SPIN THE BOTTLE
Masayang magkaroon ng mga kaibigan, may kadamay ka sa lahat ng bagay, may kakampi ka sa lahat ng pagkakataon, may kaagapay sa oras ng problema at higit sa lahat may kasama kang harapin ang laro ng buhay.
Pero paano kung magkakasama kayong masangkot sa isang laro?
Isang larong nakasalalay ang inyog buhay.
Isang larong hindi niyo alam kung sino ang taya.
Isang larong babago sa orasan ng buhay.
Isang bote! Isang boteng magsisilbing orasan,
Isang boteng magdidikta nang inyong katapusan,
Kung sinong matapatan at matigilan siyang mawawalan ng tuluyan.
Ngunit isang paraan! Isang paraang magpapatigil sa pag-ikot nito, ang hahanap sa taya ng katakot-takot na laro, at ito ay ang sundin ang kaisa-isaang patakaran,
...at ang Ultimate Rule: "Trust No One"
Ikaw sinong pingkakatiwalaan mo???
Read
Chapter: CHAPTER XLIII - "Unlocked"Annie’s POV Bago ko pihitin ang seradura ng pinto ay makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang desisyon at plano na gagawin ko. Nang makita ko ang natitirang oras sa relo ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang gumugulo sa isip ko, hindi dapat ako mag-aksaya ng oras, kailangan kong doblehin ang kilos ko, lalo na at hindi ko kakayanin mag-isa na mailigtas silang lahat. Bahala na, yun na lang ang tanging nasabi ko nang buksan ko ang pinto ng kwarto. Pagkabukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang ang isang taong nagpupumilit makalabas sa loob ng aquarium, sinusubukan nitong basagin ang malapad na salaming nakapalibot dito sa pamamagitan nang pagbangga nito nang kanyang katawan sa tila rehas na pinakukulungan nito, hindi pa man ganun kadami ang tubig sa loob ay kita sa kilos niya ang kagustuhang makaalis doon. Agad naman niyang napansin ang presensya ko. Nang magtama ang kanyang mata sa mga mata ko ay nakita ko na sumilay doon ang pag-asang may
Last Updated: 2023-01-14
Chapter: CHAPTER XLII - "Who will you save?!""Pakawalan mo ko dito!!! Ano ba!!!" sigaw ko sa kanya, ngunit hindi niya parin ako pinansin. Nakatutok siyang maigi sa monitor ng laptop niya. "Hey! Take a look at them! Parang sabik na sabik na silang malaman kung sinong unang ililigtas mo." Ngayon ay nakaharap naman siya sa akin. "Ang malaking katanungan, sino nga ba sa kanila ang mas mahalaga para kay Annie??!!" Kitang-kita ko sa mga mukha niya ang excitement sa pagkakasabi niya nun. "Sisiguraduhin ko maililigtas ko sila lahat, gagawin ko lahat para mabuhay kami at makawala dito, makawala sa kabaliwan mo!" "Ssshhh, stop talking nonsense! Hahaha Paano mo nga naman magagawa yun kung nandito ka at walang magawa para mailigtas ang sarili!" Pinupuno na talaga ako nang babaeng ito. Hindi ko pa rin alam kong bakit gustong gusto niya ako pahirapan, kung bakit naging kasalanan ko ang kasalanan ng nanay ko sa pamilya niya, kung kasalanan ngang matatawag iyon. "Sige na nga, wag
Last Updated: 2021-11-17
Chapter: CHAPTER XLI - "Save Me, Annie!""Say hello to your f*ck*ng friends!!!" Pagkasabi niya nun ay iniharap niya sa akin ang screen ng hawak niyang portable laptop. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha iyon sa sa iba't-ibang CCTV cameras, napansin kong pamilyar ang mga lugar na iyon, at ng bigla kong napagtanto..., napanganga ako sa nakita ko, silang ngang lahat ang nasa video, at nabigla ako sa sitwasyon nilang lahat, bumuhos na lahat ng emosyon sa akin, tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko. "Hayop ka Leigh! Anong balak mong gawin sa kanila??" Halos wala nang lumabas na boses sa bibig ko dahil sa halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Ang sitwasyon nila ang lubhang nakabahala sa akin, sa obserbasyon ko sa video na pinakita niya sa akin nasa magkakaibang silid sila at tama ako na pamilyar ako sa lugar dahil nadito parin sila sa abandonadong bahay nina Zhelle na kinaroroonan din namin ni Leigh, pero ang kaibahan namin ng sitwasyon ay kung ako nakatali parin sa kinauupuan
Last Updated: 2021-11-17
Chapter: CHAPTER XL - Hello to your F*ck*ng Friend!Annie's POV --------------------------------------"Mommy! Wag mo ko iwan! Please, Mommy!" Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ngunit alam kong ang pagalis na ito ni Mommy ay sigurado akong matagal na siyang hindi makababalik, hindi katulad nang aking nakasanayang pagalis niya araw araw ngunit nakakasama ko naman siya lagi pagsapit nang gabi. "Umalis ka na! Wag na wag ka na magpapakita sakin kahit kelan!!" nakakarinding sigaw ng Daddy ko kay Mommy. "Mommy, sasama ako sayo!!!" niyakap ko lang siya nang mahigpit gusto kong sumama sa kanya, ngunit gusto ko ding kasama si Daddy. "Annie! Go to your room now!" utos sakin ni Daddy ngunit hindi parin ako kumakawala sa Mommy ko. Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan, kita ko ang mga luha sa mga mata niya na lalong nagpaiyak sa akin. "Baby! Makinig ka kay Daddy! Go to your room na, don't worry, babalik si Mommy ha! Babalikan ka ni Mommy!" pag-aalo niya sa akin. "Per
Last Updated: 2021-11-17
Chapter: CHAPTER XXXIX - Final InvestigationChief Diego POV "Ayon sa imbestigasyon at mga ibedensyang nakalap alam na kung sino ang suspek sa nangyayaring series of kidnapping sa isang groupo nang magkakaibigan." Panimula ko sa isinasagawa naming pagpupulong, tinipon ko ang aking mga tauhan para sa isasagawa naming operasyon para mahanap na ang nawawalang magkakaibigan at para hulihin ang suspek sa pangyayari. Nandito kami ngayon sa loob ng isang silid kung saan ay pinatawag ko lahat ng mga maaaring makatulong sa isasagawa naming operasyon. Lumapit ako sa malaking screen na nasa harapan, nag-flash doon ang mga mukha ng siyam na magkakaibigan. "Sila ang magkakaibigan nasasangkot sa series of kidnapping, si Abby Jimenez ang kauna-unahang nawala, sinundan ito ni Yosep Deguzman, Jay Sam Toledo, samantalang magkasabay namang nawala sina Jerry Ramirez at Zhelle Saavedra, at nito lang nakaraan ay naireport na nawawala na din si Annie Mendez. Sa magkakaibigan silang tatlo na
Last Updated: 2021-07-27
Chapter: CHAPTER XXXVIII - The gameAnnie's POV ...at present Lahat kami nabigla sa lahat ng mga sinabi niya, hindi makapaniwala na pinagplanuhan lahat ni Leigh pati ang pakikipagkaibigan sa amin. Ngunit sa mga rebelasyong narinig namin ay ako ang lubos na naaapektuhan, ako ang dapat sisihin kung bakit pati mga kaibigan ko ay nadamay sa galit niya sa Nanay ko. "Leigh, kung ano man ang nagawa ng Mommy ko sa pamilya mo, ako na humihingi ng tawad, ako nalang pagbayarin mo, hindi mo na kailangan idamay pa sila" pagmamakaawa ko sa kanya. "Ahahahaha, Annie! Teka lang ha! Hindi nalang basta tungkol 'to sa kasalanan ng Mommy mo sa amin, nalilimutan mo na ba ang pagkawala ni Kevin dahil din sa inyo, dahil sa inyong lahat!!!" "Kaya kung may dapat magbayad, hindi lang ikaw Annie, lahat kayo!!!" Unang pagkakataon na makita ko si Leigh sa ganoong kalagayan, na nakakasindak at punong puno ng poot at galit ang nararamdaman. Ibang-iba sa pagkakakilala
Last Updated: 2021-07-27