"IBIGAY mo sa akin iyan," ang matandang kasama nila sa bahay na kinuha mula sa kamay niya ang bimpo na ginagamit ni Mia para dampian ang maligamgam na tubig ang mga pasa sa kaniyang braso.
Sinaktan na naman kasi siya kanina ni Bernie, ang kinakasama niya.
"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo magawang iwan ang demonyong lalaking iyan, Mia! Tingnan mo nga ang sarili mo! Humarap ka sa salamin, hindi ka ba naaawa sa sarili mo kapag nakikita mo ang repleksyon mo? Kasi ako awang-awa na ako sa i-iyo!" sa huli nitong sinabi ay nabasag narin ang tinig ng matanda.
Noon wala sa loob na humarap sa salamin si Mia. At kasabay noon ay ang muling pagbalong ng kaniyang mga hula.
Oo, naaawa siya sa sarili niya. Awang-awa na siya sa sarili niya matagal na.
Pero gaya nga ng kasabihan.
Kay Bernie siya nadapa kaya kay Bernie niya kailangang magtiis.
"W-Wala po kasi akong pera, Aling Ising, kahit gustuhin kong umalis, wala akong kahit isang kusing sa pitaka ko," pagsasabi niya ng totoo saka tuluyang napahagulhol ng iyak.
Noon siya awang-awa na niyakap ng matanda. "Gumayak ka, ako ang bahala. Aalis tayo dito ngayon din, habang wala pa ang asawa mo at nandoon sa kalaguyo niya. Hindi ko narin kayang tagalan pa ang pagsilbihan siya, kaya uuwi narin ako sa probinsya ko para doon na manirahan kasama ang mga pamangkin ko," pag-uutos sa kaniya ng matanda.
Sandali niyang pinagmasdan ang mabait na mukha ni Aling Ising. Sa loob ng kulang walong taon na nakasama niya ito ay masasabi niyang naging malapit na ng husto sa puso niya ang matanda. At masasabi niyang kahit pa nawala sa piling niya ang kaniyang Nanay Rosita ay napunan naman ni Aling Ising ang pangungulila niya para rito.
Twenty years old siya nang mabuntis siya ni Bernie na nang mga panahong iyon ay nagtatrabaho na bilang Sales Agent sa tindahan ng mga high end cars. Habang siya ay waitress sa isang night club.
Kung paano siya napasok sa ganoong klase ng trabaho? Mahabang istorya. Pero isa lang ang masasabi niya. Kahit ganoon ang trabahong napuntahan niya hindi naman siya pumapayag na i-table siya ng kahit sinong customer. Si Bernie lang ang nakapagpapayag sa kaniya ng ganoon, dahil nga kilala niya ito mula pagkabata. Dahil classmates sila noong high school.
Mula sa isang may kayang pamilya si Bernie. Naiwan sa Maynila ang pamilya nito at kaya sila napadpad ng Laguna ay dahil narin sa tawag ng tungkulin nito. Doon kasi na-assign si Bernie kaya para makatipid sila ay mas pinili ng lalaki na doon na sila manirahan.
Gaya nang nasabi niya. Twenty years old siya nang mabuntis siya ni Bernie.
Masayang-masaya noon ang binata dahil nga sa idea na magiging tatay na ito. Bukod pa roon ay alam naman kasi nito na kahit ganoon ang trabaho niya ay wala namang ibang lalaki siyang pinagbibigyan ng kaniyang sarili maliban sa binata na noon ay kaniya nang nobyo.
Nang mga panahong iyon ay dalawang taon nang patay ang kaniyang Nanay Rosita at mag-isa na lamang siya sa buhay. Dalawang taon narin siyang nagtatrabaho bilang waitress sa night club at dalawang taon narin mula nang sagutin niya si Bernie at maging nobyo niya ito.
Sa simula ay naging maayos ang lahat sa kanila ni Bernie.
Binigyan siya nito ng magandang bahay at noon nga rin nito kinuha si Aling Ising para may makasama siya sa buhay.
Pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakunan siya.
Tatlong buwan na siyang buntis noon at hindi iyon madaling natanggap ni Bernie.
Inisip ni Mia na baka nagluluksa lang ang kinakasama niya dahil sa pagkawala ng dapat sana ay first baby nila. Pero hindi ganoon ang nangyari. Mabilis ang naging pagbabago ni Bernie at hindi lang siya ang nakapansin noon kung hindi pati narin si Aling Ising.
Hanggang sa umabot na ito sa punto na madalas ay umuuwi ito ng lasing. May mga pagkakataon rin na hindi ito umuuwi ng ilang araw. At kapag umuuwi ito ay palagi itong galit at pinagbubuhatan siya ng kamay.
Hindi niya alam kung saan siya humugot ng tatag at pagtitiis kay inabot siya ng anim na taon sa piling ng lalaking hindi naman pala siya kayang mahalin hanggang sa huli. Iba sa sinasabi nito na hanggang pagtanda nila ay sila parin ang magsasama.
Noon napahagulhol ng iyak si Mia.
Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang pagyakap sa kaniya ni Aling Ising. Katulad niya ay umiiyak rin ito.
Sa loob nang napakatagal na panahon, bakit ngayon lang siya nakaramdam nang lubusang kapaguran?
Dahil ba iyon sa malalakas na sampal na pinadapo ni Bernie sa mukha niya kaninang madaling araw na pinigilan niya itong umalis? O dahil narin sa dalawang traveling bags na puno ng mga damit na inihampas ng lalaki sa kaniyang ulo?
Mapait ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Mia.
Baka nga, kaya nga siguro siya natauhan at nagising.
Kamakailan lang ay mayroong babaeng nagpunta sa bahay nila at sinabi nito sa kaniya na girlfriend ito ni Bernie. Buntis raw ito at si Bernie ang ama.
Parang gumuho ang mundo ni Mia dahil sa nalaman niyang iyon. At nang tanungin niya ang babae kung gaano katagal na nitong karelasyon ang kaniyang kinakasama ay lalo lamang siyang napaiyak. Limang taon.
Limang taon, ibig sabihin mula nang makunan siya ay noon na siya sinimulang lokohin at pagtaksilan ni Bernie.
Nang araw ring iyon ay nasagot na ang lahat ng katanungan na matagal na ring naglalaro sa isipan ni Mia.
Kaya pala ganoon ang pagtrato sa kaniya ng lalaki. Dahil mayroon itong kinahuhumalingan na ibang babae.
Katulad nang gustong mangyari ni Aling Ising ay magkasama nga silang umalis nang araw ring iyon. Dala ang sapat na halaga ng salapi na naipon ng matanda ay sumakay sila ng jeep patungo sa sakayan ng bus pa-Maynila.
Sa terminal siya inabutan ng pera ni Aling Ising na magagamit niya para sa kaniyang pagsisimula.
"Aalagaan mo ang sarili mo anak, heto ang pera, gamitin mo ito para sa pagbabagong buhay mo," anito habang nag-uulap ang mga mata na nakatitig sa kaniya.
Ayaw man niyang tanggapin ang perang iyon na alam niyang pinag-ipunan nang matagal ng matanda ay napilitan parin si Mia. Katulad ng sinabi niya kanina. Wala siya kahit isang kusing sa kaniyang pitaka.
"Heto ang numero ng telepono ng pamangkin ko, tawagan mo ako kung may kailangan ka," anitong sunod na iniabot naman sa kaniya ang isang maliit na papel kung saan nakasulat ang isang cellphone number.
Tumango si Mia saka naiiyak na niyakap ang matanda. "Mababayaran ko rin po kayo, pangako," ang tinutukoy niya ay ang pera na iniabot sa kaniya ni Aling Ising na sa tantiya niya ay nasa mahigit sampung libong piso.
Umiling ang matanda. "Maging maayos ka lang, iyon lang at magiging masaya na ako. Sige na baka maiwan ka pa ng bus," pagtataboy pa nito sa kanya saka pilit na ngumiti.
Huminga ng malalim si Mia saka minabuting tumalikod na para sumakay ng bus. Pero hindi parin niya natiis. Si Aling Ising lamang ang naging kakampi niya sa loob ng napakatagal na panahon. Ito ang nagsilbing nanay niya na gumagamot sa lahat ng sugat at pasa na nakukuha niya mula kay Bernie.
Kaya naman binalikan niya ang matanda saka humahagulhol ng iyak na yumakap ng mahigpit rito.
"Magiging maayos rin ang lahat sa buhay mo. At alam ko magkikita pa tayo," anitong umiiyak rin habang marahan na hinahaplos ang kaniyang likuran.
"Nay, nanay," anga mga salitang namutawi sa labi ni Mia.
Sabik na sabik siya sa pagmamahal at pagkalinga ng isang ina. At mula nang mawala ang Nanay Rosita niya ay si Aling Ising na ang tumayong magulang niya.
Noon kumalas sa pagkakayakap sa niya ang matanda. Saka pagkatapos ay hinaplos nito ang pisngi niya na hanggang ngayon ay namamaga parin dahil sa malakas na sampal na pinadapo roon ni Bernie.
"Magkikita pa tayo, tawagan mo ako. Mahal na mahal kita anak ko. Palagi mong tatandaan iyan," anito saka siya hinalikan sa noo.
Noon maluwag ang dibdib na sumakay na nga ng bus si Mia paluwas ng Maynila. Alam niyang sa gagawin niyang ito ay maraming pwedeng mangyari. Pwedeng maganda, pwedeng hindi maganda. Pero sa lahat ng iyon, isa lang ang gusto niya. Ang makuha ang kapayapaan ng isip na matagal nang nawala sa kaniya.
NAPANGITI si Erik habang pinagmamasdan ang picture ng babaeng may ari ng Facebook profile na kaniyang tinitingnan. Walang iba kundi si Nadine.Noon tahimik na pinakiramdaman ng binata ang kaniyang sarili.Nasasaktan parin ba siya?Muli siyang napangiti saka pinatay ang kaniyang laptop.Mas
MALAPIT nang dumilim nang makarating ng Maynila si Mia. Kung hindi sana siya naipit sa traffic, marahil hindi siya inabot ng ganitong oras sa byahe. SA labas ng lumang bahay nanatiling nakatayo si Mia habang tahimik na nakamasid doon. Matagal na panahon narin ang lumipas pero nararamdaman parin niya ang tila maliit na kurot sa kaniyang puso habang nakatingala sa kung tutuusin ay malaking bahay na nakatayo sa kaniyang harapan. Noon kumilos si Mia saka itinulak pabukas ang kinakalawang na gate ng bahay. Alam niyang bukas marami sa mga kapitbahay niya ang magtatanong kung bakit biglaan an
SA sala siya pinatuloy ni Erik para doon nila ituloy ang pag-uusap. Matapos siyang paupuin ay nagtuloy sa kusina ang binata. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik rin ito na may dalang isang baso ng malamig na orange juice at isang platito ng buttered cookies."Paninda iyang ng kasama ko sa trabaho. Tikman mo, masarap," alok nito sa kanya na ang tinitukoy ay ang mga cookies sa platito.Tumango si Mia saka nakangiting kumuha ng isa. "Masarap nga," aniyang biglang nakaramdam ng gutom kaya nang maubos niya iyon ay kumuha siya ng isa pa.
KATULAD ng sinabi ni Erik, kumain sila ng masarap dahil sa isang mamahalin na buffet restaurant siya nito dinala. Noon una ay alangan pa siya dahil narin sa suot niyang simpleng walking shorts at tshirt. Pero nang sabihin sa kanya ng binata na okay ang outfit niya ay hindi na siya nagprotesta pa."Salamat sa masarap na hapunan," aniya nang ibaba siya ni Erik sa tapat mismo ng bahay niya.Tumango ito. "Paano, see you tomorrow? Sunduin kita para hindi ka na maglakad?" tanong nito.
"NAY, may good news ako sa inyo," nang abutan ni Mia ang kaniyang Nanay Rosita na abala sa pagdidilig ng mga tanim nitong ornamental plants sa kanilang bakuran.Katulad ng dati, itinulak ng dalaga ang bakal na gate saka nagmano sa kaniyang kinikilalang ina nang makalapit rito."Alam ko na, nabanggit na sa akin nung kaklase mo," anitong nakangiti siyang pinagmasdan.
"ALISna po ako," paalam ni Mia sa nanay niya isang umaga at papasok na siya sa eskwela.Tumango ang kaniyang Nanay Rosita. "Mag-iingat ka," anitong hinalikan pa siya sa kaniyang noo.Ngumiti lang si Mia saka tumango at pagkatapos ay lumabas na nang gate. Hindi
PRESENT DAY...KATULAD ng napagkasunduan nila kagabi, sagot niya ang kape.Hindi alam ni Mia kung excited lang siya para sa almusal na pagsasaluhan nila ni Erik. Isama pa ang katotohanan na ito ang nag-set noon kaya kanina pa magaan ang pakiramdam niya.Nahirapan pa nga siyang makatulog dahil sa kakaisip ng masayang tagpo na nangyari sa pagitan nilang dalawa na noong kabataan niya ay hindi ibinigay sa kanila ng pagkakataon.
SAKTO sa sinabing oras ni Erik nang dumating ito para sunduin siya. Hindi alintana ang mga kapitbahay niyang nakamasid sa kanya ay sumakay siya sa dalang sasakyan ng binata."Ikaw na ang bahala ah," si Erik nang maikabit niya ang seatbelt.Nagsalubong ang mga kilay ni Mia sa sinabing iyon ni Erik dahil sa pagtataka. "A-Ano?" naguguluhan niyang tanong.Tumawa ng mahina si Erik. "Ikaw ang babae, kaya mas marami kang alam kaysa sa akin sa pag-aayos ng babay. Kaya ikaw na ang bahala
“ERIK? Tama ba?” Marahil nang makaramdam na rin si Nathaniel ay ito na ang unang lumapit sa kanyang nobyo. “Ako nga pala si Nathaniel, kapatid ni Mia,” anitong hindi na nagpaliguy-ligoy pa sabay abot ng kamay nito sa kanyang nobyo. Sa puntong iyon ay muling tiningala ni Mia ang mukha ng nobyo. Kaya naman kitang-kita niya ang mabilis na pagbabago ng aura ni Erik saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Nathaniel. “Oo, would you believe it, may kuya pala ako?” aniyang muling impit na napahagikhik. “Tapos ikaw naman magseselos ka nalang ng hindi ako tinatanong?” dugtong pa niya saka niyakap muli ng mahigpit si Erik. Noon siya mahigpit munang niyakap ni Erik saka pagkatapos ay pinakawalan at walang anumang salitang siniil ng mariing halik sa kanyang mga labi. Hindi alintana ang mga taong alam niyang nakakakita sa kanila ay nagawang iparamdam sa kanya ng binata kung gaano katindi ang pananabik na mayroon ito para sa kanya. “Halika na sa loob?” anito pa ng nakangiti habang nangingislap ang
“BAKIT hindi mo tawagan si Mia, para naman may ideya siya tungkol sa pagdating natin,” suhestiyon kay Erik ng ama niyang si Fidel.Nasa byahe na sila noon patungo ng probinsya. At dahil nga nasa walo hanggang sampung oras ang biyahe. Alas kuwatro pa lamang ng madaling araw ay nasa daan na sila.“Hindi ko alam ang number niya, Tay. Ang totoo, hindi ko sure kung nagpalit ba siya ng numero o pirming nakapatay lang ang phone niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin.”“Kunsabagay, baka mas mainam na rin ang ganitong wala siyang ideya na darating ka. Mas masosorpresa siya,” sagot naman ng kanyang ina na sa backseat ng sasakyan nakaupo.*****“MAY problema tayo, Mia,” si Nathaniel iyon na sumilip sa pintuan ng kanyang silid.“Problema?” tanong ni Mia sa kapatid niya.Abala siya noon sa pag-aayos ng mga gamit niya. Babalik na siya ng Maynila at ihahatid na siya ni Nathaniel kasama rin sina Tiya Ising at maging si Elena.“Hindi ako pinayagang hindi pumasok ngayon eh.
“HINDI ka na pwedeng bumiyahe ngayon pa-probinsya, hijo. Masyadong malayo, nasa walong ang biyahe kung tutuusin.”Si Aurora iyon nang nasa byahe na sila pauwi.Ngayon alam na niya kung saan matatagpuan si Mia, hindi na niya gustong mag-aksaya pa ng kahit kaunti panahon. Masyado na siyang nasasabik na makita ito. Gusto na niyang iuwi ang dalaga para maalagaan lalo na sa kundisyon nito.“Nay, hindi ko na mahihintay pa ang bukas. Gusto ko ng makita si Mia,” sagot niya habang pinanatiling nakatuon sa kalsada ang kanyang paningin.“Pero anak, kahit magpahinga ka naman muna,” si Fidel naman iyon. “At isa pa, gusto rin sana naming samahan ka. Kaming dalawa ng nanay mo,” dugtong pa nito.Hindi napigilan ni Erik ang kasiyahang pumuno ng mabilis sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng kanyang ama. Kaya naman hindi na rin niya naitago pa ang nararamdaman iyon nang humalo sa tono ng kanyang boses nang siya ay magsalita.“Talaga, Tay?” tanong pa niya saka sandaling nilingon ang kanyang ama.Narinig
“E-ELENA?”Nang marahil makilala ni Tiya Ising ang babaeng noon ay abala sa pagsasampay ng mga kubre kama sa likurang bahaging iyon ng ampunan.Hindi pa man ay nakaramdam na ng mabilis na pagtahip sa kanyang dibdib si Mia. Pagkatapos ay tiningala niya ang kapatid na si Nathaniel. Nagtatanong na ang mga mata niya itong tinitigan. At nang marahil makuha nito ang ibig sabihin ng pagtitig niya ay nagkibit lamang ito ng mga balikat.“A-Ate Ising?”Ang babaeng tinawag kanina ni Tiya Ising sa pangalang Elena ang sumagot.“S-Sino po siya, Sister Cecilia?” nang hindi makatiis si Mia ay iyon na nga ang itinanong niya sa kasamang madre.“Siya ang babaeng nag-iwan sa inyo ng kuya mo dito sa ampunang ito maraming taon na ang nakalilipas,” sagot nito sa kanya saka siya mabait na nginitian.Nagulat o nasorpresa?Hindi matukoy ni Mia kung alin sa dalawa ang naging mas dominanteng emosyon sa puso niya.Hindi rin siya agad na nakapagsalita dahil nanatili siyang nakatitig lang sa babae.Katulad ng nangy
“MA’AM Eden, may naghahanap po sa inyo.”Iyon ang narinig na Bernie na sinabi ng kasambahay na si Lita sa ina niyang noon ay abalang nagdidilig ng halaman sa garden ng kanilang bahay sa Maynila.“Sino?” iyon ang itinanong nito saka lumingon sa kanila at mabilis na natigilan nang makilala siya. “A-Anak?” anitong mabilis na binitiwan ang hawak na hose saka siya nilapitan at mahigpit na niyakap.“M-Mama,” iyon ang tanging nasambit niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang ina. “M-Miss na miss ko kayo,” aniya pang tuluyan na ngang napaiyak.Ilang sandali pa at niyakag na siya ni Eden sa loob ng kanilang bahay. “Lita, maghanda ka ng makakain,” anitong hinaplos ang mukha niya pagkatapos.“Ano bang nangyari anak? Bakit ka tumakas?” ang masinsin nitong tanong sa kanya nang makapag-solo sila sa sala.Agad na iginala ni Bernie ang paningin niya sa loob ng malawak nilang kabahayan. “Ang Papa? Nasaan siya?” tanong niya nang mabigong makita ang hinahanap.“Nag-grocery siya. Mulan ang mabal
“NAY, patawarin ninyo ako kung nasaktan at pinahirapan ko kayo,” ani Erik na ginagap ang kamay ni Aurora.Sa ginawa niyang iyon ay naging mabilis ang pagbalong ng mga luha ni Aurora.“P-patawarin mo rin sana ako. Kaming dalawa ng tatay mo,” anitong tinapik-tapik ang kamay niya.Nakangiting tumango lang si Erik. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya saka mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Fidel na ngumiti lang sa kanya.Simpleng ngiti man iyon pero alam ni Erik na malalim ang kahulugan niyon.Sa isang iglap, masasabi ni Erik na nabawasan ang bigat sa dibdib niya na matagal na niyang dala-dala. At hindi niya maikakailang dahil iyon sa ginawa niyang pagpapatawad sa kanyang ina.Oo, mahal niya ang mga magulang niya. At ngayong isa na rin siyang ama kahit kung tutuusin ay hindi pa naman naisisilang ang anak nila ni Mia. Nagkaroon na siya ng mas malalim na pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. Dahilan kaya hindi siya nahirapang unawain ang lahat ng nagawa
“MINSAN naiisip ko, siguro kung hindi namatay si Nanay Rosita, o kaya kung may kapatid ako, baka hindi nangyayari sa akin ang ganoon. Kasi sure ako na may magtatanggol sa akin,” ani Mia nang matapos siya sa pagkukuwento. Kasabay ng pagtatapos ng kanyang pagsasalaysay ay ang mabilis na naging epekto sa kanya ng lahat ng mga pangyayari. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pero sa kabila ng katotohanang gustong-gusto na nga niyang umiyak at pakawalan ang kanyang emosyon ay nagawa pa rin niyang magpigil. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Nathaniel sa kanya. Noon niya nilingon ang binata saka mapait na nginitian. “Ampon lang ako, Kuya.” Sa kalaunan ay minabuti na rin niyang aminin sa binata ang totoo. Tutal nagawa na rin naman niyang isalaysay rito ang tunay na dahilan kung bakit siya nandoon ngayon. “Napulot lang ako, iyon ang totoo,” aniyang sinimulan na ngang isalaysay kay Nathaniel kung ano ang kwento ng buhay niya. Kung ano at sino ang natatandaan niyang unang umampon sa
“MABUTI na rin iyong naisip ni Erik na bumalik sa trabaho. Kahit pa kasi sabihin mong bonggang mayaman ang magiging bayaw namin eh kailangan pa rin niyang kumayod. Aba, sayang naman ang kita! Hindi ba Rosanna?” Iyon ang malakas na patutsada ni Dahlia nang araw na iyon. Dinalaw siya ng mga ito dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula nang makalabas siya ng ospital.“Oo naman. Teka nga, Mia. Kumusta naman kayong dalawa ng magiging biyenan mo?” si Rosanna na sandaling inayunan ang tinuran ni Dahlia bago siya hinarap.Tinutulungan siya ng mga ito sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin niyang Kare-Kare para sa pananghalian. Nagsabi kasi si Erik sa kanya na magha-half day lamang ngayon araw sa opisina at sa bahay na itutuloy ang iba pa nitong mga trabaho. Sa totoo lang hindi niya maunawaan ang binata kung bakit mula ng makalabas siya sa ospital ay labis na pag-aalaga na lamang ang ginagawa nito sa kanya. Parang gusto na nga rin niyang mag-isip kung minsan na alam na nito ang tungk
MALAYANG namalas ni Mia ang kahubaran ng lalaking pakakasalan niya habang isa-isang nitong inuubos alisin maging ang pinakamaliit na saplot nito sa katawan. Napakasarap pagmasdan ni Erik habang ginagawa nito ng ganoon. Habang siya, pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay labis na pinagpapala. Dahil sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay ng lalaking ito. Siya ang pinili nitong alukin ng kasal.Humaplos sa puso ni Mia ang naisip. Nang makita niyang kumilos na ang binata para halikan siya ay malaya at buong pagmamahal niyang sinalubong iyon. Tinugon niya ang mga halik ni Erik sa kanya sa paraang tila ba mas uhaw pa siya kaysa rito. At iyon na nga ang dahilan kaya tuluyan siyang nawala sa sarili niyang katinuan. Ang muling ginawang banayad na paghipo ni Erik sa kanyang kasarian ang nagbigay daan sa paglalandas na naman ng isang pinong ungol sa lalamunan niya.Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi. Habang ang kamay ni Erik na nasa pagitan ng kanyang mga hita ay sinimulan siyang b