Annie's POV
--------------------------------------
"Mommy! Wag mo ko iwan! Please, Mommy!"Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ngunit alam kong ang pagalis na ito ni Mommy ay sigurado akong matagal na siyang hindi makababalik, hindi katulad nang aking nakasanayang pagalis niya araw araw ngunit nakakasama ko naman siya lagi pagsapit nang gabi.
"Umalis ka na! Wag na wag ka na magpapakita sakin kahit kelan!!" nakakarinding sigaw ng Daddy ko kay Mommy.
"Mommy, sasama ako sayo!!!" niyakap ko lang siya nang mahigpit gusto kong sumama sa kanya, ngunit gusto ko ding kasama si Daddy.
"Annie! Go to your room now!" utos sakin ni Daddy ngunit hindi parin ako kumakawala sa Mommy ko.
Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan, kita ko ang mga luha sa mga mata niya na lalong nagpaiyak sa akin.
"Baby! Makinig ka kay Daddy! Go to your room na, don't worry, babalik si Mommy ha! Babalikan ka ni Mommy!" pag-aalo niya sa akin.
"Per
"Say hello to your f*ck*ng friends!!!" Pagkasabi niya nun ay iniharap niya sa akin ang screen ng hawak niyang portable laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon sa sa iba't-ibang CCTV cameras, napansin kong pamilyar ang mga lugar na iyon, at ng bigla kong napagtanto..., napanganga ako sa nakita ko, silang ngang lahat ang nasa video, at nabigla ako sa sitwasyon nilang lahat, bumuhos na lahat ng emosyon sa akin, tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Hayop ka Leigh! Anong balak mong gawin sa kanila??" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Ang sitwasyon nila ang lubhang nakabahala sa akin, sa obserbasyon ko sa video na pinakita niya sa akin nasa magkakaibang silid sila at tama ako na pamilyar ako sa lugar dahil nadito parin sila sa abandonadong bahay nina Zhelle na kinaroroonan din namin ni Leigh, pero ang kaibahan namin ng sitwasyon ay kung ako nakatali parin sa kinauupuan
"Pakawalan mo ko dito!!! Ano ba!!!" sigaw ko sa kanya, ngunit hindi niya parin ako pinansin. Nakatutok siyang maigi sa monitor ng laptop niya. "Hey! Take a look at them! Parang sabik na sabik na silang malaman kung sinong unang ililigtas mo." Ngayon ay nakaharap naman siya sa akin. "Ang malaking katanungan, sino nga ba sa kanila ang mas mahalaga para kay Annie??!!" Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang excitement sa pagkakasabi niya nun. "Sisiguraduhin ko maililigtas ko sila lahat, gagawin ko lahat para mabuhay kami at makawala dito, makawala sa kabaliwan mo!" "Ssshhh, stop talking nonsense! Hahaha Paano mo nga naman magagawa yun kung nandito ka at walang magawa para mailigtas ang sarili!" Pinupuno na talaga ako nang babaeng ito. Hindi ko pa rin alam kong bakit gustong gusto niya ako pahirapan, kung bakit naging kasalanan ko ang kasalanan ng nanay ko sa pamilya niya, kung kasalanan ngang matatawag iyon. "Sige na nga, wag
Annie’s POV Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko. Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat. Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon. Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may
Disclaimer: Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang, mula sa imahinasyon ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan, anumang pagkakahalintulad sa ibang akda, sa mga pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.Walang anumang bahagi ng akdang ito ang maaaring sipiin, ilathala at gamitin sa anumang kaparaanan nang walang pahintulot nang may-akda. CHAPTER I Nagising ako sa tunog nang aking alarm clock, dumadampi narin sa aking mga balat ang mainit na sikat nang araw na tumatagos mula sa aking bintana, bumangon ako at nag-ayos nang sarili. Agad kong dinampot ang aking cellphone at binuksan ang isang mensahe mula sa aking kaibigang si Jerry. -9am sa paborito nating Coffee Shop.- Nagmadali na ako mag-ayos at nag book nang taxi para mapabilis makarating, hindi ko magamit ang kotse ko dahil may
"Hi Sab, Happy Birthday! thanks for inviting us ha" bati ko sa sister ni Louie."Thanks Ate Leigh, wala yun hindi naman na kayo iba samin, and you're my Kuya's friends' kaya parang mga kapatid ko na din kayo, ahm sige ate ha entertain ko lang ibang bisita ko""Oh yah, sige lang, don't mind us!" nagpaalam na siya sakin bago tumalikod, maya-maya pa narinig ko ang pagtawag ni Jerry"Leighhhhh, Hoy bakla ka san ka ba nagpipinunta? Kanina ka pa namin hinahanap""Ano ba kayo, hindi naman ako mawawala dito" sagot ko."Halika na, maraming boys dun, ihahanap kita" hinawakan niya ang braso ko at hinila sa may pool area"Hoy teka lang! wag mo nga ako kaladkadin, ano ba!" hanggang sa namalayan ko nalang nasa harap na kami ng grupo nang mga lalaki."Hi boys! this is my friend Leigh, she's really beautiful right?" napataas naman kilay ko sa mga sinabi ni Jerry, tiningnan ko siya nang masama, pero aba at nil
"Hayss grabe, hanggang ngayon di parin ako makamove-on sa nangyari sa party ni Sab, grabe lasing na lasing tayo, ni hindi ko na nga matandaan kung ano nangyari"Nandito kaming mga girls including Jerry sa bahay ni Abby, nag-akit siya para magmovie marathon total wala naman daw siyang kasama sa bahay kasi nagpunta sa ibang bansa ang parents niya para sa business nila."Sinabi mo pa, kung sa ibang bahay yun baka kung san na tayo pupulutin ngayon" tama nga naman si Zhelle siguro kung nangyari yun sa ibang bahay at nalasing kami nang ganun baka kung ano na nangyari samin, mabuti nalang mabait ang pamilya ni Louie."Alam niyo girls may naisip akong gawin natin, kasi palagi na tayo naga-out of town, resorts at beaches lang lagi pinupuntahan natin, why not try natin maghiking, akyat tayo nang bundok tapos magcamping tayo dun diba exciting yun?" ito na naman si Abby siya lagi nagpaplano tuwing maga-out of town kami."Ano namang gagaw
Kahit na wala naman kami masyado ginawa sa bahay ni Abby, nakaramdam din ako ng pagod, mag-aalas otso palang ng gabi, nagpasya na ako magpahinga, pero hindi pa ako nakahihiga nang mag-ring ang phone ko.Tiningnan ko kung kaninong number ang tumatawag, nang mabasa ko ang pangalan ni Jerry na nakarehistro sa screen ng phone ko ay agad ko itong sinagot."Hello, Jerry napatawag ka?" bungad ko"Hello Leigh, nakatanggap ka din ba ng message? I mean may nareceived ka din bang super creepy na video?""What? Anong video? Anong ibig mo sabihin?""My God Leigh kanina pa kami binabagabag nang video na yun di mo pa alam? Check mo messages mo, lahat kami nakatanggap for sure meron ka rin, hindi pa namin alam nangyayari pero aalamin naming kaya kelangan bumalik ka sa bahay ni Abby ngayon na, bilisan mo""What? Teka ano bang sinasabi mo? Di kita maintindihan, Hello Jerry?" at pinutol na niya ang linya.
"Leigh stop! Hindi ka pwedeng pumasok sa loob, masyado nang malakas ang apoy" pigil sakin ni Vico"No! hindi natin pwedeng hayaan nalang sila sa loob, kelangan natin iligtas si Zhelle at Kevin"Hindi ko alam kung paano pero nakawala ako sa pagkakayakap sakin ni Vico at hindi ko sinayang ang pagkakataon na yun para makatakbo at makapasok sa bahay na nilalamon na ng apoy. Narinig ko pang mga boses nila na tinatawag ang pangalan ko pero nagtagumpay akong makapasok na ko sa loob."Kev! Tulong! tulungan niyo kami! Keviiiiiiin! Tulooongggg!" natagpuan ko si Zhelle na pilit binubuksan ang pintuan ng kwarto napansin kong nahihirapan na rin siyang huminga dahil sa nalalanghap na usok."Zhelle! Lumabas ka na iligtas mo na sarili mo!" dahil sa kapal ng usok ay nahihirapan na rin akong huminga."Nasa loob nang kwarto si Kev, hindi ko siya pwede iwan dito""Ako na bahala sa kanya, lumabas ka na!" pero parang wala siyang narinig at pilit