BHELLE:NAPASINGHAP ako na parang napapasong binawi ang kamay ko na maramdamang marahan niya iyong pinisil. Para akong nakuryente sa simpleng pagpisil niyang iyon lalo na't napakatiim niyang tumitig. "B-Bhelle po," nauutal kong sagot.Nag-iwas na ako ng tingin dito dahil para akong malulusaw. Hindi ko matagalang makipagtitigan sa kanya. Napakaganda ng kanyang mga mata na nanghihipnotismo. Na kahit sinong babae ay kusang mapapasunod sa mga iyon."Bhelle. Uhm. . . nice name," paanas nito na may ngiti sa mga labi.Pilit akong nagbawi ng tingin dito na mahinang natawa. Ang sarap sa pandinig ng tawa nito na kahit may pagka-antipatiko siyang tignan. "Hello, beautiful. I'm Typhus," ani ng isa pang baritonong boses.Napalingon ako dito na napakurap-kurap dahil iisa lang ang mukha nila. . . nung nagngangalang Tyrone!Nagkatawanan naman ang mga ito na makita ang reaction kong palipat-lipat ng tingin kay Tyrone at Typhus na ngayo'y hawak-hawak na ang kamay ko! "We're identical twins, sweethea
BHELLE:PAGDATING namin sa burol ay inalalayan pa ako nitong makababa sa kanyang bigbike. Namamangha itong iginala ang paningin sa kapaligiran.Tahimik kasi dito. May isang malaking puno ng mangga na nadidito sa taas ng burol. Tanaw mula dito ang malawak na bayan. At dahil gabi ngayon? Napakagandang pagmasdan ang mga kailawan sa ibaba namin. Na parang mga bituing nagkukumpulan. Malamig ang simoy ng hangin at walang kabahayan. Kaya tanging mga kulisap lang ang naririnig mong ingay sa paligid. Mabuti na lang at bilog ang buwan ngayon. Nakadagdag ito sa ganda ng lugar. Wala na kasing street light dito kaya madilim ang lugar. Nagpamulsa ito na nakatanaw sa ibaba. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapatitig dito. Sa tangkad niyang lalake ay hanggang kili-kili niya lang ako. Para tuloy akong nananaginip sa mga sandaling ito na may kasamang mala-Greek-God ang itsura. Naupo ako na nagtanggal ng sandal. Mataas kasi ang takong ng sandal ko kaya nangangawit na ang paa ko. Napaupo na r
BHELLE:MARIIN akong napapikit habang nakakulong sa bisig nito. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Magsisi man ako ay tapos na. Naibigay ko na. Tumulo ang luha ko habang nakasiksik sa dibdib nito. Nakaunan ako sa kanyang braso habang hubo't-hubad kaming nakahiga sa ilalim ng puno. Mahigpit naman akong yakap-yakap nito na panay ang halik sa ulo ko habang hinahaplos ako sa likod. Sobrang kirot na naman ng kaselanan kong katatapos lang nitong wasakin. Hindi ko lubos akalaing ang simpleng halikan namin ay mauuwi sa pag-alay ko sa kanya sa virginity kong iniingat-ingatan ko sa loob ng dalawang dekada. Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako. Nagsisising ang tanga-tanga kong bumigay kaagad sa kanya. Na isang halik, isang yakap, isang ngiti at pangako niya lang ay heto. . . naipagkaloob ko na ang lahat-lahat sa akin sa kanya. Gayung wala pa naman akong pinanghahawakan sa kanya.Ni hindi ako sigurado kung totoong binata pa siya. O wala pang kasintahan gayung napakagwapo at yaman niya. Sa m
WARNING MATURED CONTENT! SKIP IF YOU'RE NOT COMFORTABLE READING A BEDSCENE.BHELLE:SUNOD-SUNOD akong napalunok na muling nilukob ng kakaibang bugso ng damdamin. Nagsimulang pamigatan ako ng paghinga habang marahan niya akong hinahagkan sa aking braso pataas sa aking balikat at leeg na ikinapikit ng aking mga mata.Kinakabahan ako dahil baka mamaya ay maabutan kami nito. Pero hindi ko naman mapigilan ang sarili kong. . . magustuhan ang pinapalasap nito.Napakapit ako sa kay tigas niyang braso na napatingala. An strange feeling started to burn inside me. Para akong nag-aapoy sa init at naghahangad ng mas higit! Alam kong mali na muling magpaalipin sa kanya pero hindi ko maawat ang puso at katawan ko na kusang napapasunod dito."T-Tyrone, uhm. . . ."Hindi ko mapigilang mapaungol at mapaliyad ng likuran habang painit nang painit ang aking nadarama. Napasabunot ako dito nang bumaba ang kanyang mga labi sa aking punong-dibdib. Kusang umangat ang likuran ko nang dahan-dahan nitong ibaba a
BHELLE:MAGHAPON akong nilagnat kaya hindi ako natuloy mag-abay sa kasal ni Moi. Kahit naman kasi pilitin ko ang sarili ay hindi ko kaya. Nangangatog ang mga tuhod ko at sobrang kirot ng buong katawan ko lalo na ang aking kaselanan. Kahit si Tyrone ay hindi na rin nag-abay at inalaagan na lang ako. Mabuti na lang at busy ang pamilya kong tumutulong kina Moi kaya hinayaan na nila si Tyrone na alagaan ako.Napakamaasikaso nito na hindi talaga ako tinantanan kakapunas sa akin hanggang hindi bumababa ang temperature ko. Ang sabi ni Benedict ay normal lang na lagnatin ako. Mabuti na lang at siya ang unang nagising. Siya ang tumulong kay Tyrone na makapuslit kaya wala pang kaalam-alam ang pamilya namin na dito sa bahay natulog si Tyrone. Higit sa lahat? Wala pang nakakahalata sa kanilang. . . naibigay ko na ang sarili dito."Sweetheart, kainin mo na muna 'to." Napadilat ako ng inaantok kong mga mata na pumasok ito ng silid. Lihim akong napangiti na may dala na naman siyang pagkain. Hindi k
BHELLE:MABAGAL lumipas ang mga araw. Sobrang hirap sa aking hinaharap ang paglipas ng mga sandali dahil si Tyrone lang ang naiisip ko. Kahit ilang araw pa lang ang nakakalipas noong umalis ito ay parang taon na sa akin. Wala kasi kaming communication ni Tyrone. Wala naman kasing signal ng cellphone dito sa amin. Saka lang nagkakaroon ng signal ang cellphone ko kapag nasa bayan ako. Kung saan nagtatrabaho kay mayor bilang secretary nito. Pero dahil nasa bakasyon sila ngayon ng pamilya niya ay nakatambay lang ako dito sa bahay."Anong problema, Bhelle? Ang lumbay mo naman yata?" ani Nanay na mapansin ako.Nasa sala kasi ako. Nakapangalumbaba sa bintana at pinapanood ang mga dumaraang tao sa tapat. Nagbabaka sakaling magkaroon ng milagro at maligaw si Tyrone dito. Kahit na suntok sa buwan ang minimithi kong iyon. Na makita itong muli."Wala po," tinatamad kong sagot.Napahinga ito ng malalim na binitawan na muna ang mga damit na tinutupi. Lumapit ito sa tabi ko na hinawakan ako sa kama
BHELLE:WALANG pagsidlan ang sayang nadarama ko habang magkayakap kami ni Tyrone dito sa silong ng malaking puno ng mangga sa harapan ng bahay. May ratan na duyan kami dito na pahingaan sa tuwing gantong tanghali. Presko kasi dito at napakasarap umidlip kapag gantong tanghaling tapat. Nakaunan ako sa kanyang dibdib habang nakayapos ang braso nito sa baywang ko. Mabuti na lang at binigyan kami ni Nanay ng oras na ma-solo ang isa't-isa. Kanina pa nakaidlip si Tyrone na mahinang humihilik. Bakas sa gwapong mukha ang pagod dito. Sa layo nga naman ng probinsya namin at kita ring wala itong maayos na tulog.Mukha ngang naging abala ito sa loob ng mahigit dalawang linggo niya sa syudad para ayusin ang trabahong maiiwan.Napaangat ako ng mukha at matamang pinakatitigan ang maamo niyang mukha. Kahit kaharap ko na siya ay hindi pa rin ako makapaniwala na nandidito na siya!Parang may sariling isip ang kamay ko na napaangat at marahang hinaplos ito sa ulo. Napakagwapo niya talaga kahit nahihimb
BHELLE:MAGDIDILIM na nang bumalik kami ni Tyrone sa bahay. Ilang oras din kaming tumambay sa burol at ilang beses kong paulit-ulit na ipinagkaloob sa kanya ang katawan ko. Hindi din naman kasi ako makatanggi sa kada ungot nito kaya kahit nag-aalala ako na baka may ibang taong makakita sa amin ay napapasunod ako dito sa mainit at nakakadarang niyang mga haplos at halik.Para nga akong nalantang gulay na hinang-hina habang ito ay palakas nang palakas! Ni walang kapaguran ito at para lang akong magaang papel kung buhatin niya habang nag-lo-love-making kaming dalawa! Napakahusay niya sa usapang love making na wala kang maipipintas. Biniyayaan pa naman siya ng matabang kargada kaya kahit sinong babae ay mababaliw sa ligayang pinapalasap nito. Mahigpit akong nakayakap sa kanyang tyan habang mabagal lang ang pagpapatakbo nito sa motor nito. Masakit na naman kasi ang kaselanan ko na tila winasak na naman nito. Ilang beses ba naman niyang inangkin. Pagdating namin sa bahay ay nakauwi na si
ISABELLA:LUMIPAS ang mga araw na naging mas magaan ang bawat araw na magkasama kami ni Typhus. Naging mas kampante at komportable ako sa piling nito na malamang siya ang kababata ko. Kahit nasa trabaho kami nito ay nanliligaw pa rin siya na tipong dinaig pa ang isang paslit sa kakulitan nito. Minsan ay nati-temp na rin akong sagutin ko siya dahil aminado naman akong nahuhulog na rin ang puso ko sa kanya. Na hindi ko nga namamalayang nakakahiligan ko na ring makahalikan ito sa araw-araw at oras-oras ba naman niyang pangmamanyak sa akin. Wala pa naman akong kawala sa tuwing ito ang. gumalaw. Ni hindi ako makatanggi sa pagtitig pa lang nito.Nakagat ko ang ibabang labi na nakahalukipkip habang nakatayo dito sa harapan ng glass wall ng opisina nito. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Napalunok ako na maramdamang bumukas ang pinto at may pumasok doon. Napapikit ako na pinakiramdaman ito. Hindi siya si Typhus. Sa prehensya at pabango niya pa lang ay kaagad kong na
ISABELLA:NAKAHALUKIPKIP ako na nakamata sa mga nagtataasang building na kaharap ng opisina ni Typhus. Lumabas kasi ito saglit para ihatid sa baba ang dalawang kaibigan. Napapailing na lamang ako. "Bakit ba ako kinakabahan sa mga 'yon?" piping usal ko na naipilig ang ulo.Pakiramdam ko ay iniiiwas ako ni Typhus sa kanila. Na ayaw niyang naglalalapit ako sa mga taong 'yon. Napanguso ako na malayo ang tanaw nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ko. Napangiti akong napakapit sa braso niyang nasa tapat ng dibdib ko pumulupot habang nakasubsob ang baba sa balikat ko. "Okay ka lang?" malambing tanong nito."Okay lang." Kiming sagot kong nilingon ito.Napatitig ako sa mga mata nito na tila may kinakatakutan. Mababakas mo sa mga mata niya na hindi siya palagay na parang may tinatago siya sa akin.Pumihit ako paharap dito na ikinayapos naman nito sa baywang ko. Matiim akong napatitig sa kanyang mga mata na sinusubukang basahin ang reaction nito."May problema ba?" tanong nito
TYPHUS:PANAY ang lunok ko na tila pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang ina ng babaeng pinakamamahal kong nakaratay sa kama. May mga galos pa rin ito at kitang hindi pa maayos ang kondisyon. Gusto ko sanang mailipat sila sa hospital namin pero tumanggi naman si Isabella. "Um, Typhus, siya ang Nanay Isabelle at Tatay Ian ko. Um. . . Tay, si Typhus po, ang boss ko," ani Isabella na ikinabalik ng ulirat ko."Ahem! Good day po, Sir, I'm Typhus Del Mundo, your daughter's. . . boss," pormal kong pagpapakilala na naglahad ng kamay sa ama nito.Saglit itong napasulyap sa kamay kong nakalahad na halos hindi ko ikahinga. Akmang babawiin ko na ang kamay ko na nahihiya pero inabot nito iyon na mahigpit na hinawakan. "Magandang araw din sa'yo, Sir. Pasensiya na kayo at dito pa tayo nagkakilanlan," magalang saad nitong ikinangiti ko."Wala ho ito, uhm. . . k-kumusta na ho si. . . si Ma'am?" nahihiyang tanong ko na napasulyap sa asawa nito.Napahinga ito ng malalim na hinaplos pa sa ulo a
ISABELLA:NANGINGITI akong nakayakap dito habang pinagkakasya namin ang sarili dito sa kama ko. Nakakainis naman kasi ang lalakeng ito. Sa laki niyang tao ay halos akupado na niya ang buong kama kong pang dalawahang tao ang kasya. Nakakahiya naman kasing sa sala ko siya patulugin o sa sahig. Kahit nanliligaw pa lang siya sa akin ay nahihiya naman ako lalo na't alam ko naman kung anong uring tao siya at anong kinalakihan niya. Nakaunan ako sa braso nitong kay tigas habang magkaharap kami sa isa't-isa na magkayakap. Dinig na dinig ko na nga ang tibok ng puso nito, maging ng bawat paglunok niya. Nakakakilig din pala na may ganto kang karanasan. Kabado ako dahil ito ang unang beses na may lalake akong pinatuloy dito sa bahay at pinatulog ko pa dito sa silid ko. Kapag naabutan kami ni Tatay dito ay tiyak na malaking gulo. Pero alam ko namang matatagalan pa sila ni Nanay sa hospital kaya malakas ang loob kong patulugin si Typhus dito. "Still awake, baby?" bulong nito."Uhmm," tanging ungo
ISABELLA:PARA akong nagliliyab sa sobrang init ng nadarama ko. Saka ko lang kasi na-realize kung gaano ka-intimate ng position namin ni Typhus. Nakatayo siya sa gitna ng mga hita ko habang nakaupo pa rin ako dito sa countertop at nakalingkis sa kanyang baywang ang mga binti ko. Nakalitaw na rin ang legs ko dahil sa pagkakalihis no'n. Nakakapit naman ito sa baywang ko at nakakapit ako sa kanyang magkabilaang balikat.Hindi ako makatingin sa mga mata niyang nag-aalab. Para akong nanghihina na hindi makaangal sa kanya sa tuwing napapatitig ako sa mga matang 'yon. Na lagi na lang nagpapawala ng puso ko. "Baby," anas nito.Katulad ko ay mabibigat na rin ang kanyang paghinga. Na tila hirap na hirap na rin siyang magpigil ng nadarama. Ayoko namang bumigay sa kanya. Wala pa kaming label at natatakot din ako na ma-turn-off ko siya na hindi na ako birhen. Alam niya noong una namin na birhen pa ako. Kaya sigurado akong nagi-expect itong birhen pa rin ako hanggang ngayon. Ayoko lang na may maka
ISABELLA:HINDI pa man ako nakakasagot dito ay tuluyan ng lumapat ang mga labi nito sa aking labi na ikinanghina ng mga tuhod kong napayapos sa batok nito. Mas humigpit naman ang pagkakayapos nito na masuyong inaangkin ang mga labi ko habang paakyat ang elevator na kinasasakyan namin.Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Na parang nawalan ako ng lakas para itulak ito o kaya ay umalma sa kanyang kalapastanganan na inaangkin na naman ang mga labi ko!Napasabunot ako dito at kusang naiawang ang bibig ko sa marahan niyang pagkagat sa ibabang labi kong ikinaungol ko. Hindi ko namamalayan na napapasunod na rin ako ditong tinutugon ang kanyang halik, na ikinauungol din nito at mas pinalalalim ang aming halikan!"Uhm. . . teka, kiss lang. Ang manyak mo talaga. May palamas talaga, ha?" naghahabol hiningang asik ko dito na napabungisngis sa pagtabig ko sa kamay nitong nilalamas lang naman ang kanang dibdib ko."Sorry about that, baby. Nakakagigil ka eh, hmm? You're improving," nakangising a
ISABELLA:MATAPOS nitong ipaalam ang progress sa kaso ni Nanay ay magkasabay na kaming lumabas. Nagpaalam pa kasi ito na ihahatid na niya ako sa bahay na ikinasang-ayon nila Nanay at Tatay. Nangingiti ako habang dahan-dahan kaming naglalakad nito sa nadaanan naming parke. Maaga pa naman kaya pinagbigyan ko na lamang itong magpahangin na muna dito. Nagkakasagian kasi ang palad namin at ramdam kong kinakabahan ito. Ibang-iba talaga siya kay Typhus eh. Dahil kung si Typhus lang ang kasama ko sa gantong lugar na nagpapahangin? Tiyak na kung hindi 'yon nakaakbay sa akin ay nakayakap ito. Napailing na lamang ako na winaksi sa isipan ang hudas na 'yon. Bakit ko ba kasi siya naiisip?"Are you cold?" anito na malingunan akong napahalukipkip.Malamig na kasi ang gabi at humahangin hangin pa kaya nilalamig ako na nakasuot ng dress. Hindi pa man ako nakakasagot ay isinuot na nito sa akin ang kanyang makapal na jacket na lihim kong ikinangiti. "Thank you," aniko.Kumindat lang naman itong inakay
ISABELLA:ILANG minuto ko ding inalo si Typhus na parang batang humahagulhol. Naiilang naman akong alamin kung anong problema. Tahimik akong pinapakiramdaman itong abala na sa trabaho. Maya't-maya ang tinatawagan na tungkol naman sa kumpanya ang pinag-uusapan. Naiilang tuloy ako dahil wala naman akong masyadong ginagawa dito sa cubicle ko, katabi ito. "Uhm, Sir? Kape po?" pormal kong tanong.Kahit naman kasi nagkaka palagayan na kami ng loob ay nakakahiya naman kung hindi ako magpaka-formal sa kanya eh nandidito kami sa opisina niya. Nilingon ako nito na pilit ngumiti."Yes, please?" malambing saad nitong ikinangiti kong tumayo sa desk ko."Thank you, baby," pahabol pa nito na ikinakindat ko na lamang.Habang nagtitimpla ng kape namin ay napapasulyap ako ditong abalang muli sa laptop at mga folder na nilalagdaan nito. Nawiwirduhan lang ako sa kanya ngayon. Hindi kasi siya makulit katulad ng inaasahan ko. Tila may malalim itong iniisip, napakaseryoso at tahimik nito. Naiilang tuloy a
TYPHUS:NAKABUSANGOT ako habang nakaupo sa sofa, dito sa mansion. Hinihintay ko ang magaling kong kapatid para makausap siya ng masinsinan. Gusto ko lang linawin kung anong ugnayan nila ni Isabella. Ayoko namang mag-agawan kami sa iisang babae. I know Dos very well. Nakatitiyak naman akong hindi niya rin ako matitiis. Isa pa ay masyado siyang abala sa buhay, kaya sa aming dalawa ay mas mabibigyan ko ng attention si Isabella.Ilang minuto lang ay dumating din ito na ikinatuwid ko sa pagkakaupo. Natigilan pa ito na mabungaran ako dito sa sala at hinihintay siya. "Kuya," anito.Sinenyasan ko naman siyang maupo na ikinasunod nito. Kunot ang noo nito na nakatitig sa akin at hinihintay ang sasabihin. "Ahem!" napapatikhim kong paninimula."Ano ba kasi 'yon, Kuya? Inaantok na ako," reklamo nito."It's about. . . Isabella," walang paligoy-ligoy kong saad.Hindi ko naman ito makitaan ng gulat na prenteng nakaupo lang sa harapan ko. Napapangisi pa ito na nakataas ang isang kilay. "What about