"Bakit hindi mo sinabi saming lahat 'to sana natulungan ka namin" sabi ko sa kanya
"Mas mabuting wala na akong napagsabihan kahit kanino para hindi makarating kay Daddy, iniisip ko lang nang mga panahon na yun na baka pag nalaman niya, hindi na talaga niya ako suportahan, sa kanya lang ako umaasa at iniipon ko mga binibigay niya sa akin, para sa gastusin ni Mommy, kaya kahit sa inyo itinago ko""I'm sorry Annie, dahil dito napagbintangan at pinaghinalaan ka pa namin, hindi man lang namin inalam ang totoo""Okay lang, naiintindihan ko naman, kasalanan ko din naman kung bakit napaghinalaan niyo ako""I'm sorry talaga Annie, alam naman nating lahat na may kinalaman kay Kevin ang mga nangyayari sa atin, naisip ko kasi na baka konektado kay Kevin ang gumagawa nito sa atin, kaya kayong dalawa ni Zhelle ang pinaghinalaan namin dahil kayong dalawa ang higit na may koneksiyon sa kanya." Paliwanag ni Vico"Tama si Vico, mas umigtingChief Garcia POV Ilang linggo narin ang nakakalipas buhat ng mawala isa-isa ang mga magkakaibigan at wala pa ring malinaw nasagot sa mga nangyayari. Alam kong hindi sapat ang puro hinala lang sa mga magkakaibigan, ngunit bakit napakailap ng ebidensya, nauubusan na ako ng oras para maresolba ang kaso, ngunit wala pa din nangyayari. Ngayong napasama na rin sa listahan ng mga nawawala si Zhelle Saavedra na isa sana sa mapagkukunan ko ng impormasyon at maaring imbestigahan ay biglang nawalan ako ng isang pagasa upang maresolba ang kaso at mahanap ang suspek sa mga nangyayari. Napatigil ako sa pagiisip ng tumunog ang telepono sa ibabaw ng table ko.Kinuha ko ito at sinagot. "Hello po Chief, si Officer Mercado po ito may natanggap po kaming report, may nakakita na po sa sasakyang ginamit ni Jay Sam Toledo nang oras na mawala siya, nandito na po kami Sir sa lugar na pinag-iwanan, at may napansin po kaming iniwang me
Leigh's POV Pagdating namin sa lugar naabutan namin si Chief Garcia na may kausap na isang lalaki, maraming pulis sa lugar natanaw nadin namin ang sasakyan ni Sam na napapalibutan pabilog nang dilaw na tape. "Tama Sir, yang ang anggulong tinitingnan namin nga.... "Sir! Magandang hapon po, nabanggit niyo po sa amin na may possible kayong lead sa kumuha sa kanya?" bungad namin tanong ng makita namin si Chief Garcia "Ahm, sa ngayon hindi pa namin sigurado, nakita lang namin ang marka ng dugo sa windshield nang sasakyan niya, may sinulat siyang isang simbolo, tinitingnan namin ang anggulong baka nakita ng biktima niya ang mukha nang kumuha sa kanya at siya ang nagsulat nito." "Pwede po ba naming makita?" pumayag naman siya at pinalapit kami sa sasakyan. Nang makalapit kami sa sasakyan ay nakita namin ang sinasabi niyang symbol na sinulat gamit ang dugo sa windshield nang sasakyan. Isang letra lang ang nakasulat dun,
Habang nasa malayo pinagmamasdan kong maige ang tatlo habang tinitingnan nila ang sasakyan ni Toledo. Napansin kong seryoso silang naguusap, hindi ko man naririnig ang pinaguusapan nila ay alam kong may kinalaman yun sa mensaheng iniwan sa kotse. Habang pinapanuod ko sila, madaming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko. "Ano pa bang tinatago niyo sa akin?" Hindi ko pinahalata sa kanila na hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanila. Alam na kaya nila? Alam na kaya nila na si Zhelle Saavedra ang gumagawa ng lahat ng ito? O sadyang alam talaga nila, at yun ang hindi nila sinasabi sa akin. Maya-maya pa ay napansin kong nagmamadali silang umalis, pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi sila nagpaalam. Nagtaka ako sa mga kilos nila, hindi kaya may natanggap na naman silang banta, pero bakit hindi na naman nila ipinaalam sa aming mga pulis? Ano bang ikinatatakot niyo? At hindi
Pagbalik namin sa ospital, gaya nang mga nagdaan ay huli na naman kami, tanging naabutan namin ay ang kanyang Mommy na natutulog pa din, nakumpirma namin na huli na kami nang makita naming nakapatong ang isang bote sa isang table. "Buhay ang kinuha, buhay din ang kabayaran!" nanindig lahat nang balahibo ko nang basahin ni Louie ang nakasulat na mensahe sa likod ng larawan ni Annie. "Ibig sabihin ba nito, wala na sila, patay na silang lahat?" di ko na napigilan ang emosyon ko at humagulhol nang iyak sa sinabi niya. "Hindi pa natin alam Leigh, hanggat hindi natin nakikita ang katawan nila umasa tayong buhay pa sila."pagpapakalma sa akin ni Vico "Sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung dapat pa ba akong umasang buhay pa sila." "Leigh, sa mga nangyayari dapat hindi ka nawawalan nang pag-asa, lalo na ngayon alam na natin at sigurado na tayo kung sinong gumagawa nito" Hindi na ako sumagot kay Vico at binuhos ko nalang la
Vico's POV"Ang kasagutan ay makikita kung saan nagmula ang lahat""Anong ibig niyang sabihin?" takang tanong ni Louie, ilang Segundo kaming nagisip bago ako nagsalita.Napagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin"Alam ko na kung saan natin sila makikita!""Saan?" sabay na sagot ng dalawa"Kung saan nagmula ang lahat!" sabi ko"Saan nga?" muling tanong ni Louie"Sa lumang bahay nina Zhelle, doon natin sila makikita, dahil doon nagmula ang lahat""Tama! Ang kasagutan ay makikita natin kung saan nagsimula ang lahat, ang sagot sa tanong nating "Nasaan sila?" ay nadon sa lumang bahay nina Zhelle, kung saan nangyari ang sunog, kung saan namatay si Kevin, kung saan nangmula ang lahat." Dagdag na paliwanag ni Leigh"So, ano pa hinihintay natin, tara na puntahan na natin sila!" pagkasabi nun ni Louie ay hindi na kami nag-aksaya nang oras at pumunta na ka
"Wala akong sinasabing ganyan Zhelle, matagal ko na kinalimutan yun, ang gusto ko lang sabihin kung sinunod mo lang sana kami noon pa, hindi mangyayari 'to, kaya pakawala mo na kami dito!" sagot ni Annie Sinagot lang ito ni Zhelle nang isang malakas na tawa. Lumapit siya sa gitna namin at kinuha ang boteng nakatayo doon. "Ayaw niyo naman ata magparty tayo, much better siguro kung maglaro nalang tayo, what do you think guys?" ngumiti lang siya sa amin. Ibang-iba ang Zhelle na nakikita at nasa harapan namin ngayon. "Tama na Zhelle! Pwede ba pakawalan mo na kami dito!!" sigaw ni Jerry at pilit na nagpupumiglas sa pagkakatali. Hindi naman ito pinansin ni Zhelle bagkus ay lumapit kay Abby. "Abby! Look, may naisip akong gawin nating game, why not maglaro ULIT tayo ng Spin the bottle! Gusto mo ito hindi ba?" sarkastikong tanong niya kay Abby, binigyang diin pa niya ang salitang "ulit". Naalala ko nang una naming laruin yun na si A
Annie's POV "Anong ibig sabihin nito?" takang tanong ni Jerry Halos bawian na ako ng hininga ng makitang babarilin ni Zhelle si Leigh, halos hindi ako tumingin ng iputok niya ang baril, akala ko tuluyan nang namatay si Leigh pero nagulat nalang ako ng bumangon siya at tumawa gaya ni Zhelle. Hindi ko maipaliwanag kung anong nangyayari at anong palabas itong ginagawa ni Leigh sa amin, nagtataka kami kung bakit siya nakikipagsabwatan kay Zhelle, anong dahilan niya para gawin iyon. "Well bago ko sagutin ang tanong na 'yan-" pinutol niya ang sasabihin niya at pinulot ang isang mahabang kahoy. "...gusto ko muna kayo makumpleto" pumuwesto siya sa likod ni Zhelle at ikinagulat namin ang sunod na ginawa niya, pinukpok niya nang malakas sa likod si Zhelle na mabilis na ikinawala nito nang malay. Nang bumagsak ito sa sahig ay tinapik niya ito sa pisngi. "Sorry girl ha! Pero hindi na kita kailangan" binuhat niya
Third persons’ POV…10 years agoHalos hindi maalis ang 10 taong gulang na batang babae sa pagkakayapos sa kabaong ng kanyang mga magulang, hindi niya matanggap na sa murang edad ay mauulila na sila. Nilapitan siya nang panganay na kapatid at niyapos.“Kuya, si Mommy at Daddy! Iniwan na nila tayo” halos maubusan na ito nang boses kakaiyak hindi matanggap ang pagkawala ng magulang.“Shhh! Tahan na Leigh! Nandito pa naman si Kuya! Hindi kita iiwan” sabi sa kanya ng 12 taong gulang na batang lalaki.“Leigh! Kevin! Halina kayo, magpahinga na kayong dalawa” lumapit sa kanila ang isang matandang babaeng kapit-bahay nila.Ang isa’t isa nalang ang meron sila, walang kamag-anak na pwede umagapay sa kanila, ang mga kapitbahay nalang nila ang nagmalasakit para mabigyan ng maayos na burol ang kanilang mga magulang.“Kawawa naman ang mga batang y
Annie’s POV Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko. Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat. Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon. Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may
"Pakawalan mo ko dito!!! Ano ba!!!" sigaw ko sa kanya, ngunit hindi niya parin ako pinansin. Nakatutok siyang maigi sa monitor ng laptop niya. "Hey! Take a look at them! Parang sabik na sabik na silang malaman kung sinong unang ililigtas mo." Ngayon ay nakaharap naman siya sa akin. "Ang malaking katanungan, sino nga ba sa kanila ang mas mahalaga para kay Annie??!!" Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang excitement sa pagkakasabi niya nun. "Sisiguraduhin ko maililigtas ko sila lahat, gagawin ko lahat para mabuhay kami at makawala dito, makawala sa kabaliwan mo!" "Ssshhh, stop talking nonsense! Hahaha Paano mo nga naman magagawa yun kung nandito ka at walang magawa para mailigtas ang sarili!" Pinupuno na talaga ako nang babaeng ito. Hindi ko pa rin alam kong bakit gustong gusto niya ako pahirapan, kung bakit naging kasalanan ko ang kasalanan ng nanay ko sa pamilya niya, kung kasalanan ngang matatawag iyon. "Sige na nga, wag
"Say hello to your f*ck*ng friends!!!" Pagkasabi niya nun ay iniharap niya sa akin ang screen ng hawak niyang portable laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon sa sa iba't-ibang CCTV cameras, napansin kong pamilyar ang mga lugar na iyon, at ng bigla kong napagtanto..., napanganga ako sa nakita ko, silang ngang lahat ang nasa video, at nabigla ako sa sitwasyon nilang lahat, bumuhos na lahat ng emosyon sa akin, tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Hayop ka Leigh! Anong balak mong gawin sa kanila??" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Ang sitwasyon nila ang lubhang nakabahala sa akin, sa obserbasyon ko sa video na pinakita niya sa akin nasa magkakaibang silid sila at tama ako na pamilyar ako sa lugar dahil nadito parin sila sa abandonadong bahay nina Zhelle na kinaroroonan din namin ni Leigh, pero ang kaibahan namin ng sitwasyon ay kung ako nakatali parin sa kinauupuan
Annie's POV --------------------------------------"Mommy! Wag mo ko iwan! Please, Mommy!" Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ngunit alam kong ang pagalis na ito ni Mommy ay sigurado akong matagal na siyang hindi makababalik, hindi katulad nang aking nakasanayang pagalis niya araw araw ngunit nakakasama ko naman siya lagi pagsapit nang gabi. "Umalis ka na! Wag na wag ka na magpapakita sakin kahit kelan!!" nakakarinding sigaw ng Daddy ko kay Mommy. "Mommy, sasama ako sayo!!!" niyakap ko lang siya nang mahigpit gusto kong sumama sa kanya, ngunit gusto ko ding kasama si Daddy. "Annie! Go to your room now!" utos sakin ni Daddy ngunit hindi parin ako kumakawala sa Mommy ko. Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan, kita ko ang mga luha sa mga mata niya na lalong nagpaiyak sa akin. "Baby! Makinig ka kay Daddy! Go to your room na, don't worry, babalik si Mommy ha! Babalikan ka ni Mommy!" pag-aalo niya sa akin. "Per
Chief Diego POV "Ayon sa imbestigasyon at mga ibedensyang nakalap alam na kung sino ang suspek sa nangyayaring series of kidnapping sa isang groupo nang magkakaibigan." Panimula ko sa isinasagawa naming pagpupulong, tinipon ko ang aking mga tauhan para sa isasagawa naming operasyon para mahanap na ang nawawalang magkakaibigan at para hulihin ang suspek sa pangyayari. Nandito kami ngayon sa loob ng isang silid kung saan ay pinatawag ko lahat ng mga maaaring makatulong sa isasagawa naming operasyon. Lumapit ako sa malaking screen na nasa harapan, nag-flash doon ang mga mukha ng siyam na magkakaibigan. "Sila ang magkakaibigan nasasangkot sa series of kidnapping, si Abby Jimenez ang kauna-unahang nawala, sinundan ito ni Yosep Deguzman, Jay Sam Toledo, samantalang magkasabay namang nawala sina Jerry Ramirez at Zhelle Saavedra, at nito lang nakaraan ay naireport na nawawala na din si Annie Mendez. Sa magkakaibigan silang tatlo na
Annie's POV ...at present Lahat kami nabigla sa lahat ng mga sinabi niya, hindi makapaniwala na pinagplanuhan lahat ni Leigh pati ang pakikipagkaibigan sa amin. Ngunit sa mga rebelasyong narinig namin ay ako ang lubos na naaapektuhan, ako ang dapat sisihin kung bakit pati mga kaibigan ko ay nadamay sa galit niya sa Nanay ko. "Leigh, kung ano man ang nagawa ng Mommy ko sa pamilya mo, ako na humihingi ng tawad, ako nalang pagbayarin mo, hindi mo na kailangan idamay pa sila" pagmamakaawa ko sa kanya. "Ahahahaha, Annie! Teka lang ha! Hindi nalang basta tungkol 'to sa kasalanan ng Mommy mo sa amin, nalilimutan mo na ba ang pagkawala ni Kevin dahil din sa inyo, dahil sa inyong lahat!!!" "Kaya kung may dapat magbayad, hindi lang ikaw Annie, lahat kayo!!!" Unang pagkakataon na makita ko si Leigh sa ganoong kalagayan, na nakakasindak at punong puno ng poot at galit ang nararamdaman. Ibang-iba sa pagkakakilala
Annie's Abduction"Leigh! Pati ba naman ikaw, naniniwala na kaya kong gawin yun?"Tanong kay Leigh ng kinamumuhian nitong tao. Gustuhin niya mang ibuhos ang galit nito sa kanya araw araw tuwing nakikita niya ito pero pilit parin niyang pinipigilan para sa mas malaking plano. Mas malaking plano na sinisigurado niyang hindi nito malilimutan hanggang sa huling hininga nito."Bakit hindi ba Annie? Tsaka pwede a tigilan mo na ang pagpapanggap mo dahil hindi na kami naniniwala sa-" naputol ang sasabihin niya nang may lumabas sa bahay na isang babae at tawagin nito si Annie."Maam Annie! Si Madam Zenny po!" tawag sa kanya nang isang babae.Nakaramdam ito nang paninindig balahibo nang marinig niya ang pangalang iyon. Iisa lamang ang kilala niyang nagmamay-ari ng ganong pangalan at ito ang taong ayaw na niyang maalala at makita pa.Sana mali, sana mali ang narinig ko. Sabi niya sa kanyang isip.Sa kabi
Zhelle's and Jerry's AbductionTuwing mapagtatagumpayan nila na makuha ang kanilang mga biktima, ay hinahayaan niya si Zhelle na ang magdala noon sa kanilang hideout. Iniingatan niya ang sarili na hindi makita o makilala nino man sa mga ito.Mas mabuti nang si Zhelle lang ang kamuhian nila, tsaka na niya ilalantad ang sarili pag natapos na ang kanyang plano.Nang muling magkita ang dalawa ay nagusap na sila ng susunod na plano."Ano nang susunod na plano natin Leigh?"Hindi pa niya nasasagot ito sa tanong nito ay nag ring na ang kanyang phone. Sinagot naman niya ito agad."Hello, Leigh nagtext ba sayo si Sam kung nasaan siya? Tinawagan kasi ako nang Mommy niya di pa daw umuuwi, Nagalitan ata ng Daddy niya kanina, umalis daw sa office at hanggang ngayon hindi pa daw umuuwi, hindi kaya, nakuha na din siya?""Diyos ko, wag naman sana! Natanung mo na ba sila baka alam nila kung nasaan si Sam, Si Annie,
Sam’s Abduction "Ahm guys pwede bang mauna na ako sa inyo? Pinapapunta kasi ako ni Daddy sa office." paaalam ni Sam Nagkatinginan si Leigh at Zhelle. May binuo na muli silang plano. "Samahan na kita, sabay na ako sayo, parehas lang naman way natin pauwi, nagmamadali din kasi ako may kailangan lang ako gawin, Kung okay lang naman sayo" tanong ni Annie "Sige, No Problem! tara! Guys' sorry ha, baka masabon na naman ako ni Daddy pag hindi ako nakarating" "Sige, basta mag-iingat kayo ha!" paalala ni Leigh ngunit sa loob niya ay magandang pagkakataon na ito para magawa ang susunod na plano. Nang makaalis si Annie at Sam, sinundan nila ito. Mula sa pagbaba ni Annie, pag-dating ni Sam sa opisina ng daddy nito at paglabas nito doon. “Bakit ba hindi nalang si Annie ang kunin natin!” tanong ni Zhelle sa kasama“Hindi pa sa ngayon, may plano ako para sa kanya, pagkinuha natin si Sam, maaaring isipin nila na s