. Kaya ikaw na ang bahala
SAkabila ng mabilis na pagtahip ng dibdib ni Mia dahil sa sobrang tindi ng discomfort na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay minabuti niyang dumsitansya nalang mismo kay Erik. May palagay pa nga siya na mukhang nahalata ng binata ang ginawa niya kaya ito tumawa ng mahina. Napalaingon siya rito at saka ito tinitigan . Ilang sandaling nagtama ang paningin nila. Pagkatapos noon hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ni Erik. Malakas na lamang siyang napasinghap dahil sa harap-harapan nitong pagkindat sa kaniya na naging dahilan ng mabilis na pag-iinit ng buo niyang mukha.
“KAHITkailan hindi ko naranasan sa piling niya ang maging ganap na masaya. Alam mo ba na limang taon niya akong niloloko? Literal niya akong pinagbubuhatan ng kamay, hindi niya ako pinahahawak ng pera. Ang palagi niyang sinasabi sa akin hindi ko daw kailangan ng pera sa pitaka ko kasi pinakakain at binibihisan naman niya ako. Hindi ko naisip minsan man na ganoon siya kasama. Iba siya kumpara sa ugali na ipinakikita niya noong high school pa tayo,” pagpapatuloy ni Mia sa pagkukwento habang nakayuko.Tahimik na nakikinig lang si Erik. Hindi niya alam kung wala siyang maisip kaya hindi gumagana ang utak niya nang mga sandaling iyon.
NANGmakauwi ay sa kanyang kwarto na dumiretso si Mia. Parang ngayon lang niya naramdaman ang pagod. Pero sa kabila noon ay wala siyang makapa sa dibdib niya na pagsisisi dahil masayang kasama si Erik.Kinikilig na napangiti si Mia saka tinitigan ang mataas na build in cabinet ng kaniyang kwarto. Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kaniyang kama ay noon tumayo ang dalaga saka iyon nilapitan at binuksan.
“SA totoo lang ‘tol may point si Ma’am doon sa sinabi niya kanina, bagay kayo ni Mia,” si Roy iyon. Recess at katulad ng dati ay nasa ilalim sila ng isang malagong puno ng habang kumakain ng banana cue.“Ako na naman ang nakita ninyo,” angal niyang umiling ng magkakasunod saka inubos ang saging pagkatapos ay ang buko juice na nasa supot ng yelo na may straw.“Ano bang inaayawan mo kay Mia? Eh ang ganda-ganda ng babaeng iyon, lahat nalang yata ng gusto ng isang lalaki nasa kanya na,” si William naman na siniko pa siya.Hindi kumibo si Erik at nagbuntong hininga nalang.Hindi sa hindi niya gusto si Mia. Ang totoo nagagandahan siya rito at gusto niya itong maging kaibigan. Pero ang puso niya, matagal nang tumitibok para sa iba. At iyon ay kay Keira, ang bestfriend at kababata niya na hindi niya maintindihan kung bakit panay naman ang iwas sa kanya.P
NASA kalagitnaan na sila ng kanilang paglalakad nang magsimulang pumatak ang malalaking butil ng ulan. "Naku mas maganda siguro sumilong muna tayo," si Mia sa nababahala nitong tono. Noon tiningala ni Erik ang langit saka pagkatapos ay nilingon ang dalaga. "Palagay ko nga, kasi for sure na malakas iyan at kahit mag-share tayo ng payong mababasa parin tayo. Baka magkasakit ka," nasa tono ng pananalita ng binata ang pag-aalala kaya naman lihim na nakaramdam ng kilig dahil doon si Mia.Sa ilalim ng isang waiting shed na kanilang nadaanan pinili nila ni Erik na sumilong sandali. Naupo siya sa bakal na bench doon at tinabihan naman siya ng binata. Parang iyon lang ang hinihintay ng langit na mangyari, ang makahanap sila ng masisilungan, dahil matapos iyon ay saka naman nito ibinuhos ang napakalakas na ulan. Tahimik lang niyang pinanood ang bawat patak niyon habang kasama si Erik na katulad niya ay ganoo
KATULAD ng inasahan ni Mia, tuwang-tuwa ang kaniyang ina nang ibalita niya rito ang tungkol sa cotillion at ang pagiging magkapareha nilang dalawa ni Erik. Agad siya nitong niyayang pumunta sa ilang mga parentahan ng prom dress para makapaghanap na agad ng kaniyang maisusuot."Nay hindi po ba masyado pang maaga para maghanap na tayo ng prom dress? Next month pa naman po gagamitin iyon eh," si Mia nang palabas na sila ng gate ng kaniyang ina.Noon niya narinig na nangalatak ang kaniyang Nanay Rosita. "Mas maganda na iyong ngayon, mas makakapili ka ng maganda. Baka mamaya maubusan tayo ng maganda at affordable na damit, mahirap na," sagot pa nito kaya minabuti ni Mia ang manahimik na lang.Malapit na sila sa tindahan ni Mrs. Ramos nang matanawan ni Mia ang ina ni Erik na si Aling Aurora. Maganda ang nanay ni Erik, maputi rin pero mas kamukha ng binata ang ama nito na halatang
“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
“BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.
“HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig
“E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy
“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
“NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa
“MINSAN naiisip ko, siguro kung hindi namatay si Nanay Rosita, o kaya kung may kapatid ako, baka hindi nangyayari sa akin ang ganoon. Kasi sure ako na may magtatanggol sa akin,” ani Mia nang matapos siya sa pagkukuwento. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay ay ang mabilis na naging epekto sa kanya ng lahat ng mga pangyayari. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pero sa kabila ng katotohanang gustong-gusto na nga niyang umiyak at pakawalan ang kanyang emosyon ay nagawa pa rin niyang magpigil. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa kanya. Noon niya nilingon ang binata saka mapait na nginitian. “Ampon lang ako, Kuya.” Sa kalaunan ay minabuti na rin niyang aminin sa binata ang totoo. Tutal nagawa na rin naman niyang isalaysay rito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. “Napulot lang ako, iyon ang totoo,” aniyang sinimulan na ngang isalaysay kay Nathaniel kung ano ang kwento ng buhay niya. Kung ano at sino ang natatandaan niyang unang umampon sa
“MABUTI na rin iyong naisip ni Erik na bumalik sa trabaho. Kahit pa kasi sabihin mong bonggang mayaman ang magiging bayaw namin eh kailangan pa rin niyang kumayod. Aba, sayang naman ang kita! Hindi ba Rosanna?” Iyon ang malakas na patutsada ni Dahlia nang araw na iyon. Dinalaw siya ng mga ito dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital.“Oo naman. Teka nga, Mia. Kumusta naman kayong dalawa ng magiging biyenan mo?” si Rosanna na sandaling inayunan ang tinuran ni Dahlia bago siya hinarap.Tinutulungan siya ng mga ito sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang Kare-Kare para sa pananghalian. Nagsabi kasi si Erik sa kanya na magha-half day lamang ngayon araw sa opisina at sa bahay na itutuloy ang iba pa nitong mga trabaho. Sa totoo lang hindi niya maunawaan ang binata kung bakit mula ng makalabas siya sa ospital ay labis na pag-aalaga na lamang ang ginagawa nito sa kanya. Parang gusto na nga rin niyang mag-isip kung minsan na alam na nito ang tungk
MALAYANG namalas ni Mia ang kahubaran ng lalaking pakakasalan niya habang isa-isang nitong inuubos alisin maging ang pinakamaliit na saplot nito sa katawan. Napakasarap pagmasdan ni Erik habang ginagawa nito ng ganoon. Habang siya, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay labis na pinagpapala. Dahil sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ng lalaking ito. Siya ang pinili nitong alukin ng kasal.Humaplos sa puso ni Mia ang naisip. Nang makita niyang kumilos na ang binata para halikan siya ay malaya at buong pagmamahal niyang sinalubong iyon. Tinugon niya ang mga halik ni Erik sa kanya sa paraang tila ba mas uhaw pa siya kaysa rito. At iyon na nga ang dahilan kaya tuluyan siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Ang muling ginawang banayad na paghipo ni Erik sa kanyang kasarian ang nagbigay daan sa paglalandas na naman ng isang pinong ungol sa lalamunan niya.Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Habang ang kamay ni Erik na nasa pagitan ng kanyang mga hita ay sinimulan siyang b