Home / Romance / STILL, LOVING YOU / Kabanata 3 Pagtitiis

Share

Kabanata 3 Pagtitiis

last update Huling Na-update: 2023-10-03 22:07:13

BHELLE:

NANGINGINIG ANG katawan ko na pumara ng taxi pabalik ng apartment ko. Bahala na bukas kung mapapagalitan ako ni Tyrone. May valid reason naman ako kung bakit hindi ako nakapasok ngayon..Isa pa ay kasalanan din niya kung bakit nagka-aberya. ako sa unang araw ko sa trabaho.

Kung sana isinabay niya ako. O kaya ay hindi niya ako binuhusan doon ng tubig? Maayos sana ang unang araw ko sa kanya. Pero hindi.

Panay ang pagpahid ko sa luha kong nagsisilaglagan sa mga mata ko.

Paano niya ba naatim gawin sa akin 'yon?

Napa-iling-iling ako na pilit ngumiti at pinatahan ang sarili.

Pagdating ko ng apartment ay nagulat ako na nandidito ang sportcar nito. Nakasandal siya sa harapan ng bumper na nakahalukipkip. Tila naiinip na hinihintay ako.

Naglakad ako na parang normal lang ang lahat. Kahit pakiramdam ko ay bibigay na ang mga tuhod kong nangangatog. Hindi ko alam kung dahil sa kaba na kaharap ito ngayong O dahil sa nilalamig na ako at damang nanghihina ang katawan.. Magkakasakit pa yata ako nito. Nakakainis.

"Bakit ka nandito?" casual kong taking.

Bakit ba? Nasa labas naman kami. Kay's walang rason na maging magalang ako sa kanya. Sa kabila ng ginawa nito sa akin ngayong ARAW? Pinatunayan lang niyang tama ang naging desisyon ko noon. Na hindi na maghabol pa sa kanya.

Pinasadaan ako nito ng nang-uuyam na tingin mula ulo hanggang paa na napapangisi. Napakuyom ako ng kamao. Pinipigilan ang sariling magalit at masigawan ito.

"Hindi ba dapat sa kumpanya ka tumuloy, hmm? Office hours pa lang sa pagkakaalam ko, Mis Bhelle Alonte" tila nang-aasar nitong ganong.

Matapang kong sinalubong ang mga mats nitong napakalamig kung tumitig. Nagtaas ito ng kilay na tila hindi inaasahang kaya kong maging matapang at palaban sa harapan nito.

"May mga mata ka naman, Mr Tyrone Del Mundo, hindi ba?" baliktanong kong sarkastiko ang tono.

"Nakikita mo naman ang itsura ko. Tinatanong pa ba kung bakit ako napauwi na wala sa oras? Oh, pasensiya na po kayo, your highness. May bastos kasing walang modong nilalang ang imbes na tulungan akong makatayo kanina sa restaurant ay ipinahiya at binuhusan ako ng tubig. Kay's heto, basang-basa ako na parang sisiw" sarkastikong saad ko na ikinangisi lang nito.

Napairap ako dito na tinalikuran na dahil sa pag-alpasan ng mga butil-butil kong luha. Hindi naman na ito sumagot at narinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng kotse nito kasunod ang pagpaharurot nito palayo.

Napatakip ako ng palad sa bibig na hindi ko na mapigilan pang mapahagulhol.

Patakbo akong umakyak ng hagdanan sa third floor kung saan ang apartment na tinutuluyan ko.

Padapa akong bumagsak ng kama na humahagulhol. Sobrang sama ng loob ko na hindi ko naman mailabas. Galit ako sa ginawa niyang pagpapahiya sa akin. Pero wala akong lakas ng loob para sumbatan ito at banggahin.

Lalong-lalo na ang kalabanin siya ng harap-harapan.

Nakatulugan. ko ang pag-iyak. Nagising ako na nanginginig ang buong katawan sa lamig at inaapoy ng lagnat!!

Nanghihina kong hinila ang kumot na ipinambalot ko sa katawan ko. Natuyuan na tuloy ako ng basang damit ko kanina.

Sobrang kirot ng ulo ko na parang inaatake ako ng migraine! Wala pa naman akong gamot dito para sa lagnat. Wala ding mautusan na maaaring pakisuyuhan para bumili ng gamot ko sa labas.

KINABUKASAN AY mas lumala pa ang lagnat ko. Na halos hindi na makabangon ng kama para mag-banyo. Nanginginig ang katawan at nanlalambot ang mga tuhod ko. Umiikot ang paningin ko na dama ang panlalata.

Nangangatal ang kamay ko na inabot ang cellphone ko sa gilid ng kama na marinig ang pag-ring nito.

"Hello?" mahinang sagot ko na napapapikit.

"Where the hell are you, ha?! Wala ka bang orasan?! Hindi mo ba alam kung anong oras na!?" magkakasunod na bulyaw nito sa kabilang linya.

Nailayo ko ang cellphone ko sa tainga sa lakas ng sigaw nito. Galit na galit ang tono. Napahinga ako ng malalim.

"Nasa apartment pa rin ako. Pasensiya na. Hindi ako makakapasok--"

"Be here in thirty minutes, Mis Bhelle Alonte. Or else, mawawalan ka ng trabaho!" asik nito na hindi manlang pinatapos ang ipaliwanag ko.

Napatampal ako sa noo. Sobrang taas pa rin ng lagnat ko. Pero wala naman akong pamimilian. Ayokong mawalan ng trabaho dahil nakasalalay sa akin ang pag-aaral ng dalawang nakababata kong kapatid sa probinsya namin.

Mangiyak-ngiyak ako na pilit bumangon at inayos ang sarili. Kahit nanginginig at umiikot ang paningin ko ay bumyahe ako patungong kumpanya nito.

Siya ang boss ko. Hindi ako pwedeng makipagtigasan dito. Dahil ako ang talo. Mawawalan ako ng trabaho. At matitigil sa pag-aaral ang mga kapatid ko. At 'yon ang hindi ko hahayaang mangyari.

Kahit paano ay maayos naman akong nakarating ng opisina nito kahit para na akong lumulutang. Nakayakap sa sarili kahit balot na balot ang itsura.

"S-Sir"

Napaangat ito ng mukha na bahagyang salubong and mga kilay nitong pinagdaanan ang kabuoan ko ng nang-iinsultong tingin. Nanatili akong nakatayo sa harapan nito. Kahit pakiramdam ko ay mabubuwal na ako anumang oras.

"What are you waiting for? Hurry up! Do your job!"" asik nito na ikinatango ko lang.

Bagsak ang balikat na nagtungo ako ng cubicle ko. Napasapo ako sa ulo na lalong umiikot ang paningin ko na humarap sa screen ng computer!

Dama ko naman ang panakanakang pagsulyap nito na hindi ko na lamang pinapansin.

Inayos ko ang mga naka-schedule ditong mga meeting at iba pa.

Lalo namang nanginginig ang katawan ko sa lamig na binubuga ng aircon dito sa opisina. Pero wala naman akong karapatan na magreklamo o kahit hinaan ito dahil katulad ng sinabi nito.

Siya ang boss. Ako ay isang empleyado lang nito

Nang maayos ko na ang mga schedule nito ay napayuko na ako. Hindi ko na kaya ang pagkirot ng ulo at pag-ikot ng paningin! Maging ang katawan ko ay parang naninigas na sa lamig!

Napapitlag ako sa biglang paghampas ng kung sino sa lamesa ko! Pupungas-pungas pa akong napaayos ng upo na napatingala dito.

Ang galit na mukha lang naman ni Tyrone ang bumungad sa umiikot kong paningin!

"S-Sir" halos namamaos ang boses na sambit ko.

"What do you think you're doing, ha!? Magtrabaho ka!" singhal nito na nagpantig ang panga at kuyom ang kamao.

"O-opo.... pasensiya na. Nahihilo na kasi ako, Sir" paumanhin ko na nanginginig ang boses.

"I don't fūcking care, Mis Bhelle Alonte. . Binabayaran kita ng tama kaya kaya gawing mo ng maayos ang trabaho mo! Hindi ko kailangan ng tamad at oportunistang empleyado dito!" singhal pa nito na parang mabangis na tigre ang mga mata.

Tumulo ang luha ko na napayuko. Umalis ito na pabalang ibinagsak ang pintuan.

Mapait akong napangiti na nagpahid ng luha. Mariin akong napapikit na napapahilot ng sentido.

"Kaya mo ito, Bhelle. Dalawang buwan. Dalawang buwan lang naman ang titiisin mo sa kumag na Del Mundo na 'yon"

Kaugnay na kabanata

  • STILL, LOVING YOU   Kabanata 4 bestfriend

    BHELLE:MABUTI NA LANG at may naging kaibigan na ako dito sa company ni Tyrone na mautusan kong ibili ako ng makakain at gamot. Si Aubrey.Awang-awa ito sa akin pero maging siya ay wala namang magagawa para pakiusapan si Tyrone na pauwiin na muna ako at hayaang makapagpahinga ng maayos."Kumusta? Nahihilo ka pa ba?" nag-aalalang tanong nito.Pilit akong ngumiti na marahang umiling."Mas okay na, kaysa kanina. Salamat talaga, Aubrey" saad ko na ikinangiti nitong hinahaplos ako sa ulo."Walang anuman, Bhelle. Basta kapag kailangan mo ng tulong ko? Magsabi ka lang" saad pa nito.LUMIPAS ANG buong araw na nairaos ko naman kahit paano ang trabaho ko. Kahit palagi akong sinisigawan ni Tyrone na pinapahiya ako ay hinahayaan ko na lamang. Pagod na pagod na ang katawan ko para makipagtalo pa dito. Wala din naman akong panama sa kanya dahil lagi niyang pinapamukhang mababang uring tao lang ako, kumpara sa isang katulad niya. At tama naman siya sa sinaad niyang iyon. Isa siyang multi-million are

    Huling Na-update : 2023-10-04
  • STILL, LOVING YOU   Kabanata 5 Fiancee

    BHELLE:HINDI NGA nagbibiro si Zayn sa sinaad nitong lilipat ako sa kanyang unit. Pinasundo niya kaagad ang mga gamit ko na ipinalipat sa unit nito. Tanging mga damit lang ang pinakuha dahil kumpleto naman na siya ng gamit sa unit niya. Sa Montereal's condominium building.Isa ang condominium na ito ang pinakamahal at pinakamagara dito sa syudad na unit. Mga kilala at sikat na tao ang halos nakatira sito. Kay's naman nakakalula na dito titira ang isang katulad ko. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay dito.May ngiti sa mga labi na ibinagsak ko ang katawan sa malaking kama na sobrang lambot. Napaka-komportable sa pakiramdam ang ginhawang hatid nito. Napapawi kaagad ang pagod ng katawan ko sa maghapon at agad hinihila ng antok!Matapos masiguro ni Zayn na maayos na ako dito ay saka na siya nagpaalam. Nakabakasyon lang pala siya dito sa bansa. International model kasi ito kaya madalas ay sa France ito naglalagi.Dati na niyang pangarap iyon. Ang maging international model. At ngayon ay

    Huling Na-update : 2023-10-05
  • STILL, LOVING YOU   Kabanata 6 Pagsisisi

    BHELLE:LALONG NALUKOT ang mukha ni Tyrone sa narii na sinaad ni Zayn dito. Iginiya ako ni Zayn sa sala na inalalayang maupo sa sofa. Nanginginig na kasi ang katawan ko dala ng nerbyos! Hindi ko naman akalaing nandidito pala si Tyrone!"Hey, relax. You're shaking" bulong nito na hinahaplos ako sa likod."Z-Zayn, bakit nandidito siya?" pabulong tanong ko.Napakibit-balikat naman ito na napahinga ng malalim. Maya pa'y sumunod si Tyrone sa amin na pabalang naupo sa harapan namin ni Zayn. Nagdekwatro pa ito na matamang kaming pinakatitigan. Naniningkit ang mga mata na napasulyap sa kamay ni Zayn na nakaakbay sa akin. Hindi ko naman ito maalis. "What are you doing here, Tyrone? Kailan ka pa nagkaroon ng dublicate key ko dito?" tanong ni Zayn na ikinanguso nitong pinapakibot-kibot pa."I have my own ways. Isa pa, anong ginagawa ng gold digger na 'yan dito?" saad nitong ikinanigas ko sa kinauupuan. Naramdaman naman ni Zayn ang reaction ng katawan ko sa sinaad ng pinsan nitong nang-uuyam an

    Huling Na-update : 2023-10-06
  • STILL, LOVING YOU   Kabanata 7 resignation letter

    BHELLE:MATAPOS KONG makalma ang sarili ay gumayak na rin ako papasok ng kumpanya ni Tyrone. Hindi para magtrabaho kundi para bumitaw na sa trabaho ko.Buo na ang pasya ko. Magre-resign na ako sa kumpanya niya bilang kanyang secretary. Hindi ko na kayang makasalamuha pa ang isang katulad niya. Lalong-lalo na ang pagsilbihan siya. May karapatan naman akong umalis. Lalo na at substitute lang naman ako doon. Pero dahil sa ilang beses niyang pamamahiya at pagpapahirap sa akin na namemersonal na? Wala ng rason para manatili ako sa kanya. Bahala siyang maghanap ng bagong secretary niya. Total magaling naman siya e. Magaling mangpahiya, magparatang, mangutya at mang-insulto. Hindi ko na siya kinakaya. Tama na. Walang rason para magtiis ako sa isang boss na katulad niya.Kuyom ang kamao na lakas loob akong pumasok ng opisina nito. Naabutan ko naman siya sa kanyang swivel chair. Kunot ang noo na nakatutok sa kanyang laptop habang may mga folders na pinipirmahan sa harapan nito.Naramdaman na

    Huling Na-update : 2023-10-07
  • STILL, LOVING YOU   Chapter 8 No Choice

    BHELLE:KUYOM ang kamao na nagtungo ako sa TDM's Corporation. Kung magpapatuloy na haharangin ako ng tukmol na Tyrone? Mamumulubi ako. Hindi ako pwedeng maubusan ng pera dahil may pamilya akong umaasa sa padala ko. "Good morning, Ma'am Bhelle." Pilit akong ngumiti na tinanguhan si Manong guard na pinagbuksan ako ng pinto. Tumuloy ako sa front desk kung saan naroon si Audrey. Namilog ang mga mata nito na kaagad lumabas ng pwesto na makita ako."Belle!""Hi," kiming bati ko.Natatawa akong sinalubong ang yakap nito na napahikbi pa sa balikat ko. Hinagod-hagod ko ito sa likuran para aluhin dahil para na itong batang umatungal sa balikat ko. "Bagbabalik ka na ba? Mas nakakatakot pa si boss magmula noong umalis ka. Kahit kami ay pinag-iinitan niya," humihikbing saad nito.Pilit akong ngumiti na pinahid ang luha nitong napapalabi sa harapan ko."Speaking of the tukmol. Nandidito ba ang Del Mundo na 'yon, bes?" tanong ko na nanggigigil ang tono."Oo. Halos dito naman na iyon nakatira sa k

    Huling Na-update : 2023-12-06
  • STILL, LOVING YOU   Chapter 9 First Encounter

    BHELLE:MAPAIT akong napangiti na nakatanaw sa malayo. Nasa apartment na ako at naipadala na ang perang kakailanganin nila Nanay sa hospital. Nasa 100 thousand din ang inilabas ko para hindi na sila mamroblema sa mga gastusin nila. 'Di bale ng ako lang ang mahirapan sa aming pamilya. Hwag na sila.Pasado hating gabi na rin. Malamig ang simoy ng hangin at tahimik na ang paligid. Pero kahit anong gawin ko ay hindi naman ako makatulog. Hinihintay ko kasing tumawag sa akin si Tyrone. Pero maski text message ay wala naman itong pinadala. Nappabuga ako ng hangin na napahingang malalim. Kinakabahan din ako sa hihingin niyang kapalit para makabayad ako sa kanya. Pero ang gumugulo sa isipan ko? Ang perang tinutukoy nito na nakuha ko daw sa Tita Cathleen nito. Paano naman kaya nangyari iyon? Na humingi ako ng pera sa Tita niya? Ni hindi ko pa nga nakakaharap ang kahit sino sa angkan niya. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung gumagawa lang ba siya ng kwento para may rason siyang pahirapan, sakt

    Huling Na-update : 2023-12-06
  • STILL, LOVING YOU   Chapter 10 Burol

    BHELLE:NAPASINGHAP ako na parang napapasong binawi ang kamay ko na maramdamang marahan niya iyong pinisil. Para akong nakuryente sa simpleng pagpisil niyang iyon lalo na't napakatiim niyang tumitig. "B-Bhelle po," nauutal kong sagot.Nag-iwas na ako ng tingin dito dahil para akong malulusaw. Hindi ko matagalang makipagtitigan sa kanya. Napakaganda ng kanyang mga mata na nanghihipnotismo. Na kahit sinong babae ay kusang mapapasunod sa mga iyon."Bhelle. Uhm. . . nice name," paanas nito na may ngiti sa mga labi.Pilit akong nagbawi ng tingin dito na mahinang natawa. Ang sarap sa pandinig ng tawa nito na kahit may pagka-antipatiko siyang tignan. "Hello, beautiful. I'm Typhus," ani ng isa pang baritonong boses.Napalingon ako dito na napakurap-kurap dahil iisa lang ang mukha nila. . . nung nagngangalang Tyrone!Nagkatawanan naman ang mga ito na makita ang reaction kong palipat-lipat ng tingin kay Tyrone at Typhus na ngayo'y hawak-hawak na ang kamay ko! "We're identical twins, sweethea

    Huling Na-update : 2023-12-08
  • STILL, LOVING YOU   Chapter 11 Kiss

    BHELLE:PAGDATING namin sa burol ay inalalayan pa ako nitong makababa sa kanyang bigbike. Namamangha itong iginala ang paningin sa kapaligiran.Tahimik kasi dito. May isang malaking puno ng mangga na nadidito sa taas ng burol. Tanaw mula dito ang malawak na bayan. At dahil gabi ngayon? Napakagandang pagmasdan ang mga kailawan sa ibaba namin. Na parang mga bituing nagkukumpulan. Malamig ang simoy ng hangin at walang kabahayan. Kaya tanging mga kulisap lang ang naririnig mong ingay sa paligid. Mabuti na lang at bilog ang buwan ngayon. Nakadagdag ito sa ganda ng lugar. Wala na kasing street light dito kaya madilim ang lugar. Nagpamulsa ito na nakatanaw sa ibaba. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapatitig dito. Sa tangkad niyang lalake ay hanggang kili-kili niya lang ako. Para tuloy akong nananaginip sa mga sandaling ito na may kasamang mala-Greek-God ang itsura. Naupo ako na nagtanggal ng sandal. Mataas kasi ang takong ng sandal ko kaya nangangawit na ang paa ko. Napaupo na r

    Huling Na-update : 2023-12-08

Pinakabagong kabanata

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 21

    ISABELLA:LUMIPAS ang mga araw na naging mas magaan ang bawat araw na magkasama kami ni Typhus. Naging mas kampante at komportable ako sa piling nito na malamang siya ang kababata ko. Kahit nasa trabaho kami nito ay nanliligaw pa rin siya na tipong dinaig pa ang isang paslit sa kakulitan nito. Minsan ay nati-temp na rin akong sagutin ko siya dahil aminado naman akong nahuhulog na rin ang puso ko sa kanya. Na hindi ko nga namamalayang nakakahiligan ko na ring makahalikan ito sa araw-araw at oras-oras ba naman niyang pangmamanyak sa akin. Wala pa naman akong kawala sa tuwing ito ang. gumalaw. Ni hindi ako makatanggi sa pagtitig pa lang nito.Nakagat ko ang ibabang labi na nakahalukipkip habang nakatayo dito sa harapan ng glass wall ng opisina nito. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Napalunok ako na maramdamang bumukas ang pinto at may pumasok doon. Napapikit ako na pinakiramdaman ito. Hindi siya si Typhus. Sa prehensya at pabango niya pa lang ay kaagad kong na

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 20

    ISABELLA:NAKAHALUKIPKIP ako na nakamata sa mga nagtataasang building na kaharap ng opisina ni Typhus. Lumabas kasi ito saglit para ihatid sa baba ang dalawang kaibigan. Napapailing na lamang ako. "Bakit ba ako kinakabahan sa mga 'yon?" piping usal ko na naipilig ang ulo.Pakiramdam ko ay iniiiwas ako ni Typhus sa kanila. Na ayaw niyang naglalalapit ako sa mga taong 'yon. Napanguso ako na malayo ang tanaw nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ko. Napangiti akong napakapit sa braso niyang nasa tapat ng dibdib ko pumulupot habang nakasubsob ang baba sa balikat ko. "Okay ka lang?" malambing tanong nito."Okay lang." Kiming sagot kong nilingon ito.Napatitig ako sa mga mata nito na tila may kinakatakutan. Mababakas mo sa mga mata niya na hindi siya palagay na parang may tinatago siya sa akin.Pumihit ako paharap dito na ikinayapos naman nito sa baywang ko. Matiim akong napatitig sa kanyang mga mata na sinusubukang basahin ang reaction nito."May problema ba?" tanong nito

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 19

    TYPHUS:PANAY ang lunok ko na tila pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang ina ng babaeng pinakamamahal kong nakaratay sa kama. May mga galos pa rin ito at kitang hindi pa maayos ang kondisyon. Gusto ko sanang mailipat sila sa hospital namin pero tumanggi naman si Isabella. "Um, Typhus, siya ang Nanay Isabelle at Tatay Ian ko. Um. . . Tay, si Typhus po, ang boss ko," ani Isabella na ikinabalik ng ulirat ko."Ahem! Good day po, Sir, I'm Typhus Del Mundo, your daughter's. . . boss," pormal kong pagpapakilala na naglahad ng kamay sa ama nito.Saglit itong napasulyap sa kamay kong nakalahad na halos hindi ko ikahinga. Akmang babawiin ko na ang kamay ko na nahihiya pero inabot nito iyon na mahigpit na hinawakan. "Magandang araw din sa'yo, Sir. Pasensiya na kayo at dito pa tayo nagkakilanlan," magalang saad nitong ikinangiti ko."Wala ho ito, uhm. . . k-kumusta na ho si. . . si Ma'am?" nahihiyang tanong ko na napasulyap sa asawa nito.Napahinga ito ng malalim na hinaplos pa sa ulo a

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 18

    ISABELLA:NANGINGITI akong nakayakap dito habang pinagkakasya namin ang sarili dito sa kama ko. Nakakainis naman kasi ang lalakeng ito. Sa laki niyang tao ay halos akupado na niya ang buong kama kong pang dalawahang tao ang kasya. Nakakahiya naman kasing sa sala ko siya patulugin o sa sahig. Kahit nanliligaw pa lang siya sa akin ay nahihiya naman ako lalo na't alam ko naman kung anong uring tao siya at anong kinalakihan niya. Nakaunan ako sa braso nitong kay tigas habang magkaharap kami sa isa't-isa na magkayakap. Dinig na dinig ko na nga ang tibok ng puso nito, maging ng bawat paglunok niya. Nakakakilig din pala na may ganto kang karanasan. Kabado ako dahil ito ang unang beses na may lalake akong pinatuloy dito sa bahay at pinatulog ko pa dito sa silid ko. Kapag naabutan kami ni Tatay dito ay tiyak na malaking gulo. Pero alam ko namang matatagalan pa sila ni Nanay sa hospital kaya malakas ang loob kong patulugin si Typhus dito. "Still awake, baby?" bulong nito."Uhmm," tanging ungo

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 17

    ISABELLA:PARA akong nagliliyab sa sobrang init ng nadarama ko. Saka ko lang kasi na-realize kung gaano ka-intimate ng position namin ni Typhus. Nakatayo siya sa gitna ng mga hita ko habang nakaupo pa rin ako dito sa countertop at nakalingkis sa kanyang baywang ang mga binti ko. Nakalitaw na rin ang legs ko dahil sa pagkakalihis no'n. Nakakapit naman ito sa baywang ko at nakakapit ako sa kanyang magkabilaang balikat.Hindi ako makatingin sa mga mata niyang nag-aalab. Para akong nanghihina na hindi makaangal sa kanya sa tuwing napapatitig ako sa mga matang 'yon. Na lagi na lang nagpapawala ng puso ko. "Baby," anas nito.Katulad ko ay mabibigat na rin ang kanyang paghinga. Na tila hirap na hirap na rin siyang magpigil ng nadarama. Ayoko namang bumigay sa kanya. Wala pa kaming label at natatakot din ako na ma-turn-off ko siya na hindi na ako birhen. Alam niya noong una namin na birhen pa ako. Kaya sigurado akong nagi-expect itong birhen pa rin ako hanggang ngayon. Ayoko lang na may maka

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 16

    ISABELLA:HINDI pa man ako nakakasagot dito ay tuluyan ng lumapat ang mga labi nito sa aking labi na ikinanghina ng mga tuhod kong napayapos sa batok nito. Mas humigpit naman ang pagkakayapos nito na masuyong inaangkin ang mga labi ko habang paakyat ang elevator na kinasasakyan namin.Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na parang nawalan ako ng lakas para itulak ito o kaya ay umalma sa kanyang kalapastanganan na inaangkin na naman ang mga labi ko!Napasabunot ako dito at kusang naiawang ang bibig ko sa marahan niyang pagkagat sa ibabang labi kong ikinaungol ko. Hindi ko namamalayan na napapasunod na rin ako ditong tinutugon ang kanyang halik, na ikinauungol din nito at mas pinalalalim ang aming halikan!"Uhm. . . teka, kiss lang. Ang manyak mo talaga. May palamas talaga, ha?" naghahabol hiningang asik ko dito na napabungisngis sa pagtabig ko sa kamay nitong nilalamas lang naman ang kanang dibdib ko."Sorry about that, baby. Nakakagigil ka eh, hmm? You're improving," nakangising a

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 15

    ISABELLA:MATAPOS nitong ipaalam ang progress sa kaso ni Nanay ay magkasabay na kaming lumabas. Nagpaalam pa kasi ito na ihahatid na niya ako sa bahay na ikinasang-ayon nila Nanay at Tatay. Nangingiti ako habang dahan-dahan kaming naglalakad nito sa nadaanan naming parke. Maaga pa naman kaya pinagbigyan ko na lamang itong magpahangin na muna dito. Nagkakasagian kasi ang palad namin at ramdam kong kinakabahan ito. Ibang-iba talaga siya kay Typhus eh. Dahil kung si Typhus lang ang kasama ko sa gantong lugar na nagpapahangin? Tiyak na kung hindi 'yon nakaakbay sa akin ay nakayakap ito. Napailing na lamang ako na winaksi sa isipan ang hudas na 'yon. Bakit ko ba kasi siya naiisip?"Are you cold?" anito na malingunan akong napahalukipkip.Malamig na kasi ang gabi at humahangin hangin pa kaya nilalamig ako na nakasuot ng dress. Hindi pa man ako nakakasagot ay isinuot na nito sa akin ang kanyang makapal na jacket na lihim kong ikinangiti. "Thank you," aniko.Kumindat lang naman itong inakay

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 14

    ISABELLA:ILANG minuto ko ding inalo si Typhus na parang batang humahagulhol. Naiilang naman akong alamin kung anong problema. Tahimik akong pinapakiramdaman itong abala na sa trabaho. Maya't-maya ang tinatawagan na tungkol naman sa kumpanya ang pinag-uusapan. Naiilang tuloy ako dahil wala naman akong masyadong ginagawa dito sa cubicle ko, katabi ito. "Uhm, Sir? Kape po?" pormal kong tanong.Kahit naman kasi nagkaka palagayan na kami ng loob ay nakakahiya naman kung hindi ako magpaka-formal sa kanya eh nandidito kami sa opisina niya. Nilingon ako nito na pilit ngumiti."Yes, please?" malambing saad nitong ikinangiti kong tumayo sa desk ko."Thank you, baby," pahabol pa nito na ikinakindat ko na lamang.Habang nagtitimpla ng kape namin ay napapasulyap ako ditong abalang muli sa laptop at mga folder na nilalagdaan nito. Nawiwirduhan lang ako sa kanya ngayon. Hindi kasi siya makulit katulad ng inaasahan ko. Tila may malalim itong iniisip, napakaseryoso at tahimik nito. Naiilang tuloy a

  • STILL, LOVING YOU   Chapter 13

    TYPHUS:NAKABUSANGOT ako habang nakaupo sa sofa, dito sa mansion. Hinihintay ko ang magaling kong kapatid para makausap siya ng masinsinan. Gusto ko lang linawin kung anong ugnayan nila ni Isabella. Ayoko namang mag-agawan kami sa iisang babae. I know Dos very well. Nakatitiyak naman akong hindi niya rin ako matitiis. Isa pa ay masyado siyang abala sa buhay, kaya sa aming dalawa ay mas mabibigyan ko ng attention si Isabella.Ilang minuto lang ay dumating din ito na ikinatuwid ko sa pagkakaupo. Natigilan pa ito na mabungaran ako dito sa sala at hinihintay siya. "Kuya," anito.Sinenyasan ko naman siyang maupo na ikinasunod nito. Kunot ang noo nito na nakatitig sa akin at hinihintay ang sasabihin. "Ahem!" napapatikhim kong paninimula."Ano ba kasi 'yon, Kuya? Inaantok na ako," reklamo nito."It's about. . . Isabella," walang paligoy-ligoy kong saad.Hindi ko naman ito makitaan ng gulat na prenteng nakaupo lang sa harapan ko. Napapangisi pa ito na nakataas ang isang kilay. "What about

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status