Home / Romance / SWEET SINNER (FILIPINO) / KABANATA 12 "UNANG HALIK"

Share

KABANATA 12 "UNANG HALIK"

Author: Jessica Adams
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“KAHIT kailan hindi ko naranasan sa piling niya ang maging ganap na masaya. Alam mo ba na limang taon niya akong niloloko? Literal niya akong pinagbubuhatan ng kamay, hindi niya ako pinahahawak ng pera. Ang palagi niyang sinasabi sa akin hindi ko daw kailangan ng pera sa pitaka ko kasi pinakakain at binibihisan naman niya ako. Hindi ko naisip minsan man na ganoon siya kasama. Iba siya kumpara sa ugali na ipinakikita niya noong high school pa tayo,” pagpapatuloy ni Mia sa pagkukwento habang nakayuko.

Tahimik na nakikinig lang si Erik. Hindi niya alam kung wala siyang maisip kaya hindi gumagana ang utak niya nang mga sandaling iyon.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Regieto Barcelona
pki unlock please ung next epi.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 13 "OLD PROM DRESS 1"

    NANGmakauwi ay sa kanyang kwarto na dumiretso si Mia. Parang ngayon lang niya naramdaman ang pagod. Pero sa kabila noon ay wala siyang makapa sa dibdib niya na pagsisisi dahil masayang kasama si Erik.Kinikilig na napangiti si Mia saka tinitigan ang mataas na build in cabinet ng kaniyang kwarto. Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kaniyang kama ay noon tumayo ang dalaga saka iyon nilapitan at binuksan.

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 14 "OLD PROM DRESS 2"

    “SA totoo lang ‘tol may point si Ma’am doon sa sinabi niya kanina, bagay kayo ni Mia,” si Roy iyon. Recess at katulad ng dati ay nasa ilalim sila ng isang malagong puno ng habang kumakain ng banana cue.“Ako na naman ang nakita ninyo,” angal niyang umiling ng magkakasunod saka inubos ang saging pagkatapos ay ang buko juice na nasa supot ng yelo na may straw.“Ano bang inaayawan mo kay Mia? Eh ang ganda-ganda ng babaeng iyon, lahat nalang yata ng gusto ng isang lalaki nasa kanya na,” si William naman na siniko pa siya.Hindi kumibo si Erik at nagbuntong hininga nalang.Hindi sa hindi niya gusto si Mia. Ang totoo nagagandahan siya rito at gusto niya itong maging kaibigan. Pero ang puso niya, matagal nang tumitibok para sa iba. At iyon ay kay Keira, ang bestfriend at kababata niya na hindi niya maintindihan kung bakit panay naman ang iwas sa kanya.P

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 15 "OLD PROM DRESS 3"

    NASA kalagitnaan na sila ng kanilang paglalakad nang magsimulang pumatak ang malalaking butil ng ulan. "Naku mas maganda siguro sumilong muna tayo," si Mia sa nababahala nitong tono. Noon tiningala ni Erik ang langit saka pagkatapos ay nilingon ang dalaga. "Palagay ko nga, kasi for sure na malakas iyan at kahit mag-share tayo ng payong mababasa parin tayo. Baka magkasakit ka," nasa tono ng pananalita ng binata ang pag-aalala kaya naman lihim na nakaramdam ng kilig dahil doon si Mia.Sa ilalim ng isang waiting shed na kanilang nadaanan pinili nila ni Erik na sumilong sandali. Naupo siya sa bakal na bench doon at tinabihan naman siya ng binata. Parang iyon lang ang hinihintay ng langit na mangyari, ang makahanap sila ng masisilungan, dahil matapos iyon ay saka naman nito ibinuhos ang napakalakas na ulan. Tahimik lang niyang pinanood ang bawat patak niyon habang kasama si Erik na katulad niya ay ganoo

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 16 "OLD PROM DRESS 4"

    KATULAD ng inasahan ni Mia, tuwang-tuwa ang kaniyang ina nang ibalita niya rito ang tungkol sa cotillion at ang pagiging magkapareha nilang dalawa ni Erik. Agad siya nitong niyayang pumunta sa ilang mga parentahan ng prom dress para makapaghanap na agad ng kaniyang maisusuot."Nay hindi po ba masyado pang maaga para maghanap na tayo ng prom dress? Next month pa naman po gagamitin iyon eh," si Mia nang palabas na sila ng gate ng kaniyang ina.Noon niya narinig na nangalatak ang kaniyang Nanay Rosita. "Mas maganda na iyong ngayon, mas makakapili ka ng maganda. Baka mamaya maubusan tayo ng maganda at affordable na damit, mahirap na," sagot pa nito kaya minabuti ni Mia ang manahimik na lang.Malapit na sila sa tindahan ni Mrs. Ramos nang matanawan ni Mia ang ina ni Erik na si Aling Aurora. Maganda ang nanay ni Erik, maputi rin pero mas kamukha ng binata ang ama nito na halatang

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 17 "KISSES AND COMPLIMENTS"

    PRESENT DAY...HINDI napigilan ni Mia ang mapangiti dahil sa daloy ng mga alaala. Pagkatapos noon ay minabuti niyang ibalik na ang damit sa loob ng aparador saka na siya nahiga. Habang hindi parin nawawala sa pakiramdam niya ang mainit na labi ni Erik na tila ba hanggang ngayon ay patuloy sa banayad na paghaplos sa kaniyang mga labi.Agad na nag-init ang buong mukha ni Mia. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Alam niyang normal lamang kung makakaramdam siya ng galit pero wala siyang makapang ganoon sa kaniyang dibdib. At kung magiging totoo lang siya sa kaniyang sarili, alam niyang gusto niyang ulitin pa ang nangyaring iyon sa pagitan nilang dalawa ng lalaking una niyang minahal.Nang dumaan sa isipan niya ang isang posibleng dahilan ay malungkot na nagbuntong hininga si Mia. Hindi kaya sabik lang siya sa ganoon dahil mula nang magbago ang pakikitungo sa kaniya ni Bernie ay hind

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 18 "WORK FROM HOME"

    "WALA ka bang pasok sa office ngayon?" ang naitanong ni Mia kay Erik nang araw ring iyon.Dala ang isang tasa ng mainit na kape ay nakatayo noon si Mia sa may pintuanHuling salang na ng mga labahin sa washing machine, at dahil nga automatic iyon ay nagawang isabay ni Mia ang paglilinis sa paglalaba habang ang binata ay nakita niyang nasa kwarto nito at abala sa pagtatrabaho.Nilingon siya ni Erik ng nakangiti. At dahil agad na nagtama ang paningin nilang dalawa noon nakita ng dalaga ang mabilis na pagkislap ng mga mata nito. "Nagpaalam ako na dito ko na tatapusin itong trabaho ko," sagot sa kaniya ng binata nang mailapag niya ang tasa ng kape sa working table nito. "salamat," dugtong pa nito."Malapit na akong matapos maglaba, anong gusto mong ulam para sa lunch?" hindi alam ni Mia pero nasa puso niya ang paghahangad na sana kahit sa ganitong paraan lang ay magawa niyang ibalik kay Erik ang lahat ng

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 19 "LOOK AT ME"

    HINDI masabi ni Mia kung ang mga halik ba ni Erik ang dahilan kaya nawalan siya ng kakayahan para tanggihan ang lahat ng ginagawa nitong pananalasa ngayon sa katawan niya. Pero kailangan rin niyang aminin sa sarili niya na ang lahat ng nangyayaring itong ngayon ay tila ba katuparan na lamang ng lahat ng pangarap at pantasya niya noon sa binata.Siguro nga kaya hindi narin naging patas ang pagkakataon sa kaniya sa piling ni Bernie ay dahil sa katotohanang hindi nawala ang binatang ito sa puso niya. At iyon ang dahilan kaya may mga pagkakataon na sumasagi na lamang itong bigla sa isipan niya. Dahil puso niya mismo ang nagpapaalala? O dahil ang puso niya mismo ang nagsasabing alalahanin niya ito?Kung alin man sa dalawa, hindi na mahalaga. Basta ang alam niya masaya siya ngayon at parang kapag kasama niya ang binata ay nakakalimutan niyang minsan sa buhay niya ay gumawa siya ng isang desisyon na pagsisisihan pala niya, at iyon ay walang iba kundi si Berni

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 20 "ANG LAHAT NG SA IYO AY AKIN 1"

    HINDI alam ni Mia kung paano niya ipaliliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdib habang pigil ang paghinga habang unti-unting itinutulak ni Erik papasok sa kaniyang lagusan ang tila bakal nitong pagkalalaki.Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa pero maging ang pagpintig ng kahandaan ng binata ay nararamdaman niya sa kaniya mismong pagkababae.Marahil ay katulad din niya ang binata. Marahil ay nasasabik rin ito sa kaniya."Oh, Erik!" anas niya nang maramdaman ang ginawang biglaang pagtulak ng binata papasok sa kaniya ng pagkalalaki nito.Hinihingal niyang tinitigan ang lalaki na noon ay kinakitaan niya ng amusement sa mga mata nito. Pagkatapos ay niyuko siya nito saka hinalikan."Papasukin mo ako, please?" anito pang nangingislap ang mga mata saka sinubukan ang muling gumalawa kaya naman agad ang naging reaksyon ni Mia sa ginawa ng binata."Fuck!" mura niya dahil sa

Pinakabagong kabanata

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 86 “HUSBAND & WIFE”

    “ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 85 “THE LOST TREASURE 6”

    “BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 84 “THE LOST TREASURE 5”

    “HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 83 “THE LOST TREASURE 4”

    “E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 82 “THE LOST TREASURE 3”

    “MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 81 “THE LOST TREASURE 2”

    “NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 80 “THE LOST TREASURE 1”

    “MINSAN naiisip ko, siguro kung hindi namatay si Nanay Rosita, o kaya kung may kapatid ako, baka hindi nangyayari sa akin ang ganoon. Kasi sure ako na may magtatanggol sa akin,” ani Mia nang matapos siya sa pagkukuwento. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay ay ang mabilis na naging epekto sa kanya ng lahat ng mga pangyayari. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pero sa kabila ng katotohanang gustong-gusto na nga niyang umiyak at pakawalan ang kanyang emosyon ay nagawa pa rin niyang magpigil. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa kanya. Noon niya nilingon ang binata saka mapait na nginitian. “Ampon lang ako, Kuya.” Sa kalaunan ay minabuti na rin niyang aminin sa binata ang totoo. Tutal nagawa na rin naman niyang isalaysay rito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. “Napulot lang ako, iyon ang totoo,” aniyang sinimulan na ngang isalaysay kay Nathaniel kung ano ang kwento ng buhay niya. Kung ano at sino ang natatandaan niyang unang umampon sa

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 79 “WARNING”

    “MABUTI na rin iyong naisip ni Erik na bumalik sa trabaho. Kahit pa kasi sabihin mong bonggang mayaman ang magiging bayaw namin eh kailangan pa rin niyang kumayod. Aba, sayang naman ang kita! Hindi ba Rosanna?” Iyon ang malakas na patutsada ni Dahlia nang araw na iyon. Dinalaw siya ng mga ito dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital.“Oo naman. Teka nga, Mia. Kumusta naman kayong dalawa ng magiging biyenan mo?” si Rosanna na sandaling inayunan ang tinuran ni Dahlia bago siya hinarap.Tinutulungan siya ng mga ito sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang Kare-Kare para sa pananghalian. Nagsabi kasi si Erik sa kanya na magha-half day lamang ngayon araw sa opisina at sa bahay na itutuloy ang iba pa nitong mga trabaho. Sa totoo lang hindi niya maunawaan ang binata kung bakit mula ng makalabas siya sa ospital ay labis na pag-aalaga na lamang ang ginagawa nito sa kanya. Parang gusto na nga rin niyang mag-isip kung minsan na alam na nito ang tungk

  • SWEET SINNER (FILIPINO)   KABANATA 78 “LIVING ROOM 2”

    MALAYANG namalas ni Mia ang kahubaran ng lalaking pakakasalan niya habang isa-isang nitong inuubos alisin maging ang pinakamaliit na saplot nito sa katawan. Napakasarap pagmasdan ni Erik habang ginagawa nito ng ganoon. Habang siya, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay labis na pinagpapala. Dahil sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ng lalaking ito. Siya ang pinili nitong alukin ng kasal.Humaplos sa puso ni Mia ang naisip. Nang makita niyang kumilos na ang binata para halikan siya ay malaya at buong pagmamahal niyang sinalubong iyon. Tinugon niya ang mga halik ni Erik sa kanya sa paraang tila ba mas uhaw pa siya kaysa rito. At iyon na nga ang dahilan kaya tuluyan siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Ang muling ginawang banayad na paghipo ni Erik sa kanyang kasarian ang nagbigay daan sa paglalandas na naman ng isang pinong ungol sa lalamunan niya.Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Habang ang kamay ni Erik na nasa pagitan ng kanyang mga hita ay sinimulan siyang b

DMCA.com Protection Status